1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 23
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 23

8 minutes

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 23

Kinabukasan..

"Go Zack !.." sigaw ni Sabina..

Napatingin sa kanya ang katabing si Princess.. Kunot ang noo ng dalagita habang pinagmamasdan ang kaibigan..Kanina pa ito di magkamayaw sa pagcheer sa kuya nito..Ayos lang naman.. Pero may nakapagtataka, bakit di nito tinatawag na kuya ang binata na tulad ng ginagawa nito nuon?..

"Sis.." untag nya..

Lumingon sa kanya ang kaibigan .. Ngiting ngiti ito na halos mapunit na ang pisngi..

"Yes?.." tanong nito..

Umiling lang si Princess..

Kumindat sa kanya si Sab bago muling binaling ang tingin sa mga naglalaro. Partikular kay Zack..

Napatingin din sya sa binata..

Ang alam nya talaga ay magkapatid ang turingan ng dalawa..Yun ang kwento ni Sab..Pero bakit ganito ang kaibigan nya?..

Di na kailangan pang maging eksperto ni Princess para matukoy na may kakaibang nangyayari sa dalawa..

Nais nyang malaman..

Kailangan nyang malaman.. Para sa pinsan..

Muling tinawag ng dalagita si Sab..

"Sab.." tawag nya.

Lumingon ang dalagita..

"Oh?.. " tanong nito.. Pero pabaling baling ang mukha nito na tila ba ayaw ng hiwalayan ng tingin ang binatang naglalaro..

Lalong nainis si Princess.

"Samahan mo naman ako oh..Punta tayo kay kuya.." ungot nya..

Napatingin ng tuluyan sa kanya si Sab.

"Ayaw ko.." mabilis na sabi nito.

Tumingin muli sa mga naglalaro..

Nanahimik si Princess..Sumandal sya sa sandalan at nagisip.

Ayaw nyang ipilit sa kaibigan ang gusto dahil alam nya ang ugali nito..Kung mataray sya , mas mataray si Sab..

Di nya masisisi kung bakit nagustuhan ito ng pinsan nya..

Talagang maganda si Sab..

Marami ang nagsasabi nuon.. Maging sya ay aminado naman.. Mayaman pa ang pamilya nito..

Di hamak na mas mayaman sa kanila..

"Wooo.. Panis ka kuya Rigor !.. Ahahaha.." sigaw ni Sab..

Napatingin si Princess sa kaibigan..Kumikislap ang mga mata nito habang sinusundan ng tingin si Zack na tinuturing nitong kuya..

Tumingin din sya sa binata ..Tumatakbo ito habang kabantayan si Denzel..Tagaktak na sa pawis ang mga binatang naglalaro..

Tinitigan nya ang binata..

Masasabing gwapo si Zack..

Matangkad, maputi at katamtaman ang pangangatawan..

Matalino pa ayon sa mga kakilala nyang graduating..Malamang na maging valedictorian daw si Zack..

"Three points na naman... !.. Hoy kuya Denzel.. Wag mo naman sikuhin si Zack !.." napatayo pa si Sab habang nakikisali sa ingay ng mga naglalaro..

Nagtatawanan lamang ang mga players habang napapakamot ng ulo si Sab..

"Langya pare..Tinalo pa si Coach eh.. Lahat napapansin..Pati pagsiko ko sayo pinuna pa.." tatawa tawang sabi ni Denzel..

Ngumiti lang si Zack..

Napatingin si Princess lalo sa kaibigan..

Ito ang dahilan kung bakit umalis sa eskwelahang ito ang pinsan nya..

Nais manligaw ng kuya nya sa kaklase.. Pero wala itong pag asa.. Dahil kay Zack..

Sa pag iisip sa kuya nya ay naalala nya ang huling pag uusap nila..

Napatingin si Princess sa pinsan nya na humihithit ng sigarilyo..

Nag aalala sya para sa kalusugan nito kaya sinaway nya ang binata.

"Kuya .. Bakit ka nag yoyosi?..Sabi mo dati try mo lang yan.." tanong ng dalagita..

Ngumisi lang ang binata ..

Humithit ito ng malalim sabay buga sa ere..Pagkatapos ay pinitik ng malayo..

Naupo ito sa upuang bakal sa harap ng pabilog na mesa ..

Nasa hardin sila ng bahay nina Princess.

Pinasyalan nya ang nakababatang pinsan para sana humiling ng pabor..

Tumabi sa kanya ang dalagita..

Saglit silang natahimik..

"Anong problema kuya?.." tanong ni Princess.

Natawa ang pinsan nya.

"Pano mo naman nasabi na may problema ako?.." tanong nya.

Umismid si Princess..

"Sus..Nagpupunta ka lang dito kapag may kailangan ka..Ano nga yon?.." tanong nya..

Napangiti ang lalake ..Pasimple itong napakamot sa batok .. Tila nahiya..

"Kamusta ang pag aaral mo?.." bungad ng pinsan nya..

Pinaikot ni Princess ang mga mata na tila bagot na bagot sa usapan..

"Hay nako..Di pa kasi diretsahin.." asar na sabi nya..

Natawa lang ng mahina ang binata..

"Hahaha..S-si Sab?.." mahinang tanong nya.

Napatitig si Princess sa nakatatandang pinsan..

"Crush mo si Sab?.." tanong nya..

Napatango ang lalake at tumingin sa malayo..

"O-oo.." pag amin nito..

Kinilig naman ang dalagita..

"Eeeeeeeyyyy..Sabi na eh.. Grade 6 pa lang kami .. Alam ko na .. May crush ka talaga sa kanya..Hmm..Sige anong gusto mong gawin ko?.." tanong ni PRincess..

Namula ang mga pisngi ng pinsan nya..

Kinilig din ito sa ideya na naisip..

"Sige na .. Tell me .. What can I do?.." tanong ni Princess..

Tumititig ang binata sa dalagita..

Huminga ng malalim ..

"I-ilakad mo naman ako kay Sab.. " sabi nito..

Napahawak sa bibig si Princess para itago ang pagtawa..

Kunwari ay nabigla sya.

Pero sa totoo lang .. Alam nyang ito talaga ang pakay ng kuya nya..

Kunwaring napaisip ang dalagita..

"Hmm..Anong kapalit?.." tanong nito..

Sumimangot ang lalake..

"Sabi na nga ba at may kapalit na naman eh..Sige..Kahit ano..Wag lang mahal ah?.." sabi ng pinsan nya..

Nagkamay pa sila bilang tanda ang kasunduan..

Ang pagpito ng Coach ng basketball team ang nagpabalik sa kamalayan ni Princess..

Isa isang nagtipon ang mga players sa bench.. Tila may pinaguusapan..

Naupo si Sab sa tabi nya..

Pinagpapawisan ang dalagita sa kasisigaw..

"Whew..Grabe..Ang init.." sabi nito..

"Ikaw ba namang magsisigaw eh.." sita ni Princess..

Ngumiti lang si Sab..

Talagang naninibago si Princess sa kaibigan..Dati rati , tataasan lang sya ng kilay nito..Ngayon nakukuha ng ngumiti..

Talagang nakapagtataka..

"Punta tayo kay Kuya .. " muling ungot ni Princess..

Napatingin sa kanya ang kaibigan...Sumimangot ito..

"Ayaw ko nga.. Bakit ba ?.." tanong nito..

"Wala lang..Papasama lang ako..Masama ba?.. " ganting tanong nya..

Napaisip si Sab..

Pero bago pa sya nakasagot ay lumapit na si Zack sa kanila..

"Tara na?.." aya nito..

Mabilis na tumayo si Sabina..

Inabot nya ang bag sa binata at akmang aalis ng maalala ang kaibigan..

"Ay..Next time na lang Ces.. " paalam ni Zack.

Ngumiti ng kimi si Princess at marahang tumango..

Nakangiting umalis ang dalawa..

Hinatid nya ito ng tanaw hanggang sa mawala na ito sa kanyang pangingin..

Nagbago na ang ekspresyon ng mukha ni Princess..

Kung kanina ay medyo nakangiti pa sya..Ngayon ay lumatay na ang simangot sa mukha nya..

Hindi na nya alintana kahit na di sya mabigyan ng regalo ng pinsan nya sakaling mailakad nya ito kay Sab..

Balewala na sa kanya ang napagkasunduan nila..Ang mahalaga ay maipaglapit nya ang pinsan nya at ang kaibigan..

Pero batid nyang imposible..

Bukod sa parang walang interes si Sab sa kuya nya..May isa pang problema..

At yun ang walang iba kundi ang binatang tinuturing nitong kuya..

Kataka taka ang pagiging malapit nito sa isa't isa na parang di na magkapatid ang turingan..

Kailangan nyang umaksyon..

Dahan dahang tumayo si Princess.

Sininop nya ang mga gamit at naglakad palabas ng campus..

Saglit syang naghintay ng tricyle..

Pagsakay ay sinabi nya ang isang sikat na tambayan ng mga estudyante sa lugar nila..

Ilang minuto lang ang lumipas..Nasa harap na si Princess ng isang bilyaran..

Kabisado nya na ito..

Dire diretso syang pumasok sa loob..Masikip ang dinaanan nya..

Marami syang nakakasalubong na mga kapwa estudyante ..Karamihan ay napapangiti pa sa kanya..

Di na lang nya ito pinapansin..

Dire diretso sya sa dulo kung saan makikita ang isang kumpol ng mga binata na halatang di pumasok sa eskwela..

Nahagip agad ng mga mata nya ang pinsan..

Nanlaki ang mga mata nya ng makita ang alak sa harap nito..

Dali dali syang lumapit..

"Kuya.." mahina pero madiing tawag ni Princess sa pinsan..

Napatingin ito sa kanya..Nagulat pa ito ng bahagya.

"Oy..Anong ginagawa dito?.." tanong ng lalake..

"Uwi na tayo.." sabi ng dalagita.

Napaungol ang mga kasama nito..

Kumamot na lang sa batok ang pinsan nya.

"P-pagkatapos.." sabi ng lalake..

Pero nagmatigas si Princess..

"Isusumbong kita Tito.." nanggigil na banta nya..

Nanlaki ang mga mata ng pinsan nya..Bakas ang takot sa mukha nitong nagpaalam sa mga kasama..

"Ang KJ naman nyan.." sabi ng isa.

Pero di ito pinansin ni Princess at mabilis na lumabas sa masikip na lugar..

Hinintay nyang lumabas at sumunod din ang pinsan nya..

Ilang saglit lang naman ang pinaghintay nya..

Di na nagsalita pa ang binata..

Ito na ang pumara ng jeep para makauwi silang dalawa..

Ilang minuto din silang di nagkibuang magpinsan hanggang sa makauwi sila sa isang subdivision..

Naglakad ang dalawa..

Magkatabi ang mga bahay nila..

"Insan..W-wag mo ng banggitin kay Dad ha.." mahinang ungot ng lalake..

Umismid si Princess.

"Sige.. " sabi nya..

Patalikod na sya ng may maalala..

"Kuya.." pagtawag ni Princess..

Lumingon naman ang binata..Kunot ang noo..

"Oh?.. " tanong nito..

Tila nag aatubili pa si Princess..

"Si Sab..Parang may boyfriend na eh.." sabi nya..

Nagsalubong ang kilay ng lalake..

"What?.. Paano?.. Sino?.. Kelan pa?.." sunod sunod na tanong nito..

Kibit balikat lang ang tugon ni Princess.

Nagtagis ang mga bagang ng lalake na nilapitan ang pinsang babae..

"Tell me couz.. Sino?.. " tanong nito..

Bumuntong hininga si Princess.

"Si Zack.." sabi nya.

Lalong napakunot ang noo ng pinsan nya..

Marahas itong napamura at hinawakan ang balikat dalagita..

"We have to do something.." madiing sabi nito..

Tumango si Princess..

"Yes.. I know.." sagot nya..

Ilang saglit silang nagtitigan.

Maya maya ay ngumiti na parang demonyo ang dalawa..

"Thank you couz.. " sabi ng lalake..

Tumango si Princess at tumalikod na ..

Nakangising pumasok sa bahay..

Nasa isip ang gagawing hakbang para ibagsak sina Zack at Sab..

ITUTULOY !!!

Posted in: Romance