1. Home
  2. Stories
  3. Fuck Fianceé: The One (that got away)
Filipino Sex Stories

Fuck Fianceé: The One (that got away)

12 minutes
Part Ten: The One (that got away)

Lahat tayo mayroong isang taong espesyal sa buhay natin. Isang taong bigla na lang darating sa buhay natin, total stranger pero hindi natin aakalaing mamahalin natin ng lubos. Hanggang sa dumating tayo sa punto na hindi na natin kayang mabuhay ng wala sya sa piling natin.

One Great Love.

Yung iba maswerte pagkat may pagkakataon silang makasama ang The One nila habang buhay. Ganoon man kasimple pero sigaradong maraming bagay na rin silang napagdaanan at napagtagumpayan.

Ngunit paano kung ang One Great Love mo ay sya rin ang greatest pain mo? Paano kung hindi kayo pinagbigyan ng tadhana na magkasama? Paano kung matapos ninyong mahalin ang isa't-isa humantong lang kayo sa hiwalayan?

Paano kung naghiwalay kayo ng One Great Love mo pero sa kabila nito ayaw nyo pa ring pakawalan ang isa't-isa?

The One whom stuck within your heart...

Naranasan mo na bang magmahal ng higit pa sa buhay mo?
Naranasan mo na bang magmahal ng walang dahilan? Yung tanong na bakit mo sya mahal, ano bang ginawa nya at ganoon na lang ang hangarin mong makuha sya? Yung tanong kung bakit mo sya pinapangarap at ayaw mong mapunta sya sa iba?

Pagbalik ko sa Club, nadatnan ko si Angie na may ka-table. Marami silang nakapaikot sa mesa, puro mga lalaki at si Angie lang ang kaisa-isang babae sa mesa nila. Nakatayo ako sa tabi ng pinto. May kalayuan mula sa pwesto nila kaya hindi ako napapansin ni Angie.

Pero ako...

Ako, kitang-kita ko sila...

Tanaw na tanaw ko kung paano nya landiin ang guest nya. Nakaakbay pa talaga sa kanya ang mokong na balbasarado at aliw na aliw silang nagtatawanan.

Gusto kong masaktan....

Gusto kong maluha....

Pero paano? Pareho lang kami. Ako, kagagaling lang kay Mabel, nakipagtalik para lang sa pera.

Oo para lang sa putanginang pera...

Tulad ni Angie na nakikipaglamungan din para lang sa pera.

Shit gusto ko nang maiyak!

Fuck!

Ito nga ba ang one great love ko? At si Angie ba talaga ang The One ko?

Naluluha na ako. Hindi ko na kaya pang panoorin si Angie na may kayakap na iba. Okay sige tanggap ko trabaho nya pero huwag naman sa harapan ko.

Pumanhik ako sa taas, doon sa opisina ni Boss. Gusto ko syang makausap, gusto ko nang gawin ang isang bagay na matagal ko nang balak gawin.

Sa ikatlong katok pinagbuksan nya ako ng pinto,"Oh pogi ikaw pala, pasok!" pinatuloy nya ako at pinaupo sa tapat ng table nya.

"Ang bilis mo naman?" tanong nya nang magkaharap na kami, "Halos dalawang oras ka lang nawala ah!"

"Ah, nagmamadali kasi si Mabel Boss, sya mismo ayaw magtagal kami sa hotel na yon."

"Ganoon ba? So anong sadya mo? Hindi ka ba binayaran?"

"Ah hindi yon Boss. May hihilingin lang po sana ako sa inyo."

"Kahit ano pogi!"

"Kung pwede po sana babalik muna ako sa pagiging Bouncer, at si Angie bilang waitress... Bago man lang sana kami umalis."

Napakunot kilay si Boss, "Umalis? Hmm... Okay lang sa akin yan, alam mo naman na hindi kita pipilitin, kahit yung iba hindi ko pinipilit magtrabaho dito,pero bakit pa kayo aalis?"

"Gusto ko na po sanang magbagong-buhay Boss, gusto ko na ng tahimik na buhay."

"So ayaw mo na sa ganitong buhay?"

"Hindi naman po sa ayaw, gusto ko lang ng mas maayos at mas magandang buhay."

Panandalian syang natahimik. Hindi ko alam kung anong iniisip nya pero sa hitsura nya, tumamlay sya at nalungkot, "Okay..." huminga sya ng malalim, "Hindi ko alam kung ano ang magandang buhay para sayo, pero kung hindi ka na masaya dito, hindi naman kita pipigilan kung desidido ka na umalis. At kung sakaling babalik kayo, welcome na welcome pa rin kayo dito."

Mabuti na lang at maganda ang kinalabasan ng naging usapan namin ni Boss. Ayoko din naman silang iwan basta-basta, at desidido na talaga ako sa pasya ko. Ang inaalala ko lang si Angie, nagdesisyon akong mag-isa, ewan ko lang kung papayag sya.

Unfair nga ba ang mundong ito? May pinapaboran nga kaya ang tadhana? At tayo nga ba talaga ang may hawak sa sarili nating kapalaran? Tayo ba talaga ang gumagawa ng sarili nating problema, at tayo din ba ang tanging makakalutas nito?

Masakit isiping minsan pinaglalaruan tayo ng buhay. Paikot-ikot ang mga katanungan, mapaglinlang na kasagutan, walang katiyakan ang bukas. Sana lang totoo na walang pagsubok ang hindi kayang lampasan.

Ngunit paano kung ang inaakala mong pagsubok eh parusa pala? Paano kung ang lahat ng dagok at bagyo sa buhay mo na iyong pinagdadaanan ay kabayaran lang pala sa lahat ng iyong mga nagawang kasalanan?

Nagkakamali din kaya ang kasalanan? Paano ko haharapin ang isang bagay na hindi ko man lang alam ang puno't dulo, hindi alam ang pinag-ugatan?!

"Oh! Nandyan ka na pala Hon. Kumusta yung client mo ha?"

Nagulat pa ako kay Angie nang bigla syang sumulpot sa aking likuran. Nagpapahinga ako sa office ni Boss habang hinihintay ko sya.

"Hum okay lang. Eh yung guest mo umalis na ba?"

Tumabi sya sa akin at niyakap nya ako, "Oo. Tagal nga umalis eh! Ano, uwi na ba tayo?"

Feeling ko napakabigat ng puso ko, pero hindi ko tiyak kung ano nga ba talaga ang dinadala ko. Medyo nakakalito itong mga nangyayari sa akin nitong mga nagdaang araw, buhat noong makilala ko si Lea.

Makakaya ko kayang iinterrogate si Angie? Sa ngayon sya lang ang naiisip kong susi sa mga kaganapan sa aking buhay, pero ayaw ko naman syang biglain at masaktan.

Sa puso't-diwa ko alam kong mahal ko si Angie. Mula noong mamulat ako sa ospital hanggang sa mga oras na ito alam kong mahal ko talaga sya, at sa sarili ko siguradong pag-ibig ang nararamdaman ko.

Ang problema, si Lea.

Ginugulo nya ang damdamin ko. Hindi sya matanggal sa isipan ko. Hindi ko malimutan yung sinabi sa akin ni Mabel na Past Lover ni Lea. Ewan ko kung bakit nagaassume ako na ako yon. At yung pressumtion ko na may ugnayan ang mga buhay namin.

Hanggang makauwi na kami ni Angie sa apartment ito pa rin ang nasa isipan ko.

"Huy! Okay ka lang? Ba't ang tahimik mo?" nakahalata na si Angie.

Nakaupo ako sa tapat ng dining table namin habang sya nakatayo sa tabi ko at abalang sinasalinan ng mainit na tubig yung binili naming instant ramen. Tinakpan nya ito at nagkausap kami habang hinihintay maluto yung noodles.

"Ah. Wala, may iniisip lang ako." tugon ko, at ang iniisip ko talaga ngayon eh yung isasagot ko kapag nagtanong na sya kung ano ang iniisip ko.

"Ano naman iniisip mo?" kitam!

"Yung...ano..." buti na lang naalala ko yung Ampunan, "Yung sa ano-sa Ampunan. Kailan ba tayo pupunta ha?"

"Ah yun ba... Huwag kang mag-alala, nagpa-booking na ako sa airlines. Sa makalawa aalis na tayo." sagot nya pero sa tema nya halatang malungkot sya.

"Salamat ha?"

Pagkakataon ko na ito para malaman ang tunay na pagkatao ko at kung may ugnayan ba talaga kami ni Lea.

Mahirap paniwalaan na nagkataon lang na pareho ang mga probinsya namin, at magkababayan pa talaga. Doon sa Bohol tiyak na marami akong matutuklasan. Sa ampunan kung saan ako nanggaling at sa mga kaanak ni Angie. At pagdating ko doon, hahanapin ko ang Hacienda nina Lea.

"Ahm, Hon, may gusto sana akong sabihin sayo eh."

Nagulat ko ata sya at napatingin sya sa akin, "Ano?"

"Kanina nagpaalam na ako kay Boss..."

"Nagpaalam?! Para saan?"

"Nagpaalam ako na aalis na tayo."

Napatindig sya, muntik pang matapon ang laman ng hawak nyang mangkok, "Tayo? Aalis? Saan naman tayo pupunta?"

"Aalis na tayo sa Club. Hindi ba napag-usapan na natin ito?"

"Teka! Teka! Ang ibig mo bang sabihin, pag-uwi natin sa Bohol hindi na tayo babalik dito sa Maynila?"

Tumango lang ako, at inihanda na ang sarili ko sa mga susunod nyang sasabihin. Siguradong magagalit sya at kukomprontahin ako sa naging biglaang desisyon ko.

Nanlalaki ang mga mata nya at parang natitigilan pa sa paghinga. Mga ilang segundo rin syang natahimik bago nakapagsalita, "Tsk!" huminga sya ng malalim, "Okay!"

"Okay? Sure?"

Sang-ayon sya sa plano ko? Ang buong akala ko magagalit sya.

"Oo na! Ang totoo matagal ko na rin gustong umalis sa ganitong trabaho eh. Handa na akong magbagong buhay. Handa ko nang harapin ang lahat."

Nagtaka ako sa huli nyang sinabi, "Harapin ang lahat?" mapangintrigang tanong ko.

"Oo harapin ang lahat. Harapin ang lahat ng pagsubok na maaaring mangyari sa atin sa Bohol."

"Pagsubok?" muli kong tanong. Ang nasa isip ko kasi, mga pagsubok tungkol sa katotohanan sa nakaraan ko.

"Ano ba?! Ba't ganyan ka makatanong? Pagsubok, kase hindi natin alam kung anong buhay ang naghihintay sa atin sa Bohol. Sinasabi ko sayo, kung mahirap ang buhay dito, mas mahirap ang buhay doon."

"Ah ganoon ba..." Akala ko naman kung ano na, "Hindi. Mali ka... Kahit kailan hindi ko naramdaman ang hirap, kahit isang kahid, isang tuka tayo, masaya pa rin ako dahil kasama kita..."

Napangiti sya, "Ako rin naman, kahit anong pagdaanan natin basta kasama kitang humaharap sa lahat ng problema, nagiging okay ang lahat, nalalampsan natin, pero tanggapin na natin ang reyalidad na kailangan pa rin natin ng pera, lalo na mukhang desidido ka na talagang bumuo ng pamilya."

Woah! Teka! Bumuo ng pamilya?

Ang totoo wala pa sa isip ko ang magkaroon ng anak. Ang hindi alam ni Angie, gusto kong mag-stay sa Bohol dahil gusto kong malaman ang buong katotohanan sa pagkatao ko, at hindi para bumuo ng pamilya.

Kinabukasan maaga akong nagising. Siguro dahil sa dami ng iniisip ko, pagmulat pa lang ng mga mata ko gising na gising na ako. At ang unang mukha na rumehistro sa isip ko, ang mukha ni Lea.

Naalala ko na ngayon pala ang araw ng kasal nya. Mamayang hapon ikakasal na sila ni Marlon.

Ang totoo gusto kong pumunta sa kasal nya, at gustong-gusto ko talagang makita si Lea. Naaawa ako sa kanya dahil pakakasalan nya ang isang taong hindi naman talaga nya mahal.

Sino ba kasi yung 'The one that got away' nya? At nasaan na sya sa mga oras na ito? Bakit hindi nya hinanap si Lea? At bakit sya itinatago kay Lea?

Muli kong ginunita ang lahat ng mga katanungan ko sa aking isipan. At para hindi ko ito madaling malimutan, kumuha ako ng papel at ballpen atsaka ko ito isinulat;

1. Ano ang tunay na dahilan kung bakit ako nagka-amnesia?
2. Orphan child ba talaga ako?
3. Sino si Lea?
4. Bakit kilala ni Angie si Lea?
5. Sino ang One Great Love ni Lea?
6. Ano ang lihim ni Marlon at ng Mama nya?
7. Ano ang kaugnayan ko kay Lea?

Marami pang mga katanungan sa isipan ko na gusto kong isulat pero biglang nagising ang katabi ko sa kama na si Angie kaya mabilis kong itinago sa ilalim ng unan ko ang papel at ballpen.

"Good morning Hon!" sabay halik nya sa pisngi ko. Mukhang hindi naman nya nahalata na may itinago ako.

"Hon, samahan mo naman ako mamaya sa Mall, mamimili lang ako ng mga kakailanganin natin bukas sa pag-alis natin papuntang Bohol." sambit agad nya.

"Huh? Mamaya? Anong oras?"

"Hum. Siguro mga 2pm."

"Pwede bang ngayong umaga na lang? Eh kase nga diba ngayong araw yung kasal ni Lea, mamayang 3pm kasi yun eh." diretsahan kong tugon.

Tumalim ang mga mata nyang nakatingin sa akin, "L-lea?-si Lea?!"

"Oo. Yung kliyente ko noon na nagbigay sa akin ng invitation? naalala mo?"

Mixed emotion ang nakikita ko sa mukha nya, worried na irritated, empty mind, full of hezitations, "Bakit, may balak ka bang pumunta?"

"Bakit, hindi ka ba sasama?" tinapalan ko tanong nya.

"Ah... Um... Bakit ka pa pupunta eh hindi mo naman sya kaano-ano? Kliyente mo lang naman sya diba? Mas importante pa ba yang kasalan na yan kesa sa paghahanda sa flight natin? Bukas na alis natin, baka magahol tayo sa oras."

Maliwanag na maliwanag sa akin na ayaw talaga nya akong apuntahin sa kasal ni Lea. Sa ginagawa nya lalo ko lang ninanais na pumunta. At gusto kong malaman kung bakit nya kilala si Lea dahil sigurado akong kakilala nga nya ito.

"O sige, sasamahan na lang kita mamaya." sabi ko kay Angie. Sasamahan ko sya pero ang totoo isasama ko sya ng sapilitan sa Simbahan kung saan ikakasal si Lea.

Kinahaponan, around 2pm. Nakadama ako ng kaba dahil sa kakaisip na lolokohin ko si Angie. Ang alam nya sa mall ang punta namin pero sa Simbahan ko sya ididiretso. Kung masaktan man sya sa gagawin ko, patawad pero kailangan ko na talagang gawin ito.

Hinahanda ko na motorsiklo ko nang datnan ako ni Angie sa labas, "Teka! Magmomotor tayo?" tanong nya.

"Oo."

"Eh paano natin madadala yung bilihin? Sus! Magcommute na lang tayo, hindi natin masasakay sa single yun."

Patay! Mukhang hindi pa matutuloy plano ko ah! May punto sya, at bakit ba hindi ko ito naisip kanina? Mapapasubo tuloy akong samahan sya, at mukhang hindi ko talaga sya madadala sa Simbahan dahil ibang ang ruta ng sasakyan naming jeep.

"Angie, ang totoo nyan..." wala na akong ibang maisip kung hindi ang umamin, "-ang totoo nyan didiretso sana tayo sa kasal ni Lea..."

"Huh? ano kamo?" bigla syang nagalit, "Yang kasal na naman? Lea na naman? Ano bang meron sa babaeng yon at gustong-gusto mong pumunta sa kasal nya?"

Ewan ko ba kung bakit biglang tumaas ang prisyon ko at naginit ang ulo ko, "Dahil alam kong parte si Lea sa nakaraan ko!" bigla kong naisigaw kay Angie.

Parang nasindak sya sa sinabi ko, heto na naman yung mix emotion nyang mukha, "Ang sabihin mo may gusto ka lang sa babaeng yon kaya ka nagkakaganyan!"

"Hindi totoo yan!"

Tumulo ang luha nya, sa isang iglap lang humahagulgol na sya sa iyak, "Sige! Sige! Pumunta ka sa pesteng kasalang yon, pero sinisiguro ko sa iyo na wala ka ng Angie na babalikan pa dito, dahil sa oras na puntahan mo ang babaeng yon, aalis na ako and I swear to gad na hindi mo na ako makikita kahit kailan!"

"Aba! Ba't ka ba nagkakaganyan ha? Dadalo lang naman ako ng kasal ah? Pwera na lang kung may nililihim ka sa akin!"

Hindi nya ako sinagot, bagkus pumasok sya sa loob ng bahay at bago nya isinara ang pinto muli nya akong hinarap, "Sige pumunta ka sa kasal ni Lea, sisiguraduhin kong wala ka nang babalikan dito dahil magpapakamatay ako kapag ginawa mo yon!" sabay bagsak sa pinto na halos magiba na.

Napaka-paranoid nya!

Tingin ko sa mga mata nya parang takot na takot talaga syang pumunta sa kasal ni Lea, nagawa pa nya akong iblackmail na magpapakamatay daw sya. Wala tuloy akong choice. Kapag iniwan ko sya baka kung ano pa ang gawin nya sa sarili nya, lalo na sya lang magisa sa bahay at napakaemosyonal pa.

Parang akong nanlambot. Nasasaktan na ako sa mga nangyayari. Napaupo na lang ako sa simento at hindi pa agad namalayan ang pagtulo ng luha ko.

Napaiyak ako. Napakasakit ng nararamdaman ko pero hindi ko maunawaan ang sarili ko kung bakit ako nasasaktan. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko.

Gusto kong sumigaw!

Gusto kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko para sa mundong ito!

"Fuck!!!"

Narinig ata ni Angie ang pagtangis ko kaya muli nyang binuksan ang pinto. At nang makita nya akong nakaupo sa simento, luhaan at umiiyak, nilapitan nya ako at niyakap ng mahigpit

Mahigpit na mahigpit...

"S-sorry Angie..." hindi ako makapagsalita ng maayos.

"S-so-rry din H-hon ko..." maging sya nasasakdal sa iyak, "Sorry, nakalimutan kong may amnesia ka pala..."

One Great Love.
Hindi ko tiyak kung meron ako nyan pero isa lang ang natitiyak ko sa ngayon, na ako...ako ang One Great Love ni Angie.

>>>>>
Posted in: Romance