1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 12 - Blademail
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 12 - Blademail

12 minutes

Chapter 12 - Blademail

Dismissal

Nakasimangot na nakaupo si Hannah sa trono ni Aldrin..

Nakataas ang kanyang mga paa sa mesa at nagbabasa ng mga ginawa nila sa klase kanina..

Pumasok si Rhoi at Krissia..

"Ei sis.." bati ni Krissia.

Binaba ni Hannah ang notebook at malungkot na ngumiti sa dalaga..

Dirediretso si Rhoi at kinuha ang nakasabit nyang gitara sa dingding..

Uupo na sana sya sa sariling trono pero nakasalampak na si Krissia dito..

Napakamot ng batok ang binata..

"Dyan ako.." malambing na pakiusap nya..

Tinaasan lang sya ng kilay ni Krissia at inirapan..

Napailing si Rhoi at pumwesto na sa tabi ng binata..

Tumipa sa gitara ng nakatayo at nakatanaw sa dalawang dalaga..

"Sis..Bakit ka malongkot?.." biro ni Krissia..

Natawa ng mahina ang dalaga..

"Wala sis.. Na drain lang siguro ako sa exam kanina.." palusot nya.

"Asussss.. I know na..Siraulo talaga yang mga yan eh.." sabi ni Krissia at sumimangot kay Rhoi.

"Si Aldrin lang naman kaaway ko.." sabi ni Hannah..

"Dapat lahat sila kaaway mo.." tumawa si Krissia..

PAti si Hannah natawa..

"Chill ka lang sis.." pag aalo ni Krissia kay Hannah..

Nahiya naman si Hannah at umiling..

"Okay lang yon.." sabi nya pero napanganga sya ng may masulyapan sa labas..

Napalingon din si Krissia at pati sya napanganga..

"Ang sweet..." bulong ni Hannah ..

Kitang kita nya sa pwesto nila sina Aldrin at Jasmine na magkatabi sa bench.. Tila may kinakain sila...

Napailing si Krissia at sinitsitan si Rhoi..

"Di ako pwedeng makialam dyan..." tanggi ni Rhoi..

Sumimangot si Krissia..

"Okay lang sis.. Bagay sila no?.." sabi ni Hannah..

Tila sasabog na ang puso nya sa nasasaksihan..

"Grabe.. Anu kayang nakain nyan ni Aldrin at ginaganyan ka.?.." tanong ni Krissia..

"Haha.. Okay lang no.. Wala naman kame e.." sabi ni Hannah..

Napatingin sa kanya si Krissia..

Agad na tinakpan ni Hannah ang mukha ng notebook nya at nagkunwaring nagbabasa..

"Sis.. Don't deny.. We are family.." sabi ni Krissia..

Dahan dahang binaba ni Hannah ang notebook at malungkot na ngumiti..

"Sorry sis.. Pero siguro talagang mabait lang pala sya sa akin.. Wala palang meaning yon.." sabi ng dalaga..

Pero mas sa kanya nya ito sinasabi..

"Tara kain tayo.." aya ni Rhoi at muling sinabit ang gitara sa dingding..

"Game.." sabi ni Krissia at kumapit na sa braso ni Hannah..

Napalitang tumayo si Hannah at alumpihit na lumabas..

Titig na titig sya sa dalawang magkatabi at nagsusubuan sa bench di kalayuan..

PArang hinihiwa ng maliit na blade ang puso nya..

Humigpit ang pagkapit nya sa braso ni Krissia..

"Okay lang ako sis.." sabi nya..

NAtawa si Krissia at hinatak sa ibang direksyon si Hannah..

Nagpunta sila sa canteen at nakita nila yung dalawang malandi doon..

Nakita din sila nung dalawa at bigla silang sumabog sa tawa ng pabaklang tumakbo ito papunta sa kanila..

"Rhoiiiiii..... We missed you soooo much much much.." pabaklang sabi ni Darius at nagbeso sila..

"I miss you too mare's .. You know .. I have a guard eh.." malungkot na sabi ni Rhoi..

Bigla syang kinurot ni Krissia..

"Where are you going?.." tanong ni Romeo..

"Sa Canteen.. Obvious ba?..Alangan sa Gym eh nasa tapat tayo ng canteen?.. Hiyang hiya naman kame sayo no..?.." sabi ni Rhoi..

Nagtawanan yong tatlo..

"Oh loko.. " sabi ni Krissia..

MAsaya silang pumasok sa canteen..

"Pare akala ko atin na yang spot na yan?.." tanong ni Rhoi kay Romeo..

"Sinabi ko na nga sa admin eh.. Mukhang tigasin.. Natatakot ako.." sabi ni Romeo at humawak sa braso ni Darius..

"Wag ako.. Natatakot din ako.. Look mo nga ampanget eh.." sabi ni Darius at nagyakap sila..

Natawa si Hannah .. Kahit paano naiibsan ang kalungkutan nya..

Palapit na sila sa pwesto nila dapat pero may tao pa rin..

Dalawang lalake na kumakain at naghaharutan din..

"Guys.. Tapos na kayo?.." tanong ni Rhoi..

Napatingin sa kanila ang dalawang lalake at umiling..

Muling pinagpatuloy ang pagkain at pag kukuwentuhan..

Hinila na ng dalawang dalaga sina Rhoi at Romeo pero walang humatak kay Darius kaya nakatayo pa rin sya..

"Magkano yan pre?..." tanong ni Darius.

"Ah eto?.. 100 lang pards.. Dun o.." turo nung isang lalake...

Napalingon agad si Darius at tumakbo sa counter..

"Manang.. Pabili dali.. Grrr..." naglaway sya bigla..

Natawa naman ang mga kaibigan nya at nakaupo na sa malapit na mesa..

Si Darius na din ang umorder sa kanila..

Nagharutan sina Rhoi at Krissia at nakangiti lang na nakatingin si Hannah..

Naiinggit sya sa kaibigan dahil mukang nahanap na nito ang soulmate nito..

Samantalang sya ..

Tsk..

Napabuntong hininga si Hannah..

Napansin ito ni Romeo ..

"Problem?.." tanong ng binata..

Tumingin si Hannah kay Romeo at ngumiti..

"Wala.." sabi nya..

Pero nangulit ang binata..

"Come on.. Try me.." sabi ni Romeo..

Tumawa ng mahina ang dalaga at kinurot si Romeo.

"Wala nga.." sabi nya..

Pero ngumisi lang si Romeo..

Natawa si Krissia at Rhoi..

"SAbihin mo na sis.. Di ka titigilan nyan..Eto kasi Romski...nagseselos kay Aldrin at Jasmine.." sabi ni Krissia..

Nanlaki ang mga mata ni Hannah at umiling..

"Oy di no.." sabi nya..

Humawak si Romeo sa baba nya at tumingin sa malayo..

Dumating na si Darius na maraming dalang pagkain..

"Hoy... Tumayo ka nga dyan.. Tamad ka talaga eh.. Kunin mo yung drinks.." utos ni Darius..

Tumayo si Romeo at iinot inot na lumapit sa counter para kunin ang inorder ni DArius..

Pagbalik nya ay nakangisi na sya at nakatingin kay Hannah..

"I know na.." sabi ni Romeo sabay lapag ng mga inumin..

Napatingin sa kanya ang lahat..

Si Hannah na curious..

"What?.." sabay sabay nilang tanong.

"Blademail.." sabi lang ni Romeo..

Natawa yung dalawang lalake pero nakanganga lang sina Krissia at Hannah..

"Ano daw?.." tanong ni Krissia..

Kinalabit nya si Rhoi ..

"Haha.. GAgo talaga to.. Blademail ay isang item sa DOTA.." tumatawang sabi ni Rhoi..

Napailing naman ang dalawang dalaga..

"Seryoso ako.." sabi ni Romeo.

"Ano naman daw ang gagawin namin sa Dota dota na yan aber?.." tanong ni Krissia..

"Blademail.." sabi pa rin ng binata..

Sumubo na si Hannah ng pagkain at di na pinansin si Romeo.. Malamang nangtitrip lang ito..

"Tama ka pre.." sabi ni Darius..

Napatingin agad si Hannah..

"Paliwanag nyo kase.." sabi ng dalaga..

Napatingin si Romeo kay Rhoi at Darius..

"Ako na.." sabi ni Rhoi..

Tinigil ng dalawang dalaga ang pagkain at nakinig sa binata..

"Sa DOTA.. may isang item na tinatawag na blademail.." bungad ni Rhoi..

Napailing ang dalawang dalaga..

"Bilisan mo.." sabi ni Krissia..

"Eto naman walang suspense.. Gusto bakbakan agad.." sabi ni Darius pero inirapan lang sya ng dalaga..

"Blademail.. Clickable sya.. So nagagamit mo sya.." sabi ni Rhoi..

"Di namin alam yan.." singit ni Hannah..

"Makinig kasi.." sambit ni Romeo ..

PEro inirapan sya ng dalawang dalaga..

"So pag ginamit mo yung item na yon.. Tapos tinira ka ng kalaban.. Masasaktan ka.. Pero babalik sa kanya yung bawas.." paliwanag ni Rhoi..

Nagkatinginan yung dalawang dalaga..

Napailing si Hannah at tinuloy ang pagkain..

"Di ko ma gets.." sabi nya..

Napakapit si Krissia sa braso ng kaibigan nya..

"Sis.. Parang nagegets ko.." sabi ng dalaga..

Tumigil si Hannah sa pagsubo..

"Anong gagawin natin?.." tanong nya..

NAtahimik ang mga kaibigan nya..

Binasag ni Krissia ang katahimikan..

"Gagamitan mo sya ng blademail.." biro ng dalaga..

NAtawa ang tatlong binata at nagthumbs up..

Nalito ang dalaga..

"Pano?.." tanong nya..

"You will fight back.." sabi ni Rhoi..

"Blademail.. Inatake ka nya.. Gagamit ka ng blademail.. Pareho kayong masasaktan pero mas masakit ang balik sa kanya.." paliwanag ni Rhoi..

Nanlaki ang mga mata ng dalaga at natawa..

"Alam nyo guys.. Di ko alam yang sinasabi nyo..Loyal ako.." sabi ng dalaga pero bigla syang inulan ng tukso..

NApatakip ang mga kamay nya sa mukha nya at ramdam nyang pulang pula na ito..

"Haha.. Joke lang .. Ay sis wag kang mangiliti.." sigaw ni Hannah pagkat kinikiliti sya ni Krissia sa balakang..

"Loyal huh... " sabi ni Krissia at muli silang nagkilitian..

Nagngitian lang ang tatlong lalake..

NAgpatuloy na sila sa pagkain..

Pagtapos nito ay nagplano sila..

"Guys .. Thanks talaga.. Parang nakakahiya ata.." sabi ni Hannah..

"Anu ka ba?.. Maganda nga yan eh.. PAra makita natin ang reaksyon ng talipandas na yon.." nakasimangot na sabi ni Krissia.

"Okay .. Sinong gagamitin nating pang blademail?.." tanong ni Darius..

NAg isip sila..

"May kilala ako.." sabi bigla ni Rhoi.

"Sino?.." sabay sabay nilang tanong..

"Seeecreeett..." landi ni Rhoi at bigla syang niyakap sa braso ni Krissia..

"Sabihin mo.. " bulong ng dalaga..

"Sa bahay na.." wika ni Rhoi..

Napangiti lang ang dalawang binata.

"Guys.. Thanks talaga.. Akala ko may bias na mangyayari kasi friend nyo si Aldrin.." nakangiting sabi ng dalaga.

"Ofcourse .. Pero walang bias dito kasi friend karin namin.. We told you already na family na tayo.." sabi ni Krissia..

Nagtayuan na silang lahat at lumabas ng canteen..

Nasalubong nila sina Aldrin at Jasmine.. MAy kasama pa itong isang tila monggoloid..

"Hi hi.." bati ni Aldrin ..

"Hi hi.. " sabay sabay na bati nung tatlong alas pero umirap lang si Krissia at kumapit ng mahigpit kay Hannah..

Si Hannah naman ay tila lalong nahiwa ang puso dahil sa nasasaksihang sweetness ng dalawa..

Nagiwas sya ng tingin at dumiretso ng lakad..

"Kumain na kayo?.." tanong ni Aldrin.

"Tapos na.. Busy ka kasi masyado.." banat ni Krissia..

NApakamot ng batok ang binata at pinakilala ang isa pang kasama nya.

"Guys.. Eto nga pala si Crimemaster Rhon.." sabi ni Aldrin..

Nagtawanan yung tatlong lalake at kinamayan si Crimemaster Rhon.

"So.. Kakain lang kame ah.?.." paalam ng binata at sinulyapan si Hannah na nakatingin sa malayo..

Napangisi si Aldrin.

"See yah.. Di na muna ako sasabay mga tol kasi hahatid ko lang itong si Jasmine.." parinig nya ..

Nagkatinginan ang magkakaibigan..

Nagkibit balikat lang sila at tumango..

"Sige .. " sabi ni Romeo.

Pumasok na sa Canteen sina Aldrin at naglakad na muli sina Hannah..

Masakit na masakit ang puso nya ...

"Relax lang sis.. Tomorrow .. You will have your revenge.." sabi ni Krissia..

Tumawa ng mahina si Hannah.. MAtamlay pa rin..

"So paano.. Bukas na lang.. May pupuntahan pa kame ni Mommy D.." sabi ni Romeo at nagholding hands sila ni DArius..

NAglakad na sila palayo..

"Mga siraulo talaga.." sabi ni Rhoi..

"As if di ka ganyan.." banat ni Krissia..

Ngumiti lang ang binata at hinatid na ang dalawang dalaga..

Sa huling pagkakataon ay muling sinulyapan ni Hannah sina Aldrin ..

Kinabukasan..

Nagtipon tipon lahat sa kubo..

"Himala wala si Jasmine mo>?.." tanong ni Rhoi..

"Late nga eh.. Malamang na sa third subject na yon papasok.." sabi ni Aldrin pero nakatingin lang sya kay Hannah..

Napakaganda ng dalaga sa suot nito..

Blue fitted shirt na may tatak na DOTA sa likod..

Naka jeans na hapit at kitang kita ang kaseksihan ng dalaga..

PArang asong naglalaway si Aldrin..

Pero di sya pinapansin ng dalaga.. Abala sila ni Krissia na naglalaro sa PC..

Nakaupo ang apat na alas sa kanya kanyang trono..

Tahimik lang sila ng biglang may nag text kay Rhoi.

Napangiti ang binata..

Nilapitan nya ang dalawang dalaga na nababaliw na sa kakalaro ng DOTA..

"Game.." bulong ni Rhoi..

Nanigas bigla ang katawan ni Hannah..

"This is it.." bulong nya at lumapit kay Aldrin..

"Dyan ako.." maangas nyang sabi..

Natawa sina Rhoi at inasar ang kaibigan nila..

"Wala ka ng pwesto pre.. " pang aasar ni Rhoi..

"Ako dyan.." pasigang sabi ni Krissia.

Umugong ng asaran sa loob ng kubo...

Limang minuto ang lumipas...May nagtext ulit kay Rhoi..

"Teka mga pare." sabi ng binata..Sabay labas ng kubo..

Maya maya ay bumalik ito pero di na nagiisa..

"Guys.. Friend ko.." pakilala ni Rhoi..

"Hi.." bati naman ni Hannah..

Gwapo ang kasama ni Rhoi.. Matangkad din at halatang galing sa mayamang pamilya..

"This is Ismael..Ismael Galvez III..Co-Department ko.. Engineering din pero graduating na sya.." pakilala ni Rhoi sa bagong dating..

Pumasok sila ..

"Hello guys.." tila nahihiyang sabi ng bagong dating..

Nagkatinginan naman sina Darius at Romeo at napangisi..

"Ang pogi naman.." sabi ni Krissia..

"Oo nga.." banat ni Hannah..

Biglang napatingin si Aldrin kay Hannah..NApakunot noo..

"Ay..!.. May assignment ako about Calculus..Paturo pwede?.." tanong ni Hannah..

"Sure sure.. San tayo?.." tanong ni Ismael..

"Ay wag na dito..Masikip.. Labas na lang kayo .. Sa library.." taboy ni Krissia..

Nahiya naman si Ismael.

"Mahiyain talaga to eh.. Sige na pre.. PEro ingatan mo yang sister namin ah.." sabi ni Rhoi..

"Yes.. Definitely.." sabi ni Ismael at pinaalam nya na ang dalaga sa mga kaibigan nito..

Kumaway lang sila Rhoi..

Si Aldrin nakanganga lang at tila naging bato na..

"Hoy.. Tinubuan ka na ng ugat oh.. Galaw galaw.." untag ni Darius..

Bumungisngis si Krissia at niyakap si Rhoi..

"S-sino yon?.." tanong ni Aldrin.

"Si Ismael.." sagot ni Rhoi.

"I mean.. Bakit sya andito?.." tanong ng binata..

"Baket?.. Bawal ba outsiders dito sa kubo?.. Ikaw nga nagpapasok ng chix e..." mataray na sabi ni Krissia.

"Eh bakit ganon..?.. Close na agad sila ni Hannah?.." tanong ni Aldrin..

"Ewan.. Mukha namang mabait si Ismael eh.. Tapos ang gwapo pa.. Kinilig nga ako eh.." sabi ni Krissia ..

Biglang inalis ni Rhoi ang pagkakayakap ni Krissia pero pumalag ang dalaga at humigpit lalo ang yakap..

"Joke lang..Ito naman.." sabi ng dalaga..

Napangiti si Rhoi ng parang aso..

"Calculus?.. May calculus ba kameng subject?.. Eh pang engineers yon eh.." takang tanong ng binata..

"Baka palusot lang nya kasi gusto nyang masolo si Papa Ismael.. So yummy.." biro ni Darius..

Nakangiti lang si Romeo..

Tulala ang binata.. Tuliro... May mali..

"May conspiracy dito.." sigaw ni Aldrin ..

PEro nagdeny ang mga kaibigan nya..

"Baket pre?.." tanong ni Rhoi..

"Selos ka?.." banat ni Darius..

"Sinong nauna?.." singit ni Romeo..

Lalo lang naguluhan ang binata..

"Bagay sila no?.." sabi ni Krissia..

Sumang ayon naman ang tatlo..

Tuliro si Aldrin..

Di nya alam ang nangyayari..

Parang bigla syang nawalan ng energy..

Bigla syang napatayo ..

"Nakalimutan ko..May assignment din pala ako.. Kailangan kong mag research .. Sa library.. Tama tama..See yah guys at mag aaral pa ang friend nyo.. Bye bye.. " dire diretsong sabi ng binata sabay halos patakbong tinungo ang library..

Humabol si Darius.

"PAre anung ireresearch mo?.." tanong ni Darius.

"Calculus pare.." sigaw ni Aldrin at tumakbo na talaga papuntang library..

Umugong ang tawanan sa kubo..

"Success..Di nya kinaya ang blademail ni Hannah.." sabi ni Romeo..

"Pero infairness.. Nataranta ang lola mo.." sabi ni Rhoi at nagtawanan pa sila lalo..

ITUTULOY !!!

Posted in: Romance