1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 2 - Part 2
Pinoy Tambay

Barkada: Book 2 - Part 2

10 minutes

"Aira" binasa ni Marlon ang nakitang tattoo sa daliri ni Kaloy.

"Sino si Aira" tanong nito kay Kaloy..

Kasalukuyang nasa mesa ng binata ang 8 estudyante na pilit kinakausap sya.. Tahimik lang si Kaloy..

"Ang slow mo talaga Marlon.. syempre girlfriend nya.. nakita mo nakatattoo sa kanya..para hindi nya makalimutan" sabi ni Bryan..

"Excure me..its Mara" landi ng bakla.

"And malay ko ba kung break na sila nyan noh" dagdag pa nito..

Di pa din sumasagot si Kaloy... Although nakakaramdam sya ngayon ng konting kaba dahil nasa tabi nya ngayon si Leslie.

"Tol..salamat kanina" singit ni Jonas sa usapan.

"Ay oo nga pala.. Salamat tol..kung wala ka baka nabugbog na kami ng mga yun" sabi ni

Kian.

"Wala kasing mabubugbog kung walang magpapabugbog.. E kahit ako, kapag alam kong takot sakin, aaraw arawin ko yun"Sa wakas nagsalita na ang binata..

Napangiti lang si Leslie habang nakatingin sa kanya..

"24 ka na talaga?" tanong ni Bonny kay Kaloy..

"Oo eh..matanda na" sagot ng binata.

"Uyy hindi ah..para ka nga lang namin kasing edad" sabi ng isang dalaga..

Napatingin sa kanya si Kaloy at napasimangot.

"Ah Dennise.. Den na lang" pagpapakilala nito..

"Roan" sabi naman ng isa at ngumiti kay Kaloy..

Nagkibit balikat lang ang binata.. Wala syang panahon para makipag kilala sa kanila..

Hindi ito ang ipinunta nya dito sa eskwelahan..

Napansin naman ni Leslie ang pagkatahimik ni Kaloy kaya nag salita na din ang dalaga..

"Bat tahimik"Tanong nito..

Nilingon sya ni Kaloy.. Maganda pala ang dalaga kapag malapitan.

"Wala.. Di lang talaga ako mahilig makipag usap" sagot ng binata.

"Ang sungit naman neto" sabi ng bakla.

"Hindi ako pumunta dito para makipag kaibigan... or maghanap ng kaibigan.."Seryosong sabi ni Kaloy.

Natahimik ang lahat..

"Tol.. kelangan mo ng kaibigan kapag mag aaral ka" sabi ni Bryan..

"Oo tol.. wala kang kokopyahan ng exam.. wala kang makakasama gumala.. wala kang makakakulitan sa room" sabi ni Kian.

"At wala kang magiging chix" dagdag din ni

Jonas..

"College na tayo ..di na tayo hayskul"Sagot ni Kaloy..

Natahimik ulit sila..

"Bat ang seryoso mo ba" inis na tanong ni

Leslie.. Napikon na din ang dalaga sa pagka suplado ng binata.

Di sumagot si Kaloy..

Inabot ni Kaloy ang kamay nya sa dalaga at pinakita ang pangalan ni Aira..

Nanlaki ang mata ng dalawang baklaaa..

"Syeeeet ... ang sweet" tili nilang dalawa..

"Bakit ano yun?" excited na tanong ni Den dahil di nya naintindihan ang kinatili ng dalawa.

"Ewan ..di din namin alam"Sagot ng dalawang bakla at nagtawanan sila.

Napatawa din si Kaloy kahit ayaw nya...

"Nasa ibang bansa sya. ..wala naman talaga ako balak mag aral.. e di ko sya makakasama kapag di ako nagtapos"Sabi nito..

Ngumiti lang si Bryan..

"Oh naman pala.. sa ayaw mo't sa gusto magkakaroon ka ng kaibigan dito sa school..."Sabi nito sa binata.

"Oo, at andito ang Team Beauty kapag kelangan mo ng kaibigan" sabi ni Marlon..

Ngumiti lang si Kaloy..

"Salamat" sabi nito..

Maya Maya'y bumalik na sila sa classroom..

Boring ang unang araw sa school..

Namimis tuloy ng binata na gumala kasama sila Reggie ..sila Tanya.. Kris..Sam.. Mutya at si.. Napatigil sya... mukhang hindi talaga maalis sa isip nya si Aira.

Napasinghap si Kaloy.. unti unti nyang nakita na nagsisi alisan na ang mga kaeskwela nya.. Uwian na pala.. ni hindi nya namalayan ang oras.. Tumayo na din ang binata.. Nag ayos ng sarili at mag isang lumabas ng room nila.

Mag isang palabas ng school si Kaloy ng tawagin sya ni Bryan at Kian..

"Tol.." sigaw ng dalawa..

"Oh ano?" tanong nito sa dalawa..

"Sikat ka na agad ah" sabi ni Kian

Napakunot ng noo ang binata..

"Oo.. pinabagsak mo daw kasi si Ben"Sabi ni Bryan..

"E anong mapapala ko kung sikat ako?" tanong ni Kaloy...

"Actually wala tol.. baka kasi abangan ka nun sila..marami yun sila dito sa school, "Sabi ni

Kian..

"Oh eh bakit nyo pa ako kinakausap..mamaya madamay pa kayo kung hinahanap nila ako" ika ni Kaloy..

"Eh kaibigan ka namin" sagot ni Bryan..

Tiningnan lang sila ni Kaloy..

"Saka sabi ni Leslie" singit ni Kian at nagkantyawan pa ang dalawa..

Napailing si Kaloy..

"May girlfriend ako" sagot nya at nauna ng naglakad sa dalawa..

"Oo nga ..meron nga ..pero malay mo.."Sigaw ni Bryan..

Humarap si Kaloy sa dalawa..

"Hindi ako easy to get" biro nya na nagpasilay ng ngiti nya..

Tumawa lang ang dalawa..

Ganun na lang ang gulat ni Kaloy ng pagharap nya ay may dalaga na sa harap nya.. Pilit iniwas ni Kaloy ang katawan nya pero huli na dahil tinamaan na sya ng dalaga.

Bumagsak ang dalawa ngunit mabilis na hinawakan ni Kaloy ang katawan ng dalaga at iniibabaw sa katawan nya para hindi ito masaktan sa pag bagsak.

Napapikit si Kaloy sa sakit na naramdaman sa katawan gawa ng pag bagsak nya...

Nainis sya at minulat ang mata para makita kung sino ang dalaga ..

"Puta di ka ba nati-" naputol ang pagsasalita ng binata ng makitang halos isang dangkal lang ang layo ng mukha nila..

Nagtama ang mata nila.. "Maganda si Aira..maganda si Aira" paulit ulit na sabi ng isip nya pero hindi..

Heto sa harap nya ang pinaka magadang babae na nakita nya sa buong buhay nya..

Mahaba ang itim na buhok... Morena..

Simple. Makipot ang maliit na labi.. Cute ang ilong ..magaganda ang mata.. Ayaw nyang maniwala na mayroong perpekto pero kung may depinisyon ang "Perpekto"? ang dalagang nakapatong ngayon sa katawan nya ang saktong depinisyon nito, ang mag bibigay ng proof na ang eexist ang salitang perfect..

Agad tumayo ang dalaga sa pagka patong sa binata..

Naging sentro pa sila ng atensyon ng lahat dahil nasa Covered Court sila nun palabas ng school..

"Di ka ba natingin sa nilalakaran mo" inunahan ng dalaga si Kaloy na manumbat..

Agad naman lumapit ang dalawang kasamang babae nito..

"Sis ..halika na" awat nila sa dalaga.

"Sis.. teka .. punong puno na kasi ako sa mga katulad nito e ..mga dumadamoves

..kitang kita nyo naman e.may payakap pa sa kin" irap ng dalaga kay Kaloy..

Napakunot ng noo si Kaloy..

"Grabe naman Ate..ginawa ko yun for safety purpose"Sabi ng binata..

Napangiti ang dalawang kasama ng dalaga.... Nakyutan sa binatang kausap ng kaibigan nila..

"Safety purpose iba yung hawak mo sa bewang ko kanina" irap muli ng dalaga.

"Sis..tama na ..ikaw tong nagteteks habang naglalakad e" sabi ni Jen..

Tiningnan ng dalaga si Kaloy at agad namutla ang mukha nya ng nakitang nakatitig ito sa kanya at nakangiti ng tila nakalolokong ngiti.

Nataranta ang dalaga..

"Teks .-hin-hinde noh... nag ..sya. .sya ang bumangga sakin" sabi nito..

"Kuya sorry talaga ..ito kasing kaibigan namin...may pagka maldita talaga" sabi ni Jen kay Kaloy..

"Ok lang Ate...masyado lang sigurong feeling ng kaibigan nyo na babastusin ko sya.. di naman sya kagandahan" hininaan ni Kaloy ang huling salitang binitawan..

Nagtawanan ang kaibigan ng dalaga at si Kaloy.

"Narinig ko sinabi mo... bastos" sabi ng dalaga kay Kaloy at malakas na sinampal ang binata..

"Owww" napahiyaw lahat ng nakakita.. napatawa na lang si Kaloy at minasdan ang dalagang sumampal sa kanya...

"Tol.... grabe ..iba ka talaga" sabi ni Bryan habang palapit sa binata.

"Ano na naman" tanong ni Kaloy habang hinihimas ang pisngi na sinampal ng dalaga.

"Si Ella yun e ..lahat halos ng lalaki dito pinapangarap yun" sabi ni Kian.

"Ah ..oo ..halata nga " sagot ng binata..

Napatahimik ang dalawa.

"Ganda noh?" tanong ni Bryan..

"Mas maganda girlfriend ko dun" sagot ni Kaloy,,

"E mas seksi din ba sa girlfriend mo yun" tanong ni Kian..

Tinanaw ni Kaloy ang dalaga mula sa malayo.. Napailing sya..

"Sakto lang ...ganun din naman katawan ng girlfriend ko" sagot nito..

"Wow..iba ka talaga..." sabi muli ni Bryan..

"First day of school napabagsak mo agad isa sa mayabang ng school tas nakausap mo agad ang pinakamaganda sa campus.. at freshman ka pa lang ha...grabe tol..." ika ni

Kian sa binata.

"Ewan ko sa nyo,,bahala kayo dyan.. uuwi na ako" pagpapaalam ni Kaloy sa dalawa at lumakad na palayo dito...

Sa daan ay malungkot na naman na naglakad si Kaloy.. Nakakita sya ng ilang magkasintahan na magkasama.. Nainggit ang binata..

Maya maya'y napalingon sya sa kanan nya at nabasa ang karatula..

"Computer shop" naalala nya si Aira.. Wala sa isip nya, pinasok ni Kaloy ang Computer

Shop na malapit sa school nila.

Maingay ang shop na napasukan nya.... May ilang naglalaro ..may ilang nag iinternet..

Nagdalawang isip pa si Kaloy dahil unang beses nyang gagamit ng computer..

Lumapit sya sa bantay ng shop...

"Kuya makikigamit po" sabi ng binata..

"Open time?" tanong nito..

Nagisip si Kaloy.. di nya naintindihan ang ibig sabihin ng Lalaki..

"Opo" walang ano'y sagot nya.

"Hanap ka ng pwesto tapos buksan mo..then ok na yun" sabi ng lalaki.

Agad naghanap si Kaloy ng pwesto..may namataan syang pwesto kung saan walang katao tao, yun ang saktong spot para walang makaalam na bago sya sa pag gamit nito.

Mahirap na ..baka pag tawanan lang sya ng makakita sa kanya..Gusto lang naman sana nyang makita si Aira sa mga litrato nito..

Napalunok ang binata ng kaharap na nya ang

Computer.. Nakapatay pa ito..

Di nya alam ang gagawin.. Mabuti't may naligaw na bata sa likod nya.. akala kasi ng bata e mag dodota din sya..

"Hoy bata..buksan mo nga" kunwaring utos ng binata.. Hinaluan pa nya ng pananakot ang boses para matakot ang bata. At epektib naman kasi sumunod ang bata..

"Tang ina..buti pa tong batang to..magaling pa ata sakin"Bulong ni kaloy sa sarili.

Bumukas ang Computer..

"Punta mo sa facebook" sabi ni Kaloy..

Sunud sunuran lang ang bata..

"Ayan" sagot nito.

"Tingnan mo yung pictures ni Aira Bernadetter

Sanchez.. hmmm M... M ang middle initial" utos ni Kaloy..

"Mag log in ka muna.." sagot ng bata

"Huh" tanong ni Kaloy..

"Mag log in ka bago mo sya mahanap"Sabi ng bata at maya maya'y umalis na ..

"Hoy ..bata..bata..teka" sigaw ni Kaloy ngunit wala na ang bata..

"Tang ina naman oh" sabi ni Kaloy sa sarili.

Ilang minuto ang lumipas.. Tinititigan lang nya ang Computer.. Login... Password.. Sign up..

"Putang ina..para san ba to sila" inis na bulong ng binata...

"15 mins lang ..ayusin ko lang tong ipapaprint ko" sabi ni Ella ng pumasok ito sa

Computer Shop..

"Hanap na kayo ng bakante..papa time lang ako kay Kuya" sabi ni Ella at lumapit na sa timer..

Ginala ng dalawa nyang kaibigan ang mata..

Napangiti pa sila sa nakita..

Nagtinginan si Jen ata Lea sa naisip...

"Sis .. number 18 ..sa dulo.. yun na lang bakante" sabi ni Jen.

"Anlayo naman" reklamo ni Ella.

"Eh dun ka na..nabuksan na namin yun e" nakangiting aso pa si Lea..

"Whatever.. tara na..samahan nyo ko" sabi ni Ella sa dalawa..

"Ayy Sis... may lakad pa kasi kami e.. mag aayos din kami ng project"Sabi ni Jen.

"Oh? saan? e andito na ang Shop ah"Sagot ni Ella.

"Ah-eh... "Di alam ni Jen ang isasagot..

"May date kami"Singit ni Lea..

Natahimik ang tatlo..

"Oh sya..sige na... uunahin nyo na naman mga boypren nyo kesa sakin" pagtatampo ni Ella.

"Sis bawi kami ..promise." ika ni Jen.

"Sus..sige na.. ingat kayo" pag papaalam ni Ella at malanding tumatawa pa ang dalawa habang paalis,

"Ang layo layo..kelangan ko pang sumigaw o lumapit para magpa print"Reklamo ng dalaga sa sarili habang palapit sa Computer..

Agad nyang napansin na may katabi syang lalaki sa pwesto,

Nakasubsob ito sa keyboard at tila tahimik lang.. Napansin din nya na naka bukas ang facebok sa browser nito..

Naramdaman naman ni Kaloy na may tumabi sa kanya.. Inangat nya ang mukha nya..

Tiningnan ang katabi...eksaktong napatingin din si Ella sa kanya..

"Ikaaaaw?" tila naiirita si Ella ng makita ang binata..