1. Home
  2. Stories
  3. BLNK: Book 3 - Chapter 5: Kabiguan
Pinoy Tambay

BLNK: Book 3 - Chapter 5: Kabiguan

8 minutes

Naipasok ni Kris ang freethrow shot. Lahat ay nagche-cheer kay Kurt.

"Kaw na lang pag asa" ika ng ilan.

"Derek, Laos ka na" sigaw ng iba. Nainis muli si Derek sa nangyayari, matatalo sila ng dahil sa kanya. Inbound ni Jason, pinasa nya kay Kurt ang bola. Si Kurt ay nagtala ng 42pts, at 13 assists, na kinahanga ni Kris. Alam nyang may ibubuga ang punkistang nobyo ng kapatid nya. Nagdribol ng bola si Kurt,maging sya'y inis sa pinapakita ng mga manunuod,ang pagsuporta sa kanya at pagtalikod kay Derek. Alam kasi nya na may dinadala ang team captain nila. Puro Kurt ang sinisigaw nila ngayon. Aminado syang inis sya kay Derek, pero si Derek ang dahilan kung bakit nahasa sya sa larong basketball. At ngayon, di nya malaman kung bakit ayaw na ng mga tao ang laro ni Derek. Nagdrive sya, nakita nya sa sulok si Derek, libre. Pinasa nya agad ang bola kay Derek.

"Tira,idol" sabi ni Kurt sa sarili. Agad namang tumira si Derek, pero dahil sa namamagang daliri ay nagbounce lang sa ring ang bola.

"Boo" agad sigaw ng mga tao. Mabuti't nasambot ito ni Kurt.

"Asar" bulong nya at tinirang pilit ang bola, pasok ito,sabay ng hiyawan ng lahat. Si Derek nama'y napatigil sa nangyari. Ang dating tinitiliang hari ng basketball ay unti unting binato ng sigawang sumasaksak sa kanyang puso. Masakit man,pero alam nyang wala syang magagawa. Nakayuko syang tumakbo pababa,habang tinititigan ni Kurt at Kris.

"Welcome sa mundo ng panlalait Derek Salvador" bulong ni Omar.

"Tol, ayusin mo naman, lahat kami dito inaayos ang laro" pagalit na sabi ni Tony kay Derek.

"Oo nga ,pasabi ng mananalo daw puro hangin pala" ika din ni Allen. Dun nasaktan si Derek, ng mismong kaibigan na nya ang nanlait sa kanya. Di naman malaman ni Charity ang iniisip ni Derek,ngunit awang awa sya sa binata.

"Bantayan mo yan" utos ni Tony. Nagmistulang utusan si Derek at binantayan si Kris. Nang makita sya ni Kris ay nagulat ito.May dinaramdam ang binata ngunit nandun pa din ang kagustuhang manalo, agad nagdrive si Kris, napamulagat sya ng mabasa ni Derek ang gagawin nya at agad natapik nito ang bola. Dire diretsong nagdribol si Derek,kasunod ni Kris, ngunit bago pa man makarating ng court nila ay napahawak na si Derek sa kamay, mukhang lumala na ang daliri nya. Dun na nya naisipang umupo, napamali ang agaw nya sa bola ngunit binalewala nya ito,at ng maidribol nya ay sa maling anggulo nya nahawakan ang bola.

4th Qtr,at di na naglaro si Derek, dun na din nakaramdam ng sobrang pagkawala ang team Harrington. Bawat sugod nila Kris ay walang Derek na dumidipensa, walang Derek na pumupuntos,at walang Derek na nagpapalakas ng loob nila. 95-80, yang ang huling score nila ng matalo. Tahimik lang ang manunuod.

"Na injury yung Laos na Derek," bulungan nila. Malungkot naman na nakipagkamay ang team Harrington. Nagulat pa ang lahat ng magsalita si Kris.

"Kamusta ang dating school ko" ika nya. Sigawan ang lahat ng taga hanga nya.

"Well,its good to be back,at manalo. Masarap manalo,kaya lang di ako nag enjoy. Kasi parang hindi si Derek ang kalaro ko" tawanan ang lahat.

"Pero Harrington, isa lang masasabi ko,sana yang tawa nyung yan, mapanuod ko sa Finals nyo" ika ni Kris.

"Oo naman, may Kurt pa kami" sigaw ng ilan.

"Uh oh" iling ni Kris.

"No Derek, no trophy" sigaw ni Kris, natahimik ang lahat maging ang Varsity Team.

"Goodluck sayo tol, baka hindi makalaro ang team captain at playing coach nyu,matatagalan ang injury nun" bulong ni Kris kay Kurt.

"Bahala na," sagot lang ni Kurt. Alalang alala naman si Lovelyn ng malamang nasa hospital si Derek at nainjury ang dati pang kinikimkim na kaliwang kamay ng binata. Naabutan nya sa clinic si Derek, nakahiga at kausap ang Nurse. Nagulat pa sya ng paglapit nya ay makilala nya ang Nurse. Si Angie, ang kabit dati ni Kris. Simpleng ngiti lang ang binigay nya. At nginitian din sya ni Angie.Maya maya'y dumating din si Charity, napa atras pa sya ng malamang nandun si Lovelyn pero nakita sya nito at binati. Ngumiti lang sya at kinamusta ang dalaga.

"Ok lang naman, 6 months na si baby,lapit ng lumabas, oi ninang ka ha" sabi ni Lovelyn. Tumango lang si Charity. Binantayan ng dalawa si Derek, hanggang dumating na ang Varsity Team, lahat ay nag aalala kay Derek. Nag sori sa mga nagawa sa binata, at sinabing magpagaling sya dahil di kaya ng Team pag walang Derek. Maya maya'y si Kris naman ang dumating, agad nagtama ang mata nila ni Lovelyn,umiwas naman ang dalaga, pero sa pag unti ng tao ay di na sila nagkahiyaan, konting kamustahan lang. Unti unting pinikit ni Derek ang mata nya, di nya maintindihan ang pinag uusapan ng dalawa. Ngunit malinaw nyang nakita ng magdikit ang labi ng dalawa. Parang dinudurog ang puso nya sa selos,lalo't ng umalis si Kris at Lovelyn ng magka hawak kamay. Wala syang nagawa, tumulo ang luha sa mata. Muli, nag iisa sya. Nagngilid ang luha sa mata ni Derek, mahal nya si Lovelyn, ano nga bang magagawa nya kung niloloko sya ni Lovelyn e sya din naman, nakikipag kantutan sa ibang babae. Nagalit sya, sa sarili, kailangan na nyang gumaling agad, hindi lang kasikatan ang mawawala sa kanya, pati asawa nya. Bumalik sa alaala nya nung nagtapat sya ng pag ibig kay Lovelyn. Graduation nun, at 3 months na ang dinadala ng dalaga. Ang Nakaraan. . Sa graduation ceremony. .

"Nakapag paalam ka na kay Kris?" bati ni Derek.

"Naku,matagal na" natatawang sagot ni Lovelyn sa palapit na binata. Pansin nya agad ang kagwapuhan ng binatang nasa harap nya, pansin ang ilang tumutubong bigote at balbas na nagsisimula ng magdugtong. Ang mahabang pilikmata ng binata na kung tititigan mo ay aakalain mong laging naka eyebrow, matangos na ilong, maihahalintulad ang binata na kakambal ni Ricky Rubio (NBA Player)

.

"E kayo ni Naomi?" nahihiyang tanong ni Lovelyn na ayaw magpahalatang kinikilig sya sa sitwasyon nila.

"Nevermind what's with us, just mind what ours" sagot ni Derek at sa isang iglap ay hinalikan sya ni Lovelyn. Di na kailangan ng salita para lumabas sa kanilang bibig,puso na ang nagdikta,mahal nila ang isa't isa. Sa paghawak ni Derek sa kamay ng dalaga ay may nakakubling piraso ng papel, nagtaka ang dalaga, akala'y pera ito. Binuklat nya ang papel na binigay ni Derek.

"MAMAHALIN MO PA BA AKO HANGGANG BUKAS?" yan ang katagang nakasulat sa papel na binigay ni Derek. Naluluhang sumagot at yumakap si Lovelyn kay Derek.

"HABANG BUHAY Babe" sagot nya. Nagyakap ang dalawa, parehong masaya, maya maya'y hinimas ng dalaga ang tyan nya.

"3 months na sya." ika nito. Walang kapantay na saya ang nararamdaman ni Derek.

"Pag lalaki ang anak natin, Dirk ang ipangalan mo," ika nito.

"Pag babae?" tanong ni Lovelyn.

"Hmmm. .Charity o kaya Naomi" biro ng binata at nagtawa. Batok ang inabot nya kay Lovelyn.

"Arrayy" ika ng nakahigang binata. Naputol ang pag alaala nya sa nakaraan."Anong nangyari sayo" ika ni Charity na bumatok kay Derek.

"Huh?sino ka? Wala akong maalala."Biro ni Derek habang hinihimas ang ulo.

"Wag ka nga umakting jan,sabi ni Angie malubha ang daliri mo kasi napuruhan,at wala kang tama sa ulo para magka amnesia" sagot ni Charity. Napatawa ang binata.

"Gusto ko magkaroon" sabi ni Derek.

"Nag eemowt ka? Wag ka nga jan, matapos mo akong makuha,gusto mo na kalimutan ang lahat" ika ng dalaga.

"Ano ka ba,baka marinig ka nila, saka, gusto ko lang makalimutan ang mga binabatong salita sakin ng mga tao" bulong ni Derek.

"Yun lang ba" tanong ni Charity.

"Meron pa ba?" balik tanong ni Derek. Tinitigan lang sya ng masama ni Charity, napasinghap ang binata, bumigay sya at umamin.

"Ang Kuya Kris mo, dumating dito para ipahiya ako,at agawin si Lovelyn sakin" sagot ni Derek.

"Huh? Ano ka ba Derek, di si Kuya ang dahilan kung bakit ka napahiya,sisihin mo sarili mo kasi naging makasarili ka sa problema mo, di mo sinabi sa lahat ang nararamdaman mo" pangaral ni Charity.

"Dahil ayaw kong maging pabigat sa team,at ayaw ko kayong mag alala sakin" sagot ni Derek,seryoso ang binata. KATAHIMIKAN!

"Saka,wala ka bang alam tungkol kay Kuya at Ate Lovelyn, may sumpaan sila na kahit anong mangyari,sila pa din sa huli. Naku,naku, mahal mo na siguro si Ate Lovelyn noh" ika ni Charity.

"Oo e" tipid na sagot ni Derek.

"Well,malas mo,sila pa din ni Kuya and as i know, from what i heard kanina,magdadate sila" sabi pa ni Charity.

"F*ck" tatayo sana si Derek ngunit pinigilan sya ni Charity.

"Wag Derek, magpahinga ka na lang, walang masamang mangyayari kay Ate, please" ika ni Charity. Sa galit ay sinuntok ni Derek ang mukha nya, dumugo agad ang bibig nya.

"Hayy. . .naku naman Derek" tili ni Charity. Maya maya'y agad dumating si Angie at tiningnan si Derek. Tinurukan nya ang binata ng pampatulog dahil patuloy nitong sinasaktan ang sarili. Alas tres ng madaling araw, nagising si Derek, nakaibabaw sa kanya ang hubot hubad na si Angie.Agad pinasok ang burat nya sa puke nito,masarap, nadala sya, lumaban sya ng halikan. Nawala ang pag iisip ng problema. Hanggang pumutok ang tamad nya sa puke ng dalagang Nurse. Sa bahay ni Kris, isa isang sinara ni Lovelyn ang butones ng blouse nya, katatapos lang bigyang ng blowjob ang dating nobyo.

"So pauwi na ko bukas,hon, sayang di kita makakantot" ika ni Kris.

"Ok lang hon,may next time pa,and 6 months na kasi si baby" sagot ni Lovelyn.

"So what would happen?" tanong ni Kris.

"That jerk would pay" sagot ni Lovelyn.

"Bye hon, matagal na bago ako umuwi dito" pag papaalam ni Kris. Hinalikan nya si Lovelyn. Lumaban ang dalaga, nadala sa init na binibigay ng binata, init na hindi binibigay sa kanya ni Derek, at sa iba binubuhos ng asawa. Sa pagtakbo ng oras hanggang umaga ay magkasalo si Kris at Lovelyn sa makamunduhang kataksilan habang si Derek ay tulala sa sarap na katatapos lang nyang madama sa piling ni Angie.