1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 8 - Closer
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 8 - Closer

16 minutes

Chapter 8 - Closer


Tila nauuhay ang pakiramdam ni Hannah.. Masakit ang kanyang panga.. Lumunok sya ng laway ngunit tila walang napoproduce na laway ang bibig nya..

Dahan dahan syang nagmulat ng mata... Naiihi sya..Nanlalabo pa ang kanyang mga mata..

Pilit nyang inalala ang mga nangyari kung bakit ganito kamiserable ang pakiramdam nya.. Bumangon ng bahagya ang dalaga.. Dahilan para muli syang mapahiga..

Napangiwi sya sa pagdaloy ng sakit.. Tila binibiyak ng kung ano ang ulo nya.. Muli nyang inalala ang nakaraan..

"Cynthia.." gigil na wika ni Hannah..

Napailing naman sya.. Bagamat may kasalanan ang kaibigan ay batid nyang may kasalanan din sya.. Sa inis nya kay Aldrin dahil hindi ito nagpumilit na sumama, napagbalingan nya ang alak..

Ng maalala ang binata ay napasimangot na naman sya..Huminga ng malalim ang dalaga at pinilit ang sarili bumangon sa kama..

Una nyang napansin ang oversized Jersey Shirt na suot nya... Di nya maaninag ang nakasulat sa harap dahil madilim ang kwarto nya..

Tinungo nya ang blinds ng bintana nya pero nagtaka sya..

Walang blinds?..

Napailing na lang sya at di pinansin ang kaibahan.. Malamang groggy pa sya..

Naglakad sya patungo sa banyo sa bandang kaliwa ... Pero wala.. Drawer ang andito..

Talagang nagtataka na sya.. Kinusot nya ang mga mata at pilit na pinaglinaw ito.. Tila binibiyak pa rin ang kanyang ulo.. Nakita nya ang pinto .. Malamang palabas..

Sa tabi nito ay may switch...Agad nya itong nilapitan at pinindot..

Bumaha ang liwanag sa paligid.. Tumalikod ang dalaga upang pagmasdan ang buong kwarto..

Upang magulat na nasa ibang kwarto sya.. Sisigaw na sana sya ng mahagip ng kanyang mga mata ang isang larawan sa tabi ng kama..

Agad nya itong nilapitan..

Napangiti sya pero bigla din napasimangot..

Si Aldrin.. MAy kasama itong babae sa litrato..

Kung ganoon nasa bahay sya ni Aldrin.. At sa mismong kwarto nya.. Pero paano sya napunta dito?..

Nakarinig ng mararahang katok sa labas si Hannah..

Kinakabahang agad nya itong binuksan.. Pero di pala kanya ang pagkatok kundi sa katapat na kwarto..

Kita nyang may magandang babae na kumakatok sa katapat na kwarto ni Aldrin..Napalingon ito sa kanya at nagulat..

"Oy.. Iha bakit ka tumayo?.. Maaga pa.. Go back to sleep." utos ni Alona..

NApangiti ang dalaga ng mamukhaan ang butihing ina ni Aldrin.. Tumanda man ang itsura nito ng ilang taon... Nanatili pa rin ang kariktan na taglay nito...

"O-okay na po ako Mam.." sabi ni Hannah..

"Tita.. Call me Tita.. Di ka na ba makatulog?.. Anung pakiramdam mo?.." sabi ni Alona..

NApailing si Hannah ..

"Di na po T-tita.. Nawiwiwi po ako.." nahihiyang sabi ni Hannah..

"Ay sige.. May banyo dyan si Aldrin sa loob ah.. Di mo napansin?.. Oh well sa baba ka na lang mag CR at ng makapagkape ka.. TEka gigisingin ko lang itong batang ito..Alyssa.. Late ka na naman nyan anak eh.." sabi ni Alona sabay katok sa pinto..

Pupungas pungas na lumabas ang isang dalagita na may yakap pang teddy bear na kulay violet..

"Mom.. Kanina pa po ako gising.." nakapikit na sabi ng dalagita..

Napahagikgik ang dalawang babae sa sinabi ni Alyssa..

"Gising?.. Eh bakit parang di ka makadilat?.." tukso ni Alona sa anak..

"Tita san po ang banyo?.." mahinang tanong ni Hannah..

"Oh.. Tara.. Alyssa ayusin mo muna kama mo tapos mag breakfast ka na.." utos ni Alona sa anak..

Nakapikit paring tumalikod si Alyssa..

Nakangiting bumaba ang dalawa at hinatid ni Alona sa banyo sa kusina si Hannah..

Nakangiting pumasok si Hannah at nagwiwi...Naghilamos na din sya ..

Paglabas nya ng banyo at nuon nya lang nabistahan ang suot nya..

"Ay kay Aldrin yan.. Wala na kasi akong mahugot na damit nya kagabi.. Sorry ah?.." sabi ni ALona..

"Okay lang po.. Astig nga po ito oh.. Kwadro Alas?.. May team ba na ganon?.." tumatawang sabi ni Hannah..

"Sila yang magkakaibigan.. Their fathers used to use four kings to name themselves..Eh naisip nilang wala naman daw tatalo sa mga hari kundi mga alas.. Kaya ayan.." paliwanag ni Alona..

Napangiti lang ang dalaga..

"Childish no?..Like father like son eh." dugtong ni Alona..

Naupo sa silya si Hannah..

"Oh.. May brewed coffee dito.. Wait.." sabi ni Alona..

"Ako na po Tita.." sabi ni Hannah pero inawat sya ni Alona..

"Guest ka dito...Stayput ka lang.." sabi ni ALona..

Nahihiyang ngumiti lang si Hannah.. Dinulutan sya ng kape ng mabait na si Alona at tumabi ng upo sa kanya..

"Your pretty nga pala talaga... Kaya naman pala dead na dead ang anak ko.." sabi ni Alona..

Namula ang magkabilang pisngi ni Hannah..

"Di naman po.. " nakayukong sabi nya..

"Oh.. Sorry ah.. Di pa ba sya nagtatapat sayo?.." tukso ni Alona..

"W-wala po syang sinasabi.." sabi ni Hannah..

"Hala.. LAgot.." tumawa si Alona ..

Napangiti na rin si Hannah.. Nakaramdam sya ng kilig.. PEro naalala nya ang binata..

"Nasan po si Aldrin?.." tanong ng dalaga..

"Oh. Ayaw mong mag breakfast muna?.. Kita mo yung room next sa room ni Alyssa?.. Room namin yon ng tito mo.. Then yung tapat na room is guest room.. Walang laman pero may folding bed naman so dun natulog si Aldrin.. " paliwanag ni Alona..

Nakaramdam ng hiya si Hannah..

"Naku .. Kakahiya naman po.." sabi ni Hannah..

"Ok lang no.. Gusto mo puntahan natin.. BAlikan ko na din si Alyssa at mukhang nakatulog na naman.." sabi ni ALona sabay hagikgik..

Napabungisngis na din si Hannah..

"Ganyan din po ako nung high school days ko.." sabi ng dalaga..

"Haha.. Maski ako eh.. Kaya naman naiintindihan ko sya.. PEro di talaga pwedeng ganyan ng ganyan .. Tara." aya ni Alona..

Bumalik sila sa kwarto ni Alyssa..

"Don yong room.. Puntahan mo na lang at gigisingin ko lang itong prinsesa... " nakangiting sabi ni ALona..

Ngumiti din si Hannah at tinahak ang susunod na kwarto..

Dahan dahan nyang pinihit ang doorknob at kinapa kung may switch ng ilaw sa gilid.. Meron nga.. Pinindot nya ito at bumaha ng liwanag sa kwarto.

Wala ngang laman.. May nakatalikod na binata na nakahiga sa folding bed.. Napangiti si Hannah at nilapitan ang natutulog na binata..

Biglang tumihaya ito at kinamot ang pisngi.. Nanlaki ang mga mata ni Hannah..

May benda at band aids sa mukha ni Aldrin.. Napahindik sya ng maalala ang nangyari sa bar kagabi.. Sa nanlalabo nyang malay ay naalala nya na nagpunta nga si Aldrin upang sunduin sya..

Halos maiyak sa guilt ang dalaga..Tanda nya pa na mga brusko ang mga nakasama nilang mga lalaki kagabi..

"Potpot.." bulong ng dalaga..

Halos mapaiyak na talaga sya.. Nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata.. Marahil ay napaaway ang binata dahil sa nadatnang itsura nya..

Binalot ng kilig ang sistema ni Hannah pero di nya pa rin maiwasan ang makaramdam ng guilt.. Sya ang dahilan kung bakit puro pasa at galos ang mukha ng binata.. MAy benda pa sa ulo.. Malamang napalo ng kung ano..

Muling gumalaw ang binata at kinamot ang ilong.. Napangiwi ito ngunit nanatili paring nakapikit..

Impit na lumuha ang dalaga at hinaplos ang pisngi ng binata..

"Sorry Pot.." bulong nya..

Kinumutan nya ang binata at dinampian ng halik sa noo.. NAgpasya na syang lumabas dahil baka humagulgol na lang sya bigla..

Tutop ng dalaga ang bibig ng isara ang pinto at sumandal ..

KAsalanan nya ang lahat.. SAna nagpilit na lang syang sumama kay Aldrin.. O kaya inaya na lang din sana nya ang binata..

Lumabas si Alyssa na nakapikit at tulak tulak ng ina.. Nagpunas ang dalaga ng luha at natawa sa itsura ng mag ina..

"Alyssa baby.. Sanayin mo na ang sarili mo na gumising ng maaga.. Di ka na bata anak.." sabi ni Alona..

"Mom.. 5 minutes pa po.." ungol ng dalaga....

Napabungisngis si Hannah dahil parang nakikinita nya ang itsura nya nuong high school pa lang sya..

NApatingin sa kanya si ALona at ngumiti..

"Breakfast ka na iha.. Alyssa look o.." turo ni Alona ..

Dumilat ng mga mata ang dalagita at napanganga ito ..

"Sino sya Mom?.." mahinang sabi ni Alyssa..

"Si Hannah.." maiksing sabi ni Alona..

"Girlfriend ni Kuya?.." tanong ng bata..

Kinilig si Hannah..

"Ewan ko.. Wag na natin silang pakialaman.. Halika na iha sa baba..At ikaw bata ka.. Magsepilyo ka na.." sabi ng ina at tinulak ang anak palabas ng kwarto..

Tumatawang sumunod si Hannah..

Pagdating sa kusina ay tinulak pa rin ni Alona sa banyo ang anak..

"Hala at maghilamos ka.." sabi ng ina sabay baling sa dalaga..

"At ikaw.. Mag almusal ka na.." sabi ni Alona..

"Tulungan ko po muna kayo.." sabi ng dalaga..

"Hmm.. Marunong ka?.." nakataas ang kilay na tanong ni Alona.

"Opo..Tinuruan ako ni Nanay ng gawaing bahay.." nakangiting sabi ni Hannah.

Nagngitian lang sila at naghanda na ng mesa..

Ilang saglit lang at handa na ang mesa... Pumasok ang padre de pamilya na abala sa pagbubutones ng suot na polo..

"Labs.. Gising na ba ang bisita?.." tanong ni NEstor pero nagulat din ito pagkakita kay Hannah..

"Eto sya Dad.." sabi ng bunso..

"Nakikita ko... So kamusta iha?.." tanong ng tatay ..

"O-okay na po sir.." sabi ng dalaga..

"Tito.." pagtatama ni Alona..

"Yeah.. Tito na lang .. Labs yung anak mo?.." tanong ni NEstor sa kabiyak..

"Tulog pa labs.. Papapasukin ba natin?.." tanong ni Alona..

"Wag na muna siguro.. Ako na lang ang magsasabi sa Dean.." sabi ni NEstor sabay naghugas ng kamay at dumulog sa mesa..

Sinalinan agad ng kape ni Alona ang asawa...

"Thanks beautiful.." sabi ni Nestor at pinalo ang pwet ng asawa.

"Labs !..May tao o.." nakangiting sabi ni Alona..

Ngumiti lang ang dalaga..Nakaramdam sya ng inggit.. Di nya naranasan ang magkaroon ng Ama.

"Eh ano?.. Magiging pamilya na rin naman ata natin sya eh.. Di ba iha?.." tukso ni NEstor..

Kinilig ang dalaga.. Namula ang mga pisngi..

"Labs talaga.. Wag mong intindihin yan iha.. Nagbibiro lang yan.. " sabi ni Alona..

"Ok lang po.." nahihiyang sabi ng dalaga..

"Ok lang daw Mom... Eh di Ate ko na ikaw?.." tanong ni Alyssa..

Tumango lang ang dalaga.. Tumili naman ang bunso..

"Haha.. Matinik talaga ang anak ko eh.. Pero labs.. Paano si." Sabi ni NEstor pero inawat sya ni Alona..

"Labs.." banta ni Alona..

Tumango naman si Nestor.. Nauwaan ang nais iparating ni Alona.. Wag ng banggitin pa si Lelay..

"Kain ng kain iha.. Bawal dito ang light breakfast.." sabi ni Alona..

Ngumiti naman ang dalaga.. Ito naman talaga ang paniniwala nya..

"Ate.. Anung nakita mo kay kuya?.. Eh ampangit non.." sabi ng bunso..

Tumawa lang si Hannah..

"Pogi kaya kuya mo.." nakangiting sabi nya..

Tumili naman ang mag ina..

"Mana sa ama.." pagyayabang ni NEstor..

"Huuss.." sabi ng bunso..

Muli silang nagtawanan..

"Mabait pa.." dagdag ni Hannah..

"MAbait?.. Ibang tao ata pinaguusapan natin ATe.." sagot ng bunso..

Muli silang nagtawanan..

"Oy ikaw bata.. Late ka na.." sabi ng Tatay sa bunso..

"Wala pa yung school bus Dad.." hirit ng bunso pero biglang nakarinig sila ng busina..

NApasimangot si Alyssa at madaliang nagpalaman ng dalawang sandwich at sinubo..

"Sus ang takaw talaga o.." pang aasar ng tatay..

Dinilatan lang sya ng kabiyak..

"Bye Daddy Panget.." sabi ng bunso sabay halik sa ama..

Tumawa lang ang Tatay..

"Bye mom.. Bye Ate.." sabi ni Alyssa at isa isang hinalikan ang dalawang babae..

Tumakbo na ito palabas..

"Sarado mo Gate iha.." sigaw na pahabol ng ina..

Nagkangitian lang silang tatlo..

Binasag ni Hannah ang katahimikan..

"Ahm.. Anu po bang nangyari kagabi?.." nahihiyang sabi ni Hannah..

"AH..Yun ba?.." singit ni Alona at tinitigan ang kabiyak..

Nagseryoso si Nestor at nahiya naman ang dalaga..

"Labs naman eh.. Wag kang ganyan... Nahihiya yung bata eh.." awat ni Alona..

Tumawa ang TAtay..

"Haha.. Well.. Nagulat kami nung nagpaalam sya na susunduin daw nya isang friend nya.. Ikaw pala yon.." bungad ni Nestor..

"Yea..Pero iha bakit ka naglasing?.. May problema ka ba?.." tanong ni Alona..

Napayuko ang dalaga at namuo ang luha sa mga mata..

"Sa totoo po... Nuon lang ako tumikim ng alak.. Ang alam ko po naka 2 shots lang ako.. Pero di ko alam kung bakit hilong hilo na agad ang pakiramdam ko.." naiiyak na sabi ni Hannah..

Nagkatinginan ang mag asawa..

"I think they put something on your drink.." sabi ni NEstor..

Lalong nahiya ang dalaga..

"S-sorry po.." sabi ni Hannah..

"It's not your fault iha..Teka di ka ba papasok?.." tanong ni Alona..

"Bukas na po siguro.. Alagaan ko po si Aldrin.." sabi ni Hannah..

Nagkangitian naman ang mag asawa..

"Okay ako na bahala sa Dean.." sabi ni Nestor..

"Pero paano po naging ganoon ang itsura ni Aldrin?.." tanong ni Hannah..

Tumahimik naman si Nestor ..

"Well .. Actually pagdating namin sa bar eh magkatabi na kayong walang malay sa sofa.. Ikaw dahil sa kalasingan at sya dahil sa gulpi..But it's ok.. Wag kang mahihiya.. Ginawa ng anak namin ang sa tingin nya ay tama..Pero medyo asar ako dahil bakit ganon yung itsura nya?.. For the first time nabugbog ang anak ko.." inis na sabi ni Nestor..

Lalong nanliit ang dalaga..

"Well.. sabi ko nga .. Don't blame yourself too much iha..Di ko lang talaga maintindihan.. Bakit parang wala syang ginawa.?.. Tatanungin ko yan paggising nya.. Well, yun nga.. Pagdating namin nila Primo and the other Tatays.. Bugbog sarado na yung mga kalaban nyo... Nauna na sa amin yung tatlong alas .." nakangiting kwento ni NEstor..

Napaangat ang mukha ng dalaga..

"Nandoon yung iba?.." tanong nya..

"Well, di na kami nagulat.. Lagi namang ganyan.. Sa twing may away sila.. Silang apat lang sapat na.. PArang nagiging taga linis na nga lang kaming mga tatay eh.. " tumatawang kwento pa ni Nestor..

Napangiti naman si Alona at hinawakan ang kamay ng dalaga..

"So ayon.. Baka ipasara na muna ni Primo yung bar.. Kasi walang ginawang aksyon yong mga bouncer to help my son.." nakita nila ang galit ng Ama dahil sa pagkabugbog ng anak...

"Labs .. Di mo sila masisisi.. Anak ng congressman yung nakaaway nila.." awat ni Alona sa maaaring pagsabog na naman ng asawa..

"Kahit na mahal ko.. Bakit yung tatlo di man lang nag alangan?..I mean, that's the power of friendship eh.." muling ngumiti si Nestor..

"They treat each other as brothers.. Not just friends.. Minsan mas kapatid pa ang turing ni Aldrin sa mga kaibigan nya kesa kay Alyssa.." nakangiting paliwanag ni Alona..

Ngumiti rin ng tipid ang dalaga..

"Ayun... Pagdating namin eh wala na yung tatlo.. Kayo na lang ni Aldrin ang naiwan pati yung mga nakaaway nila kaya agad namin syang pinadala sa clinic.. At nung okay na ay pinauna ko na kayo dito tapos sumunod na kami nila Pareng Denzel sa presinto.." dagdag ni NEstor..

Nanlaki naman ang mga mata ni Hannah..

"Po.?.. Nakulong sila Romeo?.." tanong ng dalaga..

"No naman.. Syempre inimbestigahan yung nangyari.." sagot ni Nestor..

"Eh bakit po tatlo lang?.. Nasan po sila Jim??..Si Cynthia po?.." tanong ni Hannah..

"Cynthia?.. Yung babae?..Friend mo ba yon?.. Ayun, lango sa alak ang kaibigan mo iha.. Pinauwi ko na sa mga pulis....Pinasabi ko sa parents nya na kung sakaling may mangyaring sampahan ng kaso.. Kung di sya tetestigo ay gagawin na lang namin syang suspect sa pambubogbog anak ko.." madiin ang pagsasalita ni NEstor..

"Tetestigo po ako.." matigas na sabi ni Hannah..

"Wag na.. Eh tulog ka eh." tumatawang sagot ni NEstor..

NAtawa na rin ang dalaga..

"So yung Jim na anak ni Congressman daw.. Silang pito nasa ospital..MAy nakuha pang mga marijuana ata yon sa bulsa nung isa...Pero ang kukulit talaga nung tatlo eh..Si Darius nakaboxer at sando pa ...Si Romeo walang tsinelas.. Tapos ang nakakatawa pa dito ay ginigitarahan ni Rhoi yung mga preso habang kumakanta ng "I will survive" sina Romeo at Darius..DAmi ko talagang tawa... Mga 20 siguro... Bwahahaha..." tumatawang sabi ni Nestor..

Naghagalpakan sila sa tawa.. Halos maiyak na sila sa pag iimagine sa itsura ng tatlo...

"Pero.. Ospital?..Pito laban sa tatlo?." tanong ni Hannah..

"Chicken feed.. Nung kabataan ko kahit lima laban sa isa .. Panis.." pagyayabang ni Nestor..

Binatukan sya ng asawa..

"Eh kung one on one tayo?.." maangas na sabi ni Alona..

"Love naman eh.. " angal ni Nestor at nilambing ang asawa..

NAgtawanan silang tatlo..

"PAgdating namin sa presinto nandun na yung tatay ni Jim.. Tsk tsk.. Nakita nyo sana yung mukha nung kurakot na congressman na yon ng isa isahin ni Primo ang maaring isampang kaso laban sa anak nya at mga alalay nito.." tumatawang sabi ni Nestor pero nagniningas ang mga mata nito sa galit..

"Eh bakit parang galit ka?.." tukso ng asawa.

"Gusto ko na nga sanang dukutin yung mata nung kurakot na yon eh.. Si Pareng Vincent kasi eh..Tsk.." nanghihinayang na sabi ni Nestor at humilig ang asawa sa balikat nya..

"Labs.. Wag ganon.. Sabi mo nagbago ka na?.." lambing ng asawa..

"Joke lang labs.. Kaw na lang naman yung siga dito sa pamilya eh.." biro ni Nestor..

Kinurot sya ng asawa sa tagiliran..

Nakaramdam ng inggit si Hannah.. Tila bigla nyang namiss ang ina.. Ng maaalala ang ina ay napangiwi sya.. Siguradong magagalit ito at mag aalala..

"Salamat po." taos pusong sabi ni Hannah..

"Wala yon.. " sabay na sabi ng mag asawa..

Maya maya may narinig silang mga yabag..

"Mom..Bakit namatay yung electricfan don?.. Puro kagat na ako ng lamok oh!.." angal ni Aldrin..

Iika ika syang pumasok pero nagulat sya ng mabungaran ang dalaga..

Nahihiyang ngumiti lang si Hannah..

"Morning.." mahinang bati ni Hannah sa binata..

Napangiti si Aldrin at lumapit sa lababo..

"Morning.." bati nya..

"Uuyyy... " tukso ni Nestor pero pinalo sya ng asawa nya..

Naghilamos ng mukha ang binata at nagmumog.. Hirap syang gumalaw dahil masakit ang mga pasa nya sa mukha at katawan..

"Ay anak.. Mag noodles ka oh.." sabi ni Alona at sinandukan ng noodles ang anak..

"Thanks beautiful." pasasalamat ni Aldrin sa ina..

Tahimik lang si Hannah na pinagmamasdan ang binata.. Tila lalo lang lumala ang paghanga nya dito..

"Mahal.. Tingnan mo.." bulong ni Nestor sa asawa..

Hirap na hirap si Aldrin na sumubo kaya inagaw ni Hannah ang kutsara.. Sumandok sya ng sabaw at sinubuan ang binata.. Napangiti naman si Aldrin at tinanggap ang pagsubo ng dalaga..

Nagkatitigan sila at nag ngitian..

Tila matutunaw na ang mga buto sa katawan ni Alona sa kilig sa dalawa..

"Wag kang maingay..Kunwari wala tayo dito.." sabi ni Alona..

Pero di nakatiis si Nestor at nang asar na..

"Mahal.. San galing tong mga langgam..?.. Parang ang tamis tamis ng paligid ah." tukso ni Nestor..

Pinalo sya ng asawa sa braso pero maging ito ay sumakay na rin..

"Oo nga no.. Naku mahal.. PAti mga bubuyog nagsilapitan na.. Bakit kaya parang ang sweet ng paligid.." tukso ni Alona..

Nabitawan ni Hannah ang kutsara at nuon lang nya napansin na magkadikit na sila ni Aldrin.. Halos wala ng pagitan ang pagkakaupo nila..

Hiyang hiya ang dalaga pero binulungan sya ng binata..

"Wag ka ng mahiya.. Ganyan talaga yang dalawang yan.." bulong ng binata..

Napapikit ang dalaga sa kilig..

"Yeah.. Alam ko... Medyo nasanay na ako.." impit na bulong nya..

"Wow.. Kanina pa kayo magkakasama?.." tanong ng binata..

"Yeah.. Salamat nga pala ah.." sabi ni Hannah..

"Basta ikaw.. Remember, you belong to us now.. " bulong ni Aldrin..

Halos mamilipit na sa kilig si Hannah..

"Thank you.." tanging nasabi nya..

"Welcome.." sabi ni Aldrin at nagkatitigan sila..

"I feel closer to you.." nasambit ng dalaga..

"Me too.." titig na titig si Aldrin sa mata ni Hannah..

"Ayyeeeeeeeee..." tukso ng mga magulang nila..

Bigla silang naghilaway .. Pulang pula na ang mukha ni Hannah at Aldrin..

Pero di naman maalis ang ngiti sa kanilang mga labi..

ITUTULOY !!!

Posted in: Romance