1. Home
  2. Stories
  3. BLNK: Book 4 - Chapter 1: College Life
Pinoy Tambay

BLNK: Book 4 - Chapter 1: College Life

5 minutes

Patuloy ang pagpatak ng luha,kasabay ng paglulon ng mapait at rumaragasang alak, hindi nya mabilang kung ilang araw na syang ganito. Masakit, mahirap. Wala syang magawa. .hindi nya alam kung saan mag sisimula, tinitigan nya ang sarili mula sa salamin, alam nya. .hindi sya tanga, naguguluhan sya, nakita nya ang blade sa sulok. Napapikit ang mata nya, hinagpis sa nakaraan, niyakap nya ang sarili, tumingin sa taas, malakas pa din ang maingay na musika sa kwarto nya. Hinawakan nya ang blade, matalas, nasugat agad ang daliri nya. Inangat nya ang braso, dinikit ang blade. .bahala na,

"Mahal na mahal kita" ang huling sinabi nya. Bumwelo ang kamay. .hawak ang blade. . .[hr /]

BLNK: Book 4 - Chapter 1: College Life


9 na buwan si Baby Dirk ng iwan sila ni Derek para mag aral ang binata sa Maynila. Kagaya ng napag usapan nila ni Kris,magkaiba sila ng eskwelahan. Pansamantalang tumira si Derek sa apartment na binigay ng Ama sa kanya. Kasalukuyang nasa Maynila din kasi ang Ama dahil sa negosyo.

Nagkikita pa rin ang mag ama pero madalang na dahil sa pag aaral ni Derek. Ang huling balita ni Derek kay Naomi ay lumipad na ito patungong Amerika para dun ipagpatuloy ang pag aaral. Buwan ng Hulyo, isang buwan muna ang ginugol ni Derek bago makapag adjust sa bagong paaralan.

BSED ang kinuha nyang course,kagaya ng napag usapan nila ni Charity. Madalas nga magtanong ng assignment ang binata sa nobya na nag aaral din sa Harrington, tiwala naman sila sa isa't isa dahil sa anak nila. Sa loob ng isang buwan na pag aaral ni Derek ay puro nuod lang sya sa court.

Di sya makapaniwala na ang height nyang 5'10 na matangkad na nun para sa Harrington ay maliit pa pala kumpara sa mga player ng campus nya ngaun- ang St. Margaret University(kathang isip). Wala syang lakas para magpapansin at sumali sa team dahil kumpara sa mga height nilang 6'6 pataas ay walang wala sya.

Ang iba kasi'y may lahing ibang dugo. Pero isang hapon,habang nanunuod sya ng practice ay napansin sya ng Team Captain na si Lemuel. Si Lemuel, captain ng Varsity,kinikilalang pinakamagaling sa buong campus. Mayabang ang binata,at syempre, syota nya ang pinaka hot sa eskwelahan, si Juliet. Si Juliet, 4th year college, kaeskwela ni Lemuel, at kinikilalang pinka hot sa campus, madalas syang makikita na nakasuot ng revealing clothes. Napailing si Derek, parang si Kris at Lovelyn lang to, bahala na.

"Hoy, bata, mukhang araw araw kang nanunuod a" sigaw ni Lemuel kay Derek. Sa height nitong 6'7 ay tinitingala sya ni Derek.

"Ang hirap pala maging college" sabi ng binata sa sarili.

"A, kasi player din ako dati, e pinapanuod ko lang team mo" sagot ni Derek at ngumiti.

"Player daw?" sigaw ni Steve, at nagtawanan ang buong Team pati si Juliet.Nainsulto naman si Derek sa narinig.

"Bata, baka kahit mag dribol di mo alam" sigaw pa ni Paul.

"Oo nga,umupo ka na lang jan at panuorin kami" dagdag pa ni Andrei. Lalong nagtawanan ang lahat, inis na inis naman si Derek, mukhang di sya kilala ng lahat.

"Mga bugok," ika ni Bert, shooting guard ng grupo.

"Magaling pa sating lahat yan binabata nyo" dagdag pa nya. Natahimik naman ang lahat, tapus biglang tumawa ulit.

"Tssgs!" agad nag bounce pass ng bola si Bert kay Derek, nasambot ito ng binata, at ng mahawakan nya ang bola ay bumalik ang uhaw nya sa laro, ang dating Hari ng Basketball ay nanabik maglaro.

"Bakit di nyo sya subukan," ika pa ni Bert. Tahimik lang ang lahat ng makita ang mata ni Derek habang hawak ang bola.

"Ako na muna" ika agad ni Lemuel. Nagulat ang lahat, ang captain agad nila ang hahamon sa binata,ganun na ba kagaling ang baguhan? Agad humanda si Lemuel sa court. Ngumiti lang si Derek, sa wakas, maipapakilala na din nya kung sino sya. Agad nagdribol ang binata, panibagong kalaban to, mahirap, matangkad. Nagtangka syang magdrive pakanan,nasundan sya ni Lemuel, pumreno ang paa nya umikot pakaliwa, nandun pa din ang kalaban.

"Go babe, kaya mu yan" narinig nyang sigaw ni Juliet, litaw ang cleavage ng dalaga habang natalon. Huminga ng malalim si Derek, tumitig ang mata sa kaliwa,sumulong ang paa, sinundan sya ni Lemuel, agad dinribol nya sa likod ang bola.

"Perfect ball handling" bulong ni Paul. Nakalusot si Derek, nakawala sya sa pagbabantay ni Lemuel, ngayon for the final touch, bumwelo sya bago tumalon ng mataas. Lahat ay tulala sa binata. Dinakma nito ang bola, kinorte ng puso, windmill, hinde. .Charity Dunk!

"Blaagg" yanig ang board, mulagat ang mata ng nakasaksi, magaling ang binata.

"Hindi maaari, hindi" paulit ulit na sabi ni Lemuel.

"Babe that's ok, bawi ka na lang" ika ni Juliet.

"No,hindi ako mananalo jan." sagot ni Lemuel. Tinitigan nya ang kaliwang daliri ni Derek at ngumiti sya ng malaking ngiti."Welcome sa Team Derek Salvador" ika ni Lemuel. Lahat ay nagulat sa narinig, ang binatang nakalaro ni Lemuel ay si Derek Salvador, ang nagpasikat ng Charity Dunk, ang binatang nagpapanalo sa Harrington, ang Hari ng Basketball. Lahat ay nagdiwang, nagtatalon, sa wakas, nasa campus nila ang binata,si Derek, ngayo'y magagawa na nilang makarating ng finals. Si Derek nama'y natuwa sa pinakita ng Team, di nya akalaing sikat pala ang pangalan nya sa Maynila. Saglit ay tinitigan nya si Juliet, nginitian nya ito pero inisnab lang sya nito.

"Congrats Derek,welcome to the team" ika ni Bert sa binata. Alam nyang malakas ang binata kaya naman naging mag buddy ang dalawa. Sa araw araw na pag papractice ng Team ay nasa mata ng bawat isa ang determinasyon para manalo. Ibang iba ang college sa hayskul, mas malakas ang mga manlalaro at ibang iba ang pakiramdam bawat practice. Alam ni Derek na ito na ang simula ng bagong kwento nya,sa piling ng bagong eskwelahan.