1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 4 - Bad Cheetah
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 4 - Bad Cheetah

13 minutes

Chapter 4 - Bad Cheetah

Lunes ng umaga..

Himbing na natutulog ang isang babae sa kanyang malaking kama..Makikitang punong puno ng mamahaling manika at stuff toys ang buong kwarto..

Biglang nag ingay ang alarm clock sa tabi ng kama nya..Agad nya itong pinalo ng malakas dahilan para masaktan din sya..

"Shet.. Bad day again.." bulong ng dalaga..

Nag inat sya ng mga braso at humikab muli..Madilim ang paligid ng kwarto nya pagkat nakasara ang mga bintana..

Agad syang tumayo at isa isang binaba ang blinds ng bintana nya... Napapikit ang dalaga ng pumasok ang nakasisilaw na liwanag sa kwarto nya..

"Morning .. " bulong ng dalaga at nag stretch..

Naglakad sya paharap ng salamin at nag pose ng parang model ng toothpaste..

"Shet ganda ko.." sabi nya sabay tawa ng parang demonyo..

Agad syang pumasok sa banyo at nagsimula ng kanyang ritwal bago maligo..

After 1 hour ay tapos ng maligo ang dalaga.. Nakahubad syang lumabas ng banyo at tumutulo pa ang tubig sa katawan .. Binuksan nya ang isang pinto at sinindi ang ilaw .. Tumambad sa kanya ang malaking walk-in closet..

Hile hilerang damit na ang iba ay nakabalot pa. Mamahaling sapatos at bags..Nakahilera din ang mga box na lalagyan nya ng mga kikay stuff pero di nya ito pinansin ..Lahat padala ng Nanay nya galing ibang bansa..

Ng maalala ang Ina ay agad syang nakaramdam ng lungkot na napalitan ng simangot..

Kinalkal nya ang mga damit at naghanap ng pinakaluma..

Nakakita sya ng Jeans na butas sa tuhod at napangiti sya.. Kumuha sya ng T-shirt na itim na nakabalot pa na may tatak ng sikat na brand.. Inalis nya ang plastic at pinagmasdan ang damit..Napasimangot ang dalaga sa nakita nya..

"Masyado kang maganda.. Eto ang dapat sayo.." nakangising sabi ng dalaga sabay labas ng closet at kinuha ang gunting sa drawer nya..

Ginupit gupit nya ang laylayan ng damit pati na ang manggas nito..Ng makontento sa kinalabasan ay agad na syang nag bihis ..

Pinagmasdan nya ang sariling repleksyon sa salamin.. Walang makapagsasabi na saksakan sila ng yaman sa itsura nya.. Daig nya pa ang rockers na laos.. PEro masaya sya.. NAgsuklay lang ang dalaga ay lumabas na ng kwarto..Di sya naglalagay ng make up.. Di na nag abalang ayusin ang mga kinalat..

Dumiretso ang dalaga sa kusina at naghalungkat sa mga kaldero..

"Yaya.. Anung meron.? " tanong nya at isa isang pinagbubuksan ang mga nakatakip..

"Aysus na batang ito.. Ayun ang almusal mo oh !.." sabi ng yaya nya sabay turo sa pagkain sa magarang lamesa...

NApasimangot ang dalaga ng makita nya ang nakahain.. Ayaw nyang tanggihan ang pagkain kaya agad nya itong kinain lahat..

"Ni hindi man lang sumayad sa sikmura ko eh.. Sino ba naman gaganahan sa buong maghapon kung itlog at papaya lang ang almusal?.." nakasimangot na sabi ng dalaga sa yaya nya..

"Eh sabi nung Mommy mo eh.. Para daw healthy ka.." sagot ng yaya nya ..

"Healthy?.. Eh kahit musmos di matutuwa dyan eh..Sige sa labas na lang ako kakain..Thanks Yaya.. Tumawag ba si Nanay?..." tanong ng dalaga at napailing ang yaya nya..

"Di naman.. Ang alam ko sa miyerkules pa daw sya tatawag.. Hala mag ingat ka iha..Anu ba yang suot mo?.. Daig mo pa ang lalake dyan ah?.." natatawa ang yaya nya sa pagtingin sa kanya..

"Ito ang uso Yaya... Alis na po ako.. Buhbye.. !" paalam ng dalaga..

Palabas na sya ng pinto ng tawagin sya ng yaya nya..

"Hannah !.. Siguraduhin mo daw na mag eenroll ka sabi ng mommy mo kundi ako ang malalagot sa kanila ng Lola mo !.." pahabol nito pero napailing lang ang dalaga..

"Whatever.." sabi ni Hannah..

Paglabas ng bahay ay agad na tumayo ang driver nila na kanina pa naghihintay sa magarang sasakyan..

"Nope Kuya.. Mag jejeep po ako.." sabi ni Hannah at napakamot ng ulo ang driver..

"Eh anung trabaho ko na dito?.. Nakatunganga lang ako ah.." sabi nung driver at pareho silang natawa..

"Mamasyal po kayo.. Don't worry ako bahala ..Sige po.." sabi ni Hannah at nag flying kiss pa sa driver nila..

Paglabas ni Hannah ng malaking gate nila ay agad nyang binago ang itsura ng mukha nya..Ang kaninang sweet na dalaga ay naging maangas..Mabilis syang lumakad palabas ng subdivision.. Kinawayan pa sya ng guard pero di nya ito pinansin..

Nag abang ng jeep si Hannah at agad sumakay.. Maluwag sa jeep pagsakay nya pero may sumakay na dalawang binata.. Tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana ang dalaga pero napapansin nyang kanina pa nakatingin ang dalawang lalake.. Naasar ang dalaga kaya tumingin sya sa dalawa ng masama.. Natahimik yung dalawa at sa bintana na lang din ng jeep nagbaling ng tingin..

Pagdating sa university kung saan nya balak mag enroll ay agad bumaba si Hannah... Dahil na rin sa kaibigan nyang si Cynthia kaya dito nya piniling pumasok..

Malaki naman ang eskwelahan.. Maganda at kumpleto ang facilities pero wala syang pakealam.. Ang mahalaga ay makapagtapos sya at bubukod na sya ng buhay sa Ina..

Sa bungad pa lang ay marami ng napapatingin sa dalaga.. Diretso lang syang naglalakad hawak ang kanyang requirements.. Sa di kalayuan ay nakita nya ang kaibigan na may kausap na lalake.. Nakita na sya nito pero nilampasan lang nya ang kaibigan at dumiretso sa nakitang bulletin board.. Sinipat nya ang mapa ng eskwelahan at ng makita ang hinahanap ay agad syang naglakad palayo..

Walang pakelam si Hannah kung marami syang nababangga.. Yung iba ay napapamura na sa kanya pero tuloy tuloy lang syang nag lalakad.. Sa wakas nakita nya ang Accounting building.. Napangiti sya at pumasok para hanapin ang registrar.. Ang ngiti nya at napalitan agad ng simangot ng makita ang haba ng pila..

Napaisip si Hannah at maya maya ay napangisi ng makita ang patpating lalake na nasa likod ng counter.. Dire diretso syang lumapit dito at sumingit.. Umangal ang mga tao sa likod pero nag dirty finger lang sya.. Nakarinig sya ng mahinang tawa kaya agad nya itong nilingon.. Pag tingin nya ay may gwapong lalaking nakapila din... Nakangiti ito sa kanya.. Agad nagbaling ng tingin si Hannah .. Pakiramdam nya ay tumalon ang puso nya sa ngiti nito.. Gusto nyang mapangiti pero pinipigilan lang nya ang sarili nya..

"Sis bilisan mo at baka iwanan tayo !.." sigaw ng babae at paglingon nya ay si Cynthia yon.. Nag dirty finger lang sya sa kaibigan..

Lumipas ang ilang minuto at nakaramdam na sya ng gutom.. May tao pa sa harap nya at di pa tapos sa kung anu man ang ginagawa nito.. Sa asar nya ay kinatok nya ang salamin at napatingin sa kanya ang matandang babae sa likod ng counter..

"Anu ba?.. Nakatulog na ata kayo dyan ah?.." asar na tanong ni Hannah..

Nakarinig sya ng bungisngis sa likod pero di nya ito pinansin..

"Miss maghintay ka.." sabi lang nito at napangisi si Hannah..

Sa wakas natapos na ang lalaki sa harap nya at dali dali nyang inabot lahat ng requirements nya..

"Hey.. Di dito nag papaenroll .. Grades lang kelangan ko iha.. Dun ka magbayad sa accounting .. Fourth window.. " sabi nung babae pero nainis si Hannah.

"Eh pare pareho lang naman ng itsura eh.. Sige na po at gutom na ako.." sabi ni Hannah at nakarinig sya ng mahinang tawa sa likod..

Nilingon nya ito at nakita nyang yung lalaki na naman na nakangisi sa kanya..Inis na tumalikod lang sya at hinintay na matapos ang processing ng mga papeles nya.. Maya maya nakaramdam sya ng parang may bumubunggo sa pwetan nya kaya sa asar nya ay lumingon sya at sinampal ang lalaking nasa likod nya..

"Fuck !. Bastos ka ah !.." sigaw ni Hannah..

Nagmura yung lalake at nakita nyang sasampalin din sya nito pero hinawakan ng lalaking nasa likod nito ang kamay nung lalakeng sasampal sana sa kanya..

"Pare babae yan.. Ako na lang .. Pero di ako nangangako na di ako gaganti.." sabi nung lalake sabay beautiful eyes pa..

Sa asar siguro nung lalake ay nagmura ito at nag walk out.. Umabante agad yung lalake at nagpa cute sa kanya..

"OH.. Baka isipin mo na mag tha-thank you ako?.." mataray nyang tanong..

"Tama... Yun naman talaga ang dapat na sabihin mo.." sabi nung lalaki sabay ngisi..

Nainis si Hannah kaya binigyan nya din ito ng dirty finger..Tumawa lang yung lalake..

Tumalikod na si Hannah at pilit na nagbabayad..

"Di dito ang bayaran miss.. Dun nga sa kabila.." sabi nung matanda sa kanya..

"Sige na.. Nagmamadali po kasi ako eh.." sabi ni Hannah pero di pumayag yung babae..

Naasar lang si Hannah at hinintay na matapos ang ginagawa.. Di na nya nilingon yung gwapong lalake sa likod nya pagkat nag iinit ang mga pisngi nya..

Agad nyang tinapos ang pag eenroll nya .. Ni di nya na nakita ang schedule nya at sinaksak na lang ito sa backpack nya..

Paglabas ng building ay nakita nya si Cynthia na galit na galit..

"Oh bakit?.." tanong ni Hannah..

"Antipatiko yung lalake na yon !..Sayang.. Saksakan pa naman ng gwapo pero saksakan din ng yabang !.." sabi ni Cynthia at natawa si Hannah..

"Baket ba?.." tanong ng dalaga..

"Aba't mantakin mo ba namang nakikipagkilala lang ako eh.. Pero biglang sinabihan ako na bakat daw yung nipples ko?.. Di naman eh.." sabi ni Cynthia at sumabog sa tawa si Hannah..

"Astig yun ah.." sabi lang ng dalaga at naasar si Cynthia..

"Tara kain tayo.. " yaya ni Hannah pero tumanggi si Cynthia..

"Kakakain ko lang sis.. Diet ako.." sabi nya pero napailing si Hannah..

"Diet diet diet.. Bahala ka sa buhay mo.. Your depriving yourself .. Hala .. See yah.. Dyan ako kakain.." sabi ni Hannah at nanlaki ang mga mata ni Cynthia..

"Dyan?.. As in dyan sa karinderya?.." tanong ng dalaga at napangisi si Hannah..

"Yea.. Mas masarap dyan eh.. Try mo minsan.. Sige gf.." sabi ni Hannah at tumawid na ng kalsada.. Nagkanda buhol buhol ang trapiko dahil sa mabagal na paglalakad nya..

Pulos busina ang narinig pero tinawanan lang sila ng dalaga..

"Hoy !.. Sayang ang ganda mo kung magpapakamatay ka lang !.." sigaw nung isang driver pero nakatikim din sya ng pamatay na dirty finger ni Hannah..

Pagkatapos kumain ay agad bumalik si Hannah sa loob ng university para hanapin ang kaibigan nya..Di nya ito mahagilap kaya nagpasya na syang umuwi.. Pero nakita nya yung lalaking nagtanggol sa kanya kanina na naglalakad.. Sinundan nya ito ng tingin .. Gwapo talaga.. May kasama din itong gwapong lalaki na namukhaan nyang ito yung kausap ni Cynthia kanina..Napabungisngis sya ng maalala yung sinabi ng lalake sa kaibigan nya..

Sinundan nya ng tingin yung dalawa .. Nakita nyang naglalakad ito pero biglang bumwelta pabalik at pinuntahan yung grupo ng mga lalaking nakaupo sa bench..Nag usap ang mga ito pero biglang umalis yung grupo ng lalake..

Napangisi si Hannah..

"Aztig talaga yung mga yun ah.." sabi nya sa sarili..

Di nya napansin na nakaupo na sya sa hood ng isang sasakyan.. Di naman sya nabahala na maabutan ng may ari.. Umayos pa sya ng upo at pinagmasdan ang mga taong naglalakad lakad sa school grounds.. Pinagtitinginan si Hannah ng mga ibang estudyante pero wala syang pakealam..

Maya may nag ring ang cellphone nya.. Agad nya itong hinugot pagkat 4 na tao lang ang nakakaalam ng bagong sim nya..

Nakita nya sa screen ang pangalan ng Nanay nya at excited syang sinagot ito..

"Hello Nanay.." .. malambing na sabi ni Hannah..

Natawa naman ang nanay nya sa kabilang linya..

"Ayaw mo talaga akong tawaging Mommy ha.. Pero ok lang..Kamusta ang enrollment anak?.." tanong ng nanay nya..

"Tapos na po.. Nay.. Kailan ka uuwi?.." tanong ni Hannah at biglang nagbago ang mood nya..

Bumalik sya sa pagiging sweet..

"Anak.. PAngako.. After this project.. I will stay there for good.. Sorry sa mga pagkukulang ko ha ?.. Pag pasensyahan mo na si Nanay at talagang busy ako dito.." sabi ng nanay nya at gumaralgal ang boses nito..

"Opo opo .. I love you Nay.. Kaw lang po ang natitirang kakampi ko tapos wala pa kayo.. Sila Lola naman ang layo .. Miss na miss na po kita.." sabi ni Hannah at natawa ang nanay nya..

"Ows..? eh si P-.. " sabi ng nanay nya pero pinutol ito ni Hannah.

"Oops... Stay right there.. Don't say his name.. Nanggigigil ako Nay.." taray ni Hannah at tumawa ang nanay nya..

"Hay nako anak.. Sabi ko sayo bumalik ka sa dati nating tirahan and find out kung anu ba talaga ang nangyari.." sabi ng nanay nya pero umiling si Hannah.

"Nay !.. Naka ilang sulat na ako !.." sabi ni Hannah at napasimangot na sya..

"Hay nako.. Pag uwi ko hahanapin natin sila.. Pangako.. Oh siya at may andito na yung client.. I love you so much anak.. Muaahh !.." sabi ng Nanay nya..

"Love you po.. Ingats Ingats.. Muah muah tsup tsup.." sabi ni Hannah at nagtawanan silang mag ina..

Binaba ni Hannah ang phone nya at napansin nyang maraming tao ang nakatingin sa kanya...

"Baket?.. " maangas nyang tanong ..

"Eh miss kotse ko yan... Baka pwede na namin gamitin?.." sabi nung lalake at natawa si Hannah..

"Ahaha.. Mamaya na.. Paupo muna.. " sabi ni Hannah at nainis yung babaeng kasama nito..

"Hoy.. Ang kapal mo ah.. Halos mayupi na nga yung hood ng car oh.. " sabi nung babae pero ngumisi lang si Hannah..

"Wapakels.." sabi nya at naasar yung dalawa kaya nag walk-out na rin..

Maya maya dumating na si Cynthia at may mga kasama itong mga lalake..

"Grabe sis.. Kapal mo rin eh no.. Yung may ari na nga nakiusap sayo di ka parin natinag.. " sabi ni Cynthia pero tumawa lang si Hannah..

"Sino tong mga kapreng to..? " tanong nya at natawa yung dalawang lalake..

"Tangek.. Varsity sila dito.. Nakilala ko sa canteen..Kainis nga eh.. Andun din yung mayabang na lalaking yun.." asar na sabi ni Cythia at sumingit yung isang lalake..

"Sino??.. Turo mo at babalasahin namin.. " maangas na sabi nito pero natawa lang si Hannah..

"Echos.. Teka uwi na ako.. May gagawin pa pala ako sa bahay.." sabi ni Hannah at napatingin sa kanya yung tatlo..

"Hay nako.. Just for an hour na lang sis..Sabay na tayo.." sabi ni Cynthia at tumango si Hannah.

Naglabas ng yosi yung isang lalake at napatingin si Hannah dito..

"Akala ko varsity ka?.. Bakit ka nag yoyosi?.. " tanong ni Hannah at ngumisi lang yung lalake..

Nagpalitan sila ng hits ng yosi at naiintriga na si Hannah..

"Teka.. Pa hits nga din.." sabi nya at inabot sa kanya yung kapirason yosi..

Bago nya ito hithitin ay napansin nya yung lalaking nag tanggol sa kanya na nakatitig sa di kalayuan.. May apat pa itong kasama... Tatlong lalake at isang babae..Puro gwapo at maganda naman yung babae..Pero nakatutok lang ang mga mata nya sa lalaking nagtanggol sa kanya..Nakita nyang may sinabi ito sa mga kasama nito at napatingin lahat sa kanya.

Di nya magawang hithitin ang yosi.. Parang nahiya sya bigla.. Kumaway ito pero binigyan nya ito ng dirt finger .. Nagtawanan ang mga kasama nito pero di naalis ang ngiti sa mukha nung lalake.. Naramdaman nyang namula na naman ang mga pisngi nya ..

Lalo syang naaliw ng batukan nung babae yung mga kasama nitong lalake at tumawa.. Natawa sya bigla.. Napatingin si Cynthia sa kanya at nagtataka..

"Hala.. Baliw ka sis?.." tanong ni Cynthia pero di nya ito pinansin.. Hawak nya lang ang yosi at mukang nakita ito nung lalake..

Nanlumo ang pakiramdam nya ng makita nyang tumalikod na yung magkakaibigan at nagsimula ng maglakad palayo.. Lumingon muli yung lalake pero naglakad na ng tuluyan..Parang nawalan ng gana bigla si Hannah at pinitik yung yosi kahit di pa nahihithit..

"Oy sayang.." sabi nung lalake sa gilid nya ..

Tumayo si Hannah at nag inat..

"Oy san ka punta.?.. Mall muna tayo.. " aya ni Cynthia pero umiling lang si Hannah..

"Yoko.. Uwi na ko.." sabi lang ni Hannah at pumara ng jeep pero puno ito..

Ngumisi si Hannah at sumabit sabay palo sa bubong..

"Takbo na manong ! WOOOOOOOOOOOOO.." sigaw nya..

ITUTULOY !!!

Posted in: Romance