1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 29
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 29

13 minutes

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 29

Ilang saglit din ang mag ina sa ganuong posisyon ng maghiwalay sila..

Natawa si Ditas at ginulo ang buhok ng anak..

"Hala at mag almusal ka na nga .. " sabi nya sabay singhot ..

Napangiti na lang din si Zack at marahang pinunasan ang mga luha sa kanyang mga mata..

Pinagsandok sya ng ina at masigla naman nya itong kinain..

Sa isip na wala talagang hihigit sa ina..

Muling naligo si Zack para sa paghahanda sa nalalapit na laban..

Final game nila..

Aminado sya sa sarili na kinakabahan pero kailangan nya itong harapin..

Kipkip ang hiniram na lumang duffle bag ni Saimon..

Lumabas ng kwarto ang binata at tinungo ang hardin kung saan nagdidilig ang ina..

"Nay.. Alis na po ako.. " paalam nya..

Pinatay ni Ditas ang gripo at nilapag ang hose..

Nilingon ang anak at inagaw ang bag..

Kinalkal ito ni Ditas..

Napakunot noo sya at nilingon ang anak..

"Oh nasan yung bimpo mo ?.. Pati twalya mo wala dito ah.. Pang basketball mo lang nandito at sapatos mo... Pati yung malamig na tubig na hinanda ko na nasa ref .. Ay anu ka ba namang bata ka .. Dito ka nga muna.. " inis na sabi ng nanay nya..

Napangiti na lang si Zack at napakamot sa batok..

Ilang saglit pa ay lumabas si Ditas pero di ito nag iisa, kasunod nito ang mag asawa na ikinagulat nya..

"Oh aalis ka na iho ? .. " tanong ni Bridgette..

Tumango si Zack..

"Oh anak oh.. Ilagay mo dyan sa bag mo.. " sabi ni Ditas..

Inabot ng nanay nya ang isang botelya ng malamig na tubig na nakabalot sa bimpo..

Sinaksak na lang ni Zack sa bag nya..

"Oh ano Zack .. ? Okay ka na ?.. Hatid kita.. Manunuod ako eh.. " nakangising wika ni Saimon..

Napangiti si Zack..

"Ay andaya.. Manunuod na lang din ako.. Sama ako Daddy.. " .. ungot ni Bridgette..

Napangiwi si Saimon..

"Iiwan mo si Ditas dito mag isa ? .. " tanong nya..

Nagkatinginan sina Zack at Ditas..

Ngumuso lang si Bridgette..

"What if isama natin sya ?.. Then after the game mag lunch tayo sa labas.. " suhestyon nya.

Napangiti si Saimon..

"Bright idea Mommy.. Sige.. Ahm.. Ditas bihis ka na.. Zack iho hintayin mo na lang kami ha.. " bilin nya..

Wala ng nagawa si Zack kundi mapatango na lang..

Ilang saglit lang ay umakyat na ang mag asawa sa kwarto nila habang naiwan ang mag ina sa garden..

"Nay bihis na daw po.. " untag ni Zack..

Pero malungkot na ngumiti si Ditas..

"D-dito na lang ako anak.. Walang tao sa bahay eh.. " pag iwas nya..

Kumunot ang noo ni Zack..

"Di nyo po ba narinig sinabi ni Tita Bridgette?.. Kasama daw po lahat.. " pag pipilit nya..

Pero tahimik lang na pinagpatuloy ni Ditas ang pag didilig ng halaman..

Nagtaka si Zack kaya napaisip sya sa kung ano ang maaaring maging dahilan ng ina sa pag iwas sa pagsama lakad nila..

Pero wala syang maisip..

Pero di naman nya nais na maiwan mag isa ang ina habang sya ay nagpapakasaya sa piling ng ibang pamilya .. Nangako sya sa sarili na aalagaan nya ito..

Pinihit ni Zack ang gripo para mamatay ito.

Napalingon lang si Ditas at ngumiti ng malungkot..

"Anak naman.. Sige na.. Mag enjoy kayo.. Galingan mo ha ?.. " sabi lang nya ..

Akmang lalapitan nya muli ang gripo pero humarang na si Zack..

"Nay, gusto ko po kayong makasama .. May problema po ba ?.. " tanong nya..

Umiling si Ditas at hinimas ang pisngi ng anak.

"Ito naman.. Wala lang ako sa kundisyon na mamasyal.. Sige na.. " pagtataboy nya ..

Pero ayaw umalis ni Zack..

Napasimangot si Ditas..

"Anak naman eh.. " reklamo nya..

Tinitigan sya sa mga mata ng anak..

"Di po ako aalis kapag di kayo sumama .. " matatag na sabi ni Zack..

Natawa si Ditas..

"Oh di hindi.. Sino bang mawawalan ?.. " paghamon nya..

Pero di umalis si Zack.. Bagkos ay naupo ito sa upuang bakal at inangat ang paa..

Inumpisahang kalasin ang sintas ng sapatos..

Nanlaki naman ang mga mata ni Ditas..

"Oy oy oy.. Anong ginagawa mo ?.. " tanong nya.

Pero desidido si Zack na ituloy ang pagkakalag ng sintas..

Ng matapos ay hinubad nya ang sapatos at nilapag sa damuhan.. Sinunod ang isa pang sapatos..

Sinimulan din nyang kalaging ang sintas..

Di pa sya natatapos ay pinigilan na sya ng ina..

"Oo na, oo na.. Itong batang ito .. Kuuhh.. Napakakulittt.. " gigil na kinurot ni Ditas ang pisngi ng anak..

Nakangisi naman si Zack na muling sinuot ang sapatos ..

"Sama ako... Mamaya matulog lang kayo eh.. " sabi nya..

Natawa na lang si Ditas at pumasok na sa loob..

Ilang saglit lang ay bumaba si Sab na nakabihis na pamasok..

Nagtataka sya kung bakit nasa salas ang ama at ina .. Bihis din ang mga ito..

"Oh anak.. Tapos ka na pala.. Tara na.. " aya ni Bridgette..

Kumunot ang noo ni Sab..

"Where are you going Mom ?.. " tanong nya..

Ngumiti si Bridgette at inayos ang T-Shirt ng kabiyak..

"Dad san nga ba tayo pupunta ?.. " tanong niya..

Ngumiti si Saimon at nilingon ang unica hija..

"Where going to watch Zack's Final game anak.. Come... " sabi nya.

Nagulat si Sab..

Ang akala nya ay di importante sa mga magulang ang nasabing laro ng binata..

Pero sa nakikita nya ay mas excited pa ito kesa kay Zack mismo..

Muli, nakaramdam na naman sya ng di maipaliwanag na inggit..

Pero pinilit nya itong balewalain..

"Uhm.. Where's Za- , K-kuya Zack anyway?.. " tanong nya.. Muntik na syang madulas sa hindi pagtawag kay Zack ng kuya..

Bago pa sumagot ang mag asawa ay nakangiting lumapit na ang mag ina..

Akbay ni Zack ang inang si Ditas..

"Let's go ?.. Everything ready ?.. " tanong ni Saimon sa mag ina..

Tumango naman si Zack..

"Ay anak.. Tingnan mo nga kung may naiwan pang nakasaksak sa kusina.. Yung ref lang iwan mo.. " paalala ni Ditas..

Mabilis namang tumakbo pabalik si Zack sa kusina..

Ilang saglit lang ay bumalik na ito ..

"Okay na po Nay.. " sabi nya..

"So , tara na at baka ma late pa si Zack sa game nya.. Good Luck iho.. " sabi ni Saimon..

Ngumiti si Zack at tumango.. Muli nyang inakay ang ina palabas ng bahay..

Inalalayan ni Zack ang ina para makaupo sa van..

Sa gitna nya pinaupo ang ina..

Pero nagulat sya ng tumabi dito si Bridgette..

"Dito ako.. Tabi kami ni Ditas.. " sabi nito..

Ngumiti ng kimi si Ditas at nginitian ang anak..

Tahimik na naupo si Sab sa tabi ng ina..

Lumabas si Zack para buksan ang gate..

Pinaandar naman ito ni Saimon palabas ng gate nila..

Matapos makalabas ng sasakyan ay sinigurado ni Zack na sarado ang lahat ng pinto at bintana bago lumabas ng gate at nilock ito..

Hawak ang susi ay inabot nya ito kay Saimon pero nagulat sya ng di na nakapwesto sa driver's seat ang among lalaki..

"Ikaw na magdrive.. nananakit paa ko eh.. " nakangiting sabi nito..

Pero batid ni Zack na nagdadahilan lamang ang among lalake para ibigay sa kanya ang manubela..

Maging si Sab ay nagulat..

"S-sige po.. " sabi ni Zack..

Dahan dahan syang pumwesto sa likod ng manubela at sinara ang pinto..

Ilang saglit lang ay nasa kalsada na sila kasama ang ilang sasakyan...

Saglit lang ang naging byahe nina Zack..

Ipinarada nya sa bakanteng parking space ang sasakyan at pinatay ang makina..

Sabay sabay silang bumaba..

"So si Sab ay may klase pa right ?.. " tanong ni Bridgette..

Tumango si Sab..

"What time ba start ng game iho ? .. " tanong ni Saimon..

"Ang alam ko po ay 8 Am.. Pero syempre parang call time lang yon para walang ma late.. 8:30 po yan sigurado.. " sabi ni Zack..

Tumango tango ang mag asawa..

"Saglit na lang pala at magstart na.. Buy lang kami ng food.. Teka san ba kayo mag bench para duon kami sa likod nyo ?.. " tanong ni Saimon..

Nagkibit balikat si Zack..

"Di ko po sigurado Tito.. Pero kung sakaling sa maling bench kayo mapaupo.. Papakiusapan ko na lang yung nakapwesto sa likod ng magiging bench namin.. Bale irereserve ko na lang po kayo.. Ask ko kay Coach.. " nakangiting sabi nya..

Tumango si Saimon at inakay ang dalawang babae patungo sa canteen.. Dahil sa ilang beses na syang nakapunta sa paaralan nila Zack at Sab ay kabisado na nya ang pasikot sikot dito..

Naiwan sina Zack at Sab ..

"Uy.. " untag ni Zack sa tahimik na dalagita..

Napatingin sa kanya si Sab..

"Baket ? . " tanong nito..

"Bakit ang tahimik mo ata ? .. " tanong ni Zack..

Nag kibit balikat lang si Sab..

Kapwa sila tumahimik..

"H-halika na .. Hatid kita sa room mo .. " sabi ni Zack..

Walang reaksyon ni Sab..

Sinumulan na nyang maglakad patungo sa building nila..

"Uy bakit ka ganyan ?.. " pangungulit ni Zack..

Walang sagot si Sab sa tanong ng binata..

"S-sorry .. " sabi na lang ni Zack..

Sukat duon ay marahas na humarap ang dalagita..

"Para saan ang sorry mo ? .. " tanong nya..

Natakot si Zack kaya nagyuko na lang sya ng ulo..

"W-wala.. Mukha ka kasing galit sakin eh.. " sabi nya..

Napabuntong hininga si Sab ..

Sinisikap nyang mag galit galitan.. Pero di nya matiis ang binata..

"D-di naman ako sayo galit eh.. " sabi nya..

Dahan dahang nag angat ng tingin si Zack..

Unti unti ding sumilay ang mga ngiti sa labi nya..

Pero agad itong nawala ng makita ang lungkot sa mga mata ni Sab..

Nag aalalang nilapitan nya ito..

"B-bakit parang malungkot ka ?.. " tanong nya..

Nag iwas ng tingin si Sab at nagpatuloy ng paglalakad.

Pero hinabol sya ng binata at hinarangan ang daraanan..

"Baket ba kasi ?.. " pangungulit nya..

Sa gulat ni Zack ay biglang hinila ni Sab ang braso nya at kinagat ng ubod ng lakas..

Napaaray ang binata..

"T-teka Sab.. Masakit .." reklamo ni Zack..

Tila nahimasmasan naman ang dalaga kaya mabilis nyang binitawan ang braso nito..

"Ay sorry.. Kasi ang kulit mo eh.. " nakangusong sabi nya..

Napangiwi si Zack ng makita ang bakat ng ngipin ni Sab..

"Sorry talaga .. Akina nga.. " sabi ng dalagita sabay labas ng panyo at pinunasan ang laway nya sa braso ng binata..

Ilang saglit sila sa ganuong posisyon ng mapansin nila ang mga sarili.

Taranta silang naghiwalay at nagkatitigan..

"Sorry .. " sabi ni Sab..

Tumango si Zack..

"Walang problema .. " nakangiting sabi nya..

Akmang maglalakad na muli si Sab ng muling humarang si Zack..

"Ayan ka na naman.. " gigil na sabi ng dalagita..

Pero determinado ang mukha ni Zack..

"Sige na kasi... Bakit ba ?.. " tanong nya..

Bumuntong hininga na lang si Sab..

Nag iwas sya ng tingin..

"Akala ko pa naman kaibigan ang turing mo saken.. Baka matulungan kita.. Alam ko may problema ka.. " sabi ni Zack..

Nilingon ng dalagita ang binata.

Nasa mga mata nito ang sinseredad ng mga sinasabi..

Pero nag aalinlangan sya kung sasabihin nya ba dito ang mga hinanakit nya..

Kanina ay talagang nagulat sya ng makitang nakabihis ang mga magulang.. Mas nagulat sya ng sabihin ng mga ito na sasama ito para panuorin ang laban ni Zack..

Duon pa lang sa bahay nila ay nais nya ng umiyak at sumigaw.. Isumbat sa mga magulang ang hinanakita at sakit na nararamdaman..

Nais nyang sabihin na..

"Bakit ako ?.. Bakit ni minsan ay di ko kayo nakasamang dalawa ng sabay kapag may meetings sa school ?.. Bakit kung kelan pa walang kwentang event ng kung sinong tao ay makakapunta kayo ??.. It's unfair !.." nais nyang isigaw..

Pero batid nyang masasaktan sina Zack at Nanay Ditas nya..

Pati na ang mga magulang..

Kaya sinarili nya ang sama ng loob..

Pero sa nakikitang determinasyon sa mukha ng binata sa harap nya ay parang biglang naipon ang sama ng loob nya..

Nais nyang ipagsigawan sa binata ang kanyang mga hinanakit pero pinili nyang tumahimik sa huling sandali..

Nakakahiya..

"S-sa bahay na lang.. " sabi ni Sab..

Nagulat sya ng hawakan ng binata ang mga kamay nya..

Napatingin si Sab sa paligid..

"O-oy.. B-baka makita tayo nila Mom at Dad.. " pagtanggi nya..

Pilit nyang binabawi ang mga kamay..

Pero mahigpit itong hinawakan ni Zack..

"Di yan.. nasa canteen sila.. Well, kung ayaw mong sabihin sa akin ang problema mo now.. Gusto ko lang sabihin sayo na nandito lang ako.. Handa kitang damayan.. Kahit anong hilingin mo ibibigay ko.... Lumigaya ka lang .. " wala sa loob na sabi ng binata..

Tila nahipnotismo na si Sab sa mga narinig..

Tulala syang napatitig sa mga kamay nilang magkahawak..

Hanggang sa unti unting pumorma ang mga ngiti sa labi nya..

"S-sige.. M-maya na .. Ayaw kong mamroblema ka during your final game.. " nakangiting sabi ni Sab..

Ngumiti din si Zack ..

"K-kamay ko . " bulong ni Sab..

Taranta silang nagbitaw ng mga kamay.. Natawa silang pareho..

"Pasok na ko.. " paalam ni Sab..

Tumango si Zack..

"Sige.. " sabi nya..

Nagkatitigan sila ng may narinig silang sasakyan..

Pagtingin nila ay nakita nila ang isang school bus at isang kotse na pumapasok ng campus..

Napatiim bagang si Zack..

"Eto na pala sila.. " bulong nya sa sarili..

Nagulat sya ng hawakan ni Sab ang kamay nya..

"Relax.. " sabi ng dalagita..

Ngumiti si Zack..

Hinatid nya ng tingin ang bus at kotse..

Hinintay na bumaba ang mga makakalaban nya..

Ilang saglit nga pagtapos makapark sa parking area nila ay nagsibabaan na ang nagtatangkarang players mula sa bus..

Nakaramdam ng konting intimidasyon si Zack ng mapansin na wala ni halos maliit sa team ng mga ito..

"Wow.. Ang tataas.. M-mukhang magagaling .. " parang nawawalan na sya ng kumpyansa..

Pero kinurot ni Sab ang braso nya..

"Ano ka ba .. Wag mo na kasi look.. Tara na hatid mo ko sa room.. " pamimilit ni Sab..

Ngumiti si Zack..

Akmang aakyat na sila ng bumaba ang sakay ng kotse..

Nagulat silang dalawa ng may tumakbong dalagita mula sa gym patungo sa binatang kabababa lang ng sasakyan..

Sinalubong nito ang nasabing player at hinalikan sa pisngi..

"Brix.. " matigas na bulong ni Zack.

Sa gulat nya ay tumingin sa gawi nila si Brix at ngumisi..

Tinuro nito ang dalawa sabay nag thumbs down..

Umalma si Zack pero pinigilan sya ng dalagita..

"Ano ka ba.. Hayaan mo na .. Dyan pala sya nag transfer.. Tara na .. " sabi na lang ni Sab..

Tumango si Zack pero bago sya tumalikod ay nag titigan pa sila ng binata...

Hinawakan ng dalagita ang pisngi ng binata at pilit na pinalilingon sa kanya..

Nagtitigan sila at nagulat si Zack ng dampian ng halik ni Sab ang kanyang mga labi..

Tulala ang binata..

Namumula ang mga pisngi na tumalikod si Sab at nagsimulang umakyat sa hagdan..

Akmang tatalikod na din si Zack pero mas nagulat sya sa isa pang sakay ng kotse..

"Nerica.. " muling bulong nya sa sarili.

Tiim bagang syang tumalikod at sinundan ang dalagita.

Unti unti ng gumagapang ang galit at takot sa dibdib nya..

ITUTULOY !!!...

Posted in: Romance