1. Home
  2. Stories
  3. BLNK: Book 2 - Chapter 9: Hari Ng Basketball
Pinoy Tambay

BLNK: Book 2 - Chapter 9: Hari Ng Basketball

9 minutes

Maugong ang sigawan ng mga manunuod na suportado ang Taladega University. Isang panalo na lang at muling maghahari sa Basketball sa ikaapat na taon ang Taladega. Malungkot naman ang mga fans ng Harrington High. Malayo na ang narating nila pero ayaw nilang matapos ang lahat dito. Ngunit sumigla bigla ang lahat maging si Rob ng makitang nakasuot ng jersey si Derek. Mukhang matutupad na ang pangarap nya. Sigawan ang lahat, ngunit di maiwasang mag alala ni Charity at Naomi lalo't naka benda pa ang daliri ng binata.

"God, please take good care of that crazy boy" bulong ni Lovelyn. Sa pagpito ng referee ay hudyat na humanda na ang lahat, ito ang huling laro ng liga kung mananalo ang Taladega.

"Good luck" ang huling bati ni Rob kay Derek na may kasamang ngiting demonyo. Nag simula na ang Game 5. Ang pangarap na laro ng bawat isa. Kagaya ng mga nakalipas na tip off, natapik ni Rob ang bola papunta kay Ken, simula pa lang ngunit agad tumakbo si Derek sa direksyon ng bola at inagaw ito.

"Team,galaw kayo, wag hayaang lumamang ang kalaban" sigaw nya at agad pinasa kay Keith ang bola. Alam na ng binata ang gagawin kaya ng makitang tumakbo si Derek palapit sa ring ay agad nyang binato ang bola dito. Hinabol agad ni Rob si Derek, naabutan nya ang karibal. Masusing tinitigan ang binata, sa unang pagkakataon, may taong hindi natakot sa titig ni Derek, hawak nya ang bola, at inuudyok ang paa na gumalaw pasulong. Mistulang magfafake, hindi naman nakukuha ng paa nya ang atensyon ni Rob,bagkus sa bola ito nag focus. Sa isang iglap ay itinaas ni Derek ang bola sa pormang titira, dun nakakita ng butas si Rob para matapalan ang binata.

"Di mo sya kaya bata," panlalait ni Omar kay Derek. Ngunit hindi tumalon si Derek, ni hindi sya gumalaw, bagkus.,ibinaba nya ang kamay at titig na ngumiti kay Rob. Dun nakaramdam ng takot si Rob. Ang matang may ibig ipahiwatig.

"Sh*t. .FAKE" sabi na lang nya sa sarili habang nasa ere sya.Sa pagbaba ng katawan ni Rob mula sa pagkakatalon nya sa ere, dun gumalaw ang binata, pasadya nyang sinalubong ng katawan nya ang pababang binata at inihagis ang bola sa ring.

"Shllkk! . ." kasabay ng pagpasok ng bola ay ang pag pito ng referee hudyat ng counted foul at unang foul sa manlalarong kinilala bilang pinakamagaling sa Distrito. Sigawan ang mga fans ni Derek, pati Harrington team.

"He's back" tanging nasabi ni Kris. Ngumiti na lang si Rob at di na nagtangkang mag complain sa referee, akala nya sa NBA lang nya napapanuod ang ganung taktika,sa kamay ni Kobe Bryant. Pero eto sya,biktima ng taktika ng isa sa pinakamagaling na manlalaro sa NBA. Naipasok ni Derek ang free throw shot at yun ang hudyat ng bagong simula ng bagong team ng Harrington. Pursigido ang bawat isa,sa bawat patak ng pawis ay ang pag asang kaya nilang talunin ang Taladega. Basta sama sama sila.

2nd Qtr, 32-30 ang score, lamang ang Harrington, hawak ni Derek ang bola. Nakaramdam agad ng takot si Rob ng dire diretsong mag drive ang binata, kaya naman agad nakidouble team si Ken sa kanya, ngunit ng parehong tatapalan na nila ang binata ay maingat na pinadaan ni Derek ang bola sa gitna ng hita ni Rob habang nakalutang sa ere para maihagis patungo kay Ralph na agad nag bitaw ng tira ng isang magaling na three pointer. Pasok, swabeng swabe ang pagkakatira. Halos habulan lang ang score, ngunit kagaya ng pinag usapan, di pinalamang ng Harrington ang Taladega.

4th Qtr. Sa score na 73-72 lamang pa din ang Harrington pero ball possesion na ng Taladega.

"Believe me Derek, you lied ng sabi mong di mo kami papalamangin, try to stop if you can" sabi ni Rob at agad bumulusok sa ring. Isa isa nyang nalampasan ang player ng Harrington na parang it takes only him to defeat the team. Ngunit nagulat sya ng bantayan sya bigla ni Kris.

"Bahala na" ika ni Rob at inakma ang kamay sa ere para tumira, tumalon naman agad si Kris para tapalan sya, ngiti lang si Rob habang pinapanuod si Kris na tumalon.Ngiting ngiti sya habang napa sh*t naman si Kris, hinintay nya munang bumaba ang katawan ni Kris bago nya tinira ang bola ngunit laking gulat nya ng may bumulusok pataas mula sa likod ni Kris. Si Derek, dinakma nya ang bola at malakas na niyapos ito pababa na parang kumuha lang ng rebound. Hindi makapaniwala si Rob sa ginawa ni Derek, nagcomplain sya na goal tending ang ginawa ng binata ngunit umiling lang ang referee. Sa natitirang minuto ng 4th Qtr ay ginawa ni Rob ang lahat para mapalapit ang score, ngunit parang sya ang pinaglalaruan ngayon,sa kamay ni Derek. Dahil pag isang puntos na lang ang pagitan nila ay nagawa ng milagro, hindi, hindi milagro dahil paulit ulit itong ginagawa ng binata. Napangiti na lang sya at tinanggap ang pagkatalo sa pagtunog ng buzzer, hindi nya alam kung anung mangyayari sa Game 6. Dahil sa ngayon, balot ng takot ang katawan nya sa pagbabalik ni Derek Salvador- ang kasalukuyang Hari ng Basketball. Sa score na 80-76 ay nanalo ang Harrington sa Game 5 para mag extend ang laro.

"Two more to go, kaya natin to,kaya natin" sigaw ni Kris. Masayang masaya ang lahat sa pagbabalik ni Derek. Ngunit,lingid sa kaalaman ng lahat ay kanina pa nasakit ang daliri ng binata, tinitigan ito ni Derek at nakita ang pamamaga nito.

"Wag mo kasi piliting maglaro, di makakatulong yan sa pag papagaling mo" malambing na tinig ni Charity. Agad namang tinago ng binata ang kamay nya.

"May kailangan akong tapusin, at walang makakahadlang sakin" galit na tinig ng binata.

"Bakit ba ang tigas ng puso mong patawarin ako" tanong ng dalaga.

"Pinatawad na kita Cha, gusto ko lang abuting ang gusto ko" sagot ng binata. Muling humanga ang dalaga sa katatagan ng binata,

"Kung ganon,mag ingat ka" sabi ng dalaga kay Derek. Naisin man nyang sabihin ang totoo kay Derek,hindi nya to sinabi. Ang game 6 ay walang pinagkaiba sa nagdaang game 5. Natalo muli ang Taladega sa Harrington para mai tie ang series sa 3-3. Walang humpay ang sigawan ng "GAME 7" sa buong court. Lihim naman na pumunta ng kulungan si Derek para kausapin ang matandang principal. Matagal din silang nag usap, pinatawad na ni Derek ang matanda ngunit wala syang magagawa sa kaso nito.

"Iho, mag ingat ka sa Game 7, Taladega ang kalaban mo" iba ang tono ng pananalita ng matanda. Sapat na ang impormasyong nalaman ni Derek para bumalik sa court ng Harrington. Gabi, at mag isa sya dun. Naalala nya ng magtapat sya kay Charity. Nangiti na lang sya, naisip nya si Naomi. Seryoso sya sa dalaga pero game 7 na bukas,at maraming mangyayari. .ihahanda na lang nya ang sarili sa maaaring mangyari bukas. Game 7. Dagsa ang tao, kung ang nakaraang laro ay marami ang dumalo,doble ang dami ng nanuod ngayon. Kabado ang lahat, maging si Derek. Pero hindi dahil sa laro,kundi dahil sa mangyayari. Expected nya ang mangyayari ngayon. Sa kaiisip ay naiwan pa sya sa Locker.

"Derek, lika na, kaw ha,parang gusto mo ulit" landi ni Lovelyn.Napangiti na lang ang binata.

"Mamayang gabi na lang Love" sagot ni Derek. Nagblush pa si Lovelyn ng marinig na Love ang tinawag sa kanya ng binata imbes na Lyn. Umpisa ng Game 7. Walang pinagkaiba sa nakaraang laro, naghahabulan ng score ang dalawang team. Pero parehong tensyonado sa sigawan ng mga manunuod. Huling laro ito,hindi maaaring walang mananalo,do or die. May uuwing masaya at malungkot. Pero hindi malungkot na uuwi ang Harrington. Maganda ang performance na pinakita ng bawat isa. Teamwork ang pinairal at walang naging pabigat. Lalo't may mga umaasa sa kanila. Ang pangarap na matagal ng gustong makamtan ni Kris ay malapit na nyang mahawakan. Ng mag 4th Qtr na ay hindi pa rin malamangan ng kalaban sila Derek. The crowd are on their feet, isang matinding floater ang binitawan ni Derek na nagpatili ng bawat kababaihan.

"Look at that boy, parang kelan lang binusted ko sya," pag iling ni Lovelyn. Si Charity nama'y di mapigilan ang luha ng makitang natakbo pabalik si Derek para dumipensa.

"He's the one who caugh my heart." tanging bulong ni Charity. Sa huling segundo ng laro ay ramdam na ang saya sa team Harrington.

92-91 ang score. Last 8 seconds. Masusing nagbantay ang bawat manlalaro ng Harrington High. Bumilang na ang oras.

8. . . Pinasa ni Ken ang bola kay Leo, ubos oras lang sila. .7. .6. .5. . 4. . .3. Nawala sa depensa ang Harrington, nawala si Keith sa pagbabantay kay Ken. Nasulyapan ni Rob si Ken, pinasa nya agad ang bola.

2. .umarko ang katawan ni Ken at agad bintawan ang bola. Hinabol sya ni Derek, malayo. .sobrang layo,

1. .pasok ang bola. .93-92 ang lumagay sa scoreboard.

"Prrp" pito ng referee, tumingin si Derek sa shot clock. 0.9 sec ang natitira.

"20 sec time out Harrington" sigaw ng referee. Kabado ang lahat, ang saya kanina ay napalitan ng takot. Nagtalunan na ang Taladega University. Umuugong ang "4 years champ" na sigaw.

"Derek, tira ng tres, make sure pasok tol.please" sigaw ni Kris. Wala na ding maisip na paraan si Kris. Di sya mapakali sa kaba. Takot na takot magkamali. Si Derek lang ang dapat gumawa ng huling tira. Dapat magtiwala sila sa binata.

"Show me miracles, Derek" ngiti ni Rob habang pinapanuod ang Harrington na di mapakali.

"Thats not the idea," sigaw ni Derek.

"What" lahat ay naguluhan.

"Dating gawi" ngiti ni Derek. Sapat na ang ngiti nya para magtiwala si Kris.

"Prrp" pito ng referee at bumalik na sila ng court. Lahat ay kabado.

"Anong gagawin mo Derek"Bulong ni Lovelyn. Inbound ni Kris, namataan nya si Ralph sa 3 point line,katulad ng ginawa nila Derek para matalo ang Varsity player ng Harrington dati. Nakangiti si Kris kay Ralph,agad tumakbo si Rob at Ken kay Ralph,ngunit nagulat ang dalawa ng ihagis ni Kris ang bola sa ring, sinalo ito ng dalawang kamay ni Derek.

"God, he's amazing" tanging nasabi ni Naomi.

"Ang layo na ng narating mo" bulong ni Charity. Buong lakas na bumwelo ang kamay ni Derek at buong puso nyang tinapon sa ring ang bola. Kasabay ng pagtunog ng buzzer.