1. Home
  2. Stories
  3. BLNK: Book 4 - Chapter 7: Stalker 2
Pinoy Tambay

BLNK: Book 4 - Chapter 7: Stalker 2

4 minutes

Paglabas ni Derek sa bahay ni Laica ay muli nyang napansin ang babaeng nasunod sa kanya. Di nya mapansin ang mukha nito. Nakasumbrelo ito at shades. Di na lang binigyang pansin ni Derek ang pag iispy ng dalaga, ngunit talagang naiirita sya sa pakay nito. Tumakbo sya ng mabilis, nagpalusot lusot sa sulok ng kalye. Luminga linga sya,mukhang nawala na ang stalker nya.

"Kaya pala busy ka masyado, may inaatupag ka pala, Derek" sabi ng Stalker sa sarili at naglakad na palayo. Agad nakatulog si Derek sa apartment nya pagdating, ganun pa din. Wala pa ding text message. Kelangan nyang magpahinga,dahil sa isang araw na ang semis,at isa sya sa mga inaabangan na manlalaro.

"Ano? .ayaw pa din nya lumabas ng kwarto, naku baka mapano na yan si Cha" ika ni Lovelyn, katawagan nya sa phone si Kris na kararating lang sa probinsya.

"Kaya nga e, Kuya na nya ako ha,ayaw pa nya ko kausapin,im just thinking of

1 person para makaurap si Cha, si Derek" sagot ni Kris.

"Naku,mukhang busy naman ata si Derek, di ba? Baka may pinagkakaabalahan." ika ni Lovelyn. Kahit papano'y pangarap pa din ng dalagang makatuluyan si Derek,pero habang natagal,nawawalan sya ng pagasa dahil marami ng plano si Kris para sa kanila.

"Nahanap mo na sya hon" ika ni Kris.

"Nope hon, di pa,pero im try hard, si baby kasi naiyak pag nawawala ako"Ika ni Lovelyn.

"Ok hon,basta, asap ha." sagot ni Kris at tinapos na ang tawag.

"Tao po" bati ni Kurt, nagkatitigan pa sila ni Kris.

"Anung kelangan mo?" tanong ni Kris.

"Si Charity po,ayaw daw lumabas" ramdam ni Kurt ang takot sa mata ni Kris.

"Oo ayaw lumabas," sagot ni Kris.

"Bf po nya ako" nakayukong sabi ni Kurt. Agad napamulagat si Kris sa narinig.

"Alam ba ni Derek to" tanong ni Kris. Di naman malaman ni Kurt kung anung tinutukoy ni Kris.

Kung yung bang sila na ni Cha, oh yung ayaw makipag-usap ni Cha.

"Di pa" umiling si Kurt.

"Better be ready,boy. .kilala mo si Derek," ika ni Kris at napasinghap.Kumatok si Kurt pinto ng kwarto ni Charity,pero nakailang katok na sya e ayaw pa din sumagot ng dalaga, hanggang sumuko sya. Nagising si Derek ng maaga, paglabas pa lang nya ay nabasa na nya ang i love you text ni Laica, naalala nya, gf na nga pala nya ito,nireplyan nya ito ng i love you at ngumiti lang. Maya maya'y nagtext bigla si Lani, may birthday party daw sa bahay ng dalaga, imbitado daw sya, sumunod na lang daw ang binata bago mananghalian. Napasinghap si Derek,gusto nya sanang mamahinga pero may dapat syang puntahan na party. Paglabas pa lang nya ng bahay ay nasulyapan na nya ang Stalker nya, agad itong nagtago. Napamura si Derek, mukhang di sya titigilan ng babae. Ano bang kelangan sa kanya nito, bakit di sya lumapit sa binata. Muli, binalewala ito ni Derek at nagtungo na agad ng bahay nila Lani. Bagamat irita sya sa pasunod sunod na Stalker,wala syang magawa dahil alam nyang ang balak nito ay tanungin ang tungkol sa kanila ni Cha. Ayaw nyang magkaron pa ng balita si Cha sa kanya, ayaw nyang saktan ang dalaga. Nagmadali syang tumakbo hanggang makarating sa bahay nila Lani. Pansin agad ang maraming bisita sa bahay,karamihan ay mga 4th year college ng St. Margaret. Nakita naman sya agad ni Lani at pinapasok.

"Derek, bf ko si Manuel" ika ni Lani. Nagshake hand naman ang dalawa. Medyo napahiya pa nga si Lani dahil mas gwapo si Derek sa bf nya. Umuulan ng alak sa bahay,puno ang salas at kusina ng mga taong nag iinom,sa pool nama'y nagseseksihan ang naliligong babae, sa banyo'y mga impit na ungol. Samantalang sa terrace ay nag iisa si Derek, nag mumuni muni.

"Dapat mag 19 na ako" sabi nya sa sarili.

Agad naman syang nilapitan ni Lani, kasama si Juliet at Lemuel. Nag-apir pa ang magteam mate,at kagaya ni Lani, napahiya din si Juliet dahil hamak na mas gwapo si Derek sa bf nya. Nagkayayaan silang lima na mag inom,at dahil sa hindi nainum si Derek, nakiharap na lang sya sa apat habang sila'y nag iinum.Kung anu ano ang pinag uusapan nila, puro basketball, di naman makasabay sa kwentuhan si Manuel dahil wala syang alam sa larong ito. Di din kasi gaanong close si Manuel at Lemuel kaya di din sila nag uusap.

"Mga tol,anu ba napapala nyo sa larong yan" singit bigla ni Manuel. Di na sumagot si Lemuel pero nag init ang ulo nya maging si Juliet. Si Lanit din ay napahiya sa inasta ng nobyo.

"Tol,madami, nakaka enjoy laruin yan" sagot ni Derek.

"Ha, di ko pa kasi sinubukan yan, pambata kasi" ika ni Manuel at parang nandiri pa. Walang sabi sabi ay nilukot ni Derek ang damit ni Manuel, tinayo at sinaldak sa pader.

"Importante samin ang larong yan,kaya wag mo matawag tawag na pambata ang basketball" ika nito. Takot na takot naman si Manuel kay Derek. Buti na lang inawat sila ni Lemuel na nainis din kay Manuel.