1. Home
  2. Stories
  3. BLNK: Book 4 - Chapter 16: 2nd Half
Pinoy Tambay

BLNK: Book 4 - Chapter 16: 2nd Half

4 minutes

"Beat Phoenix" paulit ulit ang sigaw ng mga manunuod. Di maiwasang maluha sa tuwa ni Charity ng bumalik na ang dalawang team para sa 2nd Half. Kay Derek sya nakatitig, ang nobyo nyang unti unting inaabot ang pangarap nya.

2nd Half, bola ng kalaban, pansin na ang kaba at takot sa mata ng kalaban, di na makapagdribol ng maaus si Rigor, hinarapan sya ni Derek. Hinahawi ng kamay nya ang bawat pag agaw ni Derek. Agad nyang pinasa kay Shawn ang bola, na agad namang binantayan ni Lemuel. Nilayo ni Shawn ang bola kay Lemuel, puno ng kaba ang dibdib nya. Hindi ganito kalakas maglaro ang Margaret ng huli silang magtapat. Natakot ng husto si Shawn na di nya namalayang tinapik ni Derek ang bola mula sa likod nya. Steal! Sigawan ang lahat. Fastbreak agad ang bola kay Bert,na nasa likod nya,mabilis na tumakbo si Derek pababa sa ring nila, sinundan agad sya ni Bert, pinasa ang bola kay Derek. Solo nilang dalawa ang ring. Nagngitian pa ang dalawa,hinihintay ng lahat ang pag dunk ni Derek, mabilis syang nagdribol pababa,kasunod si Bert, napatayo ang mga manunuod ng tumalon na si Derek,ngunit nagulat ang lahat ng bitawan lang nya sa ere ang bola ng hindi nasayad sa ring.

"Anu na naman balak mo Derek" ika ni Kris. Agad tumalon ng mataas si Bert, kagaya ng dati,ang duo nila ni Derek. Dinakma ng binata ang bola at buong lakas na dinunk sa ring. Kasunod ng hiyawan. An epic 3rd Qtr ang natapos,sa score na 78-63 hindi na nakahabol ang kalaban. Ramdam na nila Derek ang pagkapanalo,hawak nila ang laro,isang Qtr pa at ipapakita nya kay Rigor na hindi na sya bata sa larangan ng larong Basketball.

4th Qtr, dire diretso ang ginawang pagtambak nila Derek sa kalaban, pinanghinaan ng loob ang kalaban dahil kay Derek, ang binatang minaliit nila,

ito pa pala ang tatalo at magpapahiya sa kanila.

"Di lang sya scorer,alam nya kung pano magdala ng laro,humarap sa mga kalaban,at team work." ika ni Rigor habang tinititigan si Derek.

"Perpektong Point Guard, ang galing nya para sa isang baguhang pumasok sa Finals" paghanga din ni Shawn. Hanggang sa tumakbo pababa ang oras ay tinanggap na lang ng Kalaban na for the first time,natalo sila sa Finals.

"Bata may game 4 pa, babawi kami,wag kayong magpakasaya. ,remember? 2-1 ang series" bati ni Rigor kay Derek.

"Game 4? Kung gusto nyo ngaun na natin ituloy ang game 4 e, kung ngaung game 3 wala kang nagawa para tapatan ako,na tinatawag mong bata, Eto tandaan mo, maghanda kang mabuti dahil aagawin ko lahat ng nasayo." madiin na sabi ni Derek. Naiwan nyang tulala at takot si Rigor. Natapos ang Game 3 sa pagitan ng Phoenix at Margaret sa score na

90-78 kung san nanguna si Derek na nagkamit ng 28pts, 20 assists at 3 steals. Masayang bumalik ng locker room ang Margaret, kantyawan at hiyawan,panay ang thank you kay Derek, masaya naman si Derek sa suporta ng lahat. Nahuli pa nga nyang nakakagat labi na nakatitig si Juliet sa kanya. Unti unting nag si uwian na ang lahat,naiwan si Derek na mukhang nabitin pa sa laro kay nag practice pa sya ng 30mins, napagpasyahan din nyang umuwi matapos ang practice at nagulat pa ng makitang may 3 babae na taga Phoenix ang naghihintay sa kanya. Mistulang kinikilig ang tatlo ng dumaan si Derek sa harap nila.

"Derek!" di napigilan ng isang babae na tawagin sya. Agad namang lumingon si Derek sa kanila at lumapit muli.

"Bakit?" sagot ng binata.

"Kasi. . .kasi . ." kinikilig ang tatlo na parang ayaw pang sabihin ang pakay.

"Anu nga?" nakangiting sagot ng binata.

"Gusto ka daw kasi mameet ng friend namin." mabilis na sagot ng isang babae.

Agad napasimangot si Derek,tinitigan ang tatlo, di naman ito sila ganong mahitsura pero nacurious sya sa frend nila.

"Oh,yun lang pala,no problem,gusto nyo ngaun na e" ika ni Derek. Tilian ang tatlo.

"Di pa pwede ngaun Derek, nasa Japan pa sya e,eto oh pic nya,penge daw autograph" ika ng tatlo. Agad naman kinuha ni Derek ang litrato.Dahan dahan nyang sinilip ang litrato at napamulagat sa nakita, di nya alam kung pinagtitripan sya ng tatlo,isang mukhang haponesa na naka costume ng SailorMoon ang nakita nya. Maganda ang babae, halatang mayaman. Binalik agad ni Derek ang litrato ng di pinipirmahan. Gulat man ang tatlo,naintindihan nila ang naisip ng binata.

"Tunay yan Derek, she's a Cosplayer, her name is Chloe,she wanted to meet you badly."Ika pa ng tatlo. Nakaramdam naman ng excitement si Derek. Parang gusto nyang mag meet na sila agad.

"Eto number ko,text nyo ko pag dumating na frend nyo,at sakin na lang pic nya ha." sabi ni Derek. Muling nagtilian ang tatlo. Agad namang umalis na si Derek, may konting pagpintig sa puso nya habang tinititigan pauwi ang pic ng babaeng cosplayer.