1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 6 - Piece of Past
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 6 - Piece of Past

16 minutes

Chapter 6 - Piece of Past


Napamulat ang dalaga ng unti unting naramdaman ang pagtama ng sikat ng araw sa pisngi nya..

Automatikong napangiti sya ng maalala ang naging panaginip.. Bamagan di malinaw ang mukha ng lalake.. Malinaw sa kanya na tinawag sya nito sa palayaw nyang matagal ng walang gumagamit..

Malinaw pa sa kanyang alaala ang mukha ng dating kababata at ito mismo ang napanaginipan nya.. Parang hinaplos ng malamig na kamay ang puso nya ng marinig sa bibig nito ang dating palayaw..

"Potpot.." sambit ng dalaga at pilit na inaalala ang mukha ng kababata..

Napasimangot sya ng mag ingay ang alarm clock nya.. Inis na pinalo nya ito at iinot inot na bumangon...

Ayaw nyang sirain ang araw nya dahil naumpisahan na ito ng magandang panaginip..

Nakangiti syang nagpunta sa banyo at nagsimula ng mag ritwal..

Pagbaba ng dalaga ay agad syang nagtungo sa kusina.. This time ay di na sya pumayag na kakarampot lang ang aalmusalin..

"Yaya.. Sawang sawa na ako sa papaya.. Please kanin naman po..." sabi ng dalaga at walang sabi sabing nagsandok ng kanin..

"Hannah !.. Andami nyan !.. Naku ang figure mo!.." sigaw ng yaya nya pero wala syang pakealam..

"Yaya.. Wala akong pake sa figure ko.. Ayaw kong maging sexy pero butas ang sikmura.. Nevah !." sagot ng dalaga at sarap na sarap sa kanin at itlog..

"Hay bahala ka nga.." sumusukong sabi ng yaya nya..

"Saaaraaappp.. " hinimas himas pa ng dalaga ang tyan nya at pinalo sya ng yaya nya..

"Anu ka bang bata ka.. Manners.." utos ng yaya pero hinalikan lang sya sa pisngi ng dalaga..

"Bye bye yaya.. See yah later !.." paalam ng dalaga..

Umiling na lang ang yaya nya at nakangiting nagligpit na ng pinagkainan ng alaga..

Paglabas ng dalaga ay agad na tumayo ang driver nila.. Pero inawat sya ng dalaga..

"Hep !..Jeep.." sabi ng dalaga at muling kumamot ng ulo ang driver..

Paglabas ng dalaga sa magarang subdivision ay agad syang nakasakay sa isang jeep.. Nakangiti pa sya at masaya talaga ang vibes nya sa araw na ito..

"Manong para.. !.. Wooo.. PAra na oy.. !" sigaw ni Hannah at natatawa na ang mga pasahero sa loob..

"Saglit lang naman iha.. Baka mahuli ako ng pulis oh.." sagot ng driver..

"Wapakels manong.. SAbihin nyo na lang pangalan ko at siguradong huli pa rin kayo.. Salamat Nongma.." sagot ng dalaga sabay patalon na bumaba sa jeep..

Nakangiti pa rin syang pumasok sa eskwela at patalon talon pa..

Nasalubong nya ang kaibigang si Cynthia..

"Grabe sis.. Nag jeep ka na naman?.. Anung ginagawa ng kotse nyo?.. " tanong ng kaibigan pero inakbayan lang sya ng dalaga..

"Mas masarap sumakay kapag marami kang kasabay.. Ikaw, kapag nakasakay ka ba sa kotse nyo may nakakausap ka?.. " tanong ni Hannah..

"Meron si manong.." sagot ni Cynthia..

"O tapos?.. Anung pinaguusapan nyo?.. " tanong ng dalaga ..

"Wala syempre.. Kung anong oras lang ako susunduin.." sagot ng kaibigan nya..

"See?.. Sa jeep pwede kayong mag kwentuhan.. Pwede mo ngang kotongan katabi mo eh.. Pero syempre magagalit yon.." biro ng dalaga..

"Sira ka talaga.. HAla.. Ayun na naman yung magkakaibigan o.. Grabe ang aangas talaga.." sabi ng dalaga at napalingon si Hannah..

Kita nyang pumapasok ang apat na magkakaibigan kasama na ang nag iisang babae sa grupo.. Nakaramdam ng inggit si Hannah sa babaeng kasama ng apat dahil parang alagang alaga ito..

"Ayun na naman yung feeling matalino o... Sarap putulin ng ilong eh.." nanggigil na sabi ni Cynthia..

"Akala ko ba galit ka?.. Bakit parang crush mo pa ata yon?.." tanong ni Hannah at nanlaki ang mga mata ng kaibigan nya..

"Hoy !.. Mandiri ka nga .. NApakayayabang ng apat na yan.. Ewan ko nga pero parang mayabang din yung babae eh.." puna ni Cynthia..

Nagsalubong ang kilay ng dalaga..

"Di mo pa nga nakikilala eh.. Wag mo naman husgahan.." sabat ng dalaga at natawa ang kaibigan nya..

"Wow.. Affected.. " sabi ni Cynthia pero umiling lang ang dalaga..

NAg ring na ang bell..

"Tara.. Kitakits sa mata sis.." sabi ni Hannah at hinawakan ang backpack nya..

Dirediretso sya sa unang klase nya sa third floor..

"Toot toot.. " aliw na aliw ang dalaga habang isa isang nag aalisan ang mga makakabangga nya..

Nasa second floor na sya ng biglang may mahagip ang mata nya.. Napangisi sya ng makita ang isang lalaking pasimpleng namboboso sa harap nito.. MAging sya ay kita na ang panloob ng babae kaya medyo nairita sya..

"Toot toot.." sigaw ng dalaga sabay bangga sa lalaking bosero..

Napaluhod ito pero dagli ding tumayo .. Natulala silang pareho ng makilala ang isa't isa..

NAg init ang mukha ng dalaga at dire diretso ng umakyat..

Pagpasok sa kwarto ay nakasabay nya pa ang magiging guro nila.. Naupo agad sya sa isang bakanteng silya..

Muli nyang naalala ang panaginip nya.. Agad na lumawak ang ngiti ng dalaga..

"Ay oo nga pala.. Yung kwintas .." sabi ng dalaga sa sarili at hinalungkat ang bag..

Lagi nyang dala ang kwintas na bigay ni Potpot.. Ingat na ingat sya dito at halos ayaw nyang makita ng iba... Kailangan nya lang mahawakan ito upang swertihin sya sa araw na ito..

"Nasan na ba yon.." kinakabahang sabi ng dalaga sa sarili dahil di nya makita ang kahon na lalagyan ng kwintas..

"Ah miss.." boses ng guro..

Abala pa rin sa pagkalkal ang dalaga...

Tumikhim ang guro at napaangat ang mukha ng dalaga.. Kita nya na sa kanya nakatingin ang lahat ng estudyante sa kwarto maging ang guro..

"Yes?.." tanong ng dalaga..

Nagbungisngisan ang buong kwarto..Ngumisi lang ang dalaga.. Kung medyo badtrip sya ay pihadong magwawala na sya.. Pero masaya para sa kanya ang araw na ito..

"May we know your name?.." tanong ng guro..

Tumayo si Hannah at tiningnan ang buong klase.. Huminga sya ng malalim at seryosong sumagot..

"Ako si Darna.." seryosong sabi ng dalaga..

Saglit na tila nawalan ng boses ang mga tao sa paligid.. Pero maya maya ay sumabog na ito sa katatawa..

"Nice joke miss.." sabi ng guro..

"My Name is Hannah Montefalco.." sagot ng dalaga..

"Nice name..Suits for you... Okay guys.. write your name on a one-fourth piece of paper..Together with your birthdate and address.. Oh.. And don't forget your contact number and email if you have one.." sabi nung guro at nagsimula ng magsulat ang mga estudyante..

Napakalkal ulit ang dalaga at naghanap ng one-fourth na papel.. Pero naalala nyang binawasan nga pala nya ang mga gamit nya.. Kumpleto sya sa lahat ng uri ng papel pero dahil sa dami nito ay di kakasya sa maliit na backpack nya.. Nakita nya ang katabing lalaki na may one whole sheet pad..

Kinalabit nya ito at nginitian..

"Penge.." sabi ng dalaga..

Di na naghintay ng pagsang ayon ng may ari at agad ng pumilas ng isa.. Tinupi nya ito sa dalawa ..Dinilaan at hinati.. Muli nyang tinupi ang kalahati at nilawayan.. Hinati ulit at siniksik ang natirang papel sa backpack..Baka kailanganin nya pa..

Abalang nagsulat ang dalaga..

Ng matapos ang ginagawa ay inabot nya ito sa katabing lalaking kinuhanan nya ng papel..

"Psst.. Abot mo naman oh.. Salamat.." utos ng dalaga..

Napailing na lang ang katabing lalake..

Napagawi ang tingin nya sa isang kaklaseng babae na abala sa pag mamakeup..

"Psst.. May nailcutter ka?.." tanong ng dalaga..

"Yea .. Pero maliit lang ... Eto oh.." sabi ng babae at inabot ang nailcutter sa dalaga..

Hinubad ni Hannah ang sneakers at tinaas ang paa.. Kahit na nandun pa ang guro ay nag gupit sya ng kuko.. Ayaw na ayaw nyang humahaba ito dahil nadudumihan syang tingnan..

Maputi ang talampakan ni Hannah .. Kung tutuusin ay pwedeng pwede syang lumaban ng kahit anong beauty pageant pero lagi nya itong tinatakasan..

"Shet !.. Ang purol nitong nailcutter.." sigaw ni Hannah sabay tapon sa bintana ng hawak..

"Oy.. Akin yon eh.." sabat ng kaklase nyang babae..

"Dadalhan kita ng bago bukas.. Kahit ata papel di nun mapuputol eh.. ".. sagot ng dalaga at nag ayos na..

Sinilid nya na ang mga gamit at bumira ng layas..

"Toot toot.." sigaw ng dalaga habang bumababa ng hagdan..

Nakaramdam na naman sya ng kalam ng sikmura kaya nagpasya syang dumiretso sa canteen.. Kakain lang sya ng burger...

Pagdating sa canteen ay napahinto ang dalaga.. Agad nyang napansin ang magkakaibigan.. Pero kulang ng isa..

"Wala si My hero ah.." sabi ng dalaga sa sarili..

Saglit lang napaisip..

"Siguro anytime dadating yon.. Mukha namang mababait.. " sabi ng dalaga sabay lapit sa magkakaibigan..

Natulala ang mga ito ng lumapit ang dalaga..

"Hi.. Pwdeng maki join?.." tanong ng dalaga..

Napanganga si Rhoi pero siniko lang sya ng katabing babae..

"Sure.." sagot ng isang kumakain ng manok..

Ilang saglit lang syang nakatulala sa magkakaibigan.. Pawang magagandang lalake.. Pero di ito ang pakay nya..

"Hi! Hi !.." bati ng boses sa likod..

"Hi !Hi !." sagot ng chubby na lalake..

Napalingon si Hannah sa pinanggalingan ng boses at nanigas sya bigla..

"Shet eto na sya.. Mas pogi sa malapitan.." bulong ng dalaga..

"Mukhang may bagong recruit ah.." sabi ni Aldrin sabay abot ng kamay..

Saglit na natigilan ang dalaga.. Parang may kung anong kumikiliti sa kanya habang pinagmamasdan ang kamay ng binata ..

"Kinakamayan ka oh.." sabi ng binatang kumakain ng manok..

NApilitan ang dalaga na abutin ang kamay ng binata..Halos mapapikit pa sya ng magdampi ang mga palad nila..

"Hannah." pakilala ng dalaga..

"Aldrin.." sagot naman ng binata.

PArang nablangko ang utak ni Hannah.. Di nya maaring kalimutan ang pangalan na iyon.. Tanging sa panaginip na lamang nya naririnig ang nasabing pangalan.. Ni mabanggit ito ay ayaw na ayaw nya dahil masyadong sagrado para sa kanya..

Di kaya ito na ang matagal nya ng hinahanap?.. Unti unting parang may bubuong basag na nakaraan ang dalaga.. Parang salamin na pinagdikit dikit ang pakiramdam nya..

Nais nyang lumuha pero batid nyang magmumukha lang syang tanga.. Isa pa ay wala syang ebidensya na ito nga ang matagal nya ng hinahanap..

Narinig nyang tumikhim ang binatang chubby kaya taranta silang nagbawi ng mga kamay..

Umalis si Aldrin at tulala pa rin si Hannah..

Maya maya ay tumabi na ito sa kanya dala ang madaming pagkain..

"Eto o.." alok ng binata..

"Thanks.."

"Tangna.. Pangit ng lasa nito oh.." sabi ni DArius ..

"Gago !.. Sayo ba yan?.. Tabatsoy !." sigaw ni Aldrin at nag asaran na sila..

Tahimik lang na kumakain si Hannah.. Ramdam nya ang pagkabalisa ..

"Sana sya na.. Pleasee.." impit na ungol ni Hannah sa sarili..

Sa tuwa ni Hannah ay dire diretso nyang binanatan ang bigay na burger ni Aldrin.. Di nya napansin na punong puno na ang bibig nya .. Dali dali nya itong nginuya at nilunok.. Uminom sya ng dala ng binata na coke pero bigla syang dumighay..

Saglit na natulala ang magkakaibigan.. Nais mapahiya ng dalaga pero nagbiro na lang..

"Grabe.. Busog much.. Thanks Pot- ,.. Aldrin pala.." muntik ng madulas si Hannah..

Mali ang ginawa nya.. Baka magkamali lang sya.. Pero di nya ito sinadya..

"Anung tinawag mo saken?.." tanong ni Aldrin..

"Aldrin".. sagot ng dalaga..

"No. Starts with letter P.." sagot ng binata..

Kinabahan bigla si Hannah..

"No Aldrin... Baka madumi lang ang tenga mo.." sabi na lang nya sabay tawa..

Nakahinga ng maluwag ang dalaga ng sumabay sa tawa nya ang mga kaibigan ng binata..Nakalusot sya..

"So paano .. Tara na .. See yah ulit sa lunch.." yaya nung isang binata at hinatak nito yung babae..

"Baka magsyota..Sana.. Para solo ko na si Potpot.." wika ni Hannah sa sarili sabay ngisi..

"Oy.. KAyong dalawa.. Simula pa lang ng klase.. Wag muna kayong mag dadate.." sabi nung gwapong kumakain ng manok..

Pakiramdam ng dalaga ay umakyat sa ulo nya ang mga dugo nya at pulang pula na ang mukha nya..

"Praning.." sagot ni Aldrin..

Natawa bigla sila ng magkaholding hands na lumbas yung dalawang kaibigan nya..

"So..Tara na?.." aya ng binata kay Hannah at tumayo na..

"Tara na Pot-,.. Aldrin.." nadulas na naman sya..

"Ano.?.. Meron talaga eh.." sabi ng binata..

Ngumiti ng maangas ang dalaga ..Muntik na naman sya..

"TAra na men.." sagot ng dalaga..

Napailing na lang ang binata.

Nagulat ang dalaga dahil kaklase pala nya sa next subject ang binata.. Pero mas natuwa sya ng di sila nagkahiwalay ng klase.. Nakapagtataka pero tuwang tuwa sya..

Dismissal..

"So.. Tara .. Sabay na tayo.." aya ng binata kay Hannah..

Nangiti ng lihim ang dalaga.. Kinilig sya bigla..

"Baket?.. Hahatid mo ko?.." sita ng dalaga.. Napangiti sya ng makita ang pamumula ng pisngi ni Aldrin..

"Wag mo naman ako pangunahan.." sabi ng binata sabay kamot sa ulo..

NAinis naman ang dalaga..

"Torpe.." bulong nya sa sarili..

"Tara" sabay tayo ng dalaga at lumabas ng kwarto..

Nakita nyang nag tetext ng kung sino ang binata.. NAinis naman ang dalaga..

"Tara dun tayo.." aya ng binata sa kanya..

TAhimik lang syang sumunod.. Gusto nyang pintahan ang katext nito.. Pero nanlaki ang mga mata nya ng makita ang tila kubong tinatayo sa gitna ng oval..

"Sinimulan na pala ito.." bungad ni Aldrin sa mga kaibigan nito..

Nag usap usap ang mga mag kakaibigan.. Nanlalaki ang mga mata ng dalaga..

"Grabe.. Ang ganda.." puna nya kahit di pa tapos ang ginagawang kubo..

"2-3 Days pa daw bago matapos.." sabi nung isang may katabing babae..

Lalong namangha at naglaway si Hannah.. Ambilis naman ata matapos?..

"Grabe..Pinayagan kayong magpatayo ng ganito sa school?.." hangang hanga si Hannah..

"Yea.. Some sort of connections.." sabi nung chubby na abala sa hawak na burger..

"Cool.. " maiksing sabi nya pero talagang bilib na bilib sya..

"Tara na.. Bukas na lang nating tingnan.. Bukas pa siguro matatapos yan. Ano po manong..?.." tanong ni Aldrin sa tumatayong foreman..

"Ah opo boss.." sagot ng matanda..

"Aldrin na lang po.." sagot ng binata..

Muling nakaramdam ng kakaiba si Hannah.. Mabait din si Potpot.. Sya na nga ata..Lalong kinilig ang dalaga..

Bumaling sa kanya ang binata at ngumiti..

"Ikaw ?.. Wala ka bang gustong ipadagdag?." tanong ng binata sa kanya..

Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan..

"The rules pare.." sabi nung isa ..

Nagkasagutan ang mag kakaibigan.. Kinabahan na si Hannah dahil baka humantong sa pag aaway ang sagutan nila..

Kinalabit nya si Aldrin..

"No it's okay Aldrin" kabadong sabi ni Hannah..

"No.." mariing sabi nito..

Tumahimik na lang ang dalaga.. Eksaktong dumating na yung isa pang kaibigan nila.. Napangiti sya ng makita ang kaibigan na si Cynthia na kasama ng isang alas..Nakasimangot ang kaibigan nya..

"Oy Hannah.. Kilala mo daw to?.. Eto yung sumampal sa akin eh.." sabi ni Romeo..

Napabungisngis si Hannah ng maalala ang nangyari sa kaibigan nya..

Sinugod sya ni Cynthia at agad na niyakap sa braso..

"Sis.. Bakit ka tumatambay kasama ang mga ito?.." tanong ni Cynthia..

Ngumiti lang si Hannah.. Ang mga mata nya ay na kay Aldrin..

"Ang aangas nila Sis.." puna ni Hannah..

"Alam ko.. Lalo na yon.. Akala mo kung sinong gwapo.. Ni ayaw akong tingnan?.. Panget ba ako?.." nakasimangot na sabi ng dalaga at natawa lang ang kaibigan nya..

"Hayaan mo na lang.." sabi ng dalaga ..

Muli nyang narinig na nagtatalo na ang magkakaibigan..

"Nag aaway sila o.." bulong ni Cynthia...

"Ssh.. Makinig lang tayo.." sagot ni Hannah..

Tumitig si Hannah kay Romeo .. Tila nag iisip ito..Maya maya ngumiti ito ng parang demonyo..

"I think it's about time.." sabi ni Romeo..

Nagkatinginan ang apat na alas..

"We must have the fourth rule.." suhestyon ni Romeo at napaisip ang tatlo pa..

"Okay.. Representative ko si Krissia.." sabi ni Rhoi at yumakap sa kanya yung babae..

Ngumiti si Aldrin at tumitig kay Hannah.. PArang sinilihan bigla ang pang upo ni Hannah sa ngiti na yon ng binata..

"Alam kong alam nyo na kung sino ang representative ko.. Si Hannah.." walang gatol na sabi ng binata..

Nanlaki ang mga mata ni Hannah at nagkanda iling..

"No.." sagot ng dalaga..

"Ayaw mo?.." tanong ng binata..

NApaisip si Hannah.. Eto na ang paraan nya para mapalapit sa binata .. Kailangan nyang malaman ang katotohanan..

"Gusto pero masyadong mabigat..Bakit ka nagtitiwala agad?." tanong ng dalaga pero ngumiti lang ang binata sa kanya..

"Sabihin mo ng tanga ako.." sagot ng binata..

Natawa ng lihim ang dalaga..Kinurot sya ng kaibigan nya..

"So pare..Is this final?.." tanong ni Romeo..

"Im in." sagot ni Darius..

"Is it okay with you Hannah?.." tanong ni Romeo at tumango ang dalaga.. Tumitig sya kay Aldrin..

"Sige go.." sagot nya at nagtawanan ang magkakaibigan..

"You are now member of our family.." bati ni Rhoi...

Lumapit sa kanya ang babaeng kasama nito..

"Welcome sis.." sabi nung babae at niyakap sya..

Parang gustong tumulo ng luha ni Hannah sa pagtanggap ng mga ito sa kanya..

"So plus one na tayo?.." tanong ni Darius at tumango ang lahat..

Naramdaman nyang siniko sya ni Cynthia..

"Anu ba yang pinasok mo?.." tanong ng kaibigan nya..

"Trust me.. Mababait sila." sabi ng dalaga..

"Yang Romeo mabait?.. Eh ang yayabang ng itsura nila oh.. Pati siguro yung babae mayabang din.." sabi ng kaibigan nya at sa unang pagkakataon ay nakaramdam ng inis si Hannah sa matagal nya ng kaibigan na si Cynthia..

Maarte talaga ang kaibigan nya na ito.. Pero wala syang magawa dahil kliyente ng magulang nya ang magulang ng kaibigan..

Biglang nag walk out ang kaibigan nya..Napailing na lang si Hannah..

"So yung design na gustong ipadagdag ni Hannah eh bukas na..Kasi lay out pa lang naman eh.." sabi ni Rhoi at ngumiti sa dalaga..

"Thank you so much guys.. Uwi na ako ha?.." paalam ng dalaga dahil parang sasabog na sya sa tuwa..

PAkiramdam nya malapit na malapit na lang si POtpot..

Nagkatinginan si Aldrin at Hannah..

"So tanga ka talaga.." pang aasar ni Hannah sa binata..

"Yea.. Maybe.. Tara na..Hatid kita hanggang saan mo gusto.." alok ng binata..

Nais ng magtatalon ni Hannah pero di nya magawa..

"Bye guys , thanks talaga.." paalam ni Aldrin sabay lakad ..

Nagbubungguan ang mga kamay nila.. Masayang masaya si Hannah.. Gustong gusto nya ng makauwi para maikwento na sa yaya nya at maging sa kanyang ina..

"Dito na lang muna..Salamat.. Di ka mag sisisi.." sabi ng dalaga..

"Sure kang sasakay ka ng jeep?.." tanong ng binata..

"Baket?.Wag mong sabihing maarte ka?.." puna ng dalaga at napangiti na lang ang binata...

"Di naman.. Akala ko nga ikaw ang maarte.. Pero ayos ka pala talaga..Ingat ha?.." sabi ng binata..

"Di noh.. Salamat talaga.. Pero tanong ko lang.. Saan ang province nyo?.." tanong ng dalaga at ngumiti ang binata..

Sinabi nito ang probinsya ng mga magulang at napangiti ng maluwang si Hannah..

Tama ang hinala nya.. Konting ebidensya pa..

Biglang kinurot ni Aldrin sa pisngi si Hannah..

"Sakay na oy.." sabi ng binata..

Tulalang sumakay ng jeep ang dalaga. .. Halos malimutan nya ng magbayad..

Parang zombie pa rin syang bumaba at naglakad sa subdivision nila..

Pagdating sa pintuan ay bigla syang sumigaw..

"Potpot !!!.." malakas na sigaw ni Hannah sabay tawa na parang demonyo..

Umakyat sya sa kwarto at tumalon sa kama..Pagulong gulong ang dalaga na yakap yakap ang unan..

Biglang nag ring ang cellphone nya at agad nya itong sinagot..

"Nay !!!.." sigaw ng dalaga sa ina..

"Oh anak?.. Baket?.." tarantang sagot ni Elena sa anak..

"Nakita ko na sya Nay !!..BWAHAHAHAHA.." sagot ng dalaga at natawa ang nanay nya..

"Sino?.. Teka saglit lang anak.. Choppy na... Hello.. Mamaya na nga lang.. Mag kwento ka ha!..I love you anak.. " sabi ng nanay nya .. Paputol putol na nga ang linya nito...

"Love you too Nay.." sabi ng dalaga..

Nakangiti nyang binaba ang cellphone sa lamesa at nagpagulong gulong na naman..

Naalala nya ang kwintas na hinahanap nya at dali daling tumayo at tumakbo sa close nya.. Kinapa nya ang ginamit na pantalon kahapon at napahinga ng maluwag ng makapa ang pamilyar na bagay..

Tumalon muli sya sa kama at pinanggigilan ang pinakamalaki nyang unan..

"Sa wakas Potpot.. Di ka na makakatakas.." bulong ng dalaga at muling tumili..

ITUTULOY !!!

Posted in: Romance