1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 2 - Part 9
Pinoy Tambay

Barkada: Book 2 - Part 9

10 minutes

Umaga.. Excited na pumasok si Kaloy ng paaralan.. Inspired sya.. Oo ..inspired na ulit sya ngayon na tapusin ang pag aaral nya..

Hindi nya hahayaang mawala sa kanya si Ella katulad ng mga naunang relasyon nya..

Pagkatapos na pagkatapos nyang mag aral ay yayayain na nya ito agad magpakasal..

"Ingat ka Kaloy.." sabi ni Tanya sa kanya.

Nginitian lang sya ni Kaloy bago ito umalis.

Maya maya'y nakita nyang palapit sa kanya si Ella. Bumilis na naman ang tibok ng puso nya.. Naalala nya ang usapan nila kahapon..

Technically, girlfriend na nya ito, Masaya nya itong sinalubong ngunit ganun na lang ang gulat nya ng sikuhin sya nito sa sikmura..

"Araaaaaaayyy" reklamo ng binata..

"Para san na naman yun?" tanong nya habang hinihimas ang parteng tinamaan..

"Sino sya?" tanong ng dalaga na nakasimangot sa harap nya..

Napatawa si Kaloy..

"Kaibigan ko.. dun ako nakatuloy sa kanila" sagot ng binata.

"Kaibigan ..kaibigan" ika ni Ella at akmang sisikmuraan ulit ang binata ng pigilan sya nito..

"Oo nga ..tama na...totoo yun..."Ika ng binata.. tumigil naman si Ella para tingnan ang binata.. Namimilipit pa din ito sa sakit..

Napatawa tuloy sya at medyo naguilty sa ginawa..

"Halaaa.. ang gaan gaan talaga ng kamay ko" natatawa nyang sabi..

"Buti alam mo.."Sagot ng binata at inirapan ang dalaga.

Tumawa lang si Ella ..Maya maya'y lumapit sa kanila ang kaibigan ng dalaga.

"Yiiiiieeee.. aga aga nag lalambingan yung dalawa" kantyaw nila..

"Lambingan...ang aga agang nag selos nitong kaibigan nyo tas sinikmuraan ako agad.lambingan ba yun" sagot ni Kaloy at nagtawanan sila..

"Dapat lang naman na sikmuraan ka noh.. para hindi ka makaisip manchix" sagot ni Ella na kinatili ng lahat..

"Lalandi ng mga to..wag nga kayo dito.. aga aga kami ang napapansin nyo" sabi ni Ella sa mga kaibigan.

"Kayo na ba?" tanong ni Jen..

"Yiiiieeeee" kantyaw ulit ng iba..

Walang sumagot .Parehas nag kahiyaan..

"Oo sinagot ko na sya.. nahihirapan na daw manligaw e" biro ni Kaloy at tumawa..

Tiningnan sya ng masama ng dalaga..

"Baka gusto mong ikwento ko ang tunay na nangyari" natatawang sabi ni Ellaa...

"Sige..sige Sis kwento mo" sabi ng mga kaibigan ni Ella na nagsi tilian na naman sa narinig..

"Uy...wala....wala syang ikekwento noh.. niligawan ko sya ..sinagot nya ako.. kami na.. oo na" mabilis at natatarantang sagot ni Kaloy..Ayaw nyang marining ng iba ang kabaduyan na ginawa nya sa mga nagdaang araw kay Ella.

Napangiti lang si Ella...

"Totoo Sis" tanong ni Lea.

"Oo. .. sinagot ko na .naawa na ko e" si Ella naman ngayon ang nagmalaki..

Napasimangot si Kaloy.. Mukhang naisahan na naman sya ng dalaga.. Wala na syang nagawa.. Nagsitilian na ng walang humpay ang mga kaibigan ng dalaga.. Naging sentro sila ng atraksyon at may ilang matang nanlilisik na nakamasid sa dalawa..

Sa klasroom ay nilapitan ng binata si

Jonas... Ok na sila ng Ate nito.. siguro panahon na din para maging ok sila nito.

"Tol" bati ni Kaloy sa binata.. Agad iniwas ni

Jonas ang mukha para hindi matingnan si Kaloy..

Di nagsalita ang binata..

"Di ka na sumasama samin ah.."Sabi ni Kaloy.. Hindi pa din ito sumagot..

"Namimis ka na ng tropa .. ni Leslie" sabi pa ng binata.. Agad namang tila interesadong tumingin si Jonas sa binata..

Nginitian sya ni Kaloy..

"Galit ka pa ba sakin?" tanong ng binata..

Hindi ito sumagot.. Nagsalubong pa ang kilay ng binata ng may mapansin sa mukha ni

Jonas..

Marahas nyang iniharap ito sa kanya at nakita ang bagong sugat sa labi nito..

"Ano yan" tila nagaalala na tanong ni Kaloy sa binata..

Agad binawi ni Jonas ang mukha nya at hindi sumagot..

"Ano yan" medyo nagtaas ng boses si Kaloy..

"Wala... ano ba ..stop pretending na you care about us.. ang totoo sarili mo lang iniisip mo" sabi ng binata..

Naguluhan si Kaloy sa narinig.

"Ano yan Jonas?? san galing yan?? pinapahalagahan ko kayo syempre.. Ang tropa ..ikaw ..ang Ate mo.. kaya nga nandito ako sa harap mo di ba?" malumanay ang boses ni Kaloy.

Hindi sumagot si Jonas..

"Sinong may gawa nyan" tanong muli ni Kaloy..

"Wala..wala to ..wag mo ko isipin.. Ok na sakin na si Ate na lang ang bantayan mo..kaya ko na sarili ko" sagot ni Jonas..

Napangiti si Kaloy sa narinig .. Mukhang nagiging palaban na si Jonas..

"Pag kailangan mo ng kausap.. andito lang ako" sabi sa kanya ni Kaloy at tinapik ito sa balikat bago bumalik sa upuan..

Break time.. Masayang kumakain sila Kaloy kasama ang tropa nya sa mesa.. Wala pa din si Jonas..

"So kumusta na kayo?" tanong ni Bryan kay Kaloy..

"Nino?" kunwari'y tanong ng binata..

"Sus.. kunwari pa to..usapin kayo ng buong campus.. napaibig mo yung pinapagarap na babae ng lahat" sabi ni Kian..

Tahimik lang si Leslie. Tiningnan sya ni Kaloy..

Di ito halos makakain.. nilalaro lang nito ang pagkain sa harap nya.

"Ok ka lang" tanong ni Kaloy sa dalaga sa gitna ng kantyawan sa mesa nila..

Nagulat si Leslie ng kausapin sya ni Kaloy...Tumingin sya sa binata at nakita ang nakangiti nitong mukha..

Sumimangot ang dalaga..

"Di mo ba namimis si Jonas" tanong ni Kaloy sa kanya.. Lalong nainis si Leslie.. Mukhang itinutulak sya ng binata..

"Sabi ngang ayaw ko dun e" sagot ng dalaga..

Natahimik ang lahat ng mapansin ang pag uusap ng dalawa..

"Naku Sis.. the more you hate ..the more you love" sabi ng bakla kay Leslie..

"Oo nga naman.. palagi ka na lang galit kay

Jonas..ang swerte swerte mo nga na sa dinami dami ng tumitili at nag lalaglag ng panty sa kanya e ikaw ang napili nya" sabi ni

Roan..

"E hindi ko nga sya gusto" sagot ni Leslie..

"Kasi nag seselos ka sa mga tumitili sa kanya" singit ni Kaloy..

Napangiti ang lahat sa narinig. Tumpak ang binata..

"Masasaktan lang kayo pareho kapag pinigilan mo yang feelings mo sa kanya" sabi pa nito..

"At saka... wag mong hintayin na wala na sya sayo..tandaan ..palaging nasa huli ang pagsisisi" makahulugan ang binitawang salita ni Kaloy.. Pinilit nyang alisin si Aira sa isip nya dahil nagbubuild up na naman ang alaala nila sa isip nya.

"Kalooy" sigaw ng nagmamadaling dalaga na tumakbo palapit sa mesa nila..

"Bakit?" tanong ng binata na agad napatayo dahil alam nyang may problema na naman na nangyari base sa kilos ni Jen..

"Yung girlfriend mo ..ginugulo na naman ni

Ron" sumbong ni Jen kay Kaloy..

"Tang inaa" sabi ng binatang galit at agad sinundan si Jen..

Nadatnan ni Kaloy na nakikipag sagutan si Ella kay Ron.. may limang kasama din si Ron na pare parehas ang katawan.. Malalaki at matataas..

Nagulat pa ang binata ng makita nyang humarang sa gitna na away ni Ron at Ella si

Jonas..

Napangiti sya...

"Wag kang makialam dito.. baka gusto mong maulit yung nangyari kanina" banta ni Ron kay Jonas.. Napaisip si Kaloy at naalala na may sugat sa labi si Jonas.. Siguro pinag tripan ito nila Ron kanina..Lumapit sya sa kanila.. Alam nyang hindi kaya ni Jonas ang anim na lalaki..lalo't hindi ito sanay makipag away..

"Wag mong gagalawin ang Ate ko.. ilang ulit na ba nyang sinabi na tapos na kayo..wala na..sinayang mo ang chance mo..at ngayon..be a man para tanggapin na tapos na kayo.. " sigaw ni Jonas kay Ron..

"Aba putang-" bumwelo ng suntok si Ron sa binata ngunit may humawak sa braso nya para pumigil.. Tiningnan ni Ron kung sinong pumigil sa kanya at nag liyab ang galit nya ng makitang ang pakilamerong binata na naman ito..

"Ikaw na naman" sabi nito at aktong susuntok kay Kaloy ng mabilis syang tinuhod nito sa sikmura at agad pinaikot ang braso ni

Ron na hawak nya papunta sa likod nito..

"Aaaaarhhhhh" nasaktan si Ron..

"Walang lalapit.. umalis na kayo.tatawag ako ng guard.. "Sabi ni Kaloy habang hawak pa din si Ron..

"Ang lalaki nyo ..lima lima pa kayo tapos isa lang kalaban nyo.. babae pa" sabi ng binata.

Napangiti si Ella sa narinig ..Buti na lang talaga at may nobyo syang katulad ni Kaloy..

"Alis na.."Sigaw ni Kaloy at nag alisan na ang lima..

"Ikaw naman .. wag na wag ka ng lalapit sa magkapatid na yan..kundi uubusin ko ngipin mo" bulong ni Kaloy kay Ron at tinulak ito palayo..

Agad umalis si Ron na napahiya pa sa pangyayari..

Ngumiti pa ang binata. May huling alas pa ang binata.. at mukhang kailangan na nyang gamitin ito..

"Salamat" tipid at mahina ang boses ni Jonas ng lapitan sila ni Kaloy..

Ngumiti lang si Kaloy..

"Balik ka na sa tropa ..namimis ka na ni

Leslie" sabi ni Kaloy at nagkantyawan sila..

Napangiti naman si Ella sa nakita.. Lumapit si Jonas kila Leslie at tinukso ang dalawa ng tropa nila habang pabalik sila sa klasroom..

Si Kaloy naman ay nagpaiwan muna sa room nila Ella..

"Grabe... parang napagod ako ah... wala man lang bang premyo yung heroic act ko" pag paparinig ni Kaloy sa dalaga.

"Uyyyyyy" tili ng mga nakarinig .. Napangiti sa kilig si Ella.

"Gusto pa nya may kapalit ginagawa nya ah" sabi ng dalaga..

"At saka napagod..e di ka naman nakipag suntukan ng matindi" sabi pa nito..

"E baka kasi may magsumbong .mapasama ako sa masuspende.. maapektuhan ang pag aaral ko..e gustong gusto ko nga matapos studies ko para pag tapos ko pwede na tayong ano..magpakasal" sabi ng binata

Napuno ng tilian ang klasroo nila Ella..

Mabuti na lang at break kaya walang teacher..

Maya maya'y lumuho si Kaloy sa harap ng dalaga.. Di nya alam kung anong nagtutulak sa kanya para gawin ang mga ganitong bagay sa harap ni Ella basta wala syang pakialam kahit mag mukha syang tanga... ang mahalaga ay mapasaya nya ang nobya.

May tila kung anong dinukot ang binata sa bulsa..

Mas lalong nag tilian ang kaya ang ilang deparment ay napasilip sa kung anong nang yayari sa gawi nila.. Posible kaya na may estudyanteng mag popropose sa campus nila?

Dinukot ni Kaloy ang kung ano sa bulsa nya..

Natahimik ang lahat. walang munang tumili.. gusto nilang marinig ang sasabihin ng binata. Si Ella naman ay pulang pula ang mukha sa pinaghalong hiya at kilig..

Nagulat pa sila at ang iba'y nag tawanan ng makitang wala namang hawak ang binata ng inilabas nya ito sa bulsa nya.

"Eto.. alam ko ...nakikita mo wala akong hawak.. pero 4 or 5 years from now ..mag kakarooon din to.. isipin mo na lang ngayon na kunwari may hawak akong mamahaling box.." sabi ng binata..

Umakto pa syang binuksan ang box..

Nag tawanan ang iba.. ang iba'y napatili..

"Ayan... sa loob ng box e may mamahaling singsing..na which hindi mo nakikita ngayon..pero seryoso ..4 or 5 years magkakaron din yan.. invicible nga lang muna ngayon ..wala pa kasi akong budget pambili.. pero pinag iipunan ko na" sabi ng binata..

"Baliw" bulong ng kinikilig na dalaga.

"Gusto ko lang isecure ang future natin.. ayaw ko ng matapos kung ano man tong meron tayo..alam kong sa maiksing panahon ay nakilala natin ang isa't isa ..well hindi man lubusan alam ko na whatever new impressions pa ang malaman natin sa isa't isa ...natatanggap pa din natin..Salamat kasi lagi kang nandyan para sakin..lalo na nung mga dark days ko..salamat sa mga sampal mo..sa pagtataray mo sa kin minsan..sa mga pick up lines mo..hindi ko alam.. pero kung ito na nga yung tinatawag nilang Love.. then sasabihin ko sayo na sobrang Love kita.." buong pusong sinabi ni Kaloy..

"Tumayo ka nga dyan..nakakahiya na.."Bulong ni Ella na nangingilid ang luha sa mata..

"Di pa ko tapos noh... Mikaella Reyes.. 4 or 5 years from now.. Wil you marry me?" tanong ng binata na nagpatili na naman ng malakas sa lahat.

"Umoo ka na," sigaw ng iba..

"Yes na yes na, ang pogi pogi nyan oh..ang sweet pa" tili ng isa..

Hindi sumagot ang dalaga.. Kusa nyang inabot ang kamay sa binata tanda ng pagtanggap nito na isuot ng binata sa kanya ang invicible ring..

Ngumiti si Kaloy.. sinuot nya kunwari ang singsing sa daliri ng dalaga...

"Yes.. anytime.. anywhere.. pakakasalan kita

.. I love you Kaloy" sagot ng dalaga at hinila ang binata patayo para yakapin..

Wala syang pakialam kung nasa gitna sila ng lahat .. wala syang pakialam sa mangyayari bukas o sa hinaharap ..Ang mahalaga sa kanya ay ang ngayon. Pinunas ni Ella ang unang luha ng pumatak sa mata nya ng dahil sa binata..

"Pinaiyak mo ako" bulong nito kay Kaloy..

Ngumiti lang ang binata..

"Wag mo akong iiwan Mika," bulong ni Kaloy sa kanya ..punong puno ng pag susumamo.

"Please " sabi pa nito..

"Walang reason para iwan kita. sana ganun ka din..."Sagot ng dalaga at niyakap pa ng mas mahigpit ang binata..