1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 3 - Part 16
Pinoy Tambay

Barkada: Book 3 - Part 16

8 minutes

Lihim na tineks ni Kaloy ang bakla na papunta sila ni Aira kila Tanya para makapag handa ito. Nagulat naman si Reggie sa nabasa

..Kagigising lang ng bakla.. Tinawagan nya si Kaloy pero di ito sinagot ng binata.

"Wag kang tumawag.. patago lang kitang tineteks" ika ni Kaloy sa teks nya sa bakla. Napangiti si Reggie,

"Eh bakit ako ang tineks mo , hindi si Tanya, kung dun kayo pupunta, andito pa ako sa bahay" teks ng bakla.. Napakamot ng ulo si Kaloy at nainis sa nabasa..

"Bumangon ka na dyan at pumunta ka na dun, para makapag ready na sya" teks ni Kaloy. Kinilig si Reggie.

"Kaw ha .. nag iingat ka na din ngayon at sinasabihan mo pa si Tanya para sa parating na panganib" teks ng bakla.. Di na nagteks si Kaloy.. Nainis na naman sya sa naisip ng bakla.. palagi na lang kasi nitong iniisip na gusto nya si Tanya.. Napangiti si Kaloy. Saglit nyang naisip.. Gusto nga ba nya si Tanya.. Tumawa lang sya .. Kung ano ano iniisip nya..

"Ngumingiti ka jan?" tanong ni Aira ng mapansin ang binata na hawak ang cellphone at nakangiti..

"Ah - wa-wala... nag teks lang mga nasa office..e joke kasi yung teks" sagot ni Kaloy at binura agad conversation nila ni Reggie. Nagkibit balikat lang ang dalaga at pinandilatan ng mata si Kaloy..

"Bantayan mo si Carl.. maliligo lang ako" sabi nito at pumasok na ng paliguan. Napailing si Kaloy pag talikod ni Aira.. Hindi nya alam kung pano pero nagawa na nyang mag sinungaling ngayon kay Aira.. para ano?? para itago ang pag uusap nila ni Reggie na tungkol kay Tanya.. Si Tanya.. Si Tanya na naman..

-0- Kinalikot ni Reggie ang cellphone nya at tila kinilig sa nabasa.. Hindi sya makapaniwala sa mensaheng natanggap.. Kaagad nag teks ang bakla pero hindi muna sinend. Napangiti sya .. Nag isip .. Napasinghap... Eto na naman .. Nasa gitna na naman sya ng desisyon na pwedeng makasakit sa lahat.. Napailing si Reggie.. Pinindot nya ang send button at tumayo na para mag gayak patungo kila Tanya. Kung akala ni Kaloy ay sila lang nila Aira ang pupunta kila Tanya.. Nagulat sya ng dating nila duon ay nandun din sila Kris, Dan

, at Mutya..

"Wala naman work e..kaya pwede pang mag lagalag" ika ni Kris.. Nag apir sila ni Kaloy at nagngitian.

"Pag kinasal ka ako bestman mo di ba?" paninigurado ni Kris kay Kaloy sa harap ng lahat. Di nakasagot ang binata. Nagulat sya sa tanong nito.. Di naman sa hindi pa nya alam kung si Kris nga ang bestman nya .Natural ito ang bestman nya.. Pero ang kinagulat nya ay ng tanungin sya ng kaibigan ng tungkol sa kasal sa harap nila Aira at Tanya. Nataranta si Kaloy. Tiningnan lang ni Reggie ang binata.. Umiling ang bakla.

"Ah oo.. bestman ka nyan...me iba pa ba?"Si Aira na ang sumagot dahil natameme na si Kaloy.

"Huy" ika ni Kris sa binata.

"Sorry tol.. may naisip lang" sabi nya.

"Naku ..ayaw pa ata patali nito Aira..may balak pa atang mambabae" biro ni Kris at tumawa pa sila ni Dan. Napahiya naman si Kaloy.. Sa unang pag kakataon ay napahiya sya sa harap ng mga kaibigan..

"Tang ina nyo ha.." sabi ng binata na agad hinampas ni Aira dahil nag mura na naman ito sa harap ng anak..

"Ano ..englisero anak mo di nya maiintindihan yun" sigaw ni Kaloy.. Nagulat si Aira sa pag sigaw ni Kaloy.. Napikon ata ang binata.. Unti unti namang nag iba ang emosyon ni Kaloy mula sa pagkapikot sa pag tawa,, Naisip nya ang inasta nya at seryosong nabigla sya ng masigawan sya ni Aira.

"Sori .. sori mahal" ika nya para yakapin si Aira at lambingin.. Umirap lang ang dalaga.

"Patay ka" biro ng bakla..

"Subukan mong mambabae.. lagot sakin babae mo" matigas na sabi ni Aira at sinulyapan pa si Tanya. Umiwas naman ng tingin si Tanya ng mag tagpo ang mata nila ni Aira.. Parang sya ang pinaringgan nito..

"At saka hoy.. Anak natin.. hindi anak ko lang" diniinan ni Aira ang bigkas.. Napangiti ang mga nakarinig.

"Walang mang aagaw sayon nyan Sis" biro ni Kris ..

"Perfect couple na kayo.. mapag hihiwalay pa ba kayo" sabi pa nya.

"Oo nga Aira..saksi kami sa napagdaanan nyo..at alam namin na sobrang mahal ka ni Kaloy.. di ba tol" ika ni Dan at tinapik si Kaloy..

"Sobra" ngiti lang ni Kaloy at hinuli ang mata ni Tanya. Nagtama ang mata nila at agad nag iwasan.

"Anak..kila Lola ka muna.." sabi ni Tanya sa anak bigla at umalis sila ng bata.

"Dapat lang noh.. hindi ako papayag na masayang yung 5 years na tiniis namin" seryosong sabi ni Aira.. Dinig na dinig iyon ni Tanya.. Ngumiti na lang ang dalaga at umalis na. Napansin naman ni Mutya ang pagiging tahimik ni Tanya kaya lumapit sya kay Reggie para mag tanong ..

"Naku ewan dyan sila.. "Sagot ni Reggie na busy sa pagteteks.

"Oh bakit pala kayo mga naligaw dito"Tanong ng bakla sa lahat..

"Namiss ka namin kasi"Ika ni Kris at malanding niyakap si Reggie..

"Ayyyyy" tili kunwari ng bakla at yumakap din kay Kris.. Nagtawanan sila..

"Walaa naman... kasi bukas busy na naman sila Kaloy ..Gusto ata nya magkasama sama muna ang barkada" sabi ni Aira.

"Sayang wala na si Clay" ika ni Tanya na kararating lang. Napangiti si Aira..

"Di naman ata si Clay ang pinunta ni Kaloy dito e" matalim nyang sabi. Tiningnan lang ng dalaga si Tanya.. Muli.. nag iwas ng mata si Tanya. Kinabhan naman si Kaloy at napailing sa inasta ni Aira. Tiningnan nya si Tanya .. Di mapalagay ito.

"Sila Kris .. sila Dan...at yung iba" sabi ni Aira.

"Gusto sila makasama ni Kaloy kasi after 5 years namiss nya ito sila" sabi ng dalaga.. natahimik sila..

"Ma can i play with esha?"Tanong ni Carl sa mama nya bigla.. Ngumiti si Tanya..

"Ask your Tita Tanya, Anak" sagot ni Aira.. Tumingin lang ang bata kay Tanya.. Mistulang nahiya..

"Tita?"Tanong ng bata sa dalaga. Nginitian sya ni Tanya at nilapitan..

"Yes .. Carl.. Ayesha's waiting for you"Sagot nito.. Napangiti din si Kaloy sa nakita. Agad namang yumakap si Carl sa Mama nya at nagturo na pumunta na dun. Walang imik si Aira na kinarga ang anak at dinala ang bata sa loob.. Naiwan sila Kaloy.. At sa maiksing oras na kasama nya si Tanya ngayon ay muling bumilis ang puso nya. Naiinis ang binata.. Ayaw nya ng nararamdaman nya..

"Problema ni Aira tol?" tanong ni Kris sa binata..

"Magkaaway ba kayo?" tanong ni Dan..

"Baka nambabae na naman tong kaibigan nyo" sabi ni Mutya, Tiningnan ni Mutya si Tanya.. tahimik lang ito. Napangiti sya .. mukhang may nangyayari na di nila alam.

"Sis, tahimik ka ata" sabi ni Mutya kay Tanya. Kaagad kinabhan si Tanya at wala sa sariling sumagot.

"Ah ..ah ano ..masama pakiramdam ko." sagot ni Tanya ..Totoo namang masama pakiramdam nya pero mas lamang ang dahilan na nahihiya sya ngayon kay Kaloy. Saglit ay may naisip si Mutya..

"Wala tayong pagkain ah" sabi ng dalaga.

"Meron sa loob Sis" agad sagot ni Tanya.

"Wala." matalim na sagot ni Mutya.

"Bumili kayo sa labas.."Utos pa nya.

"Ah sige.. kami na ni Dan" sabi ni Kris..

"Nope. .bawal si Dan" sabi ni Mutya.. Napakamot naman ng ulo si Dan.. Siniko pa sya ni Mutya..

"Kami ni Kaloy" sabi ni Kris.

"Maiwan ka din dito...ikaw mag handa ng kakainin natin" sabi ni Mutya. Napangiti si Reggie sa naisip ni Mutya ..Alam nya ang iniisip nito.

"Anong ako-" di na natapos ni Kris ang sasabihin ng sikuhin sya ni Mutya.. Kapwa kinakabhan naman si Tanya at Kaloy dahil parang silang dalawa ata ang uutusan..

"Ay naku...di ako pwede ...nag teteks ako" sabi agad ni Reggie.

"Masama pakiramdam ko" sabi ni Tanya.. Napahinga ng maluwag si Kaloy ng marinig si Tanya pero agad bumalik ang kaba ng magsalita si Mutya..

"Angalan ako?? buntis ako?"Sabi nya.

"Di din ako pwede" sabi ni Tanya..

"Si kaloy na lang mag isa" biro ni Kris. nainis si Kaloy. hindi dahil sa syang mag isa o pinag titripan sya kundi dahil ayaw pumayag ni Tanya na mag kasama sila..

"Samahan mo na sya Sis" sabi ni Mutya kay Tanya..

"Ha- eh ano ..may sakit ako..saka si Ayesha" pagtanggi ni Tanya

"Ako na bahala kay Ayesha" sabi ng bakla at umalis..

"Ako na bahala sa mesa,tara Dan" ika ni Mutya at umalis na din sila ni Dan.. Pangiti ngiti naman si Kris sa dalawa..

"Malas nyo..dapat ako na lang e..kaso ayaw nila ako ..goodluck sa nyo" sabi nito at iniwan na din sila.. Katahimikan.. walang nagsasalita ..Walang gumagalaw..

"Kung masama pakiramdam mo..ako na lang pupunta..pahinga ka na lang" sabi ni Kaloy at tatalikod na sana para maglakad ng maramdaman nyang lumakad din si Tanya kasabay nya. Nainis sya..Di sila dati ganito.. Walang awkward na sitwasyon katulad nito, Pero ngayon nahihiya sya kay Tanya at bakit ang tahi tahimik nito.. Tumigil si Kaloy.

"Wag ka ng makulit" sabi ni Kaloy at lumakad pero sumunod pa din ang dalaga. Napangiti na lang si Kaloy..

"Bahala ka nga.. maglalakad lang ako..." sabi ni Kaloy at nag lakad na.. Sumunod lang si Tanya sa kanya .. Nakayuko lang ito. Kung titingnan mo sila ay para silang magkasintahan na nag away.. Malayo ang agwat ni Kaloy sa dalaga.. At nakayuko ang dalaga maglakad... Hindi din sila nag uusap.. Mabilis ang kaba sa dibdib ng binata. Kahit ang dalaga ay may kaba din .. Kapwa nagpapakiramadaman .. Nag hihintay sa isa't isa ... Maya maya' y bumilis ang lakad ni Tanya.. naramdaman ito ni Kaloy.. Naisip ng dalaga na konting oras lang nila ito na magkasama kaya dapat samantalahin na nila ito.. Kinalimutan nya muna ang lahat. Sa ngayon.. Sila muna ni Kaloy ang mahalaga..