1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 - Ch.5 Plus One!
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 - Ch.5 Plus One!

16 minutes

Chapter 5 - Plus One !

Isang umaga kakatapos lang maligo ni Aldrin.. Maaga sya dahil ito ang unang araw nila sa klase..

Naghalungkat sya sa drawer nya at di sinasadyang may mahagip ang mga mata nya na isang kahon.. Agad nya iton itinabi at kumuha ng brief.. Napangisi sya sa napiling kulay.. Pula.

Bihis na ang binata ng bumaba sa hagdan at dumiretso sa kusina.. Naabutan nya ang nanay nya na abala sa paghahanda ng almusal.. Kinikiliti ito ng tatay nya sa balakang..

"Anu ka ba Nestor... !.. Matapon yung soup oh.. !.." sigaw ng Nanay nya pero tawa din naman ng tawa...

"Dad ayaw ko po ng bag ko.." sabi nung bunsong kapatid ni Aldrin na si Alyssa.

"Ha.?.. Akala ko ba anak yun yung uso?.. Di ba uso yung hinahatak?.." tanong ng tatay nila at natawa ang bunso..

"Yes Dad.. Sa preschooler.. Hello Dad.. First Year High School na po ako.Tapos papagamitin nyo ako ng stroller.." sagot ng bunso at napakamot ng ulo ang Tatay..

Pumasok na si Aldrin at dinampot ang sandwich ni Alyssa..

"Kuya !." sigaw ng bunso pero tumawa lang ang kuya..

"Anak kain na.. Mamaya baka dumating na yung mga kaibigan mo.." sabi nung nanay nya pero tumili ulit ito dahil sa pangingiliti ng tatay nila..

"As if you didnt know them mom.. Mga late comers mga yon.. Hula ko naghihilik pa sila.. Lalo na si Romeo.." sabi ng binata sabay subo ng sandwich ng bunso..

"Haha..Yeah.. Buti pa ang anak ko early bird.." puri ng nanay..

First day of classes..Kampanteng naglalakad sila Aldrin sa school grounds.. Marami raming estudyante ang napapatingin sa kanila pero tuloy tuloy lang silang naglalakad..

"Kitakits sa break.." sabi ni Darius at nag kanya kanya na sila ng lakad..

Paakyat si Aldrin ng hagdan.. Nasa third floor ang first subject nya kaya medyo badtrip sya..

"Sa susunod papalagyan ko ng elevator dito.." wika ni Aldrin sa sarili at tamad na tamad na umakyat sa hagdan..

Dahan dahan nyang binabagtas ang hagdan papuntang second floor ng may mahagip ang mga mata nya.. Napangisi ang binata ng makita ang isang babaeng nakaskirt ng maiksi.. Agad nyang binilisan ang pag akyat at lumapit konti sabay simpleng nag sintas ng sapatos kahit na nakabuhol naman ito ng maayos.. Pasimpleng binosohan ni Aldrin ang babae at napangisi sya ng maaninag ang puting panloob nito..

Abala sya sa pamboboso ng biglang may bumangga mula sa likod nya.. Napaluhod si Aldrin bigla pero mabilis din syang tumayo para awayin ang bumangga sa kanya.. Pero natulala lang sya ng makita nya ang babaeng siga ang nasa likod nya..

"Tooot ! toot !.." sigaw ng babaeng siga sabay akyat sa hagdan..

Ang inis ni Aldrin ay napalitan ng ngiti at sinundan ang babae..Nakita nyang pumasok ito sa isang kwarto kaya dali dali din syang sumunod.. Di ito ang room nya pero pumasok pa din sya..

Nakita nyang may teacher na pagpasok nya.. Napatingin sa kanya ang lahat ng mga estudyante maging ang guro.. Napakamot ng ulo si Aldrin at pasimpleng hinanap ang babae.. Nakita nya ito na nasa bintana at may kinakalkal sa bag..

"Yes mister?.. Is this your room?.." tanong nung babaeng guro at napangiti si Aldrin..

"Yes Mam..Sorry I'm late.." sabi nya at ngumiti lang ang guro..

"Okay then.. Have a seat.." wika nung guro at nagsimula ng mag pakilala ang isa't isa..

Isa isang nagpakilala ang mga estudyante at ng dumating na ito dun sa babaeng siga ay natahimik ang lahat..Patuloy pa rin sya na nagkakalkal sa bag na tila may hinahanap.. Tumikhim ang guro upang ipabatid sa babae kung nasan ito..

Umangat ng mukha ang dalaga at napansin bigla itong parang napahiya..

"Yes?" tanong nito sabay taas ng kilay..

Nagtawanan ng palihim ang mga estudyante pero nginisihan lang sila ng dalaga..

"May we know your name ?.." tanong ng guro at tumayo ang dalaga..

Huminga ng malalim at tiningnan ang buong klase..

"Ako si Darna.." malakas na sabi nito ..

Natulala ang buong classroom pero maya maya ay sumabog na ito sa kakatawa..Maging si Aldrin at saglit natulala pero napangiti na lang..

"My name is Hannah Montefalco.." sabat ng dalaga at napatigil ang tawanan..

"Nice name..Suits for you... Okay guys.. write your name on a one-fourth piece of paper..Together with your birthdate and address.. Oh.. And don't forget your contact number and email if you have one.." sabi nung guro at nagsimula ng magsulat ang mga estudyante..

Di na nag abala pang magsulat si Aldrin dahil di naman nya classroom ang pinasukan..Nakatitig lang sya sa dalaga na abala sa pagdila ng one whole size na papel.. Naaaliw lang syang pagmasdan ang bawat paggalaw nito..

Di nagtagal ay tapos ng makapagpasa ang lahat..

"Okay.. Next meeting na tayo mag lecture .. Pahinga muna kayo and be ready.. Nice to see you guys.." sabi nung guro at umalis na..

Pinagmasdan lang ni Aldrin ang dalaga.. Nakataas ang paa nito at nag gugupit ng kuko.. Maraming kalalakihan ang nakatulala sa dalaga.. Napangiti na lang si Aldrin ng biglang sumigaw si Hannah.

"Shet.. !.. Ang purol nitong nailcutter !.." sigaw nung dalaga at nagtawanan yung iba..

Sa asar siguro nung dalaga ay binato nito ang nailcutter sa bintana at dali daling umalis.. Nataranta si Aldrin at agad din nagligpit ng gamit at sinundan ang dalaga..

Maraming estudyante ang umaakyat baba sa hagdan at natawa si Aldrin ng marinig na naman nya ang boses ng dalaga sa pagbaba..

"Toot !.. Toot !.." sabi nito na parang tren .. Walang pakelam kung may mababanga..

Madaming naasar pero bigla din napapangiti pag nakikita na ang dalaga..

Tumatawa lang na nakasunod si Aldrin..

Dirediretso sa canteen ang dalaga at nakita nyang napahinto ito sa bukana ng canteen..

Sumilip sya at nakita nya ang mga kaibigan nya na nakaupo na..

Parang nag iisip ang dalaga kaya hinintay naman nung binata ang gagawin nya..Maya maya ay pumasok na ito at nagulat sya ng bigla itong umupo sa mga barkada nya..

Maging sila Rhoi at Darius ay nagulat ng biglang umupo ang magandang dalaga sa harap nila.. Napanganga si Rhoi pero bigla rin syang piningot ni Krissia at sumimangot..

Si Romeo ay tahimik lang na sumusubo.. Di pinapansin ang bagong dating..

Nagtataka na talaga si Aldrin kaya lumapit na sya sa mga kaibigan nya at kunwari ay di nya sinusundan si Hannah...

"Hi! hi !.." bati ni Aldrin at napalingon sa dalaga..

"Hi! Hi!." sagot ni Darius ..

Nagkatinginan si Hannah at Aldrin..

"Wow.. Mukhang may bagong recruit ah.." bati nya at ngumiti sa dalaga..

Nanigas si Hannah ng matandaan ang mukha ni Aldrin.. Inabot ng binata ang kamay nya pero tiningnan lang ni Hannah ito at inirapan sya..Nagtawanan ang mga barkada nya pero di sya natitinag..

"Kinakamayan ka oh.." sabi ni Romeo sabay subo ng manok..

Napatingin ang dalaga kay Romeo sabay baling sa kamay ni Aldrin na nakabitin pa rin sa ere..Inabot ito ng dalaga at napapikit pa si Aldrin ng magdampi ang mga palad nila..

"Hannah.." sabi ng dalaga.

"Aldrin." sagot naman ng binata..

Matagal silang nag katitigan.. Maya maya tumikhim si Darius kaya taranta silang nagbawi ng kamay..

Napaisip bigla ang dalaga..

Ilang saglit pa ay nakabawi si Aldrin sa pagkakatulala at nagpunta sa counter upang umorder.. Pasulyap sulyap sya sa dalaga na paminsan minsan din ay nakatingin sa kanya..

"Manang dating Combo Meal.." sabi ng binata at tumawa lang ang tindera..

"Eh yung drinks mo iho?.." tanong ng tindera..

"Ay manang make it for two na.. Tapos Coke na lang yung drinks.." sabi ng binata..

Napangisi lang yung tatlong kaibigan nya ng makita ang dami ng dalang pagkain ni Aldrin.. Tumabi agad sya sa dalagang siga at inabot ang para dito..

Napataas ang kilay ng sigang dalaga pero kumagat na rin ..

"Tangna pre.. Ang pangit ng lasa nito oh.." sabi ni Darius at nanlaki ang mga mata ni Aldrin..

"GAgo !.. Sayo ba yan?.. Tabatsoy !.." sigaw ni Aldrin sa kaibigan..

Nag asaran lang ang apat pero nakatulala lang ang dalaga kay Aldrin..

Parang may iniisip na kung ano..

Pagtapos kumain ay biglang napadighay ang dalagang siga at nagtawanan sila..

"Grabe.. Busog much.. Thanks Pot-, Aldrin pala.." sabi ni Hannah at nagsalubong ang kilay ng binata..

"Anung tinawag mo saken?.." tanong ni Aldrin..

"Aldrin.." sabi ng dalaga..

"No.. Starts with letter P." wika ng binata..

"No.. Aldrin.. Baka madumi lang tenga mo.." sabi ng sigang dalaga at nagtawanan yung mga kaibigan nya..

Napaisip bigla si Aldrin..

"So paano, may klase pa tayo. Tara.. See yah ulit sa lunch..." sabi ni Rhoi at hinatak na si Krissia..

"Oy kayong dalawa.. Wag kayong mag dadate at simula pa lang ng klase.. " tukso ni Romeo at namula ang dalaga..

"Praning.." sabi ni Aldrin..

Magkaholding hands na lumabas ng canteen sina Darius at Romeo na ikinatatawa ng mga nakakasalubong nilang mga estudyante..

Natahimik ang dalawang naiwan..

"So.. Tara?." aya ni Aldrin at tumayo na..

"Tara na Pot-, Aldrin." nakangiting sabi ng dalagang siga..

"Ano?.. Meron talaga eh.." sabi ng binata pero ngumiti lang ng maangas ang sigang dalaga....

"Wala nga.. Tara na men.." sabi ng sigang dalaga..

Nagsabay ulit ang dalawa sa pagpasok.. Kung anong pasukan ng dalaga ay syang pinapasukan ni Aldrin.. Bagay na ikinasisiya ng lihim ng dalagang siga..

Dismissal ay inaya ng binata ang dalaga .

"Tara.. Sabay na tayo.." sabi ng binata at napatingin sa kanya ang sigang dalaga..

"Baket?.. Hahatid mo ko?.." puna ng dalaga at nag blush ang binata..

"Oy .. Grabe ka.. Wag mo kong pangunahan.." biro ng binata sabay kamot sa ulo..

"Tara .. " sabi ng dalaga at nagsabay na silang bumaba..

Tinext ni Aldrin ang mga barkada nya at tinanong kung nasaang lupalop ng university naroon ang mga ito..

"Sa Ace's Den pare.." reply ni Romeo at napangisi lang ang binata..

"Tara.. Dun tayo .." aya ni Aldrin sa dalaga at sumunod naman ito..

Napangisi si Aldrin ng makita nya ang tatlong kaibigan kasama si Krissia na nakatayo sa ginagawang parang kubo sa gitna ng oval...

"Sinimulan na pala to.. Kailan daw to matatapos?.." tanong ni Aldrin sa mga kaibigan..

"Ewan ko kay Rhoi.. Basta sabi ko lagyan ng isang puno dito sa likod para maging shed eh.." sabi ni Romeo at nag ikot ikot sa paligid..

"Gagong to.. PArang ang daling maglipat ng punong matanda na... Anu yun magic?.." sabi ni Rhoi ..

"Eh kailan daw to matatapos?.." tanong ni Darius..

"Sabi ni Erpat 2-3 Days daw.. Pero syempre wala pang electricity sa loob..MAg wiwiring pa yan eh.." sabi ni Rhoi..

"Grabe.. Pinayagan kayo na magpatayo ng ganito sa school?.." nanlalaki ang mga mata ni Hannah na nakatingin sa papatapos ng kubo ng apat na alas..

"Yeah.. Some sort of connections.." sagot ni Darius sabay ngasab sa burger na hawak..

"Cool.. !.." humahangang sambit ng dalaga..

"TAra na.. Hayaan na natin yan.. Bukas siguro tapos na yan.. Ano po manong?.." tanong ni Aldrin sa isang manggagawa..

"Ah opo boss..Bukas ng tanghali tapos na to.. Kasama na yung paglalatag ng wires para sa mga ilaw at plugs sa loob.." sagot ng foreman na matanda..

"Naku Aldrin na lang po.. " sabi ng binata..

"Ah sige iho.." sagot ng matanda..

"Ahm.. Ikaw wala ka bang gustong ipadagdag?.." tanong ni Aldrin kay Hannah at napanganga sa kanya ang dalaga..

Napataas ang isang kilay ni Rhoi at tumingin kay Darius.. Pero maging si Darius ay nagtaka ..

"H-ha?.. Okay lang ba?.." tanong ng dalagang siga..

"Sure.. " sabi ni Aldrin..

"Oy.. The rules pare... Wag kang mag dedesisyon hangga't di kami pumapayag..." sabi ni Darius..

Nagtitigan ang dalawang mag kaibigan..

"Baket di ka ba papayag?.." tanong ni Aldrin..

"Hinde.." sagot ni Darius..

"Okay.. Make the aces three.." sagot ng binata at nanlaki ang mga mata ni Krissia.

"Guys !.. Anu bang ginagawa nyo?.." sigaw ni Krissia at kinalabit si Rhoi..

"Wala akong magagawa dyan Kris... The rules.. Bata pa lamang kami naimplement yan.. That's the mans word..Ewan ko kay Aldrin kung bakit bigla syang nagbago.." sagot ni Rhoi at maging sya ay tumitig kay Aldrin..

"You should understand.." mariing sabi ng binata...

"No pare.. Don't be like that.. We have equal share here.. So be fair for us.." sagot ni Rhoi..

Napatingin si Aldrin sa ginagawang kubo..

"No.. It's okay Aldrin.. " sabi ni Hannah pero nagpumilit si Aldrin..

"You know the rules pare.." sabi ni Darius at eksaktong dumating si Romeo..

Napatingin ang lahat kay Romeo na may kasamang chix..

"Oy Hannah.. Kilala mo daw to.. Eto yung sumampal sa akin eh.." sabi ni Romeo sabay turo sa kasamang babae..

Nagtawanan ang tatlo at napasugod ang bagong dating na babae kay Hannah..

"Sis.. Bakit ka tumatambay kasama ang mga to?.." bulong ni Cynthia kay Hannah..

"Ang aangas nila Sis.." sabi ng dalaga..

"Alam ko .. Lalo na yon oh.. !.. Akala mo kung sinong gwapo.. Biruin mo ayaw akong tingnan man lang?.. Panget ba ako?.." sabi ng dalaga at natawa si Hannah..

"Hayaan mo na lang.." sagot ng dalaga at tumitig sa apat na magkakaibigan.

"You must follow the rules pare.." giit ni Darius at nagsalubong ang kilay ni Romeo.

"Why?.." tanong ng binata ..

"Etong isang ito... Biruin mo ba namang isali sa pagdedesign si Hannah.." sabi ni Rhoi ..

Napayuko si Aldrin pero dagli ding tumitig kay Romeo..

"Is that true?." tanong ni Romeo..

"Yes.. And thats my decision.." sabi ni Aldrin ..

"But you know the rules.. No one can interfere with us.. Ang desisyon ng isa ay desisyon ng lahat.. So bakit ka nagdedecide mag isa?.." tanong ni Romeo at napatungo si Aldrin..

"That's what we are trying to say.. Di sya nakikinig.." sabi ni Darius..

"Im sorry.. Pero this time , pagbigyan nyo ako.." sabi ni Aldrin at tumitig kay Romeo..

"No.." mariing sabi ng binata.

Nakaramdam ng galit si Aldrin sa mga kaibigan nya.. Minsan lang syang humiling at minsan lang syang sumira sa patakaran ay di pa sya pagbibigyan..

"Then I have no choice.. Im out.." sabi ni Aldrin at akmang tatalikod na..

"You bastard... Napaka sensitive mo.. Come here.." sabi ni Romeo..

"Sorry.." sabi ng binata...

"Tangnang to.. Sobrang emo.." sabi ni Darius at binatukan si Aldrin..

"So just the same... We cannot change the rules.. What are rules again ?.." tanong ni Romeo..

"Rule No. 1..One for all, All for one..Walang iwanan !" sagot ni Darius.

"Rule No. 2..And desisyon ng isa ay dapat desisyon ng lahat.." sabi ni Rhoi..

"Rule No. 3.. No Stepping on other's territory...Meaning, ang chix ng isa ay chix lang nya.." wika ni Aldirn..

Napailing na lang si Krissia..

"That was the rules right?.." tanong ni Romeo kay Aldrin at napatango ang binata..

"So di talaga pwede pre.." sabi ni Rhoi pero inawat sya ni Romeo..

"After we made that rules, We agreed that if any circumstances... Kapag ang isa sa atin ay nalabag ang isa ng di sinasadya... We talk .. Right?.." paliwanag ni Romeo at nagtanguan ang tatlo..

"Aldrin tama na.." bulong ni Hannah..

"No.. We must talk about this.. It's about time to have the fourth rule.." ganting bulong ni Aldrin kay Hannah..

"So are you saying na it's about time?.." tanong ni Rhoi at tumango si Romeo..

"And what is the fourth rule?.." tanong ni Darius at tinapon na ang burger na hawak nya..

"Each of four aces will have the power to pass his authority to whoever he liked..But only to one person..Okay ba?.." suggestion ni Romeo at nag isip ang apat..

"So, if ever na may ganitong decision making at absent ang isa.. Yung pinagpasahan nya ang magiging representative?.." tanong ni Rhoi ..

"Definitely.." sagot ni Romeo..

"What if di naging kaaya aya ang naging desisyon ng representative?.." tanong ni Darius..

"That's another story my friend.. KAsalanan mo na yan.. So better be cautious to whoever you gave your power.." seryosong sabi ni Romeo at napaisip ang tatlo.

Tinitigan ni Aldrin si Hannah..

Nanlalaki ang mga mata ng dalaga dahil nahuhulaan nya na ang gagawin ng binata..

"No. " bulong nito..

"Ayaw mo?.." tanong ni Aldrin..

"Gusto pero masyadong mabigat.. Bakit ka nagtitiwala agad?.." tanong ng dalaga pero ngumiti lang ang binata..

"Sabihin mo ng tanga ako..." sagot ng binata..

"So pare... Is this final?.." tanong ni Romeo.

"Im in.." sagot ni Darius...

"Ako rin.. And may representative na ako.. Si Krissia..." sagot ng binata at napayakap sa kanya si Krissia..

"I won't fail you.." sabi ng dalaga..

"So Aldrin?.." tanong ni Romeo..

"Sige.. At alam kong alam nyo na si Hannah na ang representative ko.." sagot ng binata..

"Is it okay with you Hannah?.." tanong ni Romeo..

"Sige go.." sagot ng dalaga at nagtawanan sila..

"Your now member of our family.." sabi ni Rhoi..

"Welcome sis.." sabi ni Krissia at niyakap si Hannah..

"Thank you.. Di kayo mapapahiya..Sana.." biro ni Hannah at lalo silang nagtawanan..

"So.. Plus One na tayo?.." tanong ni Darius..

"Yeah.." sabay sabay na sagot nila..

Siniko si Hannah ng kaibigan nya..

"Anu ba yang pinasok mo?.." tanong ng dalaga pero ngumiti lang si Hannah..

"Trust me.. Mababait sila.." sagot ni Hannah pero umingos lang si Cynthia..

"Yang Romeo mabait?.. Eh ang yabang yabang ng itsura.." sabi ng kaibigan nya at nag walk out na..

"So... Yung design na gustong idagdag ni Hannah, bukas na lang ha?.. Kasi layouting pa lang naman eh.. Bukas na siguro yung finishing touch.." sabi ni Rhoi at tumango ang dalaga..

"Thank you so much guys.. So paano.. Uwi na ako ah.?" sabi ng dalaga..

"Ah ingat.. Maya maya na kami kasi susukatin pa namin yung lawak ng tubig na nakapalibot sa kubo eh.." sabi ni Darius at nanlaki ang mga mata ni Hannah..

"We di nga?.." tanong ng dalaga..

Tumawa lang yung tatlong binata at humarap na sa mga gumagawa ng kubo...

Nagkatinginan si Aldrin at Hannah at maya maya ay nagngitian..

"So tanga ka talaga.." sabi ng dalagang siga..

"Yea maybe.. Tara na.. Hatid kita hanggang saan mo gusto.." alok ng binata at masaya silang umalis..

"Bye guys.. Thanks talaga.." sabi ng binata at nagdirty finger lang sa kanya ang tatlo..

Tumatawa na umalis ang dalawa..

Lumingon si Romeo at Rhoi sa dalawang umalis..

"Baket mo pinayagan?.." tanong ni Rhoi..

"Eh bakit ka umoo?.." sumbat ni Romeo at nagtawanan sila..

"Really , what are you playing this time?.." tanong ni Rhoi at napangiti si Romeo..

"Sabihin na nating for good cause ng kapatid natin.." sagot ng binata..

"But your playing Aldrin's fate already.. Pakikialam na yan pre.." sabi ni Rhoi..

"I know.. Siguro love ko lang talaga si Aldrin at gusto ko syang lumigaya na.. Remember nung bata pa tayo?.. Yung kwintas na sinulid?.. I believed na sa childhood friend nya yon.. And I think thats the reason kung bakit up to now ay wala pa syang girlfriend.. It's about time..Sorry kung nakikialam na ako.. Pero mahal ko lang talaga kayo.." sabi ng binata at binatukan sya ni Rhoi..

"Sabi ko na dapat ikaw ang "Ace of Hearts..", emo ka rin pala eh.." sabi ni Rhoi at nagtawanan sila..

"Gago.. Ako pa rin ang "Ace of Spades.." , because I have a black heart.. remember that.." sabi ni Romeo at nagtawanan lalo sila..

"Gago ka.. Parang si Aldrin lang ang di pa nagkakagirlfriend.. Ako rin eh." sabi ni Rhoi..

"Eh tanga ka kasi.. Andyan na ayaw mo pang tukain.. Ewan ko ba.. Ayaw ko na magsalita at another story na kayo.." sabi ng binata ..

Lalo lang silang nagtawanan at pinagmasdan na lang ang kaibigan nilang papalayo..

ITUTULOY !!!

Posted in: Romance