1. Home
  2. Stories
  3. BLNK: Book 2 - Chapter 10: Katotohanan
Pinoy Tambay

BLNK: Book 2 - Chapter 10: Katotohanan

4 minutes

Lahat ay sumigaw sa ginawa ng binata. Perpekto ang inbound alley oop. Muling nagbalik sa alaala ni Kris ng talunin sila nila Derek. Kahit magagaling ang kakampi nya'y nakagawa ng paraan ang binata para lampasan ang galing nila. Ngayon, titig lang sya sa binata. Ang tumupad sa matagal na nyang pangarap, ang championship. Pinunas nya ang luha,hindi ito oras para umiyak. Magulo ang court, talunan,takbuhan, yakapan, sigawan. Si Derek ay di makapaniwala sa nangyari, nakahawak sya sa ulo nya. Tumulo ang luha sa mata, napaluhod sya sa gitna ng court. Heto sya ngayon. Basketball ang naging dahilang kung bakit sya tinanggap ng ibang tao. Isa isang bumalik ang mga naganap sa kanya mula ng araw na sumali sya ng Varsity. Masaya, sobrang saya. Maya maya'y nilapitan na sya ng media. Syempre,interview mode sya. Ang huling tanong sa kanya ay mensahe mula sa kanya.

"Mga tol, dude, wag kayong susuko, eto masasabi ko, Basketball is not a part of our life, it is LIFE," ika ni Derek,at natatawa pa nyang dinagdag ang.

"I don't want to be the next Kobe Bryant, i just want to be Derek Salvador" tapos na ang interview,wala ng media pero nandun pa din ang mga player. Nilapitan si Derek ni Rob, nakangiting aso pa si Rob habang palapit sa binata.

"Blaaagg" napaluhod na lang si Derek ng tumama sa tagiliran nya ang sipa ni Rob. Bagsak sya sa sahig. Lahat ay nagulat sa nangyari. Panong? Panong si Rob ang mananakit ng ganun kay Derek. Agad tumakbo palapit sa kanila si Kris para tulungan si Derek pero sinuntok sya agad ni Keith. Naguluhan sila Lovelyn sa nakita.

"Happy now? Mr Salvador? Hindi ikaw ang sisira ng pangalan ko" sabi ni Rob sa kanya at inapakan pa ang bali nyang daliri.

"Ahhh" sigaw ni Derek sa sakit.

"Kuya, stop it" mangiyak ngiyak si Naomi sa nakita,gusto nyang pigilan ang Kuya ngunit inawat sya ni Ken.

"Akin pa din ang huling halakhak Rob" sigaw ni Derek. Naguluhan naman si Rob sa narinig.

"Itaas mong kamay mo" sigaw ng mga pulis.Agad dumating sina Tony at Allen na tumawag ng pulis kagaya ng sinabi ni Derek bago ang laro. Tumaas naman ng kamay si Rob, napa atras din ang mga kasabwat nito. Pinosasan agad ng mga pulis ang binata.

"Sir, ano po to" tanong ni Rob. Gulat na gulat sa nangyari.

"Rob,amoy ko na ang baho mo, ikaw, si Keith,at Charity ang nag usap kasama si Ken at iba pa nyong ka team ang bumugbog sakin, ikaw ang sumaksak sakin" ika ni Derek. Gulat ang lahat, maging si Rob ay nagtaka.

"You're lying hayup ka, wala kang ebidensya" sagot ni Rob.

"Humanga ka sa talento ko kaya gusto mo akong iligpit, ayaw mong matalo ka sa huling taon mo sa highschool, binali mo daliri ko para sumama ang laro ko, pero di ako ganun kahina dude, alam mo kung gano kalalim ang saksak ko, at ibinato mo lahat ang sisi kay Mr Ramos dahil bata sya ng papa mo, ikaw ang Ama ng dinadala ni Kath, sinadya mong ipaalam sa magulang ni Kath na si Mr. Ramos ang may gawa ng lahat para ipakulong agad ang matanda,para di na malaman ang baho mo,tapos ng ayos na ang lahat, pinagawa mo ng video si Mr. Ramos para labas na labas ka na sa kaso, dude, tinulungan mo kaming akusahan ang matanda, inusog mo ng matagal ang finals para makalaban ako at ipahiya sa lahat ng tao, dahil alam mong di ako makakapag laro ng maayos." paliwanag ni Derek. Lahat ay naguguluhan sa nangyari.

"Ang balak ni Mr Ramos ay kunin ako sa Harrington, ngunit ginamit mo sya bilang kasabwat,dahil alam mong nabuntis mo si Kath, at tinakot mo sya na pag di pinasagot sakin ang anak ni Kath ay papatayin mo sya" dagdag pa ni Derek.

"Rob, gumagamit ka din ng pinagbabawal na gamot ayon sa investigation namin" sabi pa ng pulis.

"Accept it dude,ma magaling sayo si Derek, and dude, stop it, stop everything, magsimula ka" sabi ni Kris kay Rob.

"No you're lying,stop it, " ika ni Naomi kay Derek at sinampal sampal nya ito.

"Isa pa to Naomi.ayaw ako ng Kuya mo para sayo" garagal ang boses ni Derek."Kuya tell me its not true" sabi ni Naomi. Di nakasagot agad si Rob.

"Last year ko to Naomi,but i think mali nga talaga ako" ika ni Rob. Himas himas ni Derek ang daliri nya, agad naman syang nilapitan ni Lovelyn.

"Napanu na yan" tanong ng dalaga.

"Ok lang to Love" sagot ni Derek. Muling nagblush si Lovelyn. Pero agad din syang lumayo kay Derek at yumakap kay Kris. Dinala na ng pulis si Rob, kasama ang ilang kasabwat nito. Di man makulong ang binata, irerehab nila ito. Iyak naman ng iyak ang kapatid nyang si Naomi. Di na nya nagawang samahan si Derek na mag celebrate dahil mas inuna nya ang Kuya nya. Masaya ang lahat, tuloy ang selebrasyon,pero bumalik sa hospital si Derek para magpahinga. Nanay lang nya ang kasama nya. Maya maya'y may bisita syang dumating. Nangiti na lang sya ng makita ito. After all,sino nga ba ang naiwan sa kanya sa huli. . Sumilay ang ngiti sa labi ni Lovelyn ng makitang ok lang si Derek. Masaya naman ang binata ng makita si Lovelyn-ang first love nya.