Elemento - Part 13
Si buwi naman ay kumuha na rin ng makakain niya at muling bumalik sa kanilang mesa.
Walang pang ilang saglit ay nasa likod na naman ni buwi ang apat na bata.
Kuya principe, pwede kami diyan sa mesa niyo? Eto na yung food namin ohh, sabi ng isang batang diwata.
Agad naman tumayo si jessa, joy, Trisha at cee. Kinalong nila sa upuan ang bawat bata habang kumakain.
Kuya Principe, bakit yung food mo kaunti lang, ikaw yata yung baby. Tanong ng batang tikbalang.
Oo nga kaunti lang yung nasa plate niya, sa atin marami, sabat pa ng isa.
Alam niyo mga bata, ang kuya principe niyo kaunti lang talaga kumain para pumogi, sagot ni jessa sa mga bata.
Talaga po? Inosenteng tanong ng batang tikbalang.
Kaunti nalang din kakainin ko para gumanda ako.
Ako din.
Ako din, sunod sunod na sabi ng mga bata.
Mga bata, si kuya Principe malakas siyang kumain nung bata pa siya, ngayon lang yan ganyan, kaya dapat ubusin niyo na yang pagkain niyo, pang uuto naman ni joy.
Agad naman napaniwala ni joy ang mga bata kaya inubos na ng mga ito ang laman ng plato nila.
Kuya principe, asawa mo po ba lahat Sila? Tanong ng batang diwata.
Ahh hindi wala pa akong asawa. Sagot ni buwi
Talaga po? Alam mo kuya Principe crush ka ng tita ko..
Yung ate ko crush ka rin.
Ate ko rin.
Pinsan ko rin.
Sunod sunod na namang sagot ng mga bibong bata.
Talaga!? Nasan ba mga ate at tita niyo? Pwede ko bang makilala? Banat ni buwi.
Mabilis na nagtakbuhan ang mga bata upang hanapin ang mga ate at tita nila, subalit sa table nila buwi ay selos ang namayani kila jessa, Natalia at Wendy na pawang may gusto rin kay buwi.
ilang saglit pa ay hila hila na ng mga bata ang kani kanilang ate at tita.
Kuya Principe eto po ate ko, sabi ng batang diwata.
Hello ako si buwi, sabay abot ng kamay.
Ako si luntian, isang diwata na medyo may kalakihan ang suso, maputi at maganda ang muka, matangkad at sexy.
Kuya pricipe ate ko rin.singgit ng batang tikbalang.
Ako si buwi, Sabay abot muli ng kamay.
Ako si makahiya,. Isang dalagitang tikbalang na may kaaya ayang muka kahit pa may ugat ito ng punong kahoy sa mga kamay at paligid ng katawan ay makikita mo pa rin ang magandang hubog ng katawan.
Excuse me po, kuya Principe ate ko rin, sabi ng batang diwata.
So buwi ang pangalan mo, ako si danaya, sabay abot ng kamay kay buwi.
Mukang mataray ang muka nito, matalim ang bawat tingin subalit kagaya ng mga naunang dalagita ay maganda rin ito at sexy.
Kuya principe eto po si tita, sabi ng batang tikbalang.
Kakaiba ang dalagitang ito walang bakas sa katawan niya ang pagiging tikbalang, sa unang tingin ay mapapagkamalan mo lang itong highschool student, maliit ito, morena singkit ang mata ngunit kulay asul ang lood ng mata nito.
Ako si Miracle, mira nalang for short, half tikbalang half diwata. Pakilala nito sabay abot ng kamay kay buwi.
Matapos makilala ni buwi ang lahat ay pinakilala naman niya ang mga kaibigan niyang taga gabay at pati na rin ang kapatid niyang si wendy, subalit bigla na lamang nakarinig si buwi ng pagdadabog sa kanilang mesa, tumayo si Natalia at lumakad pabalik sa kanyang silid, halatang namayi sa dalaga ang matinding selos, si jessa at Wendy naman ay hindi pinahalat ang nararamdaman selos hinarap pa rin nila ang mga dalagita na kasama ni buwi.
Ohh nagalit yata ang nobya mo, sabi ni luntian.
Huh! Hindi baka masakit lang ang tiyan, inom nalang tayo nainom ba kayo? Banat ni buwi.
Sumang ayon naman ang apat na dalagita at pitong taga gabay.
Ang mga bata naman ay naglaro na lamang sa hardin ng palasyo.
Masayang nag inuman ang lahat ng naroon sa loob ng palasyo, lahat din ng dalagitang kasama ni buwi ay naisayaw niya.
Subalit ang ipinagtataka ni buwi ay kanina pa niya Hindi nasisilayan si mayumi na isang diwatang mandirigma.
Binalewala na lamang ito ni buwi at nagpatuloy sa kasiyahan na nagaganap sa kanilang palasyo.
May kasibihan ang mga matatanda sa mundo, NA BAWAT LALAKING BABAERO AY MAY ISANG BABAENG NAKALAAN UPANG MAKAKAPAGPATINO SA LALAKING ITO.
isang babae na nakaupo sa isang sulok ng palasyo ang pumukaw sa atensyon ni buwi, nakasuot ito ng kulay pulang drees na off shoulder, morena, makinis makintab ang mahabang buhok at taglay nito ang napaka among muka na mistulang hindi makakagawa ng kasamaan.
Matagal itong pinagmasdan ni buwi, kakaibang dagundong sa dibdib ng binata ang kanyang nararamdaman, napaka liwanag sa mga mata ni buwi ng dalagitang ito. Naputol lamang ang pagkakatitig ni buwi ng may bumulong sa kanyang tenga.
Gusto mo ba siyang makilala anak? Sabi ni kidlat na nakapwesto sa likurang bahagi ni buwi.
Nilingon ni buwi ang ama at wala sa sariling tumango.
inakbayan ni kidlat ang anak at inakay ito papalapit sa kinalalagyan ng dalagita.
Bawat hakbang ni buwi ay lalong lumalakas ang dagundong sa dibdib nito at tila nanlalamig pa ang pakiramdam ni buwi.
ilang hakbang pa ay nakalapit na ang mag ama sa kinauupuan ng dalaga.
Nang makita naman ng dalaga ang hari at Principe ay agad itong tumayo bago lumuhod upang magbigay ng paggalang sa mga ito.
Iha tumayo kana, sabi ni kidlat.
Salamat po mahal na hari, wika ng dalaga.
Lahat ng nilalang sa palasyo ay nakatuon ang atensyon sa mahal na hari habang kaharap ang dalagitang napupusuan ng kanyang anak na si buwi.
Iha sino ang iyong mga magulang? Tanong ni kidlat.
Ang aking ina po ay si sierra isa pong diwata, ang aking ama po ay si lorkan kanang kamay niyo po mahal na hari, Nakayuko sagot ng dalagita.
Mula ngayon hindi mo na kailangan lumuhod kapag nakikita mo ako, karapat dapat ka mabigyang ng isang pagkilala. Sabay lapat ng hintuturo ni kidlat sa noo ng dalagita at ginuhit ni kidlat ang krus na tanging tanging tatak ng pagpapala na iginagawad sa bawat nasasakupan ng palasyo ni kidlat.
Magliwanag ang noo ng dalagita at lahat ng nakasaksi ay napuno ng inggit at katanungan kung bakit ginawaran ng mahal na hari ang dalagita ng tatak ng pagpapala.
Agad naman lumapit si lorkan at sierra sa kanilang anak at nagpasalamat sa binagay ng mahal na hari.
Lorkan maari ko bang malaman ang pangalan ng inyong anak!? Tanong ni kidlat.
Si buwi naman ay halos mapatalon na sa kasabikan na makilala ang dalagita.
Magsasalita pa lamang si lorkan ng biglang bumulusok papasok sa loob ng kastilyo ang napakaraming uwak, lahat ito ay may dalang papel na kanilang paa na ibinagsak sa loob ng kastilyo.
Lahat halos ng nilalang na naroroon ay dinampot ang papel at binasa ang mensaheng nilalaman nito.
Tatlong araw mula ngayon, sa gitnang bahagi ng kagubatan, bago lumubog ang pangatlong araw, nais ko makipagtuos na sayo mahal kong kapatid, lahat ng mga kawal mo ay isama mo dahil, dahil ang digmaang ito ay magtatakda kung sino ba sa ating dalawa ang nararapat na mabuhay at mamahala sa mundo.
Raido–
Lahat ay nagimbal at natakot sa kanilang nabasa, may mga napaluha at napaupo na lamang sa kinatatayuan nila.
Si buwi naman ay hindi man lang binasa ang mensahe, dahil ang atensyon niya ay nasa dalagita pa rin na kaharap niya.
Napansin naman agad ng dalaga ang pagtitig sa kanya ni buwi kaya binigyan niya agad ang binata ng isang matamis na ngiti.
Ang bawat nilalang sa loob ng palasyo na dumalo sa kasiyahan ay nagimbal sa nilalaman ng mensahe na ibinagsak ng mga uwak, ang saya ay napalitan ng takot at pangamba, wala ng may gusto pa sa kanilang magsaya ng gabing iyon maliban kay buwi.
Wala siyang pakialam sa nalalapit na digmaan dahil ang kanyang atensyon ay nasa dalagitang nakasuot ng kulay pulang bistida.
Matapos ngitian si buwi ng dalaga ay lumakad ito palabas ng kastilyo.
Sinundan naman agad ito ng binata.
Nakarating ang dalagita sa hardin ng palasyo, lingid sa kaalaman ni buwi malakas ang pakiramdam ng dalagita, alam niyang sinundan siya ni buwi.
Tumigil sa paglalakad ang dalaga sa gitnang bahagi ng Hardin, sabay harap kay buwi.
Ang binata naman ay Hindi malaman kung ano ang sasabihin sa napaka gandang dalaga sa harapan niya.
Ikaw si Principe buwi diba, tanong ng dalaga.
Huh!? Ano kasi!? Paano mo ako nakilala? Nabubulol na tanong ni buwi.
Wala namang hindi nakakakilala sayo dito, anak ng amang haring kidlat at reyna ng aming lahi na si inang Martha. May ipag uutos po ba kayo sa akin? Mahal na Principe. Magalang na tanong ng dalaga.
Ahh ee wala wala, gusto ko lang magpahangin, tyaka makipag usap. Okey lang ba kung samahan mo muna ako dito? Tarantang tanong ni buwi.
Karangalan ko po na samahan kayo mahal na Principe. Sabay yuko ng dalaga.
Ahh teka, diba sabi ni ama huwag kana yuyuko kapag kausap kami, tyaka huwag ng Principe ang itawag mo sa akin, buwi nalang, itrato mo nalang din akong kapwa mo diwata. Okey lang ba? Sabi ni buwi.
Masusunod po buwi, sagot ng dalaga.
Pwede ko bang malaman yun pangalan mo? Tanong ni buwi.
Ako po si Magda, sabay abot ng kamay nito kay buwi.
Malugod naman nakipag kamay si buwi sa dalaga at kakaibang kuryente ang naramdaman ng binata na nagmumula sa mga palad ni magda, isa itong enerhiya, isang mahiwagang enerhiya na tanging kapangyarihan sa mundo ng mga tao, ito ay ang pag ibig..
Tila huminto ang mundo ni buwi ng mahawakan niya ang kamay ni Magda sa unang pagkakataon. Malambot at napakinis ng palad ng dalaga na nakapagpawala sa katinuan ni buwi, malalakas na dagundong sa dibdib ng binata ang tangi niyang naririnig at ang nakikita lamang ng kanyang mga mata ay ang maamong mukha at matamis na ngiti ng isang nilalang na nasa kanyang harapan.
Ahhmp pwede mo ng binatawan yung kamay ko, ang salitang nakapag pabalik ng katinuan ni buwi.
Pasensya na, ano kasi, wala. Sorry talaga. Sagot ni buwi na tila wala pa rin sa sarili.
Napangiti nalang ang dalaga sa inasal ng binata sa kanyang harapan, wala man nakapagsabi sa dalaga ng nararamdaman ni buwi para sa kanya ay batid naman niti na may gusto sa kanya si buwi.
Buwi gusto mong maglibot at makapunta sa aming nasasakupan? Tanong ni Magda.
Sige, saan ba yung sa inyo? Tanong ni buwi.
Tara! Hinawakan ni Magda ang kamay ni buwi at biglang nagliwanag ang buong katawan ng dalaga, sa isang iglap lang at nakarating sila sa isang lugar na malapit sa isang falls. Malinis ang tubig na sumadaloy sa ilog at may malawak na komunidad sa may paanan nito, may mga tahanan dito na mistulang igloo, ang bawat nilalang na naroroon ang may liwanag na taglay sa mga katawan at purong kulay puti lamang ang mga mata.
Lumakad si buwi at Magda sa gitnang bahagi ng komunidad ng mga diwata, marami ang nagbigay galang at bumati kay buwi, hanggang sa makarating silang dalawa sa isang tahanan na mas malaki ng bahagya sa mga tahanan na kanilang dinaanan.
Yan ang bahay ni inang Matha, alam mo may larawan kayong dalawa ng kapatid mo babae sa loob niyan, dati pinagmamasdan ko lang yun, ngayon eto kana kaharap na kita. Sabi ni Magda.
Talaga!? Halika pasok tayo sa loob. Sabi ni buwi.
Huwag! Walang sino man ang maaaring pumasok sa mga tahanan dito kung walang pahintulot ng may ari nito, isa yung batas sa aming komunidad. Paliwanag ni Magda.
Sus! Ee mama ko may ari niyan, ee di sa akin na rin yan, sagot ni buwi.
Si inang Martha lamang po ang tanging makakapag bigay ng permiso sa mga maaaring makapasok sa kanyang tahanan, ganito dito sa amin. Paliwanag ni Magda.
Ay ganon sayang naman. Sagot ni buwi.
May alam pa akong magandang lugar, Tara. Yaya ni magda kay buwi.
Agad naman sumama ang binata kay Magda upang tunguhin ang sinasabi nitong magandang lugar.
ilang minuto rin naglakad ang dalawa sa kagubatan habang magkahawak ang kanilang mga kamay.
ilang saglit pa ay nakarating na ang dalawa sa isang uri ng puno na tanging sa kagubatan lamang ng mga diwata matatagpuan, napaka laki ng punong ito at bawat sanga nito ay nagliliwanag ng kulay puti, ang mga dahon naman ay kulay pula na sa bawat paghampas ng hangin sa punong ito ay may malilit na liwanag ang nalalaglag dito.
Kebra nagast ang tawag namin sa punong yan, mahiwaga siya, dahil siya ang tanging daan upang makausap namin si bathala, dito kami pumupunta kapag nais namin humingi ng kapatawaran sa mga nagawa naming pagkakasala, dito rin kami dumadalangin ng aming mga nais sa buhay. Paliwanag ni Magda.
Galing naman, parang sa mundo namin, simbahan ang tawag sa lugar na maari kang magdasal at manalangin. Sagot ni buwi.
Ganito din? Puno rin yung sinasabi mo simbahan niyo? Tanong ni Magda.
Hindi, para siyang kastilyo na maraming upuan, hayaan mo isasama rin kita sa mundo namin. Sagot ni buwi.
Talaga!? Pangako!? Tanong ni Magda.
Oo pangako, sagot ni buwi.
Salamat huh!? Matagal ko ng gustong makita ang mundo ng mga tao, pero hindi naman ako mabigyan ng pagkakataon ayaw kasi akong pahintulutan ni ama. Malungkot na sabi ni Magda.
Huwag kana malungkot, ako na magpapaalam kay lorkan na isasama kita sa mundo namin. Sabi ni buwi.
Muli ay nasilayan ng binata ang kagalakan sa mukha ng dalaga, lumabas rin sa mukha nito ang tamis ng ngiti ng isang napaka gandang diwata.
Buwi luhod ka dali, kausapin mo si bathala at manalangin ka. Sabi ni Magda.
Agad naman lumuhod si buwi sa paanan ng mahiwagang puno, ang malalambot na ugat nito ay gumapang sa kamay ni buwi paikot sa dibdid niya at paikot muli sa kanyang ulo.
Pinikit ni buwi ang kanyang mga mata at nagsimulang manalangin.
Bathala na lumikha sa mundong ito at lumikha sa mundo ng mga tao, hinihingi ko po ang inyong gabay na sana mas manaig ang kabutihan laban sa kasamaan sa darating na digmaan, wala po sanang buhay na masayang sa digmaang magaganap, maging matuwid sana ang kaisipan ng aming makakalaban upang Hindi na maituloy ang nalalapit na labanan.kayo na po sana ang bahala sa aking mga kasama. Iligtas niyo po sana kami sa kapahamakan. Naway magkaisa ang lahat ng nilalang sa pag protekta ng mundong aming ginagalawan. Muli salamat po amang bathala sa lahat ng biyayang ipinagkakaloob niyo sa akin. Dasal ni buwi.
Nang imulat ni buwi any kanyang mga mata ay nagliwanag ng kulay asul na liwanag ang buong puno, namangha si Magda sa kanyang nasaksihan, dahil ngayon lamang ito naglabas ng ganitong uri ng liwanag.
Batid ni Magda na dininig ng bathala ang dasal ni buwi, subalit hindi ito ipinaalam ng dalaga kay buwi.
Unti unti namang kumalas ang ugat ng puno sa katawan ni buwi.
Tumayo na ang binata at isang mahigpit na yakap naman ang iginawad ni Magda sa binata.
Gulat at pagtataka naman ang naging reaksyon ni buwi sa inasal ng dalaga, subalit mas nanaig kay buwi ang pakiramdam ng yakap ni Magda, kakaiba ang yakap ni Magda sa ibang babaeng nakayakap na ni buwi, puno ito ng pagmamahal na maihahalintulad sa yakap ng nag alalang ina sa kayang anak.
Ayaw na sana pang tumakbo ni buwi ang oras ng mga panahon na magkayakap sila ni Magda sa harapan ng sagradong punong, subalit isang tinig ang nakapag kalas ng kanilang pagkakayakap.
Buwi anak ikaw ba ang dahilan sa pag ilaw ng kebra nagast sa kulay bughaw nitong anyo ngayon!!?
Nilingon ni buwi at Magda ang tinig na iyon at nakita nilang nakatayo si martha, kidlat, lorkan at Walter sa likuran nila, mabilis na Kumalas sa pagkakayakap ang dalawa at tarantang sumagot si buwi.
Ahh ee ano po mama, nagdasal lang po ako tapos naging ganyan na po. Sagot ni buwi.
Anak ang kebra nagast ay naglalabas ng dalawang uri lamang ng liwanag, pula sa dahon at puti sa tangkay into, wala pang nilalang ang nakapagpalabas ng kulay bughaw na kulay na ginawa mo, sabi sa akin noon ng mga matatandang babaylan minsan lamang maglalabas ang kebra nagast ng de mana, liwanag ito na nagpapahiwatig na tumugon ang bathala sa iyong dasal, batid ng kebra nagast na mabuti ang iyong hangarin. Naway dalangin ng bathala ang iyong dasal, paliwanag ni Martha.
Ganun po ba yun mama? Pagtatakang tanong ni buwi.
Oo anak, pero maiba tayo ano naman ang ibig sabihin ng pagyayakapan niyo ni Magda? Tanong ni Martha.
Oo nga anak, magkasintahan na ba kayo ni buwi? Tanong ni lorkan Kay Magda.
Kapwa namula ang muka ni Magda at buwi sa tanong sa kanila ng kanilang magulang.
Ama natuwa lamang po ako kaya kaya ko po nayakap si buwi, hindi po kami magkasintahan, paliwanag ni Magda.
Opo tama po yun, magkaibigan lamang po kami, dagdag pa ni buwi.
Wala naman masama kung magkasintahan kayo, pero sana isipin muna natin ang magaganap na digmaan, sabat ni kidlat.
Natahimik ang lahat sa sinabing yun ni kidlat. Subalit si buwi ay naglakas loob na magsalita at humingi ng pabor sa kanyang ama at ina.
Mama papa, alam ko po lubhang delikado ang darating na digmaan, nakahanda naman po ako sa kung anong kahihinatnan nito, may gusto lang po sana akong ipagpaalam sa inyo. Sabi ni buwi.
Ano yun anak? Kung kaya ko ipagkaloob ibibigay ko. Sagot ni kidlat sa anak.
Gusto ko po sanang bumalik sa Mundo ng mga tao kasama si magda, kung pahihintulutan niyo po, hinihingi ko rin po ang pahintulot niyo tito lorkan.sabi ni buwi.
Sige anak basta ipangako mo lang na pangangalagaan mo si Magda sa mundo ng mga tao, sagot ni Martha.
Sige buwi payag ako na magtungo kayo sa mundo ng mga tao, ayoko lang masasaktan ang kaisa isa kong princesa. Sagot ni lorkan.
Napayakap nalang si Magda sa ama dahil sa labis na kasiyahan, ganon din si buwi sa kanyang mga magulang.
matapos ang yakapan ay tinawag ni kidlat ang mensaherong sumundo kila buwi, sa isang iglap lamang ay lumitaw ito sa harapan ni kidlat.
Dalhin mo silang dalawa sa mundo ng mga tao, utos ni kidlat.
Masusunod po mahal na hari. Sagot ng mensahero.
Anak isang araw lang ang aking pahintulot, sulitin niyo na ang oras at bumalik na kayo dito maliwanag ba? Sabi ni kidlat.
Opo!! Masayang sagot ng dalawa.
Unti unti na namang hinawi ng mensahero ang hangin at dahan dahan nag iba ang paligid, nakita pa ni buwi na kumakaway si Martha sa kanila bago sila tuluyang nakarating sa mundo ng mga tao
Wala ng sinayang na oras si buwi at Magda ng makarating sila sa mundo ng mga tao, agad na dinala ni buwi ang dalaga sa mall, nanood ng sine, bumili ng damit, kumain sa restaurant, nag laro ng arcade games at kung anu ano pa.
ipinakita ni buwi sa dalaga ang lahat ng bagay na wala sa mundo ng mga engkanto na meron sa mundo ng mga tao, mistulang isang taga probinsyang nakarating sa maynila si Magda dahil sa labis na pagka mangha sa mga nakikita nito, walang mapag sidlan ng kasiyahan ang dalaga.
Huling tinungo ng dalawa ay ang isang fireworks competition na nagaganap sa lugar nila buwi.
Maswerteng nakuha nila buwi ang pinaka magandang pwesto upang mapanood ng buo ang magaganap na paligsahan ng liwanag sa kalangitan.
Masaya ka ba Magda? Tanong ni buwi.
Subalit tumingin lamang sa mata ng binata si Magda at nagpakawala ng isang napaka tamis na ngiti bago ito tumango bilang pag sagot sa tanong ng binata.
Labis ang pagka mangha ni buwi sa natural na ganda ni Magda, wala itong kahit anong kolorete sa muka, nasa kalagitnaan ng pagkatulala si buwi ng magsimula ang fireworks competition.
Nagliwanag ang buong kalangitan at kumorte sa ibat ibang disensyo ang bawat liwanag sa kalangitan, walang kurap na pinagmasdan ng dalawa ang magandang tanawin.
Alam mo buwi, kaya ko rin gumawa ng ganyan! Sabi ni Magda.
Fireworks kaya mo? Pagtataka tanong ni buwi.
Oo, ginagawa ko yan sa mundo namin kapag may kasiyahan na nagaganap sa aming kumonidad. Sagot ni Magda.
Testing nga? Paghahamon ni buwi.
Sige, pagkatapos nilang magpakawala ng mga liwanag ako naman ang magpapakita sayo ng kapangyarihan ko. Mas makulay yung kaya ko gawin kesa sa mga yan, kaya ko rin gumawa ng kahit anong hugis depende sa gusto kong hugis na mabuo sa liwanag na pakakawalan ko, sabay ngiti ng dalaga kay buwi.
Hindi maipaliwanag ni buwi ang nararamdaman niyang kasiyahan sa bawat pag ngiti sa kanya ni Magda, nakakapag dulot ito sa binata ng malalakas na dagundong sa kanyang dibdib. Isang pakiramdam na alam niyang bihira lamang niyang maramadaman sa isang dalaga.
Pag ibig, ito ang isang salita na maihahalintulad sa pakiramdam ng binata para sa dalaga, isang salita na kayang baguhin ang buong pagkatao ng isang nilalang, isang salita na walang kahit sinong makapag paliwanag kung bakit sa tuwing ito ay naramdaman mo na, nagkakaroon ka ng kakaibang kasiyahan at nagagagawa mong talikuran ang lahat ng bagay na meron ka para lamang sa pag ibig.
ilang minuto pa ay natapos na ang fireworks competition, niyaya ni magda si buwi sa isang tagong lugar upang mailabas nito ang kanyang kapangyarihan na walang ibang taong nakakakita.
Naglaho ang dalawa gamit ang kapangyarihan ni buwi, bago lumipad sa pinaka tuktok ng isang gusali.
Nang makarating ang dalawa sa tamang pwesto ay pinalayo ni Magda si buwi, dahil maglalabas siya ng mainit na enerhiya na kayang sumunog sa katawan ng kahit na sinong nilalang.
Nang makalayo si buwi ay nagsimula ng pumikit si Magda, nasa pagitan lamang ng bewang nito ang kanyang mga kamay subalit nakabukas ang mga palad, ilang saglit lamang ay nagsimula ng magliwanag ang buong katawan ni Magda, kahit may kalayuan ang pwesto ni buwi sa dalaga ay dama pa rin niya ang kakaibang init na tinataglay ng enerhiyang ginagamit ng dalaga.
Unang itinaas ni Magda ang kaliwang kamay sa kalangitan at may lumabas sa palad nito na maliliit na liwanag patungo sa kalangitan, kasing liit lamang ng alitaptap ang mga nilabas na liwanag ni Magda subalit napaka rami nito.
Parang may sariling isip na gumalaw paikot sa kalangitan ang maliliit na liwanag bago ito tuluyang sumabog na naging sanhi ng napaka liwanag na bagay sa kalangitan, ang pagsabog ay humugis ng isang malaking palasyo na may malawak na hardi, para itong isang obra ng tanyag na pintor sa kalangitan, purong puti lamang ang liwanag na pinakawalan ni Magda, bago maglaho sa kalangitan ang liwanag ay muling nagpakawala ng maliliit na liwanag si Magda, kulay berde pula at asul naman ang inilabas nito, nang sumabog ang liwanag ay humugis ito ng isang malaking puno sa gitna ng kagubatan.
Muli ay nagpakawala ng maliliit na liwanag ang dalaga, napaka rami ng pikawalan nito, lahat halos ng mga nanonood ay napahanga sa fireworks na kanilang nasasaksihan. Subalit mas napahanga si buwi ng sa ikatlong beses ng pagsabog ng liwanag ay nabuo sa kalangitan ang kanyang imahe at imahe ni magda, magkaharap ang mga ito habang magkahawak ang kamay, nang mawala ang imahe sa kalangitan ay agad na pumalit sa pagsabog ay imahe muli ni magda at buwi na magkayakap.
Subalit mas nakakamangha ang sumunod na naganap dahil ang imaheng magkayap ni buwi at Magda ay sumabog muli ng napakatingkad na kulay pula at bumuo ito ng hugis puso.
Dahil sa kasiyahan ay naglabas si magda ng napakaraming liwanag na sumabog sa kalangitan, lahat ng kulay ay nagawa niyang mapalabas. Bago inihinto ni Magda ang ginagawa nitong pagpapakita ng kapangyarihan.
Nagpalakpakan naman ang mga taong nakasaksi sa palabas ni Magda, wala silang kaalam alam na sa isang diwata galing ang makukulay na fireworks na yun, maski ang mga eksperto sa fireworks ay hindi maipaliwanag kung paano nagkaroon ng ganong presentation.
Si buwi at Magda naman ay nagkatitigan na lamang sa itaas ng gusali.
Batid na ng binata na may pagtingin rin sa kanya ang napaka gandang diwata na kasama niya.
Marahang lumapit sa bawat isa si Magda at buwi, walang nagsasalita subalit naiintindihan nila ang bawat galaw ng kanilang mga katawan.
Nang tuluyan magkaharap muli si buwi at magda ay kusang gumalaw ang kanilang katawan at naglapat ang kanilang mga labi sa unang pagkakataon.
Marahan at puno ng pagmamahal ang kanilang halikan, napayakap pa si Magda Kay buwi habang nilalasap nila ang labi ng bawat isa.
ilang saglit pa ay si Magda na ang unang kumalas sa kanilang halikan.
Buwi, mag ingat ka sana sa magaganap na digmaan, ipangako mo sa akin na mabubuhay ka at hindi ka masasawi, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa isang nilalang. Ayokong mawala ka buwi. Sabi ni Magda.
Walang makakapagsabi ng tadhana natin Magda, gusto ko pa talagang mabuhay kasama ka, ayoko mag iwan sayo ng pangako na hindi ko siguradong matutupad, pero pipilitin ko mabuhay at makasama ka pa ng mahabang panahon. Sagot ni buwi.