1. Home
  2. Stories
  3. BLNK: Book 4 - Chapter 4: Charity
Pinoy Tambay

BLNK: Book 4 - Chapter 4: Charity

4 minutes

"Prrp" hudyat na tapos na ang

2minutong timeout ng Marilau. Bumalik na ang mga manlalaro sa court. Huling 45 segundo ng 4th Qtr,92-90 ang score,lamang ang Marilau. No foul to give na ang bawat koponan kaya hindi na sila dapat magfoul,yan ang sabi ng coach ng Margaret. Bola ng Marilau,si Kerby ang nagdadala nito,agad nyang pinasa kay Mikael ang bola. Ubos oras. Walang nadikit sa kalaban,natatakot matawagan ng foul,lalo't great shooter sila. Nauubos ang shot clock,last 30 seconds, 7 seconds ang shotclock ng Marilau,agad nagdrive si Mikael, naalarma ang team Margaret, sumugod ang binata,5,4. .3 . .2. .tumalon sya at agad bumitaw ng tira. . 1 .pasok, eksakto sa buzzer ng shotclock. Sigawan ang lahat.score 94-90. Last 23.4 seconds. Tinawag na ng team Margaret ang huling 20 second time out. Masayang magkaholding hands pauwi ang magnobyo, parang walang katapusang ligaya,hindi katulad ng unang naging sila. Naguilty pa nga si Charity ng ikwento ni Kurt ang nangyari nung nagbreak sila at sumama si Cha kay Derek.

"Wala naman talaga akong babaeng pupuntahan nun, gusto ko lang umiwas sa nyu.para di nyu ko makita na mag iyak" ika ng binata.

"Matagal mo na pala akung mahal" ika ng dalaga.

"Oo,nakatatak ka na dito oh" sabi ni Kurt at pinakita ang braso nya na may peklat,halatang sinugat ito sa salitang Charity.

"My god, wag ka nga,napaka emo mo talaga, wag mo ng gagawin yan ulit,ngayong bf na kita talaga ng totoo,ayaw kong maglaslas ka ha." sabi ng dalaga.

"Opo,kamahalan,para sayo magbabago ako"Sagot ni Kurt. Nagblush naman ang dalaga at dun nakita ni Kurt kung gano kaganda si Charity talaga,at gano sya kaswerte na maging bf nito. Isang halik ang binigay nya sa nobya na nagdulot ng sobrang pagkahiya sa dalaga. Di naman ito malalim,smack lang.

Dun humanga ng husto si Charity, never na nagtake advantage si Kurt sa kanya, hindi sya nito binastos, at lagi nitong inaalala ang nararamdaman nya. Which napaka sweet sa kanya.Muling bumalik ang lahat ng manlalaro sa court. Ang taktika ng coach ay tumira ng tres. Para may pag asa pa. Walang kalakas lakas maglakad ang team Margaret, nawalan na sila ng pag asa dahil 23.4 seconds na lang at apat pa ang hahabulin nila. Inbound ni Bert, pinasa nya ang bola kay Derek at agad naman pinasa ni Derek kay Steve ang bola, nagbitaw ng tres si Steve, sure nyang papasok yun pero nagulat at nadismaya sya ng sumala ang tira nya. Sa ilalim ng ring ay nakaabang si Lemuel at Pablo, tumalon ang dalawa para sa rebound, dadakmain na ni Lemuel ang bola ng mahalata ni Pablo na di nya makukuha ang bola kaya tinapik nya ito ng malakas. Tumalsik ang bola sa pwesto ni Derek at nakuha ito ng binata, pero masyadong malayo para tumira ng tres, nagdrive sya pakaliwa, last 15 seconds, hinabol sya ng kalaban,hinagis nya ang bola sa ring,napuna yun ni Mikael, tumalon ng mataas si Lemuel at dinakma ang bola, nakita pa nya ang katawan ni Mikael sa harap, tinuloy pa din nya ang dunk,pumasok ang bola at nagsigawan sila ng pumito ang referee. Counted foul.

"Na naman" di pag sang ayon ni Pablo. Pero agad syang inawat ng team mate nya para di mapatawan ng teknikal.

"Sh*t he's amazing" pag hanga ni Juliet kay Derek. Magaling mag isip ang binata,sa oras ng kagipitan. Naishoot ni Lemuel ang freethrow at tumawag ng huling timeout ang Marilau.

94-93 ang score,lamang pa din ang Marilau last 11.5 sec. Eto na ang huling sabak,parehas no foul to give at wala ng timeout ang bawat koponan. Nagset na sa kani kanyang pwesto ang team Marilau, nagtakbuhan ang mga manlalaro,

para malito kung kanino ipapasa ang inbound. Sinubaybayan ni Derek ang team Marilau,ngunit hindi sa kilos,kundi sa mukha. Nagtaas na ng kamay ang mag iinbound,bebwelo na, tumakbo na agad si Derek,at bago pa sumayad sa kamay ni Mikael ang bola ay naintercept na ito ni Derek at tinakbo papunta sa ring nila. Solo, eto na, oras na para ipakilala ang sarili nya sa Marilau.Tumatakbo ang oras,

9. .8. .7. .6. .5. . Tumalon si Derek ng malakas, buong pwersa,at sinagawa ang signature dunk, ang dunk na ginawa nya para sa nobya nya, si Charity. .ang Charity Dunk. Windmill style,pero shape ng puso ang kinukumpas ng kamay hawak ang bola,kasabay ang malakas na slam sa ring. Perpekto, sigawan at tilian ang lahat. Yakapan ang team Margaret. .last 3 seconds at lamang na sila. 94-95. Wala ng timeout, inbound na agad ng bola, pero muli, bago pa mahawakan ng kalaban ang bola ay naintercept ito ni Derek,patakbo syang nagdribol at ng tumunog ang buzzer ay hinagis ang bola sa taas. Sigawan ang lahat, panay ang cheer kay Derek. Agad naman nilapitan ni Derek si Kerby at Pablo na lumait sa kanya ng magsimula ang laro.

"Mga dude, tama kayo, di ako si Allen Iverson, dahil ako si Derek Salvador" ika nya at iniwang tulala ang dalawang higanteng manlalaro na tinalo nya. Nakangiti lang si Juliet kay Derek, ang Hari ng Basketball.