1. Home
  2. Stories
  3. BLNK: Book 2 - Chapter 12: Wakas
Pinoy Tambay

BLNK: Book 2 - Chapter 12: Wakas

1 minutes

"Mr. Salvador,your late again." umalingasaw ang sigaw ng galit na dalagang guro ng makita si Derek na nagtatangkang papasok sa klase. Kagaya ng dati, late na naman ang binata.

"Sorry maam, alam nyo naman pong naglilihi yung gf ko, dinalaw ko po muna para kamustahin at dalhan ng prutas" sagot ni Derek. Puno ng tilian ang room ng 4th yr. Siya si Derek Salvador, pinanganak na mahirap, binago ng Basketball ang buhay nya. Hindi natutong sumuko kahit sinubok ng tadhana.

4th year student sya ng Harrington Highschool, at sa campus nila, sya ang kinikilalang Team Captain ng Varsity. Kilala sa pagiging player sa kama. . At kinikilalang Hari ng Basketball sa Distrito nila. Nangiti na lang si Derek sa nakalipas na taong naalala nya ang buhay nya. Ngayon, sa tuwing titingin ang lahat sa Basketball court nila ay mababasa mo ang.

"Basketball is not a Part of our Life, It is Life" at "I don't want to be the next Kobe Bryant, i just want to be Derek Salvador" na quoted sa pangalan nya, mula sa sagot nya sa interview ng manalo ang Harrington sa Highschool Basketball League. Ngayon, kasama ang kaibigan, pamilya at ang First Love nya, wala na syang ibang mahihiling pa. Kung panong nalaman at napatawad sya ni Kris,ibang storya na. Ang mahalaga ay umiikot ang mundo,at kasabay ng pag ikot nito ay sumasabay sya sa mga pagsubok nito. Si Derek, minsan ng binato ng pagsubok, pero bumangon at lumaban, at ngayo'y patuloy ng makikisabay sa lahat, kahit ang istorya ng bagong buhay nya ay nag sisimula pa lamang.