1. Home
  2. Stories
  3. BLNK: Book 2 - Chapter 7: Game 7
Pinoy Tambay

BLNK: Book 2 - Chapter 7: Game 7

8 minutes

Ang game 7 sa pagitan ng Harrington at Liliputh ay nagsilbing isa sa makasaysayang laro sa Distrito. Bago magsimula ang laro ay kinilala si Derek bilang most valuable player ng buong season, pero dahil wala sya,si Kris na lang ang umakyat sa stage at kinuha ang parangal nya. Sumunod ay ang video na ginawa ni Rob ang pinalabas para magsilbing inspirasyon sa mga katulad ni Derek. Di halos makapaniwala ang lahat na si Derek ay isang simpleng estudyante lang dati. Nasa video din ang pag amin ni Mr. Ramos, ang pagpirma nya ng tseke.at pag ako nya na anak nya ang dinadala ni Kath. Sa tagpong ito ay walang kaalam alam ang mga magulang ni Kath tungkol sa pagbubuntis ng dalaga dahil na States sila ngunit planong umuwi ngayong buwan. Marami ang dumalo para saksihan ang makakalaban ng Taladega University sa finals. Nandun si Doroy na full support na sa Harrington matapos mamulat sa katotohanan. Ngunit kapansin pansin na sa lahat ng importanteng tao na dapat manuod ng game,ay wala si Rob doon.

"Team, inaasahan tayo ni Rob, tayo ang mananalo" sigaw ni Kris at saglit na napatingin sa Locker ni Derek. Di nya namalayan na pumatak ang luha nya sa unang pagkakataon.

"Alam ko nagkamali ako, pero tol Derek, para sayo, igagapang ko ang pangarap ko na nabuhay ng dahil sayo" sigaw nya. Di din mapigilan ng ilan na maging emotional,puwera lang syempre kay Keith. Lahat ay handa na, lumakad na sila papunta sa court. Bumukas na ang ilaw, nag test na ng mic ang announcer, pumunta na sa gitna ang mga player ng isa isang banggitin ang pangalan nila. Pero lahat ay nagulat ng pag tanggal ng jacket ni Kris ay bumulaga ang jersey ni Derek na suot suot nya.

"Team. Let's play na kasama si Derek, let's win not because magaling tayo, let's win because gusto nating manalo" sigaw ng binata. Nag simula na ang tip off. Bawat dribol ng bola, bawat pasa, tira, drive, cross over, dunk, dun nakita ni Kris ang tunay na Derek. Kulang ang basketball pag wala ang Derek Salvador.Sa wakas, nagising din ang binata, nag mulat ito at nakitang nasa hospital sya.

"Si Kath" agad nyang tanong sa Nanay nya na nakaupo at binabantayan sya.

"Anak, naku, salamat po Diyos ko" sabi ng Nanay nya at nag tanda pa ng krus habang pumatak ang luha.

"Nay,sabi ko nasan si Kath," ulit ni Derek. Ginala nya ang mata nya at nakita sa paligid na wala si Kath, tanging si Rob, Naomi at ang Nanay lang nya ang nandun. Kusa pa nyang iniwas ang tingin kay Naomi ng magtama ang mata nila. Maya maya'y dumating na si Kath,agad itong yumakap sa binata.

"Kamusta yung baby natin" saad ni Derek,ramdam nya ang sakit mula sa pagkakatahi ng tagiliran nya pero di nya to pinansin.

"No, Derek, you must know the truth, di mo ito anak, i'm sorry, i'm so sorry" umiyak na ang dalaga.

"Dude, na set up ka ng matandang principal." dagdag pa ni Rob.

"Ganun ba, pati ba yung kagabi?set up ba yun dude, grabe ang galit sakin ni Charity, kayang kaya nya pala akong patayin" malungkot na kwento ni Derek. Lahat sila ay di makapaniwala ng nilahad ni Derek ang nangyari.

"Magsampa ka ng kaso" tanging nasabi ni Naomi.

"Wag na" tipid na sagot ni Derek.

"Kasi mahal mo sya?" malungkot ang tinig ni Naomi.

"No Nao, hindi yun ang reason, maybe he's afraid na walang magawa ang kasong isasampa nya,dude tutulungan kitang magsampa ng kaso, kahit kinse pa lang yung babaeng yun, pagsampa nun ng disi otso,saka gagana yung kaso. May laban ka dude, tutulungan kita" sabi ni Rob.

"Dude, thanks,pero , ayaw ko talaga. .maraming naitulong sakin sila Kris, and ok na ang lahat di ba, wag na nating ungkatin yun," sagot ni Derek at sa wakas, sumilay ang ngiti sa labi nya.

"So,guess i'm single again" pagpaparinig ni Derek, napangiti naman si Naomi na kinikilig pa.

"Ako din single" biro nya at nagtawanan sila.

"Nga pala dude,game 7 ngaun ng semis ah, bat di ka nanuod" tanong ni Derek.

"E kasi dude,nandito sa hospital ang papanuorin ko,saka alam kong mananalo ang team nyo dun" sagot ni Rob.

3. .2. . 1 umingay bigla ang lahat ng nanunuod. Sa kauna unahang pagkakataon, maglalaro sa finals ang Harrinton High. Masayang nagyapusan ang buong team habang hinahagis ang jersey ni Derek. Nagkalat ang alak na pumupulandit sa sahig. Sigawan ang mga fans. May ilang nasigaw ng pangalan ni Derek. Sa score na 89-88 ay tinalo nila ang kalaban at handa ng harapin ang Taladega.

"Team nila dude. Di na ko kasali dun" malungkot na sagot ni Derek.

"Dude, next week na ang finals, gusto ko makalaban ka." seryosong sabi ni Rob.

"Dude, mahirap yang gusto mo" sagot ni Derek at tinuro nya ang saksak at daliri nya.

"Magpagaling ka agad dude, basta, i'm looking forward na makalaban ka." sagot ni Rob. Maya maya'y lumabas na ito, gayundin si Kath. Naiwan si Naomi at Nanay ni Derek. Natunugan naman ng Nanay ng binata na gustong magsolo ng dalawa kaya umubo sya at kunyaring lumabas. Ngayon,solo nila ang oras.

"Kamusta na?" mahinang bati ni Naomi, nahihiya ang dalaga, hindi makatingin ng diretso sa mata ni Derek. Ngiti lang ang bati ng binata sa kanya.

"Hindi ako makapaniwala na nagawa yun ni Cha" sabi ng dalaga.

"Ako din, hayaan na natin yun, halika nga" yaya ni Derek, lumapit naman agad ang dalaga at umupo sa tabi ng binata.

"Tingnan mo yang nangyari sayo, huling laro na ni Kuya, tapos di ka nya makakalaro." sabi ni Naomi.

"Sayang nga e, anu na kaya nangyari sa game 7 ng school" tanong ni Derek. Napangiti ang dalaga. Muli gumana ang pagkamalandi nya. Yumuko sya sa harap ni Derek at hinila pababa ang damit nya para umusbong ang cleavage nya sa pink na bra.

"Bakit yon ang iisipin mo, ako muna intindihin mo" landi ni Naomi habang parang batang kinakagat ang isang daliri.

"Naku Nao, gustuhin ko man, di pwede." sagot ni Derek. Nagtawanan na lang silang dalawa.

"Alalang alala kaya ako sayo" mahinang sabi ni Naomi at nagblush pa.

"Hmm? .kaw talaga,mahal na mahal mo talaga ko noh" biro ni Derek. Nagkatitigan sila, walang imikan, tila nag-uusap ang mga puso. Sapat na ang katahimikang yun para unti- unting lumapit ang bibig ni Naomi sa labi ni Derek. Kusang pumikit ang mata ng dalaga, masarap, manamis-namis, puno ng pag ibig. Kay tagal nyang hinintay na matikman muli ang labi ng binata. Mahal nya si Derek, mahal na mahal.

"Congratulations!" panggugulat ng team Harrington na biglang pumasok sa room ni Derek. Parang wala namang narinig ang dalawang naghahalikan, tuloy pa rin ang halikan nila. Namutla na lang si Charity ng makita ang dalawa. Lumabas na sya ng room,ayaw nyang makita sya ni Derek. Si Keith nama'y agad lumabas at tumungo sa banyo "Oh. .sh*t," sigawan ng lahat ng makita ang dalawa. Ngunit di nagpatinag si Derek at Naomi. Hanggang kusa silang napagod.

"Tol," bati ng nakangiting si Kris habang pinapakita ang jersey ni Derek.

"Were going to the finals" sigawan nila. Masayang masaya ang lahat maging si Derek.

"Isa na lang ang kulang, ikaw tol,dapat mapasama ka sa laro" sabi ni Kris."Tol, hindi na siguro ako makakasama" malungkot na sagot ni Derek.

"Sorry Derek, sorry sa lahat ng pambibintang ko sa'yo." malungkot din si Kris. Pero likas na mabuti ang binata. Mabuti pang sya ang masaktan,kesa iba.

"Tol,kalimutan na natin yun,lahat naman tayo nagkakamali,saka ayaw kong magka gap tayo kaya,hanggat kaya nating kalimutan,kalimutan natin" tanging sagot ng binata at akma syang yayakapin ni Kris ng pigilan ito ni Naomi.

"In your dreams Kris," sabi ni Naomi at sya ang yumakap kay Derek. Nagtawanan ang lahat, gumala ang mata ni Derek pero hindi nya nakita si Charity. Sinikap nyang sipatin sa likod,pero wala.

"Asan si Charity" tanong nya. Natahimik ang lahat.

"Tol,asa labas" tanging sagot ni Kris.

"Asan si Kuya Rob,para macongratulate kayo" agad singit ni Naomi para maiba ang usapan.

"Yow" sagot ni Rob, lahat ay nagulat sa bigla nyang pagsulpot.

"So, kayo pala ang kalaban namin, ipapaalam ko lang na magkakaibigan tayo sa labas,pero sa ilalim ng court, magka away tayo" ika ng binata.

"Derek, pina ayos ko na schedule ng laban natin, hmm,approximately mamimiss mo game 1- 5, pero wag kang mag alala,di ko tatapusin ang laban agad para makalaban pa kita" sabi ni Rob.

"Naku kaw talaga dude, malabo nga ata ako makalaro" pag iinarte ni Derek.

"Hoy, wag ka umarte dyan, mababaw lang sugat mo sabi ni Doc." sagot ni Rob at nagtawanan ang lahat. Mahaba ang pahinga na natamo ng mga player, hinihintay ang pagaling ni Derek. Masaya ang binata na bumalik muli ang tiwala ng lahat sa kanya. Pero isa pa ang di nya nakakamtan,ang makausap si Charity. Iniiwasan sya ng dalaga, bakit? E di naman na sya galit dito. Kinalimutan nya na lahat dahil may pinagsamahan sila. At anong sarap sa pakiramdam pag alam mong nagpatawad ka ng mga taong may pagkakasala sayo. Panatag ang puso sa galit, at alagang alaga sa pagmamahal ng mga kaibigan at ng kanyang bagong nobya,sino pa nga ba. Si Naomi. Dumating ang mga magulang ni Kath at nagulat ang lahat sa narinig na balita.Ayon kay Doroy ay napakulong daw si Mr. Ramos sa pagkakasalang child abuse. Nasa kulungan na ito at naghihimas ng rehas. Panatag naman ang diwa ng Nanay ni Derek, dahil sa pagiging mahinahon at matatag ng anak nya sa pagsubok. Proud na proud sya sa galing ng anak na pumili ng desisyon. Marahil kung sya ang nasa kalagayan ng anak ay hindi sya matatahimik hangga't di naghihiganti,ngunit walang ginawa ang anak nya kundi magpatawad at magsimula ulit. Puro practice lang ang ginawa ng Harrington High,naghahanda sa Finals. Unti unti. Nag hilom ang sugat sa tagiliran ni Derek, pati na rin ang sugat sa puso nya. Kontento na sya sa piling ni Naomi, mapagmahal ang dalaga, laging full support pa rin sa kanya. At hindi sya iniwan. Dalawang buwan ang lumipas. Nalalapit na ang pasko. Naka schedule ang game 1 bukas, masayang nagpapractice ang team nila Kris ng mula sa pintuan ay nakangiting pumasok si Derek.