1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 9 - Tamis
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 9 - Tamis

8 minutes

Chapter 9 - Tamis.

Hapon na ng muling magising si Aldrin..

Bagamat ramdam nya pa ang sakit ng mga pasa at sugat nya, di nya parin mapigilan ang mapangiti..

Dahan dahan syang nag inat ng mga braso at iinot inot na tumayo..

Wala syang pake kung maging kahiya hiya na sya o di kaya ay masabihan ng masyadong excited.. Pero talagang excited sya..

NAis nya ding matiyak kung nanduon pa sa kabilang kwarto ang dahilan ng kanyang pagngiti..

Dahan dahan syang lumapit sa kanyang kwarto at dinikit ang nuo sa pinto..

Ngayon naman bigla syang inatake ng hiya.. Di nya maintindihan kung kakatok ba sya o hinde..

"Anu bang sasabihin ko?.. " bulong nya sa sarili..

Napangiwi ang binata..

"Hi.. Kamusta ang pakiramdam mo?.." kinakausap ni Aldrin ang sarili nya..

"Panget.." pati sarili nya nilait nya..

"Hi.. Kamusta ang pagtulog mo?.." muli nyang pagkausap sa sarili..

"Panget pa rin.." muli rin nyang nilait ang sarili..

"Hello.. I miss you..." bigla syang natawa ng marahan...

Too straightforward..

"I miss you too.." biglang sabi ng boses ng babae sa likod nya..

Nanigas ang binata at biglang nauntog sa pinto...Tawa ng tawa si Alona sa itsura ng anak..

Hiyang hiya naman si Aldrin pero napapangiti na rin sya... Pulang pula na ang kanyang mga pisngi..

"Mom naman eh.." angal ng binata..

"Hay nako ang anak ko..enlab" nangingiting sabi ng nanay...

Lumapit si Alona sa anak at hinawakan sa braso.. Inakay nya ito pababa.. Nag atubili si Aldrin pero sumama na rin sa ina..

"Ayun o.." turo ng ina sa garden...

Nandun ay may nakaupong dalaga .. Nakatalikod ito at nakaharap sa mga bulaklak at nagsusuklay ng buhok...

Tinulak ng ina ang binata pero tila naging bato na ito at di na makagalaw..

"Oh.. Sabihin mo na yung mga pinapraktis mo sa harap ng pinto.. Parang kang eng-eng don eh.. AYun sya oh.. Go !.." sabi ng ina..

Pero talagang napako na ang binata.. Bigla syang inatake ng hiya..

"Oh.. Ano na?..Aysus.. Kung anong tapang sa away , syang duwag naman kay Hannah.. " pang aasar ng nanay..

Tumawa ng mahina ang binata at hinarap ang ina..

"Mom naman.. Syempre bumubwelo pa.. " sabi ng binata at muling sinulyapan ang dalaga..

Nagsusuklay pa rin ito ng buhok....Biglang nahiya ang binata at inamoy ang sarili..

"Ay oo nga anak.. Yucky ka.. Take a bath muna tapos toothbrush.. Kakahiya kay Hannah kung lalapit ka ng dehins goli na, amoy laway pa.. Hala... Entertain ko muna sya..Kanina ka pa nyang binabalik balikan sa guest room eh.." tukso ng ina..

Napangiti ng maluwang ang binata at muling sinulyapan ang dalaga... Bigla itong lumingon sa kanila at ngumiti..

Tila naging bato na naman ang binata at nanigas.. Agad syang tumalikod at tumakbo paakyat sa kwarto nya..

Napasimangot si Hannah pero tumatawang lumapit sa kanya si Alona..

Sa kwarto ay napangiti ng maluwang si Aldrin..

Maayos na maayos ang kama nya.. Lumapit sya dito at humiga... Niyakap ang isang unan..

Inamoy..

Amoy Hannah..

Napabungisngis si Aldrin..

Kakaadik..

Haha !..

Niyakap nya ang unan at tinitigan..Inimagine na ang dalaga ang kayakap..

"Your too beautiful.. Can i kiss you?.." seryosong tanong ng binata sa unan..

"Yes.. I would love that.." nag boses babae si Aldrin at kinausap ang sarili..

"OH.. So, Here I am.. Hmm hmm.." hinalik halikan ang unan..

Pinanggigilan..

Niyapos..

Ngumiti..

"Can you be my girlfriend?.." tanong ng binata sa unan..

"Yes !.." sinagot daw kunwari sya ng unan..

Napangiti ng maluwang ang binata..

Muli nyang hinalikan ang unan at inayos na..

Tumayo na at nagpunta ng banyo..

Maging sa banyo ay napangiti din sya ng maluwang ..

Bakas pa na may gumamit dito.. Amoy shampoo ..

Pati twalya..

Napatda ang binata ng makita ang nakasampay..

"Tigas titi.. Sheet..." bulong ng binata.

Kita nya na nakasampay ang bra at panty ni Hannah..

"Oh no.." sambit ng binata.

Pero hindi.. Di nya magagawang pagsamantalahan ang dalaga kahit sa imagination lang..

Ngumiti na lang sya at naligo na.

"Oh ,.. Im so sexy.. Oh so sexy.." kanta ni Aldrin sa ilalim ng shower..

Boses palaka..

Pagtapos maligo ay agad syang lumapit sa closet at naghagilap ng masusuot....

Muling kinilig ang binata dahil nabawasan ang damit nya.. Meaning suot na naman ni Hannah ang isa sa mga damit nya..

Pero yung undies kaya?..

Ah wag na lang isipin..

Nakangiti pa rin syang naghalungkat sa damitan ng may matamaan na matigas na bagay ang kamay nya..

Brown na kahon.. Na may label na "From Special Someone."

Nawala ang ngiti ng binata ng maalala kung kanino galing ang laman ng kahon..

Pero agad nya din itong inalis sa isipan dahil napakaunfair naman nya sa sarili kung iisipin nya pa rin ang kababata...

Eto si Hannah.. Buhay at gumagalaw..

Si LElay.. Alaala..

Parte ng nakaraan..

Ni hindi nya alam kung kilala pa sya ng kababata..

TIla kinurot ang puso ni Aldrin sa ideyang iyon..

Labing pitong taon...

Labing pitong taon syang nabuhay sa alaala ni Lelay

Half smile Half frown na bumaba si Aldrin.

Nakita nya ang dalawang babae sa salas.. Nag tatawanan.. Na curious sya kaya naman dahan dahan syang lumapit..

Napangiti ng maluwang si Alona ng makita ang anak..

"See?.. Isn't my son handsome?.." tanong ng ina..

NAmula naman ang pisngi ni Hannah..

"Yes.. Very.." bulong ng dalaga..

Titig na titig sa binata..

Lumapit si Aldrin at naupo sa tapat na sofa..

Nang ngitian sila ng dalaga..

"Anu yan Mom?.." tanong ng binata sa ina..

Nagkatinginan ang dalawa at biglang naghalakhakan..

"I just saw you nakesd.." sabi ni Hannah at biglang sumabog sa kakatawa..

Tila umakyat sa anit ni Aldrin ang lahat ng dugo nya.. Pulang pula sya..

"Hey.. Whats that ?.." biglang lumapit ang binata..

Sumabog na talaga sa tawa ang dalawang babae..

"Look mo iha.. Eto pa.." turo ni Alona..

Nanlaki ang mga mata ni Aldrin ng masilip kung ano ang pinagpipistahan ng mga mata nila..

"Hey.. Childhood album ko yan !.."

Tawa ng tawa si Hannah at pulang pula na ang mukha ng binata..

Pilit nyang inaagaw sa dalawang babae ang album..

"Ay sila ito?..Si Aldrin oh.." tinuro ni Hannah ang batang Aldrin sa litrato..

NAtigilan si Alona..

Maraming nagsasabing nagbago na daw ang itsura ng anak nya sa pagdaan ng panahon..

Pero paanong nakilala agad ito ng dalaga?..

Napaisip ang ina...

"Oy.. Tama na .. Mom naman eh.." angal ng binata..

Tumatawa pa rin si Hannah..

Tahimik lang ang nanay..

"Hmm.. So , mukhang kalabisan na lang ako dito.. Handa lang ako ng miryenda at paparating na ang prinsesa.." sabi ng Nanay..

Umexit papuntang kusina.

Nagkatitigan lang ang dalawa..

PArehong may mga ngiti sa labi..

"Ang cute mo pala nung bata ka.." sabi ni Hannah..

Natawa ang binata..

"Cute talaga.. " pagyayabang nya..

"Yabang.." wika ni Hannah..

"Haha.. Kaw naman nauna eh..So.. Musta na pakiramdam mo?.." tanong ng binata.

"Well, ok na ako.. Thanks to your mom.. She's so kind to me.. Pati na rin yung Dad mo.. and Alyssa.." nakangiting wika ng dalaga..

"Eh paano ako.." nakangiting tanong ng binata..

"Ofcourse.. Higit sa lahat ay nagpapasalamat ako sa iyo.. PAti na sa barkada mo." taos sa puso na sabi ng dalaga..

"Mga kapatid ko.. They are my brothers..In heaven and hell.." sabi ni Aldrin..

Napatango naman ang dalaga..

"So.. uuwi ka na?.." tanong nya..

"Pinapauwi mo na ako?.." nakasimangot si Hannah..

"Ofcourse not.. Kahit dito ka na tumira.." si Aldrin..

Namula ang dalaga..

"Eh di parang live in tayo nyan?.." tanong ng dalaga..

Namula din ang binata..

"Haha.. Ahem.. Well.. Hmm.. So.." walang matapos na salita ang binata..

NAkangiti lang ang dalaga na nakatingin sa kanya..

"So." sabay nilang sabi..

Nagkatawanan na lang sila..

"Dito ka na mag dinner.." anyaya ng binata.

"I would love to.." sagot ni Hannah..

Nagkatitigan na naman sila..

PArehong nakangiti..

"Your too pretty.." sa wakas nasabi ni Aldrin ang nais nyang sabihin..

Biglang parang nanigas ang dalaga..Napanganga sya ng bahagya..

"Uy.." untag ng binata..

Napabaling ang tingin ng dalaga sa labas ng hardin..

"S-salamat.." sabi ng dalaga..

"Eh ako ba di mo pupurihin?.." tanong ng binata..

Biglang tumawa ang dalaga at pinaliparan ng unan ang binata.. Sapol sa mukha..

"Headshot.. !.." sigaw ng dalaga..

NAgkatawanan na naman sila..

Ang tawa naging matamis na ngiti..

"Hahatid kita sa inyo.." sabi ng binata..

"Magpahinga ka na lang .." tanggi ng dalaga..

"MAlakas na ako.. And I know why.." tinitigan ng binata ang dalaga..

"W-why?.." mahinang tanong ng dalaga..

"Kasi.." putol ng binata..

"Kasi?.." si Hannah..

"Kasi nakapagpahinga na ako.. " sabi nya sabay tawa..

Tila napahiya ang dalaga .. Akala nya sya ang dahilan.. Napabaling ang tingin nya at sumimangot..

"Pero di lang yon.. KAsi andito ka... At alam kong safe ka na.." hirit ni Aldrin..

Muling parang naging bato ang dalaga sa kinauupuan..

Ang simangot naging ngiti..

"Bolero." mahingang sabi nya..

"Pogi naman.." banats ni Aldrin..

Muli silang nagtawanan.. At nagkatitigan..

Sa di kalayuan di na matiis ni Alona ang kilig.. Tila sya nanunuod ng soap opera at nagliligawan ang mga bida..

Naalala nya ang kabataan.. Kung paano suyuin ng kabiyak.. Napangiti ng maluwang ang Nanay at dahan dahang lumapit sa dalawang lovebirds..

"Oy.. Sobrang tamis na nyan ah.. Baka sugurin kayo ng mga langgam.. Oh.. Tama na ang pacute sa isa't isa.. Eto at mag miryenda kayo.. Iha pasensya na sa anak ko at masyadong torpe.." asar ni Alona..

"Mom !." angal ng anak..

"Oo nga po.." biglang hirit ng dalaga at nagkatitigan sila ng binata..

Pero nagbawi sya ng tingin at kumuha ng juice..

Humigop..

Tumitig ulit ng pasimple sa binata..

Si Aldrin naman ganun din ang ginawa..

MAgkatitig lang silang dalawa na humihigop ng juice.. Di na alintana na kasama si Alona..

"Ang tamis.." epal ni Alona.

Nagbawi ng tingin ang dalawa at nagtawanan ng marahan..

Pero muli ding nag titigan..

Tumawa si Alona at sumuko na ..

"Out na ako.. Baka atakehin ako ng diabetes.." biro nya..

PEro di na naalis ang titigan ng dalawa..

Tamis..

ITUTULOY !!!

Posted in: Romance