1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 3 - Part 21
Pinoy Tambay

Barkada: Book 3 - Part 21

27 minutes

"Dead on Arrival" ang pasya ng Doktor sa katawan ng dalaga na naliligo sa sariling dugo na payapa ng nakahiga sa stretcher ng hindi na nila ito masagip para dugtungan pa ang buhay.. Galit na galit si Kaloy sa narinig .. Agad nyang sinakal ang Doktor..

"Bawiin mo yan... hindi totoo yan.. buhay sya nung dinala namin sya dito.. Doktor ka at responsibilidad mo na gamutin sya" luhaan, at galit na sinigawan ni Kaloy ang doktor..

"Tol..tama na... tama na" inawat ni Kris si Kaloy.. Natakot naman ang doktor sa nasaksihan.. Madalas ng mangayari sa buhay nya ang ganitong sitwasyon na sa kamay nila palagi napupunta ang sisi ..pero iba ngayong oras na ito.. Kung tutuusin pwede nyang ipatawag ang security sa labas para palabasin ang binata, pero inintindi nya ito..

"Magkano?? magkano? kahit mag kano babayaran kita.marami akong pera Dok" hikbi ng binata.. Tahimik lang ang Doktor..

"Tol... "Inaawat naman ni Kris si Kaloy ...

"Dok kahit lahat ng pera ko ibibigay ko sayo.. please.. wala ng saysay lahat DOk..wala na" iyak ni Kaloy na dahan dahang binitawan ang Doktor, napaupo na lang sya at humagulhol. Napailing lang ang Doktor.. Naawa sya sa binata.. Maya maya'y iniwan na sila nito.

"Anong nangyari" lumapit si Jema sa dalawa, kasalukuyang naka duty ang dalaga sa Hospital at narinig ang nangyari. Napaiyak agad ang dalaga ng yakapin sya ng nobyo at umiling ito.

"Si Aira"Tanging nasabi ni Kris. Napatakip ng bibig si Jema, kahit sya'y di makapaniwala sa nangyari. Maya maya'y tumayo si Kaloy..

"Kayo na bahala dito" sabi nya kay Kris.

"Tol bakit?"Nag aalalang tanong ni Kris sa kanya.

"Marami akong dapat gawin" sagot ng binata at akmang aalis ng pigilan sya ni Kris.

"Tol, kailangan ka dito.. ikaw ang asawa"Sabi ni Kris.. Parang tinusok na karayon ang puso ni Kaloy sa narinig . Sya ang asawa? Sya nga ba? Naging asawa nga ba sya kay Aira. Napapikit ang binata at pinigil ng umiyak.

"Please tol... "Sabi nya kay Kris..

"Tol ..alam kong pinagdadaanan mo ..pero-" di na natapos ang sasabihin ni Kris

"Alam ko tol.. salamat" sabi ni Kaloy at umalis na . Umiiyak muli ang binata habang naaalala ang ngiti ni Aira ng pabalik sya sa bahay nila Tanya.. Tinawagan nya si Mang Ramon.. Itinago nya ang pag iiyak ng sagutin ng matanda ang tawag nya.

"Kaloy..asan na kayo? anong oras kayo uwi?"Tanong agad ni Mang Ramon.. Humikbi si Kaloy at narinig iyon agad ni Mang Ramon.

"Kaloy.. may problema ba." tanong ng matanda.

"Mang Ramon... si Carl..pabantayan muna.. matatagalan ako" sabi nya.. Nagtaka ang matanda sa narinig.

"Anong nang yari Kaloy?" pangungulit ng matanda.. Matagal bago sumagot ang binata. Humanap pa sya ng hangin at lakas ng loob bago sumagot..

"Mang Ramon..paayos po ang bahay...

"Tuluyan ng umiyak ang binata.

"Kaloy ..ano ba kasing nangyari? nag away na naman ba kayo?" tanong ng matanda.

"Wala Mang Ramon. .Wala na ..."Sagot ng binata. Napakunot ang noo ng matanda ..

"Wala na si Aira" sabi ni Kaloy. Nanlaki ang mata ng matanda sa narinig

"Dyos ko" tanging nasabi nito.

"Mang Ramon..si Carl.. patingnan muna ...di ko alam gagawin ko..nauubusan ako ng plano..ng lakas ng loob..tang ina naman" sabi ng binata.. Agad na nitong binaba ang cellphone at hindi na hinintay na sumagot ang matanda. Kaaalis lang ng mga pulis na humuli kay Clay bago dumating ang binata.. Wala na rin si Ella at Reggie.. Tanging si Dan. Mutya at Tanya ang naabutan ni Kaloy sa bahay ng dalaga.

"Asan na sya?" tanong ng galit na galit na binata pero ang naabutan lang nya ay ang mga umiiyak na kaibigan.. Agad tumayo si Mutya para salubungin si Kaloy.

"Ano?? ok na ba?? ok na? "Tanong ni Mutya sa binata.. Umiling si Kaloy..

"Nasan yung boypren mo" pinag taasan ng boses ni Kaloy at dinuro si Tanya. Napaiyak lalo ang dalaga sa ginawa ni Kaloy..

"Tol ..wala na... nasa pulis na sya. "Sabi ni Dan..

"Bwisit" sigaw ni Kaloy at sinipa ang pinakamalapit na upuan sa tabi nya. Maya maya'y malungkot na lumapit ito kay Tanya. Agad nyang hinawakan ang pisngi ni Tanya.. Nagulat naman si Dan at Mutya sa nasaksihan.

"Fake death din to di ba?" tanong ni Kaloy kay Tanya..

"Babalik sya after years? at magkakasama pa kami di ba?" Umiling lang si Tanya..

"Walang may gusto ng nangyari" tanging nasabi ng dalaga. Binitawan agad ni Kaloy si Tanya at sinuntok ang sarili.. Paulit ulit.

"Tol tama na.." inawat ni Dan si Kaloy..

"Kasalanan ko di ba? ?makasarili ako di ba?? dapat ako yung nandun e..bakit si Aira pa?? bakit kailangang sya pa ang mag bayad ng kasalanan ko" tanong ng binata. Tahimik lang ang lahat ..Walang nasagot

..Walang nakibo.. Maya maya'y nag salita si Mutya.

"Uuwi daw Mama at Papa ni Aira ..this week" sabi ni Mutya.. Tila walang narinig si Kaloy..

"Mutya ..Tol Dan..favor naman.. pakitulungan sila Kris sa hospital na mag ayos ng burol ni Aira" muling napahikbi si Kaloy ng banggitin nya ang burol.

"Napa ayos ko na sa bahay" pilit pinigilan nya ang luha.. Agad namang nag ayos ang dalawa ..

"Sige tol... mag hihintay ka na lang ba sa nyo?" tanong ni Dan.. Hindi sumagot si Kaloy.

"Oo.. pero may aayusin lang ako" sabi nito. Kinabhan si Mutya sa narinig pero kailangan nilang sundin ngayon si Kaloy dahil walang wala itong kakampi sa pag kakataong ito. Naiwan si Tanya at si Kaloy na nakaupo.. Tahimik lang ang dalawa..

"Kung may plano ka sa pag kawala ni Aira pag kakataon mo na para sabihin sakin..fake death? sabihin mo na..mag kukunwari na lang ako na di ko alam..basta please... di ko kaya ng wala sya" sabi ni Kaloy kay Tanya..

"Walang plano.." sagot ni Tanya.. Tiningnan lang sya ng binata..

"Please. .sabihin mong meron...buong buhay ko iniasa ko sa kanya lahat..di ko na alam gagawin ko ngayon.. si CarL?? pano si Carl?" tanong ng binata. Hindi sumagot ang binata.. Katahimikan..

"Pano na ang barkada?" tanong ni Tanya sa binata.. Tumawa lang ang binata.

"Barkada?" ika nito at tumingin sa dalaga.

"Matatanda na tayo... hindi na natin kelangan ng barkada..lalo kung ganito lang naidudulot satin.."Sagot ni Kaloy.. Ngumiti na din si Tanya..

"Sa isang iglap. andaming nangyari.. sa mga maling desisyon natin andaming nagbago..at palaging ang pagsisisi ay nasa huli...at ang masaklap pa ..walang ctrl + z ang buhay na pwede mong i undo lahat lahat ng mga maling ginawa mo" sabi nito. Hindi sumagot si Kaloy. Iniisip pa din nya ang buhay nya..

"Gigising na ako ngayon ng wala sya.. wala ng maglalambing sakin..wala ng dahilan ang pagsisikap ko.."Sabi ni Kaloy..

"Napaka iresponsable ko.. ni hindi ko man lang naisip si Carl..at si Ayesha"Sabi pa nito. Tinignan lang sya ni Tanya..

"Ano nang mangyayari Kaloy pagkatapos nito.. ayaw kong isipin mo na sinasamantala ko ang oras pero wala na din si Clay..pareho lang tayo na nawalan..ang pinag kaiba nga lang, sanay ako ng mag isa ...ikaw hindi" sabi nito. Tumingin din si Kaloy sa kanya.

"Ewan.. siguro eto na ang sumpa sakin..ang karma ko ...na habang buhay akong maghihintay hanggang tuluyan kaming magkasama ni Aira ulit" sagot nya. Napangiti si Tanya sa narinig..

"Goodluck" tanging nasabi nito.. Ngumiti lang si Kaloy at huminga ng malalim bago sumagot..

"Thanks sa goodluck mo ...but Tanya.. Luck is for Losers" sagot ng binata. Niyakap sya ng dalaga.. Sa pagkakataong ito.. Yakap ng isang kaibigan.. Umalis na din ang binata kila Tanya... Maraming ng teks sa kanya sila Kris.. Umaga na ng maidala ang katawan ni Aira sa bahay nila at wala pang kaalam alam ang anak nila sa nangyari.. Alas singko ng umaga, umuwi si Kaloy sa bahay nila ng lasing na lasing.

"Tol.. "Bati nya kay Kris ng makita ito na nagbabantay sa kabaon ni Aira. Dejavu.. naipon ulit ang tropa ..katulad ng namatay sya ..yun nga lang ,peke noon,..totoo ngayon..

"Kaloy... si Carl di pa nagising ..handa ka na bang sabihin sa kanya?" salubong ni Mutya sa binata. Tumawa lang si Kaloy..

"Anong sasabihin ko kay Carl? "Tanong nito Napailing si Mutya..

"Nag lasing ka?"Ika nito..

"Umuwi na kayo.. manekin lang yang iniiyakan nyo..walang namatay.." sabi ni Kaloy... Tumawa lang sya pero tumulo ang luha nya ng makita ang kabaon ng dalaga.. Nang makita ang mukha nito na payapa na .. Ang mukha nito na hinahalikan nya ..Ang bibig na ngumingiti sa kanya kahit na sinasaktan nya ito.. Pinigilan ni Kaloy ang sarili at hindi sya lumapit sa kabaon.. Agad syang pumunta sa kusina para maghanap ng alak at uminom..

"Hayaan mo na muna sya..."Tinapik lang ni Kris si Mutya.. Nakaisang bote pa ng alak si Kaloy bago tuluyang bumagsak.. Humagulhol at nakatulog sa kusina.. Sana pag gising nya ...panaginip lang lahat.. Nagising ang binata sa batang umiiyak na gumigising sa kanya.. Sinusuntok suntok sya ng bata.. Nakita ni Kaloy ang anak na umiiyak. Agad bumangon si Kaloy.. Naalala nya ang nangyari.. Napaiyak muli ang binata at agad niyakap ang anak.

"Anak..sorry.. sorry" paulit ulit nyang sabi, Maging ang mga yaya nila na nakasaksi sa dalawa ay napaiyak sa nakita..

"Why do you let her Die , why do she have to leave us" tanong bata.. pero paulit ulit na sorry lang ang sagot ni Kaloy sa kanya.

"Carl... "Tawag ng dalaga sa bata. Agad tumingin si Carl sa tumawag sa kanya at tumakbo palapit dito para yakapin. Nakita ni Kaloy si Tanya at Ayesha..

"Don't cry Carl, Mama said Tita Aira is in a happl place and she's always watching you from above" sabi ni Ayesha.. Tiningnan ni Carl si Tanya..

"Really?" tanong nito sa dalaga. Tumango lang si Tanya.. Niyakap pa ni Tanya ang binata para mabawasan ang pag iisip at trauma nito. Maya maya'y niyaya ni Ayesha na mag laro si Carl,ngumiti naman ang bata at tumungo sila sa salas.. Agad nagbukas ng alak si Kaloy. Tiningnan lang sya ni Tanya..

"Hindi ka ba lalabas para tingnan bantayan si Aira?"Tanong nito.. Nagsalin lang ng alak ang binata at tumungga..

"Sinong bantay nya?"Tanong ni Kaloy.

"Si Sam at Angel" sagot ni Tanya... Tumawa lang si Kaloy..

"Ayaw kong mag bantay ng manekin" sagot nya... Napailing si Tanya.

"Mag iinom ka lang maghapon?" inis na tanong nito.. Kunwaring nag isip si Kaloy.

"Hmmm oo" sagot nito.

"Mang ramon ..bumili nga kayo ng madaming alak..."Utos pa nito.. Napailing din ang matanda.. Nainis si Aira.

"Nababaliw ka na?" ika nito sa binata..

"Wala na nga si Aira pinapakita mo pa sa Anak mo at samin na mahina ka??"Sabi nito. Parang wala lang narinig ang binata at tuloy lang nag nag inom.

"So sisirain mo na din buhay mo hanggang mamatay ka?" ika pa ng dalaga.. Tiningnan lang sya ni Kaloy. Pinilit ng binata na hindi umiyak.

"Wala na kong sisirain dahil wala na akong buhay" sagot nito.. Napasinghap ang dalaga sa narinig. Hindi lang isang araw.. dalawang araw.. taltong araw na palaging wala ang binata sa bahay nila.. Wala na syang saktong tulog at kain. Alak

..alak ang palaging kasama nya.. Sa pitong araw na burol ni Aira, ang apat na araw ay inukol ni Kaloy sa pag sisisi sa sarili nya sa lahat.. Gusto nyang makalimutan ang lahat at nangyayari lang yun pag wala sya sa kanila at lasing sya.

"Intindihin" yan ang palaging sinasabi ng mga kaibigan nya sa kanya.. Alam nila ang pinagdadaanan ni Kaloy. kaibigan nila ang binata kaya nag tutulong tulong sila kapag sinusumpong ang binata na mabaliw at umiyak na lang ng walang tigil. Si Tanya ang nag alaga kay Carl..at nagpalitan ang iba sa pag babantay kay Aira.. May mga sandali na gustong silipin ni Kaloy si Aira pero lagi syang nauunahan ng emosyon nya. Hindi nya matanggap. May mga sandali din na kinukulit sya ni Carl tungkol sa gusto nitong isuot na damit kapag nasa bahay ang binata.. o kapag gigising sa umaga ito. Walang magawa si Kaloy.. Ni hindi nya alam kung pano patahanin si Carl kapag umiyak. kung ano ang isusuot nito..kung ano ang kakainin. kaya malaking tulong talaga ang kaibigan nya sa kanya lalo ngayong kailangang kailangan nya ng kaibigan.. Last night ng dalaga ng dumating ang Parents nito sa bahay nila Kaloy.. At katulad ng mga nagdaang araw...wala ang binata sa bahay nila kaya walang naabutan ang magulang ni Aira.

"Mamaya pa po yun madaling araw..palagi na po syang ganun simula nung unang gabi...di nya matanggap.."Sabi ni Tanya sa Magulang ni Aira na hindi makapaniwala sa nangyari..

Alas singko ng umaga ng dumating si Kaloy.. Ayaw na nya sanang umuwi.. Lasing na lasing sya pero hindi nya makakalimutan na ngayon ang mismong araw na ililibing ang pinakamahalagang babae sa buhay nya.. Huminga sya ng malalim para buuin ang sarili at tanggapin ang katotohanan na kahit bali baliktarin nya ang mundo.. Wala.. wala na si Aira.. Magsisi man sya, huli na ..at kahit paulit ulit nyang sabihin na nagkamali sya at hindi na sya uulit... hindi na pwede..

"Kaloy..andito Papa at Mama ni Aira" bati ni Tanya sa binata na matamlay na matamlay.. Bakas na bakas ang lungkot sa itsura ni Kaloy. Napabayaan na nito ang sarili.. Naawa naman ang dalaga sa kanya. Lalo't naiisip din nya na sya rin ang isa sa dahilan kung bakit umabot ito sa ganito.

"Kaloy" ika ni Tanya sa kanya. Hindi sumagot ang binata.. Sa unang pag kakataon ay tinitigan nya ng matagal ang puting kabaon ng iniibig.. Napakasakit.. Ang hirap makita ng taong pinaka mamahal mo na dati'y nagpapangiti sayo at kasalo mo sa mga pangarap na bubuuin nyo na ngayo'y payapa na, balot sa makapal na make up at tuwid na tuwid na nakahiga sa loob ng kahon na may salamin.. Ang ilang di kilalang tao na walang pakialam sa nangyayari bukod sa ilang gabi nilang pag susugal at sa unlimited na kape, tinapay at kendi .... At ang ilang kaibigan mo na makikita mong nag luluksa din.. Ang anak mo na di mo alam kung saan at paano mo magagawang buhayin ng mag isa .. At ang mga damit na iiwan sayo ng mahal mo.. Ang mga ngiting pinag saluhan nyo ..Ang halik. .Ang yakap.. Ang luha.. Dahan dahang lumapit si Kaloy sa kabaon ni Aira.. Ilang beses nyang winaksi sa isip na hindi totoo ang lahat.. Fake death lang to.. May plano ang kaibigan nya sa kanila. .May Plano si Tanya.. Si Bakla.. Si Clay.. Magkakasama pa sila ng dalaga.. dahil hindi nya kaya .. Hindi nya kayang mabuhay ng wala si Aira.. Sa unang pagkakataon ay tinanggap nya na mali sya.. Na nag kulang sya ..na nadala sya ng emosyon nya ...Naging palagay sya sa konsepto na mahal na mahal sya ni Aira kaya pwede lang nyang gawin lahat, kasi at the end of the day, nakangiti pa din naman ang dalaga sa kanya ...Matapos ang lahat lahat ng gawin nyang pasakit sa dalaga, ok pa din ang lahat para sa kanya. Bumuhos ang emosyon ng binata... Pinagtinginan sya ng lahat. Napaiyak ang lahat ng kaibigan nya sa nakitang inasta ng binata.. Hindi ganito ang Kaloy na nakilala nila.. Ang Kaloy na maangas ..Naging emosyonal lang naman sya ng dumating sa buhay nya si Aira.. Naging malambot ang puso nya sa mga nasa paligid nya ng tanggapin nya na mahal nya si Aira.. Tiningnan lang muna ng Parents ni Aira ang gagawin ni Kaloy.. Gustong gusto nilang magalit sa binata.. Nagtiwala sila dito..At sobrang sakit para sa magulang na uuwi ka lang ng Pinas para malaman na ililibing na ang anak mo.. Niyakap ni Kaloy ang kabaon. Lumapit si Kris sa binata at agad inawat to..

"Tama na please.. alam kong marami akong kasalanan sayo..nag sisisi na ako.. hindi ko kaya... wag mo na akong pahirapan at saktan ng ganito..oo deserve ko na masaktan ng ganito pero Aira..tama na...ayaw ko na ng ganito... babalik na tayo sa dati mahal... please... hindi ko kaya" humagulhol ang binata.. Saglit na natahimik ang mga maingay na nagsusugal sa nasaksihan at mismong sila ay naawa din sa binata.

"Tol.... tama na" maging si Kris ay nadala sa emosyon.. Si Aira ang nagpabago sa binata.. at Oo.. May tampo si Kris kay Kaloy..pero tao lang ang binata.. nagkakamali.. hindi ito perpekto.. bakit kasi nag eexpect ang lahat ng tao na nakapaligid kay Kaloy na Santo sya. na Anghel sya na hindi nagkakamali.. Bakit tinitingnan nila ang binata bilang isang halimbawa ng lalaki na hindi kayang gumawa ng pag kakamali dahil sa sobrang swerte nito.. Hindi nila alam ang pinagdadaanan ni Kaloy.. Ang araw araw na pressure, ang pabago bagong emosyon dahil una.. lumaki syang kulang sa pag mamahal ng magulang ... Sabik sya sa pag mamahal kaya marahil konting atensyon lang ng isang tao sa kanya e nadadala sya agad at nasasabi na mahal din nya ito. Hindi ka ba naman malito kung napipiigilan ka ng mga modelo na sasabihin mismo sayo na mahal na mahal ka nila.. Pangalawa, Kaibigan nya ito sila.. Kahit sa panong paraan ay masasaktan pa din sila ni Kaloy kahit ano pa mang patas na desisyon ang gawin ng binata.. Kung piliin ba nya si Ella malulutas ba nito ang problema ni Aira? kung si Aira magiging ok ba si Tanya? kung si Tanya paano si Ella? Kaibigan nya si Kaloy at hanggang sa huli.. mananatiling mataas ang respeto nya sa taong ito dahil hindi ito nagpakita ng kahinaan sa lahat ng pag subok na naranasan nya ...Hindi sumuko ang binata..Natural.. May masasaktan..at sigurado syang pag may nasasaktan, doble ang sakit na nararamdaman ni Kaloy.. Masyadong nagpadalos dalos ang lahat para husgahan ang binata.. Mula umpisa hanggang ngayon kailangan ba nilang husgahan si Kaloy? Napangiti si Kris sa mga naisip..

"Uulitin ko.. hindi perpekto si Kaloy" sabi nya sa sarili.. Hinawakan nya ang balikat ng binata.. Maya maya'y lumapit na ang Papa ni Aira sa kanya..

"Mag gayak ka na.. maagang pupunta dito ang Karo na maghahatid kay Aira" sabi nito Tiningnan ni Kaloy ang lalaking nag salita at lalong napaiyak ng makitang ang Papa ni Aira ito.. Ngumiti lang ang Papa ni Aira.. dapat ay magagalit sya pero sa huli'y naisip nya

..mababago pa ba ng galit nya ang lahat.

"Papa" sa unang pag kakataon ay tinawag ni Kaloy na Papa ang lalaki. Napaiyak maging ang Mama ni Aira sa narinig.

"Sorry po...hindi ko po gusto ang nangyari.. balak na po naming umuwi sa nyo..magpapakasal na po kami" sabi ni Kaloy.. Kung gaano ito karahas nung unang pagkikita nila ng Papa ni Aira ay ganon na lang sya kagalang ngayon.. Hindi nagsalita ang Papa ni Aira. Ngumiting pilit lang ito.. maya maya'y iniwan na din nila si Kaloy na tinitigan lang si Aira. Alas syete.. Ang malungkot na parada sa saliw ng malungkot na kanta ang bumasag sa sikat ng araw.. Lahat ay umiiyak.. Ang bilis ng pangyayari.. Walang may gusto nito. Si Kaloy ay tulala lang ..Wala na syang mailuha. Naubos na ... Kasabay ng pag baon ng kabaon ni Aira sa lupa ay ibinaon na din ng binata ang konsepto na mag mamahal pa sya ng iba. Hindi na ...Hindi nya kayang magmahal ng iba.. Unti unting naubos ang taong dumalo sa libing.. Nilapitan ng Papa at Mama ni Aira si Kaloy.. Kasama nito si Carl..

"Kaloy.. isasama na namin si Carl" sabi ng Papa ni Aira. Napatingin ang binata sa kanya..

"Bakit ?"Tanong nito..

"Di mo sya kayang alagaan" diretsang sagot ng Papa ni Aira. Napatawa si Kaloy na parang baliw sa narinig.

"Di ko kaya?" sabi nito..

"Anak ko si Carl..may karapatan ako sa kanya." sabi pa ng binata.

"Paano?"Tanong ng Papa ni AIra na nagtaaas ng boses. Di nakasagot ang binata.. Natahimik sya at tumawa lang..

"Kung yang sarili mo nga hindi mo maalagaan itong anak mo pa kaya..." sabi ng Papa ni Aira.

"We'll make sure na makikilala ka nya.

..iuuwi din namin sya dito minsan..hindi namin sya ipag dadamot sayo..its just.. kailangan mo munang ayusin ang sarili mo" sabi ng Mama ni Aira.. Napaupo sa tabi ng puntod ni Aira ang binata. Di na nya kaya.. mistulang pinagsakluban na sya ng langit at lupa..

"Sige.. ilayo nyo sya sakin.. iwan nyo ako lahat" ika ng binata.. Napasinghap ang Papa ni Aira..

"Nice meeting you Kaloy" sabi ng Papa ni Aira. Napatingin sa kanya ang binata at naalala ang sinabi nya dito nung gabing galit na galit sya..

"Tandaan mo tong mukhang to..dahil sa ayaw mo't sa gusto...ako ang Papa ng asawa mo" sabi pa ng Papa ni Aira.. Wala ng nagawa si Kaloy.. Umalis na ang lahat.. Iniwanan na sya ng lahat.

"Tol.. ano? una na ko...tumayo ka na dyan" sabi ni Kris sa binata.. Hapon na at tila ayaw pang umalis ni Kaloy sa puntod ni Aira.. Tumango lang si Kaloy. Napasinghap si Kris..

"Iteks mo ko pag kailangan mo ako" sabi nito sa binata bago tuluyang umalis.. Naiwan na mag isa ang binata.. Ramdam na ramdam na naman nya ang sakit.. Nasa ilalim na ng lupa ang babaeng dati'y kayakap lang nya .. Dapat ay masaya silang nag yayakapan ngayon... Humiga si Kaloy.. Masakit.. Sobrang sakit. Pinikit nya ang mata. Sana pag gising nya ..ok na ang lahat..

-0- Tahimik ang lahat sa kwarto na kinaroroonan ng binata. .May sandali na nag sasalita mag isa si Kaloy habang tulog.. Ilang minuto pa ..Dumating sa kwarto nila si Aira.

"Sis.." bati ni Tanya..

"Kumusta na sya?" tanong ni Aira sa kanila.

"Kanina ka pa hinahanap ..grabe ang tama nya sayo" sagot ni Dan.

"Aira.. baka mamaya sundan ka nung Kano.. di na ko papayag na pumunta yun dito.. di ko nagustuhan yung huli nyang sinabi sayo"Sabi ni Kris.

"Oo at di na kami papayag na di sya lalabanan ni Kaloy.."Sagot ni Clay..

"Wala ka man lang ginawa Sis.. nakaka hurt naman" biro ni Reggie.. Biro na may dalang sakit kay Aira.. Ngumiti lang ang dalaga.. Wala syang maintindihan sa mga sinasabi ng kaibigan.. Ang mahalaga lang sa kanya ay ang binatang nakahiga ngayon at tahimik na nagpapahinga sa kama. Umupo sya sa tabi ng mga kaibigan..

"Anong balak mo" tanong ni Sam sa kanya. Nakatulala lang ang dalaga..

"Uuwi sila mama this week.. then by next next week sabay sabay na kami pupunta dun" seryosong sagot ni Aira..

"Ouch" napahawak pa sa dibdib si Reggie sa narinig..

"So isang araw lang talaga Sis?" tanong ni Mutya..

"Wala pa .. Hours pa lang ata ang lumipas nung magkasama kami" pagtatama ni Aira.. Natahimik ang lahat...

"Ang tagal kong hinintay na dumating yung gusto ko na sana magkaroon kami ng chance, kaso ang bilis din naman dumating ng ayaw ko na malaman nya ang totoo" sabi ni Aira.. Walang nag salita.. Nakinig lang sila sa dalaga..

"Hindi makatanggi si Papa sa boss nya.. Ilang ulit na ko nakipag usap sa kanya na ayaw ko.. Sabi ko di ko mahal yung Kano.." sabi pa ng dalaga..

"Eh bakit? bat pinipilit ka pa din?" tanong ng bakla.

"Malaki daw utang na loob ni Papa sa boss nya..pag aralan ko na lang daw mahalin yung Kano.saka para sakin din daw yun.." sagot ni Aira.

"Eh ano sabi mo?" tanong ni Sam..

"Ayun..sabi ko ..Pano nila malalaman yung tama para sakin e palagi silang wala sa tabi ko.. si Mama, alam ko ayaw nya ..kaya lang wala din syang magawa" si Aira.

"So itutuloy mo?" tanong ni Tanya.. Napahinto si Aira.. Nag isip.. Matagal ang katahimikan..

"Di ko alam" sagot nya.. Katahimikan..

"11 na pala.. may mga pasok pa tayo bukas." hirit ng bakla..

"Sige na una na kayo.. ako na bahala dito" sagot ni Aira..

"Aba dapat lang ah.. bumawi ka" sabi ni Mutya sa dalaga..

"Kaw na bahala dyan Sis.. tawag ka lang sakin pag may kailangan ka" sabi ni Tanya. Unti unting nawala ang mga kaibigan nya..

"Aira... kaw na bahala jan..mahal na mahal ka nyang kaibigan natin" sabi ni Kris sa dalaga bago umalis.. Tumango lang si Aira.. Sa pag alis ng lahat ay malayang natitigan ni Aira si Kaloy.. Payapa ang binata. . Nagulo na naman ang buhok.. Agad nyang nilapitan ito para ayusin ang buhok ng binata.. Lumapit si Aira sa kama ng binata. Dahan dahang humiga sa tabi nito at niyakap ang pinakamamahal..

"Im sorry.. sorry sa lahat lahat. Alam mo naman na mahal na mahal kita di ba. Sana di ka magsawa.. Sana makapag hintay ka ..di naman ako mawawala sayo e. Hinding hindi ako mawawala sayo" bulong ng dalaga sa binata.. Tumulo ang luha nya.. Maya maya'y agad nyang hinalikan sa labi ang binata, tulog na tulog ito ata wala ni konting reaksyon. Ngunit ramdam na ramdam nya ang hatid na emosyon ng halik na yun. Muli nyang niyakap ang binata.. Mahigpit na mahigpit.. Ayaw nyang pakawalan ito ..Ayaw nyang mawala ito.. Kahit isang gabi lang

..tapos bukas.. bahala na.. Pinikit ng dalaga ang mga mata nya.. Ayaw sana nyang matulog dahil gusto nyang sulitin ang oras na kasama ang binata.. Pero di nakayanan nito ang kanyang antok.. Nagising si Kaloy sa yugyog at paulit ulit na tawag sa pangalan nya.. Hinawakan nya ang ulo at naramdaman na may sugat pa ito na tila pagaling pa lang.. Nagtaka sya... Itinapat nya ang kamay sa bibig at nagbuga ng hinga para amuyin ito.. Amoy alak... Nag inom sya. Oo...naalala na nya.. sino nga bang hindi mag iinom kapag namatayan ka ng taong mahal.. Nanlaki ang mata ni Kaloy at napahinto sa pag iisip.. Ng pumikit sya ay nasa puntod sya ni Aira.. ngayo'y nilibot nya ang mata at nasa kwarto sya na tinutulugan sa bahay nila Tanya..

"Kaloy, " pamilyar na boses ng kanina pang yumuyugyog sa kanya. Tiningnan nya ito.. Nanlaki ang mata ang mata ng binata.. Naguluhan sya.. Hindi sya nakapag salita.. bumilis ang tibok ng puso nya.

"Aira?" sabi nya..

"Ano? tinatakot mo ako.. kanina pa kita ginigising .umuungol ka... ano bang napanaginipan mo.." sabi ng dalaga.. Tulala lang ang binata.. Unti unting tumulo ang luha nya.. Nakita naman ni Aira na umiyak ang binata kaya naalala nya na may kasalanan sya dito.. si William..Napaiyak na din ang dalaga..

"Im sorry.. im sorry... nag sinungaling ako sayo at sa sarili ko pero please.. maniwala ka .. ikaw ang mahal ko ..Hindi ko to gusto" sabi ng dalaga sa gitna ng pag iyak nya.

"Mahal na mahal kita Kaloy.. Mahal na ma-" di na natapos ni Aira ang sasabihin ng yakapin sya ng binata..

"Mahal na mahal kita.. mahal na mahal na mahal...im sorry..ako ang may kasalanan... promise ..hindi na ako mambababae..walang Mika..Walang Tanya." sabi ni Kaloy na humahagulhol. Naguluhan naman si Aira sa narinig at napangiti ito.. Nakita ni Kaloy ang brace sa ngipin ng dalaga.. Ang dating Aira ito.. Panaginip ang lahat.. Oo panaginip ang lahat.. Buhay si Aira at may pag kakataon na sya na itama ang lahat..

"Anong pinag sasasabi mo..nambababae ka?? sinong Mika?" tanong ni Aira na pinunas pa ang luha.. Napangiti lang si Kaloy. Maya maya'y nagulat si Aira ng hilain sya nito para lumabas ng kwarto.. Umaga na pala..

"Kaloy..ano ..san?" tanong ni Aira Di lang sumagot si Kaloy..may kinakapa ito sa bulsa ngunit wala itong nakapa. Hinanap pa nito sa labas ang pakay pero ganun na lang ang lungkot nya ng maalala na panaginip nga lang pala lahat kaya wala pa syang sasakyan at hindi pa sya mayaman. Napakamot ulot sya..

"Nanaginip ako Aira..at sa panaginip ko...marami akong desisyon na ginawang mali."Sabi ni Kaloy sa dalaga habang tumatakbo sila palabas. Ngumiti naman si Aira sa narinig.. Tumigil ang binata. Tiningnan nito si Aira..

"Iteks mo Parents mo.sabihin mo may mahal ka ng iba at sa ayaw at gusto nila, ako ang mapapangasawa mo." sabi ng binata..

"Kaloy?? "Pag aalala ni Aira sa narinig...

"Wag ka ng mag doubt ...basta sa panaginip ko OK kami ng Papa mo" nakangiti ang binata.. Ngumiti din si Aira.. Sa wakas pinaglaban na din sya ng binata.. ito lang naman ang hinihintay nya..

"Si William?" tanong ng natatawang dalaga..

"Uubusin ko ngipin nun ngayon.." sagot ng binata..

"Sus baka mag drama ka lang ulit at mag pabugbog..."Sabi ng dalaga..

"Nakakainis ka..di ka man lang lumaban" sabi pa nito at napayuko, sinadya nyang hinaan ang huling sinabi para di marinig ito ng binata.. pero rinig na rinig ito ni Kaloy..

"Kaya nga lalaban na ako ngayon e" ika ng binata at iniangat ang mukha ni Aira..

"Sa panaginip ko mag kakaanak tayo,pero mambababae ako... at ayaw kong mauwi sa ending sa panaginip ko ang lahat" sabi pa nito.. Tiningnan lang sya ni Aira.

"Lalaban ako..lalaban tayo.. ipag lalaban natin pagmamahalan natin" ngisi ng binata.

"Baduy" napangiti ang dalaga.. e ayaw mo ata .sige ... umuwi ka na sa nyo at pakasalan mo yung pangit na kano na yun" pagtatampo ni Kaloy.. Napangiti si Aira sa kinilos ng binata.

"Sige.. " biro nya at akmang aalis . Nanlaki ang mata ni Kaloy sa ginawa ng dalaga ata agad pinigilan to.

"Oy oy,,,di na to mabiro ..sorry na " sabi ng binata.. Nagulat ang dalaga sa kinilos nito..

"Talagang pinigilan mo na ko noh? "Biro nito.. Napangiti lang si Kaloy.

"Aira...matagal masyado ang 5 years na pag hihintay ko sayo para lang bumalik ka..hindi ko kaya yun,, pwede naman tayong lumaban e.. mahal kita ..at alam ko namang mahal mo ako diba ?" tanong ni Kaloy. Napangiti si Aira at hindi agad nakasagot..

"Di ba?" ulit ng binata.. Hindi sumagot si Aira. Niyakap lang nya si Kaloy at agad siniil ng halik..

"Mahal na mahal kita... at opo...ipag lalaban din kita. kung di nila Mama ako kayang tanggapin e di ikaw na bahala bumuhay sakin" sagot ng dalaga.

"Live in?" tanong ng binata. Tumango si Aira at napayuko... Niyakap sya ng binata.

"Basta hinding hindi tayo mag hihiwalay Aira hinding hindi" sabi nito.

"Agang lambingan ah" bati ni Tanya sa dalawa. Nanlaki ang mata ni Kaloy at kinabhan bigla.. Batang bata pa si Tanya at ang ganda ganda nito. Ngumiti si Kaloy at binaling ang tingin kay Aira. Mas maganda pa din ito..

"May pag ibig kasi kaming kailangang ipaglaban"Sagot ni Kaloy at nagtawanan sila. Iniwan ni Aira si William at luhaan itong umuwi ng amerika.. Nakilala ng Parents ni Aira si Kaloy at eventually nagalit sila sa dalaga,,pero hindi tumagal ng ilang linggo ang galit nila dito dahil nagtampo din si Aira sa kanila .. Plano nila ni Kaloy yun.. At di nagtagal... natanggap na din nila na OK na si Aira kay Kaloy.. Naging ok ang pag sasama ng barkada.. Walang problemang naganap.. Si Kaloy ay nagkaroon ng trabaho bilang waiter sa bar na pinag memeetingan lagi ng barkada.. Si Dan at Mutya ay naging matatag ang pagsasama.. Madalas na nawawala pa din si Sam at Angel sa eksena.. Si Kris at Jema ay ok na ok din.. Ibang ibang Reggie ang nasa totoong buhay kesa sa panaginip ni Kaloy.. At malibog pa din si Tanya ... yun nga lang

... kay Clay na lang nya nabubuhos ang lahat. Minsan.. Naglalakad ang binata ..pauwi sya isang hapon galing trabaho ... nag teteks sya kay at hindi nakatingin sa daan.. Ganun na lang ang gulat ni Kaloy ng pagharap nya ay may dalaga na sa harap nya.. Pilit iniwas ni Kaloy ang katawan nya pero huli na dahil tinamaan na sya ng dalaga. Bumagsak ang dalawa ngunit mabilis na hinawakan ni Kaloy ang katawan ng dalaga at iniibabaw sa katawan nya para hindi ito masaktan sa pag bagsak. Napapikit si Kaloy sa sakit na naramdaman sa katawan gawa ng pag bagsak nya... Nainis sya at minulat ang mata para makita kung sino ang dalaga ..

"Puta di ka ba nati-" naputol ang pagsasalita ng binata ng makitang halos isang dangkal lang ang layo ng mukha nila.. Nagtama ang mata nila.. "Maganda si Aira..maganda si Aira" paulit ulit na sabi ng isip nya pero hindi.. Heto sa harap nya ang pinaka magadang babae na nakita nya sa buong buhay nya.. Mahaba ang itim na buhok... Morena.. Simple. Makipot ang maliit na labi.. Cute ang ilong ..magaganda ang mata.. Ayaw nyang maniwala na mayroong perpekto pero kung may depinisyon ang "Perpekto"? ang dalagang nakapatong ngayon sa katawan nya ang saktong depinisyon nito, ang mag bibigay ng proof na ang eexist ang salitang perfect.. Agad tumayo ang dalaga sa pagka patong sa binata.. Nanlaki ang mata ni Kaloy at naalala ang panaginip..

"Mika?" sabi nya sa dalaga.. Agad namula ang mukha ng dalaga.

"Sino ka po? pano mo nalaman ang pangalan ko" tanong ng dalaga. Tulala lang si Kaloy at hindi makapaniwala sa nangyari..

"Kuya?"Tanong ng dalaga sa kanya.. Umiling ang binata. Napangiti ang dalaga sa kinilos ni Kaloy.

"Bahala ka jan" sabi nito at iniwan na tulala si Kaloy.. Tiningnan ni Kaloy ang dalagang palayo sa kanya at ganun na lang ang gulat nya ng tingnan sya nito at ngumiti pa sa kanya..

WAKAS