1. Home
  2. Stories
  3. BLNK: Book 4 - Chapter 12: Katotohanan
Pinoy Tambay

BLNK: Book 4 - Chapter 12: Katotohanan

4 minutes

Dumiretso ng bahay nila si Derek, pinunas pa nya ang mata at nagmano sa Nanay nya. Parang wala syang narinig,diretso sya agad ng kwarto. Alam ni Aling Nena ang dahilan nito, may problema na naman ang anak. Nakaupo lang sa kusina si Charity, bumabawi ng kain, si Kris naman ay pumasok ng kwarto nya. Hindi pa din nagsasalita si Cha tungkol sa dugo sa blouse nya kaya naisipan ni Kris mag imbestiga,at succesful sya dahil nakita nya ang cellphone ng kapatid. Pagpindot nya dito ay nagplay agad ang video, ang video ng pangrarape ni Keith sa kapatid. Gulat na gulat si Kris sa napanuod, kaya pala halos magkatrauma ang dalaga sa nangyari. Galit na galit si Kris sa napanuod, gustuhin man nyang ibato ang cellphone pero di nya magawa. Ebidensya to. Lumabas na ng kwarto si Kris, dala ang cellphone ng kapatid. Kinausap nya ang kapatid.

"Thats not a nice act Cha, di mo binigyan ng pagkakataon si Derek,pinahiya mo pa sya sa harap namin at sa harap ng syota mo" ika ni Kris. Walang imik ang kapatid.

"Alam mo ba kung bakit di nagpaparamdam si Derek sau? .he's planning for your future, nagsikap ang binatang yun kahit mahirap at masakit para sa kanya na magkalayo kayo, tiniis nya ang hirap sa pag aakalang ok ka lang dito,tapos malalaman nyang may bf ka ng iba,god Cha,di mo alam ang katotohanan para magdesisyon ka ng ganyan, ask your bf. .may tinatago yan sayo" ika ni Kris.

"Pano mo nalaman ang lahat" tuwid na tanong ni Charity. Ngumiti lang si Kris.

"Im his bestfriend" ika nito at umalis na. Dala dala ni Kris ang cellphone ng dalaga at pumunta kila Derek. Nadatnan nyang kinekwento ng binata ang lahat sa Nanay nya.

"Tol," pag singit ni Kris.

"Oh tol, thans at napadalaw ka, masamang masama loob ko" ika ni Derek.

"Naasa ako na babantayan nya si Cha,but he didnt,bagkus inagaw pa nya sakin, sinamantala nya ang araw na wala ako,pero kasalanan ko naman e" hagulhol ni Derek.

"Tol, may dapat kang malaman" sagot ni Kris.Nag usap ang dalawa ng masinsinan ang parehong galit sa nagawa ni Keith. Maghihiganti sila. Agad pumunta ang dalawa sa pulisya para ihabla si Keith. Pinuntahan nila ang bahay ng binata pero di nila naabutan ito. Kinabukasan, Finals ng biglang makareceive si Lemuel na magdodrop out na si Derek,nasa probinsya na ang binata at may hinaharap ng problema. Dahil kawalan ng magaling na manlalaro, natalo ang Margaret sa Game 1 sa score na 85-80. Di na napag usapan ang tungkol sa nangyari kay Charity, ayaw naman kasing magsalita ng dalaga. Gabi, nagyaya si Kris na kumain sa labas kasama si Kurt at Charity. Masaya silang nakain ng sabihin ni Kris na may bisita sya. Lumabas mula sa likod si Derek, gwapong gwapo sa suot na amerikana. Nagtaka si Charity kung bakit di pa nabalik ng Maynila si Derek at di nya inalis ang tingin nya sa binata habang umupo sa tabi nya.

"Bakit di ka pa nauwi sa Maynila,andun na si Baby a" pagtatampo ni Charity.

"Nagdrop out na ko," sagot ni Derek. Parehas na nagulat sila Charity at Kurt. Naguilty naman si Kurt. Kaya di na nakatiis ang binata at umamin na din.

"Ang totoo nyan Charity plano ni Derek na pumuntang NBA,iniwan ka nya sakin, binantayan kita dahil inutos niya, pero ayun, di ako nakatiis at inagaw kita sa kanya." paliwanag ni Kurt. Gulat naman si Derek sa ginawa ng binata.

"Mahal ka ni Derek Cha, and handa syang talikuran ang pangarap nya dahil ayaw ka nyang mawala" dagdag din ni Kris. Naguluhan ang dalaga, mukhang napagplanuhan sya ng tatlo. Napatitig sya kay Derek, nakayuko ito.

"Salamat Derek" tanging sabi nya at nginitian si Kurt. Nagpatuloy ang pagkain nila hanggang sa umuwi na ang lahat, di na sumabay si Derek sa tatlo,sabi nya'y may dadaanan pa sya,pero ang totoo'y di nya kayang makitang masaya sina Kurt at Charity. Nasabi na nya ang totoo pero balewala ito sa dalaga.

Sa madilim na eskinitia dumaan si Derek, walang katao tao, tahimik,at nakakatakot. Mula sa dulo ay natanaw nya ang isang kilalang lalaki,may sindi na sigarilyo.Si Keith. Agad syang nilapitan ni Keith at walang sabi sabing sinuntok, nakailag ang binata at nagbitiw din ng suntok sa sikmura ni Keith. Nagpalitan ng suntok ang dalawa,bawat suntok ng binata ay puno ng galit.

"Ano Derek? Kamusta na ang puke ng syota mo" pang aasar ni Keith. Sumunggab ng suntok si Derek, bumara si Keith, inupakan nya ito ng sunod sunod. Duguan ang binata pero di pa din nya tinigilan ang suntok dito, hayok na hayok nyang tinayo ang binata at tinuhod sa sikmura,bulwak ang dugo.

"Eto para sa asawa ko na binaboy mo" ika ni Derek at sinuntok ng malakas ang bibig ni Keith, puno ng galit ang binata hanggang sa mawalan ng malay si Keith, dun na tumawag ng pulis si Derek at agad namang dumating ang mga ito para dakpin si Keith. Duguan ang kamay ni Derek, masakit ito sa bawat suntok na binigay kay Keith. Pero kada suntok nya ay sapat para magbigay hustisya sa minamahal nya.