1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 2 - Part 1
Pinoy Tambay

Barkada: Book 2 - Part 1

11 minutes

"Narinig nyo na yung balita??"

"Dito daw mag aaral yung heartrob ng San Agustin College"

"Yiiiiee.. nakaka excite naman"

"Dapat mapansin nya ako.."

"No ako dapat" kabi kabilaan tilian sa unang araw ng pasukan..

Ang San Martin College of Technology o SMCoT ay isa sa tanyag na paaralan sa lugar ng San Martin.. Hindi dahil sa dami ng mga matatalino at sikat na estudyante dito kundi ito lang naman kasi ang pinakasakit sa ulo na paaralan sa buong lugar nila..

"Sigurado ka?? dito ka na talaga?" tanong ni Reggie kay Kaloy..

"Oo nga bakla.. ano ka ba.. kita mong dyan nga sya nag enroll di ba..Education pa ang course.. grabe... ang tali talino" sagot ni Tanya..

Tiningnan ng dalawa si Kaloy..

'"Syeeeet bakla.. naiinlove na naman ako.." ika ni Tanya habang pumipikit pikit pa kay Kaloy.

"Haay gumana na naman kalandian mo.. alalahanin mo..Aira is just one text away" hirit ni Reggie..

Napasimangot naman si Tanya..

"Ikaw kahit kelan panira ka talaga ng moment e.."Sabi ng dalaga.

"Talaga.. di kayo dapat magkaroon ng Solo time ni Papa K noh" sabi ng bakla..

"Dapat kami lang " hirit pa nito at nagpaganda kay Kaloy..

"Syeet nakakapanibago ka talaga Kaloy.. kung siguro nakita ka ni Aira ng ganyan ngayon aba..baka di na yun sumama sa

Amerika" sabi ni Tanya..

Inalis ng binata ang balbas at bigote nya at pinagupitan din ng clean cut ang mahaba nyang buhok, kung titingnan ay di mo iisiping

24 na ang binata.. parang kasing edad lang nya ang ilan na nakikita nila sa School.

"Sige na sige na ...first day ng school e ginaganyan nyo ako" sabi ni Kaloy at pinalayas ang dalawa..

"Anong oras kita susunduin future Husband" tanong ni Tanya..

"Hoy.. future husband ka jan, May boyfriend ka at may girlfriend yung tao.. flirt" saway ng bakla.

"Di na.. kaya ko ng umuwi mag isa " sagot ni Kaloy..

Maya maya'y umalis na ang dalawa...

Humirit pa ng goodbye Kiss si Tanya pero katulad ng mga naunang panlalandi nya kay Kaloy, di ito umubra dahil kasama nya ang bakla..

Tahimik na nilakad ni Kaloy ang daan patungo sa gate ng school.. Naninibago sya..

Ni wala syang kilala kahit isa..

Nilibot nya ang sarili at nakita ang ilang freshmen na inuutusan ng sa tantya nya ay

Senior or Junior. Ang iba pa ay sinisikmuraan kapag umaangal..Napailing ang binata..

Mukhang mahihirapan sya bago matupad ang balak na sundan si Aira..

Tinitigan nya ang bagong tattoo nya sa daliri na pangalan ng dalaga.. Hinalikan nya ito at kinausap.

"Magkakasama tayo ulit.. may pangako tayo di ba"Sabi nito at ngumiti..

Ready na sya..

Normal na normal ang lakad ni Kaloy..

Ginagala nya ang mata para maghanap ng pwedeng kausapin pero lahat halos ng first year ay tahimik..

"Ayyyyyyy...."Nagulat ang binata ng mapuno ng tilian sa nilalakaran nya.

"Putang ina" napamura si Kaloy at tiningnan ang pinag mulan ng tilian ng lahat..

Napasimangot sya ng makitang bumaba mula sa sasakyan ang isang lalaking Tisoy..

Maputi ang kutis.. Singkit... at maganda ang ayos ng buhok.. Nakangiti pa ito na tila akala mo'y artista..

"Putang ina..sino to" tanong ng binata sa nakita..

"Ampogi pogi mo" sigaw ng isang bakla.

"I love you Jonas" sigaw pa ng isang babae,,

Napailing si Kaloy.. mukhang mali ang school na pinasukan nya..

Pakaway kaway pa ang binata habang naglalakad.. Kumbaga feel na feel nito ang tilian ng bawat estudyante...

Hinintay ni Kaloy na dumaan ito sa harap nya .At ganun na lang ang gulat nya ng biglang may tumulak sa kanya na kung sino, maya maya'y dumami na ang sumagasa sa kanya.. Umiwas na lang ang binata..

Napaisip sya..

"Di naman sya kagwapuhan ah" sabi nito sa sarili at napangiti...

Maya Maya'y nag salita ang isang babae na sa tantya nya ay Principal nila.

Pinahanay sila according sa Year at Course nila.. Sa Wakas.. Nakita din nya ang mga mukha ng mga kaeskwela nya sa isang buong taon ng pag aaral nya..

Boring. .Oo ..boring na boring sya... Pero para kay Aira.. tatapusin nya ito..

Tahimik ang hanay nila.. Kundi lang dahil sa dalawang bakla na nandun e hindi magkakaroon ng sigla ang hanay nila Kaloy..

Nasa dulo lang ang binata at minamasdan ang lahat.. Napakaraming babae.. Namulat ang mata nya sa napakaraming magagandang babae.

Maraming kung ano anong sinabi ang ilang personalidad ng school sa harap ngunit wala syang natandaan..

"Welcome sa lahat" tanging narinig nya kasunod ng palakpakan at unti unting pumasok na sila.

Maging sa paglalakad patungo sa klasroom nila ay tahimik lang si Kaloy.. Wala pa din syang kasabay. Wala naman syang panahon para makipag kaibagan ..Ang gusto lang nya ay makatapos para magkatrabaho na agad..

Pero ganun na lang ang gulat nya ng may kumalabit sa kanya..

"Hi" bati ng dalaga na nasa likod nya..Nilingon ito ng binata..

"Hey"Sagot ni Kaloy at agad bumalik ang tingin sa harap nya...

"Hi Kuya..ako si Mara" sabi ng bakla na agad yumakap sa braso nya..

"Ako si Bonny"Sabi din ng isang bakla at yumakap sa kabilang braso nya..

"Hoy Marlon.. Bon.. magtigil nga kayo.. ang lalandi ng mga to" saway ng dalaga sa kanila..

Tiningnan ni Kaloy ang dalaga.. Maganda ito pero mas maganda pa din si Aira para sa kanya..Ewan ..Hindi nya alam pero simula nung nagkita sila ni Aira.. Wala na syang nakitang babae na mas maganda pa dito..

"Highschool ka ?? or elem?"Tanong ng dalaga sa kanya..

"Highschool" tipid na sagot ng binata..

"Ohhh talaga" nagkaron ng interest ang dalaga sa narinig.

"Anong major?" tanong nito muli..Napairap si Kaloy..

"History" sagot ng binata.

"Ay sayang ..Math ako" sagot ng dalaga..

Napailing si Kaloy..

"Bakit sayang?" tanong nya

"Eh kasi wala syang ka close kundi kaming dalawa lang .e elementary kami" sagot ni

Marlon..

"Oo nga ,..hmmmm ang bango bango mo

Kuya" sabi ni Bonny at inamoy pa ang braso ng binata.

"Anong pangalan mo Kuya" tanong ni Marlon sa binata...

Di sumagot si Kaloy.

"Mamaya na ..magpapakilanlan din tayo sigurado mamaya" sagot ni Kaloy at kumalas sa dalawang bakla at tumakbo palayo.

"Sungit" narinig nyang sigaw ng dalawa ng alis nya..

Sa classroom ..katulad ng inaasahan ni Kaloy.. Pakilanlan muna..

Nakasubsob ang mukha ng binata sa upuan nya..Ilang pangalan ang narinig nya.. Hindi nya ito sila pinansin. Binaling nya ang tingin sa kanan nya at nakita ang dalaga kanina.

"Hi" sumenyas ito na kumaway sa kanya..

Iniwasan nya naman ng tingin ito.

"Sana andito ka na lang" sabi ng binata sa sarili at muling naalala si Aira..

"Mister ...you...Hey" sigaw ng Guro nila.

"Huy tawag ka ni Maam" naramdaman ni Kaloy na may kumalabit sa likod nya..

Nakaidlip pala sya..

"First day of school natutulog ka" nasa tinig ng guro ang pananakot . Sanay na si Kaloy sa ganito..

"Pasensya na ho...nakakaantok lang kasi talaga yung ganito.. Kailangan ba talagang magpakilala ng lahat.. mag aral na lang tayo agad para matapos na to" sagot ng binata..

Ni hindi man lang sya tumayo.

Nainis ang guro sa kanya lalo ng nagtawanan ang kakalase nya..

"Anong pangalan mo?" tanong ng guro nila..

"Carlo po"Sagot ni Kaloy..

"Stand up"Utos ng guro.. matamlay na tumayo si Kaloy..

"Introduce yourself"Nasa boses ng guro ang paninindak.. Napakamot lang ang binata..

"Hi. my name is Carlo Bautista.. 24 years old" sabi ni Kaloy..

Nakita naman nyang nilista sya ng teacher sa notes nito..

"Im gonna put your name in the list" sabi nito..

"Nice then babawasan agad ang grade ko..seriously. .simula pa lang ng klase" sabi ni Kaloy bago umupo.. Nagtawanan sila..

Maya maya'y may lumapit na dalawang lalaki kay Kaloy..

"Tol.. Bryan" sabi ng isa..

"Kian" sabi din ng isa.. Sa unang tingin ay alam na ni Kaloy na jologs ang dalawang ito.

"Kita mo yun si Leslie?" sabi ni Bryan sa kanya.. Tila tinatamad naman si Kaloy na ibinaling ang mata sa itinuturo ng binata..

"Kanina ka panun tinitingnan tol.. crush ka ata agad" sabi ni Bryan..

Nagulat pa si Kaloy ng makitang ang babaeng tinuro ni Bryan ay ang babae kanina..

Kasama na din nito ngayon ang dalawang bakla..

Ngumiti lang si Kaloy...

Naalala nya ang sarili sa isa sa kanila..

Parang magtotropa din ang lima..

"Tropa kayo?" tanong ni Kaloy.

"Oo tol... magkakaklase kami nung Hayskul" sagot ni Kian.

"Good" tipid na sagot ni Kaloy pero ang totoo'y naiinggit sya dito sila dahil nakasama nito sila ang mga kaibigan ng mag college..

"Sama ka samin minsan.. para di ka naman mag isa dito" yaya ni Bryan sa kanya..

"Oo tol... pwede mo naman kaming maka close. pag kelangan mo ng kasama" sabi pa ni Kian..

"Ok sige. .pag may time ako" sagot ng binata..

"Sige tol.. balik na kami dun. inutusan lang kami ni Leslie e" sabi ni Bryan at iniwan na nila si Kaloy..

Muling tiningnan ni Kaloy ang gawi nila

Leslie..

Nakatingin pa din ito sa kanya.. Nginitian pa sya nito ng magtama ang paningin nila.

"Ang landi" bulong ni Kaloy at napangiti.

Break time..

Mag isang kumakain sa mesa si Kaloy..

Magulo ang kainan nila .. May mga grupo ng feelingero... May grupo ng mga malalanding babae .. may grupo ng mga nerd at may grupo ng mga naghahari harian..

Sa katapat na dako niya ay nakita nyang magkakasama ang tropa nila Leslie..

Napansin din nya na tropa din pala nito ang kaninang tinitilian na si Jonas at ang dalawa pang babae na hindi nila kaklase.. Masayang nag kwekwentuhan ang lahat.. maya maya'y napansin nya na may apat na lalaking lumapit sa kanila.. Napaisip si Kaloy at minasdan ang mangyayari.

Dinakot ng isang lalaki si Jonas at sinakal sa kuwelyo.

"Di porket tinitilian ka ay pwede ka ng mag feeling pogi dito ha...at ano?? aagawin mo ang mga syota namin" sabi ni Ben..isang 4th year Crim student..

"Mga Kuya-"Balak pa sanang umawat ni Bryan ng hawakan sya ng isang lalaki.. wala namang nagawa si Kian kundi umupo at kumain.

"Hoy tama na nga yan...mga kuya.. nananahimik kami e" sabi ni Marlon..

"Wag kang makialam .sisikmuraan kita" banta ni Ben at natahimik ang bakla.

Umiling si Kaloy sa nakita.. Agad nyang inubosa ng kinakain at lumapit kila Leslie.

"Mga klasmeyt anong meron" bati ni Kaloy kunwari..

"Psssssst" siniko naman sya ng bakla para sawayin..

Pangiti ngiti lang si Kaloy habang tinitingnan ang lahat.. Maganda din ang dalawang babaeng kaibigan nila. . at magaganda din ang katawan..

Napangisi tuloy ang binata..

"Hoy.. anong nginingiti ngiti mo?" tanong ni Ben sa kanya..

"Pake mo.."Sagot ni Kaloy sa kanya.

"Tol" suway ni Kian kay Kaloy.. alam kasi nilang kinatatakutan si Ben sa paaralan at siguro'y hindi ito alam ni Kaloy.

Binitawan ni Ben si Jonas at binaling kay Kaloy ang tingin..

"Di mo ba ako kilala" tanong nito kay Kaloy.

"Hindi" sagot ng binata..

"Pero alam ko na mahilig kayo mangtrip ng mga takot sa nyo" sagot pa nito..

"Ah freshmen din ata tol" sabi ng isang kasama ni Ben..

"Kaya pala hindi mo kami kilala e" sagot ni Ben at kinuyumos ang kuwelyo ni Kaloy.

Napangiti si Kaloy..nagsalubong ang kilay ng binata..

Napailing lang sila Bryan ..Ni wala silang magawa dahil takot sila kila Ben..

"Mga Kuya..tama na yan" sabi ni

Leslie..Wala namang nakinig sa dalaga..

"Bitawan mo ako" bulong ni Kaloy kay Ben..

Napatawa lang si Ben pati mga kasama nito.

"At anong gagawin mo kapag di kita binitawan" tanong nito..

Ngumiti si Kaloy.

"Uubusin ko ngipin mo" sagot ng binata..

Muli silang nagtawanan..

Sa pagharap ni Ben sa binata ay sinuntok nya agad ito sa mukha.. Tumapon ang isang ngipin nito na natanggal sa lakas ng suntok ng binata..

Agad nyang hinawakan ang kamay nito at pinilipit .Sinipa ang isang susugod sa sikmura at ginamit si Ben na pansalag sa sumuntok.. Tapos ay sinipa muli ito sa gawi ng isa pang susugod..Bagsak ang tatlo habang namimilipit sa sakit si Ben na hawak hawak ni Kaloy ang kamay na pinipilipit nya..

"Uyyyyy....tang ina ..galing tol" sigaw ni Bryan sa nasaksihan..

Napatili naman ang mga bakla sa bilis ng nangyari.. Si Leslie ay lalong nahumaling sa binata .. Tinitigan lang nya ito na parang superhero sa pelikula...

"Sas susunod. pipiliin nyo titripin nyo ha,, wag sila ..iba nalang.. maliwanag" tanong ni Kaloy kay Ben na dumudugo ang nguso..

Tumango lang ang binata..

"Maliwanag" sigaw ni Kaloy at pinilipit muli ang kamay nito..

"Araaaaaaayyyy o-opo... opo...sorry po" sagot ni Ben.. kasunod nito ay hinagis sya ni Kaloy palayo. Agad nagtakbuhan ang apat ng bitawan ni Ben si Kaloy..

Para silang nakakita ng multo.

"Ano ..takbo pa ..takbuhin pala kayo" sigaw ni Bryan at nagtawanan silang nasa mesa...

Si Kaloy naman ay bumalik din sa Mesa nya..

Tiningnan sya ng lahat..

"Tara" yaya ni Leslie sa mga kaibigan.. Unti unti ..nagsi tayuan sila para lumakad palapit ka Kaloy..