1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 32
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 32

15 minutes

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 32

Aligaga na si Sab ..

Kanina nya pa kinakagat ang kuko ng hinlalaki ng kanang kamay nya..

Napapansin na sya ng katabi na si Heidi..

"Hoy Sab... Ano bang nangyayari sayo ?.. " untag nito..

Napakislot si Sab..

Tumingin sya sa katabi nya na naging kaibigan na din nya..

"W-wala.. " sabi lang nya..

Pasimple nyang nilingon ang bintana..

Nakapagtataka..

Kanina ay narinig nya ang malakas na sigawan na nanggagaling sa gym..

Pero sa di nya malamang kadahilanan.. Bigla na lang tumahimik ang paligid..

At ang mas nakapagtataka pa nito ay kanina pa mabilis at malakas ang tibok ng puso nya..

Talagang di nya maintindihan..

Gustong gusto na nyang magpunta sa gym para manuod ng laban.. Pero dahil sa may isa pa silang pagsusulit para sa unang subject, di sya makapunta..

Kailangan nya munang tapusin ang exam nya bago sya makalabas..

Kanina pa sya tapos..

Hinihintay na lamang nya ang ilang kaklase na sumasagot pa rin..

Naghahalo na ang inis at kaba sa kalooban nya..

Sa inis ni Sab ay pinagpapadyak nya ang paa ng mahina..

Natawa ang katabing si Heidi..

"Di ka rin makulit eh no ?.. Ano ba kasing problema mo ?.. Di ako makaconcentrate dito eh.. " sabi nito..

Inirapan lang sya ng dalagita..

Natawa si Heidi..

Batid nya ang dahilan kung bakit tila di mapakali ang kaklase..

"Gusto mo ng lumabas no ?.. Gusto mo ng mapanuod yung nangyayaring game sa gym.. Balita ko finals na .. " sabi nito..

Napalingon si Sab..

Nagliwanag ang mga mata nya..

May kaklase pala syang updated din sa nangyayaring event..

"Oo nga eh.. Ano na kaya nangyayari dun ?.. " tanong nya sa sarili..

Nagkibit balikat si Heidi at ngumiti..

"Haaayyyy.. Salamat at nakatapos din.. " sabi nya..

Ngumiti si Sab..

"Labas na tayo.. " pag aaya nya..

Lumingon ang katabi nya sa kanya..

"Eh di pa sila tapos.. Alam mo namang kailangan sabay sabay tayong magpasa ng papers eh.. " sabi nito.

Napakagat labi si Sab..

Alam nya ang drill ng guro kapag nag eexam..

Kailangang sabay sabay silang magpapasa.

Pero talagang di na sya makapaghintay..

Nilibot nya ang paningin sa paligid..

Sa nakikita nyang mga mukha ng mga kaklaseng di pa tapos..

Mukhang nahihirapan ang mga ito..

Kahit sya aminadong nahirapan sa nasabing pagsusulit..

Ang lamang lang nya ay madalas syang mag review..

Sinasabayan nya ang pag rereview ni Zack minsan.. Natuturuan din sya nito kadalasan ng mga advance lessons kaya naman medyo advance na din ang nalalaman nya..

Napabuntong hininga si Sab..

Muli nyang nilingon ang buong klase..

Gusto na nyang manlumo..

Marami rami pa ang nag tatake ng exam..

Nagsisimula na syang mag tap sa desk nya..

Pero pinigilan sya ng katabi na si Heidi..

"Stop... Baka lalo ka lang di makalabas.. " saway nito..

Napasimangot si Sab..

"I want to watch the game na eh.. " atungal nya..

Ngumiti si Heidi.

"I know.. Ako rin naman eh.. " lumabas ang kagandahan ni Heidi ng ngumiti ito..

Napatingin si Sab sa kaklase..

"Hulaan ko kung sino i-cheecheer mo .. " panunukso nya..

Nawala ang ngiti ni Heidi..

Unti unting namula ang mga pisngi nito..

"S-sino naman daw ?.. " mahinang tanong nito..

Napangiti si Sab..

Pero nakaramdam sya ng ngitngit..

"Syempre si Kuya Zack.. " sabi nya..

Nag iwas ng tingin si Heidi..

"I-ikaw talaga.. Tutulungan na nga kitang makalabas eh.. Nanunukso ka pa.. " sabi nito..

Nagliwanag ang mga mata ni Sab..

Hinawakan nya ang kamay ng kaklas..

"Talaga ?.. Thanks much.. Tara na .. " pag aaya nya..

Natawa si Heidi sa pagmamadali ng kaklase..

"Teka teka.. Ligpitin mo muna kaya yung mga gamit mo.. " natatawang bulong nito..

Napangiti si Sab at dali daling nagligpit ng gamit..

Malakas sa teacher nila ang kaklaseng si Heidi dahil pamangkin ito ng Principal..

Magkahawak kamay silang lumapit sa gurong abala sa pagbabasa ng libro..

"S-sir.. May we go out na po ?.. " kiming paalan ni Heidi..

Kumunot ang noo ng guro..

"Tapos na ba kayo ? .. " tanong nito..

Tumango ang dalawa..

"Are going too Sabina ?.. " tanong pa ng guro..

Tumango tango si Sab..

Humigpit ang hawak sa kamay ng kaklase..

"Saan kayo pupunta ?.. " tanong pa nito..

Nagkatinginan sina Sab at Heidi..

"Sa gym po to cheer the team.. " sabay pa nilang sagot..

Nawala ang focus ng mga estudyante ng marinig ang pakay ng dalawa..

"Hala gusto din naming mag cheer.." parinig ng isa nyang kaklase..

Nagingay na ang buong silid..

"Quiet !.. Are you done with your exam ?. " sigaw ng guro.

Natameme ang karamihan..

Pero lakas loob na nagsalita ang mga tapos na..

"Yes sir.. " sabi ng ilan..

Napaisip ang guro..

"Sir.. This is the least we can do to help the team.. To cheer them.. Wala naman silang sinabing icheer natin sila pero syempre.. Di na naman nila kailangang humingi ng suporta.. " lakas loob na sabi ni Heidi..

Napangiti si Sab..

"Thanks " bulong nya..

Ngumiti din si Heidi..

"No prob.. " ganting bulong nito..

Muling napaisip ang guro..

"Hintayin nyo na munang matapos ang iba.. Let me think about it first.. " sabi nito sabay hawak sa baba..

Nagkatinginan sina Sab at Heidi..

Parehong napasimangot..

Hingal na hingal na si Zack..

Tinapik sya ng kaibigang si Denzel..

"Ano pare ?.. Kaya pa ?.. " humihingal nitong tanong..

Tumango ng marahan si Zack..

Hangga't maaari ay ayaw nyang magsalita dahil mas lalong nababasawan ang lakas nya..

Nahihiya syang lumingon sa kinauupuan ng ina at ng mag asawang sina Saimon at Bridgette..

Wala syang magawa..

O mas tamang sabihing wala silang magawa.

Masyadong malalakas ang kalaban..

"Pre ayan na.. " sigaw ni Rigor..

Umayos ng depensa sina Zack at Denzel..

Dumipa si Zack at sinalubong ang bantay nya..

Mahigpit nya itong binantayan..

Hawak ni Brix ang bola..

Maging ito ay pawisan na din pero halatang dahil lamang sa katatakbo at init ng klima..

Samantalang sila ay dahil sa pagod at pressure..

Home court nila..

Nakakahiya kung matatalo sila..

Kahit pa sabihing dating champion ang school na kaharap nila ngayon.. Di ito rason para magpatalo na lamang sila basta basta..

Kailangan nilang mag tulungan..

Pero paano..

Wala na silang magawa pang ibang taktika..

Halos lahat ng oras ng first half ay naubos nila kakadepensa at paghabol lamang sa lamang ng kalaban..

Pasimpleng nilingon ni Zack ang scores..

Napangiwi sya ng lihim..

47 - 24

Tambak sila ng 23 puntos..

Tatlong minuto na lamang ang nalalabi bago matapos ang first half..

"Zack !.. " sigaw ni Denzel..

Napapitlag si Zack...

Paglingon nya ay nakatalon na ang bantay nya ..

"Rebound !.. " sigaw ni Spolstra..

Buong lakas na hinawi ni Rigor ang dalawang malalaking katapat nya..

Kailangan nila nag rebound na ito..

Pero huli na..

Pasok ang tira..

Sumipol ang ref..

.

"Counted !.. 3 points !.. " sabi nito sabay turo sa player na nakaiskor..

Tinaas ni Brix ang mga kamay ..

Sabay tinuro ang team nina Denzel..

Napatingin sa kanya ang lahat.

Umalma sina Denzel pero sumipol muli ang ref..

"Time out !.. Home team !.." sigaw nito..

Hingal na nagkatitigan na lamang ang mga manlalaro..

"Come here na kids.. " sigaw ni Spolstra..

Tahimik silang bumalik sa bench..

Lumong lumo sina Zack..

Di pa tapos ang first half pero wala na silang magawa..

Binuhos ni Rigor ang isang plastic bottle ng tubig sa mukha..

"Gising Rigor !.. " pinagsasabunutan nito ang sarili..

Hinihingal na lumapit ang isa nilang team mates at dinuro si Zack..

"Tulala ka kasi.." sigaw nito..

Nagulat ang lahat..

Tumayo ang iba pa at sumang ayon sa nanduro kay Zack..

Pati iba nilang audience sumabay na din..

Tumayo si Rigor at tinulak ang kakampi..

"Tangna ka.. Lahat tayo nahihirapan dito naninisi ka pa ?.. Bakit ikaw may ambag ka ?.. " sigaw nya..

Nagkampi kampi na sila sa bench..

Tumayo si Denzel at pumagitna..

Hinihingal sya ..

Pero di sya nagsalita at tinitigan na lamang ang mga kakampi..

Nahiya naman si Rigor..

Naupo sya sa tabi ng nakayukong si Zack at inakbayan ito..

"Don't mindness them bro.. They are just inggit on you.. " english carabao na payo nito..

Napangiti ng malungkot si Zack..

"Kasalanan ko naman talaga.. Natutulala kasi ako.. " sabi nya..

Pasimple syang lumingon sa bench nina Brix at nagngitngit sya ng makitang nakangisi ito..

Napayuko na lamang ang binata..

Napahilamos si Spolstra sa mukha nya..

Kitang kita nya sa mga players nya na hirap na hirap na ang mga ito..

Katunayan ang tagaktak ng pawis ng mga manlalaro sa harap nya..

Kailangan nyang mag desisyon..

Labag man sa kalooban..

Kailangan nyang alisin si Zack..

"Zack iho.. " mahinang pagtawag ni Spolstra..

Hingal na tumayo si Zack at lumapit sa Coach..

"Pahinga ka muna.. Si Manuel muna ang palit sayo.. " sabi nito..

Nanlumo si Zack..

Pero wala naman syang magawa dahil utos ito ng Coach..

Ngumiti na lamang sya ng kimi at marahang tumango..

"S-sige po.. " sabi nya.

Tinapik sya sa balikat ni Spolstra..

"Magpahinga ka.. Kailangan kita sa second half.." sabi nya..

Tumango si Zack at nagbalik sa dating upuan nya..

Nag isip ng taktika si Spolstra..

Tumingin sya sa mga kalaban...

Pero mabilis din nyang binawi ang tingin dahil nag cecelebrate na ang mga ito..

Tinago nya ang galit..

Nag focus sya at tinitigan ang mga players nya isa isa.

Napunta ang atensyon nya kay Rigor..

Hingal na hingal na ito..

"Rigor halika.. " tawag nya..

Nanghihinang lumapit si Rigor sa batang Coach..

"Yo !.." biro nito..

Tinitigan ni Spolstra ang mataas na binata..

"Tell me.. May hika ka no ? .. " biglang bulong ni Spolstra..

Nanlaki ang mga mata ni Rigor at napayuko..

"O-opo.. " pag amin nito..

Tumango tango si Spolstra..

"That explains your deep breathing .. Masyado kasing mainit ngayon..Take a rest muna like Zack.. " sabi nya..

Umalma si Rigor..

"Pero Coach.. Kung pagpapahingahin nyo ako .. Sino pang mukhang artista sa court ?.. Eh ako ang pinakapogi dyan eh.. " reklamo nya..

Naramdam nya ang pagtapik sa balikat nya..

Paglingon nya..

Si Denzel pala..

"Coach is right pare.. Take a rest .. Mag rarally tayo mamaya.. " bulong nito..

Napangiwi si Rigor..

"Ngayon mo pa naisipang mag rally ?.. Ano bang pinaglalaban mo ?.. " tanong nya..

Pero binatukan sya ng coach niya..

"Boboness.. Ang ibig sabihin nya ay mamaya kayo naman ang pupuntos.. Magpahinga muna kayo ni Zack dahil kailangan ko kayong dalawa sa naiisip kong ideya.. Denzel iho.. Tiis lang muna .. Hangga't kaya mo pa.." utos ng Coach..

Tumango si Denzel..

Malakas pa sya..

Kaya pa ng katawan nya ang mga nalalabing minuto ng first half..

Muling sumipol ang ref..

Nagbalikan na ang mga players pero biglang may bumusina sa labas ng gym..

Maya maya ay pumasok ang mga dagsang mga nakapulang estudyante..

"Woooo !.. Go guys !.. " sigawan ng mga ito..

Napakaraming supporters mula sa eskwelahan nina Brix ang dumating ..

Lalong nagdiwang ang mga ito ng makita ang tambak na iskor..

"Woo.. Panis naman pala yang mga yan.. Homecourt pa daw.. Ibaon na yan !.. " sigaw ng isa..

Nagtawanan ang mga nakapula..

Gigil ang mga kaeskwela nina Zack.

Nais nilang lumaban ng cheerings pero wala silang makitang pag asa mula sa team..

Kaya imbes na magbigay ng suporta ..

Nanahimik na lamang sila..

Nagkaroon ng saglit na break dahil inayos ang mga dumating na fans ng kalabang eskwelahan..

Hinati ang gym..

Kalahati pula..

Kalahati puti..

Pero mas lamang ang pula..

Nakakahiyang home court pa nila..

Lalong nawalan ng pag asa ang mga kakampi ni Denzel.

Pinagpapalo nya ito sa pwet ..

"Oh ano na ?.. Gising gising.. Di pa tapos ang laban mga unggoy.. " sabi nya..

Napangiti lang ang mga ito ..

Pero kahit sila di na umaasang mananalo..

Muling sumipol ..

Pumasok na ang mga players..

"Go guys .. !.. " sigaw ni Zack..

Tumayo si Rigor ..

"Give me a D !.. Go Denzelicous !.. " landi nya..

Nagtawanan ang mga ka eskwela nina Zack..

Huminga ng malalim si Rigor..

"Sinong gustong makarinig ng golden voice ko ?.. " sigaw nya..

Marami ang sumigaw bilang pag protesta..

Napangisi si Rigor..

"May mga boses pala kayo.. Libre ang cheer guys !.. " sigaw din nya..

Pero biglang nawalan ng boses ang karamihan..

Takot na mapahiya sa kalabang fans..

Nagngitngit sina Zack..

Last minute na lang..

Nadagdagan ng 6 na puntos ang lamang nina Brix..

59 - 30 ang skor ..

Bola pa nina Brix..

Dahil sa ganitong scenario..

Lalong dumodoble ang pagod na nararamdaman ng mga kakampi ni Denzel..

Pero sya ay nanatiling matatag..

Kailangan nyang magfocus at wag sumuko..

Bilang team captain.. Yun ang tungkulin nya..

"Guys guys.. Depensa.. Depensahan nyo ang bola as if na ikakamatay nyo kapag nakaiskor sila.. " sigaw nya..

Pero wala na atang nakikinig sa kanya..

Iniwasan ni Denzel ang manlumo..

Nakangiti pa rin sya..

Focused..

Dali daling pumasok sina Sab..

Napalingon sa kanya ang mga magulang..

"Anak dito !.. " sigaw ni Saimon..

Ngumiti si Sab..

Sumiksik sya sa mga tao hanggang sa makarating sa kinauupuan nina Ditas at ng iba pa..

Nasa likod ni Zack sina Primo, Gustavo at Vincent..

Tahimik ang tatlo..

Habang nasa tabi ni Primo si Ditas..

Walang maupuan si Sab..

"San ako ?.. " tanong nya..

Pero walang nagbibigay ng upuan..

Sa inis nya ay piningot nya ang tenga ni Primo..

Napangiwi ang binata sa gulat..

"Anak ng pating.. Ano ba yon ?.. " asar na sabi nya..

Tinaas lang ni Sab ang kilay at ngumuso..

Napangiwi si Primo..

Tumayo sya..

"Oh.. " asar na binigay nya ang upuan sa dalagita..

Pero may tinawag pa si Sab..

Lumapit ang isa pang dalagita..

"Wag mong sabihing mag kakandong kayo ?.. " tanong ni Primo..

Ngumisi lang si Sab..

Napailing na lang si Primo at nilapitan ang mga nasa likod ni Ditas na estudyante..

"Mga iho.. Mangyari lamang na lumayas kayo dyan.. " tinakot ni Primo ang mga estudyanteng naka upo sa likod ni Ditas..

Aangal sana ang mga ito pero nilakihan sila ng butas ng ilong ni Vincent at Gustavo..

Labag man sa loob..

Tumayo na lamang sa likuran ang tatlong kawawang nilalang.

Di mapakali si Sab..

Na harap nya ang binata ..

Sa nakikita nya .. Mukhang pagod na pagod ito.

Pero di pa rin tumitigil sa pag cheer sa mga kakampi kasama ni Rigor..

Hinaplos ang puso nya sa pagmamalaki sa binata..

"Ang bait ni Zack no ?.. " tanong ni Heidi..

Ngumiti si Sab kahit na nagseselos sya..

"Naman.. " sabi lang nya sabay titig sa binata na sumisigaw...

Tumayo si Primo pagkatingin sa orasan..

Pinagmasdan nya ang tahimik na crowd ng eskwelahan kontra sa masayang aura ng kalabang fans..

Nagtagis ang mga bagang ng binata.

Di sya mapakali na wala syang maitutulong sa mga kaibigan na naghihirap sa court..

Kailangan nyang gumawa ng kahit anong makakatulong sa mga ito..

Malapit ng matapos ang first half..

Nagtaka si Gustavo at Vincent..

"San ka pupunta ?.. " tanong ni Gustavo..

"Mag- iwan kayo ng titingin sa upuan natin.. Tapos sundan nyo ko sa labas ng gym.. " utos nya..

Nagkatinginan ang dalawa..

Napangiti sa isa't isa..

Mukhang may niluluto na naman ang kaibigan nila..

Imbes na magtanong pa..

Sinunod na lamang nila ang bilin ni Primo..

Kinalabit ni Gustavo ang tatlong binatang pinalayas nila..

Naglabas ng pera si Vincent..

"Oh eto pera.. Bantayan nyo lang itong pwesto namin hanggang sa makabalik kami.. Kapag di namin kayo nadatnan dito pagbalik namin.. Magtago na kayo.. " banta nya..

Takot na tumango ang tatlo at tinanggap ang pera na inaalok ng binata..

Sumunod ang dalawa kay Primo..

Natapos ang first half..

Napanatili ni Denzel sa 29 na puntos ang lamang sa kabila ng pagod..

Halos manlupaypay na sya pagkaupo sa bench..

Mabilis naman syang nilapitan nina Rigor at Zack..

"Pare.. Masahe ?.. " tanong ni Rigor..

Natawa si Denzel..

"Dito ako sa paa pre. Dyan ka sa braso.. " suhestyon ni Zack..

Tumango si RIgor..

"Tubig dito sa boss.. " biro nya..

Napangiti si Spolstra sa mga players nya..

Sa kabila ng hirap na pinagdadaanan ay nakukuha pa ng mga ito na magbiruan..

Sa pamumuno ng kengkoy na si Rigor..

Pero syempre..

Di pa tapos ang problema nila..

Nasa kalahati pa lamang sila ng kalbaryo..

Sana umubra ang balak nya..

Ang susi ay ang dalawang ito..

Sina Zack at Rigor..

Sana sapat na ang pahinga ng dalawa..

Para mabaligtad ang laban..

Sa labas ng gym..

Nagpulong ang tatlo..

"Kailangan nating tulungan yung mga gunggong na yon.. " sabi ni Primo..

Tumango ang dalawa..

"Sige.. Paano.. " tanong ni Gustavo.

Nagisip si Primo..

"Hakot tayo ng crowd.." sabi nya..

Nagkangitian ang tatlo..

Sanay na sila sa mala sindikatong challenge mula kay Primo..

"Sige.. Dun ako sa left wing.. " sabi ni Vincent..

"Sa middle ako.. " si Primo..

"So sa kanan na ako.. Kitakits na lang.. " paalam ni Gustavo..

Nag kamay ang tatlong binata sabay mabilis na nagsitakbo patungo sa kanya kanyang destinasyon.

Si Primo ang pinakamalapit kaya sya ang unang nakarating sa middle section ng eskwelahan..

Kasalukuyang nag kaklase ang mga 4th year student ng makarinig sila ng ingay mula sa labas..

Asar na lumabas ang baklang guro pero napatili sya ng makita ang isang binatang tumatakbo hawak ang isang kahoy..

Hinahampas ni Primo ang bawat pinto at binata ng mga klaseng dinadaan nya..

Galit na lumabas ang mga estudyante at kinorner ang binata..

"Siraulo ka ba ?.. " tanong ng isang estudyanteng malaki ang katawan..

Pero ni hindi natinag si Primo..

"Mga putangna nyo.. Nandito kayo nagkaklase habang lumalaban ang School Basketball Team nyo..Nilalampaso na kayo pagdating sa cheerings mga ungas !.. Tapos kapag natalo sisisihin nyo ang Team.. Pero kapag nanalo makikihati kayo sa tagumpay.. Matuto kayong sumuporta !.. " sigaw nya..

Galit na hinawi ni Primo ang mga estudyante at umakyat sa third flood para gawin muli ang nasimulan..\

Tulalang napatingin lang sa kanya ang mga estudyante at mga guro ..

Bahala na kung sakaling mapatawag ng guidance.. Ang importante nasabi nya sa sarili na may ginawa sya ..

Ang natitira na lamang na pag asa ay nakasalalay na sa mga kaibigan nya..

Pero di sya nangangamba na matatalo ang team nina Denzel..

Malaki ang tiwala nya sa mga kaibigan..

Kaya sa abot ng makakaya nya..

Gagawa sya ng paraan..

Para sa kaibigan..

Para sa pamilya..

ITUTULOY !!!

Posted in: Romance