1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 2 - Part 13
Pinoy Tambay

Barkada: Book 2 - Part 13

13 minutes

"Sigurado ka ba??" tanong ng babae sa kanya..

"Oo naman ma.. kaya ko na to..." sagot ng dalaga..

Umiyak ang babae.. "Babalik ka ha" sabi nito ay niyakap ang anak..

"Wag mong sisirain yung pangako mo.. gusto ko lang magkasama sama tayo" sabi ng

Papa nya na tahimik lang silang tinititigan..

"Alam ko naman yun Pa..saka may uuwian na ko dito noh,may pamilya ako dito." nalungkot ang mukha ng dalaga..

Natahimik sila.

"Mahal na mahal mo talaga sya noh" tanong ng Papa nya..

Tumango lang si Aira..

"Sobra"

"Oh ..tineks ko na .. susunduin mo daw ba sya?" tanong ni Jonas kay Kaloy.

"Sige ba.. pumayag na ba?" tanong ng binata

..

"Oo nga ..heto nga't ang dami dami pang sad emoticon oh..nag aarte ng naman" biro ni

Jonas..

"Sama ako tol" pangungulit ni Sam.. Nalaman kasi nyang maganda ang bagong girlfriend ni Kaloy at excited na syang mameet ito..

"Tol wag na.. makikigulo ka pa sa eksena

..hintayin mo na lang sila dito" ika ni Kris na umahon sa pool..

Nagniningning naman ang mata ng bakla sa mga lalaking nasa pool na nakahubad at basang basa ang katawan na tanging boxer shorts lang ang suot..

"Hoy nasan ba mga girlfriend nyo bat di nyo mga sinama..grabe OP kami ni Sis Tanya.. kami lang babae dito" ika ng bakla at malanding tumawa..

"Sus kunwari pa mga babae ang hinanap.. si

Brando lang hinahanap mo e" kantyaw ni

Clay na lumapit sa nobya at siniil ng halik ito..

"Ayyyyy grabe..sana may humahalik din sakin ng ganyan.." sabi ng bakla an kinilig sa nakita..

"Si Mutya papunta na ..na delay lang at may inasikaso daw.. may good news daw sya para bukas sa reunion" sabi ni Dan.

Kinabhan ang bakla sa narining ..

"Ayyyy grabe ..a-ano daw?? " tanong nito..

"Surpresa daw" sagot ni Dan..

"Malanding babae yun..pasurpre surpresa pa" sabi ng bakla at tumawa..

"Sige ..ingat tol... "Sabi ni Jonas kay Kaloy habang pinapainit nito ang motor ng binata..

"Sure ka..ok ka lang dito" tanong ni Kaloy kay

Jonas..

"Ako bahala sa kanya tol" agad inakbayan ni

Sam si Jonas..

"Tropa to ...tropa" sabi pa nito at ngumiti na lang si Kaloy tanda ng pagtitiwala nya sa kaibigan.

"Sumbong mo sakin pag may nang api sayo dito" sabi pa ni Kaloy..

Napahiya naman si Jonas sa narinig..

"Grabe..parang bata lang" sabi nya at nagtawanan sila.. Umalis na si Kaloy ng may ngiti sa labi..

"Tara , ligo tayo.." yaya ni Sam kay Jonas.

"Wala akong baong damit" sagot ni Jonas..

"Papahiramin kita" sabi ni Sam sa binata at ngumiti pa ito..

Ngumiti na lang din si Jonas at agad hinubad ang damit at short para tumalong sa pool..

"Hoy...wala akong sinabing papahiramin kita ng brip ha.. "Sigaw pa ni Sam sa binata..

Nadatnan ni Kaloy na nakaupo sa labas nila si Ella.

Ngumiti ito agad sa kanya ng makita nya ang binata na sakay ng motor ng kapatid nya..

"Hi Miss..." bati ni Kaloy sa kanya. nalungkot agada ng dalaga ng makita ang pasa ni Kaloy sa mukha..

Di nito napigilang umiyak at maguilty sa ginawa..

Agad nyang niyakap ang binata.. Sobrang namiss nya ito.. Bumuhos ang emosyon nya

.Hindi sya nahiyang umiyak dito..

Humagulhol sya ng malakas ..at wala syang pakialam kung may makarinig ..Sobrang nagsisisi sya at kung nawala ang binata sa kanya, hindi nya alam ang gagawin nya .. mabuti't napaka maunawain ng nobyo nya na pinaglaban sya.. Napakaswerte nya ..Oo

..sobrang swerte nya at hinding hindi nya sasayangin ang swerteng yun. Hinding hindi sya papayag na magkahiwalay pa sila ni Kaloy..

"Oyyy..oyyyy teka ...grabe to" sabi ng binata na agad tinukod ang paa sa lupa dahil ma oout balance sya at tutumba ang motor sa kadramahan ni Ella..

"Ate ..di po kita kilala bakit ka umiiyak sa kin" biro pa nya sa dalaga..

Mahinang suntok ang sagot ni Ella sa kanya..

"Nakukuha mo pang magbiro.. umiiyak ng nga ako..never akong umiyak ng ganito sa harap ng lalaki.. grabe ka ..nakakainis ka

..palagi mo na lang akong pinapaiyak" sabi ng dalaga.

Sumeryoso ang binata.

"Sa susunod kasi.. pag may problema ka

..lagi mong iisipin na may boypren ka para pag sabihan nito.."Ika ng binata ..Inangat ang mukha ni Ella at pinunas ang luha nito..

"Hindi ka na nag iisa ngayon.. Dalawa na tayo" ngumiti pa si Kaloy at niyakap na din ang dalaga..

"Salamat.. .at sorry.. promise.. hindi na mauulit.. hindi na tayo mag aaway ..hindi na ako maglilihim sayo" humihikbi pa din si Ella.

"Marami pa tayong haharapin na pag subok.. alam kong hindi pa ito ang huli..basta sana kahit anong mangyari ..maging matatag ka..di kita bibitawan" sabi pa ng binata sa kanya at sa wakas..sumilay na din ang ngiti sa labi ni Ella.

"Tara na ...hinihintay ka ng iba kong tropa" sabi ni Kaloy.

Nagdalawang isip naman si Ella.

"Baka galit sila sakin" sabi nito..

"Sila ?? galit?? syempre noh.. kaibigan ko sila kaya natural na magalit yun" natatawang sagot ni Kaloy...

"Naman e..wag na tayo pumunta dun... ayaw ko lang ... mamaya sermonan ako ng mga yon..mag dadrama lang ako dun" sabi ng dalaga..

"To naman... galit galitan lang yun sila.. alam naman nila nangyari e..actually nakwento na ba ni Jonas sayo nangyari kanina?" pagmamalaki ni Kaloy...

"Ah oo.. tineks nya kanina, tinulungan ka daw nung mga tropa mo, " sagot ni Ella.

"Nakwento ba nya nung pinatumba ko lahat halos yung 12. .tapos si Ron... tapos nung ano.. tinamaan ako pero tumayo ako ..tapos di namalaya ni Ron yung mabilis kong suntok na nagpabagsak sa kanya" umaakto pa ng suntok ang binata habang nagkekwento..

Natawa naman ang dalaga na may luha pa din sa mata..

"Wala.. wala syang kinwento ,,basta sabi nya binawi mo daw yung ano..." di masabi ni Ella ang video nila.

Natahimik sila..

"Mahal ..yung video..di ko alam yung tungkol dun" panlalambing ni Ella.

"Huh anong video?? wala namang video ah.. may nakita ka bang video. kasi ako wala.. wala din namang kumalat di ba.." nakangiting sagot ni Kaloy..

Napangiti na din si Ella sa narining ..

Napayakap na lang sya ulit kay Kaloy sa pagiging sobrang maunwain nito...

"Tara na.." alok ng binata sa kanya..

Sumakay na ng motor si Ella..

Niyakap nya ang likod ni Kaloy at sinandal ang ulo nya sa likod nito..

"Hmmmm lambot ah" biro ng binata..

Agad namang tinulak ng dalaga palayo sa kanya si Kaloy..

"Yung kamanyakan mo na naman" biro nito... napatawa silang dalawa lalo ng mag wiggle ng konti ang manubela ni Kaloy.

"Wag kang malikot ..mababangga tayo

.."Natatawa pa ang binata..

"Eh ikaw e " sabi ni Ella..

"Yumakap ka na lang dyan"

Ngumiti si Kaloy.. Lihim din na ngumiti ang dalaga..

Maswerte sya ..Maswerte sya kay Kaloy...

Nahihiya pa si Ella na pumasok sa bahay nila Tanya pagdating nila dito..

Nakita nya ang ilang lalaki na naliligo sa pool kasama si Jonas.. May nag iihaw ng barbeq.. Nakahiwalay sa isang mesa si Tanya at ang nobyo nya kasama si Reggie..

"Tol" sigaw agad ni Sam na sumalubong sa kanila..

"Eto na ba? eto ba sya? sya na ba?" sunod sunod na tanong ni Sam.

Napangiti naman si Ella sa inasal ng binata..

Maya maya'y sunod sunod na silang dinumog ng iba..

"Iba ka talaga tol" sigaw ni Clay kay Kaloy..

Napakamot naman ng ulo si Kaloy..

"Pag ganyan talaga ..e makikipag suntukan talaga ako para dyan" sabi ni Sam.

Nakamungot naman na lumapit si Mutya kay Kaloy..

"Kaloy?" tanong nito.. tila di makapaniwala sa nangyari..

"Uy Mutya.. Mika..si Mutya ..ex ko." sabi ng binata at agad iniharap si Ella kay Mutya.

"Bakit.?? anong?? pano?? "Sunod sunod na tanong ni Mutya..

Napatahimik ang lahat..

"Ligo tayo" sigaw ni Kris para ibahin ang usapan at tumakbo sya sa pool..

"Babe...tara.. dun na tayo" sabi naman ni

Dan kay Mutya..

"Kaloy?" tanong muli ni Mutya sa binata..

"Babe.."Saway ni Dan..

"Tol ..ako na magpapaliwanag pasensya na" sabi ni Dan at hinila na ang nobya palayo..

Naiwan si Ella at Kaloy kila Clay, Reggie at Tanya..

"So , ok na kayo?" irap ni Reggie sa dalawa..

"Oo naman.. unang pagsubok na nalampasan" sagot ni Kaloy..

Nakayuko lang si Ella at hindi makasagot..

"Uy bakla.. pinepressure mo yung tao.." saway ni Tanya sa kaibigan.

"Hmm siguraduhin nyo lang ha.. nakaka stress na ang problema" sabi ni Reggie..

"Sorry Reg.. nadamay pa kayo" mahinang sagot ni Ella.. Hindi ito halos makatingin sa bakla..

"Sorry... hindi ka nga makatingin sa mukha ko" sagot ng umirap pa din na bakla.

"Eh alam ko kasing galit ka..natatakot ako..alam ko naman na kasalanan ko" sagot ni Ella.. napangiti si Kaloy sa nobya..

Maging si Tanya at Reggie ay napangiti sa pinakita ni Ella.

"Biro lang yun.. to naman.. basta.. maging matatag na kayo" sagot ni Reggie at tumawa lang..

Nakitawa na din sila Kaloy kaya inangat na ni Ella ang mukha nya..

Ganun na lang ang gulat nila ng makita ang mata ni Ella.

"Grabe.. halatang umiyak ka ng matagal" sabi ng bakla.

"Oo.. sobrang sinisisi ko sarili ko nun..gabi gabi ko naiisip tong kaibigan nyo..buti nga di nya ko sinukuan."Sagot ni Ella.

"Di sumusuko yan" makahulugang sabi ni Tanya..

"Oo kahit sobrang nasasaktan yan madalas" dagdag pa ng bakla. natahimik sila..

" tang ina naman ..OP naman ako sa topic nyo e" singit ni Clay at nagtawanan sila..

Nakitawa na din si Ella.. Maya maya'y huminto ito at tila sumubsob kay Kaloy na may binubulong.

"Ano yun?" tanong ng bakla..

"Ah ..e ano... wala" sagot ni Ella..

"Kaibigan ka na namin Ella..kaya pag may sasabihin ka sa boylet mo..sasabihin mo din samin"Sabi ni Tanya..

"Oo nga" sagot ni Clay..Natawa ulit sila..

"May masabi lang ah" sabi ni Reggie.

"Tinatanong nya si Mutya ..ano daw sinasabi" ika ni Kaloy..

Namutla naman si Ella at siniko pa ang binata..

"Ahhhhhh ... si Ex pala" sabi ng bakla..

"Ganun lang talaga mga Ex Ella.. minsan nasasaktan pa din kapag nakikita na nasa iba na yung mahal nila"Sagot ni Tanya.

"Oo ..di ka ba naman masaktan kapag nakita ang ganito kapogi kay Papa K na pag mamay ari ng iba."Sabi ng bakla..

"Ako nga hurt na hurt e" dagdag pa nito at kunwaring umiyak..

Napatawa sila..

"Si Aira din siguro noh?" singit muli ni Clay..

Natahimik sila..

"Ikaw ..kahit kelan sablay mga sinasabi mo e. .lumayas ka na nga dito" sabi ni Reggie kay Clay..

"Aba..e malay ko ba sa topic nyo.. OP ako e

..OP" natatawang sabi ni Clay..

Ngumiti ng pilit si Kaloy at inakbayan si Ella para ipaalam na wala ng ibang mahalaga sa kanya ..Ang nakaraan o hinaharap. .Ang mahalaga ay ang ngayon..

Maya maya'y sama samang nag tanghalian ang lahat.. Kani kanyang kantyawan at tawanan ..biruan sa mesa..

May kakaibang sulyap naman si Mutya kay Kaloy..

Napapaisip tuloy ito kung anong problema ng dalaga..

"Bukas... pagkagaling sa Work.. diretso dito ha..."Sabi ni Sam sa lahat.

"Hanapin nyo si Brando para di malungkot si

Bakla" sabi ni Tanya.

"Ay kahit hindi na ..happy na ako" pagtanggi ni Reggie..

"Invited po ba ako? tanong ni Jonas na kinatawa ng lahat..

"Oo tropa ka tropa" sabi ni Kris..

"Sadly... hindi tayo kumpleto"Singit ni Mutya..

"Babe" sinaway sya ulit ni Dan..

Natahimik ang lahat..

Si Ella ay napaisip .. Kanina pa din nya napapansin ang tingin ng dalaga kay Kaloy..

"Ok lang ..basta ang mahalaga ..buo pa din tayo" sabi ni Reggie na nagpababa ng tensyon ng lahat..

Nagtuloy sila sa pagkain..

Tiningnan lang ni Kaloy si Ella..

Tahimik ito..

"Ok ka lang" bulong nya sa nobya..

Tumango lang si Ella at ngumiti ng pilit.

Matapos kumain... Nagpaalam na ang lahat para mag hiwa hiwalay.. Hindi kasi sila pwedeng magtagal ng pagsasama ngayon dahil may kani kanyang pasok pa bukas..

"Wag na.. ok na ko...pahinga ka na lang muna..Alam kong masakit pa katawan mo" sabi ni Ella ng alukin sya ni Kaloy para ihatid..

Alam ng binata na may konting tampo ang dalaga gawa ng nangyari kanina..

"Ok ka lang mahal" tanong nito sa nobya..

"Mahal naman..ok lang ako..hindi na tayo mag aaway di ba?" masuyong sagot ni Ella..

Ngumiti si Kaloy.. sapat na yung sagot ng nobya nya para iisantabi ang lahat..

"Wag na wag mo akong iiwan Kaloy" sabi ni Ella sa binata.. punong puno ng pag susumamo ang boses ng dalaga..

Nilapitan ni Kaloy ang dalaga at niyakap..

"Hinding hindi .. hindi ko kaya na magkahiwalay pa tayo" sagot nito..

Agad syang siniil ng halik ng dalaga..

Napailing naman ang ibang nakakita..

"Mamaya nayan" sigaw ni Kris sa dalawa na agad nag bitaw.

"Maaga pa oh" kantyaw ni Clay..

"Sige na mahal.. ingat kayo"Sabi ni Kaloy...

"Hoy..dahan dahan sa pag mamaneho" sabi nito sa kapatid.

"Oo tol.. "Sagot ni Jonas kay Kaloy..

"Anong tol.. hindi kita tropa para tawagin mo akong tol" sagot ni Kaloy.

Napakunot ng noo si Ella ni Jonas sa narinig..

"Kapatid kita..Kuya mo ako.. tawagin mo kong Kuya" nakangiti pa si Kaloy..

Napangiti din ang dalawa sa narinig..

"Kuya.. Sige Kuya" sabi ng natatawang si

Jonas..

"Ang sagwa palang pakinggan" biro ni Kaloy at nagtawanan sila..

Nakitawa din si Ella..

"Bukas na lang mahal" sabi nito .. Tumango lang si Kaloy.

"Sige Kuya" ika ni Jonas at tumawa muli..

Unti unting nag alisan ang lahat at naiwan ulit sila Clay, Reggie at Tanya..

Nagulat pa sila ng makitang naiwan din pala si Mutya at Dan..

"Disappointed ako sayo Kaloy" bulong ni

Mutya sa binata ng lapitan nya ito..

Napakunot ang noo ni Kaloy sa narining ..

Agad umalis si Mutya kasama ni Dan.

"Sorry" sumenyas pa si Dan sa binata..

"Problema nun?" tanong ni Kaloy sa mga naiwang kaibigan..

"Aba ewan" kibit balikat na sagot ng bakla..

"Tara matulog babe" singit bigla ni Clay at niyaya sa loob si Tanya..

"Naglibog na naman tong boypren ko ." tili ni Tanya at sumunod lang sa nobyo..

Naiwan si Kaloy at Reggie.

"Tara matulog Papa K" biro ni Reggie..

Napatawa lang si Kaloy.

Natahimik sila.

"1 year nyo bukas ni Aira ah" sabi ni Reggie.

Napangit ng pilit si Kaloy..

"Na naging 1 day?"Ika nya...

"Hay Kaloy.. ang gulo gulo ng buhay mo" sabi ng bakla..

Natahimik ang binata.

"Mahal mo pa ba ?" tanong bigla ni Reggie sa binata..

Nagulat si Kaloy sa tanong nito.. Nainis pero ngumiti na lang sya..

"Kaw na din nag sabi na pinangakuan nya ako.. niloko..pinaasa.." sagot ng binata..

Katahimikan...

"Oo..pero hindi mo pa din sinagot tanong ko" sabi ng bakla..

Tahimik lang si Kaloy.. Di makagalaw..

Napaisip..

"Mahal mo pa ba?" ulit ng bakla.

Di sumagot si Kaloy..

"Matutulog muna ako...pag isipan mong mabuti yang tanong ko..dahil maraming maaaring mangyari bukas na di natin inaaasahan" makahulugang wika ni Reggie..

Iniwan nya si Kaloy na tulala..

Napaisip si Kaloy..

Sinaktan sya ni Aira.. pero sapat na ba yun para sagutin ang tanong kung mahal pa nya ito..

Si Ella.. ang babaeng bumuo sa kanya ng wasakin sya ni Aira..

Paano nya haharapin ang araw ng minsan naging pinaka importanteng araw sa buhay nya kung maraming katanungan pa din syang gustong masagot..

Nagkibit balikat ang binata..

"Para saan pa ang mga sagot na yun kung nakalipas naman na.. sorry.. engaged na ako kay Ella" sabi ng binata sa sarili at pumasok na din ng kwarto...