1. Home
  2. Stories
  3. Nick and Lenny (A Cockulding Experience)
Lagablab

Nick and Lenny (A Cockulding Experience)

rey
22 minutes

This is my second story I have posted in another site under the pseudonym "lalaking taglibog". Feel free to comment good or bad. Enjoy!

Simula nang nilalang ng bathala ang mundong ibabaw, samut-saring mga pagbabago ang sumasabay sa pag-inog nito. Nilikha ang tao na nagsimula sa kahubdan at sa kinalaunan ay natutong magdamit, sumuri at aralin ang lahat ng bagay na puno ng misteryo. Mga bagay na kakambal ng ating kuryosidad ay nagagawa nating gawin dahil sa walang sawang pagtuklas upang makatulong at mapagaan ang ating mga buhay. At sa pagtuklas natin sa mga bagay na naaabot ng ating imahinasyon ay hindi maiiwasang masadlak sa pagkahumaling masunod lamang ang gusto ng ating kamalayan o minsan ay ng katawang-lupa.

Tunghayan ninyong muli ang isa pang kuwento ng aking buhay sekswal, dito ay aking ilalahad ang panibago at espesyal na karanasan na aking iniukit sa isang hibla na aking utak. Itinuturing ko itong espesyal sapagkat napapaloob dito ang dalawang tao. Isang magkabiyak na naging parte ng aking buhay. Isinulat ko ang kuwentong ito nang may pagsang-ayon mula sa aking kaibigan na siyang kasama ko sa mga susunod na talata. Sa muliy binago ko ang mga pagkilanlan at mga lugar upang pagtakpan at pag-ingatan ang kanilang mga personal na buhay. At isa sa kanyang mga kahilingan ay gawin kong mas makabago ang bawat konbersasyon, mga simpleng salita na maaabot ng mga bagong generasyon. Ipagpaumanhin ninyo kung maglalaman ito ng maraming hindi kanais-nais na uri ng pananalita, mga salitang punong-puno ng kahalayan dulot ng matinding sensasyon habang kami ay nasa kasagsagan ng aming aktibidad.

Sa mga hindi pa nakakakilala sa akin, ako po muli si Makoy, isang inhenyero na ngayon ay nagtatrabaho na dito sa Lungsod ng Kamaynilaan. Nang matapos ang aming proyekto ni Sir Tom ay pinagdesisyunan kong lumipat ng ibang kumpanya sa personal na kadahilanan. At dito ako napadpad, isang kumpanya na maituturing na nasa kabataan pa lamang sa larangan ng usaping inprastraktura. Pinili ko ang bagong tahanang ito upang aking magamit at maibahagi kung ano mga bagay na natutunan ko mula sa kabilang kumpanya.

Nasa pangatlong buwan na ako noon sa aking paglilingkod sa kumpanyang ito ng makada-upang palad ko si Nick, isang Senior Project manager sa aming proyekto noon. Nasa edad apatnapu na siya noon, isa sa mga pioneer at haligi ng aming kumpanya. Habang ako ay nasa edad tatlumput-anim noon at nananatiling isang binata.

Kinalimutan ko muna ang mga makipagrelasyon upang mas madali kong maabot ang kinatatayuan kong buhay ngayon. Si Nick ang pinakahuling nag-interview sa akin noong ako ay isang aplikante pa lamang. At siya rin ang unang tao na nagbukas palad na tumanggap sa akin upang maging bahagi ng kumpanyang ito. Sa bawat pagdaan ng araw ay nakapalagayang-loob ko na si Nick, mabait ngunit mahigpit, masayahin ngunit direkta at puno ng propesyunalismo sa katawan kung kayat napapanatili ang magandang resulta ng bawat proyekto na may kaakibat na kalidad.

Hapon na noon, mataas ang sikat ng araw at maalinsangan sa labas. Habang abala ako sa field at bilang isang Site Manager ay kinailangan akoy manatiling naka-supervise upang masiguro ang Quality Assurance na aming pinakatop priority sa bawat proyekto. Bukod pa dito ay mahigpit kami sa pagpapatupad ng safety culture para sa aming mga manggagawa. At isa sa pinaka-ayaw ng aming kumpanya ay ang pagkakaroon ng delay sa bawat proyekto bagay na aming naibibigay sa bawat kliyente kung kayat unti-unti kaming nagkaroon ng marka sa larangan ng construction. Nasa kasagsagan ako ng discussion sa aming foreman upang tanggapin ang job report update sa araw na iyon nang akoy tumanggap ng tawag sa aking telepono.

"Hello Makoy, kumusta ang status ng trabaho ngayong araw?" Agad na tanong sa akin ni Nick.

"Nick, kausap ko pa si Foreman, pagkatapos ko dito ay pupunta agad ako sa opisina para ibigay ang project report sa iyo." Tugon ko naman.

"Paalis ka na ba?" Kasunod kong tanong sa kanya, upang masiguro na magpapang-abot kami sa opisina.

"Hindi pa naman, may sasabihin sana ako sa 'yo." Seryoso niyang tanong.

Kasunod niyon ay agad niyang pinutol na ang linya. Muli kong ipinagpatuloy ang pakikipag-usap sa foreman. Makaraan ang ilang minuto ay agad akong pumunta sa opisina. Sa loob ko ay mukhang may isyu sa proyekto na dapat pagtuunan ng atensyon dahil sa tono ng kanyang boses sa telepono. Nang ako'y pumasok at dumiretso sa kanyang private office ay kasalukuyan siyang abala sa pagbabasa ng isang drawing.

"Nick, me problema ba sa proyekto? O kelangan i-modify?" Bungad ko agad sa kanya.

"Wala Makoy, hahahaha! Me gagawin ka ba pagkakatapos mo dito sa opisina ngayong araw?" Malakas niyang tugon na may halong pang-aalaska. Kilala talaga si Nick sa mga bugsong biro sa kalagitnaan ng seryosong oras ng trabaho kaya madalas mamis-interpret.

"Wala naman Nick, bakit?" Sagot ko na medyo nakangiti na dahil sa akala ko'y kung anong seryosong bagay na ang aming pag-uusapan.

"Matagal na din akong di nakakalapag-relax kaya samahan mo ako mamaya sa bar, kahit tig-tatlong bote lang tayo. Tutal maayos naman ang takbo ng proyekto so let's have a little celebration!" Masayang anyaya niya.

"Sige Nick, game ako dyan. Matagal na din hindi nasasayaran ng alak ang lalamunan ko, at puro alikabok din ng construction lang ang nalalanghap ko!" Pabiro kong tugon na sinang-ayunan niya ng tango at ngiti.

Natapos ang oras naming iyon sa opisina, lulan ng kanyang sasakyan ay binaybay namin ang lugar ng kanyang paboritong sports bar. Sa loob ay may kadiliman, maluwag at may mangilan-ngilang mga costumers, merong naglalaro ng bilyar at darts samantalang ang ilan ay abala sa pagkukuwentuhan sa kanilang mga mesa. Dumako kami sa pinakadulong parte ng bar at umorder si Nick ng dalawang serbesa.

"Cheers Makoy! Salamat sa pagsama mo sa akin, at least nakainuman din kita!" Saad niya sabay toast ng aming mga bote.

"Maganda pala dito sa tambayan mo Nick ah, hindi masikip at may katamtaman lang na level ng music. At marami din magagandang tsikas hahahaha!" sabay nguso ko sa dalawang naggagandahang babae na nooy abala sa paglalaro ng bilyar. Mga kabataang tingin koy nasa edad dalampu pa lamang. Nakasuot ng mini-skirts at sleeveless na blouse na may kalaliman sa parteng dibdib. Habang ang isa namay nakasuot ng maiksing maong shorts at nakasuot ng polo shirt na hindi nakabutones sa may bandang dibdib. Bagay na makikita mo ang naglalakihang mga kabundukan.

"Mamaya na 'yan Makoy, me ipapakilala ako sa iyo na mas maganda dyan! Sigurado akong di ka magsisisi at pasasalamatan mo ako hahahaha!" Pagmamayabang ni Nick kasunod ng sunod-sunod na pagtungga sa kanyang bote habang ako ay nakamasid lamang sa dalawang babaeng busy sa paglalaro.

Nakaraan ang ilang oras ng masayang kwentuhan sa saliw ng ilang bote ng serbesa ay naging seryoso si Nick sa akin. Nararamdaman ko na parang may gusto siyang sabihin kung kayat ako na ang nagbukas ng usapan na pilit niyang pinipigilan.

"Nick, may problema ka ba? Bigla ka kasing naging tahimik at iba ang tingin mo sa akin!" Bungad ko kasunod ng malutong na halakhak.

"Makoy, kumusta naman ang sexlife mo? Hindi ko nababalitaan na may Gf ka o nililigawan sa opisina ah! Hindi ka naman siguro binabae noh?" Sabay tawa niya.

"Alam mo kasi Nick, marami akong sinakripisyong oras at relasyon para lang makarating ako sa kinaroroonan ko ngayon. Nagkaroon din naman ako ng mga karelasyon pero di nagtatagal kasi hindi ko pa kayang i-commit ang sarili ko ng buo. Kung sa usaping sexlife, meron din kahit pano pero alam mo na hahahaha..." putol kong tugon sa kanya.

"Eh ikaw, kumusta naman ang sexlife mo? May extra ba bukod sa asawa mo?" Mabilis kong tanong.

"Ok na ok Makoy, sobrang intimate namin ngayon ni Lenny." Nakangiti niyang sagot sa akin.

"Have you heard something about Cuckolding?" Aniya.

"Not a bit of idea, please enlighten me!" Sagot ko agad.

"Nag-eenjoy akong pinapanood na nakikipag-sex ang asawa ko sa ibang lalaki! Ohh it feels so fulfilling! Masaya niyang paliwanag.

"Seriously? Paano mo nagagawang ipasiping ang asawa mo sa ibang lalaki?" Pagtataka kong tanong. Ditoy abot langit ang pagtatanong ng isip ko. Marahil ay talagang hindi pa maarok ng aking pang-unawa kung paano nagagawa ng isang lalaki na ipagamit ang kanyang mahal na asawa sa ibang lalaki.

"Makoy, walang kang idea how intimate it is! Sobrang erotic panoorin kung paano mag-enjoy si Lenny habang nasa ibabaw nya ang ibang lalaki at siya ay sarap na sarap sa ginagawa nito." Kuwento pa niya

"Hindi ka ba nandidiri na after sya sipingan ng ibang lalaki eh ikaw naman ang sisiping?" Muli kong tanong. Kasabay ng paglalim ng gabi at dumaraming inumin ay siya ding paglalim ng aming usapan. Nasa kanya na ang aking buong atensyon dahil para sa akin ay isang napaka-interesting na usapan dahil ang pagkalalaki at ang pagkatao ni Nick ang nakasalalay dito. Gusto ko pang malaman kung ano ang pinakamagandang paliwanag para masakyan niya ang ganitong kaselan na bagay.

"Hindi madali na ma-convince si Lenny Makoy, matagal ko bago siya napapayag sa ganitong bagay. Bagamat may alinlangan siya ay kanyang tinanggap sa huli. Noong unang pagkakataon na pinasok namin ito ni Lenny ay punong puno siya ng niyerbyos at alinlangan, pero pinangako ko na magiging masaya ako sa kahihitnan at walang sisihan. Kung sa kalagitnaan man at bigla siyang umayaw ay akin siyang iintindihin. Mahal ko si Lenny kung kayat binibigyan ko siya ng pagkakataon na makatikim ng ibang putahe na maaaring hindi ko pa naibibigay sa kanya sa tagal ng aming pagsasama." Paliwanag niya ng may seryosong tono habang nakatingin sa mga mata ko kasunod ng paglagok muli sa kanyang serbesa.

"Makoy gusto kong ikaw naman ang kumantot sa asawa ko." Madiin niyang sabi sa akin habang nakatingin ng may halong ngiti sa labi.

"Ha? Bakit ako Nick?" Pagtataka kong sagot sa tinuran nya.

"Kasi may tiwala ako sa 'yo Makoy, ilang buwan na rin naman kitang kakilala at sapat na 'yon para ipagkatiwalang ipakantot ko sa 'yo ang asawa ko. Pinipili ko rin naman ang mga lalaking nakakasama namin sa adventure ni Lenny. Pero 'wag ka mag-alala kasi malinis silang lahat at makakasiguro kang walang sakit na nakukuha si Lenny." Pangungumbinsi niya sa akin.

Sa pagkakataong iyon ay hati ang aking opinyon sapagkat ngayon lang ako makaka-encounter ng ganitong sitwasyon. May kahalong excitement at pasasalamat dahil pinagkakatiwalaan ako ni Nick sa ganitong bagay.

"Ano Makoy, maaasahan ko ba ang pagsang-ayon mo sa proposal ko? Pinapangako ko di ka magsisisi kay Lenny!" Muli niyang sambit kasunod ng paglagok sa pinakahuling likido ng serbesa.

"Iko-consider ko ang proposal mo Nick, ngayon lang kasi ako makaka-experience nyan lalo na panonoorin mo akong ka-sex ang asawa mo." Nakangiti kong sagot sa kanya.

Natapos ang aming inuman at kwentuhan ng gabing iyon ng may baong excitement sa utak ko. Habang pauwi ako ay walang akong ibang naiisip kundi si Nick at Lenny. Para sa akin ay hindi pangkaraniwang ang ganoong klase ng sexual desire, para sa isang bansa na kagaya ng Pilipinas na maituturing na may konserbatibong paniniwala sa sagrado ng kasal na tanging kayong magkabiyak lamang ang napapaloob sa anumang sexual exploration upang mapanatiling masaya at maangghang ang pagsasama. Ngunit ang ganitong klase ng tolerance ng mag-asawa ay hindi kayang sukatin ng ibang nilalang upang magbukas ang kanilang mga kaisipan na ipasiping sa ibang lalaki ang kanilang mahal na asawa. Pero sa mga tinuran sa akin ni Nick ay maaaring ngang convincing. Siguro nga ay iba ang level ng excitement o intimacy sa gitna ng kanilang marriage life kung kaya hindi kelan man pinag-awayan o pinagtalunan. Kapwa ginusto ng parehong kalooban at katawan kung kayat napapanatiling maluwag at tanggap ang ganitong set-up.

Araw ng Lunes noon at nagkita kami ni Nick sa opisina. Normal ang takbo ng mga pangyayari habang abala sa pagrereview ng drawing si Nick at kasunod niyon ay tinawag ako upang bigyan ng karagdagang instruction sa site. Dito ko talaga nakitaan ng professionalism si Nick kung kaya mataas din ang work ethics ng mga kawani sa loob ng office. Matapos ng instruction ni Nick ay agad akong nagtungo sa site upang ibigay ang karagdagang job order sa Foreman.

Habang abala ako sa pag-iikot sa site ay biglang nag-vibrate ang aking telepono. Isang mensahe mula kay Nick ang aking natanggap. Nabigla ako sa aking nakita at napanganga. Kasunod nooy tumawag siya sa telepono.

"Hello Makoy, nagustuhan mo ba ang picture? Hulaan mo kung sino yan!" Masayang wika nito.

"Oo Nick, akala ko kung anong additional instruction na ang matatanggap ko mula sa 'yo. Teka si Lenny ba 'yon?" Bungad kong tanong sa kanya para masiguro.

"Oo! Sino pa ba?! Oh di ba maganda sya? Anong masasabi mo sa alindog ng asawa ko Makoy?" Magkakasunod niyang tanong na animoy ibinebenta ang isang bagay mabili lamang.

"Hindi ko maitatanggi Nick, nakaka-arouse si Lenny. Ang ganda ng katawan, makinis at maganda pa ang pag-aari kahit may anak na!" Papuri ko naman.

Sa totoo lang ay manhid na lang siguro ako o kahit sinong lalaki ang hindi maaakit kay Lenny. Sa larawan na ipinadala ni Nick ay nakahiga ito sa kama at nakabukaka, sa kanyang kaselanan na nangingintab na nababalutan ng katas ng ari ay katunayan lamang na katatapos pa lang nito sa matinding sex. Ang dibdib ni Lenny na may katamtamang laki at brownish na nipple ay hindi na maitatangging pinagpadedehan na ng isang sanggol. Pero sa kabila nito ay maganda pa ang kurba ng katawan. Ebidensya na maalaga sa katawan at may tamang control sa pagkain si Lenny kung kayat hindi nadagdagan ang timbang. Makinis ang balat sa may bandang tiyan na hindi namarkahan ng stretch mark sa panahon ng pagbubuntis nya.

"Antayin mo pa ibang picture na ipapadala ko sa 'yo Makoy, tingnan ko lang kung tatanggi ka pa sa inaalok ko sa 'yo!" Masayang wika ni Nick at muling ibinaba ang kabilang linya.

Lumipas ang ilang sandali ay dumating pa ang tatlong larawan ni Lenny at dito ay may kasama itong lalaki sa kama. Sa unang larawan ay makikitang magkabaliktaran ng posisyon ang dalawa at nasa ibaba si Lenny. Dito'y abala sa pagsupsop ng puke ang lalaki habang nakapasok ang isang daliri nito sa butas. Habang nakapikit si Lenny at kasalukyang nakasubo ang kahabaan ng lalaki sa kanyang makipot na bibig.

Sa pangalawang larawan ay nakaupo si Lenny sa lap ng lalaki. May kalabuan ang kuha ng larawan, halatang hindi kinunan ng naka-steady, ditoy maaaring mabilis ang galaw ng katawan ni Lenny o ng lalaki kung kayat hindi nakuha ng camera ng maayos. Nakayakap ang lalaki sa katawan ni Lenny at kasalukuyang nakapasok ang utong ni Lenny sa bibig na lalaki.

At sa huling larawan ay nakapatong ang lalaki habang nakabukaka si Lenny, hawak niya ang kanyang magkabilang binti. Kasalukuyang nakalapat ang katawan ng lalaki at nakatingin kay Lenny habang si Lenny ay nakapikit at nakabuka ang mga labi. Sa kuha ng angulo mula sa may bandang paa ay makikita ang nakabaong ari ng lalaki na nababalutan ng maputing likido. Nang aking izi-noom ang screen ng telepono ay kitang-kita ko ang puke ni Lenny na kakikitaan ng tumagas na katas. Sa loob-loob ko ay pinagpala siguro ito sa mina ng nektar kung kaya ganon na lang ang nasa larawan dahil tumutulo sa magkabilang singit habang may nakabaon na ari dito.

Sa sobrang intense ng nakita ko ay hindi ko napigilan ang pagpumiglas ng nagising kong pagkalalaki. Matagal na rin ang panahon na may huli akong nakaniig. Siguro ay panahon na para muli ko itong gamitin. Buo na ang desisyon ko at papayag na ako sa alok ni Nick sa akin. Tutal ay mas basbas naman niya kaya naisip ko na libre ako sa responsibidad. Dahil dito ay tinawagan ko na si Nick upang isara ang nag-aantay na bintana ng pagkakataon. Panibagong karanasan na naman 'to sa aking buhay sekswal kung kaya puno ako ng excitement kahit may bahid ng alinlangan pero lahat ng ito'y tatalakayin ko kay Nick para masagot niyang lahat.

Natapos ang maghapon ko sa site at sa pagsasara ng araw ay nagtungo ako sa opisina upang mag-update ng project report. As expected ay naabutan ko si Nick na abala sa mga gawaing papeles. Muli ay gumawa ako ng report sa nagdaang araw sa site. Ganon na din ang mga discrepancies, requisition at risk assessment sa aming proyekto.

"Kumusta maghapon mo Makoy? Na-inspired ka ba sa mga pinadala ko 'yo? Siguro naman ay papayag ka na inaalok ko 'yo?" Putol niyang sabi habang abala ako sa pagta-type sa aking working station.

"Sobrang na-inspired nga ako Nick! Pag-usapan natin 'yang alok mo mamaya at marami akong itatanong o baka may mga kondisyon ka na dapat linawin bago mangyari ang lahat!" Sagot ko kasunod na mahinang pagtawa.

Nang matapos ako sa project report ay lumapit ako kay Nick na nooy wala ng masyadong ginagawa. Pasado ika-anim na ng gabi at kaming dalawa na lamang ang natira sa opisina.

"Nick, tinatanggap ko ang alok mo. Gusto ko matikman si Lenny!" Bagamat may konting hiya ay sinabi ko pa rin dahil sa nakakalibog na dating ni Lenny sa ipinadalang larawan ni Nick kanina sa site.

"Huwag ka mag-alala Makoy, hinding hindi mo pagsisisihan ang pagkantot sa asawa ko. Wala kang dapat ikahiya o ikatakot sa akin dahil mag-eenjoy akong panoorin kayong dalawa na nagkakantutan. Hindi kita pakikialamanan sa gagawin mo sa asawa ko. Lahat ng makakapagpasarap sa kanya na alam mo ay gawin mo. Manonod lang ako sa isang tabi." Panimula ni Nick.

"Ano ba ang mga do's and don't's mo Nick?" Maagap kong tanong sa kanya. Para sa akin ay dapat kong malaman ang mga limitasyon nilang mag-asawa para magawa namin ang kantutan ng may full satisfaction na walang ma-ooffend o masasaktan.

"Wala naman Makoy, ang gusto ko lang makita yung libog mo sa asawa ko! Eh ikaw ano ba mga plano mong gawin kay Lenny?" Dugtong niya.

"Marami Nick! Abangan mo sa araw ng pagkikita namin hehehe!" Tipid kong sagot sa kanya pero ang isip ko ay nag-uumapaw na mga ideya, mga bagay na gusto ko ipatikim at gawin kay Lenny na maaaring hindi pa niya natitikman.

"Gusto ko sa Biyernes ng gabi na natin isakatuparan ang plano Nick. Yayain ko si Lenny na magdinner. Kaya humanda ka na Makoy at mapapalaban ka!" Masiglang tinuran ni Nick sa akin.

Dumating ang araw ng Biyernes, natapos ang maghapon namin ni Nick sa site ng matiwasay. Nagpa-alam ako ng maaga sa kanya upang kahit papanoy makapaglinis ng katawan at makapagpakondisyon ng maayos bago humarap kay Lenny. Nag-set ng oras at lugar si Nick sa isang restaurant sa kahabaan ng Roxas Boulevard ng gabing iyon upang doon kami maghapunan at ganoon na din ang konting inuman, ito na rin ang pagkakataon para maging komportable kami ni Lenny sa isat-isa dahil ito ang unang beses na kami'y magkakaharap.

Ika-walo't kalahati na ng ako ay dumating sa itinakdang lugar ni Nick. Pagpasok ko sa loob ng restaurant ay wala pa ang mag-asawa. Lumapit ako sa receptionist para sa aming reservation at agad na iginiya sa isang mesa para sa tatlong tao. Sa loob ng restaurant ay may malamig na ambiance, hindi kaliwanagan ang ilaw at magkakalayo ang mga mesa sa bawat isa. Halos puno na rin ng mga panauhin ang restaurant na nooy abala sa kanya-kanyang pagkain, pag-inom ng vino at habang ang ilan ay abalang nagkukuwentuhan. Nang makaupo ay agad akong umorder ng red-wine habang nag-hihintay sa mag-asawa.

Makalipas ang ilang saglit ay dumating na ang mag-asawang Nick at Lenny. Agad kong napuna ang kagandahan at kasuotan ni Lenny ng gabing iyon. Nakasuot ito ng itim na dress na abot tuhod ang tabas. Hapit sa katawan at masisipat ang kabuuan ng hugis na lubos na inaalagaan. Napakaganda ni Lenny ng gabing iyon, sa damit niyang elegante na binagayan ng kuwintas na may perlas, sapatos na may mataas na takong at tangan ang isang black pouch. Sa kanyang paglakad papalapit sa aming mesa ay hindi ko mai-alis ang titig at paghanga sa kanyang alindog, nakangiti sa akin si Nick habang sila'y paparating sa aming mesa.

"Makoy, please meet my beautiful wife-Lenny." Pormal na introdaksyon niya matapos kong tumayo upang siya ay kamayan.

"Hello Makoy, it's a pleasure to finally meet you." Nakangiting wika ni Lenny sa akin habang inaabot ang kanang kamay. Sa kanyang mapuputi at magagandang ngipin ay wala akong masabi, para akong natulala dahil sa aroma niyang nakapagpabuhay ng aking pagkalalaki na dinagdagan pa ng saliw ng musikang bossa nova ng mga oras na iyon.

"The great pleasure is mine Lenny." Agad kong sagot at pinanatili ang composure ng mga oras na iyon habang kami ay nagkakamay.

Matapos ang ilang sandali ng kuwentuhan ay agad na rin kaming umorder ng pagkain. Sa bilog na mesa ay nasa bandang kaliwa ko si Lenny. Hindi ko maiwasan ang mga panakaw ng sulyap, bagay na napansin ni Nick sa akin.

"Makoy, don't mind me. Everything's gonna be alright, right Honey?" Magiliw niyang tinuran sabay kindat kay Lenny.

"Oo nga Makoy, take it easy, di naman ako nangangagat." Pabirong sabi ni Lenny sa akin kasabay ng pagpatong ng kanyang kanang kamay sa aking hita. Agad akong nag-init ng mga oras na iyon sapagkat hindi niya iyon tinanggal. Nang mga sandaling iyon ay agad ding nabuhay ang natutulog kong pagkalalaki. Nagpatuloy lang kami sa kuwentuhan habang umiinom ng red wine.

"So Makoy, kumusta naman si Nick bilang colleague?" Tanong nito sa akin habang unti-unti kong ipinapatong ang aking kamay sa kanyang kamay. Hindi ko siya nakitaan ng pagtutol bagkus ay isang matamis na ngiti ang agad na itinugon dito.

"He's a great guy indeed. A professional in every aspect. No wonder kaya mabilis ang pag-angat ng company its because he played a big part of it." Patotoo ko sa kanya habang unti-unti akong tinatangay sa kawalan dahil sa init ng mga tagpong iyon. Tuluyan ng umalagwa ang libog ko. Sa ilalim ng mesa ay sinisimulan ko ng himasin ang makikinis at malalambot na hita ni Lenny. Habang siya ang nakangiti lamang sa akin at umiinom ng wine.

Nang dumating ang aming inorder na pagkain ay tahimik kaming kumain at panaka-nakay nagkukuwentuhan hanggang sa natapos. Muli ay umorder ako ng isang bote pa ng red wine upang mas maging mainit sa katawan namin ni Lenny. Nananatiling normal si Nick at tipong nag-hihintay lamang ng aming mga hakbang ng gabing iyon. Nang makaramdam na ako ng konting espiritu ng wine ay dumikit na ako kay Lenny, ipinatong ko ang kaliwang braso ko sa kanyang likod at nagsimula ng konbersasyon.

"Napakaganda mo Lenny, ang sexy na at ang bango pa. Ang swerte ni Nick sa 'yo." bulong ko na malapit sa kanyang tenga. Hindi ko na inantala pa ang presensya ni Nick dahil sa nababalutan na ako ng libog ng mga oras na iyon.

"Swerte mo din Makoy kasi matitikman mo din ako." Mahinang tugon niya na may lamig ng boses habang humihimas sa aking hita. Nararamdaman ko na unti-unti niyang hinahawakan ang aking naninindig na pagkalalaki.

"Pwede ko bang malaman kung anong kulay ng suot mong panty ngayon?" Malibog kong tanong sa kanya.

"Hindi ko alam eh, hihihi! Persuade me and you will know!" Malandi niyang sabi.

Sa pagkakataong ito ay ipinasok ko na ang kanang kamay ko sa pagitan ng kanyang mga hita, ibinuka niya iyon at pinatuloy ito. Nakapa ko ang kanyang katambukan na nooy namamasa na ng katas. Idinikit ko ang aking labi sa bandang likod ng kanyang tenga at bahagyang hinipan ito kasabay ng paghagod ng daliri ko sa kanyang hiwa. Ramdam ko ang kanipisan ng kanyang pang-ilalim kung kaya't nasasalat ko ng lubos ang makinis at walang buhok niyang lagusan. Makailang ulit ko itong hinagod at sinigurong nababalutan na ito ng kanyang nektar saka ko inilabas. Agad ko itong isinubo at sinipsip habang siya ay nakamasid lamang. Matapos niyon ay sa kanyang labi ko naman ito ipinasok.

"Sipsipin mo Lenny. Iparamdam mo sa akin kung paano mo sisipsipin ang burat ko mamaya." Bulong ko sa kanya habang ang kaliwang kamay ko ay humahagod sa kanyang batok at nilalaro ang kanyang buhok dito.

"Hmmm, nasarapan ka ba sa lasa ng katas ko Makoy?" Wika ni Lenny.

"Oo Lenny, ipalalasap ko sa 'yo mamaya kung paano ako kumain ng puke. Ipapakita ko sa 'yo kung paano ko lulunukin 'tong katas mo. Pero sa ngayon gusto ko tanggalin mo na ang iyong panty at iabot ito sa akin sa harapan ng asawa mo." Utos ko sa kanya sabay tingin at ngiti ko kay Nick na nooy abala sa pakikinig ng musika at pag-inom ng wine. Hindi ko ito makitaan ni katiting na galit, selos o pagka-asiwa sa eksena naming ni Lenny. Tila nagugustuhan pa nito ang mga ginagawa ko sa kanyang asawa.

Agad na tumalima si Lenny at nagtungo sa palikuran. Naiwan kami ni Nick at siya na rin ang bumasag ng katahimikan habang inaantay ko si Lenny.

"Anong masasabi mo sa asawa ko Makoy?" Masiglang tanong nito sa akin.

"Shit Nick, iba pala ang excitement ng ganito. Mas nakakalibog! Eh ikaw Nick? Ano nararamdaman mo sa nakikita mo sa amin ng asawa mo?" Tanong ko sa kanya.

"Nakakalibog kayong dalawa panoorin Makoy, mahusay ka din pala magpalibog ng babae, ituloy mo lang para lalong mag-init si Lenny. Gusto kong lumigaya sya ngayong gabi!" Nakangiti niyang wika sa akin.

Lumipas ang ilang minuto ay dumating na sa mesa namin si Lenny, nakangiti itong lumapit. Pagkaupo ay binuksan ang tangan na pouch at kinuha ang isang dark red na underwear.

"Honey, could you take this for me please?" Malandi niyang tugon kay Nick sabay abot ng underwear dito.

"Im not gonna give it to you Makoy, make sure you satisfy her first." Sabay kindat sa akin ni Nick.

"Instead, you can have this!" At iniabot ang kanyang bra sa akin. Isa itong manipis at tanging ang nipples lang ang natatakpan kung kayat napagkasya nya ito sa kanyang pouch.

"Im feeling kinda hot tonight Makoy so I have to take them off both. Care to go somewhere else Honey?" Aya nito kay Nick kasunod ng paghilig sa mga balikat ko at paghimas sa dibdib ko.

Sumenyas si Nick sa waiter para sa aming bill. Matapos magbayad ay agad na rin kaming lumabas. Sa pagkakataong ito'y nakahawak sa mga braso ko si Lenny habang nasa likuran namin si Nick. Pagpasok sa kanilang sasakyan ay sa bandang likuran ako umupo habang si Lenny ay sa unahan. Umupo ako sa pinakatapat na puwesto ni Lenny, may nabuo akong balak upang hindi bumaba ang level ng kanyang libog sa mga oras na iyon.

-itutuloy

Posted in: Wife Lovers