1. Home
  2. Stories
  3. BLNK: Book 2 - Chapter 6: Si Derek
Pinoy Tambay

BLNK: Book 2 - Chapter 6: Si Derek

8 minutes

Mistulang foreplay ng isang palabas ang naganap sa loob ng hospital. Walang malay ang binatang nakalatag sa higaang tinutulak ng anim na nurse. Agad sinalpakan ng dextrose ang biktima. Mababa na ang pulse rate. Patuloy ang pag agos ng dugo sa tagiliran kasabay ang tuloy tuloy na patak ng luha ng dalagang may dahilan sa nangyari. Naisin man nyang sumigaw ay walang boses na nalabas sa bibig nya. Alalang alala sya sa binata, sa nagawa, at sa maaaring mangyari. Pero wala syang magawa.

"Ma'am hanggang dito na lang po kayo, kami na po muna bahala sa pasyente" ika ng isang nurse habang tinutulak ang binata sa Emergency Room. Tulala lang ang dalaga na unti unting naupos na parang kandila sa kinauupuan nya. Kung ano ang sumunod na nangyari ay di na nya alam at siguro, ayaw na nyang malaman. Kusa nyang pinikit ang mata para kunin ang idlip,kailangan nya ito para makalimot.

"Cha, Charity anong nangyari" tumatakbong pasugod si Kris kasama si Lovelyn. Di mapakali si Lovelyn ng makitang naiyak agad si Charity. Natunugan naman agad ng dalawa ang nangyari.

"My god Cha, how can you do that, f*ck! .sabi ko wag mong ituloy" hinagpis ni Kris at sinuntok ng dalawang beses ang sementadong pader ng hospital. Dalawang malakas na suntok tanda ng galit sa sarili. Maya maya'y nagdatingan ang ilang kaibigan ni Derek. Umiiyak din si Naomi ng malaman ang nangyari sa dating kasintahan. Wala naman kila Kris ang nagtangkang sabihin na gawa ni Charity ang lahat dahil ayaw nilang mapahamak ang dalaga.

"Anong nangyari" tanong ni Naomi.

"Napagtripan" tipid na sagot ni Kris.

"Dude mukhang sineset up ang bata mo" sagot bigla ni Rob.

"Kasalanan ito ng matandang principal na yun" galit na sagot ni Kris.

"Oo pero naniwala ka sa kanya Kris" hagulhol na sagot ni Lovelyn sa nobyo.

"Wag na kayong mag sisihan, bukas ang game 7 nyo sa Liliputh, goodluck Kris kung malalampasan nyo sila, magkita na lang tayo sa finals. But believe me dude, mahihirapan kayo sa team ko" sabi ni Rob. "Tol, asahan mo mananalo kami bukas" tanging sagot ni Kris.

"Dude,sana nga,but again, wala si Derek, kung sana di ka agad naniwala sa matandang Principal na yun,dude, napakaraming dahilan para siraan ang pinakamagaling na manlalaro sa Distrito. Pero, inuna mo ang galit, ayan, pagbabayaran mo lahat, lahat ng pangarap mong binuo kasama si Derek,mababalewala. Dahil di ka nag iisip" kalmadong sabi ni Rob. Lahat ay nagmistulang binuhusan ng malamig na tubig. Tama si Rob,ni hindi man lang nila hinayaang magpaliwanag si Derek. Bagkus, inako nito ang kasalanang di nila alam kung totoo o gawa gawa lang.

"Wag mong ibaling sa kin ang sisi Rob, wag mong masama sama yang lintik na basketball na yan sa usapan dahil di na ito tungkol sa lintik na larong yan,dinamay nya ang kapatid ko kaya dapat lang na magalit ako" nagtaas agad ng boses si Kris,galit na galit sya kay Rob.

"F*ck Kris" galit na sagot ni Rob at agad ginusot ang damit ni Kris at sinaldak sa pader.

"Wag mong malintik lintik yang larong bumubuhay samin, hindi lang ikaw ang nasaktan ng lokohin ni Derek yang kapatid mo, mas matinding sakit ang sinapit ng kapatid ko pero hindi kami nagalit o nagreklamo." dagdag pa ni Rob.

"Pinagtulungan nyo si Derek bugbugin,tapos tinanggal nyo sa team, damn Kris, di natin ginusto lahat ang nangyari" sabi ni Rob sa kalmadong boses at binitiwan na si Kris.

"Kung tutuusin pwede kayong ihabla ni Derek, pamimintang ng walang sapat na ebidensya. But, alam nyang wala syang magagawa dahil mismong kaibigan nya tinalikuran sya,kaya mas minabuti nyang mag focus sa pamilyang inaakala nyang kanya" saad ni Rob. Lahat ay nagulat sa salaysay nito. Katahimikan, parang lahat ay natauhan sa narinig. Akmang aalis na si Rob ng hospital ng magsalita si Kris.

"Rob, bakit mo ginagawa ito,bakit mo kami tinutulungan" sigaw ni Kris.

"Simple lang" sagot ni Rob sabay gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.

"Gusto kong makalaban sa finals ang team nyo kasama ang bata mo" sagot nito at umalis na."Kath, di pa ba nadating ang asawa mo,gabi na ah" tanong ng Nanay ni Derek na kasalukuyang nagluluto.

"Eh mama may overtime po ata sya,malaki daw pong pera ang iuuwi nya e" walang kamalay malay na sagot ng dalaga.

"Naku,sana naman swertehin ang anak ko,para naman may pera na kayo sa panganganak mo,teka, kelan ka nga ba manganganak" tanong muli ng Nanay ni Derek. Nagulat si Kath sa tanong na Nanay ni Derek. 5 months na syang buntis pero 3 months ang sinabi nya para magtugma sa pagkikita nila nun ni Derek. Muli, inatake ng guilty si Kath.

"Ma, mama" nagmamadaling pumasok ang Ate ni Derek sa bahay.

"Oh, Lily bakit" tanong ng Nanay nito.

"Si Derek po nasaksak daw ,nasa hospital po" mangiyak ngiyak na sagot ni Lily. Agad bumalikwas ang lahat, mabilis ang kaba ng Ina sa pag aalala sa anak. Gayundin si Kath na inatake ng sobrang pagka guilty. Napuno ng iyakan at hinagpis ang hospital kung san nakahiga ang katawan ng walang malay na binata.

"Bakit,bakit ang anak ko pa?" yang ang tanong na naglalaro sa isip ng Nanay ni Derek. Wala syang kaalam alam sa naganap. Umaasa lang sya na mag uuwi ang anak ng pera para sa mag ina nito. Pero sadyang iba talaga ang pag aalala ng ina sa anak lalo't iabot ng nurse sa kanya ang lukot na isang libong piso.

"Hawak hawak po nya yan,nakakuyom po ang kamay nya,siguro sa sakit ng nararamdaman ng binubugbog sya kaya nya ito nalukot, yung kabilang kamay po nya ay malubha sapagkat nabali po ang dalawa sa daliri nya. Marahil tinamaan po ito ng matigas na bagay base sa pagkaka maga nito." paliwanag ng nurse. Napayakap na lang ang mama ni Derek kay Lovelyn. Ito lang kasi ang nakilala nya sa mga kaibigan ng anak na nagtangkang pumunta ng bahay nila. Niyakap naman sya ng dalaga. Si Kath naman ay nasa labas lang ng hospital, punong puno sya ng guilt sa sarili, ayaw nyang makita ang binata, sa loob ng ilang araw ay naging mabuti ang pakikitungo ni Derek sa kanya,ni hindi ito nagreklamo na nahihirapan sya sa trabaho. Hawak pa nya ang 1,800 pesos na perang binibigay sa kanya ng binata buhat ng magtrabaho ito. Panay din ang himas ng binata sa tyan nya, tinuring sya ng binata na totoong asawa,at ang bata na tunay na anak. Hindi sya nakarinig ng katanungan o anu mang pang uungkat sa binata. Hindi rin nag take advantage ang binata sa mga gabing niyayakap nya ito. Ginalang sya ni Derek at awang awa sya sa binata dahil sa kalokohang nagawa nya. Buo na ang pasya nya, kailangan nilang malaman ang lahat. Pumasok na sya ng hospital at agad lumapit sa pwesto nila Kris. Lumuluha sya ng sinalaysay ang lahat, detail every detail. Walang nakalimutang salita.

"But that doesn't explain kung pano nya niloko ang kapatid ko" sagot ni Kris.

"Di nya gusto ang nangyari Kris,matagal ng mahal ni Derek ang kapatid mo,ngaun lang sya naglakas loob na magtapat." sabi ni Lovelyn."So si Naomi ang niloko ni Derek." tanong muli ni Kris.

"Maybe, para makaganti sya kay Charity cause she choose Keith instead of him" sagot ni Lovelyn. Namunawan muli ang lahat lalo na si Charity. Ngayong alam na nila ang lahat, wala na silang magagawa, di na nila pwedeng i rewind ang lahat. Napailing na lang si Kris at umasang magkamalay na ang binata. Samantalang si Rob naman ay pumunta sa Far Western University, takang taka ang lahat kung bakit napadayo si Rob sa campus nila. Pinagtitinginan sya ng mga matang nangunguntya sa kanya. Wala syang pakialam, pumunta sya roon dahil may pakay sya. Napangiti sya ng marating ang Principal's Office.

"Good morning Mr. Ramos" bati nya. Tila nakakita naman ng multo ang matanda, agad syang tumayo.

"Oh. .go-good morning inaanak" garagal nyang bati at di malaman ang gagawin.

"Oh,please Mr. Ramos, don't call me inaanak,matagal na nating kinalimutan yan di ba?" ika ni Rob. Tumango lang ang matanda.

"Didiretsahin na kita Mr. Ramos, pwede ba tayong mag usap?" mahinahong tanong ni Rob.

"O-oo,iho" sagot ng matanda na takot na takot na tila nakakita ng multo.

"Good, look, about Derek, di lang si Derek ang naapektuhan dun Mr. Ramos" ngiting aso ng binata. Napalunok ang binata sa narinig.

"Explain the truth,or else. ." napailing pa ang binata sa banta nya.

"Hawak ko ang cellphone ko,and Dad is just one click away" patuloy ni Rob.

"My god why are you concern bout that stupid boy" sigaw ng matanda.

"Mr. Ramos i believe you must lower your voice, and about the fact that i'm concern about him, maybe gusto ko lang makalaro sa finals. kaya nga tinalo ko agad ang koponan mong bulok" sagot ni Rob. Natakot naman ang matanda lalo't ng makita nyang hawak na ni Rob ang cp nya.

"Sh*t, i'm dead" tanging nasabi nya.

"Here, make your statement here na pinaglaruan mo lang si Derek, and give apologize to his family" turo ni Rob habang hawak ang camera.

"Ok,ok." parang santo ang matanda sa kabaitan."And also Mr Ramos, i need your signature sa cheke" sabi pa ng binata habang pinapaandar ang camera.

"Ok,akin na. .my god" sagot ng matanda ngunit napatigil sya ng makita ang halaga ng cheke.

"Sh*t,Rob. .i won't give away that much money" pagtanggi ng matanda ng makitang 500 thousand ang laman ng tseke.

"Mr. Ramos, madali naman akong kausap e, kung hindi mo pipirmahan yan, mawawala ka na sa FWU, mas malaki pa tutustusin mo kay Kath." sagot ng binata.

"F*ck. .i'm dead, so dead" ika ng matanda at napilitan ng pirmahan ang tseke. Ng gabi ding iyon e kinunan ng statement ni Rob ang matandang principal na nagpapatunay na sya ang may kasalanan ng lahat, na sinet up nya ang binata, at papanagutan nya ang anak ni Kath.

"Akalain mo,masarap pala mag video sa camera mo no Mr. Ramos" pang aasar ni Rob dahil ang gamit nyang camera ay ang camerang ginamit ng matanda kay Derek.