1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 11 - Testing
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 11 - Testing

16 minutes

Chapter 11 - Testing..


Umaga..

Abala si Aldrin na sumasagot sa quiz nila..Pangiti ngiti binata na parang tanga.

"Parang ang saya mo ah.." .. boses babae..

Lumingon ang binata sa tabi nya..

Isang magandang babae ang nakaupo dito.. Napakunot noo ang binata na tila nagtatanong..

"Grabe.. Masyado kang focus sa exam , ni hindi mo man lang napapansin na may katabi ka na.." tawa ng babae..

Napakamot sa ulo ang binata at ngumiti na kita gums..

"Hi.. Aldrin.." pakilala nya..

Ngumiti din ang dalaga.. Yung pang close up naman..

"I know.. Jasmine..".. inabot ng dalaga ang kamay nya..

Nagtataka man.. Inabot na din ng binata ang palad nya sa dalaga... Nagkamay sila.. Napakalambot ng palad ng babae..

"Panu mo ko nakilala?.. Ni hindi nga ako nagsasalita dito sa klase.." tanong ng binata..

Tumawa ang dalaga at lumingon sa guro na abala sa pagtetext..

"Sikat ka.. Kayo ng mga kaibigan mo.." sabi ng dalaga.

Natawa na lang si Aldrin at pinagpatuloy ang pagsagot..

Pero lalo syang natawa ng maisulat ang pangalan ni Hannah sa papel nya.

Lumingon sa kanya ang dalaga at nakiusyoso..

"Hanep... Wala naman tayong pinag aralang Hannah... Bakit yan ang sinulat mo?.. Hmmm... Girlfriend mo?.." tanong ng dalaga..

Muling napangiti ng kita gums ang binata..

"Di pa.. Soon... Soon.." pagyayabang nya..

"Angas... Well.. Baliw lang siguro ang tatanggi sayo.." nakangiting sabi ng dalaga..

Napangiti na din ang binata at binura ang pangalan ni Hannah.. Kinalabit nya ang nasa harap at binigay ang papel.

"Pare.. Anung name mo?.." tanong ng binata sabay abot ng papel..

"Crimemaster Rhone pare..Teka teka...Anu to?.." tiningnan ni Bert ang papel na binigay ng binata..

"Paki.." sabi ni Aldrin..

"Oy.. Di naman saken ang pasahan eh.." reklamo ng kaklase nyang nasa harap..

"Kahit pa.. Iaabot mo lang eh.. Ang tamad mo.." biro ng binata..

"Sino kaya ang mas tamad.?.." angal ni Rhon..

"Ikaw.." madiin na sabi ng binata..

Tumahimik na ang nasa harap nya.. Natawa naman ang dalaga..

"Grabe ka.. Wag ka namang mamwersa.." tatawa tawang sabi nito..

"Oy di ah.. Nakikiusap nga ako eh..Di ba pre?..Salamat ha?.." ngiting palaka si Aldrin sa kaharap nya..

Napailing na lang ang dalaga at inabot na rin ang papel sa pinagbigyan ni Aldrin..

Magrereklamo pa sana ito pero nginitian lang sya ng pamatay ng dalaga...

"Aba.. Magical smile..Bakit sa kanya pre di ka na umangal.. Parehas lang naman kami ng smile oh.. Look mo.." ngumiti ulit ang binata na kita tonsil..

Tumawa ang dalaga..

"Yung sayo kasi pre may halong pagbabanta.. Yung sa kanya parang nakakita ka ng tubig sa disyerto.. Refreshing.." paliwanag ni Crimemaster Rhon..

Pinalo ni Jasmine ang lalake at tawa ng tawa..

"Di naman oy.." sabi ng dalaga..

Napangiti din si Aldrin..

"Tama ka nga pare.. Refreshing nga.." tinitigan ni Aldrin ang katabi nyang dalaga..

Nagblush si Jasmine at sinampal ng mahina si Aldrin sa braso..

"Wag kasi.." nahihiyang sabi nya..

Tumawa lang ang binata at akmang tatayo na..

"Oh... Di pa bell.." sabi ng dalaga..

"Tapos na naman ang pakay ni Sir dito.. Tama na ang pagpapanggap na masaya tayo sa company nya.. Bwahahaha..." sabi ng binata..

Tumawa lang ang dalawa at akmang tatayo na din.

Lumingon ang guro sa kanila .. Sumimangot kaya napaupo ulit sina Jasmine at Rhon pero tumuloy lang sa pag aayos ng gamit si Aldrin..

Tumikhim ang guro kaya napatingin sa kanya ang ibang mga estudyante..

"Mr. Villarama.. Where are you going?." nakataas ang isang kilay ng bading na guro...

"Outside Sir.. I mean Ma'am.. Oh.. I mean sir.." biro ng binata..

Tumawa ang mga kaklase nya pati na sina Rhon at Jasmine..

"Hare dare you.. !.. Sit back !.. Tapos ka na ba sa quiz mo?.. May I see your paper?.." sigaw ng guro..

Natakot bigla ang crowd ... Pinitik ni Aldrin ang daliri nya at nilahad ang palad patalikod..

Tumingin lang si Rhon at Jasmine sa binata..

"Ang hina naman nito.. Akina papel ko.." sambit ng binata..

Tarantang inabot ni Rhon ang papel kay Aldrin at binigay sa guro..

Naglabas ng salamin ang guro nila at ineksamin ang papel ng binata..

Nakakunot noo ito pero taas noo naman si Aldrin..

"Hmm.." sabi ng guro..

Naglabas ito ng ballpen at isa isang pinagchechekan ang mga sagot ng binata..

"May mali kang isa Mr. Villarama..." pang hahamak ng guro..

Napasimangot si Aldrin at nilingon si Rhon..

"Asan na yung isa?.. Yung maliit na nakastapler?..." tanong ni Aldrin sa bagong kaibigan..

Nagtaka si Rhon at pagsilip nya sa ilalim nya ay may maliit na papel nga.. Agad nya itong dinampot at inabot sa binata..

Inabot naman ni Aldrin ang kapirasong papel sa prof nya at muling ngumiti na parang tanga..

Sinilip ng guro ang karugtong na papel at napatingin sa binata..

"Okay.. Perpect..But this is not an excuse para lumabas ka na.. Sit back.. !.." utos ng guro..

Pero di natinag ang binata.. Tumingin sa relos at nagbilang..

"5.. 4.. 3.. 2.. 1.." pagbibilang ng binata at tumingin sa pinto..

Nagtaka ang guro at napatingin din..

Biglang may lumitaw na dalawang lalake sa pinto na magkaholding hands..

"Potpot..." sabay na sabi ng dalawang lalake..

Natulala ang bading na guro sa dalawang bagong dating..

Kumaway naman si Aldrin na parang bakla..

"Im here mga mare.." sigaw ng binata..

Natahimik ang buong klase at nanuod na lang sa tatlo..

"We miss you Potpot.." pabaklang sabi nung isa..

"I miss you too .. Classmates.. Thats my kumares.. Romea and D.. D lang name nya kasi bastos kapag sinabi ko ang buo.. " pakilala ni Aldrin kay Romeo at Darius na magkaholding hands pa rin..

Tulala ang buong klase..

Biglang natawa si Jasmine..

Napatingin si Romeo at Darius sa babaeng tumawa..

"Wow... Prospect..Virgin kaya?.." bulong ni Romeo kay Darius..

"Kahit na di virgin pre.. Sarap yan.." ganting sabi ni Darius..

Inaya ni Aldrin sina Rhon at Jasmine..

"Tara lets.. Ahm.. Mam/Sir.. Can we go..?.. " tanong ng binata..

Tila natuyuan ng laway ang guro at lumunok.. Tulala lang sya sa dalawang bagong dating.. Napakagat labi pa at di sinasadyang binasa ang mga labi..

"Sure sure.. Ikaw pa...Congratz sa pagkakaperfect mo sa quiz ha.." malambing na sabi ng guro at sinulyapan ang dalawang kaibigan nya..

Tawa ng tawa si Aldrin..

Pero sina Romeo at Darius at biglang parang nandiri..

"Pare lakas mo talaga sa federasyon.." bulong ni Romeo..

"Tangna mo.. SAyo nakatingin oh.. Gago..!.." tanggi ni Darius..

Sinakal nya si Romeo at pilit na nilalapit sa guro..

"Gago ka.. Gago ka.. " sigaw ni Romeo at pumiglas..

Nagtatakbo ito ... Sumunod si Darius na tawa ng tawa..

Napailing na lang si Aldrin at inaya na ang dalawang bagong kaibigan nya sa labas..


Sa parking area.. Nakaupo si Hannah sa hood ng isang kotse.. Wala syang ideya kung kanino ang kotseng inuupuan nya. Nilabas nya ang dark shades nya at binistahan ang mga dumadaan..

"Tagal mo naman lumabas.. Tsk.." naiinip na sya sa kahihintay kay Aldrin...

Napalingon sya bigla ng makita sina Romeo at Darius na naghahabulan..

"Wahihihi.. Taya ka .." hinawakan ni Romeo sa balikat si Darius sabay takbo ng mabilis..

"Ayan na akoooo... Broooommmm..." sigaw ni Darius at bumarurot ng takbo para habulin si Romeo..

Di mapigilan ng dalaga ang matawa .. Sipa sya ng sipa sa kakatawa.. Di nya alintana na nagagasgasan nya na ang kotse na inuupuan nya..

Natigil sya sa kakatawa ng mapansing papunta sa kanya ang magkaibigan..

"Wahihi... Mabagal ka taba... Wahihi.." landi ni Romeo ..

Tumalon ito sa tabi ng dalaga at sa likod...

"Wahihi.. Hannah oh... Wahihihi.." sabi ni Romeo..

Bumungisngis si Hannah at pilit na umiiwas para mahuli ang kaibigan nya..

Tumalon din si Darius at biglang nayupi yung hood ng kotse..

Nagkatinginan sila at nagturuan..

"Hala.. Sabi kasing wag basta basta tatalon..Parang di nya alam ang weight nya.." sabi ni Romeo..

Biglang umalis sina Romeo at Hannah sa hood at natira si Darius..

"Hala...Baka dumating yung may-ari.." pananakot ni Hannah..

Nagsisi naman si Darius at akmang aalis na rin pero biglang may sumigaw sa di kalayuan..

"Holy shit !..What have you done to my car?.." sigaw ng lalake..

Napalingon ang tatlo sa pinanggalingan ng boses.. Nakatayo sa di kalayuan ang matangkad na lalakeng naka jersey...

Napatakbo ito at sinilip ang hood na yupi na...Biglang bumaling ito sa tatlo at nanlisik ang mga mata..

"Fuck!.. " sigaw nito at lumapit kay Darius..

Umatras ang binata at nagtago sa likod ni Hannah..

Pati si Romeo ay ganun din ang ginawa at humikbi sila..

"Huhu... Sorry na po... huhu.." nag iyak iyakan si Darius..

Di alam ni Hannah kung matatawa ba sya o matatakot..

Lalong nanlisik ang mga mata nung matangkad na lalake dahil halatang nag iiyak iyakan lang si Darius..

"Gago ka..Kita mo bang nangyari sa kotse ko?... Babayaran mo ba yan?.. Lexus yan !.. Afford mo ba?.." singhal nung may ari ng kotse..

Nakuha na nila ang atensyon ng mga dumadaan at marami na ang nanunuod sa kanila..

Nag iyak iyakan si Romeo at tatawa tawang lumayo si Hannah at pinanuod ang dalawa..

"Sorry na nga po eh.. Kasi excited lang itong kapatid ko na mayakap ako.. Sorry na po.." paghingi ni Romeo ng patawad ..

NAgmura lalo ang lalake at tinulak si Romeo..

Napaatras ang binata sa lakas ng pagtulak sa kanya..

"Pare anong problema?.." sabi nung isa pang naka uniform ng pang basketball..

"Tangna nitong dalawang to eh.. Nilundagan ba naman yung hood ko.. Eh bago lang yan eh.. Kita mo nga puro gasgas na oh.. Ang masaklap pa nayupi .. Bwisit.. ." galit na galit na sabi nung matangkad na lalake..

"Balasahin na yan..." paggatong pa ng bagong dating..

Sa di kalayuan nakatingin lang si Aldrin sa mga kaibigan nya.. Tawa sya ng tawa...NAtatakot na sa tabi nya sina Rhon at Jasmine.. Hinatak ng babae ang manggas ni Aldrin..

"Hey.. Your friends.. Mapapaaway sila o.." natatakot na ang dalaga..

Tumawa lang ang binata..

"Yaan mo.. Ang lalandi kasi eh.. Biruin mo ba namang maglaro ng mataya taya sa parking area??..Mga gunggong.." sabi ng binata..

"Oo nga.. Ang tanda tanda na naglalaro pa ng ganon.." dagdag ni Rhon..

"Hinde sa ganuon.. Sana ginawa nila yun sa oval.. O di kaya sa gym.. Sa mas maluwag para makatakbo sila ng maayos di ba?.." lalong tumawa ang binata..

Natawa na rin si Jasmine at di sinasadyang napakapit sa braso ni Aldrin..

Di naman ito alintana ng binata at sumigaw pa..

"Sapakin nyo na..!!.." pag gagatong ni Aldrin..

Nanlaki ang mga mata ni Hannah...Narinig nya ang sigaw ni Aldrin kaya hinanap nya ito sa crowd..

Pero halos malaglag ang puso nya ng makita na may nakakapit na magandang dalaga sa braso nito..

Tila may kung anong mabigat na kamay ang sumakal sa puso nya at parang kinakapos sya ng paghinga..

"O ano mga totoy?.. Kaya nyo bang bayaran yan?..Ha..!." sigaw ng lalake at pati si Darius ay tinulak na..

Nagkatinginan sina Romeo at Darius..

"Isa pa...".. mahinang sabi ni Darius..

Nagtawanan yung dalawang matangkad na lalake ..

"Aba.. Lalaban pala eh.." tumawa yung nasa likod..

"Lalaban ba?..Baket?..Ha.?.." muling tinulak ng lalake si DArius..

Nagkatinginan ulit ang magkaibigan..

Tumango si Romeo..

Walang sabi sabing sinapak ni Darius sa panga yung matangkad na lalake.. Bulagta ang kapre.. Napasigaw ang crowd..

Akmang tutulong yung nasa likod pero dinuro sya ni Romeo..

"Wag kang magkakamali..Punyeta.." mahina pero madiin na sabi ni Romeo sa lalakeng tutulong sana..

Napaatras ito bigla..Nasindak..

Akmang tatayo ang matangkad na lalake pero nilapitan sya ni Darius at lumuhod sa harap nito..

"Sorry talaga kuya.. Yung bayad sa hood.. Paki kwenta na lang po at pakibigay sa akin.. Dun mo ko makikita sa kubo sa gitna ng oval.. Sorry po talaga.." taos pusong paghingi ng tawa ni Darius..

Namangha si Aldrin sa nakikita nya..Bigla syang napalapit sa mga kaibigan nya..

"Putsa.. Bakit may ganon?.." sabi ni Aldrin..

Napatingin sina Romeo at Darius sa kaibigan nya..

"Peace pare.. We need peace on Earth...Kasalanan namin.. Kaya dapat kaming mag sorry..Oy gago ka Romeo.. MAg sorry ka rin.." sigaw ni Darius..

"Hala.. Sino kaya yung tumalon?.. Sino kaya yung overweight.. Nakita mo ba nung kami ni Hannah ang nakaupo?..Parang wala lang.. Eh nung ikaw na?.. Lumundo.. Tabatsoy.. !.." pang aasar ng kaibigan nya..

Nagtawanan ang magkakaibigan..

Naasar yung matangkad na lalake at iinot inot na tumayo.. Tinitigan nya lang ng masama ang magbabarkada at pati kotse nya.. Bigla syang nagwalkout..

"Asan si Hannah?.." tanong ni Aldrin..

Napalingon din sina Romeo at Darius..

"Hala.. NAwala?..Baka nakidnap!..Hannaaaahhhhh.." sumigaw si Romeo ng ubod ng lakas..

Nagtawanan yung mga tao na nanunuod sa kanila..

Binatukan ni Darius si Romeo..

"Gago.. Ayun oh." turo nya..

Nakita nilang naglalakad si Hannah papuntang kubo..

"Nang iwan?.. Tangna yang syota mo pare.." pang aasar ni Romeo kay Aldrin..

NAgtaka din ang binata..

"Ay.. Girlfriend mo?." tanong ni Jasmine..

Tila nahimasmasan si Aldrin at napatingin sa dalaga na nakakapit sa braso nya..

Napatingin din sina Romeo at Darius..

NAgkatinginan sila at pasimpleng naglakad na at sumunod kay Hannah.

"Babaero ka mare.." bulong ni Romeo pero abot naman sa pandinig ni Aldrin..

"Tomo!.. Salawahan.. Kaya ikaw babes...Wag kang manglalalake ha?.." lambing ni Darius at humilig pa sa balikat ni Romeo..

Magkaholding hands silang sumunod kay Hannah..

NAtawa si Jasmine at Rhon pero tahimik lang si Aldrin..

Tila nagliwanag ang kanyang pagkatao..

"Nagseselos sya.." bulong ng binata..

"Sorry.. Nagalit ata GF mo.." sabi ni Jasmine..

Tumikhim si Rhon.

"Guys.. NAgtext na baby ko... Kitakits..." paalam ni Rhon..

Kumaway lang sina Aldrin at Jasmine..

"Tara.. Pakilala kita sa kanila.." nakangising sabi ng binata..

Napakunot naman ang noo ni Jasmine..

Kinuha ni Aldrin ang kamay ng dalaga at sinabit sa braso nya..

Napangiti ang dalaga at naglakad na sila papunta sa kubo..

Kinilig..


Sa kubo naman ay pasalampak na naupo si Hannah sa trono ni Aldrin..

NAgtaka sina Rhoi at Krissia na abala sa paglalaro ng hangaroo sa computer..

"Problema sis?.." tanong ni Krissia..

Di sumagot ang dalaga at todo simangot lang..

Tawa tawang pumasok sina Romeo at Darius..

"Gago.. Soplak yung ungas eh.. Akala ko hahalikan mo.." tawa ng tawa si Romeo..

"Yucks.. Ang baho nga eh.. Amoy pawis..Pero macho pre.." biro ni Darius..

"Yeah.. Nakakalibog.." sakay ni Romeo..

NAgtawanan silang dalawa na parang wala ng bukas.

Todo simangot pa rin si Hannah..

"Hi hi.." bati ni Aldrin..

Nagulat ang grupo dahil may kasama ang kaibigan nila..

"Hi hi.." bati ni Rhoi..

Tahimik lang si Hannah ... Pakiramdam nya uusok na ang ilong nya sa galit..

"Hi mo mukha mo.." bulong nya sa sarili..

Sinulyapan ni Aldrin si Hannah at binati..

"Hi.. Ganda mo today ah.." bati ng binata..

Ngumiti lang ang dalaga..Pero pasimple syang umismid..

"Ay !.. Guys.. Si Jasmine.. Friend of mine.." pakilala ni Aldrin..

Nagkatinginan ang tatlong alas..

Si Krissia tinabihan si Hannah at masama ang tingin kay Aldrin..

"Nice Meeting you all.. Wag mo na ipakilala Al.. Kilala ko na kayong apat.. Except for the two lovely ladies here.." biro ni Jasmine..

Pero di tumawa sina Hannah at Krissia..

"Al?.. Kelan pa naging Al ang name nyang kumag na yan?.. " mahinang sabi ni Hannah..NAg aapoy ang mga mata nya na nakatitig kay Jasmine.

Natawa si Krissia ng palihim...

Tumabi si Romeo kay Rhoi..

"Lovely daw pare.. Dapat dinugtungan nya ng terror.. Terror yang dalawang yan di ba?.." bulong ni Romeo kay Rhoi..

NAghagikgikan sila at biglang lumingon sa kanila si Krissia..

"Ahm pare. .. Yung laro sa PSP mo ang ganda ah.. Anu nga ulit yon?..." biglang segway ni Rhoi..

Pero nag maang maangan si Romeo..

"Weh.. Sabi mo ang ganda ni Jasmine>?.. WAg kang mag deny pare.. WAg mo kong gawing sinungaling..Sabi ni Mom bawal ako mag sinungaling.. Muntik na nga akong ipadala sa seminaryo dahil nga saksakan ako ng kabaitan..Tsk tsk.." napapailing pa si Romeo at lumayo kina Rhoi at Krissia..

Natulala si Rhoi ..

Napatingin sya kay Krissia.. Lalo syang natakot ng makita ang ngiti nito..

"Diyos ko po.. Gago ka Romeo..Makakabawi din ako.......And now... The end is near.. And so I face.. The final curtain... huhuhu.." bulong ni Rhoi..

Si Hannah ay kanina pa gustong sabunutan si Jasmine.. Gusto nyang alisin ang matamis na ngiti nito sa magandang mukha..

"Grabe.. Ang ganda ganda pala dito sa loob.. Napaka cozy at mahangin sya.. Azteg talaga.. Phew...PAra akong nakapasok sa ibang mundo.." bilib na bilib na sabi ni Jasmine..

NAgtawanan lang ang tatlong alas pero di makatawa si Rhoi..

"Bitch.." bulong ni Hannah..

"What?.." tanong ni Aldrin..

"Wala!.." singhal ng dalaga..

"Aba.. Galit ka?.." tanong ng binata...

"Di noh.." nakangiting sabi ng dalaga..

NAgkatitigan silang dalawa..

Biglang nailang si Jasmine..

"A-ahm.. Guys.. I have to go na pala.. MAy next subject pa ako .. Nice to meet you all guys.. Salamat sa pagpapatuloy nyo.. Sana sa uulitin.." paalam ng dalaga..

"Buhbye.. Muah muah.." sabay na pamamaalam ni Darius at Romeo..

Akmang kakaway si Rhoi pero biglang tumabi sa kanya si Krissia..

"Ay.. TAra hatid kita.." sabi ni Aldrin..

Tila lalong nagwala ang pakiramdam ni Hannah..

"Bwisit.." bulong nya..

"What?.." nakangiting tanong ni Aldrin..

"Sabi ko bilisan nyo at mag bebell na.." sigaw ng dalaga..

Tumawa lang si Aldrin at inakay na si Jasmine palabas ng kubo..

Nagkatinginan sina Romeo at Darius..

"LQ pre.." bulong nila..

Naghighfive silang dalawa pero biglang lumingon si Hannah sa kanila na masama ang tingin..

"May pasok pa pala ako.. See yah.." biglang banat ni Romeo..

"Wag mo kong iwan mare.. Sasama ako sayo.. NAngako ka na di tayo mag hihiwalay !.." sigaw ni Darius at sumunod kay Romeo..

Masamang masama ang loob ng dalaga..

Nakatulala lang sya na nakatingin sa papalayong sina Aldrin at JAsmine..

Selos na selos ang pakiramdam nya..


Hinatid ni Aldrin si Jasmine sa klase nito..

"Uy thanks ah.. Next time na lang..Sayang di na tayo klasmeyt.." sabi ng dalaga..

Hinalikan nya sa pisngi si Aldrin at pumasok na..

Ngiting ngiti si Aldrin ng bumaba sa building ..

Nakasalubong nya si Darius at Romeo..

"Oy.. Papasok kayo?.." tanong nya..

"Ay hindi... LAlabas kame.. Obvious ba na papasok kame sa klase namen?.. Hiyang hiya naman kame sayo noh.." banat ni Romeo..

Binatukan sya ni Aldrin..

"Oy gago ka.. Anung ginagawa mo .." tanong ni Darius..

"Baket?.." painosenteng tanong ng binata..

Nakangiti pa rin sya...

"Sus.. PAra kang bata.. " sabi ni DArius.

"Haha.. Ang cute nyang magselos pare.. " sabi ni Aldrin..

"Gago.. Baka masobrahan yan.. Alam mo ba ginagawa mo?.. Baka lumayo sya sayo.." pangaral ni Romeo..

"Di naman siguro.. Tinesting ko lang.. Epektib !.." pagyayabang nya..

"Ah bahala ka.. Malaki ka na.. Dyan na kayo at mag aaral pa ako.. Someday I will be a great lawyer.. Noone can defeat me.. BWAHAHAHAHA...Attorney no Lose.. BWAHAHAHAHA.." tumawa si Romeo ng ubod ng lakas dahilan para mapatingin sa kanya ang mga taong nag dadaan..

"BWAHAHAHAHAHA..Nagugutom ako..BWAHAHAHAHAHA" sumabay si DArius at naghiwa hiwalay na sila..

Napailing na lang si Aldrin..

"Parang mga siraulo.. Pero talagang epektib ..Buti na lang tinesting ko..BWAHAHAHAHAHAHAHA.." sigaw nya..

Nagtawanan ang mga nasa paligid nya pero tawa pa rin sya ng tawa na parang wala ng tomorrow..

"BWAHAHAHAHAHAHA.. !." ulit ng binata..


ITUTULOY !!!

Posted in: Romance