1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 27
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 27

20 minutes

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 27

Litong pumasok ng bahay si Zack..

Nasalubong nya pa ang ina na may hawak na parang maliit na babasahin..

"Oh anak..Mag miryenda ka muna dun sa kusina.. Ako'y magbabasa basa muna rine at wala pa naman akong gagawin.." nakangiting sabi nito..

Ngumiti ng kimi si Zack at pumasok sa kusina..

Naghalungkat sa ref at nakakita sya ng cake..

Nag alangan ang binata kung kukunin ang nasabing pagkain o hindi.

Sa huli nagpasya na lamang syang wag ng galawin pa ang cake.. Alam nyang ito ang paborito ni Sab..

Baka hanapin pa ito ng dalagita .. O di kaya ay magtaka kung bakit may bawas ang pagkain nito..

Mahirap na..

Naghalungkat na lang si Zack sa mga kaldero at swerteng may natira pa palang ulam kaninang tanghali..

Ito na lamang ang kinain nya kasabay ng kanin..

Nasa kalagitnaan ng pagkain si Zack ng makarinig ng pagtikhim mula sa likod..

Agad syang napalingon..Saglit nabigla ng makita si Sab na nakatayo sa likuran nya..

Ngumiti ang binata at inalok ng pagkain ang dalagita..

"K-kain ka.." kiming alok nya..

Tumango lang si Sab..

Dumiretso ito sa ref at nilabas ang cake..

Napahinga ng maluwag si Zack.

Buti na lang di nya pinakielaman ang nasabing pagkain kundi baka pag awayan pa nila ito ng dalagita..

Tahimik na nilapag ni Sab ang cake sa mesa at naghalungkat ng kung ano sa lalagyan ng kubyertos ..

"Nanayy.. Nasan po yung knife.. " pagtawag ni Sab..

Uminom si Zack ng tubig sabay tayo..

"Ako na.." pagkukusa nya..

Kabisado nya kung saan nilalagay ng ina ang mga matatalim na bagay..

Ng makita ay tinanong nya kung gaano kalaki ang kakainin nito..

"Ako na maghiwa.. Tama na ba ganito kalaki?.." tanong ni Zack..

Tumango si Sab..

"Juice gusto mo pa?.." tanong ng binata..

Tumangong muli ang dalagita..

Mabilis na nag prepare ng miryenda si Zack..

Ng matapos ay binuhat nya ito at nilingon ang dalagita..

"San mo po gustong kumain?.. Sa garden, salas o sa room mo po?.." mahinang tanong nya..

Sumimangot saglit si Sab..

"Sa room.." kiming sabi nya..

Ngumiti si Zack at mabilis na umakyat sa kwarto ng dalagita..

Mabilis ding sumunod si Sab..

Huminto ang binata sa bukana ng kwarto ng dalagita.. Nakangiti nyang nginuso ang doorknob..

"Paki bukas naman.. " sabi ni Zack.

Tahimik na binuksan ni Sab ang pinto..

Nagpauna syang pumasok kasunod ang binata..

Nilapag naman agad ni Zack ang dala ..

"Kapag may ipaguutos ka pa.. Nasa baba lang ako.. Sa kusina o kaya sa kwarto.. Mag rereview lang ako.." pasintabi nya..

Tumango naman si Sab..

Palabas na ang binata ng tawagin sya ng dalagita..

"Psst.. " tawag ni Sab..

Nakangiting lumingon si Zack..

Nagkatitigan silang dalawa..

Si Sab na ang unang nagbaba ng tingin ..

Ramdam nya ang pamumula ng pisngi..

"B-baket?.." mahinang tanong ni Zack..

Umiling ang dalagita..

"W-wala.. S-sige.. " sabi nya..

Tumango si Zack at nakaramdam ng kaunting panghihinayang..Akala nya magbabati na silang dalawa..

Tahimik na lamang nyang sinara ang pinto ng kwarto at bumaba..

Gabi..

Nag iinat na bumangon si Sab sa kanyang kama..

Napahaba ang tulog nya..

Matamlay syang nagtungo sa banyo at nalinis ng katawan..

Paglabas nya ay mabilis syang nagbihis ng pambahay at bumaba ng hagdan..

Nasa kalagitnaan pa lamang sya ng marinig ang masayang usapan na batid nyang nagmumula sa salas..

"O sabi sayo eh, bagay na bagay sayo yang matitingkad na kulay... Lumalabas ang pagkamestiso mo.." puri ni Bridgette..

Tahimik na lumapit si Sab at nagtango sa likod ng malaking vase...

Sinilip nya ang nangyayari sa salas..

Mula sa pinagtataguan.. Nagmatyag si Sab..

"Ayun pa Mommy.. Kay Zack din yan di ba?.. " turo ni Saimon habang sinusukat sa sarili ang isang pares ng sapatos..

"Ay oo nga pala.. Buti nasabi mo Daddy, oh eto iho.. Sayo din ito.. Sukat mo nga dali .. " excited na alok ni Bridgette..

Natulala si Sab..

Di nya alam kung ano ang tamang emosyon na maramdam sa nakikita nya..

Akala nya nasa opisina ang mga magulang.. Nuon nya lamang nalaman na namasyal pala ang mga ito.. At nagshopping pa..

Unti unting gumapang ang inis sa katawan nya..

Parang di man lang sya naaalala ng mga ito..

Napabaling ang kanyang tingin kay Zack..

Kita sa mukha nito ang pagkamangha sa mga bagong kagamitan..

Namimilog ang mga mata nito.. Kahit na anong pagtanggi ang gawin ng binata..

Parang sa paningin nya ay pakita lamang nito iyon..Para di masabihan ng makapal ang mukha.

Pero sa nakikita nya.. Mukhang tuwang tuwa ito..

Lalong nagsintir ang loob ng dalagita..

Ilang saglit ay naalala ni Sab ang nagustuhan nyang damit sa mall..

Nabawasan ng konti ang inis nya..

Nuong huling nagshopping sila ng ina ay naituro nya ang nasabing damit..

Siguro naman ay di nito nakalimutan ang bilin nya na sa susunod na pagpunta nila sa mall ay bibilhin nila ito..

Tumikhim sya para iparamdam ang presensya..

Saglit natigil ang katuwaan sa salas at napatingin ang lahat sa kanya..

"Oh iha.. Gising ka na pala.. " bati ni Saimon sa anak..

Ngumiti lamang ng kimi si Sab..

Pasimple syang lumapit at tinapunan ng tingin ang mga paper bags na nasa lapag..

Excited na sya sa mga laman nito..

Siguro isa sa mga bags na ito ay kanya..

Oh baka nga kalahati..

Natahimik si Zack..

Pasimple syang umatras para bigyan daan ang prinsesa ng tahanan..

Isa lamang syang alipin na nagaantay na maambunan ng kaunting grasya mula sa mababait na amo.

Kipkip ang bagong T-Shirt.. Tumayo si Zack sa likod ng ina..

Pinagmasdan ang maamong mukha ni Sab na nakatitig sa mga paper bags na dala ng mga magulang nito..

"Ditas.. Anong ulam ?.. " tanong ni Saimon..

"Ah Putsero..Paborito ni Bridgette.." nakangiting kumindat pa si Ditas sa among babae..

Napangiti din si Bridgette..

"Haaayyyy.. Daddy mukhang mapapalaban na naman tayo..Wala na naman kwenta diet ko.." biro nya..

Natawa na lang sina Saimon at Ditas sa sinabi ng babae..

Tahimik lamang sina Zack at Sab..

"Oh.. I almost forgot..Baby here.." kinalkal ni Bridgette ang mga pinamili..

Agad naglaway si Sab..

Nakikalkal na din sya sa ina..

Pero napakunot ang noo nya ng makita ang kulay ng damit ..

"Mom?.. I told you I don't like black dresses.. Bakit itim ito?.." kunot noong tanong nya..

Napatapik sa noo si Bridgette..

"Oh shocks.. Oo nga pala.. I forgot baby.. Sorry.. Pwede na siguro yan.." sabi nya..

Lumatay ang inis sa katawan ni Sab..

Napatingin sya sa damit na hawak ni Zack..

Paborito nya ang kulay pula..

At kulay pula ang hawak ni Zack..Parang nang aasar ang mukha nito kahit hindi naman..

Imbes na sa ina mapunta ang galit.. Kay Zack nya ito nais ibato.. Sa di malamang dahilan.. Naiinis sya sa binata..

Natahimik ang buong paligid..

Napailing na lang si Saimon..

Tumayo sya sa pagkakaupo..

"So,.. Later na yan.. Let's eat na muna.. " aya nya at nagpauna na sa kusina.

Sumunod naman sina Ditas at Bridgette..

Akmang susunod na din si Zack ng tumikhim si Sab..

"Masaya ka siguro ?.. Kasi binili ka nila ng shirt?.." inis nyang tanong ..

Napalingon si Zack at ngumiti ..

"Oo naman.. Nagpapasalamat ako dahil naiisip nila ako kahit na di naman nila kailangang gawin yon.. " taos pusong sabi nya..

Umismid si Sab at nilapitan ang binata..

"Siguro ikaw ang nagsabi na black ang bilhin ni Mommy?.. " biglang sabi nya..

Di nya maintindihan ang sarili .. Pero parang nais nyang ipamukha sa binata na dapat sya ang mas unang priority ng magulang.. Nakakainis na nakalimutan nito ang paborito nyang kulay samantalang naibili naman ng tama ang binata..

Nanlaki ang mga mata ni Zack..

Umiling sya ..

"Hinding hindi ko gagawin yon.. " sabi nya..

Muling umismid si Zack..

"Sus.. Oh .. Saksak mo sa baga mo.. " tinapon ni Sab ang hawak na damit..

Kinuha ito ni Zack at nagtatakang napatingin sa dalagita..

"A-anong gagawin ko dito?.." tanong nya..

Lumingon si Sab..

"Ibigay mo sa babae mo.. Di ba may girlfriend ka ?.. Bigay mo na lang yan sa kanya.. Bagay yan.." sabi nya sabay nagsimulang humakbang patungo sa kusina..

Tulala si Zack..

Pilit inalala kung kelan sya nagkanobya...

Pero kahit anong gawin nya..

Wala talagang pumapasok sa isip nya..

Litong sumunod ang binata sa kusina ..

Mamaya ay lilinawin nya ang sinabi ng dalagita..

Mukhang ito kasi ang pinaguugatan ng galit nito sa kanya..

Matagal natapos ang kainan..

May dala din kasing ice cream ang mag asawa buhat sa pamimili ng mga ito..

Kaya naman nagmistulang salas ang kusina..

Masayang nagpapalitan ng kwento sina Ditas at ang mag asawa .. Panaka nakang sumasali sina Zack at Sab..

Hanggang sa dumako ang usapan sa nalalapit na laro ng binata..

Ngiting ngiti si Saimon..

"Naks.. Eh di mukhang ikaw ang magiging MVP kapag nagkataong manalo kayo?.. Balita ko ikaw daw ang isa sa pinakamaraming nagagawang puntos ha?.." tanong nya..

Napakamot sa batok si Zack..

"Di ko naman po iniisip yon.. Ang mahalaga sa akin ay yung manalo ng walang nasasaktan sa amin o kaya kahit sa mga kalaban.." kwento nya.

Nagkatinginan ang mga matatanda .. Napapangiti sila sa natural na kabaitan ni Zack.

Nakayuko si Sab habang kumukutsara ng ice cream.. Pasimple nyang tinatapunan ng tingin si Zack..

Parang namamanegto ang tingin nya sa maamo nitong mukha..

Banat na ang katawan nito sa trabaho at kalalaro ng basketball..

Kita naman sa nag gagalawang muscles nito kapag gumagalaw o may inaabot..

Nasa kalagitnaan sya ng pagmamasid sa binata ng bigla itong tumingin sa kanya..

"Baket Sab?.." tanong ni Zack..

Napatingin kahit sina Saimon sa dalagita.

Pakiramdam ni Sab umakyat ang lahat ng dugo sa ulo nya..

Huling huli syang nakatitig sa mukha ng binata..

"B-baket?.." mahinang tanong nya..

Saglit silang nagkatitigan..

Tila nababatubalani si Zack sa kaakit akit na mukha ng dalagita kaya sya na mismo ang nag iwas ng tingin..

Nakakahiya sa mga magulang nito..

Baka kung ano pa ang isipin.

"Good luck sa laro nyo bukas Zackarias.." nakangiting bilin ni Saimon..

Napalingon si Zack sa among lalake..

"Salamat po.. Sana manalo.. Kung hindi naman po ay ayos lang.. Nakaabot na din kami bilang second place.. Di na masama.." sabi nya..

Umiling si Saimon.. Tumayo sya at inaya si Zack..

"Mommy sa garden lang kami ni Zack.. Kayo na ang bahala dyan.." sabi nya..

Tumango sina Ditas at Bridgette..

Tahimik lamang si Sab..

Nakaramdam sya ng inggit sa binata..Parang anak talaga ang turing nito kay Zack.

Mabilis nyang inubos ang ice cream at tumayo na din.

Napatingin sa kanya ang dalawang babae..

"Oh anak?.. Finished?.." tanong ng ina ni Sab..

Tumango ang dalagita..

Uminom sya ng tubig at lumabas ng kusina..

Lumiko si Sab patungong garden at muling nagtago sa dati nyang pwesto..

Tahimik syang nakinig sa usapan ng dalawa..

Sa garden.. Magkatabing nakatayo sina Zack at Saimon.. Nakatingin sila sa malawak na kalangitan..

Maganda ang gabi..

Mukhang walang mangyayaring unos..

Kita mo ang nakalatag na mga bituin na animo mga alitaptap..

"Gagraduate ka na nga pala.." bungad ni Saimon..

Napangiti si Zack..

"Oo nga po eh.. Utang ko po sa inyo ang lahat ng ito.. Sana mabigyan ako ng pagkakataon na maibalik ang mga naitulong nyo sa amin ni Inay.." taos pusong sabi ni Zack..

Ngumiti si Saimon at inakbayan ang binata..

"Wala yon.. Sapat ng kabayaran ang makapagtapos ka at magkaroon ng magandang buhay.. Wag ka munang magbibisyo o magnonobya .. Pag- aaral muna ang atupagin mo... Saka na yan.. Magagawa mo yan kapag nakatapos ka na at may matatag na hanapbuhay.. Wag kang magmadali anak..Lahat ng bagay ay nakatakda.." sabi ni Saimon..

Sa likod ng malaking halaman ay di maiwasan ni Sabina ang mapaismid..

Ramdam nya ang biglang pagbangon ng inis ng maalala ang nasaksihang halikan sa pagitan ni Zack at sa babaeng di nya kilala..

"Sinungaling ka Zack.. May girlfriend ka na.. At malandi pa.. Hmmp.." nagtaray sya sa halaman..

Sa garden..

Naantig ang puso ni Zack..

Dama nya ang pagmamahal ng isang tunay na ama mula dito..

Tumingin din sa kanya si Saimon..

"Napakaswerte ni Sabina dahil may ama po syang tulad ninyo.. " sabi ni Zack..

Nagkibit balikat lang ang lalake at ginulo ang buhok ng binata..

"Maswerte din naman ako sa batang yon.." sabi nya..

Tumango si Zack..

"Tama po kayo.. Matalino si Sab.. Kita ko po dahil ako ang sumusundo sa kanya.. Tulad ko.. Mukhang nasa pag aaral din po ang focus nya.." sabi nya.

Sa likod ng halaman..

Lalong nakaramdam ng inis si Sab..

"Matalino lang?.. Di ba maganda?.. O kaya mabango?.. Ay ano ba itong naiisip ko.." inis na sabi nya...

Pinagpipitas nya ang mga dahon ng halaman para dito maibunton ang pagsisintir nya..

Sa garden..

Tumingin si Saimon sa binata..

"Alagaan mo ang anak ko Zackarias.. Yun ang isa sa kabayarang hihingin ko sayo.. " seryosong sabi ni Saimon..

Sabay na nagulat sina Sab at Zack sa sinabi ni Saimon..

"Ipagbilin ba daw ako sa panget na yan?.. " taray ni Sab mula sa likod ng halaman..

Sa garden..

Tumitig si Zack sa mga mata ng lalake..

Nakaramdam sya ng kaba pero pilit nya itong winaksi..

"Kung makapagsalita kayo parang may something.." biro ni Zack..

Ngumiti si Saimon..

"Di natin masasabi ang panahon iho.. Ang buhay ay isang malaking sugal.. Minsan panalo.. Minsan talo.. Pero ang pinakaaral dito ay yung lumaban ka pa rin.. Kahit matalo ka, masasabi mong lumaban ka..Hindi ka magsisisi balang araw at magtatanong.." sabi nya..

Tumango si Zack at tumingin sa kalangitan..

"Pero di po ako kumbinsido sa sinasabi nyo.. Pasensya na po kayo.. Pero di ko po sinasang ayunan ang binibilin nyo sa akin.." sabi nya..

Sa likod ng halaman.

Nakaramdam ng ngitngit si Sab..

"As if naman na magpapaalaga ako sayo..Tse !, Tsura mo Zack !.. Kala mo kung sinong pogi.. Tanggihan ba daw ako?.. grrr... " parang batang nais magpapadyak ni Sab..

Sa garden..

Nagtaka si Saimon..

"Bakit naman?.. " tanong nya..

"Bata pa kayo.. Kayo na muna ang mag alaga kay Sab.. " matapang na sabi ni Zack..

Sa likod ng halaman..

Napatango tango si Sab kahit na medyo inis..

"May point ka dyan Zack..Ito naman kasi si Daddy... Kung ano ano iniisip eh.." sabi nya sabay binelatan ang ama..

Sa garden..

Natigil sa pagsasalita si Saimon..

Tinitigan nya ang binata at inarok kung seryoso ba ito sa sinabi nito..

Ng makitang seryoso nga ay bigla syang natawa..

"Ikaw talaga.. Walang ibig sabihin yung habilin ko sayo.. Yan ang napapala mo kasi lagi kang sumasabay sa panunuod ng mga teledrama sa TV dun sa dalawa.. " natatawang sabi nya na ang tinutukoy ay si Ditas at Bridgette..

Pero di natawa si Zack.

"Wala akong malubhang sakit o kahit anong nararamdaman.. Naisip ko lang na wala na akong ibang pwedeng pagbilinan ng nag iisa kong anak kundi sa taong mapagkakatiwalaan ko.. Sino pa ba yon kundi ikaw.." nakangiting sabi ni Saimon..

Tumingala si Zack..

"H-hindi nyo na po kailangang sabihin yan .." mahinang sabi nya..

Sa likod ng halaman..

Napakunot ang noo ni Sab..

Di nya narinig ang huling sinabi ng binata.. Nais nyang lumapit pa sana pero wala na syang mapagtataguan pa..

Kaya tiniis na lamang nya ang distansya nya sa dalawa..

Nananalangin na sana ay lakasan naman ng mga ito ang paguusap..

Sa garden..

Napatitig naman si Saimon sa binata..

Nakaramdam sya ng kakaiba..

Di nya maiwasan ang mapangiti sa naiisip..

Pero di pa sya sigurado..

Kailangan nyang kumpirmahin ang hinala..

"Uhm.. Ano naman daw ang meaning nun?.. " tanong ni Saimon..

Nagulat si Zack..

"A-ano po yun?.. " tanong nya..

Pinigil ni Saimon ang matawa..

"Yung sinabi mong di ko na kailangan sabihin pa ang nasabi ko?.. " sabi nya..

Umiling si Zack at tumawa ng peke..

"Ahaha.. Wala po yun.. " sabi nya..

"Ah ganun ba?.. Ano bang tingin mo kay Sab ?.. " tanong ni Saimon..

Napayuko si Zack.. Kunwaring kinamot nya ang tuhod.. Pero ang totoo ay tinago nya lang ang biglaang pagngiti ng maalala ang mukha ng dalagita..

"Ahm.. A-ano po ba ang gusto nyong sabihin ?.." mahinang tanong nya..

Ngumiti si Saimon..

"Wala naman.. Di ba sya naglilihim sayo?.. Baka mamaya may nobyo na pala ang anak ko.. Di mo lang alam.. " panunubok nya..

Sa likod ng halaman.

Napaismid si Sab..

"Oy Dad wala pa akong BF no.. Yung gusto ko kasi napakakupad..Hanggang halik lang ang alam.. " sabi ni nya pero bigla din nyang tinakpan ang bibig..

Sa garden..

Mabilis na napalingon si Zack..

Pilit nyang inalala ang mga nakaraan.. Sigurado syang di nakalusot sa kanya ang laksa laksang manliligaw ng dalagita..

Alam nyang wala pa itong nobyo..

Maganda si Sab, aminado naman sya.. Mukha pang dalagang dalaga ang itsura nito dahil na rin siguro sa galing magdala ng damit..

Kaya naman hindi imposible na ulanin ito ng mga manliligaw..

Pero ang pagkakaalam nya ang nagwardyahan nya ang dalagita..

Pero baka hindi..

Sa naisip na maaaring may nobyo na si Sab ng lihim ay parang mababaliw si Zack.

Di nya naiwasang sabunutan ang sarili bagay na ikinangiti ni Saimon sa tabi nya..

"Oh ano na iho?.. Baka nalusutan ka na ha?.. Ano bang silbi ng paglalaro mo ng basketball kung nag iisang anak ko ay di mo mabantayan?.." biro nya..

Tahimik na nagsintir si Zack.

Di nya talaga masikmura na may ibang pagbubuhusan ng espesyal na atensyon si Sab..

Bukod sa kanya..

Pero sa naisip ay bigla din syang napahiya sa sarili.

"Asa ka pa Zack.." sabi ni Zack bigla..

Natawa si Saimon..

"Oy ano bang sinasabi mo?.." tanong nya.

Napahiya si Zack..

"W-wala po.. S-siguro naman po ay di maglilihim si Sab.. Wala naman po akong nakikitang lumalapit sa kanya bukod nga sa mga kaklase nya.. " napahawak pa sya sa baba..

Napailing nalang si Saimon at tumawa ng mahina..

Naupo sya sa upuan bakal at sumandal dito..

Tinitigan nya ang binata na parang nalilito..

"Bakit parang problemado ka?.. Di naman masama kung magkanobyo ang anak ko..Basta ba uunahin nya lagi ang pag aaral.. Inspirasyon na din yun eh.. Parang kami ng Tita Bridgette mo.. Magkababata din kami .. Bata pa lang kami ng ipagkasundo ni Mamang .. Di naman ako nagsisi dahil mabait sya at responsable.. Maluho nga lang kasi lumaki sya na nakukuha ang gusto.. Mayaman kasi ang angkan nila mula pa sa Bicol.." kwento ni Saimon.

Sa likod ng halaman..

Tumango tango si Sab..

"Oo nga Dad.. Kaso yung gusto ko nga, parang di naman ako gusto..Hmmp.." sa halaman nya naibuhos ang inis sa binata..

Sa garden..

Natulala si Zack..

Napatingin sya sa among lalake na parang di makapaniwala..

"A-ayos lang sa inyo na magkanobyo na si Sab?.. " nananantyang tanong nya..

Marahang tumango si Saimon..

Tinago ni Zack ang pagkainis..

Mabilis syang naupo sa upuang bakal at tinitigan ang among lalake..

"P-pero bata pa po si Sab, Tito.. Masyado pa pong maaga para sa mga bagay na ganya.. Dapat pag aaral na muna ang inaatupag nya.." katwiran ni Zack..

Sa likod ng halaman..

"Hala.. Affected much.. Eh ang bagal mo kaseeeee... " nais nyang sumigaw ni Sab..

Sa garden..

Pilit tinatago ni Saimon ang pagngiti..

Seryoso syang nakipagtitigan sa binata..

"Di ko naman sinabi na magnobyo sya.. Ang akin lang ay kung sakaling gusto nya.. Di nya kailangang itago pa.. Magsabi lang sya para naman di yung kung saan saan sila nagtatago.. Delikado yun kasi baka kung mapaano pa sila..Payag naman ako eh basta alam nila ang limistasyon..Hanggang PBB teens lang sila.." sabi ni Saimon..

Lalong nagsintir si Zack..

Nakagat nya na ang kuko sa pagpipilit na itago ang inis..

Mabilis nyang pinagana ang isip..

Kailangan nya ng katwiran ..

Natawa na lamang ng mahina si Saimon..

"Anyway, hayaan mo na yun.. Siguro nga wala pa.. Pero ano ba ang tingin mo sa anak ko ?.. Yung katangian nya?.. " panunubok pa nya..

Natahimik si Zack.

Napangiti sya ng lihim..

"M-marami pong magagandang katangian ang anak nyo.. " wala sa loob na sabi nya.

Sa likod ng halaman..

Biglang natulala si Sab..

Napatitig sya sa mukha ng binata na parang nangangarap..

Unti unti ng bumibilis ang tibok ng puso nya.

Wala na ang galit..

Well, parang di naman talaga sya nagalit..

Aminado syang nagseselos lang sya kaya nya nagagawa ang mga bagay na inutos ni Princess.

Sa pagtitig sa mukha ng binata ay para nitong unti unting pinawi ang nararamdaman nyang selos.

Sa tingin nya ay maganda ang sasabihin nito patungkol sa kanya.

Kaya kahit na halos mangatog na ang tuhod nya sa antisipasyon ay pinilit nyang tumayo ng matatag at nilahad ang tenga para sa seryosong pakikinig..

Pero bigla syang impit na napatili ng biglang may gumapang sa binti nya..

"Shocks may ipissssss.. " impit nyang sigaw..

Nagtatakbo si Sab papasok ng bahay patungo sa kusina..

Nagtatakang napalingon ang dalawang babae..

"Napano ka?.. " tanong ni Bridgette..

Sa garden..

Pangiti ngiti si Zack.

"Matalino po si Sab..Mabait, at higit sa lahat ay maganda.. " wala sa loob na sabi nya.

Tumango si Saimon sa sarili.

"Confirmed.." bulong nya..

Nag daydream na si Zack bigla..

"Maswerte ang lalaking magugustuhan ng anak nyo.. " mahinang sabi nya..

"At gusto mong ikaw ang lalaking yon.. " biglang sabi ni Saimon..

"Opo.. " banat ni Zack.

Tumagal ng ilang saglit bago nya narealize ang nasabi nya..

Tulala syang napatitig kay Saimon na malawak ang pagngiti.

"J-joke lang po.. " bawi nya..

Pero umiling na si Saimon..

"Tapos na ang usapan iho.. Matulog ka ng maaga .. May laro ka pang ipapanalo bukas.." sabi nya sabay tayo..

Tumalikod na sya para di na makaapela pa si Zack.

Mabilis namang humabol ang binata..

"T-tito joke lang po.. " sabi nya..

Pero tila wala na itong narinig at pumasok sa kusina..

Eksaktong palabas si Sab..

Nanghinayang ang dalagita dahil mukhang tapos na ang usapan ng dalawa.

Nasa importanteng parte na sana sya ng paglalahad ng binata pero nangyari nga ang di inaasahang pangyayari..

"Oh tapos na kayong mag kwentuhan?.. " tanong ni Bridgette..

Nakangiting tumango si Saimon at inakay ang asawa ..

Tinapik nya lang sa balikat si Zack..

Pilit tinatago ang pagtawa..

"T-tito.." pigil ni Zack..

"Ayos lang iho.. Sa susunod na natin yan pag usapan.. Maniwala ka.. Ayos lang sakin.. " pigil ni Saimon..

Nilampasan nila ang binata at dumiretso sa kwarto..

Kumilos naman si Ditas para iligpit ang mga kinainan..

Pero nagpasya syang bukas na ito hugasan.. Nilagay nya sa planggana ang mga baso at kutsara sabay nilagyan ng tubig at tinakpan..

Nagmamadali syang pumasok sa loob ng kwarto para hayaan ang dalawa..

Naiwan sina Zack at Sab sa kusina.

Di maintidihan ang nararamdaman..

Walang nais magsalita..

Pero kamangha mangha parang nakapaguusap na sila..

"Sab.." tawag ni Zack..

"Zack." sagot ng dalagita..

Kinilig si Sab..

"B-baket?.." tanong nya..

Sa isip isip ay magtatapat na siguro ang binata..

Kalilimutan na nya ang nasaksihan..

Alang alang sa nararamdaman..

"W-wag kang gagalaw.." sabi ni Zack..

Lalong kinilig si Sab..

"Oh my God.. Ikikiss nya akoooo.. " pagtili nya sa isip..

Kinalma nya ang sarili at tumitig sa binata..

Naghihintay ng gagawin nito..

Pero nanatiling nakatitig si Zack sa kanya..

Sa kanya nga ba?..

Hindi pala..

Sa balikat nya..

"Wag kang gagalaw.." sabi ni Zack..

Nagtaka si Sab..

"Baket ba?.. " tanong nya..

Medyo inis na sya..

Masyadong mabagal si Zack ..

"Halikan mo na kasi ako kung gusto mo .. " impit nyang sigaw sa isip..

Umangat ang kamay ni Zack..

Bumilis ang tibok ng puso ni Sab..

"Sab.." tawag ni Zack.

"Zack.. " tawag ni Sab.

Nagtitigan sila..

Hinanda ni Sab ang sarili sa mararamdamang kuryente..

Nais nyang pumikit.

Pero magiging masyado syang obvious kung gagawin nya yon..

"M-may ipis ka sa buhok mo.. " bulong ni Zack.

Gulat na napahinto si Sab sa ilusyon nya at unti unting nilingon ang balikat..

Para lamang matulala.

"T-teka.. Ako na mag-aalis.." sabi ni Zack..

Pero bago nya nahawi ang ipis ay gumalaw ito at gumapang sa noo ni Sab..

Sukat doon ay nagtitili ang dalagita at hinampas ang ipis dahilan para tumalsik ito..

Nagtitili si Sab na tumakbo sa kwarto nya..

Iniwanan ang binatang gulat at bitin..

ITUTULOY !!!...

Posted in: Romance