1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 2 - Part 19
Pinoy Tambay

Barkada: Book 2 - Part 19

10 minutes

Nakahiga lang na umiiyak si Ella sa kama...

Matapos syang iwan ni Kaloy ilang oras lang ang lumipas e hindi pa din sya makatulog...Naiisip nya ang binata.. Namimis na nya ito agad.. At sobrang guilty sya sa pinag awayan nila kanina..

Sana hindi na lang nya sinumbatan ang binata..

Sobrang namimis nya ito..

Umiiyak si Aira na nakasubsob sa balikat ni

Mutya...

"Sis tama na ... di makakabuti sayo yan.

Maya maya ka na naiyak" sabi ni Mutya sa dalaga.

"Dapat kinausap ko na sya di ba? baka napano na yun..baka kung san na pumunta yun" ika ni Aira..

"Pinasunod ko na si Dan sa kanya Sis.. Saka si Kaloy yun.. mahirap yun mapahamak" ngumiti lang si Mutya.. Ngiti para sabihin kay Aira na ok lang ang lahat.

Ngumiti si Aira. Pero ang totoo.. di sya mapalagay.

"Doc. .Nurse .. Emergency... Emergency ho" humahangos si Dan habang buhat buhat si Kaloy papasok sa Hospital.. Agad nilapitan ng nurse ang binata at napansin agad ang dami ng dugo na natagas sa dala nito..

"Stretcher..stretcher" sigaw nito at kaagad may lumapit na stretcher sa kanila.. Tila pelikula ang lahat. Tinutulak ang binatang nakahiga na puno ng dugo patungong

Emergency Room.

Pinigilan ng ilang nurse ang natatarantang si

Dan sa pag diretso dito.. Ipinasok sa E.R si Kaloy..Isinara ng Nurse ang bintana na pwedeng pagsilipan ng kung sino..

Kung ano anong test ang ginawa sa binata

..Umiyak ang maangas na si Dan...

Tineks ang nobya...

"Aira" ika ni Mutya kay Aira..

"Hmmmmm"Tanong ng dalaga na nagpupunas ng luha..

Niyakap lang sya ni Mutya...Nagtaka si Aira sa kinilos ng dalaga..

"Aalis tayo" ika ni Mutya..

"Bakit??" tanong ni Aira..

Nangilid ang luha ni Mutya at malungkot na sumagot..

"Si Kaloy" nag alala si Aira sa narinig.. alam nyang may nangyari..

Agad silang nag tungo sa Hospital..

Sunod sunod na nag datingan ang mga kaibigan..Sila Tanya..Reggie.. Clay..

Brando..Kris.. Jema..Angel.. Sam.. huling dumating si Ella na tineks lang ni Tanya...

Same date.. Same place ..Same time... iba nga lang ang ngayon ang binatang nasa loob ng ER..

Umiiyak halos ang lahat..

"Sinong may gawaa?? sinong may gawa?" tanong ng galit na galit na Kris,,

"Sila Ron siguro tol..sa parke ko sy nakita e..sa mismong lugar na nakita natin sila" sagot ni Dan.

Agad nilapitan ng galit na galit na Clay si Reggie, ginusot ang kuwelyo at isinaldak sa pader ng Hospital..

"Tingnan mo ginawa mo ..putang ina .. tingnan mo ginawa mo" ika nya at aktong susuntukin na ang bakla ng pigilan sya ni

Dan.

"Tol chill.. walang maitutulong yan" sabi ni

Dan..

"Tama na yan. kaibigan pa din natin sya

Clay" sabi ng umiiyak na si Tanya..

"Kaibigan.. wala akong kaibigang kasing sama nyan" sagot ng binata.

"May nag teks na ba kila Lola Mars at Tita

Ason?" tanong ni Aira..

"Tineks ko na "Sagot ni Tanya...

"E ang kaso.. wala na ata sila dito satin e

..matagal na .." dagdag pa ni Tanya..

Naguguluhan ang lahat.

Si Kris ay kating kati at di mapakali..

Pinipigilan sya maya maya ni Tanya at Reggie na baka umalis ito at gumawa ng ikapapahamak nya..

"Wala ba tayong gagawin kundi mag hintay na panuorin syang mag hirap?" tanong ni

Kris sa kanila.Walang makasagot..

"Mga duwag... ang tagal kayong pinag tanggol nyang taong nasa Emergency Room tapos wala kayong gagawin?" sabi pa ng binata..

"Kung meron mang dapat nasa kalalagayan nya ..dapat kayo yun...Lalo ka na Reggie..traidor.." tumutulo ang luha ni Kris..

Sobrang taas ng respeto nya kay Kaloy at hindi nya matanggap ang sinapit ng kaibigan..

"Anong gusto mong gawin natin?? makipag away?? Kris..hindi sagot ang away sa lahat ng oras" ika ng bakla..

"Putang ina.... kung ikaw ang nakahiga dyan at halos mamamatay na ...sa tingin mo ba tatayo lang si Kaloy dito at hihintayin na ibalita ng Doktor na wala na..patay na sya" sigaw ni Kris..

Napapikit si Aira sa narinig, hindi pwede.. hindi pa pwede..

Napahinto at natahimik naman si Reggie sa nasabi ni Kris..

"Bitawan mo ako" ika ni Kris kay Jema at aktong aalis ng pigilan sya ni Sam..

"Oo.. hindi tatayo si Kaloy dito kung ako ang nakahiga dyan tol... pero hindi din basta susugod yun .. Mag iisip muna sya" sabi ni

Sam..

Napairap si Kris sa narinig..

"Tol..wala ng panahon para mag isip.."Sabi ni

Kris.

"Bakit?? bakit wala?? kasi iniisip mo na mamamatay na sya?, tol.. kung ikaw ang nakahiga dyan, hinding hindi iisipin ni Kaloy na mamatay ka" sabi ni Sam..

"Hihintayin ka nun na magkamalay at sabay ninyong gagantihan yung gumawa sayo nyan" tulala si Dan na nakasingit.

"Wala munang gagawa ng desisyon na pinangunahan ng galit" sabi ni Tanya..

Natahimik sila..

Ilang sandali pa ang lumipas..

Pare parehas sila di mapakali.. Walang gustong umalis..

Hindi naman halos nagpapansinan si Aira at Ella..

Si Tanya ay kinakausap si Ella minsan para hindi ito mawala.

Maya maya'y napangiti si Tanya ng makaisip ng kung ano habang ang bakla ay nakisama muna sa mga lalaki para mag sorry at makipag kwentuhan na din..

"Sis" ika nito kay Aira.

"Hmmm"Sagot ng dalaga at tumingin sa gawi nila ni Ella.

Nag abot ng pagkain si Tanya kay Ella

"Pasuyo naman oh" sabi Tanya kay Ella..

Kinabahan pa si Ella ng makitang si Aira ang tinuturo ni Tanya..

"Ha ah.. eh ..sige" gatol gatol na sabi ni Ella,

Dahan dahan syang tumayo dala ang sitsirya na pinapaabot ni Tanya..

Naramdaman naman ni Aira na pinagtripan sila ni Tanya.. Naiinis sya pero may kung anong kaba sa dibdib nya lalo ng mapansing palapit si Ella sa kanya..

"Ate" ika ng dalaga ng tumapat sa harap nya..

Nagulat si Aira.. Maging si Mutya na katabi nito ay nagulat..

Tinanggap ni Aira ang dala ni Ella at nginitian ito..

"Salamat" ngumiti din si Ella.

Aktong aalis na si Ella ng magsalita si Aira.

"Matagal na ba kayo?" sabi nito ..

Kinabahan si Ella sa narinig ..Napangiti naman si Tanya ng mapansing nag usap ang dalawa..

"Ho..ah... ano...bago lang po kami.. nito lang sya nag tapat sakin..pero matagal na po kami magkakilala.nung bago pa lang tayo nag kachat" sabi ni Ella..

Napangiti si Aira..

"Si William yung kausap mo" sabi nito..

Katahimikan..

"Maswerte po kayo kay Kaloy"Sabi ni Ella..

Napahinto si Aira sa narinig... Maswerte sya?? maswerte nga ba sya??

Napaisip sya ..Ngumiti at tumingin kay Ella..

"Ikaw ang swerte Ella.. kasi ikaw ang pinili nya"Sabi ng dalaga...

Tumulo ang luha ni Ella..

"Sorry Aira..hindi ko alam....kung alam ko lang sana pinigilan ko na lang damdamin ko" hikbi ni Ella..

Nakaramdam naman ng awa si Aira sa dalaga..

"Ano ka ba...walang may kasalanan..tadhana na siguro talaga ang gumawa ng paraan para pag tagpuin kayo..."Sagot nito..

"Sis" ika ni Mutya kay Aira dahil masyado na nitong dinadown ang sarili.

"Magiging ok si Kaloy di ba??" nagpupunas ng luha si Ella..

"Oo naman..kaya nya yan... si Kaloy pa.."Sagot ni Aira na tumulo ulit ang luha.

Katahimikan..

"Ipangako mo sakin na aalagaan mo syang mabuti ha" sabi ni Aira kay Ella.

Nagulat ang dalaga sa narinig ..

"Wag mo syang sasaktan"Dagdag pa nito.

Nakaramdam ng awa si Mutya.. Dejavu.. nung isang taon e sya ang nagpaubaya para kay Aira.. ngayon si Aira naman ang nagpaubaya para sa iba..

"Wag na wag mo syang sasaktan "Sabi ni Aira kay Ella..

Lalong lumakas ang hikbi ni Ella..ramdam nya ang sakit sa bawat salitang binibitawan ni Aira..

Alam nyang nasasaktan ito. pero mahal na mahal din nya si Kaloy.. at gagawin nya ang lahat wag lang ito mawala sa kanya..

"Mahal na mahal ko sya Aira.. at handa akong ipag laban sya" sabi ni Ella kay Aira. ngumiti lang si Aira..

"Di mo na sya kailangan ipag laban..Namili na sya..saka ok na tayo sa ganito di ba..isipin nyo na lang na walang nangyari..na kasal pa din ako kay William" sabi ni Aira..

Natahimik si Ella,,

"Basta wag mo syang pababayaan" huling habilin ni Aira..

Humupa na ang tensyon... Pero mas bumilis na naman ang tibok ng puso nila ng lumabas ang doktor sa ER..

Agad lumapit ang nag aalalang si Tanya sa

Doktor..

Si Ella ay hindi kinaya ang sitwasyon at lumayo na lang sa kanila. Ayaw nya ng scene na ito.. kahit sa mga movie ay hindi nya kinakaya ng ganito.. Ngayon pa kaya

..sa personal..at sa taong mahal pa nya..

Naglapitan ang mga kaibigan ni Kaloy.

"Nasan ang relatives nung binata" sabi ng

Doktor..

Napahikbi si Aira... Ayaw nya ng paumpisang sinabi ng Doktor..

"Dok.. wala po kasi syang ano.....kamag anak dito, kaibigan po nya kami" sabi ni Tanya na pinipigilang umiyak..

"Ok ...anong oras darating relatives nya?

"Tanong ng Doktor.

"Bukas pa po" sagot ni Reggie..

"Wala ba syang kahit isang kamag anak??" tanong muli ng Doktor..

"Dok?? ano ba ..kumusta na ba sya??" asar na tanong ni Kris..

"Sorry." ika ng Doktor..

"Dok?" tanong ng lahat sa narining mula sa

Doktor..

"Dok... ako...ho" ika ni Aira.

Nagtinginan ang laaht sa dalaga..

"Asawa ho ako" sabi ng dalaga..

Napatigil ang lahat..

Napailing ang doktor..

"May anak kami Doc...hindi kami kasal pero technically mag asawa kami" ika ni Aira..

Napasinghap ang Doktor..

"Im sorry" sabi nito..Nanghina si Aira..

Bumagsak ang balikat nya.. Lumambot ang tuhod nya..

Tumindig ang balahibo..at na stuck ng ilang segundo..

"Ginawa na ho namin lahat ng makakaya pero masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya" sabi ng Doktor..

"Tang ina..tang ina tang ina ..tangianaaa" paulit ulit na sinuntok ni Dan ang pader habang tumalikod na ang Doktor.

Sinisi nya ang sarili... Kung sana naging maagap sya..

Si Ella'y napaupo na lamang at umiyak .. hindi na nya kelangan tanungin ang nangyari.. alam na nya base sa nakita nyang reaction ng lahat..

Si Kris ay palabas ng hospital na pinipigilan ni Sam,Angel at Jema..

Si Clay ay inaalo ang nobyang umiiyak..

Si Brando ay tahimik lang na tinitingnan ang pinto ng E.R.. at ang bakla ay sising sisi habang kinakalikot ang cellphone para tawagan ang Tita at Lola ni Kaloy..

Niyakap ni Mutya si Aira.

Tulala ang dalaga..

Walang reaksyon... Natigil ang pag iyak nya..

Hindi kumikilos..

"Aira.. Sis" tinapik tapik ni Mutya si Aira..

Sobrang ramdam nya ang dinadala nito..

"Kung sana pumayag na lang ako na mag usap tayo.. kung sana hindi ako naging mapride para itulak ka sa iba..kung sana naging patas ako.." paulit ulit na sinasabi ni Aira sa sarili.

Ilang sandali pa ... Si Tanya na ang pumirma ng kung ano anong papeles sa Hospital ..

Hindi pa din kasi makakilos si Aira..

Lalo ng harapang ipakita sa kanila ang katawan ni Kaloy na walang buhay.

Bumuhos ang emosyon...

Umiyak si Ella sa gilid.. Si Aira ay nakayakap sa katawan ni Kaloy..

"Hindi pwede... hindi pwede" paulit ulit nyang sinasabi..

"Bumalik na ako..tinupad ko pangako ko..tuparin mo naman sana yung sayo... bumangon ka dyan.. papasok ka pa bukas... mag tatapos ka ..at aagawin mo pa ako kila

Papa....hinihintay ka ni Papa.... para san pa yung banta mo?? hindi pwede" umiiyak si Aira habang pinipigilan sya ni Mutya...

Lahat halos ay nakayuko at walang magawa.

Tiningnan ni Aira ang mukha ni Kaloy..

"Mas gugustuhin ko pa na mapunta ka sa iba kesa mawala ka.. oo.. kahit pag gising mo ay hindi mo n ako kilala.basta mabuhay ka lang ..." sabi nito.

Minsan pa'y inayos nya ang buhok ng binata.

"Walang mag aayos ng sarili mo dun.. kaya please. .bumalik ka na.." hikbi ng dalaga..

Maya maya'y dumating na ang sasakyan ng patay para kunin, linisin, at ayusin ang pagbuburol sa binata..

Sa bahay ni Tanya na sila nag hintay..

Pare Parehas tahimik at hinihintay na lang ang katawan ng kaibigan nila..

Umaga na... pero tila walang nais magpahinga.. walang nais pumasok sa kani kanilang agenda.

Ano pang silbi ng lahat kung wala na si Kaloy..

Tahimik na nakaupo si Aira sa garden sa likod ng bahay nila Tanya..

Duon nya inalala ang lahat..

Duon nag umpisa ang lahat.. at dito din sa bahay ni Tanya matatapos....