1. Home
  2. Stories
  3. BLNK: Book 4 - Chapter 13: Pagbabalik
Pinoy Tambay

BLNK: Book 4 - Chapter 13: Pagbabalik

4 minutes

"Thanks tol, buti di ka napano" tinatapik pa ni Kris ang balikat ni Derek. Nasa pulisya ang lahat at balak ng pulisyang ipa DSWD ang binata dahil nasa edad disi syete pa lang ito. Wala namang nagawa si Keith lalo ng dumating ang umiiyak na si Charity. Pinakita din ni Kris ang cellphone ng kapatid,sapat na ebidensya para umamin ang binata. Pauwi na ang lahat, tahimik lang si Derek. Iniisip nya ang Finals, ngayon ang Game 2 at nabalitaan nya kay Kris na talo muli ang Margaret. Alam nyang binigo nya sila Lemuel pero mas mahalaga si Charity kaya sya ang pinili nya. Sa pag balagtas ng daan nila ay napadaan sila sa isang kumpol ng manlalaro na nagbabasketball. Napatitig si Derek ng matagal sa gawi ng mga naglalaro, agad namang napansin ni Charity at Kris ang binata. Mukhang namimiss nito ang basketball.

"Tol. Uuwi ako bukas ng Maynila, baka gusto mong sumama,kahit manuod lang" yaya ni Kris. Napasinghap si Derek.

"Ikaw na lang tol, di pa ko handang humarap sa mga kateam ko" sagot ni Derek. Naguilty si Charity, alam nyang mali ang ginawa nya,dapat naghintay sya sa nobyo.

"Pano ang pangarap mo tol" ika ni Kris.

"Baka saka na yun tol,mas mahalaga yung inasikaso ko ngaun e" sagot ni Derek at tumingin kay Charity,napayuko ang dalaga. Saglit at tumitig si Cha kay Kurt, tumango lang ito, sumang ayon sa alam nyang sinasabi ng mata ng dalaga. Handa syang pakawalan ni Kurt,para lumigaya sya sa piling ni Derek. Nakauwi na sila at nun pa lang nagkasolohan si Kurt at Charity.

"Im sorry kung nasira ko relasyon nyo" sabi ni Kurt. Di lang nagsasalita si Charity,pero nasasaktan sya dahil. kelangang mag give up ni Kurt. Isang halik ang binitawan nya bago nagpaalam sa dalaga. Magpapakalayo daw muna sya para makaiwas at makalimot.

Ngumiti lang si Charity, isang mahigpit na yakap at hinayaan na nyang bumitaw ang binata. Tumalikod ito sa dalaga at sa pagtalikod ni Charity ay alam nyang haharapin nya na si Derek. Tahimik lang sa kwarto nya si Derek, iniisip ang mga nangyari, sinakripisyo nya ang pangarap para makauwi at ipagtanggol ang minamahal. Pero wala na si Cha, para san pa't nandito pa sya. Kasalanan din nya ang lahat, pinaubaya nya sa ibang lalaki ang obligasyong bantayan ang babae, ngayo'y handa na sya, uuwi sya sa Papa nya,magsisimula ng bagong buhay. Simple at tahimik. Sa labas ay naghihintay si Kris,ang best friend nya.

"Naks, buti naman tol napapayag din kita umuwi ng Maynila" ika ni Kris. Pansin nyang walang imik si Derek kaya tinapik nya ang balikat nito.

"Tol, wag mo ng isipin ang nangyari, magsimula ka ulit" ika ni Kris,ngumiti sya kay Derek at napangiti na din ang binata. Paalis na sila ng bahay ng pagharap nila ay lumantad sa harap nila ang humihingal na dalaga.

"Lalayasan mo na naman ako" humihingal na sabi ni Charity,nakatitig sya kay Derek. Gulat naman ang binata.

"Matapos mo akong iwan nun, matapos maging miserable highschool life ko, iiwan mo ako ulit?" tumulo ang luha ng dalaga. Naawa naman si Derek. Katahimikan. Agad napatawa si Derek sa kadramahan ni Cha,maya maya'y tumawa na din si Charity kahit may luha, sumunod na tumawa si Kris. Agad namang nagyakapap ang dalawa,mahigpit. Namiss nila ang isa't isa. Masarap, masaya, mahal na mahal nila ang isa't isa.

"Di na ko aalis" ika ni Derek.

"Pano ang NBA?" tanong ni Cha.

"Balewala ang pangarap ko kung wala ang babaeng pag aalayan ko nun" napangiti sa kilig si Charity. Unti unti nagtitigan sila. Lumapit ang labi sa isa't isa ngunit naramdaman ng binata na tinapik sya ni Kris.

"I think this is not the best time to do that" nakangising awat ni Kris at tinuro ang pamilya ni Derek na nakatingin sa kanila. Agad naman silang nagtawanan, nag blush an mukha ni Charity, tinitigan sya ni Derek, napakaganda talaga nya,sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay nya, si Charity lang ang nag iisang numakaw ng puso ng Hari ng Basketball. And He's happy of everything He got and swear that He won't waste dis second chance."Sumama ka na lang Cha, manuod tayo ng laro sa Manila" ika ng Kuya ng dalaga.

"Ha, eh, di pa ko nagpapalit ng damit." pagtanggi ni Charity.

"Uwi muna tayo sa bahay,para naman memorable ang lahat, masaya na kayo pero dapat, kontento kayo sa lahat" ika ni Kris. Naintindihan naman ni Charity ito,ngumiti sya kay Derek, umuwi sila sa bahay nila at nag gayak ang dalaga para panuorin ang game 3,4,5,6 at 7 ng Finals sa pagitan ng Margaret na paaralan ni Derek at Phoenix kung saan nag aaral ang Kuya Kris nya. Malungkot na umuwi sa bahay ng binata si Kurt, agad nyang kinuha ang tirang alak sa ref. Masamang masama ang pakiramdam at loob nya. Mahal nya si Charity,pero hindi nya inisip na nakasira sya ng relasyon sa dalawang tao. Wala ang mama at papa ni Kurt. Nagkulong sya ng kwarto habang tumutungga ng alak. Malakas ang sound sa kwarto nya. Punung puno ng malungkot na emosyon ang kwarto,kasabay ng pagpatak ng luha nya ay ang salitang "Paalam Cha".