1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 19
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 19

18 minutes

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 19

Nagtataka ang lahat kung bakit nagpalit ng players ang Team nina Zack..

Pero parang di nila ito alintana..

Napatingin si Denzel sa crowd..

Sumimangot ang binata ng mapansin nyang kokonti na lang ang natitira sa gym.

Halos kalahati ng audience kanina bago magsimula ang laro ay nawala ng di nila namamalayan..

Focused sila sa game, yun siguro ang dahilan..

Pero kahit pa siguro ano ang maging rason ng mga ito.

Ni hindi man lamang sila sinamahan hanggang sa mga nalalabing oras ng laro..

Napasimangot lalo ang binata..

Napansin ito ni Primo kaya inakbayan nya ang kaibigan..

"Pre?.." tanong nya.

Umasim lalo ang mukha ni Denzel.

"Walang kwentang schoolmates pare..Buti pa sa dati nating school, manalo o matalo.. Tinatapos nila yung game natin..Pero dito..Mahaba pa ang oras..Nagsi-alisan na sila..Sila na mismo ang sumentensya sa team eh.." naiiling na himutok nya..

Naglapitan na rin sina Gustavo at Rigor..

"Ganun talaga pare..Parang gobyerno yan eh..Hanggat di sila nakikinabang sayo, tae ka sa paningin nila..Kung di ka pandidirihan, iiwasan.. Ni hindi ka binibigyan ng importansya.." sabi ni Rigor..

Napatingin sa kanya ang tatlong magkakaibigan..

Sumimangot si Rigor..

"Wag nyo nga akong titigan.." reklamo nya..

"Tangnang to..Ikumpara ba naman tayo sa tae..Siguro ikaw pwede pa, wag kang mandamay.." tatawa tawang biro ni Gustavo..

Natawa na din sina Rigor..

"Pero may point ang gunggong na ito.. Parang yung mismong crowd ng school na to..Kasama mo lang sila sa panalo, pero ngayong nakakaranas tayo ng paghihirap..Iilan lang ang nagtiis na magtagal..Kung tutuusin nga.. Sa iilan na yan, konti lang dyan ang tutoong nakikisimpatya.. Karamihan pa dyan wala lang magawa sa bahay nila kaya pinanunuod tayo.. Tayo ang nagpapawis dito.. Tayo ang sisisihin kapag natalo ang school, pero kapag nanalo.. Ang pupuruhin nila ang mga sarili nila..Kesyo ikukwento sa iba nanalo daw ang school nila sa ganito .. Sa ganyan.. Pero ano bang ambag ng ilan sa mga yan?.." maasim na pahayag ni Denzel.

Natahimik ang magkakaibigan..

Kahit si Primo di na nagkumento..

Di sya nababahal sa binunyag ng kaibigan nya..Kundi sa magiging reakyson ng mga nakikinig.

Malakas ang pagkakasabi ni Denzel kaya siguradong narinig iyon sa buong gym.. Tahimik kasi dahil kokonti na lamang ang nanunuod.

Tumayo si Vincent mula sa bench..

"Tangna nyo !.. Ang dadrama nyo !.. Ilampaso nyo yang mga yan tapos magsiuwi na tayo.. !.. Kanila na yang pagkapanalo.. At least alam natin sa sarili natin na may ginawa tayo.. Di yung nakikisigaw lang sa isang tabi.. Magaling lang sa larangan ng pang huhusga, pero kapag hinahanapan mo na ng ebidensya, PUNYETA !.. Lahat maamong tupa !. " sigaw nya..

Lalong walang nakapagsalita..

Tumayo rin si Sab mula sa pagkakaupo..

"Go Team !... Fight fight fight !.." pag checheer nya..

Napangiti si Zack ..

Nag thumbs up sya kay Sab..

Parang namalikmata ang referee..

Kailangan pa syang sitsitan ni Spolstra para lamang ituloy na ang laro..

Game in on..

Tuloy ang gulong ng laro nina Zack.

Inbound nila..

Hawak ni Primo ang bola..

Kabisado nya ang galaw nina Gustavo at Denzel pero hindi kay Rigor at Zack..

Pero di ito magiging hadlang sa kanya..

Nagfake si Zack..

Akmang tatakbo sya pakaliwa pero mabilis syang pumihit pakanan..

Nakabantay sa kanya si Striker..Alisto din ang binata at di tinatantanan ng paningin si Zack..

Ng makita nyang tumakbo pakaliwa ang katapat ay mabilis syang kumilos para unahan na ito at salubingin..

Pero nagulat sya ng biglang kumilos at pumihit pakanan si Zack..

Libre ang binata..

Takbo agad sya patungo kay Primo..

Nakita naman agad ni Primo ang ginawang galaw ni Zack..

Maganda ang pagkakafake nito kay Striker..

Pero nakaharang ang bantay nya..

Di sya makakuha ng clear pass kaya mabilis syang nag isip ng paraan..

Nakita nya si Rigor.

Nakita din naman sya ng binata..

Pasimple nyang nginuso si Zack ..Tumango si Rigor..

Isang pihit pakaliwa sabay pakanan..Nalampasan nito ang bantay nitong malaki..

Biglang pinasa ni Primo ang bola kay Rigor..

Takbo ang binata patungo sa kabilang panig ng court..

Sinundan sya ng bantay nya..

Mabilis ang nangyaring pasahan sa pagitan nila Rigor at Primo..

Binato ni Rigor ang bola pabalik kay Primo .

Nakita ito ng binata..

Hinagilap ng mga mata si Zack..

Ng mapansin, agad syang nag drive papasok..

Dalawa ang humarang sa kanya..

Pero walang balak na isugal ni Primo ang pagkakataon ..

Imbes na maglay-up..

Pinasa nya itong muli kay Rigor, alam na ni Rigor ang gagawin..

Kahit nakatalikod, nagbounce pass sya patungo sa libreng si Zack sa 3points..

Naipit na si Striker sa mabilis na pasahan na ginawa ng tatlo..

Wala syang nagawa kundi panuorin ang paglipad ng bola patungo sa tila gutom na ring..

Tumalbog ito sa board sabay pasok sa naghihintay na bibig ng ring..

Nagulat ang lahat..

Pumito ang referee para ipahayag na pasok ang tira..

"Basket !.. 2 points !.." sigaw ng kalbo.

Napaungol sina Zack..

"Awwww...Ang linaw ng mata nya !.." landi ni Gustavo.

Hagikgikan sila pabalik sa kabila..

Parang nakakita ng imposible sina Striker at ang mga kampi nya..

Pagtingin nya sa mga kasamahan, para itong mga namalikmata at dinaanan ng maligno sa harapan..

"Hoy mga ungas !.. Anong ginagawa nyo?.. Parang isang tira lang naguluhan na kayo?.. " sigaw nya..

Mabilis namang hinamig ng lahat ang sarili nila..

Tama ang Team Captain nila..Isang tira lang yon..

Inbound ng gwardya nina Striker..

Takbo agad sya sa halfcourt dahil baka maharang pa sya ..Pero nakapagtatakang walang humarang sa kanya..

Sila ang lamang kaya natural lamang na maghabol sa punto ang mga kalaban..

Pero pagtingin nya sa mga katunggaling kuponan..

Di nya maiwasan ang mangilabot..

Nasa harap si Zack nakatayo habang nakapwesto ang apat na kakampi nito sa apat na palibot ng ring..

Matamang nakatitig sa kanya ang binata.

Ni hindi nakikitaan ng pangamba sa kabila ng lamang nila at sa ikli na lamang ng oras..

Pinaglabanan ni Striker ang takot na nararamdaman..

Pinilit nyang ngumisi para ipakita sa katapat na mas magaling sya dito..

"Oh ano na?.. 28 Points na ako.. Tapos 4 minutes na lang ang natitira.. Samantalang ikaw.. 15 ka pa lang.. Akala ko ba papantayan mo ako tapos tatalunin mo kame?.. " pang aasar pa ni Striker..

Imbes na mapikon..Ngumisi si Zack..

"Wala akong sinabing papantayan kita.." maiksing sabi nya.

Sukat duon tumawa si Owen..

"Ahahaha.. Sabi nya eh.. denial pare?.. Takot kang matalo ?.. Well, ok lang.. At least nag enjoy ako.. " sabi pa nya..

Pero umiling si Zack..

"Wala akong sinabing papantayan kita..Ang sabi ko .. Lalampasan kita.." nakangising sabi nya..

Lalong lumakas ang tawa ni Owen pero nagulat sya ng may tumapik sa bola na hawak nya..

Pagtingin nya nasa kabilang court na sina Gustavo at Primo..

"Insan catch !.." landi ni Gustavo.

Parang naglalakad sa parke si Primo na sinalo ang bola sabay tinira na parang nag volleyball..

Sablay ito kaya tumalon si Gustavo at ini-spike ang bola.

"Ay inggit ako !!!.." tili ni Vincent..

Natawa si Sab sa magpinsan..

Pumasok ang bola sa ginawang pag spike ni Gustavo.

Tulala ang referee..Di nya alam kung may mali ba sa ginawa ng dalawang makukulit na bagong pasok na players..Tumingin sya sa kapwa nya kalbong referee..Pero maging ito ay wala ding magawa kundi panuorin ang pagkukurutan ng dalawang bagong pasok..

Asar na nagdabog si Owen..

Dinuro nya si Zack..

"Langya !.. Style mo bulok !..Dinadaldal mo ko tapos nanakawin nyo yung bola?.. HAH !.. Walang kwentang gimik yan !.." sigaw nya..

Pero napangisi lang si Zack sa kanya..

"Sino ba ang unang dumaldal?.. " tanong nya..

"Sya !.." duro ni Rigor..

Pero napatili sya ng kurutin sa nipples nina Denzel at Primo..

"Araaaayyyy.." pagdaing nya..

"Ang epal mo eh..Yaan mo silang mag Heart to Heart talk.." landi ni Primo..

Napasimangot na lang si Rigor hawak ang masakit nyang nipples..

Tuloy pa rin ang laban..

Dose pa ang lamang..

Hawak na ni Striker ang bola at nakadipang nagbabantay sa kanya si Zack..

Pasimple nyang sinilip ang mga kakampi..

Napangisi ng lihim dahil may dalawang libre sa 3 points..

Ayos..

Kahit sumablay ang dalawa, may rebounders sila sa katauhan ng dalawang kapreng over-aged..

Mabilis syang nag cross over..

Akmang ipapasa nya ang bola pero nagulat ng wala na pala syang dinidribble..

Pagtingin nya ay hawak na ito ni Zack..

Ngumisi ang binata sabay takbo ng mabilis sa kabila..

Inis na hinabol naman sya na Striker..

Di sya aabot kay Zack..

Akmang susuko na ang binata pero nagtaka sya ng makita nyang tumigil si Zack sa 3 points..

"Come here Pogi.." landi ni Zack..

Nagbungisngisan ang crowd..

Napatingin si Denzel, napaismid ng makitang napupuno na naman ng tao ang buong gym..

Tinapik sya ng kaibigan si Primo..

Pagtingin nya ay nakangiti na lang ito na parang sinasabing hayaan na lang daw nila..

Tumango si Denzel..Tinago ang sama ng loob sa mga ka eskwela at nagfocus na lang sa laro..

Hawak ni Zack ang bola habang inaantay nyang lumapit si Striker..

Nanlaki ang mga mata ni Owen sa ginagawang paghamon ni Zack..

Sa isip isip ay parang minamaliit sya nito kaya gugulatin nya ang binata..

Mabilis syang pupunta sa harap nito para harangin kung anuman ang nais nitong gawin..

Pero bago nya pa naisagawa ang plano, dumila si Zack..Sabay tira ito sa 3points..

Swak na naman ito..

Napahalakhak si Sab sa gilid dahilan para magtinginan ang mga tao sa kanya..

Pero di na nahiya ang dalagita.

"Zack !, Zack, Zack !.." paulit ulit nyang sigaw..

Tumayo na rin si Vincent..

"Zack !, Zack, Zack !..." pagsabay nya sa dalagita..

Unti unting tumayo ang mga nanunuod..

Sinasabayan ang pagsigaw ng dalaga sa pangalan ni Zack..

Napuno ng sigawan ang buong gym sa pangalan ng binata..

Pero parang wala itong epekto sa kanya..

Tanging iisang boses ang namamayani sa pandinig nya...

Nakatitig sya sa pinakamagandang mukha na nasilayan nya sa tanang ng buhay nya.

Nakatitig si Sab sa mukha ni Zack..

Sa kuya nya na lihim nyang hinahangaan at kinaiinggitan at the same time.

Malakas ang hatak ng atraksyon sa pagitan nya para sa kuya nya.. Di ito basta damdaming pang kapatid .. Sa batang edad nya.. Batid nyang higit pa ang nararamdaman nya para kay Zack..

Ngumiti ng matamis si Sab..

Pero nagula sya ng magflying kiss sa kanya ang binata.

Napabaling ang tingin nya tuloy kay Vincent na kinikilig na parang uod sa tabi nya..

Pinagpapalo nya ito..

"Tigil na kasi kuya !.." saway nya.

.

Pero di maalis ang ngiti sa kanyang mga labi.

Gigil na gigil na si Striker..

Mabilis nyang inagaw ang bola sa may hawak nito sabay tira ng tres..

Nakangisi sya at nagtaas ng kamay bilang palatandaan na papasok ang tira nya..

Pero tila nagyelo ang binata ng tumalbog lamang ito sa ring at tumama sa board..

"Rebound !.." sigaw ni Zack..

Di na nya kailangan pang ulitin ang pagsigaw...

Nakapalibot na sa ring ang tatlong binata..

Sina Denzel Primo at Rigor ..

Boxed out na ang dalawang kapre..

Buong lakas na lumundag si Rigor..

Di pa sya nakakababa sa lupa ay naihagis na nya ang bola patungo sa tumatakbong si Primo at Zack..

Tarantang napaatras si Striker para harangin ang dalawa..

Pinasa ni Zack ang bola kay Primo..

Nag dribble ang binata.

Di na malaman ni Owen kung sino ang iintindihin..

Pinili nya si Primo dahil ito ang may hawak ng bola..Pero alerto din sya na baka ipasa nito ang bola kay Zack kay di sya lumalapit gaano kay Primo..

Tumigil sa pagtakbo ang dalawa..

Walang magawa si Striker kundi panuorin ang paglalandian nina Zack at Primo sa harap nya..

Pinasa ni Primo ang bola kay Zack..

"Oh eto pare..Storya mo ito eh..Ikaw na ang magpasikat.." pagbibigay ni Primo..

Ngumiti si Zack pagkasalo sa bola..

Akmang ititira na nya ito ng may maalala..

Lumapit sa kanya si Striker..

"Oh pare..Pasasalamat ko sa pagdating nyo..Naging mabuting kaibigan kayo saken..Ikaw na ang tumira.." sabi ni Zack..

Asar na tumakbo patungo kay Primo si Striker ..

Pero muli nitong binalik kay Zack ang bola..

"Di pare..Magkakaibigan tayo sa kwentong ito kaya dapat lang na tulungan ka namin .. Sige na..Itira mo na at masyado ng napapagod itong ungas na to.. " duro ni Primo kay Striker na patungo na naman kay Zack para agawin ang bola..

Muli itong pinasa ni Zack kay Primo..

Pero ibinalik lang ulit ito ng binata..

Asar na sumuko si Striker at nanatili na lamang sa gitna..

Natawa sina Zack at Primo sa binata..

"Pare itira mo na..Marami pang pagkakataon.." sabi ni Zack..

Tumango na si Primo..

Tinira nya ang bola pero nag buzz na..

Napamura sina Spolstra sa kabilang ring..

"Putangna nyooooo !!!.. Sinayang nyo isang tiraaaa..." sigaw nya..

Hinubad ni Vincent ang sapatos nya para ibato kay Primo at Zack..

Sumipol ang referee at sinaway ang binata..

"MGA HARROOOTTT !!.. " sigaw ni Spolstra..

Nagturuan na lang sina Zack at Primo pabalik sa kabilang ring pero ng makalapit sila sa mga kakampi ay nakatanggap sila ng tig iisang kotong sa bumbunan na ikinatawa ng audience..

Tumawag ng time out ang matandang coach ng kalaban..

Nagdabog si Striker pero wala syang magawa..

Bago makarating sa bench..Pasimple nyang binato ng bola si Zack..

Tumama ito sa ulo ng binata..

Nakita ito ni Primo kaya kinwelyuhan nya si Owen..

"Punyeta ka.. Kanina pa ako init sayo eh..Kung gusto mo ako na lang pag tripan mo..Game naman ako eh.." madiing sabi nya..

Tutulong sana ang dalawang kapre pero nakangising humarang si Rigor..

"Di pa ako nakakagulpi ng dalawang overaged na kapre..Ngayon palang ata eh.." sabi nya habang pinapatunog ang mga daliri..

Nasindak ang dalawang kapre kaya nag si atrasan ang mga ito..

Agad namang pumagitna ang mga referee para awatin sina Primo at Striker..

Umismid lang si Owen sabay ngisi..Alam nyang di sya maaano hanggat may nakakakitang officials..

Tumalikod sya at patungo na sana ng bench nila ng biglang may pumitik sa tenga nya ng malakas..

Mabilis na lumingon ang binata para tukuyin kung sino ang may sala..

"What the fuck !.. Who did that?.. " sigaw nya..

Pero sa likod ay may biglang bumatok sa kanya..

Mabilis syang lumingon ..

Nakatingin sa malayo sina Primo at Gustavo..

Pero biglang bumingisngis si Gustavo at nginuso si Primo..

Natawa na din si Primo at kinalawit ang leeg ng pinsan nya..

Asar na kinalabit ni Owen ang referee para isumbong ang mga nangyari..

"Ref !.. He hit me !.. " reklamo nya.

Nag tila savior naman ang kalbong ref..

"Sino umano dito?.." tanong nya..

Pero nalula sya ng palibutan nina Primo , Denzel , Gustavo at Rigor..

"Sa mukha ba namin ito ref..Magagawa ba naming saktan sya ?.. " nag beautiful eyes pa si Rigor..

"Ang panget mo pare.." saway ni Denzel..

Nagbungisngisan na naman sila..

Pumito ang ref para ituloy na ang tinawag na time out.

Palingon lingon sa likod si Owen para tiyakin na wala ng mang aano sa kanya..

Pagpihit nya nawala sya sa balanse at humandusay sa lupa..

Parang may kung anong maliit na kuryenteng naramdaman ang katawan nya..Di nya maintindihan ang nangyari..

Agad naman syang tinulungan ng mga kakampi nya..

Pabalik na sila ng biglang bumuhos ang tawanan ng lahat..

Pinagkokotongan nila si Zack na nakangisi at binibida ang dalawang daliri na ginamit sa pagpitik ng bayag ni Owen..

Nakatakip ang mukha ni Sab..

Pulang pula sya sa ginawa ni Zack..Kita nya kung paano umupo si Zack pagdaan ni Owen sabay ubod ng lakas na pitikin ang hinaharap nito..

Tawa ng tawa si Vincent..

"Putris ka Zackarias...Akala ko di ka gaganti..Yun pala nagpapasimple ka lang..Biruin mong yung birdy nya pa inatake mo?.. Ahahahaha..Dami kong tawa..Mga 6..Hahaha.." halakhak nya..

Seryoso ang Coach nila Zack..

Pero bigla itong bumunghalit ng tawa at pinagkukurot ang mga players nya..

"Putris kayo .. Lalo na ikaw Zack.. Ahahahaha...Dami ko din tawa..Mga 7. Lamang ako isa..Hahahaha.." tawa nya..

Naubos ang time out na sa kakatawa..

Wala na silang pinag usapan..

Sipol na naman ng ref..

Hawak ni Striker ang bola..

Medyo manhid pa rin ang bandang ari nya ..Di nya talaga alam kung anong nangyari..

Sinulyapan ng binata ang oras..

Napamura ng lihim ng makitang dalawang minuto pa..

4 na lang pala ang lamang nila..

Pinasa nya ang bola sa sentro nila..

Tumakbo sya paikot..

Nakasunod lang sa kanya si Zack..

Hawak ng pinakamatangkad na player ang bola..

Nasa likod nya si Rigor..

Pilit nyang binobomba ang katawan ng binata pero talagang matigas ito..

Bigla syang may narinig sa kalagitnaan ng game.

"Pare pare...Pasa dito.." bulong ng kung sino..

Napangisi sya..

Pumihit paikot sabay pasa sa pinanggalingan ng boses..

Pero napanganga na lang sya ng makita si Denzel na nanlalaki ang butas ng ilong..

"Pare pare, Salamat salamat Dito.. " boses dwende si Denzel...

Mabilis silang tumakbo pakabila..

Pinasa nila kay Gustavo ang bola..

Nilay up agad naman nito ang bola sabay pogi sign pagkababa..

Pero walang pumansin sa kanya..

Nasa kabila na ang mga kampi nya...

Nanlulumong bumalik sa kabila si Gustavo...Aping api..

Dalawa na lang ang lamang..

Nag screen ang bantay ni Primo at hinarangan si Zack..

Mabilis namang tumakbo si Striker..Pero muli syang humalik sa lupa ng mag sanga ang mga paa nya..

Sumipol ang referee dahil nakadapa si Owen sa lupa..

Inabot ni Zack ang kamay nya pero tinanggihan ito ni Striker at iinot inot na tumayo..

Nagtaka sya kung bakit napatid..

Kaninong.

Sinuyod nya ng tinign ang mga kalaban maliban kay Zack..

"Di ako yon.." biglang putak ni Primo..

Nagtawanan ang lahat..

Sumipol ang referee..

"Foul white number 69 !.. Diosdado !.." sigaw ng kalbo

Napangiwi si Primo ng marinig ang panget nyang pangalan..

"Ref..Number 69 na lang pwede?.. " pagrequest nya..

Pero nagulat sya ng irapan ng referee..

Free throw ni Striker..

Masakit ang gasgas sa tuhod nya..

Inis na inis sya kay Primo pero wala syang magawa kundi magsintir na lamang..

Di bale..

Kapag naipasok nya ito..

4 na ulit ang lamang nya.

Akmang titira na sya ng biglang kumanta si Rigor..

"A little bit of Monica in my side..A little of Erica on my knees..Teka tama ba yung lyrics?.. " pagkanta nito..

Sumabay sina Denzel..

"One two three four five.. Everybody in the sun let's come on and ride.. !.. Oh yea !.." pagkanta nina Gustavo..

Napanganga si Owen..

Nagulat sya ng sipulan ng referee..

"5 seconds !.." sigaw nito..

Nagboo ang mga tao..

Nawala na sa focus si Striker kaya mabilis nyang tinira ang bola pagkabigay pa lamang ng referee.

Pero humatsing si Primo sa tabi nya..

Tatawa tawang pinagpapalo ni Zack ang kaibigan..

Nagharutan sila patungo sa kabila..

Asar na tumayo ang matandang coach..

Sinipa nito ang upuan sabay walk out..

Nagkatinginan na lang ang mga naiwan nitong players..

Wlang nagawang freethrow si Striker..

2 pa rin ang lamang..

22 seconds na lang ang nalalabing oras..

Hawak ni Zack ang bola.

Pero patuloy na silang nagkalat..

3 sunod sunod na three points ang ginawa ni Zack dahilan para matambakan ng pito ang kalaban..

Ang dating 14 points nya nung 1st half ay naging 28 points tulad ng kay Striker..Pero batid nyang di pa sya nakakabawi sa binata..

Sinulyapan ni Striker ang mga kakampi..Tila ba tanggap na nito ang nakaambang pagkatalo..

Pero hindi sya..

Kinalma ni Owen ang sarili..

Todo bantay sya..

Sa huling pagkakataon..

Aalisin nya ang kahihiyan na kanina pa nya nararanasan..

Papanisin nya si Zack..

Hawak ni Zack ang bola..

Iisa lang ang iniisip nila ni Owen..

Sa iisang tira..

Papanisin nya ang binata..

Napatayo si Sab..

Pati sina Vincent at Spolstra ay di maitago ang antisipasyon sa nalalapit na pagtatapos ng laban..

Maging ang crowd ay tila nabatu balani na..

Rinig kahit ang pagdribble ni Zack..

Nagsipuntahan na sa gilid sina Primo para bigyang daan ang gagawin nina Zack..

"Isolation" .. bulong ni Sab..

Nakasalikop ang mga palad..

Rinig ng lahat ang dribble ni Zack.

Walang kumukurap..

Walang nagsasalita..

Nakatitig si Zack sa mga mata ni Owen.

.

Wala syang personal na galit sa binata..

Pero batid nya na kailangan na nyang tapusin ang laban..

Sa isang iglap..

Mabilis na nagcrossover si Zack pakaliwa..

Napangisi si Striker..

Nabasa nya ang isip ng binata..

Sinalubong nya ito sa kaliwa at hinarap..

Dinipa ang kamay..

Pero walang Zack na sumugod..

Nagdribble si Zack sabay step back..

Ginuhitan ang linya ng tres sabay tingin kay Owen..

Tinakbo ni Striker ang distansya nila ni Zack.

.

Tumalon sya ng buong lakas.. Pero huli na..Naipukol na ni Zack ang bola.

Lahat napatingin sa ere habang lumalapit ang bola sa ring..

Makapigil hiningang tumalbog ang bola sa board sabay pasok..

Tulala si Owen.

Parang tumigil ang ikot ng mundo nya..

Ramdam nya na ang kahihiyan na malapit na nyang marinig...

Pero nagulat sya ng akbayan sya ni Zack..

"Pare..Nice game..Grabe nag enjoy ako.." humihingal na bati ni Zack..

Napanganga si Owen ng dumugin sya nina Primo at Gustavo..

Sinikmuraan nila ang Striker bigla..

"Nice game yon ah..Ang lupet nyong dalawa.." bati ni Primo sabay abot ng kamay kay Striker..

Napatingin sya sa nakangiting mukha nina Denzel at Gustavo..

Biglang may yumakap sa kanya sa likod..

"Whew..Kakapagod pota..Damn I can even feel my heartbeat !.. " pag iingles ni Rigor..

Natawa ang magkakaibigan..

Wala ang mga panlalait na kanina nya pa inaasahan, bagkus.. Ang nakangiting mukha nga mga kalaban nya ang tumambad sa kanya..

Unti unting napangiti si Owen..

"Well, thank you din..Sige..Sagot ko ang miryenda.. Pero magshoshowe muna ako..Ang baho ko na eh.." biro nya..

Napatingin sila kay Rigor..

"Oh baket??.. Porke mabaho ako na?.. Di ba pwedeng tayong lahat?.. " asar na tanong nya..

Nagtawanan sila at magkakasamang nagkasiyahan..

Napangiti si Sab sa gilid...Tutop ang bibig nya..

Naluluha sya sa di maipaliwanag na emosyon pero napatili ang dalaga ng may sumundot sa gilid ng balakang nya..

Pagtingin nya ay ang nakangiting mukha ni Zack ang nabungaran nya..

"Shower lang kame ha?.. " paalam ni Zack..

Ngumiti ng matamis si Sab kahit ramdam nya ang pamumula ng mukha..

"Sama ko.." ungol ni Vincent..

Nagtawanan na lang sila..

Tumango si Sab..

"Sige..I'll wait for you..Tulad ng ginagawa mong paghihintay sa akin.." bulong nya..

Nagkangitian silang dalawa hanggang sa itulak na si Zack ng mga kaibigan nya..

ITUTULOY !!!

Posted in: Romance