1. Home
  2. Stories
  3. Patak... ( Part 1 )
Lagablab

Patak... ( Part 1 )

8 minutes
" Patak... " ( Part 1 ) "So what do you think?" "I try not to think Marissa... it gives me a terrible headache." "Seriously Trisha, I need your help. We've been friends for over a decade now, and this is the first time that I am asking you a favor." Pag mamakaawa ng babae sa harap ko. Kasalukuyang nagmi-miryenda kami ni Marissa sa Cafe By The Ruins na malapit sa may City Hall. Matagal din kaming hindi nagkita, at matapos ang mahigit tatlong taon, ay ngayon lang kami uli nakapag kape ng magkasama. "What are your thoughts?" Tanong niya sa akin habang humihigop ako ng mainit na Benguet Brew na kapeng barako. Pinagmasdan ko siya mula sa ibabaw ng makapal na tasang kulay lupa, at naalala ko ang mga kaganapan sa nakaraan na muntik sumira sa aming pagkakaibigan. Ilang taon na ang nakalilipas... ngunit sariwa pa rin sa aking alaala ang sugat ng kahapon... * Derick Farinas, yun ang pangalan niya. Star athlete, all around nice guy, class president, and head ng student council. He was smart, handsome, and undeniably a lady's man. Ibang klaseng charm at charisma ang taglay ng pinaka matandang anak ng isa sa mga katungaling angkan ng aking ina sa pulitika... ngunit isa sa mga lalaking pilit kong kinalolokohan. I was always present sa lahat ng kanyang mga basketball games, inter school man, o sa barangay lang. Lahat ng mga school outreach programs nila, pilit akong sumasali at nagvo-volunteer work. Maging sa pangangampanya niya para sa kanyang ama ay sunud-sunuran akong nakikipamahagi ng flyers sa mga kanto ng kalsada. Masaya na akong nakikita siya sa araw araw, kahit alam kong imposibleng mapansin niya ako sa dami ng mga babaeng halos ipagduldulan ang kanilang mga sarili sa kanya. I was too shy to approach him, o makipag kilala... during that time, nung nagdadalaga pa lamang ako, mahiyain ako... unsure of myself, my beauty, my worth. Dumaan din naman ako sa stage na napaka baba ng tingin ko sa sarili ko... siya ang nag bigay sa akin ng dahilan upang mag umpisang mag ayos, magpaganda, at mag improve ng kung anong meron ako. * "Kuya, flyer po... 'wag po nating kalimutan... Farinas for Councilor po." Naka ngiti kong sabi sa isang matandang lalake na dumaan sa aking harapan. Kasalukuyan akong nasa kanto ng Abanao Street, namimigay ng flyers para sa nalalapit na election. "Salamat po." Pahabol ko dito nang tanggapin ng matanda ang flyer ko. "Ate, ate... iboto po natin... Farinas po for Councilor. Thank you po." Sunod kong inabutan ang ale na may hawak na sanggol sa kanyang mga bisig. Mainit ang araw, at sumilong ako saglit sa lilim ng Maharlika Building. Kinuha ko ang maliit kong belt bag nang mapansin kong wala na pala akong tissue papers pampunas ng tumutulo kong pawis. "Panyo?" Sabi ng isang malalim na boses sa tagiliran ko. Si Derick na pala iyon. Bumukas ang aking bibig upang magsalita, ngunit walang lumabas na boses dito. Naramdaman kong biglang namula ang aking mga pisngi. At halos idasal ko na lamang na sana mag collapse na lang bigla ang building sa likod ko, upang maitago ang bigla kong pagiging conscious. Nahiya ako sa aking ayos, sa aking itsura, sa aking naka ngangang bunganga. Ngumiti si Derick at inabot sa akin ang panyo niya. Tumalikod ito bago pa ako makapag pasalamat, at tinungo ang kabilang kalsada kung saan naruon nangangampanya ang kanyang ina. Naupo ako sa sidewalk nang makalayo siya, nanghihina ang tuhod, at nanunuyo ang lalamunan. Parang naramdaman ko ang puso ko sa lalamunan ko, hirap akong huminga, at halos maluha luha. Dahan dahan akong huminga, pilit pinapakalma ang aking sarili. "Pinansin niya ako... pinansin niya ako!" Sumisigaw ang isipan ko. Inilapit ko sa ilong ko ang puting panyo niya na may tatak na Armani, at inamoy amoy ko ito. Haaaaayyyyy... Derick. * "Kain lang kayo... 'wag kayo mahiya." Sabi ni Derick sa grupo ng mga volunteers na tumulong sa kanilang mangampanya. Nag aabot siya ng paper plates at plastick spoons and forks sa amin. Bukas ang likod ng malaking container van nila, at naka display duon ang iba't ibang klaseng putahe. "O, bat 'di ka pa kumakain?" Tanong nito sa akin, muli namula ang aking mga pisngi, at tatalikod na lamang sana ako nang kunin niya ang platong hawak ko, at siya na mismo ang maglagay ng pagkain dito. Sumunod pa siya sa akin sa isang sementong lamesa at bangko sa may Burnham Park, upang dalhan ako ng orange juice sa plastic na baso nang makita niyang wala pa akong maiinom. "Teka, wala ka pang dessert... kunan kita." Sabi nito na lalayo na sana. "Ah eh, 'wag na, salamat... marami na ito." Salamat naman at bumalik na ang boses ko. "Sigurado ka? Ah, sige, pag kulang pa kuha ka lang uli. By the way, ako nga pala si Derick." At inabot niya sa akin ang kanang kamay niya. "Ah, alam ko." At nakipag shake hands ako. Huli na ng ma-realize ko na hindi ko man lang binigay ang pangalan ko, at tumalikod na si Derick upang kumain din sa kabilang lamesa kasama ang kanyang pamilya. * "Stupid! Stupid! Stupid!" Pinapalo ko ang aking ulo habang papalayo sa Burnham Park kung saan kami kumakain kanina. Sa lahat naman ng katangahan, pangalan ko lang nakalimutan ko pang sabihin sa kanya. Siguro na turn off na yun sa akin, malamang boba na ang tingin niya sa akin. Hay naku Trisha, wala na, sinayang mo na... mabuti pa umuwi ka na lang at wag na kahit kelan magpakita. Patawid na ako upang pumara ng taxi sa kabilang kalsada ng marinig ko siya. Humahangos at humahabol sa akin mula sa parke kung saan niya iniwan ang pamilya niya. "Trisha... Trisha... intay!" Tawag nito sa akin. Huminto ako sa sidewalk, at inintay kong lapitan niya ako. Humihingal man ay may ngiti pa rin ito. "Hindi ka man lang kumain, 'di mo ba nagustuhan ang handa namin? Tara, treat na lang kita sa kung saan mo gusto." At inabot nito ang kamay ko. "Ah eh, naku, hindi... " Pauna kong sagot dito. "Hindi? Hindi mo nagustuhan?" At parang nanunuya ang mga mata nito. "Hindi... hindi sa ganoon. Naalala ko lang na iniintay na ako ng aking ina, baka kasi mag alala 'yun. Kaya uuwi na sana ako." Marahan kong hinila ang aking kamay upang 'di mapaso sa init ng kanyang palad. "Ah 'yun ba? Sabagay, ano na lang ang sasabihin ng nanay mo, kinakampanya mo ang mahigpit niyang kalaban sa pulitika." At bahagyang lumungkot ang mga mata nito. "Ah, eh, alam mo?" Tanong ko dito. "Matagal na. Nung una ka pa lang sumama sa games namin, at nakikita kita palaging nanunuod, hanggang sa pag tulong mo sa mga outreach programs namin, at ngayon nga sa panganagmpanya mo para sa ama ko... lahat 'yun, napansin ko. Hindi naman ako bulag para 'di mapansin ang isang magandang babae na laging tumutulong sa akin, at sa pamilya ko." "Derick, is everything ok?" Narinig ko ang boses ng kanyang ina. Nag alala pala ito nang 'di agad naka balik sa kanila ang kanyang panganay na anak. "I'm fine ma, si Trisha nga pala ma, anak ni Councilor Tabanda." Naka akbay sa akin si Frederick habang ipinapakilala ako sa kanyang ina. "It's nice to meet you iha. Tell your mom na nagpapasalamat kami at nakuha niyong ikampanya ang asawa ko kahit na magkalaban tayo sa posisyon natin sa pulitika. Are you in a rush to go home iha? Perhaps Derick could bring you home?" "Naku, wag na po, maraming salamat. I'll be fine. I'll see you tomorrow ma'am. At salamat po sa dinner." "Alright then, mag ingat ka Trisha, see you tomorrow." At iniwan na kami ng ina ni Derick. "Alam mo ba na ikaw pa lamang ang kaunaunahang babae na ipinakilala ko sa aking ina?" At muli natahimik ako sa ilalim ng Pine Trees na humahapay sa malamig na hangin. Hinubad ni Derick ang makapal niyang windbreaker at isinuot ito sa akin. "Kung ayaw mong ihatid kita, atleast wear this para 'di ka lamigin. I'll see you tomorrow, Miss Tabanda." Ikinuha niya ako ng taxi, at pinag bukasan ng pinto. Nakita kong kumaway siya mula sa sidewalk, hanggang sa mawala na sa paningin ko ang kanyang maamong mukha. * Jeans, sweatshirts, rubber shoes... these are a few of my favorite things. Bigla na lang nag iba ang aking panlasa. I started going to school in sun dresses made by Chanel, evening gowns made by Dolce and Gabbana to parties, Frocks by Valentino, shoes by Jimmy Choos, and Manolo pumps, make up by Lancome, bags by Fendi, Louis Vuiton, and Prada, and perfumes by Calvin Klein, Elizabeth Arden, and Gianni Versace. Overnight, I was transformed. From a self-concious ugly duckling, to a stunning regal princess. Maraming naka pansin, maraming humanga, pero nagiisa ang lalakeng nais kong makuha. Tonight was a celebration for the landslide victory of Councilor Farinas. Sa banquet hall ng Green Valley Country Club gagawin ang dinner party, at imbitado lahat ng tumulong. Pero tonight, hindi ako aattend bilang isang volunteer na tumulong sa pagkapanalo ng ama ni Derick... tonight I will be attending as the sole heiress of their competitor in politics.
Posted in: First Time