1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 18
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 18

20 minutes

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 18

Bago magsimula ang laban... May napansing kakaiba si Primo sa dalawang naglalakihang players ng kabila..

Parang nakita na nya ang mga ito kung saan..

Di lang sya makatiyak..

Napansin naman agad sya ng pinsang si Gustavo kaya nagtanong ito sa kanya..

"Insan?..Something wrong?.." bulong nito sa likod ni Sab..

Tumango si Primo..

Nginuso ang dalawang kapre..

"We met them before.. I knew it.." bulong nya..

Napatingin na rin si Vincent..

"Yeah, yan ang kanina ko pa gustong sabihin sayo Prims..Kung di ako nagkakamali.. Nakaaway na natin yang mga yan.." sabi nito..

Napahawak si Primo sa baba nya..

Napangiti sya..Parang may bumbilyang kumislap sa utak nya..

"Yes.. Your right sister.." landi ni Primo sabay kalabit sa katapat na Coach nina Denzel at Zack..

Napatingin ang Coach sa binata.

"Oh?.. " tanong nito..

Ngumisi ang tatlong binata..

"There's something wrong here sir..Those two guys.. Yung dalawang kapre ng mga kalaban..We know them.." bungad ni Primo..

Napatingin ang Coach sa tinutukoy ng binata..

"What's wrong with them?.. " tanong nya..

Pero ngumisi lang si Primo..

"Try to contact someone form their school and ask kung may estudyante silang kaparehas ng name nila..Try to ask their heights.." suhestyon ng binata..

Nagtaka ang Coach..

"Why?.. " tanong nya.

.

"Because they are trying to decieve us.." mariin na sabat ni Gustavo..

Nagpanting ang tenga ng Coach..

Mabilis nyang nilabas ang cellphone para kontakin ang kaibigang guro sa nasabing eskwelahan ng mga kalaban.

Tiim bagang sya habang hinihintay ang pagsagot sa kabilang linya..

Ilang saglit lang naman ang hinintay nya bago sagutin ng kabila ang tawag nya..

"Uy Derek !.." bati agad ng kababata...

Tulad nya.. PE teacher din ito duon sa kabilang eskwelahan..

"Pare..Mamaya na kamustahan.. I just want to ask you something.. And please.. Do me a favor na rin.." bungad nya..

Nakaramdam ng kakaiba ang kausap ni Spolstra..

"Sureness pare..Ano yon?.. " tanong nito..

Sinabi lahat lahat ng Coach ang pakay nya..

"Okay pare.. I will do that...Give me 10 minutes.." sagot nito..

"Thanks pare.. Thanks talaga.." pasasalamat ng Coach..

Bago sila nagpaalam sa isa't isa, binigyan ng babala ni Spolstra ang kaibigan na isekreto ang gagawing pag iimbestiga..

Muli nyang tinitigan ang Coach ng kabilang kuponan..

Sikat ito..

Pero di dahil sa kagalingan sa pagmamanage ng Team kundi sa pandaraya ..

Para syang tanga ..Nakalimutan nya ang babala ng Tiyuhin nyang Coach din tungkol sa makakalaban nilang Team sa araw na ito..Sabagay, kagabi pa sila huling nagkausap ng Uncle nya at nawala agad ito ng paggising nya ay makakain sya ng di inaasahang almusal..Yun ay walang iba kundi dumi ng butiki..

Sa pagkakaalala ng naging agahan nya..Muling nag sintir ang loob ng binatang Coach..Lalo lang nadagdagan ang ngitngit nya para sa kalabang Team..

Mabilis na pumwesto sina Zack at Denzel..Nasa ilalim agad ng ring si Rigor..

Inbound ng kalaban..

Nasa labas ang guard nila at ng sumipol ang referee, mabilis nitong pinasa ang bola kay Striker..

Mabagal na tinawid ng binata ang bola.

Ang mga mata ay nakatuon kay Zack..

Batid ni Zack na di sya dapat magpabaya.. Maliit pa ang lamang nila...

Kailangan nilang magfocus hanggang sa pagtapos ng laro..

"Be ready pare.." sabi ni Denzel sa tabi nya..

Tumango si Zack..

Ang mga mata ay di inaalis sa ginagawang pag dribble ng Striker..

Tinaas ng kalaban ang kamay nito..

Naging alerto si Zack..

Nagdribble si Striker patungo sa kaliwa..Cross over patungo sa gilid ng court..

Mabilis namang nahabol ito ni Zack..

Dinipa nya ang kamay sa pag aakalang susugod ang bantay nya..

Pero nagtaka sya ng muling naging mabagal ang pag dribble nito..

"Zack !.. Watch out !.." rinig nyang sigaw ni Denzel..

Nagtaka naman ang binata.. Nilingon nya ang mga kakampi at nabigla sya sa nakita..

Nasa iisang panig ang lahat ng kalaban nila..

"Iscolation" bulong ni Primo..

Napatingin sa kanya si Sab..

"Isolation kuya?.." tanong ng dalagita..

Kinabahan si Primo..

Alam nya ang mga kalibre ni Zack..Magaling itong kumuha ng puntos pero batid din nya na mababa ang statistics nito pagdating sa depensa..Si Denzel ang magaling sa depensa..

"Kuya .." untag ni Sab..

Napatingin sa kanya ang binata..

"Oh?.. " tanong ni Primo..

"Anong sinasabi mong Isolation?... " pangungulit ni Sab.

Muling tiningnan ni Primo ang mga kaibigan..

"Isolation, isang diskarte sa basketball..Kung saan nagtutungo sa isang panig ang mga kalaban.. Syempre susunod ang mga bantay nila..Binibigyang daan nila ang dalawang manlalaro para mag one on one.. Sa sitwasyon ito, sina Zack at Owen yon.." sabat ni Coach Spolstra..

Nanlaki ang mga mata ni Sab..

Kung ganoon hinahamon ni Striker ng One on One si Zack..Muli nyang pinagsalikop ang mga kamay..Pinigilan ang sarili na magdasal para sa ikapapanalo ng mga kaibigan.. Ang tanging hiling nya ay matapos ang laban ng di mapapahamak si Zack..

"Isolation. " bulong ni Zack sa sarili..

Mabilis na naging alerto ang mga senses nya..Kailangang di makaiskor sa kanya ang kalaban..

Ibibigay nya ang lahat para dito..

Bumilis ang dribbling ni Striker..Nakatitig lamang si Zack sa mga mata nito..

Nakadipa ang dalawang kamay ..Inaantay ang susunod na gagawin..

Sa isang iglap, sumugod si Striker..

Alerto si Zack na umatras para makabwelo kung sakaling mag jump ito..

Alam nyang pepeke ito kaya di sya masyadong lumayo..

Tumalon si Striker..

Tama ang hinala ni Zack.. Medyo malapit sya sa binata kaya alam nyang aabutan nya ang bola sa ere..

Buong pwersa syang lumundag..

Pero nagulat ang binata ng nag bounce pass ng malakas si Striker..

May tumatakbong kalaban sa likod nya..Hinabol ito ng kakampi nilang gwardya..

Nasalo ng kalaban ang pasa ni Striker..

Pero mabilis din itong nagpasa..

Hinagis nito ng mabilis pataas ang bola..

Tumalon ang isang matangkad na player na bantay ni Denzel..

Alerto ang kaibigan nya sa pag intercept ng bola..

Pero tinapik nito ang pasa patungo sa three points..

Nagulat si Zack..

Pagtingin nya sa bantay nya ay wala na ito..

Malayo na si Striker sa kanya at kasalukuyan na itong tumitira ng tres..

Di na nagawang makalapit pa ni Zack..

Libreng nakatira si Striker..

Nag abang sa rebound sina Rigor at Denzel..

Pero tulad ng mga naging tira ni Zack, ringless ang tira ni Owen..

Tameme ang buong gym..

Walang nakahiyaw..

Mabilis lang ang naging mga pangyayari..

Wala pang labing limang segundo ang lumilipas sa orasan ..

Napayuko na lang ang binata.

Naramdaman nya ang pagtapik nina Denzel at Rigor sa balikat nya..

Nakangiti ang mga ito na parang sinasabing ayos lang..

Inbound nina Zack.

Nasa labas sya..

Pinasa nya ang bola sa kakamping gwardya..

Tinawid naman nito ng mabilis ang bola..

Paglapit ni Zack.. Bantay agad sa kanya si Striker..

Pinasa ng guard nila kay Denzel ang bola..

Tumakbo si Zack..

Nag cut sya ng linya para lituhin ang kalaban..

Sumalaksak si Denzel.

Sinubukan nyang mag lay-up..

Pero dalawang naglalakihang tore ang nakabantay sa gitna..

Umatras ang binata ... Hinanap ng mga mata nya si Zack..

Pagkakita sa kaibigan ay mabilis nya itong pinasahan..

Agad namang nasalo ni Zack ang bola..

Pagharap nya ay nanlaki ang mga mata nya..

3 tao ang nakabantay sa kanya.

Napapalibutan na si Zack ng tatlong kalaban..

Nataranta ang binata.

Sinusubukan nilang i-steal ang bola kaya mabilis itong iniiwas ni Zack.

Pero sa kakaiwas nya nasiko nya ang nasa bandang gilid nya..

Sumipol ang referee..

"Foul !.. White number 14 !.. Offensive !.." sigaw ng kalbo..

Napa boo ang mga tao.

Ngumisi si Striker..

Muling lumapit sa kanya sina Denzel at Rigor.

.

"Focus lang pare.." payo ni Denzel.

Napilitang tumango si Zack..

Bola nina Striker..

Hawak ng binata ang bola at papalapit na naman ito kay Zack..

Nagseryoso na ang binata..

Ayaw nya ng mapahiya..

Sinubukan nyang mag steal..Sinundot nya ang bola.

Pero mali ang nagawa nya..

Pinatalbog ni Striker ang bola patungo sa likod nito..

Nag cross over ang binata.

Sabay tira ng jump shot..

Pero mabilis si Denzel..

Agad nitong napalo ang kamay ng striker..

Sumipol ang referee..

Napatingin lahat sila sa bolang nag bounce sa ring..

"Waaggg !.. " sigaw ni Sab..

Tila nag dilang anghel ang dalagita dahil sablay ang tira ni Striker..

Pero foul..

"Foul white number 4 !.. " sigaw muli ng kalbo..

Nakangising hinimas ng Striker ang likod ng palad nya..

Pumwesto sya sa freethrow para tanggapin ang dalawang libreng tira.

Matagumpay na binuslo ng binata ang dalawang freethrow nya..

Dalawa na lamang ang lamang nila..

Sinubukan ni Zack na mag fast break.. Sya ang kumuha ng inbound at mabilis nya itong binato sa kakampi..Pero di nakatingin ang pinasahan nya..

Tumama sa braso nito ang bola dahilan para ma steal ng kalaban..

Muling tumira si Striker mula sa perimeter..

Swak na naman !.

Tabla na ang iskor..

Biglang nag buzzer ..

Sumipol ang referee..

"Time Out !.." sigaw nito.

Napalingon ang lahat ng sina Zack sa committee at nakita nila ang Coach nilang seryosong bumabalik patungo sa upuan nito..

Lumong lumong bumalik ng bench ang mga players..

Parang nadoble ang pagod nila mula kanina..

Nakatayo lamang si Spolstra habang pinagmamasdan ang mga manlalaro nya..

Partikular kay Zack..

"Zackarias !.." sigaw ng Coach..

Kahit si Sab nagulat sa sigaw ng Coach nina Zack..Kinakabahan sya para sa binata..

Nagulat si Zack sa pagkakarinig sa sigaw ng Coach..

Batid nya ang mga nagawa nyang pagkakamali.. Pero nananalangin sya na wag naman sana syang pagalitan ng sobra sa harap ng mga kasama..Partikular sa harap ni Sab..

Napayuko na lang si Zack .. Wala syang magagawa kundi tanggapin ang sermon ng Coach..

"S-sorry Sir.." sabi nya..

Di pa man sya nasesermunan, inunahan nya na..

"Balita ko may Crush ka daw sa magandang dilag sa likod mo?.. " biglang banat ni Spolstra..

Nayanig ang buong pagkatao ni Zack..

Pati si Sab ay natulala..

Bungisngis sina Denzel at Rigor sa magkabilang gilid nya..

Napatingin sya sa Coach kung seryoso ba ito sa mga pinagsasabi nito..

Pagtingala nya ay seryosong nakatingin sa kanya si Spolstra..

Napangiwi si Zack..

"C-coach naman eh.." mahinang angal nya..

"Coach naman eh.." panggagaya ni Spolstra..

Tawanan na naman ang mga kasamang players nya..

Pati sina Primo naaaliw sa kakengkoyan ng Coach nina Denzel..

Tumingin ang lahat ng players kay Sab..

Ramdam ng dalagita ang pamumula ng mga pisngi nya.

Pinagpapalo nya ang mga katabing sina Gustavo at Primo na pasimpleng humahagikgik..

Sinulyapan nya si Zack na nakayuko..

Aminin man nya o hinde sa sarili..Pati sya nag aabang sa sagot ng binata..

"O ano?.. Tama o mali?.. " pangungulit ni Spolstra..

"Uyyyyy... !!!.." sabay sabay na pangtutukso ng mga players sa pangunguna nina Denzel at Rigor..

Napatingin sa kabilang kuponan si Striker..

Napasimangot sya ng makitang parang nagkakasayahan pa sa kabila ..

Rinig nya ang malakas na asaran ng mga ito..

Mukhang tinutukso ng mga kasama nito si Zack sa babae sa likuran nito..

Napatitig sya sa maamong mukha ng nasabing babae.

Di nya masisisi si Zack, talagang maganda ang nasa likod nito..

Pero di sya tulad ng iba na mas inuuna ang pag-ibig..

Para sa kanya.. Pag aaral at Basketball ang mahalaga ..

Lalo lang syang nagngitngit sa binata..

"Dudurugin kita Zackarias !.. " bulong nya..

Wala mang personal na galit sa binata..Sinama nya na ito sa listahan ng mga nilumpo nyang players..

Muli syang ngumisi at nakinig na sa Coach nila..

Sa bench nina Zack..Todo asar pa rin sa kanya ang mga kakampi nya..

"Coach naman.. Para saan ang Time out nyo?.. " reklamo sya..

Bungisngis na naman ang mga kakamping players..

"Para tanungin ka.." mabilis na sagot ni Spolstra..

Lalong lumakas ang kantyawan..

Masakit na ang panga ni Sab sa pagpipigil na ngumiti..

Nakasimangot lang sya para itago ang kilig na nararamdaman..

Bago sa kanya ang pakiramdam na ito..

Muli nyang hinampas si Primo sa tabi nya dahil kanina pa ito walang tigil sa pagtawa ng palihim..

Nakayuko lang si Zack..

"Oh bakit di mo tingnan si Sab?.. " tukso ni Denzel..

Nanlaki ang mga mata ni Zack sa sinabi ng kaibigan..

Kinalawit nya ito ng braso at sinakal..

"Kita mo.. Halatang guilty.. Siguro totoo?.. Ano po Coach?.." dagdag gatong ni Rigor..

Gigil na sinakal din ni Zack si Rigor sa tabi nya..

Lalo lamang lumakas ang asaran kaya wala na syang nagawa kundi yumuko na lamang ..

Napangiti ang Coach..

Eto ang gusto nyang mangyari sa mga players nya..

Ang magrelax para di maramdaman ang pressure na paparating.

Muling tumunog ang buzzer.

Napa "aawwwww" ang buong team maliban kay Zack..

Tawanan sila ng sabay sabay..

Isa isang bumalik sina Denzel sa court..

Nagpahuli si Zack.

Binaba nya ang twalya..

Pero nahagip ng mga mata nya si Sab na nakatitig din sa kanya..

Nagtama ang mga mata nila ng dalagita.

Mabilis na nagiwas si Zack..

Baka mabasa pa ni Sab ang nararamdaman nya..

Imbes na maglakad..

Tinakbo nya ang malapit na distansya..

Napapangiti na lang si Spolstra sa mga alaga nya..

Masaya sya sa pagcocoach ng Team na ito..Pakiramdam nya mga nakababatang kapatid nya ang mga players..

Kaya apektado sya pati sa love life ng mga ito..

Biglang nag ring ang phone nya..

Pagtingin nya sa ID ay nabasa nya ang pangalan ng kaibigan..

Text lang.. Napaismid si Spolstra..

"Kuripot ang unggoy.." pang - aasar nya sa kaibigan..

Mataman nyang pinasadahan ng tingin ang text mula sa kaibigan..Napatiim bagang na lang sya ng makumpirma ang hinala ng mga kaibigan ni Denzel..

Tinitigan nya ang mga naglalakihang players..

Bumalik sya sa bench at naupo..

"Tama sir?.. " untag ni Primo.

Tumango si Spolstra..Di nya alam ang gagawin.. Kapag nagprotesta sya sa kalagitnaan ng laban..Malamang na masabihan sila na nagdadahilan lang..

"Di ko alam ang gagawin .. " sabi nya.

Nagisip din si Primo.. Biglang sumabat si Gustavo..

"Why we dont play their game?.. suggestion nya..

Kunot noo ang dalawa..

Pero unti uting ngumisi sa isa't isa..

"Beat it.." sabi ni Spolstra..

Nagkatinginan sina Gustavo at Primo..Kapagkuwa'y kay Vincent na abala sa kaka Page sa kung sino..

"Hoy babaero.. Gusto mo bang sumali?.. " sabi ni Gustavo..

Umiling si Vincent..

"Magpapagod lang ako... Tsaka 3 na sila don.. Kapag pinalitan natin sila..Mawawala ang isa kina Denzel at Zack .. Alangan si Rigor palitan natin eh malaki ang ambag nya.." sagot ng binata..

Napatango si Primo.. Tama ang kaibigan nya..

"Kami na lang po Coach.." sabi ng binata..

Tumango ang Coach..Tumayo sya at binilin kay Vincent ang Team..

"Iho kaw muna dito.." sabi nya..

Tumango si Vincent.. Naupo sya sa pwesto ng Coach habang pumupuslit ang tatlo pabalik ng locker..

Walong minuto na lang ang natitira sa second half..

Ramdam na nina Denzel ang pagod ...

Napatingin sya sa score.. Pilit nyang tinatago ang panlulumo sa nakikita..

Tambak sila ng dose..

At iyon ay kagagawan ng Striker ng kalaban..

Di pa ito sumasablay sa 3 points..

Kasalukuyan ng 21 points ang nagagawa nito habang ang pinakamataas nila ay si Zack na 14 pa lamang..

Ayaw nyang manisi kahit sino sa kanila..

Pare parehas nilang gustong manalo kaya walang dahilan para may isang magpabaya sa kanila..

Batid nyang ginagawa ng lahat ang makakaya nila para pigilan ang mga kalabang umiskor..

Pero mukhang nakikita nya na ang kahihinatnan ng laban..

Napatingin sya sa kaibigan si Zack..

Nag aalala sya sa kababata..

Batid nya ang kapasidad nito sa paglalaro..

Di pa sila napupwersa ng ganito sa laban kaya di sya nagtataka sa nakikita nyang paghihirap nito sa paghinga..

Mukhang kakailanganin nila ng Time Out..

Pero di nila bola..

Next turn na lang siguro..

Tagaktak na ang pawis ni Zack..

Kanina pa sya hirap na hirap sa paghinga ..

Ngayon lang sya nakaramdam ng sobrang kapaguran..

Dati rati naman kasi ay di ganito kaliksi ang nakakabantayan nya..

Ace player ng kalaban ang ginagwardyahan nya kaya di kataka takang unti unti na ring nauubos ang lakas nya sa katawan..

Pero di sya dapat sumuko..Nakasalalay sa kanya ang ikahihinto ng pag produce ng kalaban sa pag-score..

Kailangang higpitan nya pa ang pagbabantay kay Striker..

Dobleng effort pa..

Walang susuko..

Hawak ni Striker ang bola..

Muli na naman itong nilapitan si Zack..

Sa nakikita nyang paghingal nito..Mukhang sa ilang saglit lang ay tutumba na ang bantay nya..

Napangisi ang binata..

Kahit nasa tres.. Binomba nya ang bantay..

Tama ang hinala nya..Tinatagan ni Zack ang pagkakatayo sa pwesto nito..

Naka spread ang mga paa nito para di umatras sa ginagawa nyang pasimpleng pagtulak..

Ilang bomba pa.. Mabilis syang umikot..

Mabilis syang nagdribble patungo sa kampi nya..

Nataranta si Zack ng biglang umalis sa harap nya si Striker..Todo patigas pa naman sya..

Akala nya pupwersahin sya ng kalaban kaya pinagtibay nya ang pagkakatayo..

Pero mali ang ginawa nya..Di sya nakarecover agad dahil sa posisyon nya..

Pinilit nyang habulin si Striker pero may humarang sa daan nya..

Na screen sya ng kalaban..

Wala ng nagawa ang binata kundi panuoring tumira si Striker..

Umaasang sasablay ito..

Pero tulad ng kinakatakot nya..

Three points na naman ang nagawa nito ng walang kahirap hirap..

Kinse na ang lamang sa kanila ng kalaban..

Tumunog ang buzzer..

Napatingin sila sa bench ..Nanduon si Vincent sa committee..

Kunot noo si Zack..

Anong ginagawa ng kaibigan sa bench nila?..

Akmang lalapit na sya ng harangin ni Striker..

Nakangisi ito na tiningnan mula ulo hanggang paa nya..

Tila nilalait sa pamamagitan ng pagtitig..

"So, ikaw pala ang sinasabi nilang papantay daw sa pag produce ko ng scores..How sad.. Halos kalahati na lang kita ah..Tsk tsk.. " pang aasar nito..

Di na lang pinansin ni Zack ang binata..

Mabagal syang lumapit sa bench..

"Nakakahiya sa bebot mo..Ano na lang iisipin nya?.. Na isa kang talunan?.. Ahahaha.." sabi nito..

Nagpanting ang mga tenga ni Zack..

Pero pinigil nya ang sarili..

Magmumukha lamang syang tanga kapag pinatulan nya ang binata..

Iika ika syang lumapit sa bench..Kanina pa namamanhid ang hita nya sa katatakbo..Gusto na nyang maupo..

"Nasan si Coach pare?.. " tanong ni Denzel..

Kibit balikat lang ang kaibigan nila..

Walang nakapagsalita sa buong team..

Lahat tinitipon ang lakas para sa mga huling sandali ng laban..

Di na nakatiis si Sab..

"Kaya mo yan .. Go for it.." bulong nya sa tenga ni Zack..

Natulala si Zack sa pagdampi ng mga labi ni Sab sa tenga nya..

Di nya naintindihan ang sinabi nito pero kataka takang napangiti sya..

Umugong na naman ang kantyawan sa team nila..

Pero saglit lang dahil nga sa nagiipon sila ng lakas..

Nanlumo ang lahat ng tumunog ulit ang buzzer..

Humiling pa si Denzel ng isa pang full time out..Pumayag naman ang mga ito.

"Wala pa tayong plano ?.. " tanong ng isang gwardya..

Tulad nila..Humihingal na din ito sa pagod..

Napangiwi na lang si Denzel..

Mabilis na pinagana ang isip..

Sa mga ganitong sitwasyon, sya ang dapat na magisip..

Pero talagang blanko ang utak nya..

Pagod na din sya pero mas lamang ang pagod sa isip dahil sa sitwasyon nila..

Sa mga ganitong pagkakataon ay si Primo ang nag iisip ng solusyon..Pero wala ang kaibigan nya.. At di tamang lagi na lamang syang nakaasa dito..Kailangan nyang matutong tumayo sa mga paa nya..

Hinamig ni Denzel ang sarili at pinagmasdan ang mga kakamping halos mawalan na ng pag asa..

"We have to finish this guys... Maraming nagtaas ang kilay sa atin ng malaman nila kung sino ang makakalaban natin sa araw na ito..Di ko sila masisisi dahil kahit ako aminado na malakas sila..Pero tama bang mawalan na lamang tayo ng pag asa at isuko ang laban?.. " tanong ni Denzel..

Napailing ang lahat kabilang na sina Zack at Rigor..

"Kailangan nating lumaban para sa school, para sa Team.. Pero di lang yon.." dagdag nya..

Natahimik ang lahat.

"Kailangan nating lumaban para sa sarili natin..Kailangan nating patunayan higit kanino man na kaya natin silang lampasan..Isipin natin na isa lamang silang harang na dapat nating daanan..Don't worry guys.. Kung matatalo man tayo, wag naman sana, matatalo tayo na lumalaban at di basta basta sumusuko na lang..Pero syempre, di yon mangyayari..Walang ibang mag cecelebrate dito kundi tayo lang.. Naiintindihan nyo ba ako?.. TAYO ANG MANANALO DITO !.. " sigaw ni Denzel..

Natulala ang buong gym sa lakas ng sigaw ng binata..

Nanagisi sina Zack..

Inabot nya ang kamay at pinwesto ito sa gitna..

"Para sa team.. Mananalo tayo !... " sigaw ni Zack..

"BWAHAHAHAHAHAHAH !.. " sagot ni Rigor..

Nagtawanan ang team..

Isa isa nilang pinagdikit ang mga kamay..

Nagtitigan sa isa't isa..

"We will win !.." sigaw ni Spolstra sa likod..

Napatingin ang lahat..

Nagulat sila ng makita sina Primo at Gustavo na nakasuot ng parehas nilang uniform..

Lumapit sa kanila ang mga bagong dating...

"Guys.. I want you to meet Silverio and Diosdado..Substitute players.. " nakangising pakilala ni Spolstra..

Nagkatinginan ang lahat..

Nagtataka..

"Why ?.. " tanong ni Denzel..

Ngumisi si Spolstra at nginuso ang mga kalaban..

"Sila ang dapat kabahan..Mga mandaraya sila.." tiim bagang na sabi nito..

Nagtatakang lumapit si Zack kay Primo...

"Kelan ka pa naging Silverio?.. " tanong nya..

Pero nagulat sya ng batukan ng kaibigan..

"Gago.. Ako si Diosdado Pandakan..Putsang pangalan talaga oh.." angal ng kaibigan..

Natawa si Zack at Gustavo sa tabi..

"Sige tawa.. Tanong mo surname nya.." pang aasar ni Primo..

Napailing si Gustavo..

"Sige ano??.. " tanong ni Zack..

"Silverio Panot.. BWAHAHAHAHAHAHA.." tatawa tawang banat ni Primo..Natawa na din si Gustavo..

Natawa din si Zack ..Pero talagang nagtataka sya..

"Bakit kayo naka suot ng parehas naming uniform?.. Ano yan Cheering Squad kayo?.. " tanong nya..

Natigil sa pagtawa ang magpinsan..Nginuso ang matandang Coach ng kalaban..

"Mandaraya sila..Peke ang identity nung dalawang matatangkad na players ng kabila..Mga outsiders yan..22 age nung isa tapos yung isa 19..Over age na...Out of school pa..Double penalty yan.. If ever na malaman ng committee..Siguradong katakot takot na parusa ang matatanggap hindi lang ng Coach kundi ng School..Pero nakapagtataka kung bakit sila pinayagan ng committee.." nagtatakang sabi ni Gustavo..

"Pera pera insan..Money Talks di ba?.. " sabi ni Primo..

Biglang lumapit ang referee..

"Sino yang mga yan Coach Spolstra?.. " tanong nito..

Ngumisi lang si Spolstra.. Imbes na sagutin.. Lumapit sya sa committee..

Kita nila kung paano nanlaki ang mga mata nito at dahan dahang tumango..

Ilang saglit pa.. Nakangising lumapit si Spolstra sa mga players nya..

Tinapik nya ang dalawang gwardya nyang laglag na ang dila sa kakahingal..

"You did a very good job boys..Time to get even.." madiing sabi nya..

Tumango ang dalawang players..

Nakangisi si Denzel na tinapik si Primo..

"Pare mukhang magiging kampi muna tayo.. " natatawang sabi nya..

Tumango si Primo..

"So ikaw na Captain.." dagdag ni Denzel..

Pero tumanggi si Primo..

"Nope.. Mas magaling kang Captain saken pare..Di mo lang alam yan kasi sanay kang sumusunod na lang..Now that you experience to manage you team.. You just proved to us na you can be a great leader pare.. So nandito ako hindi para palitan ka kundi para samahan ka..Lets get it on brother.." masayang pahayag nya..

Napangiti ang lahat sa isa't isa..

Nagform sila ng bilog..

"Rigor will be the center pa rin.. Zack and I will be the same .. Point Guard ako habang shooting guard sya..Then pare.. Kayong dalawa ni Gustavo ang Forward.." paliwanag ni Denzel..

Tumango ang lahat..

Muling tumunog ang buzzer.. Taos na ang extension nila..

Anim na minuto na lang..

Kinse ang lamang..

Tinapik ni Denzel si Zack..

"Pare..Okay ka na?.. " tanong nya..

Tumango si Zack sabay ngisi..

"Get even.. Kill him.." nakangising paalala ni Denzel..

Ngumisi lalo si Zack ..

Sinulyapan nya si Sab na nakatitig pala sa kanya..

Di na sya nag iwas ng tingin..

Ilang saglit pa, binalingan nya ang kalabang si Striker na nakatitig din sa kanya ng masama..

"I will.." matatag nyang sabi..

Dinuro ni Zack si Owen "Striker" sabay nilagay nya ang thumb sa leeg.. Pumorpang ginigilitan ang sarili..

Naghiyawan ang mga tao sa ginawa ng binata..

Nagkatinginan sina Primo, Gustavo, Rigor at Denzel sa likod nya..

"Let's Rock !.. " bulong ni Zack..

ITUTULOY !!!

Posted in: Romance