1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 1 - Part 7
Pinoy Tambay

Barkada: Book 1 - Part 7

12 minutes

Sa isang lamesa ay magkakasalong kumain sila Dan, Ram, Clay, Mutya, at Tanya habang sa kabilang lamesa naman ay tipon tipon ang natira. Labis na halata na mas masaya sa lamesa nila Kaloy dahil kani kanyang biruan sila lalo't bida na naman ang bakla sa pag papatawa. Sa gitna naman ng tawanan ay may malagkit na tingin si Angel kay Kaloy. Di naman ito pinansin ng binata.. Ayaw nyang sumpungin sya ng libog lalo't magkakaharap sila..

"Panong nangyaring nanduon yung syota mo tapos ikaw ay mag isa dito, grabe na yang pagka martyr mo Raymart ha" sumbat ni Dan kay Ram habang kumakain. Hindi naman nag sasalita si Ram, dire diretso lang itong kumain ngunit halata sa binata ang pagkainis.

"Ano?" tanong ni Clay ng makitang walang halos masabi ang kaibigan.

"Nakita ko sila kanina sa garden, magkasama" sa wakas nag salita na rin ang binata. Nabitawan ni Mutya ang kutsara't tinidor sa narinig, bumagal ang pag nguya at tiningnan si Ram, hinintay ang susunod na sasabihin nito.

"Yari ka" bulong lang ni Tanya sa sarili at ngumiti.

"Putang ina" tanging nasabi ni Dan.

"Dan, nasa hapag kainan tayo" saway naman ni Mutya.

"Hindi ko alam, hindi ako sigurado, medjo sabog ako nung kanina pero nakita ko silang naghalikan" paliwanag ni Ram. Lahat naman ay nagulat sa narinig.. Pinandilatan ni Dan si Ram, at siniko naman ni Clay ang katabi.

"Teka ..ano yun? sabog?? halik?" tanong ni Tanya matapos iluwa ang pagkain sa bibig para makapag salita agad.

"Sabog? like ..weeds?? marijuana??" dagdag pa ni Tanya..

"Ah- ah teka.. hindi.. hindi yun ganon, sabog, wasak, term namin kapag medyo hilo kami, nagkainuman kami kanina ng konti at itong si Ram.. mahina palang uminom" sagot ni Dan. sinipa pa nito ang binti ng binata. Tila naintindihan naman ni Ram.. nadulas sya sa pag sasabi. Tahimik ang lahat, ang dalawang babae ay tila hindi kontento sa paliwanag ni Dan. Tinitigan lang sya ng masama ni Mutya..

"Babe.. comon..ano na namang titig yan." ika ni Dan kay Mutya ngunit hindi umalis ang tingin nito sa boypren,

"Clay nag mamarijuana ka? punyeta ka ha..malaman laman ko lang na bwisit ka" sabi naman ni Tanya sa boypren

"Mahal hindi ah.. clean ako.. clean kami.. kahit pa drug test pa.." kunwaring sabi nito .. Unti unting tila naniwala na si Tanya at sinamantala na ito ni Clay.

"Mahal, never ko gagawin yung mga bagay na magpapagalit sayo" panunuyo nito at walang sabi sabing niyakap ang dalaga.

"Babe, never akong tutulad sa past mo, ano ka ba? nagdududa ka na ba sakin ngayon?" ika naman ni Dan kay Mutya. Hindi pa din nagsasalita si Mutya.

"Grabe naman Envy, kung sa 2 taong relasyon natin e nalaman mo na nag ganon ako saka mo ako pag dudahan ,pero di naman di ba?" dagdag pa ng binata. Sa wakas ay tila humapo na din ang pagdududa ng dalaga.. Oo nga naman, walang dapat ipag duda si Mutya.

"Si Kaloy lang ang may potential sa ganon. Like Father, Like Son" sabi pa ni Clay sa kanila. Tahimik lang si Ram. Sinamantala nya ang diskuyon ng apat para kumain.

"Oo.. nahuli ko sya na madaming marijuana at may tanim pa sa bahay nila" sagot ni Mutya.

"But you never caught him using that sis" pag tatanggol naman ni Tanya.

"Nag yoyosi sya at may pipe sya.. ano gusto mo isipin ko dun Tanya" pambabara ni Mutya.

"Well.. maybe -"

"Tanya, wag mo ng ipag tanggol si Kaloy, hindi mag tatanim at hindi mag tatabi ng marijuana ang isang lalaki sa bahay nya kung hindi nya ito ginagamit, ano yun? bubulukin nya?" sabi ni Dan at nagtawanan sila ni Clay.

"Stop it.. Ram ano nangyari sa kiss nila" pampuputol ni Mutya sa dalawa.

"Hmmmm" tila wala sa sarili si Ram ng marinig si Mutya.

"Wala ..ano nag kiss sila ata. Nakita ko tumingkayad si Aira e, tapos sila lang dalawa dun, obvious naman na ata yun" sagot ni Ram habang dire diretso lang sa pag intindi sa kinakain nya.

"Go Aira" biro ni Tanya sabay malanding tumawa.

"What?? so ganun lang?? tang ina, wala ka talagang kwenta.. duwag" ika ni Dan kay Ram.

"Anong gusto mong gawin ko Dan. May isip na si Aira. Kung hindi nya gusto, pipigilan nya yun" sagot ni Ram. hindi na napigil ng binata ang inis kaya sumagot na ito. Sa lumipas na taon ng pagiging mag kaibigan nila ay sunud sunuran na ang binata sa lahat ng sabihin ni Dan, kahit nga minsan ang oras nila ni Aira ay naapektuhan na.

"You're out of your mind na tol, di mo ba kayang ipag tanggol si Aira" sabi ni Clay.

"Ipagtanggol saan?? inapi ba sya ? sinaktan ba sya? hindi di ba? at ang alam ko masaya sya, at kung masaya sya, masaya nadin ako.. ikaw? kayong dalawa? masaya ba kayo? masaya ba kayo para sa mga syota nyo?" ika ni Ram at naghintay ng sagot sa dalawa, ngunit walang sumagot ni isa. Diretsong kumain ang binata.

"Ang sarap ng luto ng maid nyo Tanya , by the way" dagdag pa ni Ram. Napangiti lang si Tanya.

"Thank you" sabi nito ngunit sa isip nya, Ram nailed some things na hindi masabi ng dalawa nitong kaibigan. Si Mutya naman'y tahimik, ni hindi makakain. nilalaro na lang ang pagkain sa pinggan, wala sa sarili at paulit ulit na tinatanong ito..

"Masaya ka ba?"

"Shit .." ika naman ng galit na si Dan sabay tayo sa kinauupuan at lumakad paalis.

"Daniel.. Daniel.. san ka pupunta" sigaw ni Mutya, agad din itong tumakbo kasunod ng binata dahil sa tingin nya ay sobrang galit ito at sa direksyon ng lakad nito ay sa gawi nila Kaloy ito pupunta.

"Anong problema mo" gigil na sabi ni Dan pagdating agad sa mesa nila Kaloy, tinulak pa nito ang balikat ng nakaupong binata sanhi para matigil ang kasiyahan nila. Napatigil si Kaloy.

"Oi tol.. tara ..kain tayo upo kayo" biro ng binata.

"Sinusubukan mo ba talaga kami. . tol, hindi biro tong ginagawa mo, kung akala mo katulad kami ng ibang napapataob mo., wag kami tol, hindi mo kilala ang kinakabangga mo" sabi ni Dan.

"Babe.halika na ..tama nayan" awat naman ni Mutya.

"Ano bang problema tol" sabi naman ni Kris, agad naman syang hinawakan sa braso ni Jema senyales na ayaw nitong makialam ang boypren.

"Wala kaming problema. ito.. itong kaibigan nyo, pinapatos ang syota ng kaibigan namin" sabi ni Dan.

"Huh?? si Tanya?" singit ng bakla..

"Yes.. at kanina si Aira" sagot ni Dan. Napaisip pa ito. Bakit nasama sa suhestyon ng bakla si Tanya. Siguro'y naka iskor din dito si Kaloy..Lalong nag init ang ulo ni Dan.. Si Tanya, Si Aira, at ex girlfriend nito si Mutya. At ngayon, heto ulit si Kaloy na mangugulo sa masayang buhay nila.

"Hinalikan nya si Aira kanina" dagdag pa ni Dan.

"Im sure susunod pati mga jowa nyo papatosin nyang walang pinag aralan na yan" sabi pa ni Dan. Maya maya'y sumunod na din si Clay at Tanya sa kanila.. Naginit naman ang ulo ni Kris at Sam sa narinig.. alam nilang hindi yun magagawa ng kaibigan nila sa kanila..

"Tol kelangan mo ng bumalik sa mesa nyo. tama na" mahinahon na wika ni Sam.

"Hoy grabe tong mga to. . magkakaibigan kami, kaya minsan yung mga akala nyong sweet e may malisya na..kayo lang nagpapalaki e " banat ng bakla..

"Mismong si Ram ang nag sabi Reg.. nakita daw nya" nakialam na din si Mutya.

"So sinasabi mo na ganun na lang ka easy to get si Aira," nakialam na din si Jema,

"Ang kaibigan mo" dagdag din ni Angel. Tila natauhan naman sa narinig si Mutya.. Tahimik lang si Kaloy. tiningnan nya si Aira, nakayuko ang dalaga. Napangiti si Kaloy..

"Ang totoo nyan.. kinulit ko lang si Aira. pinwersa ko sya na halikan, actually sasampalin nya dapat ako, pero nakita na nya si Ram nun. kaya di na lang sya nag eskandalo, heto nga't di kami halos nag uusap" paliwanag ni Kaloy.. Napatingin naman sa kanya si Aira. Nginitian lang sya ni Kaloy..

"Sorry Aira.. and mag sosorry din naman ako kay Ram, pinapatapos ko lang tong lunch.. saka, no big deal Dan, hindi mo girlfriend si Aira. hindi mo din sya tropa, wag ka ng umasta na may halaga sya sayo, sila sayo,kasi ang totoo gusto mo lang gumawa ng dahilan para magalit sila sakin." nakangiti si Kaloy.

"At yung kay Tanya. . oo tease sya. pero uubra ba sya sakin? hindi ako papatol sa may syota na" sabi pa ni Kaloy..

"At hindi din kami easy to get Dan, para pag isipan mo na papatol kay Kaloy.." sabi din ni Jema. Napangiti lang si Angel.. Kung alam lang nila..

"Iniisip ko lang si Ram. kaibigan ko sya at ayaw kong nasasaktan ang kaibigan ko" sabi ni Dan.

"Si Ram? e ayun sya o busy sa pagkain" sabi ng bakla.. Tila napahiya na naman si Dan sa narinig lalo ng magtawanan ang magkakaibigan..

"Tang ina ..may araw ka din" tanging nasabi nito sa sarili pagkatapos ay umalis na.

"Hindi ka sumunod? duwag ka talaga" sabi ni Dan kay Ram ng makitang kumakain lang ito.

"Hindi mo ba ako narinig, masarap yung luto ng maid nila Tanya" sabi nito.. Napangiti ulit si Tanya sa narinig..

"Ang kyut naman nito" bulong nya sa sarili..

"Wag na wag kang aalis sa tabi ko.. mahirap na" sabi ni Dan kay Mutya..

"Babe.. wag ka nga mag isip ng kung ano ano jan, hindi ako katulad ng iba jan na pumapatol ng basta basta " pagpaparinig ni Mutya kay Tanya..

"Ah at least kung totoo man yung nangyari kay Aira at Kaloy, at least nagpakatotoo sila, unlike others na pinipigilan ang damdamin kuno. . teleserye ang peg" ganti ni Tanya.. Napaisip si Mutya.. Posible nga kaya na tunay yung nangyari kay Aira at Kaloy, at anong meron sa kanila??

"Salamat tol, Reggie, Jema, Angel" sabi ni Kaloy ng humupa na ang tensyon sa mesa nila.

"Ano ka ba .. di ka namin papabayaan noh, ang init lang talaga ng ulo sayo nung Dan na yun,porket, mas gwapo at yummy ka sa kanya" malanding sabi ni Reggie.. Napatawa naman si Jema at Angel.. Tahimik pa din si Aira. Napansin naman ni Reggie ang katahimikan ni Aira.. bumalis sa ingay at tawanan ang mesa nila Kaloy at sinamantala ni Reggie ang ingay na yun para tanungin si Aira.

"Huy..so ano.. totoo ba yun? o echos lang?" bulong ni Reggie kay Aira..

"Huh.ah ..ano... sort of" sagot ni Aira..

"Sort of? sort of ano..bilisan mo ..baka mahalata nila na nagbubulungan tayo..ano ? nagkisss ba kayo?" bulong ng bakla.. Napakagat labi muli si Aira.. tila kinilig pa ito ng tumango ng dalawang beses..

"Ayyyyyyyyyyyyieeee" ,malakas na tili ng bakla na pumukaw sa atensyon ng iba..

"Echos lang" sigaw nito ng mapansing na nakatingin sa kanya lahat.

"After ilang years ha...finally..bumigay ka na din" sabi ni Reggie sa dalaga.. Nakangiti lang si Aira..

"So ano plano mo?" tanong pa ng bakla.. Umiling si Aira.

"Di ko alam"

"Bhe.." sigaw ng lalaking nasa labas ng gate.. lahat ay tumingin sa pinang galingan ng boses..

"Sa wakas" tila naalis lahat ng iniisip na problema ni Dan ng nakita ang nasa labas..

"Bhe" malanding sumigaw si Reggie patungo sa labas at sinalubong si Brando..

"Heto na naman tayo.. hayaan nyo na yan

.kumain na lang tayo" sabi ni Aira... napatingin si Kaloy kay Aira, sa wakas nag salita na ang dalaga.. susubo sana ng pagkain ang dalaga ng makitang nakatingin sa kanya si Kaloy..

"What" tanong nito ngunit ngiti lang ang ginanti ng binata.. at guilty ang dalaga para isipin na nakakatunaw talaga ang ngiti ng kaibigan.. bumilis muli ang tibok ng puso nya..

"Ano?" tanong ulit ni Aira ngunit mistulang walang narinig ang binata.. Hinipan nya ang kutsarang may kanin para palamigin ito at hinihintay na ibaling sa iba ang tingin ni Kaloy ngunit wala atang balak tigilan sya ng binata.

"Ano ba. di ako makakain ." napangiti na din ang dalaga at tumalikod sa binata para isubo ang pagkain... Ngumuya..at tumingin ito sa binata .. ganun na lang ang gulat nya at muntik pa nya mailuwa ang pagkain sa bibig nya ng makitang nakatingin pa din ito sa kanya.

"Uyyyy..."Kantyawan naman ng dalawang kaibigan nila..

"Tol tara..dun tayo ..tapos na ako kumain e" yaya ni Kris kay Sam.

"Ah oo tol.. uy girls.tara.. dun tayo magdate.." sabi ni Sam.. Isa isa namang nag alisan ang mga nakaupo sa mesa nila Kaloy..

'tol.. gudluck" pang aasar pa ni Kris..

"Mga gago" sigaw lang ni Kaloy.. at bago pa man bumalik kay Aira ang tingin nya ay nakita nyang kinindatan sya ni Angel..

"Syeeet" bulong ni Kaloy. Napatingin din sya sa gawi ni Reggie at nakitang inabutan nito ng cash ang boylet nito.. Maya maya'y yakap yakap na nito ang braso nito patungo sa loob.. Tahimik lang si Kaloy ng dumating sa mesa nila sila Reggie...

"Papa K..ehmm i mean.. Kaloy .. si Brando,, boypren ko" tila kinikilig pa si Reggie ..

"Tol.. " bati ni Brando. Ngumiti lang si Kaloy.. Aktong uupo na si Reggie ng makitang nakatingin sa kanya si Aira..

"Eheeem" pagpaparinig ng dalaga..

"Ow... inuubo ka sis" biro ng bakla at tuluyan ng umupo. Napangiti naman si Brando ng makuha agad ang nais iparating ni Aira.. halata naman kasi na sa sitwasyon nila ni Kaloy., magiging abala lang ang dalawa kung makikishare pa sila ng mesa..

"Eheeem ehemm" umubo ulit si Aira saka pinandilatan ang bakla..

"Nako.. iinom mo ng gamot yan" sabi ng bakla at tumawa lang..

"Bhe ..ano ba..di mo ba nagegets.. nagdadate yung dalawa" bulong ni Brando sa bakla.. Napangiti naman si Kaloy sa ginawa ni Brando.. minsa'y naniwala sya na mahal ng lalaki ang kaibigan nitong bakla.

"Ay... ohh my God.. sori .. sori sis.. sori Kaloy..naku ang slow ko" sabi ng natatarantang bakla.

"Ano ..ano ba ..heto.. dalhin mo to Bhe..dun na tayo kumain.." sabi ng bakla habang inaabot ang pinggan kay Brando.

"Thank you" nakangiti pa si Aira bago umalis sila Reggie,,

"Enjoy" biro ng bakla sabay kiniliti pa ang tagiliran ni Aira..

"Tang inaa kaaaa" hiyaw ni Aira sa bakla.. Sa mesa nila Dan ay masama na naman ang tingin ni Dan kay Kaloy..

"Solo na naman sila oh" turo nito sa mga nasa mesa nya. tiningnan nito si Ram at nakitang nag cecellphone lang ang binata..

"Wala ka na ba talagang pakialam sa girlfriend mo?" sigaw ni Dan kay Ram..

"Huh?" tanging sagot ni Ram..

"Ano na naman Daniel, parang ikaw tong apektado ah,,bakit ka ba ganyan? ah siguro tama si Kaloy noh, insecure ka sa kanya" sabi ni Dan..

"Wag mo akong pilitin Ram..wag mo akong pilitin..mag sisisi ka" banta ni Dan sa kanya.

"Tol chill.. " awat naman ni Clay sa dalawa.. Ngumiti lang si Clay.. Hindi naman nagustuhan ni Tanya ang pag ngingitian nila Dan at Clay.. alam nyang may mangyayari.. pero kung ano yon? si Clay at Dan lang ang nakakaalam..