1. Home
  2. Stories
  3. BLNK: Book 4 - Chapter 9: Semis
Pinoy Tambay

BLNK: Book 4 - Chapter 9: Semis

4 minutes

Kinabukasan, maagang nagising ang tatlong nagkantutan, dala marahil ng takot na baka sila mahuli. Umuwi agad si Derek at di na nakatanggi ng sabihin ni Lani na sasama sya sa binata sa apartment nya. Umuwi na din si Lemuel at Juliet. Sa apartment ni Derek, parang batang ginagala ni Lani ang mga mata sa kwarto ng binata. Malinis ang kwarto nito, hindi mo iisiping lalaki ang may ari. Maraming poster din ng basketball player ang nakadikit sa pader nya at sa taas ng kama nya ay masisilayan mo ang porn star na si Sasha Grey,isa sa pantasya ni Derek. Naka panting manipis ang aktress at kita ang suso. Ngising aso lang ang binitiwan ni Lani ng magkatitigan sila. Dahil ngayon ang araw ng semi finals laban sa San Antonio, ayaw ni Derek na mapagod nahiga lang sya sa kama para magrelax. Puyat pa din sya sa nangyari kagabi at nagulat sya ng tabihan sya ni Lani. Pareho silang nagkumot. Niyakap sya agad ng dalaga at agad naman syang ngumiti dito. Alam ng dalaga na malungkot si Derek kaya gusto nya itong mapasaya. Sa pagyakap man ay maipadama nito ang pagmamahal ng isang girlfriend. Di man sila magsyota pero ewan, natuturn on si Lani pag naiisip na ang binatang mas bata sa kanya ng apat na taon ay boyfriend nya.

"Goodluck sa laro mamaya babe" ika ni Lani, nagkunwari syang gf ni Derek. Nakuha naman ng binata ang gusto ni Lani kaya sumakay sya sa biro nito.

"Thanks babe" ika nito at hinalikan ang dalaga sa noo. Namutla ang dalaga, ang sweet ng tagpong yun. Mahigit 4 na oras lang nakahiga ang dalawa at nagkwekwentuhan, may mga oras na naghahalikan sila pero di nila tinuloy sa kantutan. Naka patong lang si Lani kay Derek, habang hinihimas ni Derek ang bewang ng dalaga ay walang humpay ang laplapan ng mga labi nila.

Parehas naadik sa kiliti ng paghahalikan, ang libog na pinipigil. Nakadagdag thrill pa kay Lani ang fact na may bf sya,at may asawa na si Derek, isa pa ahead sya dito ng

4years. Bandang 1pm ng maggayak na sila patungong San Antonio. Kung san gaganapin ang semi finals.Ang semis ay di katulad ng semis nila nung HighSchool. Isang laban lang ito,kung sinong manalo ay pasok na agad sa Finals, kalaban ang mananalo sa Phoenix at Arsanas. Lahat ay tensionado sa Locker Room, tahimik, kinakabahan.

"Team, lets do our best" ika ni Lemuel,halatang kabado din, alam nyang isang pagkakamali lang at wala na ang pangarap nilang championship. Lumantad na ang lahat, isa isang tinawag sa court.

"Playing the point guard position,number 9. Derek Salvador" halos mawasak ang court sa ugong ng palakpak at hiyawan. Lalong lumakas ang sigawan ng mag umpisa na ang tip off. Nanalo ang Margaret sa tip off. Hawak ni Derek ang bola, dinidribol ito ng kaliwang kamay nya, panay ang tili ni Lani, si Laica ay nanunuod din,kasama ang nobyo nito. Nagsimula ng sumugod si Derek, binantayan sya ni Ernie, nanlilisik ang mata ni Derek, sumugod na sya, hinabol na sya ni Ernie, pero nagulat ang kalaban ng palusutin ni Derek sa pagitan ng hita ni Ernie ang bola para maipasa kay Lemuel na nagsagawa ng Lay Up. Tilian ang lahat. Ilang araw na pero hindi pa rin nalabas ng kwarto si Charity, nag aalala na ang pamilya ng dalaga, kung hatiran nila ng pagkain ito'y di nito halos maubos. Nag aalala na si Kurt sa nobya, pero wala syang magawa. Pilit man nilang kausapin ang dalaga, puro ayaw ang sagot nito. Kung minsa'y sumisigaw ito sa kanila. Tinetex sya ng Kuya nya kahit nasa labas lang ito pero hindi nagrereply ang dalaga. Sa wakas,sumuko na si Kurt .suminghap sya at lumabas.

3rd Qtr. 51-50 ang score,lamang ang San Antonio, hawak ni Derek ang bola, pinasa kay Lemuel, agad namang tumira ng jumpshot ang binata,pasok. Habulan lang ang laro,pareho ayaw magpatalo, parehong magaling. Panay ang cheer ng Margaret Mary University, ang pangarap ni Derek. Unti unti na nyang mararating. Inbound ni Phillip, ngunit katulad ng nakagawian,naintercept ni Derek ang bola at agad binato sa tumatakbong si Bert para sa solo dunk nito. Mas tumaas ang tensyon ng 4th Qtr, habang nauubos ang oras ay hindi na inatupag ni Derek ang manalo, enjoy na enjoy sya sa laro.

28pts, 19 assist at 6 steal ang binata. Sa tuwing maaagawan o matatapalan sya ay ngiti lang ang ginaganti nya sa kalaban. Pagod man ang binata ay di kelan man nawala ang ngiti sa mukha ni Derek. Bawat patak ng pawis, kumpas ng kamay para bantayan ang kalaban, bawat foul, sakit pag aksidenteng natamaan ng katawan ng kalaban,lahat ay tinanggap ng maluwag ng lahat. Last 1minute, lamang ng dalawa ang kalaban. Kabado man pero wala ng pakialam sila Derek kung matalo, mahalaga ay ang saya na nadarama nila ngayon. Huling segundo at hindi pa din nagbabago ang score. 98-96, hindi hinayaang makascore ng San Antonio sila Derek. Ngunit ang 5 segundo ay napunta sa Margaret. Tumatakbo ang oras, walang mapasahan si Derek kaya tinira na nya ang bola sa ring. Mula sa 3point,kasabay ng pagbaba ng paa nya sa sahig ay ang pagpasok ng bola sa ring. Tilian, sigawan,at palakpakan. Panalo ang team nila. 98-99.