1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 2 - Part 20
Pinoy Tambay

Barkada: Book 2 - Part 20

23 minutes

"Marami pa kaming mahahanap na trabaho pero yung Kaloy.. isa lang yan" sabi ni Kris kay Jema ng magpaalam ang dalaga kasama ni Angel para mag duty..

"Pasensya na ..bawi na lang kami kapag off..

"Sabi ng dalaga sa nobyo. Tumango lang si

Kris..

Ramdam ang kalungkutan sa bahay nila Tanya ng umaga matapos ang insidenteng nangyari...

"Opo Dad.. di ko lang sure.. pero sabi kasi ng Tita nya iuuwi daw para dun ilibing sa probinsya nila" kausap ni Tanya ang Papa nya..

Tila walang humpay ang pagtulo ng luha ni Aira..

Ok lang naman ang lahat e..

Kung sana di na lang sya umuwi ..Sana walang ganitong nangyari.

"Aira.. tulog ka muna" ika ni Kris ng makitang gising pa din ang dalaga na nakabantay sa kabaon ni Kaloy..

Napahikbi na naman ang dalaga..

"Kada pipikit ako naaalala ko sya e" hikbi nito..

Napasinghap si Kris.

"Alam kong mahirap.. pero wag mo din naman pabayaan sarili mo.. sige na

..magpahinga ka na muna..." utos ni Kris.

"Hindi ako inaantok" pagmamatigas ni Aira.

"Kung ito na ang huling pag sasama namin ..

Lulubusin ko na" sabi nito.

Nangilid ang luha ng binata.. Pinilit nyang ngumiti..

"Sige..pero mamaya matulog ka ha pag inantok ka" sabi ni Kris at iniwan na sya..

Panandaliang umuwi sila Mutya, Dan, Clay at

Brando para mag ayos ng sarili..

Si Tanya ay tulog sa kwarto.. Si Reggie ay nasa tabi ni Aira at hindi halos makausap ang dalaga..

Si Kris ay wala sa sarili na kaharap si Sam na nag alok mag laro ng baraha.

"Paano tayo mag lalaro nito kung yung dahilan ng pag lalaro natin e yung tropa natin" natatawang sabi ni Sam.

"Parang ang bilis tol.. hindi ko to inasahan" sabi ni Kris.

"Sino ba?? kung pwede lang e sana ako na lang nasa kalagayan nya ngayon" ika ni

Sam..

"Maaaring mayroon pang samahan na maging katulad ng samahan ng Tropang

Pasaway pero hindi na ulit mag kakaroon ng isa pang Kaloy" sabi ni Kris.

Tumango lang si Sam..

Malabo. .. malabo na mag karoon ng ibang Kaloy.

"Sis" bati ni Reggie kay Aira ng hindi na nito matiis ang awkward situation nila..

Hindi sumagot ang dalaga..

"Galit ka pa ba sakin?" tanong ng bakla..

Tiningnan sya ni Aira..

"Saka na tayo mag usap ng tungkol dyan.,, igalang natin ang asawa ko" sa wakas ngumiti na si Aira ng sinabi nito na asawa nya si Kaloy..

"Manang mana ka talaga sakin" natawa din ang bakla.

"Huh?" takang tanong ni Aira..

"Palaban..hindi sumusuko" ika ng bakla..

Napaisip si Aira.. Hindi ... sinukuan nya ang binata at tinulak nya ito kay Ella..

Napatahimik muli sya..

"Nasan yung karibal mo" tanong ni Reggie.

"Pumasok .. hindi daw sya pwedeng umabsent.."Sagot ni Aira..

"Makaka concentrate din kaya yun..

Graduating pa naman sya." ika ni Reggie.. hindi sumagot si Aira..

"Kung ikaw si Ella? ano gagawin mo?" tanong ng bakla..

"Kilala mo ako di ba? pag alam kong may nauna na.. hindi na ako nalaban... nag paparaya ako"Sagot ni Aira.

"Hindi yun..hugot ka naman e..kung ikaw ang estudyante tas namatay jowa mo..."Ika ni Reggie..

Napatigil si Aira sa narinig na jowa.

"Ah..eh... di na siguro ako papasok...wala nadin naman halaga yung pagtatapos ko nun if wala sya" seryosong sagot ng dalaga..

Napangiti si Reggie..

Tanghali ng dumagsa ang tao.. Karamihan ay mga tambay na ang habol lang ay mag sugal..

Alas dos ng hapon ng dumating ang Tita ni Kaloy..

Agad ito napaiyak sa nalaman..

"Tita" ika ni Aira ng makita ang Tita ni Kaloy..

Nalungkot naman ang Tita ng binata ng makita ang dalaga ..Alam nya at saksi sya sa ilang taon na pag subaybay ng dalaga sa pamangkin nya ..Alam nya ang sikreto ng dalaga.. Alam nya na mahal nito si Kaloy....At sa lahat ng kaibigan ng binata ay ito lang ang pinakamalapit sa kanya..

Magkakaharap si Tanya, Reggie, Kris,Sam at Aira ngayon kasama ang Tita ni Kaloy..

"Mamaya din.. Para di na din kayo maabala" sabi ng Tita ni Kaloy kay Tanya.

"Tita naman.. di naman po abala to e" sagot ni Tanya..

"Eh alam mo naman yang kaibigan nyo.. maraming kagustuhan sa buhay..dun sya pinanganak ..dun sya ililibing " natatawang sabi ng Tita ni Kaloy..

Napatawa din sila..Ang tawanan ay napalitan ng kalungkutan ng maalala ang ilang sandali nila sa binata.

"Nag away pa nga po kami nyan ung isang gabi" sabi ni Reggie na pinipilit tumawa..

"Eh kumusta pala kayo Aira" tila kinikilig ang Tita ni Kaloy ng tanungin si Aira.

Nagulat naman ang dalaga na tila wala sa sarili sa narinig na tanong..

"Po ..di po...ano po" gatol gatol ang sagot ng dalaga..

"Pogi yung pamangkin nyo Tita,, madaming chix" sagot ni Tanya na kinatawa nila..

Natahimik lang si Aira pero maya maya ay nakitawa na din ito..

"Tita"Sabi ni Aira sa gitna ng tawanan nila..

"Oh?" nakangiti pa ang Tita ni Kaloy na humarap kay Aira..

Napayuko ang dalaga.

"Ano.. kasi.... may anak po kami, 4 months pa lang po" sabi ni Aira..

Kitang kita naman ang gulat sa mukha ng Tita ni Kaloy..

"Ano... inaalagaan po syang mabuti ni

Mama..di po sya pababayaan nun" ika ng dalaga ng makita ang reaksyon sa mukha ng Tita ni Kaloy.

Natahimik sila..

Walang nakapagsalita..

"Saka ang balak ko lang po talaga mag pakita kay Kaloy ngayong anniversary namin.. mahaba at magulong kwento Tita.. di ko po inexpect na ganito ending" ngumiti si Aira pero halata sa boses nitong ang lungkot

..

Natahimik sila muli..

"Alam mo ba ..sabi ni Kaloy sakin bago kami umalis ng San Martin.. Lola na daw ako. ." natawa ang Tita ni Kaloy..

"Pinag tawanan ko nga sya nung una..tapos tinanong ko kung sino asawa nya..hintayin ko daw..babalik daw..may inaasikaso lang daw

.."Dagdag pa nito.

"Tapos sabi nya.. kelangan daw nya magsikap kasi nga ayaw nyang matulad sa kanya yung anak nya" natawa ang Tita ni Kaloy..

"Tapos nung tinanong ko kung ilang taon na anak nya di pa daw sya sigurado kung nabuo" napatawa din si Aira..

"Anong balak mo pagkatapos nito" tanong ng Tita ni Kaloy sa dalaga..

"Di ko po alam.. uuwi na siguro ako sa

Amerika.. dun na lang po ako mag eemowt" natawa ang dalaga..

"Kailangan din kasi ako ng anak ko.. pero susubukan ko pong umuwi para bisitahin sya" dagdag ng dalaga.

Napatawa ang Tita ni Kaloy...

"Kakatuwa naman love story nyo.." sabi nito

..

Nakitawa na din si Reggie at Tanya..

"Tita.. yung sumaksak pala..anong plano natin dun" tanong ni Kris sa gitna ng pag uusap nila.

"Sinong sumaksak" seryosong tanong ng Tita ni Kaloy.

"Sila Ron daw po"Sagot ni Sam.

"Daaw...daw..di pa tayo sure" singit ng bakla.

"Pinag tatanggol mo na naman sya" ika ni

Kris na akmang tatayo para sunggaban ang bakla pero pinigilan ito ni Sam.

"Oh oh...wag kayong ganyan..nasa harap nyo ako" sabi ng Tita ni Kaloy..

Natigil naman sila..

"Ano bang meron"Tanong nito.

"Sya po may kasalanan ng lahat" gigil na sagot ni Kris sabay turo sa bakla..

"Sya po ang nagplano ..sya po ang traidor.. sya po ang may kasalanan kung bakit tayo nandito at si Kaloy ay nandun" nagngitngit sa galit si Kris..

Tiningnan lang ng Tita ni Kaloy si Reggie..

"Tita ..i can explain..kasi ..ano ..ano" di malaman ng isasagot ng bakla..

Napasinghap si Tanya..

Nakinig lang si Aira.

"Ikaw ba ang sumaksak kay Kaloy" tanong ng Tita ni Kaloy kay Reggie.. napatigil ang lahat sa narinig..

"Po.. hindi Tita.. hindi ko kayang gawin yun kahit kanino lalo na kay Kaloy" sagot ng bakla..

"Then conversation end.. alam ko kung buhay si Kaloy mapapatawad ka din agad nun..walang perpekto.. lalo na pag kaibigan ang usapan"Sabi ng Tita ni Kaloy.

"May aahasin ka" dagdag nito na nagpalunok sa bakla.

"May titirahin ka sa likod" napangiti si Tanya sa pagkaintindi sa narinig ..guilty sya.. in a sixual way nga lang..

"Pero that's what makes friendship like this last for decades..dahil sa differences nyo..nagkakaron kayo ng reason para mag adjust at yung ang nag titrigger ng kagustuhan na mas magkaron pa kayo ng kagustuhan na makasama pa ang isat isa for a year or more" ngumiti ang Tita ni Kaloy..

Napatulala ang lahat sa narinig..

"Kaloy na Kaloy ah" tanging nasabi ni Tanya..

Nagtawanan lahat..

"Sasama ako Tita sa nyo" biglang singit ni Aira ..

"Huh?" gulat naman ang Tita ni Kaloy sa narinig.

"Ayaw ko pong palampasin yung huling time namin" sabi ng dalaga..

"Batang to talaga.. ikaw bahala.. "Tanging nasabi ng Tita ni Kaloy..

Nangilid ang luha sa mata nito..

Maya maya'y umangat na ito sa kwentuhan..

"Tutulungan ko muna mga maid.. Aira matulog ka ..tingnan mo mata mo oh" sabi nito sabay punas ng luha at umalis sa grupo.

Ala sais ng hapon.

Napuno na naman ng kalungkutan ang bahay ng magdatingan ang ilang kaeskwela, kaibigan, sila Ella sa bahay ni Tanya..

"Tita. nanjan na po yung sasakyan..ingat po kayo" pinipilit ngumiti ni Tanya..

Tumingin ito kay Aira..

"Sis" niyakap nya ang kaibigan..

"Teks mo ko pag kelangan mong kausap.. be strong ..wag ka na umiyak... im sure binabantayan ka ni Kaloy ngayon" sabi nito..

Tiningnan lang sya ni Aira.

"Ako nga ba?" natatawang tanong nito sabay tingin sa umiiyak din na si Ella na inaalo nila Jen.

"Sis.. tahan na ..buong araw ka na umiyak..wala namang may gusto nito e" sabi ni Jen kay Ella.

Hindi sumagot si Ella.. pinunas nito ang luha..

"Sya ba yung Aira?" tanong ni Jen sa kaibigan.

Tumango lang si Ella..

"Sasama ata sya Sis.." sabi pa nito.

Hindi sumagot si Ella.

"Oo sya naman mas may karapatan,ano lang ba ako? kabit.. fast time nung wala ang original.."Marahas na sagot ni Ella.

"Wala kang gagawin" ika ni Jonas sa gitna ng pag uusap nila.. Malungkot din ang binata..

Nagulat naman si Ella sa narining.

"May pasok pa ako bukas.."Tanging sagot ni Ella.

Napakunot ng noo si Jen at Jonas.

"Akala ko ba mahal mo?" tanong ng kapatid ni Ella.

Napailing ito.

"Minsan hindi sapat na mahal mo lang para ipaglaban mo..kailangan ..mahal ka din" sabi ni Ella.

"Kung selfish ka oo.. kung mahal mo talaga

..lalaban ka kahit masaktan ka..lumaban sya di ba??how come na susukuan mo sya?"Tanong ni Jonas.

"Wag mo na ako ipressure please.. hirap na hirap na ako..gusto ko ng magpahinga sa sakit" tanging nasabi ni Ella.

Napailing ulit si Jonas..

"There'll be no other Kaloy na makakabangga mo ulit sa Campus.. o kahit saan....trust me" makahulugang sagot ni Jonas at iniwan na sila..

"Sis." niyakap ni Mutya si Aira..

"Kelan ka uuwi.." tanong nito..

"Pagkalibing syempre..gusto mo sumama ako kay Kaloy?" biro nito..

"Gagawin mo?" panunubok ni Mutya,

"Payag ba si Tita" malanding tawa ni Aira.

"Hoy... mamaya sisihin pa ko ng magulang mo ..batang to talaga"Sagot ng Tita ni Kaloy at nagtawanan sila..

Maya maya'y tiningnan nito si Ella na agad namang kinabahan ng malamang tiningnan sya ng Tita ni Kaloy..

Umiwas ng tingin ang dalaga.

"Tara" sabi ng Tita ni Kaloy at nag umpisa ng lumakas ang hagulhulan ng isara ang sasakyan laman ang katawan ng binata.

"Bat di ka sumama" tanong ni Tanya kay Ella ng maiwan ito para mag impis ng kalat..

Di sumagot ang dalaga..

"Grabe.. sa huling sandali sinukuan mo si Kaloy" ika ng bakla. tiningnan sya ng masama ni Ella..

"Kung makapag salita ka parang wala kang ginawa para may sumuko ah" makahulugang sagot ni Ella..

"Oh ..oh.. tama na yan.. tapos na yan..nangyari na..wala na ding mangyayari kung babalik balikan pa natin yan" sabi ni Tanya...

"Tinatanong lang kita kung bat di ka sumama" ika nito kay Ella..

"Hindi naman naimbitahan para sumama..si Aira..malakas ata sya sa pamilya ni Kaloy."Sagot ni Ella.

"Wala namang gustong isama si Tita ah..nagpumilit lang si Aira.. kung nag pumilit ka din e di sana nakasama ka" sagot ng bakla..

"Tapos ano?? pag tinanong kung ano ako ni Kaloy? sasabihin ko kaibigan? habang lahat naaawa kay Aira kasi asawa sya at sya talaga ang nawalan.." sagot ni Ella na nangilid ang luha..

"Past na si Aira...present ako..pero ang nang yayari parang sya pa ang may karapatan kay Kaloy ah, ni hindi ako makalapit sa kanya kanina" hikbi ni Ella.. natahimik ang dalawa..

Suminghap si Tanya.

"Wala namang napigil sayo na lapitang si Kaloy...saka its not about sino ang may karapatan sa kanya... its about who will be with him till the end.. simple lang di ba? kakayanin mong tiisin lahat ng sakit kung talagang gusto mong makasama sya..wala kang magagawa ..misteryoso si Kaloy.. kung pwede nga lang sasama din ako e..kaya lang may mga kailangan pa ako asikasuhin dito" sagot ni Tanya.

Umiyak si Ella sa narining.

"Kaibigan nyo kasi si Aira kaya ganyan kayo sa kanya" ika nito..

"Huh?" gulat ang bakla..

"Sa tingin mo ba matutuwa si Kaloy kung gawin namin to sayo? hindi di ba? wala kaming kinakampihan..pareho namin kayo kaibigan..."Sagot ng bakla.

"Hindi kita kaibigan. may pasok pa ako bukas..sige na" sabi ni Ella at iniwan na ang dalawa..

Nagtinginan si Tanya at Reggie.. sabay umiling.

Inilibing si Kaloy 3 araw matapos iburol sa bahay nila sa probinsya..

Masaya naman ang pakikitungo ni Aira sa mga relatives ng binata..

Sobrang inaalagaan nila ang dalaga lalo ng makitang sobrang ganda nito..

"Mumultuhin tayo ni Kaloy kapag dinapuan yan ng langaw" biro ng Tita ni Kaloy minsan..

Bumuhos ang emosyon ng araw ng libing ..

Si Aira ay hindi na nakuhang umiyak sa di malamang dahilan..

Naubos na siguro ang luha nya.

Nagpaiwan pa nga sila ng Tita ni Kaloy sa pinaglibingan ng binata..

Kinausap nya ito..

Kinwentuhan..

"Hindi sumama yung karibal mo" tanong bigla ng Tita ni Kaloy sa dalaga..

"Ah di ko po alam sa kanya" sagot ng dalaga.

"Naaaks. .kaya naman botong boto ako sayo e.. mas maganda ka dun at mas mabait" sagot ng Tita ni Kaloy..

"Baka sinasabi nyo lang yan Tita kasi" natawa ang dalaga..

"Ano dahil kasama kita?? oo naman" birong sagot ng Tita ni Kaloy at nagtawanan sila..

Maya maya'y natahimik sila.

"Sya po ang present Tita ..ako ang Past" sagot ng dalaga..

Napasinghap ang Tita ni Kaloy sa narinig.

Ngumiti ito at niyakap ang dalaga..

"Aira.. sa pag ibig..walang past ..walang present.. walang future.. kapag puso na ang nakalaban mo ..kahit gaano pa kalayo ang agwat nyo..kung 50's ka pa at 2016 sya..gagawa at gagawa ng paraan yan para maging kayo..." sabi nito.

"Hindi madali..at hindi ko sinasabing hindi masakit..wala namang masakit sa pag ibig..katambal na ng love ang pain.." sabi pa nito.. ngumiti lang si Aira..

Pakiramdam nya ay si Kaloy ang kayakap nya ngayon...Kaloy na Kaloy ang dating ng Tita nya..

"So pano? talagang uuwi ka na bukas?" tanong ng Tita ni Kaloy..

"Oo Tita..kelangan e" sagot ng dalaga.

"Sus.. baka di ka lang nasasarapan sa luto ko" ika ng Tita ni Kaloy..

"Ano ba Tita. ang sarap sarap nyo mag luto noh" sagot ng dalaga..

"Sus baka sinasabi mo lang yan kasi" natawa din ang Tita ni Kaloy..

"Kasi kasama kita at pamangkin nyo si Kaloy.. oo naman" biro din ng dalaga at kapwa sila tumawa..

"Hoy Kaloy...bumangon ka dyan..nakaka enjoy talaga kasama tong misis mo" ika ng Tita nya na nilingon pa ang pinaglibingan ni Kaloy.

"Hayaan mo sya Tita..kung ayaw nyang bumangon..pwedeng pwede pa naman ng sundan si Baby Carl" biro ng dalaga..Agad naman syang tinapik ng mahina ng Tita ni Kaloy..

"Ang landi landi mo...baka mamaya bumangon yan at reypin ka" sabi nito..

"Papakasal na din kami Tita kapag nangyari yun" sagot ng dalaga.. Tumawa na lang ang Tita ni Kaloy.

Natahimik sila..

"Seryoso Aira..anong plano mo?" tanong bigla ng Tita ni Kaloy..

Napaisip ang dalaga..

Maya maya'y ngumiti ito...

"Mag madre na lang siguro? or maghintay ng kamukha ni Kaloy na kasing ugali nya at Kaloy din ang pangalan" biro nito.

"Hoy...grabe yan ha..ang imposible nyan" sabi ng Tita ni Kaloy..

Ngumiti si Aira...

"Ganun ko sya ka imposibleng makalimutan Tita" sagot ng dalaga.

Ngumiti na lang ang Tita ni Kaloy..

Ilang sandali pa ay iniwan na nila ang bulaklak sa puntod ng binata..

Ngumiti si Aira..

Alam nyang bukas ay bagong kabanata na ng buhay nya ang haharapin nya...

Kailangan nyang maging matatag..

Para sa kanya.. Para sa sarili..

Para sa anak nya ...

Hindi .. Anak nila ng binatang pinakamamahal nya..

Minsan sa may kalayaan tayo'y nagkatagpuan,

May mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay,

Minsan... madilim ang gabi.. na tanging liwanag ng buwan lang ang nag bibigay ilaw sa isang grupo ng magkakaibigan na tahimik na tinititigan ang buwan na tila ito ang pinakamagandang buwan na nakita nila sa buong buhay..Wala namang bago.. Walang okasyon ..Maliban sa isang pangyayari isang buwan na ang nakaraan na gumulat sa lahat ng isipan ng bawat isa..

Wala ng malungkot.. May ngiti na ang mga labi nila..

Wala silang dapat ikalungkot.. Ayaw ng binata na malungkot sila.

Maraming naituro si Kaloy sa barkada..

Marami itong nagawa sa barkada.. Sa away..sa problema . sa lovelife ..sa emote.. sa mga malalandi at malalaswang sandali.. sa oras ng kagipitan.. sa suntukan.. at lalo na sa oras ng kasiyahan.. sa ilalim ng iisang bubong, mga sekretong ibinubulong, kahit na anong mangyari, kahit na saan ka man patungo

Hindi man tiyak ang bawat isa sa kung ano ang haharapin nila sa mga susunod na araw dahil seryoso, lahat sila ay nangangapa pa lang sa panibagong hamon na iniwan sa kanila ng binata..

Naging mas matatag ang tropa ngayon.. Ang tropa na pansamantalang pinag hiwalay ng kani kanilang sariling kapakanan at kagustuhan ay pinagbuklod ng pagkawala ng isa sa pinakamahalagang sangkap sa barkada..

Nakayapos si Ella kay Aira na tila Ate nya ito..

Bukas... luluwas na si Aira pabalik ng

Amerika.. Mag uumpisa ng panibagong buhay kasama ang anak nya at mga magulang..

"Nahihiya pa din ako sayo" sabi ni Ella sa dalaga habang tinititigan ito..

"Hmmmm... ano na naman yan?" tanong ni Aira..

"Eh ano kasi.. ang iksi na nga nung oras na nagkasama kayo ni Kaloy..tapos inagaw ko pa sya sayo" sabi ni Ella.. napatawa na lang si Aira..

"Wala kang inagawa noh..kusa yon ...pag mahal ka ng isang tao... lahat nang yayari ng di mo inaasahan" ngumiti si Aira.. ngumiti na lang din si Ella sa narinig ..

Bakit pa din ba nya iisipin? e wala na din naman ang binata..

Baka katulad ni Aira.. kailangan na din nyang mag simula ng panibagong buhay.. ilang buwan na lang at Graduation na..

"Sis sure ka aalis ka na talaga?" tanong ni Tanya habang nakapuluput ang mga braso sa nobyo..

"Oo Sis..nakagayak na nga ako" sagot in Aira..

"Ayaw mo magpasko samin" tanong ni

Mutya..

"Sis.. napaka walang kwentang Nanay ko na.. baka pag uwi ko di na ko kilala ng anak ko"Ika ng dalaga..

Nagtilian sila sa narinig ..

"Meron na nga pala tayong Mama sa barkada" ika ni Kris..

"Hoy..kinakalimutan nyo ako" singit ni Brando at ipinresenta ang sarili..

"Isama mo muna Misis mo para ma meet ng barkada" sigaw ni Dan at nagtawanan lahat..

"Susu- susubukan ko" sagot ni Brando..

"Sino kaya susunod na magkaka Baby" sigaw ni Sam.

"Kung hindi kayo titigil sa pag aano nyo..malamang si Angel" kantyaw ng bakla at nag tawanan muli sila...

"Ehem..may mga inosente po dito ..paki censored ho pag uusap" sigaw ni Jonas habang tinatakpan ang tainga ni Leslie..

"Sus.. if i know.. sa likod pa kayo dumadaan pag matutulog si Leslie sa bahay para walang makakita" ika ni Ella sa kapatid..

"Ohhhhhwwwww" kantyawan ng lahat sa narinig ..

"Lagot ka kay Ate" sigaw ni Kris..

"Ang tanong dyan..sinong unang mag papakasal" ika ni Tanya.

Natahimik lahat..

"Uwi na tayo.. iba na usapan" sagot ni Clay

.tumawa sila at mahinang kinurot ni Tanya ang nobyo sa tagiliran..

"Ayaw mo pa pala ha..bahala ka." kunwari nag tampo si Tanya..

Nagtawanan sila..

Tumungga ng naka incan na beer si Kris..

"Pano tayo next reunion?" tanong nya.

Walang sumagot..

Kapwa naalala ang mga nangyari...

"Siguro after 10 years na lang ulit" sagot ng bakla.

"Grabe naman, wala na tayong landi sa katawan nun para mag reunion" sagot ni Tanya.

"Kayo lang ..kami meron pa" singit ni Jonas..

"Tatanda ka din tol" ika naman ni Sam sa binata at nagtawanan sila

Katahimikan..

Lahat ay nag iisip ng sasabihin ..Tila ayaw patagalin ang dead air na dumadaan..

"Kelan ka na ulit babalik dito Sis" tanong ni

Jema kay Aira.

"Ah .. babalik balik din ako Sis..kita kita tayo kada uwi ko." sagot ng dalaga..

"Mag uwi ka ng Kano Sis..yung pogi at hindi katulad ni William" ika ng bakla..

"Ay malanding to.. wag ganun.. nagseselos si Kaloy" sabi ni Tanya..

"At nag seselos naman si Ate nyan" sigaw ni

Jonas para gumanti sa Ate nya.

Namutla si Ella..

Natahimik ulit sila.. ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon, sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan, at kung sakaling gipitin ay laging iisipin, na minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan

"Anong plano mo pag kagraduate?" tanong ni Aira kay Ella..

"Mag tatrabaho..di muna siguro ako magboboypren" sagot ng dalaga..

Napasimangot si Aira sa narinig..

"Bakit naman..." tanong nito..

"Di ko alam... di pa ko ready siguro... "Sagot ni Ella.

"Di naman pinaghahandaan ang Love ah..kusang darating yan sa oras na di mo inaasahan.. pag may dumating na opportunity, igrab mo .." sabi ni Aira..

Napangiti si Ella. kung buhay si Kaloy at sinabi ni Aira ito sa kanya, iisipin nya na gusto lang solohin ng dalaga si Kaloy.. Pero wala syang nakikitang reason para gawin maging ganon nga ang ibig sabihin ni Aira..

"Eh ikaw ba?" tanong ni Ella.

"Pag may dumating ..bakit hinde? pero for now.. si Baby Carl muna uunahin ko" sagot ni Aira.

"Sama mo naman sya Sis pag umuwi ka dito minsan" ika ni Reggie..

"Oo nga Sis.." kantyaw ni Aira..

"Sana mag mana kay Kaloy yun" ika ni Sam..

"Aba e angalan sayo mag mana... syempre sa Papa.." sabi ni Clay..

"Wow.. may Kaloy part 2 na pala" tumawa pa si Kris na tumayo.. minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin, inuman sa magdamag na para bang tayo'y mauubusan, sa ilalim ng bilog na buwan, mga tiyan nati'y walang laman, ngunit kahit na walang pera, ang bawat gabi'y anong saya

Katahimikan .. maya maya'y dumalaw na naman ang lungkot ..

Isang buwan na pero miss na miss pa din nila ang kaibigan..

"Set tayo ng date ..dalawin natin si Kaloy" ika ni Tanya ng nagpunas ng luha..

"Sige...pag may free tayong lahat" ika ng bakla.

Natahimik sila.

"Nagkaron na tayo ng chance na magkaroon ng kaibigan na katulad nya pero pinalampas natin... Hindi na magkakaroon ng panibagong Kaloy.." seryoso si Dan..

Napayuko si Aira..

Ramdam nya ang lungkot...

Bakit laging napuputol ang pag iibigan nila ng binata.. Hindi ba talaga sila nakatadhana..

Nag umpisa na naman syang magdrama at napansin ito ni Ella..

"Sis.. Naiyak ka na naman" tanong nito..

"Pag umiyak ka , mag kakaroon ako ng chance para magkaron ng time kay Kaloy.. kasi mag aaway kayo" sabi ni Ella na mistulang buhay lang ang binata.. napangiti si Aira sa narinig... alam nyang pinapangiti lang sya ni Ella,

"Oo na..tama na drama..wala namang may gusto nito e ..saka nasan man sya ngayon...alam kong masaya sya ..at syempre

..binabantayan nya pa din tayo" sabi ni Aira sa mga kaibigan..

Tumango ang lahat at nagpinta ng ngiti sa mukha..

"Para kay Kaloy" tinaas ni Kris ang in can na beer.

Nagtaas ng kanikanyang inumin ang lahat..

"Para sa nagiisang Kaloy" sigaw nila.

Napangiti si Aira..

"Alam ko..nasan ka man..100% sure pa din ako na ako padin ang laman ng puso mo..kahit maraming magagandang chix na anghel dyan sa langit" bulong ng dalaga sa sarili... minsan ay hindi ko na alam ang nangyayari, kahit na anong gawin, lahat ng bagay ay merong hangganan, dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon, di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan, ngunit kung sakaling mapadaan baka ikaw ay aking tawagan, dahil minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan

"Ganyanan na ba??" nagulat ang lahat sa narinig na boses ng binata..

"Kayo kayo na lang?" ika pa nito..

Napangiti ang lahat sa nakita. . Nagpunas ng kani kanilang luha at masayang sinalubong ang binata..

Namiss nila ito.. Namiss nila ito ng sobra...

-0-

1 week later..

"Glrrkkkk" mapula ang mukha ni Tanya ng lumabas galing sa banyo at salubungin ng nag aalalang bakla..

"Ano? ilang umaga na yan ah.. bumili ka na kaya ng PT..or mag patingin ka na" sabi nito sa dalaga..

Di sumagot ang dalaga..

"Nahihilo ako" ika nito..

"Morning sickness....symptoms ng pag bubuntis" pinandilatan ni Reggie ang dalaga..

Kinabhan si Tanya..

Pinunas ang bibig..

"Di pwede bakla" sagot nito..

Nataranta din ang bakla na nagdabog pa..

"Anong di pwede ...bibili ako ng PT kung ayaw mo mag patingin" sabi nito..

"Papatayin ako nila Daddy nito" iyak ng dalaga..

Napatawa ang bakla..

"Landi landi mo kasi...ayan ...hoy wag kang exagge.. di ka papatayin nun noh..di ka na bata para umasta..may trabaho ka na at nasa edad ka na din ng pag bubuntis" sabi ng bakla..

Tahimik lang si Tanya..

"Alam na ba ni Clay" tanong ng bakla sa dalaga..

Hindi sumagot si Tanya..

Napayuko ito.

"Alam na ba ni Clay..huy alam na ba nung magiging Papa nyan" tanong ulit ng bakla.

"Baka mapigilan mo pa yun sa pag iiba ng destino ng trabaho kung sasabihin mo na buntis ka at magkakababy na kayo" sabi ng bakla..

Hindi pa din sumagot si Tanya..

Maya maya'y inangat nito ang nakasimangot na mukha at naka pout na lips.

"Hindi sya ang ama." sabi ng dalaga..

Nanlaki ang mata ni Reggie sa narinig..

"Panong hindi sya ang ama?"Tanong ng bakla na pinapakalma ang sarili.

"Dyos ko..hihimtayin ako sayo" ika nito na nag papaypay ng kamay sa sarili..

"Di ko alam pero never syang nag cum sa loob ko... its either may condom sya or he pulled out or i swallow" ika ng dalaga.

"Tama.. tama.. hindi ka mabubuntis kapag nilunok mo...angalang didiretso mula sa tyan mo yung tamod nya at pupunta sa obaryo mo..putang ina naman Tanya.. anong pinag sasasabi mo" ika ng bakla,,

Natahimik si Tanya..

"Huyy" ika ng bakla..

"Iba ang Papa" nakamungot si Tanya...

"My God. .my Goodddd.. why are you doing this to me malandi kang babae..sino?? sino?" tanong ng bakla..

Di sumagot si Tanya..

Tiningnan lang nya ng nagmamakaawang tingin ang bakla tapos unti unting ngumiti..

Napailing si Reggie..

"No... no Tanya... hindi totoo.. putang ina mong malandi ka" natatawa ang bakla habang hinahampas ang kaibigan..

"Hindi ka talaga marunong papigil..ang landi landi mo" sabi pa nito..

"Sya lang ang tanging nag cum sa loob ko.."Nakangiti pa si Tanya.

Napasinghap si Reggie..

Wala na syang magagawa..

"Anong plano mo?" tanong nya kay Tanya..

"Syempre ... si Clay ang Papa nito..gusto mo na naman ata magkaproblema sa barkada" sabi ng dalaga..

"Oo...dapat lang noh..patay na yung tao tas idadamay mo na naman sa problema" sagot ng bakla..

Katahimikan..

Mamaya'y ngumiti si Tanya.

"Magkakababy ako ni Kaloy " ngisi nya sa bakla..

Nairita sa narinig si Reggie..

"Jan ka na malandi ka...bahala ka sa buhay mo" ika nito.

"Reg.. uy,. biro lang ...tulungan mo ko dito" ika ng dalaga habang hinabol ang bakla.

WAKAS