1. Home
  2. Stories
  3. BLNK: Book 4 - Chapter 18: Game 7
Pinoy Tambay

BLNK: Book 4 - Chapter 18: Game 7

5 minutes

Malakas ang sigawan ng mga fans na gustong sumaksi sa game 7 ng finals ng College Basketball Tournament. Nanlilisik ang mga mata ng mga manlalaro ng Phoenix University. manalo, ang team captain na si Lemuel ay buong suyong nag papayo sa bawat isa. Samantalang nasa sulok lang si Derek, iniisip ang mangyayari, ang huling 48mins ng kompetisyon.

"Babe,galingan mo," nag aalalang sabi ni Charity. Dama nyang hindi madali ang pinagdadaanan ng nobyo nitong mga nagdaang araw pero buo pa din ang tiwala nya dito. Sino nga ba ang makakaisip,sa ikling panahon na nakasama nya ang binata eh parang matagal na panahon na ang lumipas. Napangiti si Derek.

"Dapat may premyo ako pag nanalo kami" hamon ng binata. Napahalakhak si Cha, napaisip kung ano nga ba ang magandang premyo sa nobyo.

"Oo naman meron, mamayang gabi"At sinamahan ni Cha ng malanding tawa ang sagot nya. Naexcite naman ang binata,napatayo pa sya at sabay sumigaw.

"Team win or go home,tara manungkit ng trophy" ika ng binata na nagbigay ng sigla sa buong team.

"Kaya natin to team,matagal na natin tong pangarap" ika rin ni Lemuel. Puno ng tensyon ang buong team at ng magtagpo sa gitna ang kamay ng bawat isa ay iisa ang mithi nila. Ang manalo. Dumadagundong na hiyawan,kani kanyang cheer ang bawat manunuod para sa kanilang team. Mainit ang pagsalubong ng mga taga Phoenix sa koponan nila,samantalang puro kantyaw ang inabot ng Margret ng lumabas sila.

"Anung gagawin mong milagro Derek"Excited na bulong ni Kris sa sarili.

"Babe, goodluck"Ika ni Charity at nagbitaw ng mahabang halik sa bibig. Napangiti si Derek.

"Pampaswerte" ika ni Charity at tumungo na sa Bench. Ilang sandali pa at nagsigawan na ang lahat kasabay ng pagtaas ng bola hudyat na simula na ng tip off.

Nakuha ng Phoenix ang bola, si Rigor ang nagdadala. Puno ng kaba ang binata,ngunit ayaw nyang ipahalata. Hinihintay sya ni Derek na sumugod,sumugod si Rigor,pakanan,sinundan sya ni Derek, pero naiwan ang binata dahil may nag set up ng screen sa kanya. Naiwan sya sa pag arko ng katawan ni Rigor,pasok ang unang tira sa laro. Bola ng Margaret, pero wala man lang marinig na mag cheer. Balot ng Phoenix ang boses ng manunuod. Sumugod si Derek,mahigpit ang double team sa kanya kaya napilitan sya ipasa ang bola kay Bert. Tumira ng tres si Bert,sablay.

5 mins ang naubos sa 1st Qtr, tumawag ng timeout ang Margaret sa score na 18-7,lamang ang Phoenix. Di makascore si Derek,mahigpit ang depensa ng kalaban. Dagdag pa ang maya mayang kantyaw ng manunuod, natapos ang

1st Qtr sa score na 28-15 lamang pa din ang Phoenix.

"Higpit ng depensa nila sayo Derek, " ika ni Lemuel,muli wala halos nagsasalita sa team, halos lahat ay nawalan na ng pag asa.

"Akong bahala team, lalampaso natin sila. " ika ni Derek.

2ndQTR. .mas humigpit ang bantay ng Phoenix,matinding depensa at magandang play. Kaya dire diretso ang pagtambak sa kalaban. Si Derek ay di halos makapuntos, sablay lagi ang mga tira nya dala marahil ng takot. Pinagtawanan pa sya ng lahat ng mablockan sya ni Rigor at mabitawan nya ang bola para ma out of bounce ito."Sh*t,anu ginagawa mo bata, wag ka magkalat"Inis na sigaw ni Steve kay Derek

35-23, score ng laro, 6:52 ang nalalabing oras. Panay ang kantyaw ng buong manunuod sa mga dayo. Hapong hapo si Derek,unang laro nya ito na halos wala syang magawa para makahabol. Hindi sya sanay sa kantyaw na tinatamo nya ngayon, nasanay sya sa mga papuri ng manunuod. Hawak ni Derek ang bola, kinakabahan ma'y pinili nyang magdrive, ayaw nyang masira ang tiwala ng lahat sa kanya. Sinundan sa ni Rigor.pumihit pakanan si Derek, malapit sa ring, nasalubong si Patrick, forward ng Phoenix, nag spin move si Derek, naiwan ang kalaban,tinaas ang kamay patutok sa ring,ngunit humarang ang kamay ni Shawn.

"Pangatlo na to bata" bulong ni Shawn. Ngumiti lang si Derek, mistulang slowmo ang lahat, bumalik pababa ang kamay ni Derek,dala ang bola at pinatalbog ang bola kay Lemuel. Umatras si Lemuel,pinabounce ng isa ang bola,sapat para sumakto ang paa sa 3pt area,libre syang nagbitaw ng tira at pumasok. Sigawan ang buong Margaret. Napaisip si Derek. Tama! Hindi nya kakayaning mag isa ang Phoenix. Kelangan nya ang buong team. Maganda ang sumunod na laro ng Margaret, natapos ang 2nd Qtr sa score na 40-35,in favor of Phoenix. Tuloy tuloy ang magandang laro ng Margaret ng matapos ang 3rd Qtr sa score na 56-55. At ng huling 3 minuto ng 4th Qtr ay lumamang ang Margaret sa score na

80-83. Hawak ni Rigor ang bola,ngdrive sya papunta kay Derek,sinalubong sya ng binata, nagfake si Rigor, naiwan si Derek, at diretsong naglay up ang kalaban. 82-83. Bola ng Margaret, inbound ni Steve kay Derek na agad binigay kay Lemuel ang bola,mahigpit ang bantay,ayaw papasukin ng Phoenix sa paint ang kalaban,ayaw paiskorin. Hinawi ni Shawn ang bola, agad binigay ni Lemuel kay Bert ang bola na agad bumitaw ng perimeter shot. Pasok. 82-85. Palitan ang score na umabot ng

86-87.

Last 13 seconds ng 4th Qtr. Lamang ang Margaret. No time out at foul to give na ang dalawang team. Inbound ni Lemuel, ubos oras ang Margaret, kelangang pumuntos para sure win sila, papasa pasa ang bola,last 6 sec, nanakbo si Derek sa ring,humakbang ng dalawang beses, at nagsagaw ng malakas na dunk.

86-89. Lamang ng tatlo ang Margaret. Lahat ay tumatalon sa saya,pero ang mga manlalaro sa court ay di pa sigurado. 4 seconds pa at may oras pa para mag tres ang kalaban para mag overtime, lahat ay nagbabantay sa kung sinu mang titira sa tres. Hirap naman si Shawn sa pag inbound ng bola,wala syang mapasahan. Lahat ay mahigpit na binabantayan, nagkagulo sa court. .si Ringo, mag isa. Agad pinasa ni Shawn kay Rigor ang inbound,ngunit laking gulat nya ng makitang patakbo si Derek para iintercept ang bola. Huli na, nabitawan na nya ito. Lahat ay tahimik ng maintercept ni Derek ang bola at diretsong nagsagawa ng exhibition dunk. 86-91. Tumunog ang buzzer. Hudyat na tapos na ang Laro. Margaret Wins.