1. Home
  2. Stories
  3. BLNK: Book 1 - Chapter 16: Basketball
Pinoy Tambay

BLNK: Book 1 - Chapter 16: Basketball

8 minutes

"Prrp" hudyat na simula na ang 1st Qtr. Mataas na hinagis ng referee ang bola,kasunod ng dalawang kamay na nag uunahan para abutin ito.

"Pak" nanalo si Doroy sa jumble.

Nakuha ito ni Badi,ang pointguard nila.

Binabantayan sya ni Kieth, todo cheer naman si Charity kay Kieth. At sa bawat sigaw ng pangalan nya ay kumakaway itong si Kieth,yun ng naging dahilan para makalusot sa dipensa nya si Badi, agad itong umapak sa 3pt line at hinagis ang bola.

"Rebound" sigaw ni Derek, natunugan nyang kapos ito,ngunit bago pa man makuha ni Kris ang bola ay nadampot na ito ni Doroy para maisagawa ang alley oop sa hara ni Kris. Tahimik ang buong campus. Yung iba puro boo lang. .

Napailing si Kris,dapat di pinabayaan ni Kieth ang kalaban.

Opensa, si Kieth ang nagdadala ng bola,magaling sya sa ball handling kaya sya ang pointguard nila, ngunit katulad kanina, di pa din maiwasan ng binata na magpapansin sa mga tao, bagay na kinagalit ni Derek at Kris,kaya naman ng akmang mag da drive na si Kieth ay walang kahirap hirap itong naagaw ni Badi.

Long pass agad kay Doroy na nasa free throw line, isang dribol at bumwelo ito para magsagawa muli ng ikalawang dunk.

Ngunit nagulat ito na nasa ere na sya ay may kamay na biglang humarang sa bolang ida dunk nya. Natakot sya, pero hindi sya patatalo.

Pwersahan nyang hinampas ang bola papunta sa ring ngunit gayon na lang ang pagkagulat nya ng malakas na tapikin ito ng nasa harap nya na parang volleyball.Lumabas ang bola.

Out of bound, may takot sa mata ni Doroy. Ngaun lang sya nakaranas na matapalan. Tiningnan nya ang lalaking nakatapal sa kanya.

Number 18, Salvador.

"Di ka na makaka dunk ulet. .trust me" nakangiting sabi ni Derek at iniwan ang tulalang Doroy.

Sigawan naman ang mga tao sa ginawa ni Derek.

"Ang galing nya talaga,no wonder sya ang next team captain ng school" bulong ng babaeng katabi ni Charity.

"Saka ang cute nya,sh*t. .pag ako niligawan nyan, sasagutin ko yan agad" sabi pa ng isa. Naalala tuloy ni Charity na sya ang babaeng minamahal ni Derek. Ngunit, binalewala nya ang nararamdaman ng binata para sa kanya at idiniin si Kieth na kasalukuyang nobyo na nya.

Totoo nga ang sinabi ni Derek, di na muling nakapag dunk si Doroy. .naka

8 blocks na sya dito tuwing magtatangka itong mag dunk.

Ang first at 2nd Qtr ng laro ay naging mahirap lalo't si Kris at Derek lang ang nagawa. Dagdag pa ang magagaling na kalaban. At ang higit

13 turnovers ni Kieth. Inis na inis man,nagtimpi pa din si Kris. Ayaw nyang magkasagutan sila lalo't may laro ngayon.

Sa score na 52-30, natambakan sila ng FWU.

Ngunit di naman pumayag si Derek na ganun na lang matapos ang laro,sa score na 72-70 ay nagawa nilang habulin ang kalaban.

Ng magsimula ang 4th qtr ay nahabol pa nila ito at nagawa pa nilang lamangan, ngunit masyadong magaling ang FWU.

At ng last 1 minute ng laro, ball possession nila Derek. 87-84 ang score.

Agad pinasa ni Kieth ang bola kay Derek.Tumakbo naman agad si Derek, nag cross over spin sa kalaban at harapang tinalunan si Doroy.

Pwersahan ang dalawa na sa huli'y nagawang i-dunk ni Derek ang bola plus counted foul pa.

Nagawang i-shoot ni Derek ang free throw para ma tie ang laro sa score na 87-87.

Time out ang kalaban agad nagyakapan ang team nila Kris, sigawan din ang buong campus nila.

Maging si Lovelyn ay di maiwasang humanga sa ginawa ni Derek.

Gayundin si Charity.

Last 48 sec. bola ng kalaban, ubos oras lang sila, hanggang magdrive si Doroy papuntang ring, agad syang hinarang ni Derek,ngunit laking gulat nito ng ipasa bigla ni Doroy ang bola sa kateam mate na libreng libre sa

3point line. .pasok ang 3point.

90-87.

Last 30 sec, bola nila Derek, hirap silang makapasok, sa isang iglap ay nagdrive din si Kris sa ring, tumalon xa ng mataas kasabay si Doroy,ngiti lang ang binata ng ibaba nito ang kamay at ihagis kay Derek ang bola para tumira ng 3point.

Pasok ito. .muling nag tie ang score. .muling nag sigawan ang mga tao,at walang hanggang pag hanga ang natamo ni Derek. Sa score na 32 points,7 reb, 8 blocks, pinagharian nya ang court.

Pero di pa tapos ang laro, ipon ang lahat ng team sa ring ng kalaban, ngunit ng mag inbound ang kalaban ay agad itong na intercep ni Derek,solo nila ni Kieth ang ring nila.walang bantay except sa isang nahabol, pinasa nya kay Kieth ang bola para gumawa ng play , tumatakbo ang oras, huling 10 segundo.

Sigawan ang lahat, ramdam nila na mananalo sila.Ngunit muli, binitawan ni Kieth ang bola at kumaway sa fans, umaasa na sure win na sila. Ngunit agad itong naagaw ng kalaban sa kanya. Napailing si Derek. Huling tatlong segundo ay pinasa nito ang bola kay Doroy, at agad tumira ng perimeter shot.

Tumalon pa si Kris kay Doroy ngunit huli na, naihagis na nito ang bola at diretsong pumasok sa ring kasabay ng buzzer. Hudyat na tapos na ang laro, talo sila. Sa sariling court. Wala na silang nagawa kundi pagmasdan ang kalaban na magdiwang sa campus nila.

"Blaag!" isang malakas na suntok ang binitiwan ni Kris sa locker nya.

Nagulat ang lahat ng nasa locker room ng Varsity nila. Pinipigilan naman sya ng kanyang nobya na si Lovelyn.

Tameme lang si Keith, na dahilan ng kanilang pagkatalo, kasalukuyan syang pinupunasan ng pawis ni Charity,samantalang tahimik lang sa sulok si Derek.

"Look what you've done, were almost there. .f*ck! .antagal natin hinintay ang pagkakataong ito,ngayong muntikan na, sinayang mo pa" galit na sigaw ni Kris kay Keith, gusto nyang sungaban at suntukin ito,pero nagtitimpi sya dahil alam nyang kawawa ito pag ginulpe nya.

"Tama na yan hon" pagpigil naman ni Lovelyn sa nobyo. Kita nya sa mukha nito ang pagka dismaya, at galit.

Nagulat naman si Charity sa narinig,tama ba ang narinig nya? Tinawag ni Lovelyn ang kuya nya ng Hon,ibig sabihin nagkabalikan na sila.

Gayun na lang ang awa nya kay Derek,napatingin sya sa kinaroroonan nito, tahimik lang ang binata,halatang kumukuha ng lakas dahil hapong hapo sya sa laro. May kirot na kumuldit sa puso nya, kelan ba nya maaamin sa binata,sa lahat at sa sarili nya ang katotohanang mahal nya ito.

Napasinghap si Charity, natigil ang pag iisip nya ng tumayo ang boyfriend nya.

"Sh*t,dude,i'm sorry ok? Anu ba kinakagalit mo, that's just a practice game,who the hell would give importance to that,i mean, who cares if we lose or win" sigaw ni Keith.

Napatunganga ang lahat sa kanya.

Nanliit ang tingin.

"Practice game or not, basketball pa din yun" tanging nasabi ni Kris."And naghirap kami, ako, lalo na si Derek na gawin ang lahat para manalo,pero sinayang mo" dagdag pa nito, sa kalmadong boses.

"Kuya tama na nga,nag sorry na sya ah," pagtatangol naman ni Charity sa nobyo nito.

"Cha, wag mong ipagtangol yan dahil kahit tanungin mo ang lahat, alam namin na sya ang dahilan ng pagkatalo ng team" sagot ni Kris.

Sumang ayon naman ang buong team.

"Sh*t Kuya,don't tell that, kung sana naging maganda ang performance nyo, kung sana nalampasan nyo ang galing ng kalaban at kung sana you did your best,baka nanalo pa tayo,kulang kayo sa performance,yun ang nagpatalo sa nyo" sumigaw na din si Charity. Kalmado lang si Derek na nakikinig.

"Don't talk to me like that Charity, God knows we did our best" sagot ng kuya nya.

"Yes Kuya, sabihin na nating you did your best, but kulang, kaya kayo natalo" sagot ni Charity.

"Cha,stop that,igalang mo naman kuya mo" singit ng nagagalit na Lovelyn. Mistulang away ang pangyayari.

"Wag ka makialam Ate Lovelyn,it's between me and My Kuya" sagot ni Charity.

"No it's not" sumigaw agad sa kalmadong boses si Derek. Lahat ay natahimik ng magsalita sya.

"Its not just between you and Kris Charity, it's about the team, OUR TEAM" dagdag pa nito.

"Kung kinukwestyon mo ang pagkukulang namin sa performance, bakit di mo silipin ang performance ng bf mo." dire diretso ang bibig ni Derek, ngunit nakayuko lang ito. Nagulat naman si Kris ng malamang bf ng kapatid nya si Keith."Lahat kami may hanganan, napapagod, Charity, sabihin mo nga, sa buong game ba nakita mo kaming nagpahinga ng Kuya mo?" umiling ang dalaga. Unti unting parang kandila syang naupos.

"Charity if you can't accept the reality na gawa ng bf mo kaya natalo,then mas lalong di ko matatangap na natalo tayo dahil mahina tayo" huling sagot ni Derek at agad umalis sa locker room. Bitbit ang pagod na katawan at pusong sawi, tama na, pababayaan na nya si Charity sa bf nito. Mag fo-focus sya sa basketball.

At least nandyan pa si Kris at Lovelyn na naniniwala sa kanya.

Lumabas sya ng court at nakitang simula na nagbukas na pala ang acoustic booth, gusto nyang makinig ng musika,para malibang naman ang puso nya. Mabilis syang nagtatakbo sa koridor ng sa biglang pagliko nya ay may nabungo ang babae,

"Blaaag." tumama ang ulo ng babae sa dibdib ni Derek, natumba sila pareho,ngunit hindi magkapatong.

"Wata, .sori miss," inalalayan pa ni Derek ang babae na tumayo, likas talagang maginoo ang binata.

"Aray. .di kasi nag iingat" sagot ng dalaga. Saglit nagkatitigan sila.

Ngumiti si Derek,katulad ng ginagawa nya sa ibang babae para maakit sila, ngunit lalong sumimangot ang dalaga.

"Gago ngingiti ngiti ka pa ansakit ng ulo ko" galit ang dalaga. Di maipagkakailang nagwapuhan ito sa binata.

Wala naman sa mood makipagkilala si Derek kaya hinalikan na lang nya sa cheeks ang babae sabay takbo.

"Sh*t, tang ina ka" sigaw ng dalaga sa kanya, nag blush pa ito at napangiti sa nangyari. Maganda ang dalaga, kumbaga perfect girl din, at ang unang napansin pa ni Derek ay ang matang mapang akit nito, maganda din ang katawan nito pero syempre, me laman na ang puso nya kaya di sya basta basta maaakit ng stranger na babaeng yun.

Sa wakas narating nya ang acoustic booth, suminghap sya at inayos ang sarili.

Dahan dahan, pumasok sya sa room. .