1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 2 - Part 5
Pinoy Tambay

Barkada: Book 2 - Part 5

12 minutes

"Eh bat kanina pala wala ka sa school" tanong ni Kaloy sa dalaga.. Ngayo'y nakatambay sila sa tapat ng bahay ng dalaga. Medyo madilim na.. may isang oras na din kasi silang nagkwekwentuhan ng kung ano ano..

"Hinahanap mo talaga ako" tanong ng dalaga sa kanya..

Napasimangot si Kaloy..

"Bat kita hahanapin.. Kapal mo" marahas na sabi nito kay Ella na nagpatawa dito.

Natahimik ang dalawa.

"Gagraduate ka na pala.." singit ng binata sa gitna na katahimikan..

"Oo ah.. finally..matatapos na din lahat" sagot ng dalaga.

"Mahirap ba?" seryosong tanong ni Kaloy.

Napatingin si Ella kay Kaloy at nakitang malalim ang iniisip ng binata..

"Hindi naman. kaya mo yan..basta isipin mo lang palagi yung purpose kung bakit ka nag aaral," sabi ng dalaga.

"Ganun kasi ako..inisip ko na para kila Mama lahat"

"Kung para sa taong mahal mo? parehas lang ba yun?" seryosong tanong ni Kaloy..

Saglit na di nakasagot si Ella..

"Oo-oo naman..parehas lang yun" sagot nito..

"Pero di ba kelangan mo din isipin na para sa magulang mo yan..or sa kahit kahit kanino ..sa sarili mo ..hindi lang kay Aira" ika ng dalaga..

"Wala akong ibang gusto kundi makasama ko sya ..mabawi. may pangako akong kailangang tuparin..at alam kong may pangako din sya sakin na tutuparin" seryoso ang binata.

"Hmmm may communication kayo?" tanong ni Ella.

Tiningnan sya ni Kaloy bago sumagot.

"Wala eh.. di din daw sya nagpaparamdam sa mga kaibigan ko" sagot ni Kaloy..

"Tsk ang hirap nyan" napailing si Ella.

"Panong mahirap" nanlisik ang mata ni Kaloy sa dalaga..

"LDR... dapat may communication kayo.. yun ang pinaka mahalagang sangkap sa LDR na hindi dapat mawala..kasi kapag nawalan kayo ng communication..its either umaasa ka na lang o sya"Sabi ng dalaga..

Nainis si Kaloy sa kanya..

"Parang alam na alam mo na lahat ah" sabi nito sa dalaga.

"Oo ah..base sa kwento mo babaero ka" natatawang sagot ni Ella.

"Hoy...hindi noh.ang bait bait ko e..lapitin lang talaga ko ng babae" kumikindat pa ang binata ng sumagot.

"Kapaal" bulong ni Ella.

Napatawa sila..

"Inaccept nga pala nya yung request ko sa

FB" sabi ng dalaga..

Agad napatayo sa Kaloy sa pagkainteresado..

"Talaga?? ano sabi?" tanong ng binata..

"Anong anong sabi?? grabe ka..di naman kami close nun" sagot ni Ella.

Tiningnan ni Kaloy si Ella.. Napansin na naman nya ang labi ng dalaga.. ang brace nito .. ang cute na ilong ..ang magandang mga mata.. Natulala na naman sya ...may sinasabi ang dalaga pero di nya ito naintindihan... Tumingin sya sa baba ng mukha ng dalaga, Napasimangot sya..

"Sabi ko magpandoble ka kapag mag susuot ka ng uniform..labas na naman kaluluwa mo" sabi bigla ng binata..

Napangiti si Ella..

"Daldal ako ng daldal tas sa boobs ko pala ikaw nakatingin" sabi nito.. Napahiya naman sa narinig si Kaloy.. kitang kita ang pamumula ng mukha nya.

"Hoy kapal mo... boobs?? asan ang boobs jan" tanong ng binata sa dalaga para makalusot. Napalunok pa sya ng hindi alisin ng dalaga ang tingin nya sa kanya.

"Pervert" bulong nito. natahimik sila..

"Seryoso... magpandoble ka... bakat na bakat kasi masyado bra mo kapag naiilawan.. pag pyepyestahan ng mga manyak katawan mo nyan" sabi ng binata.. natuwa naman sa narinig si Ella.. Kaparehas ng mga kaibigan na babae nya si Kaloy...palaging pinapaalala ang bakat nyang katawan.

"Ehem" napatingin ang dalawa sa taong umubo..

"Jonas" ika ni Ella.

"Uyy tol" bati ni Kaloy..

"Ate hinahanap ka na ni Papa.."Sabi ni

Jonas..Tumango lang ang binata kay Kaloy.

"Oh sya sige na ..madilim na din naman..pasok na ko..umuwi ka nadin" sabi ng dalaga kay Kaloy.

"Sige.baka gabihin pa ko"Sagot ng binata at nagpaalam ng umalis.

"Pinahiya mo yung isang estudyante,2nd day of school" sumbat ng galit na si Reggie kay Kaloy ng magkwento ito sa kanila ni Tanya..

"Eh may dahilan naman yata sya bakla" sabi ni Tanya.

"Meron o wala ang point ko e baguhan pa lang sya.. anong gusto mo mangyari sayo Kaloy?? at hindi freshmen yung tinalo mo ha.. senior na yun..marami yung kilala at pano kung resbakan ka ng mga kasamahan nun" dire diretso ang bakla..

"E nambastos kasi.. alam nyo naman na ayaw kong binabastos ang kaibigan ko" sabi ni Kaloy ..Napangiti si Tanya sa narinig.

"Nakipagkaibigan ka na?" tanong nya.

"Oo.. masaya din pala" sagot ni Kaloy..

"Siguraduhin mo lang na kaibigan yan.. hindi

Kai-bigan" ika ng inis pa din na bakla at umalis sa harap nila..

"Problema nun" tanong ni Kaloy kay Tanya..

"Ewan.. menopows??" sagot ng dalaga at nagtawanan sila..

Gabi ..nakahiga na sa kama ang binata..

Naiisip na naman nya si Aira.. ang ngiti nito.. ang yakap ..ang halik.. Nalungkot ang binata.. Wala syang magawa.. kailangan nya siguro din munang masaktan katulad ni Aira bago nya makuha ang gusto, sana lang sa huli.. sila parin..

Excited na namang pumasok si Kaloy ...pero iba ang nadatnan nya sa Campus. Ilang mga mata ang nakatingin sa kanya.. nagbubulungan... napasimangot sya at napaisip..

"Anong meron" tanong nya sa sarili..

"Huyyy" sigaw sa kanya ng isang boses ng babae..

Kinabhan si Kaloy.. babae .. si Ella? pinintahan nya ng matamis na ngiti ang labi nya bago humarap sa pinanggalingan ng boses.. Ganun na lang ang pagkawala ng ngiti nya ng makitang si Leslie ito..

"Sikat na sikat ka na ah" sabi sa kanya ng dalaga...

Tila tinamad naman si Kaloy sa kausap..

Akala nya si Ella na ito..

Napangiti sya.. bakit nya hinahanap si Ella?? para makipag kwentuhan? kasi sobrang gaan ang loob nya dito? para asarin? or hinahanap nya ito dahil namimiss nya ito?

"Huyyy" kinalbit sya ni Leslie na kanina pa may sinasabi sa kanya.

"Uy..sorry may naisip kasi ako" sabi ng binata.. tila kinilig naman si Leslie.

"Kasama mo lang ako kung ano ano na naisip mo" malambing na sabi nito..

Napatawa si Kaloy. May kakapalan din pala tong kaibigan nya..

Malayo layo pa sila sa classroom nila kaya nabingi muna ang binata sa kaingayan ni

Leslie.. Buti na lang sa di kalayuan ay natanaw nya si Jonas..Nakita sya ng binata.. agad nyang sinenyasan ito para lumapit..

Nagets naman ito ni Jonas at sinalubong sila.

"Les, akin na bag mo.." sabi ni Kaloy kay

Leslie... Kinilig na naman ang dalaga..

Gusto syang ipagbuhat ng bag ni Kaloy.. Di na nagdalawang isip si Leslie.. agad nyang binigay ang shoulder bag sa binata..

Binitbit naman ito ni Kaloy..

Sa di kalayuan ay may isang babaeng napasimangot sa nakita.. Maya maya'y natawa sya sa sarili.. bakit sya magagalit kung makitang sweet si Kaloy sa iba..

Umirap sya ..at binaling na ang tingin sa iba..

"Oh..ikaw na dito.." ika ni Kaloy ng masalubong nila si Jonas..Agad nyang binigay ang bag ni Leslie kay Jonas..

Nainis naman si Leslie sa nangyari pero wala na syang nagawa..

"Wag mo iiwan yan" sabi ni Kaloy kay Jonas at tumango lang ang binata..

Nag umpisa ng lumakad ng sabay ang dalawa.. Tahimik..walang nag sasalita,

"Yiiiiiiiiiieeee Jonas" nag umpisa na namang tumili ang lahat sa binata.

"I love you pogi" sabi pa ng ilan ..Napangiti na lang ang binata sa mga narinig..

Nainis naman si Leslie at agad na lumakad ng mabilis para iwan ang binata...

"Leslie" sigaw ni Jonas para pigilan ang dalaga ngunit hindi ito nakinig.

"Asar" tanging nasabi ni Jonas at sinundan ang dalaga..

Break time,,

Magkakasama sa upuan sila Kaloy.. Bryan at

Kian.

"Asan si Jonas" tanong ng binata..

"Uyyy.. hinahanap na nya si Future brother" kantyaw ni Bryan..

"Gung gong ..kaibigan natin yun kaya ko hinahanap" sagot ni Kaloy pero ang totoo'y may dating sa kanya ang sinabi ng kaibigan na future brother..

"Sinusuyo pa din ata si Leslie, galit ata sa kanya e" sagot ni Kian..

"Ah" tipid na sagot ni Kaloy..

"Teka kwento mo naman nangyari sa nyo ni Ella kahapon" tila interesado si Bryan na nagsalita..

"Oo ..nawala na kayo kahapon ah.."Sabi pa ni Kian..

"Walang nangyari... ang lalandi ng isip nyo..may girlfriend ako" sagot ni Kaloy..

"Sus sabihin mo yan sa harap ni Ella" sabi ni

Kian..

"Alam naman nya ah"Sagot ng binata..

Nagulat ang dalawa sa narinig..

"Alam nya?" tanong ni Bryan..

"Oo.. walang reason para mag tago ako sa kanya noh..friends kami" ika ni Kaloy..

"Naaks.. kung iba yan tol.. sukdulang itanggi ang syota nyan para lang maka close si Ella..swerte mo" sabi ni Kian..

"Sus.. e mahal ko kasi girlfriend ko...yun na yun" seryosong sabi ni Kaloy.

"Naaaks.."Kantyaw ng dalawa,,

Ngunit nagulat sila ng biglang tumayo si Kaloy at iniwan sila..

"Huyyy" sigaw ng dalawa at sinundan na lang nila ng tingin kung san ito papunta..

Parehas pa silang napangiti ng makitang sa gawi ni Ella ito pupunta.

"Mahal daw ang girlfriend" ika ni Bryan kay

Kian at nagtawanan sila.

"Hi Mika" bati ng binata kay Ella na lapitan nya ito..

May ngiti sa labi ng binata.. Humarap sa kanya ang dalaga at nagtama ang mata nila.

"Syeeeet" bulong ng isip ni Kaloy ng makita ang napakagandang dalaga sa buhay nya.

"Uyyy ano... grabe Mika talaga?? di ako sanay" sabi ng dalaga sa binata.

"Oo ah..para unique ..ako lang natawag sayo nun" hirit ni Kaloy.

"Uyyyyyyy" nagkantyawan ang mga kaibigan ni Ella sa narinig..

"Sis una na kami.." pag papaalam ni Jen sa kaibigan.. alam nyang kailangan nila ng oras na dalawa..

"Tara na mga Sis.. kaya na nya yan... binugbog nga nya si Ron kahapon" sabi ni Jen at umalis an sila.

"Meryenda tayo" alok ni Kaloy sa dalaga..

Ngumiti si Ella.. "Libre mo?" tanong nito..

"Hinde ah..tingin mo sakin gentleman?? libre mo" biro ni Kaloy at tumawa.

"Oh sige ..anong gusto mo" tanong ni Kaloy.

"Ikaw?" tanong ni Kaloy..

Natahimik ang dalaga..

Matagal na walang nag salita.. Naintindihan naman ni Kaloy kung bakit. Hindi naging maganda ang way ng nasabi nya sa dalaga..

Nag blush ang dalaga. Napansin iyon ni Kaloy at nataranta na sya..

"Uy,,,, hindi yun ah.. ang ibig kong sabihin e

.ikaw .not ikaw na ikaw..pero ikaw as a form of question" sabi nito..

Tahimik pa din si Ella at pilit tinatago ang pagka pula ng mukha..

"Ikaw. ano gusto mo? iyon ang ibig kong sabihin" sabi ni Kaloy na tarantang taranta sa pagpapaliwanag..

"Bahala kana..kahit ano" tanging nasabi ng dalaga..

"Phew" napahinga ng malalim si Kaloy at lumakad na para umorder ng pagkain.

Nagtawanan naman si Bryan at Kian sa nakita.

Habang may ilang nag bubulungan sa gawing kanan na masama ang tingin kay Kaloy..

Masayang kumain ang dalawa. Ni hindi nahiya si Kaloy na kumain sa harap ng dalaga ..Ganun din si Ella..

"Ang cheap mo ha" sabi ni Ella ng matapos nilang kumain..

"Huh?" tanong ni Kaloy..

"First date sa school canteen pa?" ika ng dalaga at tumawa..

Napatawa din si Kaloy.

"Sinong may sabi sayong date to.." ika ng binata at muling namutla ang dalaga..

"Ikaw ha" panunukso pa lalo sa kanya ng binata.

Wala ng naisip na iganti si Ella kaya tumawa na lang din sya..

"Oh sya.. ano..ito na yung pambayad oh" ika ni Ella at akmang maglalabas ng pera ng pigilan ito ni Kaloy.. Sa pag pigil nya ay nagtama ang kamay nila... May kuryente na dumaloy sa pag tatagpo ng kamay ng dalawa.. Nagtama ang mata nila, naunang umiwas ang dalaga..

"Sige na..." sabi nito at agad binawi ang kamay nya sa binata.

Naiwan ang binata na napaisip sa nangyari..

Tiningnan na lang nya ang paalis na dalaga na hindi na muling lumingon sa kanya.

"Tol" may tumapik bigla sa balikat ni Kaloy..

Tiningnan nya ang may ari ng kamay na tumapik sa kanya .. si Ron..

"Sinusulot mo ba yung syota ko sa kin?"Tanong nito kay Kaloy..

"May susulutin ba ko sayo?? e sa pag kaalam ko e break na kayo?" sagot ni Kaloy..

"Aba bastos boss ah" sabi ng nasa likod ni

Ron at akmang susugurin si Kaloy ng pigilan sya ni Ron..

"Sinwerte ka lang kahapon.. nagkamali ka ng binangga tol" bulong ni Ron sa binata..

Agad namang tumayo si Kaloy sa harap ni

Ron para ipaalam na hindi sya takot.. Pero ganun na lang ang gulat nya ng makitang may nasa 15 ang lalaking kasama ni Ron..

"Grabe ..daming back up ah" pang aasar ni Kaloy.

"Hoyy.... Ron ano na naman yan ha... "Sigaw ng palapit na si Leslie na kanina pa sila minamasdan..

"Isusumbong ko kayo sa Dean..nag sisimula ka na naman"Ika pa ng dalaga..

Ngumiti lang si Ron.

"Ingat tol" bulong nito kay Kaloy..

"Tara'' sabi nito sa mga kasama at iniwan na nila si Kaloy at Leslie..

"Salamat" sabi ni Kaloy kay Leslie..

"Leslie.."Sigaw na palapit na si Jonas..

Muli nyang nakita ang dalawa at napasimangot..

Nakita din nya na kaaalis lang nila Ron.

"Anong nangyari ?"Tanong ni Jonas..

"Sila Ron e.. nagbabanta sakin, buti dumating tong kamahalan mo"Sagot ni Kaloy kay

Jonas..

"Ah.... di yun sila titigil tol.. alam kasi nilang close kayo ni Ate..tapos pinahiya mo pa sya kahapon..matindi ang galit sayo nun"Sabi ni

Jonas.

"Ok lang ..basta wag lang nya kayo idamay"Sabi ni Kaloy sa dalawa..

Napangiti si Jonas sa narinig.. Mukhang ok naman pala tong manliligaw ng Ate nya..

"Sus...baka sinasabi mo lang yan"Biro ni

Jonas..

"Ano??kasi nagpapa pogi ako sa Ate mo? oo ah..." biro din ni Kaloy at nag tawanan sila.

"Tol.. wag mong sasaktan si Ate" pakiusap ni

Jonas kay Kaloy..

"Huy...grabe to..di ko sasaktan yun noh... bat ko sya sasaktan." sabi ng binata.

Di naman sumagot si Jonas.. nakatitig lang ito sa binata..

"Ano?" tanong ng natatawang si Kaloy..

"May girlfriend ako tol" sabi ni Kaloy..

"Yun na nga e..kung hindi mo sya kayang mahalin, wag mo syang paasahin"Sabi ni

Jonas..Naguluhan naman si Kaloy sa sinabi ng binata.

"Tol ..walang ganun..friends lang talaga kami" sabi ni Kaloy..

"Ok then friends kung friends..basta wag mo sya sasaktan"Sabi ni Jonas..Tumango lang si Kaloy..

Hapon. Mabilis na tumambay si Kaloy sa bench sa labas.. May hinihintay sya.. Di nya alam pero may nagtulak sa kanya na hintayin si Ella sa labas ..Gusto nyang makita ang dalaga..gusto nyang makausap...