1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 2 - Part 12
Pinoy Tambay

Barkada: Book 2 - Part 12

11 minutes

Nagising si Kaloy sa pagyugyog sa kanya..Masakit ang katawan at ulo nya..

"Anong nangyari tol" tanong ni Jonas sa binata..

"Bat nag pabugbog ka?" tanong pa nito..

Hindi sumagot si Kaloy.. Naalala nya ang nangyari..

Napatapik sya sa mukha at di napigilan ang emosyon..

"Tol" ika ni Jonas..

Di sumagot si Kaloy ..Tumayo lang ito at inayos ang sarili...

"Kailangan ko ng umalis ...salamat sa pag gising sakin" sabi nya kay Jonas..

"Hatid na kita" sabi sa kanya ng binata..

"Wag na... kaya ko na to" pag tanggi ng binata..

"Lagot ako kay Ate kapag pinabayaan kita" sabi ni Jonas sa binata at wala ng nagawa si Kaloy kundi sumakay sa motor ni Jonas para ihatid sya..

"Salamat tol" sabi ni Kaloy sa binata pag dating nila sa bahay nila Tanya.

Ngumiti lang si Jonas..

"Pasok ka muna kaya?" alok ni Kaloy sa binata.. Pumayag naman si Jonas.. alam nya kasi na kailangan ng binata ng kausap..

"Kumusta na kayo ni Leslie?" tanong nito sa kanya.

"Ok na kami... sinagot na nya ako..it turns out na nag seselos lang pala sya sa mga natili sakin..then the rest is history na" sagot ng binata.

Ngumiti lang si Kaloy.

"Buti naman" ika nito na hinihimas pa ang mukha..

"Papa K" tili ni Reggie ng makitang nakipag away na naman si Kaloy...

"Pwede mo namang daanin sa usapan e bakit ka pa nakipag away" sabi ng bakla kay Kaloy.

"Madami sila kaya ako nabugbog ..Pero kung hindi sila madami... uubusin ko talaga ngipin nung Ron na yun" sabi ni Kaloy..

"Yan... yan dyan ka magaling ..sabing iwasan na ang makipag away" ika ng bakla..

"Pasensya na sa Ate ko tol .di ko na din alam nangyayari sa kanya e.. ibang iba na sya ngayon.." sabi ni Jonas.

"Haay ....kasalanan naman pala nung Ella

..tapos papatay ka na ng iba para lang dun" sabi ng bakla.

"Hoy bakla kanina ka pa..wag mo ngang paguluhin sitwasyon" saway ni Tanya sa bakla..

"Bakit totoo naman ah.. katulad din sya ni Aira.. iiwan at paaasahin si Kaloy..sasaktan.paglalaruan" sabi ni Reggie.

"Sorry po.. pero ..sigurado po ako na may ibang dahilan..di po ganun si Ate" pagtatangol ni Jonas sa Ate nya..

Ganun nga ba..Wala sa tamang pag iisip ngayon si Kaloy..basta ang alam lang nya..Masakit ang ginawa sa kanya ni Aira.. pero mas masakit ang ginawa sa kanya ni Ella..

Sana lang may dahilan kung bakit nangyayari ito sila..

Maya maya'y nagpaalam na si Jonas para umuwi.

"Promise tol.. i'll do my best..pasensya na ulit" tumango lang si Kaloy sa binata...

"Ginagawa ka lang nilang good for one day...gumising ka nga .akala ko ba para sa sarili mo na this time?" sumbat ng bakla kay Kaloy.

"Haay ..ano ba yan...sa lunes na ang anniversary ng tropa.. tapos may problema na naman..naku..ayaw ko na ..nakakastress na" sabi pa ng bakla.

"Eh di mo naman mapipigilan yun sila.. automatic na pag anniversary natin ay nag susulputan na yun sila..kaya di pwedeng hindi yun sila pupunta dito" sabi ni Tanya..

"E di wag mo sila papuntahin dito..problema ba yun? ganun lang .." sabi ng bakla..

"Parang may iniiwasan ka ah" pagdududa ni Tanya..

Tumahimik lang ang bakla.. Agad napangiti si Tanya sa naalala..

"Si Brando nga pala" sabi nito .. Lalong nanahimik ang bakla..

"Basta..wala munang reunion" sabi ni Reggie..

Diretsong naglakad si Kaloy sa kwarto nya.. masama ang loob nya..masakit ang katawan nya.. kailangan nya muna siguro magpahinga...

Kinabukasan .... Maagang pumunta si Jonas kila Tanya...

"Si Kaloy po?" tanong nya sa Maid na nagbukas ng gate.

"Ah si Sir.. tulog pa po ata..." sabi ng maid.

Napailing si Jonas.

"Pagising naman po sya ooh..pasabi si Jonas po ..tungkol kay Ella..please " sabi ng binata na hindi makapasok sa gate.

Agad sumimangot ang Maid.. Madami pa syang gagawin at eto ang hindi nya kilala na nag uutos sa kanya.. Pero mukhang importante kasi ang sasabihin nito kaya agad syang pumunta sa kwarto ng binata at kumatok..

"Sir.. may naghahanap po sa inyo" paulit ulit ang katok ng Yaya ngunit hindi nalabas si Kaloy..

Gising ang binata ngunit ayaw nyang bumangon.. nainis ang maid sa binata..

"Ella daw ang pangalan" sigaw nito.

Agad bumalikwas si Kaloy ..nanlaki ang mata.. bumilis ang tibok ng puso..Nasa labas si Ella? pero bakit?

Agad lumabas ang binata..

"Morning Yaya" bati nito at dire diretsong pumunta sa gate ..

Nadatnan nya duon ang nakangising si

Jonas.

"Putang ina naman tol" galit na bati ni Kaloy na sinuntok pa ang gate ng malaakas..

"Wag mo naman akong gaguhin" sabi pa nya...

Nakaramdam naman ng takot ang binata..

"Tol .tol..sorry, may sasabihin lang ako..si

Ate" sabi ni Jonas.

"Ano?" tanong ni Kaloy..

"Eto ..."Agad inabot ni Jonas ang sulat kay Kaloy..

Binasa ito ng binata.. naghalo ang emosyon nya sa nabasa..

Kinusot nito ang papel at galit na tumingin kay Jonas..

"Alam mo ba tambayan nila Ron?" tanong nya sa binata..

"Oo sa parke sila madalas" sagot ng binata

Binuksan ni Kaloy ang gate.. pasok ka muna.. Pupuntahan natin sila..

Umalis si Kaloy para iwan si Jonas at puntahan si Tanya..

"Pakibilisan na lang Tanya" sigaw nito.

"Opo kamahalan" sigaw ng dalaga.. Di ito pinalampas ng tenga ni Jonas..

"Kamahalan?" tanong ng binata kay Kaloy at tiningnan ito ng masama..

"Oo..kamahalan..mahal na hari...nag utos ako sa kanya di ba?" palusot ni Kaloy..

"Ngumiti si Jonas...susumbong kita kay Ate" sabi nito ..Ngumiti lang si Kaloy..May dahilan na para ngumiti sya.

Mahal na mahal sya ni Ella.. at hindi sya makapapayag na mawala ito ng ganun lang.. Manangot ang dapat managot kahit dumanak ang dugo,, ipaglalaban nya si Ella.

"Saan? "Galit na tanong ng bakla..

"Huhuntingin yung Ron" sagot ni Kaloy.

"Away na naman?" ika ng bakla at napailing..

"Reggie.. may kasalanan si Ron.. kailangan nyang managot ..kailangan kong ipaglaban si Ella" sabi ng binata.

Sumimangot lang ang bakla na tila hindi pa din kuntento sa sagot ni Kaloy..

"Mahal na mahal ko sya Reggie at hindi na ko makakapayag na mawala ulit yung taong mahal ko dahil di ko sya naipag laban" sabi pa ng binata..

Napangiti si Reggie..

"Pasalamat ka kaibigan kita at Pogi ka" sabi ng bakla at wala na itong nagawa kundi samahan ang dalawa sa parke..

Sa Parke .. naabutan nila Kaloy na nakatambay sila Ron... Nagtatawanan pa ito sila.. Puno ng galit si Kaloy.. agad syang lumabas ng sasakyan ng makita sila Ron.

Bumaba naman ng motor nya si Jonas at agad sumunod kay Kaloy.

"Sama ako" sigaw nito..

Natahimik ang grupo nila Ron ng dumating si Kaloy..

"Oh ..may bisita tayo" biro ni Ron... at nagtawanan sila..

"Gusto at ulit magpabugbog" sabi ni Ben at lalong lumakas ang tawanan..

"At nagsama pa ng bading" kantyaw ni Ron kay Jonas..

"Bading ,,ikaw ang bading ..nag tatago ka sa likod ng mga katropa kuno mo.." sabi ni Kaloy..

"Ginagamit mong panakot ang video nyo ni

Mika" sabi pa nito..

"Ow..alam na pala nya.. madaldal talagang bading yang kasama mo" sagot ni Ron..

"Tol.. ibigay mo sakin yang cellphone mo at promise..papaligtasin kita ngayon" sabi ni Kaloy kay Ron..

Nagtawanan ang lahat..

"Kung gusto mo itong makuha ...Kunin mo

.."Seryosong sabi ni Ron..Agad namang humarang sa pagitan nila Kaloy at ni Ron ang 15 tropa nito..

Umatras si Kaloy.. alam nyang mahihirapan sila dito lalo't hindi naman sanay sa suntukan si Jonas..

"Takot? duwag pala to e ..pupunta punta dito tapos maduduwag" ika ni Ben at nagtawanan sila...

"Duwag ?? kahit kelan hindi ko kinailangan ng ibang kasama para lang bumugbog ng isang tao..ikaw? kayo? nag tulong tulong pa kayo ako lang naman kaaway nyo" sabi ni Kaloy.

"Tol Ron...last na to.. ibigay mo na sakin yung cellphone mo at pangako..palalampasin ko to.." sabi ni Kaloy..

"Why don't you step up and kunin ito sakin" hamon ni Ron.

"Ikaw bahala...didiretso akong lalapit sayo"Sabi ni Kaloy...

Itinuro naman ni Ron ang mga tropa nya..

"Asikasuhin mo muna sila bago ako" sabi nito..

"Tinatamad ako sa kanila e..ikaw ang gusto kong asikasuhin.."Seryosong sabi ni Kaloy..

"Ikaw bahala..di mo kilala ang binagga mo.." sabi ni Ron at aktong lalapit na kay Kaloy ang 15 nitong tropa ay may pumaradang sasakyan sa tapat nila..

"Syeeeet" sabi ni Reggie..

"Tol.." bati ng binata..

Agad ng tinginan sa kanila ang lahat..

"Long time ah..sinong gugulpihin" nakangiting tanong ni Dan..

"Oo nga tol..suntok na suntok na ako" hirit ni

Kris

"Sila ba? sila yung sinasabi ni Tanya na bumugbog sayo???" tanong ni Clay at lumapit kay Ben.

Agad nya itong sinuntok ng gigil na suntok na nagpatumba sa malaking senior.

"Mga bakla.. kailangan pa ninyong magtulong tulong para sa isang tao..nagkamali kayo ng binangga..sadly tropa nyang binugbog nyo ang mga pinakamararahas na tao sa lugar natin"Sabi ni Sam..

Napalunok ng laway sa nasaksihan si Ron.

Di sya makapaniwala.. Nasa harap nya ngayon si Dan..Kilala nya ito at matindi itong makipag away...

Tatakbo na sana ang binata ng hilain sya ni Kaloy..

"Putang ina tatakbo yung boss nila" kantyaw ni Clay..

"Akin na ang cellphone" sabi ni Kaloy ..agad itong inabot sa kanya ni Ron.. hinagis naman ni Kaloy ang cellphone kay Clay..

"Pakilinis tol" sabi ni Kaloy sa kaibigan.."Wag mong sisilipin yung video" banta ni Kaloy..

"Oo naman ..grabe naman to" sagot ng natatawang si Clay..

Natameme naman sa nasaksihan si Jonas...

Nainggit sya sa pagkakaibigan ng 5 lalaki na nasa harap nya.

"Tol linis na ..itabi mo na lang tong mem card nya..nanjan ang video" sabi ni Clay at ibinato kay Kaloy ang cellphone.

Kinuha ni Kaloy ang mem card at sinoli kay

Ron ang cellphone..

"Kung may kopya ka pa, itago mo na ..dahil pag may kahit isang video ako na nakita o nalaman na kumalat... babalikan kita at uubusin ko na talaga ngipin mo" sabi ni Kaloy..

Napalunok ulit ng laway si Ron..

Maging ang mga tropa nya ay nakatulala sa nangyari.. Kung napabagsak ng isa sa kanila si Ben sa isang suntok..pano pa sila?

"Wag ka ng lalapit kay Jonas at kay Mika" sabi ni Kaloy kay Ron at binitawan ito..

Tumango lang ang binata at tumakbo na akala mo'y nakakita ng multo. Sumunod na nag takbuhan ang mga tropa nya..

"Tol" sigawan ng lima ng matapos ang gulo..

Nagkasama sama na naman sila at alam nilang may masayang alaala na naman silang gagawin.. Lalo't nalalapit na naman ang reunion..

"Namiss ko kayo mga tol" umiyak kunwari si

Clay...

"Putang ina..tigilan mo yan Clay.. nadadamay ako " ika ni Kris at umiyak din kunwari.

"Hoyyy tang ina wag nga kayong mga ganyan...para kayong mga bakla" sabi ni Kaloy at nagkantyawan lahat sa narinig na sinabi ng binata..

"Sino kaya ang umiyak ng sobra last year" banat ni Sam at nagtawanan sila..

Natahimik sila bigla ng pare parehong naisip ang nangyari kay Kaloy ..Si Aira..

"Tol" tila nag alala si Dan ng makitang malungkot si Kaloy.

"Ok lang ako tol... masaya ako ng ayon..heto't alam kong nabawi ko na ang girlfriend ko sa asungot na yun" sabi ni Kaloy

...

"Nga pala si Jonas.. future kapatid ko" inakbayan ni Kaloy si Jonas at iniharap sa tropa..

"Aba ..e tropa na yan .." sabi ni Clay.

"Tropa na yan" sabi din ni Kris at agad sumakay sa motor ni Jonas..

"Dito ko tropa ha..peram muna..testingin ko lang" sabi nito kay Jonas.

"Hoy..ang kapal ng mukha nito...tol wag mong pahiramin yan" sabi ni Dan kay Jonas natuwa si Jonas sa narinig.. tinawag sya nito ng "Tol"

"Ok lang ..basta ingatan mo" sabi ni Jonas at ibinato ang susi kay Kris...

"Wag ka ng umasa na buo pa yan pag uwi natin"Bulong ni Kaloy sa kanya.

"Oh tara ..sinong sasakay sa likod ko" alok ni

Kris.

"Si Sam. ..lagi kayong magkasama di ba, " sagot ni Clay..

"Not now ...not now" sagot ni Sam at nagtawanan lahat ..Nakitawa na din si

Jonas..

"Kayo tol?" tanong ni Dan kay Jonas..

"Ah may sasakyan kami..si Reggie" sagot ni Kaloy..

"Si baklaaa"Sigaw ng lahat at excited na sinugod ang bakla na kalalabas lang sa sasakyan...

"Syeeeet..,ampopogi nyo lalo. namis ko kayong lahat" sabi ni Reggie..

"Anniversary bukas ...may mga pasok naman.. monday" sabi ni Clay..

"Oo eh..so wala munang set" sagot ni Reggie..

"Anong wala... may gabi naman ah" ika ni

Dan.

"Ah -eh ..."

"Wag ka ng umangal..basta bukas ng gabi..

Set na" sabi ni Sam at nagtawanan sila.. napatawa na lang din si Reggie.. Wala na syang nagawa ..namis din naman nya ito sila.

Masayang pumunta ng bahay nila Tanya ang lahat .Pero kung may pinakamasaya sa kanila .. Si Kaloy yun.. isang pag subok ang nalampasan nila ni Ella.. Alam nyang hindi lang ito ang pagsubok sa kanila... madami pa .pero handa na syang harapin lahat.. kahit ano...basta para kay Mikaella Reyes..