1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 2 - Part 15
Pinoy Tambay

Barkada: Book 2 - Part 15

10 minutes

Katulad ng pagkagulat ng binatang hindi alam ang gagawin, hindi alam ang sasabihin, hindi alam ang emosyong nararamdaman ay ang pakiramdam na nararamdaman ngayon ni Reggie ng magtama ang mata nila..

Saglit na katahimikan..

Napakaganda na ni Aira.. Ibang iba ito ngayon.. Natulala ang binata sa kanya at paulit ulit na tinanong ang sarili kung ito ba ang girlfriend nya? hindi ex girlfriend nya.. ito ba ang nagpaubaya ng pagkababae nya sa kanya sa unang pagkakataon.. ang babaeng umiyak sa kanya.. nabaliw at pinaglaban sya dati.. na sa huli ay sinaktan sya at pinaasa.

"Gulat kayo... para kayong nakakita ng multo" sabi ng dalaga na pinipilit tumawa dahil sa sobrang saya.. Ni hindi nya alam ang gagawin..

"Guys" sabi nya muli..

"Sis" bati ni Tanya at agad tinakbo si Aira para yakapin..

Totoo ..Totoo nga .. nandito ang kaibigan nya..

"Group hug" sigaw ni Clay at agad sila tumakbo sa mga bagong dating ..Naiwan sa kinatatayuan sila Reggie, Kaloy at Ella..

Napalunok ng laway si Ella.. Di nya gusto ang nangyayari. .Nasasaktan sya.. nasasaktan sya ng sobra..

Matapos ang tensyon ng yakapan ay pinunas ni Aira ang luha.. Ngumiti ito. Napansin ni Kaloy ang bagong set ng brace ng dalaga sa ngipin ..Ang magaganda nitong mata.. Ang seksi nitong katawan ay medyo nagkalaman pero lalo lang itong nakadagdag ng appeal sa kanya ...Marahil nagtakaw ito sa Amerika kaya ganun.

"Kaloy" hikbi ng dalaga.. hikbi ng kasiyahan hindi kalungkutan..

Natahimik ulit ang lahat.. Agad sinugod ni Aira si Kaloy.

Nagulat ang binata.. wala syang nagawa ng yakapin sya nito.. Mahigpit ...Mahigpit na mahigpit..

"Isang taon mahal... kulang ang isang taon para makalimutan kita.. marami akong sasabihin sayo..maraming marami.. mis na mis kita Kaloy.."Masuyong hinalikan ng paulit ulit ni Aira si Kaloy.

Hindi nakagalaw ang binata..

"Ano?" tanong ni Aira kay Kaloy ng mapansin nyang hindi ito nagalaw..

Maya maya'y napatingin ito sa katabing dalaga ni Kaloy..

"Mikaella?" tanong ni Aira sa dalaga..

Kinabahan si Ella.. Awkward.. Di nya alam ang gagawin..

Heto sya't kasama ang boypren nya tapos lalapit ang babaeng iniwan ang boypren nya ng isang taon para halikan at yakapin ito..

"O-o -oo... ako nga ....Aira" sagot ng dalaga..

Maging ang lahat ay di malaman ang gagawin..

Nilapitan ni Brando si Reggie.. tahimik lang ang bakla.. di makatingin sa binata..

Sinubukan tingnan ni Reggie si Brando..

Nanlilisik ang mata ni Brando... agad umiwas ang bakla at yumuko..

Napailing si Tanya.. Kailangang putulin ang awkward na tensyon at magkaalaman na ng totoo... Past ..Present.. Future.. Kaloy..

Tropa.. Reunion.

"Sis.. bakit ka napauwi ..akala ko ba ..ano.." hindi naituloy ni Tanya ang sasabihin..

"Ano Sis?" tanong ni Aira..

Napailing lang si Mutya sa nakikita..

"Ang alam kasi namin Aira.. e kakapakasal mo lang kay William" nakialam na si Clay.

Siniko sya ni Tanya at pinagtinginan ng lahat..

"Ano .?? bakit?" tanong ng nag tatakang si

Clay sa lahat..

"Sinong nagsabi..paano nyo nalaman" tanong ni Aira ..

"Si Reggie.." kaagad sumagot si Mutya..

"Oo.. sya lang naman may contact sayo" sabi din ni Tanya..

Tulala lang si Kaloy sa pag uusap nila.. Si Ella ay kinakabhan sa mga nalalaman nya..

"Reggie?" ibinaling ni Aira ang tingin sa bakla.

Di makatingin ang bakla sa kanya..

Napasinghap si Aira..

"Never akong nakahawak ng phone o kahit nakaharap sa computer nung nasa US ako... kaya nga sobrang lungkot ko dahil hindi ko man lang kayo makausap" paliwanag ni Aira at tumingin pa kay Kaloy.

"Paano ako magpapakasal e may pinangakuan ako na lalaki dito na sya lang ang pakakasalan ko" dagdag pa ni Aira..

"Syeeet" bulong ni Tanya.

"E sino yung nag memessage kay Reggie

...na kasal ka na daw" tanong ni Tanya...

"At yung congrats sa facebook mo? kala namin kinasal ka na nun? yung message mo na iiwan mo na si Kaloy"Dagdag pa ni Tanya..

"Huh...ni wala akong number ni Reggie.. yung facebook ko si William nagamit.. yung congrats sa facebook ko ..that was months ago when everyone known na preggy ako" sagot ni Aira na medyo napangiti sa nasabi..

Nagulat ang lahat sa narinig ..Si Kaloy ay napatingin sa dalaga.. Di makapaniwala..

Parang kinukurot naman ang puso ni Ella.. para syang isang chaperon na sinamasa isang party tapos sobrang Out of Place na sa eksena..

"Sis" ika ni Tanya.

"Yes.. and that's why hindi ako pwedeng pakasalan ni William... Nalaman nya na iba ang Papa ng nasa Tyan ko.. sobrang lungkot.. may oras na sinasaktan nya ako.. na buti naman hindi napasama sa bata..until sila Mama na ang umalis kila William.. For now mahirap ang lagay namin sa Amerika pero ok na.. nadagdagan na kami ng isang lalaki ..si Carlo Jr." sabi ni Aira na napaiyak sa mga nasabi..

"Sis ..kung hindi si William ang Ama?" hindi na tinuloy ni Tanya ang tanong ...

Umiyak ng umiyak si Aira...

"Ako ba ang ama" sa wakas nagsalita na si Kaloy..

Humarap si Aira sa binata.. Tiningnan nya ito.. Tumango ..at niyakap agad si Kaloy.

Bumigay ang emosyon ni Kaloy.. Hindi nya alam.. Hindi nya alam ang nangyari..

Panong?? At bakit sinasabi ni Reggie na ano... at bakit ganito..bakit ganyan.

Ang daming tanong ..

"Aira.. akala ko.... kasi.... sabi ni" gatol gatol ang boses ni Kaloy.. hindi na nya napigilan

... Tumulo ang luha na matagal nyang inipon sa dalaga.. Niyakap nya ito ng mahigpit..

"Syeeet" bulong ulit ni Tanya ng makita ng humikbi na din si Ella sa tabi nila..

Agad nilapitan ni Tanya ang dalaga at niyakap..

"Sis.. ok ka lang " tanong nito sa dalaga..

Hindi sumagot ang dalaga ..Lalo itong umiyak na parang bata..

Nainis si Tanya..

"Kaloy... i think you deserve ang explanation" sabi nito kay Kaloy at iniharap si Ella sa dalawa..

"Sis?" si Aira naman ang naguluhan.

Napatulala si Kaloy..

Suminghap sya ...Naghalo halo ang emosyon

..Nasaktan sya ng makitang naiyak si Ella.

"Kaloy" nagtaas ng boses si Tanya..

"Babe " inawat naman ni Clay ang nobya...

"Mahal?" tanong ni Aira sa binata.

Napayuko si Kaloy... Naalala ang lahat ng sinabi nya kay Ella.. Bakit ganun... Nung wala si Aira andali nyang sabihin na hindi na nya ito mahal.. Nakalimutan nya na ito.. ngayong kaharap nya ito... bakit ang hirap mag salita..

Humingan ng malalim ang binata.. Inipon ang buong tapang at inagaw si Ella kay Tanya para akbayan..

"Mika si Aira, ex ko" panimula ni Kaloy..

"Aira ... si Mika.. fiance ko" napaiyak si Kaloy sa huling binitawang salita..labag sa kanya.. alam nyang labag sa kanya ..at ramdam din yun ni Ella..

"Huh?" parang nanghina si Aira sa narining ..

"Mahal.. ano yang?" hindi sya halos makapag salita.... Unti unting napaupo si Aira na agad nilapitan ni Mutya...

"Sis" ika ni Mutya sa dalaga..

"Ano bang ginagawa mo..." sumbat ni Mutya kay Kaloy...

"Eto na naman eh.. nandamay ka pa ng inosente.." sigaw pa nya.

"Mutya...tama nayan" inawat ni Dan ang nobya.

Tahimik lang ang lahat..

"Wala ka talagang sasabihin Reggie?" singit ni Brando.

Napatingin ang lahat sa bakla na tumutulo na ang luha..

"Walang sikretong hindi nabubunyag.. at ngayon na ang oras para ibunyag mo lahat.." sabi ng binata...

"Reggie?" takang tanong ni Tanya.

"Ayan... magsalita ka na.. andami mong dinamay" sabi pa ni Mutya..

Hindi pa din umimik ang bakla.

"Reggie" sigaw ni Tanya..

"Oo na eto na ..mag sasalita na nga.." sabi ng bakla.

"Guys ..Kaloy.. Aira... sorry... ano kasi.. si

Ron... sabi nya .. gumawa ako ng paraan para saktan si Kaloy.. Nung time na yun si Aira ang iniisip ni Kaloy at alam kong yun ang makakasakit sa kanya.." panimula ng bakla..

"Si Ron?" tanong ni Tanya..

"Oo.. boylet nya... sino si Ron?? si Ron ang kapatid ng Asawa ko" sabi ni Brando..

"Pinagbawalan ko na si Reggie...hindi sya nakinig.."Dagdag pa ng binta.

"Ituloy mo" ika ni Tanya sa bakla..

"Pinlano nyang paghiwalayin si Tanya at Kaloy...sobrang obsessed sya kay Ron na tinuruan pa nyang iblack mail si Ella..Pinabugbog nya si Kaloy para hindi na lumapit ito kay Ella.. para ano? para masunod lang ang kinababaliwan nyang lalaki" si Brando na ang nagpaliwanag ng lahat...

Napayuko sa hiya ang bakla sa narinig.

"Reggie?" nasa tinig ni Tanya ang pagkadisappoint.

Napailing si Mutya.. Si Aira ay humagulhol lang .. Masakit malamang nagawa sa kanya ng kaibigan nya yun ..ang pinaka pinagkakatiwalaan nyang kaibigan sa lahat.. pero mas masakit ang katotohanang malaman na habang tinitiis nya ang hirap at sakit sa ibang bans para lang sa sumpaan nila ng binatang mahal ay naitapon na pala ito ng binata na sinukuan sya agad sa kanilang laban..

Pinunas ni Ella ang luha nya..

Malinaw na .. Napasama lang sya sa laro ng kaibigan ni Kaloy.. Sangkap lang sya ..at ramdam naman nya na mahal pa ng binata si Aira.. Walang sabi sabing tumakbo palayo sa kanila si Ella.. Ayaw nya ng marinig ang lahat..

"Sis" sigaw ni Tanya at sinundan nya ang dalaga.. Kahit paano'y naramdaman nya na kailangan nito ng kakampi..Sumunod din si

Clay sa kanila ..

"Kung alam ko lang na ganito ang uuwian ko

..sana hindi na lang ako umuwi.."Sabi ni Aira..Tatalikod na sana sya ng hawakan ni Kaloy ang braso nya para pigilan..

"Aira.. mag papaliwanag ako" ika ng binata..

"Ano pa?? ano pang ipapaliwanag mo?? punyeta naman... tama na..sinasaktan mo na nga ako kahit malayo ako...ngayon sasaktan mo padin ako" sabi ng dalaga..

Tahimik lang si Kaloy..

"Hindi kita sinukuan Kaloy... Kahit kelan.. ikaw ang sumuko sakin ..ikaw ang nang iwan.. naniwala ka sa iba.. hinusgahan mo ako... " sabi ng dalaga..

"Wag kang mag alala ... hinding hindi ka makikilala ng Anak mo" sabi pa ni Aira bago pinunas ang luha at tumakbo din paalis..

Kasunod naman nya si Dan at Mutya...

Naiwan si Kaloy .. Pressure.. Sakit.. Iyak..

Disappointment.. Galit..

Agad nyang nilapitan si Reggie at kaagad kinusot ang kuwelyo nito...

"Bakit? ang tagal kong naniwala sayo dahil alam kong hindi mo ako lolokohin..iniasa ko sayo ang relasyon namin ni Aira dahil alam kong hindi mo ako gagaguhin.. Pero ano" sigaw ni Kaloy at akmang susuntukin si Reggie ng magsalita ito..

"Kaloy... Kaloy..wala akong kasalanan nadalala lang ako" sabi ng bakla..

Napahinto si Kaloy..

Ngumiti ng pilit..

"Tama ...wala kang kasalanan.. kasalanan ko

..kasi naniwala ako sayo.."Ika nya at binitawan ang bakla..

"Palagi mo akong pinapayuhan ng tungkol sa nakaraan , ngayon at bukas.. well... salamat.. kasi sinira mo ang nakaraan ko ..ngayon at hinaharap.. tunay kang kaibigan" sabi ni Kaloy sa bakla at lumabas ng gate.

Napailing lang si Brando sa bakla at iniwan ito..

"Happy anniversary" bulong pa ng binata.

Napahinto si Kaloy sa labas..

Napatapik ng ulo... Di nya alam ang gagawin

..Di nya alam ang susundin...

Si Ella sa Kanan ..Si Aira sa Kaliwa...

Napaisip sya ..Dire diretso ang pagpatak ng luha..

Humakbang sya ng isang beses.. Pero sobrang sakit agad sa pakiramdam... bakit ba humantong sa ganito..

Napaupo sya ...Alam nyang kailangan nyang gumawa ng desisyon .. Desisyong tama at patas.. dahil bali baliktarin man nya ..Ang katotohanan ay may mawawala at masasaktan pa din ngayong gabi sa buhay nya..

"Nakaupo sa isang madilim na lugar sila Ella, Clay at Tanya.

"Sis sa mga romantic na movie di ba ang pinupuntahan ng bida e yung mahal nya.. yun ang hinahabol nya" sabi ni Ella at sinandal ang ulo nya sa balikat ni Tanya... hinimas lang ng dalaga ang buhok nya..

"Dadating si Kaloy di ba?? pupuntahan nya ako at susunduin." hikbi ni Ella.

"Anong laban ko? nakaraan na lang ako na pilit kinalimutan ni Kaloy gamit ang galit nya sakin.... nakaka inis.. ni wala akong nagawa.. habang hirap ako na malayo sa kanya...tapos ganito pa..sana di na lang ako bumalik..sana di na ko umuwi... kasi ok naman na sya.. ako yung masama ..ako yung nanakit... ako yung sumira sa kanya ..at si

Mikaella ang bumuo sa kanya" umiiyak si Aira kay Mutya..

"Sis" nag alala ang tinig ni Mutya..

"Tama naman di ba?? kaya na ni Kaloy na mawala ako sa buhay nya.... past lang ako

..nakaraan nya na kailangan na nyang kalimutan" sabi pa ni Aira at diretsong umiyak.

Madalas iniisip natin na dapat ng kalimutan ang nakaraan lalo't mahalaga naman talaga ang kasalukuyan ...Pero pano kung bumalik ang perpektong nakaraan mo?? Pano kung may pagkakataon ka ng itama ang mali..gawin ang mga hindi nagawa? ipag papalit mo pa din ba ang pagbabalik ng nakaraan mo sa kasalukuyan? kahit na alam mo sa sarili mo na ang kahapon mo ang pinaka the best na magiging kinabukasan mo..