1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 2 - Part 16
Pinoy Tambay

Barkada: Book 2 - Part 16

10 minutes

Napailing si Kaloy... Alam nyang kailangan nyang mag desisyon .. Pinunas nya ang luha at kusang sinunod ang puso sa tinuturo nitong landas... Sa nakaraan.. Kung saan nandoon ang lahat ng katanungan at kasagutan para malinawan sya sa lahat..

"Babalik na ko samin, hindi na ko bagay dito.. Ok naman na kayo di ba? kung sana hindi na lang ako dumating e di sana walang ganito.. may nasaktan pa tuloy" sabi ni Aira habang pinupunas ang luha..

"E kahit di ka naman umuwi.. eventually lalabas din katotohanan kasi unti unting nag shashare na si Brando samin ni Mutya" sabi ni Dan...

"Salamat Mutya ha... pero ayun.. kailangan ko na talaga permanenteng mawala dito.. may pag kakamali din naman ako e .. di ako nagparamdam at hindi ko nagawang sabihan si Ella na hindi ako yung kausap nya nung may oras pa ko"Sabi ni Aira..

"E pano ba kayo nagkakilala" tanong ni

Mutya.

"Di kami mag kakilala Sis. nanotice ko lang na sya yung pic sa prof na nagmemessage sakin.. lately ko lang nabasa na tinanong nya kung kasal na kami ni William.. nag yes si

Kano..tas di na nag reply si Mika.. alam ko na klasmeyt ni Kaloy yung kapatid nya pero di ko naman kasi akalain na may namumuo na sa kanila.. Wala akong kaalam alam

Sis..at yun ang masakit" sagot ng dalaga.

"Eh bakit di mo nga sya sinabihan nung nabubuksan mo na Fb mo" tanong ni Mutya/

"Naka block ako sa kanya" sagot ni Aira..

"Kasi boypren na nya si Kaloy siguro nun" dagdag ni Mutya.

Natahimik sila..

"Anong plano mo na?" tanong ni Dan sa katahimikan..

"Uuwi-"

"Magpapakasal" basag ni Kaloy bago pa ituloy ni Aira ang sasabihin,

Napatingin sila kay Kaloy..

"Walang ikakasal" matigas na sagot ni Aira..

"Eh di hindi mo pala ako talaga mahal" nakuha pa ni Kaloy na magbiro...

"Sabihin mo yan sa sarili mo..ikaw tong naghanap ng iba" diretsang sagot ni Aira..

"Ikaw ang nauna na magkaroon ng iba.. ikaw tong hindi nagparamdam sakin at-" hindi tinuloy ni Kaloy ang sasabihin..

"At ano.. at ako yung masama mong nakaraan na kailangan mo ng kalimutan kasi may bagong dumating sayo na mas kaya kang mahalin at alagaan sa mga oras na kailangan mo ng pagmamahal?" tanong ni Aira..

Hindi sumagot si Kaloy..

Hindi rin nakisagot sila Mutya..

"Nag usap tayo di ba? nag sumpaan tayo.. tinupad ko pangako ko.. oo matagal.. oo hindi ako nagparamdam..pero hindi naman siguro valid reason yung isang taong pagkawala ko at ilang sabi sabi sakin para husgahan mo ako at ipagpalit" nag umpisa uling umiyak si Aira.. Damang dama nya ang sakit..

"...ikaw ang Mama ng anak ko" ngayon lang nadugtungan ni Kaloy ang sinabi kanina..

Napahinto si Aira.. lumambot ang emosyon at tuluyan ng nagpadala dito,

"Kung iniisip mo na balikan ako kasi may anak tayo? Kaloy...kaya ko syang buhayin ng mag isa ..hindi mo ako kailangang intindihin.. Hindi din ako magagalit sayo..siguro after all deserve ko lahat ng mga nangyari for putting you through all this pain.. im sorry kung hindi ako ang kayakap mo sa mga gabi na nilalamig ka ..sorry kung hindi ako ang nagpupunas ng luha mo kapag naiyak ka.. at sorry kung wala ako para pangitiin ka.. Past na ko.. ok naman na kayo di ba? nang gulo lang ako.. lagi na lang ako ang nang gugulo.. sorry ..isipin mo na lang na kinasal na talaga kami ni William..at least hindi ka na maguguluhan kapag kasama mo si Ella.. mahalin mo sya ng sobra.. mag focus ka sa future nyo.. uuwi na ko samin.. hindi talaga siguro sa Pinas ang swerte ko..at siguro.. hindi talaga tayo ang nakatadhana" hikbi ni Aira..

Tahimik lang si Kaloy..

"Maybe the universe will bring us back together again" sabi ni Kaloy.. Inulit nya ang sinabi ng dalaga bago ito pumunta ng amerika noon..

Napangiti lang si Aira..

"It did.. nandito na tayo.. yun nga lang .sa iba na umiikot ang mundo mo.. " sagot ng dalaga. Pinunas ang luha at tumango kay

Mutya..

"Happy anniversary Kaloy.. salamat sa isang araw na minsan sa buhay ko ..pinaranas mo sakin ang kasiyahan na never kong naranasan sa buong buhay ko"Ika ni Aira.

"Paalam" sabi nito at iniwan na si Kaloy..

Sumunod si Mutya sa dalaga.

Nilapitan naman ni Dan si Kaloy..

"Tol..hindi pwedeng walang masasaktan sa sitwasyon nyo.. pero sana this time gawin mo na yung tama.. kasi wala na itong bawian.. wala ng balikan.." ika ni Dan sa binata.

Hindi naman nakasagot si Kaloy ..matamlay ang binata..

"Sige tol" pag papaalam ni Dan at sumunod na din kila Mutya..

Napaupo si Kaloy ..Naisip ang mga nagawa

..ang mga padalos dalos na desisyon , nag sisisi sya ..sobra..

Ilang minuto pa ang lumipas. . Naghihintay pa din sila Ella kay Kaloy..

"Sis.. may pasok ka pa bukas.. hatid ka na kaya namin" ika ni Tanya sa dalaga..

"Hihintayin ko pa si Kaloy Sis...darating yun"Ika ni Ella.

Nalungkot si Tanya.. alam kasi nyang siguradong na kay Aira si Kaloy pero ganun na lang ang gulat nya ng makita si Kaloy na padating.

"Sis" agad niyugyog ni Tanya si Ella. Alam na agad ni Ella ang dahilan kung bakit..

Nilingon nya ang tinuturo ni Tanya at sumilay agad ang ngiti sa dalaga.

Napangiti si Kaloy sa nakita.. Heto ang babaeng alam nyang nasasaktan din pero nakuha pa ding ngumiti ng nakita sya..

Patakbong pumunta si Ella kay Kaloy at sinalubong ito ng yakap ..

"Mahal.. sabi na susundan mo ako e, akala ko matitiis mo ako.. wala ka din sanang 1 week kiss" biro ni Ella..

Tahimik lang si Kaloy.. Nasasaktan sya pero kailangan nyang maging matatag para kay Ella.. Hindi nya dapat iparamdam sa dalaga na nasasaktan sya .. Alam nyang kailangan nyang pumili at siguro.. Minsan.. mas mainam na sundin ang isip kesa puso,

Niyakap nya si Ella ..mahigpit.. Inisip na sana'y si Aira ang kayakap nya ...

Napailing si Tanya sa nakita. alam nyang hindi masaya si Kaloy...pero anong magagawa nya... masyadong magulo ang lahat..

"Anong plano natin kay bakla?? tatanggalin na ba?" singit ni Tanya sa dalawa..

"Babe" ika ni Clay sa nobya..Alam kasi nyang close din ang dalawa at di nya inasahan na ganito ang sasabihin ni Tanya..

"Seryoso ako..sabihin nyo lang ... ayaw kong magkaron ng kaibigan na ahas" seryoso si Tanya..

"Wag.. "Tanging nasabi ni Kaloy..

"Waaag? bakit" naguguluhan si Tanya sa narinig

"Kaibigan natin sya.."Sagot ng binata.

"Pero kita mo naman-"

"Kaibigan natin sya" ulit ni Kaloy at tumigil na lang sa pag sagot si Tanya

Katahimikan..

"Asan na yung iba" tanong ni Tanya.

"Umuwi na" bakas ang lungkot sa binata..

Ngumiti lang si Ella..

"Hatid mo na din ako" sabi nito at niyakap pa sa braso si Kaloy.

Sinadya pa nyang idikit ang suso sa binata baka sakaling magbiro ito para tumawa..

Nginitian lang sya ni Kaloy..

"Lambot" bulong ng binata at pilit ngumiti..

Sinapak naman sya ng mahina ni Ella.

"Haaay.. sige na...hatid mo na si Ella Kaloy" ika ni Tanya

"Ako na bahala kay bakla.. sana wala na sya sa bahay pag uwi ko dun" nangigigil sa galit si Tanya..

"Babe-"

"Ano pipigilan mo ko? gusto mo madamay?" sigaw ni Tanya kay Clay na napatawa na lang sa nobya nya..

Nakitawa na din si Ella at Kaloy..

"Sige na Sis..Salamat" ika ni Ella kay Tanya..

"Hey..wala yun..Kaloy.. ingatan mo yan ha.."Pinandilatan ng mata ni Tanya si Kaloy..

Tumango lang ang binata at lumakad na sila ni Ella.

"Binlock ko na kasi sya nung sinagot kita..kasi ...basta.. naiilang lang ako na kausap ko sya tapos boypren kita.. pero ayun..di naman pala sya ang nasagot sa message ko.. saka di pa pala sya kasal"Sabi ni Ella kay Kaloy habang nasa loob sila ng sasakyan..

Tahimik lang ang binata.

"Mahal..hindi mo ako iiwan di ba?" tanong ni Ella sa binata.

Tumingin si Kaloy kay Ella..

"Hindi" tipid na sagot ng binata..

Niyakap ni Ella ang braso ni Kaloy.

Katahimikan....

"Mahal mo pa ba sya?" tanong bigla ng dalaga.

Nagulat si Kaloy sa tanong ni Ella..

Hindi nakasagot agad ang binata.. tinanong nya ang sarili.. after ng nangyari ngayong gabi.. Mahal pa nga ba nya si Aira.. ngumiti sya.. tiningnan si Ella at sumagot.

"Ikaw na ang mahal Ko Mika"

Ngumiti din si Ella at isinandal na lang ang ulo sa binata..

"Sis Sorry na" halos lumuhod ang bakla kay Tanya habang nagmamakaawa na hindi nya kayang iwasan ang tropa..

"Nakita mo ba yung ginawa mo? ayaw mo ng gulo pero ikaw pala mismo may dala nito.." sabi ni Tanya..

"Andaming nag tiwala sayo.. Dinamay mo si Ella.. dinamay mo si Aira.. para ano?? sa kalandian mo. Reggie naman" sabi pa nito.

"Araw araw ko itong pinagsisisihan Tanya... at maraming beses ko na itong gustong aminin" sabi ng bakla..

"Pero di mo inamin..ganun mo na ba kamahal si Ron para siraan ang mga kaibigan mo?" tanong ng dalaga..

"Tanya..sa sitwasyon ko.may magmamahal at tatanggap ba sa katulad ko?" sagot ng bakla..

Tiningnan lang sya ni Tanya..

"Hindi mo kailangang sirain ang buhay ng mga kaibigan mo para maging masaya at compatible ka lang sa taong mahal mo" sabi nito.

"Kaibigan mo kami Reggie" nakialam na din si Clay..

"Kaibigan nga ba?" tanong ni Tanya at saka umalis..

Napailing lang si Clay na tumingin kay Reggie at iniwan na din ito.

"Dito ka na matulog" pilit niyayaya ni Ella ang binata na wag ng umuwi ng makarating sila sa bahay ng dalaga...

"Wala akong damit mahal..may pasok pa bukas.." sabi ng binata..

Sumimangot si Ella.

"Baka pag uwi mo dun nandun na si Aira..tapos .."Di na tinuloy ni Ella ang sasabihin. natahimik sila.

"Sige na.. matutulog na ako" pagtatampo nito.. napangiti si Kaloy sa inasal ng nobya..

"Oo na ..sige na...pasok na tayo.. makita pa tayo ni Yaya dito.." sabi ni Kaloy..

Agad namang napangiti si Ella sa narinig at excited na hinila ang binata papasok sa kwarto nya...

Automatic ang lahat...

Pag sara ng pinto ng kwarto ni Ella ay hinalikan nya agad ang binata.. Marahas ang galaw ng dalaga ..Ibang iba sa una..

Hindi naman makuha ni Kaloy ang mood nya.. Marami syang naiisip ..Sinasagot nya ang halik ni Ella pero hindi kayang mabuhay ng alaga nya.. tinulak ng dalaga si Kaloy sa kama at agad hinubad ang damit na suot nito.

Napatingin si Kaloy sa katawan ni Ella.. napapikit at pagmulat ay ang katawan na ni Aira ang nakita nya..

Ang nakangiting mukha ng dalaga.. Ang kainosentehan nito..

Sinunggaban ni Ella si Kaloy pero mabilis syang napigilan ng binata..

"Hindi natin dapat madaliin to Ella... di ba?? sabi ko..gagraduate ka na...at baka mapurnada pa yan" sabi ng binata..

Napasimangot sa narinig si Ella.. Para syang desperada na tinanggihan.

Agad syang nag bihis ng damit..

Katahimikan ..

"Mahal mo pa sya noh? " tanong ni Ella.

Hindi sumagot si Kaloy..

"Alam ko mahal mo pa sya" ulit ng dalaga,,

"May anak kami" tanging sagot ni Kaloy, napahinto si Ella sa narinig ..Napaisip. ang simple ng sinabi ni Kaloy pero sobrang sakit..

Nakikihati lang sya .. sa tunay na pag ibig ng binata.. at ngayong dumating na ito para bawiin si Kaloy.. May karapatan ba sya para pigilan at ipag damot ang binata?

Napangiti si Ella ng maramdamang niyakap sya ng binata..

Alam nyang mahal sya ni Kaloy at nahihirapan lang ang binata kapag pinressure nya ito lalo ..kaya tinigil na ni Ella ang mga naiisip..

Niyakap ni Kaloy si Ella ng maramdamang tahimik na ito.

Hindi dapat masaktan si Ella..walang kasalanan ang dalaga..kaya gagawin ni Kaloy ang lahat para hindi ito masaktan.. pero sa sitwasyon nila, may paraan ba para hindi ito saktan?