1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 15 - Saan Galing ang Popcorn?
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 15 - Saan Galing ang Popcorn?

13 minutes

Chapter 15 - Saan Galing ang Popcorn?.

Biyernes..

Abala sa pagguhit si Hannah..

Di nya na halos mapakinggan ang nilelecture ng professor nila..

Nagulat pa sya ng kalabitin sya ng nasa likod nya..

"Problema mo?.." nakataas ang isang kilay na tanong ni Hannah..

Nginuso ng babae ang harap nya..

Napalingon ang dalaga at pagtingin nya ay nakatingin pala ng masama sa kanya ang babaeng guro.

Ngumiti ng matamis si Hannah.

"What are you doing Miss. Montefalco?." tanong ng guro.

"Nothing Ma'am.. I am just taking down notes.." palusot ni Hannah..

Nagtawanan ang mga kaklase nya..

"Your taking down notes while I told you to copy whats on the board.." mataray na sabi ng guro..

Napahiya ang dalaga pero taas noo pa rin syang tumitig sa guro..

"Sorry Ma'am.." sabi nya. Pero labas sa ilong.

Napaismid ang guro.

"Okay class. Since some of you think that they can mushy mushy here in my class...Let's have a quiz.." biglang banat ng prof..

Napaungol ang mga estudyante..

Nagsisi si Hannah dahil kasalanan nya kung bakit bigla biglang nagbigay ng pagsusulit ang guro..

"Get one fourth sheet of paper.." sabi ng prof..

Nanlulumo pa ring sumunod ang karamihan..

Nakasimangot na kinakal ng dalaga ang kanyang bag..

"Nasan na ba yon.." bulong ng dalaga..

Kailangan nyang makita ang kwintas na bigay ni Potpot.. Eto ang lucky charm nya..

"Huli ka.." bigkas ng dalaga..

Hinimas nya sa loob ng bag ang kwintas ni Potpot sabay ngisi ..

Muli syang naghalungkat ..

"Shet naman.. Wala na akong papel.." nanlulumong sabi ng dalaga..

Lumingon sya..

"Psst.." sinitsitan ang lalaking katabi..

Ngumiti ito pero di sya pinansin..

Pinitik ni Hannah ang tenga ng katabi nya..

Napasimangot ito..

"Baket?.." taray ng lalake..

"Bakla ka?.." impit na tanong nya..

"Obvious?.." umikot pa ang mga eyeballs nito..

Napahagikgik ang dalaga..

"Yes Miss?.." taray ng guro.

Ngumiti si Hannah.. Pero bigla din sumimangot ng di na nakatingin ang guro..

"Tse... Anyway.. Penge papel.." utos ni Hannah..

Agad na pumilas ang bakla..

Padabog nitong inabot sa dalaga ang papel..

Natawa si Hannah at hinawakan ang kamay ng katabi nya..

Tila nahindik ito sa ginawa ng dalaga..

Diring diri nitong binawi ang kamay ..

Pinigilan ni Hannah ang matawa..

"I owe you one..." bulong ni Hannah..

Inirapan lang sya ng bakla.

Isa isang binigay ng guro ang tanong ...

Makalipas ang kalahating oras..

Naunang nagpasa ng papel si Hannah.

Nakangiti nyang inabot sa guro ang papel..

Napataas ang isang kilay ng guro at binistahan ang mga sagot ng dalaga..

Maya maya ay napangiti ito.

"Good.. Pero di nangangahulugan na pwede mo ng maliitin ang klas ko Miss.Montefalco.." sabi ng guro..

Ngumiti si Hannah..

"I know Ma'am.. And I'm sorry.. Kaya ko po naperfect yan ay dahil sa magaling talagang magturo.. Naabsorb ko lahat.." pang uuto ni Hannah..

Tila lumaki ang butas ng ilong ng professor..

"I know that.. You can now leave.. But wait.. Nakopya mo na ba ang assignment for Monday?.." tanong ng guro.

Tumango si Hannah kahit hindi naman..

Lalong lumawak ang ngiti ng guro..

"Well then.. You can now go.. " sabi ng prof..

Ngumiti si Hannah at sinulyapan ang katabing bakla..

Nakahawak ito sa ulo at mukhang hirap na hirap...

Umupo ulit si Hannah..

"Psst.." bulong nya..

Asar na lumingon ang bakla..

"What now?.." sabi nito..

Pasimpleng inabot ni Hannah ang scratch paper nya..

Nanlaki ang mga mata ng bakla at pasimple din tinanggap ang kodigo..

Mabilis nitong naisalin ang mga sagot...

Nakangiti na itong pinasa ang papel..

Binistahan din ng guro ang sagot ng bakla..

"You got 2 wrong answers Mister Caorte..But this is good already.. Have you copied the assignments?." tanong ng guro..

Ngumiti ang bakla at tumango..

"You can also go.." sabi ng prof..

Ngumiti ang bakla..

Tumayo si Hannah at hinatak sya..

"Tara lets.." aya ni Hannah.

Sumama ang bakla..

Pagdating sa hagdan ay abot abot langit ang pasasalamat nito kay Hannah..

"Grabe.. That subject.. It's so hard for me.. Thank you thank you.." sabi ng bakla..

Ngumiti lang si Hannah..

"I told you.. I owe you one so binayaran ko agad...Ok ba?.." tanong ni Hannah..

NAgthumbs up ang bakla.

"Tara.. " aya ni Hannah..

"Saan tayo?.." tanong ng bakla..

"Dun sa kubo.. Teka .. Anung name mo.?.." tanong ni Hannah.

"Marla.." maiksing sagot ng bading..

Natawa si Hannah..

"Real name mo..." sabi nya..

Napasimangot si Marla..

"Marlon.." bulong nito..

Napahalakhak si Hannah..

Nagtinginan sa kanya ang mga dumadaang estudyante..

"What's your problem?.. Ngayon lang ba kayo nakakita ng dyosang tumatawa?.." pagtataray ni Hannah..

Natawa ang ilan at tumuloy na sa paglalakad..

"Grabe ka sis.. Ang angas mo.." sabi ng bakla..

"Hah !.. May mas maangas pa sa akin.. Tara lets." aya ni Hannah..

Nagmamadali syang makapunta sa kubo..

Hawak hawak nya ang kamay ni bading...

Sa kubo..

Nagtatawanan ang apat na alas ..

NAg gigitara si Rhoi habang kumakanta..

NAg dadance number naman yung tatlo..

"Popopopopo poker face.." sabi ni Rhoi..

Umiindak indak sina Aldrin at Darius..

Habang nakahawak si Romeo sa tyan nya at tawa ng tawa..

"Putsa ka tabar.. Sa susunod mag susuot ka ng bra ng di lumalabas utong mo.." biro ni Romeo kay Darius..

Nilamas naman ni Darius ang kanang suso nya..

"Oh .. Ohhhhhh... Aldddriiinnnn.. Oooohhh..." boses babae si Darius at pilit na nilalapit ang suso kay Aldrin..

Nagpapadyak na si Krissia sa kakatawa sa tabi ni Rhoi..

Biglang napatigil sa pag gitara si Rhoi..

"Oh.. KJ nito pota.." sabi ni Aldrin..

Napanganga si Rhoi at tinuro ang nakikita nya..

Napatingin ang lahat sa labas ng kubo..

"Holy Cow.. " bulong ni Darius..

Tulala si Aldrin..

Agad na umahon ang inis sa katawan nya..

Lalabas na sana sya ng dambahin sya ni Romeo.

"Wag pare.. Wag mong ilagay ang batas sa mga kamay mo.. Hayaan mong batas ang umusig sa kanya.." banat ni Romeo..

NAgtawanan ang lahat..

"Gago.. " asar na sabi ni Aldrin..

Inatake sya ng sangkaterbang selos.

Eksaktong pumasok si Hannah sa kubo.. Hawak pa rin ang kamay ng bading...

"Hi hi !.." panggagaya ni Hannah sa pagbati ng mga alas.

"Hi hi !.." bati ni Krissia.

Nagtawanan ang mga babae..

Tahimik lang ang mga lalake..

"Pare.. ilayo nyo mga matatalas na bagay.. Dali!.." sigaw ni Romeo..

Nagtawanan ang mga kaibigan nya..

Pero si Aldrin masama ang tingin sa mga kamay ni Hannah at ni Marla..

Napansin ito ni Hannah kaya lalo nya pang hinigpitan ang paghawak sa kamay ng bakla..

"Hi.." bati ni Hannah kay Aldrin..

Nakasimangot si Aldrin..

"Bakit kayo nakadapa..?.." tanong ng dalaga..

Biglang gumitara si Rhoi..

"Selos lang yan.. Selos lang yan .. Di ba?.." kanta ni Rhoi..

Sinabayan sya ng lahat..

"Oh yeah !.." biglang naging rapper si Darius..

Asar na asar si Aldrin..

Join force na ang lahat sa pang aalaska sa kanya..

"Waaaaa !!!." sigaw ni Aldrin at pumiglas sa pagkakayakap ni Romeo..

Kunwari naman tumalsik si Romeo at tumalsik sa malayo..

"Hoy OA ka gago.." sigaw ni Aldrin pagkat ang layo ng pagtalsik ni Romeo..

Nagtawanan ang mga kaibigan nya..

Nagsuot bigla ng shades si Darius..

"I can see the Dark Auras rising..It can't be... Masyadong masakit ang nangyayari at mukhang di na makakayanan ng ating bida.. Sasabog na sya.. Konti pa..Eto naaaa.. Oooohhh.." sigaw ni Darius.

Biglang pinagbabato sya ng unan nila Romeo at Rhoi..

Umalingasaw ang mabahong amoy..

"Putangna ka.. Kahit saan dugyot ka !.." sigaw ni Romeo..

Tawa ng tawa sina Hannah at Krissia..

Tulala lang ang bakla.

"Kung anong linis ng panlabas mo.. Syang baho ng ugali mo.. Gago.. May mga babae tapos uutot ka?.." sigaw ni Rhoi sabay niyakap si Krissia.

Tawa ng tawa na parang demonyo si Darius..

Pati si Aldrin di na pinigilan ang pagtawa..

"See?.. Nawasak ko ang dark aura ni Aldrin.." biro ni Darius..

"Gago..Pinalitan mo naman ng dark aura mo.. Para kang nagtapon ng smoke grenade.. Tado ka !." sigaw ni Aldrin..

Binuksan ni Romeo ang electric fan at pumwesto sa trono nya..

"Dugyot na baboy." asar ni Romeo.

"Pogi naman.. " bawi ni Daruis at naupo na din sa trono..

Uupo na sana si Aldrin sa sariling trono pero naunahan sya ni Hannah.. Napakamot sa batok ang binata at nakisiksik kay Romeo..

"Hoy puta.. Kaya nga trono di ba?.. Di to jeep na siksikan.. Dun ka !.." turo ni Romeo sa tabi ni Hannah.

Napatingin si Hannah kay Aldrin at ngumiti..

Malungkot na ngumiti si Aldrin..

"Bakit ka molongkot?.." biro ni Hannah..

Nagtawanan ang tatlong alas.

"Eh kasi.. Selos sya.." pang aasar ni Rhoi..

Nagkatitigan sina Hannah at Aldrin..

"Totoo?.." tanong ng dalaga.

Umiling ang binata..

Napasimangot si Hannah.

"Huuussss... Akala ko nga sasapakin mo na ito eh.. Teka.. Sino ba to?.. Hannah speak !.." utos ni Romeo..

Pero binatukan sya ni Aldrin..

"Reyna ko yan gago." bulong nya..

"Gago.. Reyna mo eh kita mong may dalang boylet.. Ang pogi oh.." bulong din ni Romeo..

Napasimangot si Aldrin at tinitigan ang lalakeng kasama ni Hannah..

Sinisikap nyang sindakin sa pamamagitan ng pagtitig ang lalake..

Pero tulala lang itong nag papalipat lipat ng tingin sa kanilang apat na alas..

Nagtataka na sya..

"Psst.. Selos ka?.." pangungulit ni Hannah.

Umiling si Aldrin pero tinulak sya ni Romeo.

"Sinungaling ampota.. " sabi ni Romeo..

Napakamot si Aldrin sa batok at ngumiti ng mahinhin.

Napatili naman si Krissia..

"Selos ka?." ulit ni Hannah.

Huminga ng malalim si Aldrin ..

"Oo.. " matigas na sabi nya..

Ngumiti ng matamis si Hannah..

"Baket?.." tanong nya..

Namula si Aldrin at nagpalakpakan ang mga kaibigan nya..

"Mga gago talaga.." bulong ni Aldrin..

"Guys tahimik kayo.. Magtatapat na si Aldrin.." kinikilig na sabi ni Krissia..

Tila napagkit na sa mukha ni Hannah ang pagngiti..

Pati sya inaatake na rin ng sangkatutak na kilig..

"Hannah.." bulong ni Aldrin..

"Aldrin." ganting bulong ni Hannah..

Unti unti ng naglalapit ang mga mukha nila..

Pati sina Romeo , Darius at Rhoi , kinikilig na.. Dyahe nga lang kasi mga tigasin daw sila..

Pero ayaw ng matanggal ng mga ngiti sa kanilang mga mukha..

"Laplapan na !.." sigaw ni Darius.

"Labas mo dila mo pre.. Ganito.." nilabas ni Rhoi ang dila at pinakita kay Krissia.

Kinurot naman ni Krissia ang ilong ni Rhoi at niyakap ito..

Tinitigan lang nila ang dalawa na halos magdikit na ang mga mukha.

"Hala. Tangna.. PDA.." bulong ni Romeo.

Binato sya ng unan ni Krissia.

"Wag kang magulo.. !" saway ni Krissia..

Nag zipper ng bibig sina Romeo at DArius.

Pero talagang kinikilig sila at ayaw nila itong ipakita sa lahat..

"Strawberry Jam Honey Pie.. " biglang humarap si Darius kay Romeo.

"Sweetilicious Banana Cake.. With Cheese.." banat ni Romeo.

Ginagaya nila ang pag tititigan nila Aldrin at Hannah.

"Labas mo dila mo pre.." bulong ni Rhoi.

"Sipsipan na ng laway.." bulong din ni Darius..

"Ayan na.. Shet.. Tinitigasan na ako oh.. Parang simula ng pinapanuod nating porn sa bahay nyo Darius.. Tapos next nyan yakapan.. Tapos totnakan na.." bulong ni Romeo.

Pinag untog ni Krissia ang ulo ng tatlo..

"Mga panira kayo.. Moment nila yan eh.." saway ni Krissia..

Titigan lang sina Aldrin at Hannah..

"Hannah.." ulit ni Aldrin..

"Aldrin.." inis na si Hannah.

Mahabang katahimikan.

"Anong oras na?.." biglang tanong ni Aldrin..

Napa " ooohhhh " ang audience..

"Putsa.. Nagbayad tayo sa panget na pelikula?.." biglang tanong ni Rhoi..

"Oo nga.. Yung bidang lalake mukang virgin pa.. Sayang.." banat ni Darius.

"Mas mabuti pang si Vice Ganda na lang pinanuod natin.. May mapapala pa tayon.. Sabi ko sa inyo pangit ang manuod ng Tagalog Romance.." pailing iling na sabi ni Romeo..

Pati si Krissia nanghinayang.

Si bakla tulala pa rin sa apat na alas.

Si Hannah halos malaglag ang panga..

Nais nyang sapukin sa mga oras na iyon ang binata..

Kakamot kamot naman si Aldrin..

Di nya masabi ang nilalaman ng puso..

"Bwisit.." bulong ni Hannah.

"Ha?.." tanong ni Aldrin..

"Wala !.." singhal ni Hannah..

Nagtaka si Aldrin..

"Di ba dapat ako yung galit?.." takang tanong nya..

"Bakit ka magagalit?.. " tanong ng dalaga.

"Kasi nagdala ka ng lalake dito.." sigaw ni Aldrin.

Tinaasan sya ng kilay ni Hannah.

"Sinisigawan mo ko?.." tanong ng dalaga.

Tumiklop si Aldrin..

"Of course not.. Nagpapaliwanag lang po.." bulong ni Aldrin.

Nagtawanan sina Romeo at Darius..

"2 Down pare.." sabi ni Romeo.

Nagtaka si Darius..

"Baket 2?.." tanong nya..

"2 na silang nahuli sa bitag.." napapailing si Romeo.

"Ha?.." nakanganga si Darius..

Umiling si Romeo at tinuro si Rhoi..

"Under number 1.. Tigasin kuno tapos isang sitsit lang ni Krissing .. TIKLOP !.." bulong ni Romeo..

Tumawa si Darius..

"Under number 2.. Siga siga.. Sisigaw sigaw.. Akala mo lion .. Yun pala kuting.. Isang taas lang ng boses ni Hannah.. TSUPI .. " bulong ulit ni Romeo.

Nag apir ang dalawa at nagbungisngisan..

Bigla silang pinagbabatukan nila Rhoi at Aldrin.

.

"You will find you own.. Soon.." sabi ni Rhoi..

"Oh come on.. Wag kang mag turo.. " sabi ni DArius..

Nagtawanan silang apat..

"Aldrin.." lambing ni Hannah.

Agad na lumapit si Aldrin sa tabi nya..

"Yes Mam?.." biro ni Aldrin.

Ngumiti si Hannah at tinuro si Marla na tulala..

"Bakla yan.." bulong nya sa tenga ni Aldrin..

Napanganga si Aldrin at biglang bumungisngis.

"Kaya pala malalagkit tingin nya kina Romeo at Darius.." bulong ng binata.

"Yeah.. So selos ka pa?.." tanong ng dalaga..

"Yea.. Kanina talaga sobra.. Akala ko may sumakal na sa puso ko..Di ako makahinga.." pagtatapat ng binata..

Napapikit si Hannah sa kilig..

"Loyal ako.." biglang banat ni Hannah..

Napatakip sya sa bibig..

Huli na ..Nasabi nya na.

"Haha.." parang narecharged si Aldrin sa sinabi ng dalaga.

Ngumiti nalang si Hannah at hinawakan ang braso ni Aldrin..

"Hatid mo ko.." lambing nya.

"Of course.. Kahit di mo sabihin.." bulong ni Aldrin..

NAgtitigan sila at nagngitian..

Napalingon sa kanila ang lahat..

Naglabas ng popcorn sina Romeo at nagtabi silang tatlo..

"Babawi ang bidang lalake. " banat ni Rhoi.

"Oh come on .. Go go go !.." bulong ni Darius sabay subo ng popcorn.

"San galing ang popcorn?.." takang tanong ni Romeo..

Nagtawanan sila bigla.

Naghiwalay sila Aldrin at Hannah pero ngiting ngiti ang dalawa..

Biglang nilapitan ni Aldrin si Marla at inakbayan..

Nanigas bigla ang katawan ni Marla..

"Guys.. New friend.." banat ni Aldrin.

Nagtaka ang lahat maliban kay Hannah na ngiting ngiti at tila nasa cloud nine..

"Kaaway yan pre.." sabi ni Rhoi..

"No.. Gay sya.." sabi ni Aldrin..

Kinurot ni Marla sa braso si Aldrin at sumimangot..

"Babae ako.." giit nito.

Nagtawanan sina Aldrin, Hannah at Krissia.

Tulala lang ang tatlong alas..

Biglang nagtago sina Romeo at Darius..

Si Rhoi pasimpleng nagtago sa likod ni Krissia..

Tulala parin si Marla..Di nya akalain na ang kaklase nyang siga ay kaibigan pala ng mga naggagwapuhang ito...Napalunok sya at inisa isa ng tingin ang mga lalake..

Tila nandiri sina Rhoi sa pagtitig na ginagawa ng bakla.

"Hoy !.." sigaw ni Darius..

"Putsa walang ganyanan.. !" sigaw din ni Romeo.

Natawa si Aldrin..

"Mabait yan.." sabi ni Hannah..

"Oh mabait daw.." banat ni Aldrin..

Nagngitian sila ni Hannah..

"Recommended pala ni Hannah. Right sis?.." kinindatan ni Krissia si Hannah..

Nagngitian ang dalawang dalaga.

Pero nagtatago pa rin sina Rhoi at ang iba pa..

"Kain na .." aya ni Aldrin..

Nilapitan nya si Hannah at sabay silang lumabas..

Tarantang sumunod sina Rhoi at hinatak nya si Krissia.

Galit na dinuro ni Romeo at Darius ang bakla.

"Sunod na !.." sabi ng dalawa.

"Kayo?.." tanong ng bakla.

Nagtulakan sina Romeo at Darius..

"Maglilinis lang kame." palusot ni Darius..

Ngumisi ang bakla at akmang lalapit sa dalawa..

"Putangna.. Pare code red.. Code REEeeeedddddd... !.." sigaw ni Romeo..

Pinagbabato nila ng mga unan ang bakla..

Tawa ng tawa si Marla at sumunod na sa labas.

"Phew.." nakahinga ng maluwang ang dalawa..

Nagkatitigan sila at magkaholding hands na lumabas.

"Pare.." untag ni Romeo.

Napatingin sa kanya si Darius.

"Yes loves.?.." biro ni DArius..

Nagtawanan sila at nagholding hands ulit..

"San galing yung popcorn?.." biglang tanong ni Romeo..

Napatingin sila muli sa kubo at nakita nila ang popcorn na ubos na..

Nagkatitigan sila at nanlaki ang mga mata..

"Putsa !.. Multong popcorn !.." sabay na sigaw nila ..

Nagtitili ang dalawa na parang bading habang nagtatakbo papuntang canteen..

ITUTULOY !!!

Posted in: Romance