1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 7
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 7

14 minutes

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 7

Umalingawngaw ang tunog ng bell..

Hudyat na tapos na ang klase para sa araw na iyon..

Tahimik na inimis ng batang si Zack ang kanyang kakarampot na gamit..

Ultimo mga scratch paper nya ay sinisilid nya sa bag para magamit nya pa sa mga susunod na pasok..

Ng matapos mag ligpit, hinintay ni Zack na maubos ang mga kaklase nyang sabay sabay na nagsisilabas..

Ayaw nyang makisabay sa mga ito..

Hindi pala sa ayaw.. Nahihiya sya..

Pinapanuod ni Zack na unti unting maubos ang mga kaklase ng may biglang kumalabit sa balikat nya..

Paglingon nya ay ang nakangiting mukha ni Gwen ang tumambad sa kanya..

"Hey, Kamusta ka na?.." tanong ng dalagita..

Ngumiti si Zack..

"Ayos lang naman.." mahina nyang sagot..

Tumayo na ang binatilyo..

Tarantang sumunod si Gwen..

"Oy pasabay .. " sabi nito..

Ngumiti ng kimi si Zack..

Tahimik silang naglakad patungo sa hagdan..

"Hatid mo ko sa gate.." ungot ng dalagita..

Umiling si Zack..

"May susunduin pa kasi ako eh.." sabi nya..

Kunot noo naman si Gwen..

"Sino?.." tanong nito..

"Y-yung anak ng amo ko..Dito din sya nag aaral.. Grade 1 sya.." sagot ni Zack..

Tumango tango ang dalagita..

"Ah ganun ba?.. Sige.. Sa susunod na lang then.. Bye.. " paalam ni Gwen..

Kumaway si Zack sa dalagita..

Hinintay nya muna itong mawala sa paningin nya bago sya naglakad patungo sa building nina Sab..

Binagtas nya ang hagdan..

Lumiko sya pagdating sa second floor..

Sumilip sya sa pinto nito..

Kita nyang tahimik na nakaupo si Sab sa isang dulo..

Pumasok sya at nilapitan ang bata..

Napasimangot si Sab ng makita sya..

"Bakit ngayon ka lang?.. " salubong na tanong ni Sab..

Napakamot sa batok si Zack..

"Eh ang tagal umalis ng teacher namin eh.." sagot nya..

Umismid ang bata..

"Tara na Sab..Baka maiwan tayo ng school bus.." sabi ni Zack..

Dinampot nya ang bag ng bata..

Tahimik naman itong tumayo at nagpauna pa ng paglabas sa kwarto..

Tinahak na nila ang daan patungo sa parking area kung saan nakapark ang school bus na sasakyan nila pauwi..

Tahimik ang dalawa .. Wala silang kibuan habang magkatabing nakaupo..

Nagtataka si Zack..

Matabil na bata si Sab..Pero mukhang wala itong ganang makipag usap sa kanya ngayon..

Nakikiramdam lamang sya.

Nilingon nya ang bata..

Tahimik lamang itong nakatingin sa labas ng bintana at nagmamasid masid sa mga nadadaanan nilang tanawin..

Nagpasya si Zack na wag na lang istorbohin si Sab..

Baka magalit pa ito sa kanya.

Ilang oras lang ay huminto na ang school bus sa harap ng malaking bahay nina Sab..

Muling dinampot ni Zack ang bag ng bata at walang ingay na sumunod dito sa pagbaba..

Ngumiti ng kimi si Zack sa driver na si Mang Lito.

Pumasok sya sa loob..

Nadatnan nya ang nanay nya na kumakain ng tinapay sa hardin..

Humalik si Zack at nagmano..

"Gandang hapon po Nay.." bati nya..

"Kaawaan ka ng Diyos anak..Oh hala at iakyat mo na yang mga gamit ni Sab tapos magpalit ka na din ng damit..Baka matuyuan ka na dyan sa suot mong uniporme.. Tapos kunin mo yung itinabi kong miryenda dun sa mesa tapos ibigay mo kay Sab..Meron akong tinabi para sayo..Tinakpan ko lang ng plato..Unahin mo munang bigyan si Sab anak tapos bantayan mo na din.." bilin ng nanay ni Zack.

Tumango lang ang binatilyo..

Ano pa bang bago?..

Sa pagtuntong nya sa malaking bahay na ito..

Ang naging pinakatrabaho nya ay ang pagbabantay sa batang si Sab..

Pumasok sya sa malaking bajay, nilapag nya sa pinakaunang baitang ng hagdan ang sariling mga gamit at kipkip ang mga gamit ni Sab, binagtas nya ang hagdan..

Kumatok muna sya sa kwarto ng bata..

Pero di ito sumagot kaya nagpasya na si Zack na buksan na lamang ito..

Pinagmasdan ni Zack ang paligid..

"Sab?.. " tawag nya..

Wala ang bata sa kama nito..Pumasok si Zack..Nilapag ang bag ni Sab sa kama at pinuntahan ang banyo..

Kumatok syang muli at binuksan ang pinto.

Pero pa rin ito duon..

Biglang may narinig si Zack na hikbi..

Likas na matatakutin..Nanindig agad ang kanyang balahibo.

"S-sab?.. Nasan ka?.. " tanong nya.

Pero walang sumagot..

Akmang aalis na si Zack sa kwarto ng muli nyang marinig ang pamilyar na boses..

Parang nagsasalita..

"Sab?.. " tawag pa nya..

Lumapit sya sa closet ng bata..

Dahan dahan nya itong binuksan..

Madilim sa loob..

"Ang bad nila..ang bad nila !.. " bulong ni Sab..

Pinindot ni Zack ang switch ng ilaw sa gilid ..

Bumaha ang liwanag sa loob ng closet...

Agad napansin ni Zack ang nakatalikod na si Sab..

Nakaupo ang bata at nakasandal sa dingding..Yakap nito ang mga tuhod nito..

Nag aalalang lumapit agad si Zack..

"S-sab?.." tanong nya.

Umangat ang mukha ng bata..

Hinaplos ng awa ang puso ni Zack ng makita ang luhaang mukha ni Sab..

Agad nya itong niyakap..

Biglang humagulgol si Sab sa dibdib nya..

"Ssshhh...Sige lang ..Iyak mo lang " pang aalo ni Zack..

Di nya malaman ang nararamdaman..Parang may kung anong makati sa mga mata nya.

Naiiyak na din sya..

Naiiyak sya sa di nya malamang dahilan..

Ah, marahil sa nakikitang sitwasyon ngayon ng batang si Sab..

Hinagod nya ang likod ng bata..

Pilit nyang sinasabi sa pamamagitan ng paghagod dito at pagyakap na nandito lamang sya at handang makinig..

Halos ilang minuto ding umiyak si Sab sa dibdib ni Zack..

Matapos nito..

Tahimik na inalalayan ni Zack ang bata palabas ng closet..

Inakay nya ito patungong kama at pinaupo..

Tinabihan ni Zack si Sab..

Agad namang yumakap si Sab sa binatilyo..

Tahimik lamang sila..

Nakatingin sa harap..

Ilang minuto ang muling lumipas..

Nagtanong si Zack..

"A-ano bang nangyari?.. " tanong nya.

Humikbi ang bata..

Parang nakakita ito ng kakampi at pagsusumbungan..

"S-sila kasi.. Ang bad.. Sila kasi." muling nabasag ang tinig ni Sab..

Inangat ni Zack ang mukha ng bata at masuyong pinunasan ang mga luha sa pisngi nito..

"Sinong sila?.. Sinong nag away sayo?.. " tanong nya..

"S-sila J-jane..Sabi nila..W-wala daw akong D-daddy at Mommy.." naiiyak na kwento ni Sab..

Natahimik si Zack..

"Bakit naman nila sasabihin yon?.. Eh andyan sina Tito at Tita di ba?.. Buhay sila eh.." pangangatwiran niya..

Hikbi lang ang sinagot ng bata..

"K-kasi..Kanina..May Assignment kami..Sabi ni Teacher dapat daw punta kahit one parent sa school para sabihin sa classmates ang work ng Daddy .. Pero wala nagpunta sa akin.." naiyak na naman si Sab..

Nagbago ang paningin at pananaw ni Zack bigla..

Akala nya..

Maswerte at napakapalad ng mga katulad ni Sab na ipinanganak ng maraming pera..

Akala nya... Kapag mayaman ka, wala ng problema..Puro sarap na lang at puro tawa ang mararamdaman mo..

Pero mukhang nagkamali sya..

Sa nakikita nyang sitwasyon ni Sab ngayon..

Masasabi nyang kahit papaano.. Masuwerte pa rin sya kahit na silang dalawa na lamang ng kanyang ina ang nabubuhay ..

Di nagkukulang ang kanyang ina sa mga ganitong programa sa eskwelahan..Lagi nitong sinasabi na wag na wag mahihiyang tawagin sya sa school na sya namang ginagawa nya..

Kahit kailan ay di mangyayaring ikakahiya nya ang kanyang ina..

Niyakap ni Zack ang bata..

Wala syang masabi o maisip na gawin para payapain ang nararamdamang kalungkutan ng bata..

"S-sabi nila.. Di daw ako love ng Daddy at Mommy ko.." mahinang dugtong ni Sab..

Napailing si Zack..

"Di tutoo yan..Kung di ka nila mahal. .Sana di na sila magtatrabaho ..Sana nagpakasarap na lang sila sa buhay.." katwiran nya..

Napatingin ang luhaang bata sa kanya..

"Kung Love nila ako..Dapat sila naghahatid sa school sakin..Si Daisy hatid lagi ng Dad at Mom nya.." muling nabasag ang tinig ni Sab..

Walang masabing kahit ano si Zack..

Batid nyang di sya ang dapat na kumakausap ngayon sa bata pero ayaw naman nyang iwanan ito..

Di nya alam ang nararamdaman..Parang nararamdaman din nya ang nararamdaman na paghihirap ni Sab..

"Nagtatrabaho sila para sayo Sab..Sinisigurado nila na di ka maghihirap paglaki mo..Tingnan mo ako..Ako nga walang baon.. Pero ikaw, madami kang pera.. Madami kang nabibili..Kahit anong gusto mo..Nakukuha mo..Pero kami..Kailangan pa naming magtrabaho para makabili ng mga gusto naming bilhin.." paliwanag ni Zack..

"P-pero..sila ang gusto ko.." mahinang sagot ni Sab..

Awang awa si Zack sa bata..

Wala talaga syang maisip na magawa kaya niyakap na lamang nya ito..

Kung dati parang kaaway ang tingin sa kanya ni Sab.. NGayon ay parang nakakita ito ng kakampi sa katauhan nya..

Tahimik silang nagyakap..

Ilang sandali ang lumipas, nagsalita si Sab..

"Wag mo ko iwan ha?.. " tanong nito..

Natawa naman ang binatilyo..

"Bakit naman?.. " natatawang tanong nya.

Ngumuso si Sab..

"Basta.." sabi nito...

Tumango si Zack..

"Yun lang pala eh.." sabi nya..

Ngumiti ang bata..

"Kaw na lang Kuya ko.. Si Daisy may kuya din e..Gusto ko din may Kuya.." sabi nito..

Lalong natawa si Zack sa nais na mangyari ng bata..

"Ha?..Eh katulong nyo nga lang kami dito eh.." sabi nya..

Pero nagsimangot ang bata..

"Basta..Kuya kita !.." giit nito.

Para matigil na ang bata..Tumango si Zack..Nagtatalon sa tuwa si Sab..

"Yeeeheyy..May kuya na koooo..." sigaw nito..

Napangiti na lang ang binatilyo..

Maya maya at bumaba ng kama ang bata..

"Kuya..Gutom na ko..Dali may mickey sa TV !.. " tili ni Sab..

Tawa ng tawa ang bata na palabas na sana ng kwarto pero muli syang tinawag ni Zack..

Kunot noo itong napatingin..

"Why?.. " tanong nito..

Nginuso ni Zack ang suot ni Sab..

"Bihis ka kaya muna?.. " sabi nya.

Natawa si Sab at muling tumakbo papasok sa closet..Mabilis nyang hinubad lahat lahat ng suot nya..

Lumabas sya ng kwarto ng hubo't hubad..

"Kuya bihis mo ko.." ungot nito..

Sumunod naman agad si Zack..

Agad syang naghanap ng pampalit sa suot ni Sab..

Sinuklayan nya pa ito ..

Matapos ang lahat..Mabilis na hinawakan ni Sab ang kamay ng Kuya Zack nya para bumaba...

Hinatid ni Zack sa salas ang bata..

"Dyan ka lang..Kunin ko yung miryenda mo.." sabi nya..

"Open TV.." utos ni Sab..

Kakamot kamot na lumapit si Zack sa malaking telebisyon at binuksan ito..

"Lipat.." utos muli ng bata..

Dinampot naman ni Zack ang remote..Alam na nya ang paboritong istasyon ni Sab kaya mabilis nya itong nilipat ng channel..

"Oh ayan na.." sabi nya.

"Pillow.." utos pa ni Sab..

Gigil na binato ni Zack ng unan si Sab..

Tatawa tawa lang ang bata..

Mabilis syang umalis sa sala dahil baka kung ano pa ang maisipang ipadampot ni Sab..

Nakita nyang nagbabasa ng pocket book ang ina sa kusina..

"Oh anak...Ang tagal nyo naman?.. "tanong nito..

Uminom ng tubig si Zack bago sinagot ang tanong ng ina..

"Eh si Sab nay... Nag inarte pa.." sabi nya..

Kunot noo ang nanay nya..

"At ano naman daw ang pinag inarte?.. "tanong ni Ditas..

Nagkibit balikat si Zack.. Kinuha nya ang miryenda ni Sab sabay muling pinuntahan ang bata..

Nilapag nya ang miryenda nito sa mesa..Kasama na ng juice..

"Kuya subo mo ko.." utos ni Sab..

"Ngek..Magbibihis pa ako..Sige na Sab kaw na lang.." angal ni Zack..

Di na nakapagsalita si Sab dahil mabilis na umalis ang binatilyo..

"Oh bakit poarang nagmamadali ka ?.. " tanong ng nanay nya..

Umupo si Zack sa katapat na upuan at sumubo ng pansit..

"Ano nga ulit yung pinagiinarte ni Sab?.. " tanong muli ni Ditas..

"Ayun nga ho..Mangyari ho pala na may assignment pala sina Sab sa school..Papapuntahin daw kahit isa sa mga magulang para makwento ang trabaho ng mga tatay nila..Ayon ho..Mukhang di ho alam ni Tito at Tita yon.." sabi ni Zack..

Nanlaki ang mga mata ni Ditas ..

"Ha?..Eh akala ko nabasa na nya?.. " gulat na sabi ng nanay nya..

Nagtaka si Zack..

"Ano po yon Nay?.. " tanong nya..

Napailing si Ditas..

"Mukhang nakalimutan nga ni Saimon yun anak...Ang alam ko may sulat na inabot si Sab kagabi sa Daddy nya..Yun ata yung assignment na sinasabi mo..Kawawang bata..Masyadong abala ang mga magulang nya para man lamang matingnan sya.." naiiling na sabi ng nanay ni Zack..

Muling hinaplos ng awa ang puso ni Zack..

"Nakakaawa din si Sab inay .." sabi nya..

Tumango ang ina..

"Tama ka anak..Kahit na sandamakmak ang pera nila..Kulang na kulang pa rin si Sab sa atensyon ng mga magulang nya..Tama nga yung kasabihang "Di Lahat kayang Bilhin ng Pera".. " sabi ni Ditas..

Tahimik silang kumaing dalawa..

Matapos maubos ni Zack ang miryenda.. Nagpaalam na sya sa ina para magpalit ng damit..

Pumasok sya sa kwarto at agad na naghubad ng uniporme..

Nakatuwad pa sya habang naghahanap ng shorts..

Biglang may pumalo sa pwet ni Zack..

Nagulat ang binatilyo kaya napahiyaw sya..

Paglingon nya ay nakita nyang humahagikgik si Sab sa isang tabi..

"Oy anong ginagawa mo dito?.. " tanong ni Zack..

Tatawa tawang naupo si Sab sa kama nilang mag ina..

"Tagal mo kuya eh..Dun tayo.. Watch tayo TV.. " ungot ni Sab..

Inis na nagtakip ng kumot si Zack..

"Dun ka muna..Susunod na ko..Magbibihis lang ako.." sabi nya..

Nagtaka si Sab..

"Bakit ?..Di magbihis ka.." sabi nya..

Napailing si Zack..

"Sige na ..Dun ka na .." nag galit galitan na sya..

Pero wa epek kay Sab..Ngumiti lang ito ng matamis..

"Di..Bantay kita kasi baka mag sleep ka.." sabi nito..

Gigil na nagbihis si Zack sa likod ng pinto..

Nagtataka si Sab kung bakit ganun magbihis ang kuya Zack nya..

Pero di nya ito pinansin..

Mabilis namang natapos sa pagpapalit ng pambahay si Zack..Mabilis din si Sab na hinablot ang kamay ng kuya nya at inakay patungo sa salas..

Nadatnan nila ang nanay nya na nagbabasa pa rin ng pocketbook..

"Hello po Naynay.." bati ni Sab..

"Hello iha.." bati ni Ditas..

Nakasimangot si Zack na napatingin sa nanay nya..

Ngumiti lang si DItas..

"Anak..Pagbigyan mo na sya.." utos ng ina

Tumango si Zack kahit na labag sa loob nya..

Marami pa syang assignments na dapat gawin..

Mabilis na naakay ni Sab ang kuya Zack nya patunong salas..

Naupo silang magkatabi sa sofa..

Lumayo si Zack pero lumalapit si Sab sa kanya.

"Bakit ka ba lumalayo kuya?.. " asar na tanong ng bata..

Nagkibit balikat lang si Zack..

Inis na pinatong ni Sab ang mga paa nya sa kandungan ng kuya nya..

Walang nagawa si Zack..Nanuod na lamang sila.

Di man nya gusto ang palabas dahil masyadong pambata at english pa..Wala naman syang magawa..

Baka umiyak na naman si Sab..

Tahimik na lamang siyang nanuod..

Ilang saglit pa..

Naramdaman ni Zack na parang naging tahimik na ang bata..

Pagtingin nya ay napangisi sya ng makitang tulog na tulog na pala ito na nakaupo sa sofa..

Dahan dahang inalis nya ang mga binti ni Sab..

Tagumpay naman..

Dumaan ang nanay niya..

"Oh nakatulog na pala sya..Wag mo ng gisingin anak.." sabi ng nanay ni Zack..

Ngumisi ang binatilyo..

"Talaga po Nay..Mangungulit na naman ito eh.." sabi nya..

Natawa si Ditas at muling umalis ..

Nagpasya si Zack na dito na sa salas gumawa ng takdang aralin..Pinatay nya muna ang TV..

Matapos sulyapan si Sab, nagpunta si Zack sa kwarto nya para kunin ang mga gamit nya..

Pagbalik nya ay tulog pa rin si Sab..

Sumalampak sya ng upo sa harap nito at nagsimulang gumawa ng assignments..

Ilang saglit lang ay umungol si Sab..

Nilingon ito ni Zack ..Kita nyang nahihirapang matulog ang bata sa posisyon nitong nakaupo..

Nagpasya syang kumuha ng kumot sa kwarto nito..

Mabilis na tinakbo ni Zack ang kwarto ni Sab..

Dinampot nya ang kumot nitong nakatupi sa lalagyan at akmang aalis na sana ng mahagip ng mga mata nya ang bag ng bata..

"Baka may Assignments sya.." bulong ni Zack sa sarili..

Mabilis na dinampot ni Zack ang bag ni Sab at sinara ang pinto..

Agad syang bumaba patunong salas..

Nakanguyngoy na ang ulo ni Sab..

Dahan dahang inayos ni Zack ang isang unan para duon pahigain ang bata..Matapos nito ay tahimik nya itong kinumutan..

Hinaplos ni Zack ang maamong mukha ni Sab..

"Bad kayo !.." sigaw bigla ni Sab.. Umagos ang mga luha sa mata nito..

Mukhang nananaginip ang bata..

Niyakap agad ni Zack si Sab..

"Sssshh... Wala sila.. Di ka nila masasaktan pa.." bulong nya sa tenga ng bata..

Humikbi hikbi si Sab..

Muli itong payapang nakatulog..

Masuyong pinunasan ni Zack ang mukha ng bata..

Nakaramdam sya ng awa sa sitwasyon nito..

"Kuya.. Dito ka lang.." bulong ni Sab..

Napangiti si Zack sa sinabi ng bata..

Mula sa araw na iyon..

Tiimbagang syang nangako sa sarili..

"Lagi lang akong nasa tabi mo Sab.. Pangako.." ganting bulong nya..

Kinumutan nyang muli ang bata at masuyong hinalikan sa noo..

Buo ang determinasyon sa dibdib na aalagaan si Sab sa abot ng kanyang makakaya..

ITUTULOY !!!

Posted in: Romance