1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 1 - Part 5
Pinoy Tambay

Barkada: Book 1 - Part 5

12 minutes

Si Kris, Sam at Kaloy ang 3 idiots sa real world, ang pinagsamahan nilang tatlo ay subok na ng panahon. Walang lihim, at magkakapatid na ang turingan.

"Kumusta tol? ano, putang ina astig ng mga tattoo ah" ika ni Kris habang iniisa isang tingnan ang tattoo ni Kaloy.

"Anong kumusta.. kayo ang kumusta.. mukhang ibang iba na kayo ah, mga nagsipag angat na ata kayo" nakangiting banat ni Kaloy. Napakamot ulo ang dalawa.. "Eh eto, sinwerte tol, magkasama pa din kami sa kapitolyo nag tatrabaho, mukhang hindi na kami mag hihiwalay nitong si Kris" sagot ni Sam..

"Oo , minsan nga naiisip ko, baka sya na talaga ang destiny ko tol" dagdag pa ni Kris at nagtawanan ang tatlo.

"De biro lang tol.. kasama namin mga girlfriend namin,teka ..asan na ba mga yon," palinga linga sa paligid si Kris, hinahanap ang mga sinisinta.

"Tara na lang sa loob, ano ba gagawin natin dito, may agenda ba kayo? schedule? program? ng birthday slash anniversary tribute natin ngayong araw?" biro ni Kaloy na kinabungisngis ng dalawa.

"Agenda daw..haha.. tara na.. at ng makilala mo na din girlfriend namin, " yaya ni Sam sa kanila.. Tila bahay bakasyunan ang bahay ni Tanya ngayon, ang mga maid ay sinalubong ang tatalong magkakaibigan ng baso ng pampalamig.

"Wow.. kelan pa nagin ganito dito" ika ng nagtatakang si Kaloy,

"Kayo..ang lalaki na talaga ng pinagbago nyo" dagdag pa nya... tiningnan naman sya ng dalawa ng masama..

"Oo, malaki talaga.. nakita nga namin yung malaking pag babago kanina nung lumabas kayo ni Tanya sa backseat ng sasakyan na pawis pawisan..malaki tol??" nakangiting tanong ni Sam.

"Anong malaki? anong pinagsasasabi mo" pagtanggi ni Kaloy.

"Oy,, nag lilihim na .. naglilihim na sya" kantyawan ng dalawa.. Napangiti naman si Kaloy.. alam nya ang ugali ng dalawa at hindi sya nito titigilan.

"Malaki.. malaki ang pinagbago, nahirapan nga ako" makahulugan nyang sagot..

"Oooohhhh.. syeeet.. putang ina.. ang swerte mo talaga tol" sabi ni Sam at mistulang nang hinayang sa narinig na sinabi ng kaibigan.

"Sinasamba ko talaga yung bundok na yun tol.. yung perpektong bundok ..yung makipot na bewang .yung puwitan na malaman..ahhh syet.. " ika rin ni Kris..

"Mas ok kung makikita nyo ito ng walang saplot..." nakangiti pa si Kaloy at kumikindat. Natulala ang dalawa sa narinig...

"Syeet.. nasan na ba yung girlfriend ko.." ika ni Sam na mistulang nalibugan na agad sa narinig..

"Angel.. Hon" sigaw ni Sam..

"Hon..bakit" sagot naman ng girlfriend nya ng marinig si Sam. Sa wakas nakita rin ito ni Kaloy.. maganda ang girlfriend ni Sam. Marahil dahil may trabaho ang binata kaya ito nakabingwit ng ganitong babae..

"Tol.,, Kaloy si Angel, girlfriend ko..Angel si Kaloy, my long lost friend" ika ni Sam.

"Ah sya pala yung kinekwento mo" sabi ni Angel..

"Hi Kuya,Angel po..girlfriend ni Sam" nakangiti si Angel at nilahad ang kamay para kay Kaloy.

"Sakto yung pangalan mo sayo ah, parang anghel na galing sa langit, bumaba para mahalin ang demonyo kong kaibigan" nakangiti si Kaloy at inabot ang kamay ng dalaga para makipag handshake at halikan ito. Tila kinilig naman ang dalaga sa inasta ng kaibigan ng jowa nya..

"Mamaya na yang pagpapakilanlan nyo tol" putol ni Sam sa eksena..

"Angel, samahan mo ako sa likod" ika ni Sam.

"Bakit" tanong ng babae..

"Basta" sagot ni Sam at hinila na ang dalaga..wala na itong gumawa kundi sumama.

"Grabe.. nalibugan agad" sabi ni Kaloy ng alis ni Sam.

"Oo tol, matagal na kasi nyang pangarap si Tanya.. such a tease kasi yung babaeng yun..sa kanilang tatlo sya ang pinaka malandi.. " sagot ni Kris.

"Hoy..tara dito..wag kayong mag solong magdate jan" sigaw ni Tanya ng makita sila Kaloy at Kris na solong nag uusap.

"Putang ina.. pinagkamalan pa tayong bakla..tara na" sabi ni Kris at sabay na nilang nilapitan ang grupo.. Pagdating sa grupo ay sinalubong sila agad ng isa pang magandang babae.. Grabe, wala yatang itatapon sa mga babaeng nakikita ni Kaloy ngayon.. Lahat ay makikinig ang kutis.. maaamo ang mukha at pinay na pinay ang hitsura maliban kay Tanya na parang Haponesa..

"Tol, girlfriend ko , si Jema" sabi ni Kris sabay inakbayan ang babae.

"Hi, you must be Kaloy" bati ni Jema.

"Wow ...tol.. nag eenglish ah" sagot ng binata..

"Carlo Bautista., Kaloy for short...

23 ..single" ika ni Kaloy, nagtawanan naman ang lahat ng marinig ang hirit nito na single sya..

"Kaloy.. si Clay, boylet ko..." sabi naman ng tila kinikilig na si Tanya.. Napangiti si Kaloy sa nakita,kanina lang ay tila wala sa sarili ang dalaga sa pagniniig nila at ngayon ay kinikilig pa ito na pinapakilala ang boypren nya.

"Clay tol, ikaw pala yung misteryosong kaibigan ng mga to" sabi ni Clay at nag abot ng kamay..

"Kaloy tol.."Sagot ng binata at inabot ang kamay ni Clay..

"Maraming nag tatangkang magnasa sa puso nyang girlfriend mo tol, at maswerte ka na napili ka nya.. ingatan mo yan.." sabi ng nakangiting si Kaloy.. Nagulat naman sa narinig si Clay, pero ngumiti na lang ang binata dahil ang katotohanan naman ay mahal sya ni Tanya at girlfriend nya ito, at tama si Kaloy na maswerte sya rito.. Maswerte nga ba?? o mas maswerte si Kaloy?

"Ay Papa K, wala pa si jowa, may work pa ata, pero dadating daw sya mamaya, for now ikaw muna kapartner ko" malanding sabi ng bakla..

"Everyone.. eto si Kaloy.. jowa ko for this day.." kinikilig pa ang bakla habang pinapakilala si Kaloy sa lahat. Nagtawanan naman sila..

"Siguraduhin mong darating yun..uubusin ko ngipin nun sinasabi ko sayo" sabi ng seryosong binata..

"Heto naman..wag ka ngang highblood..darating yun noh.." sabi ng bakla at yumakap pa sa braso ni Kaloy.. Nakangiti pa ito habang inismiran ang naiinggit na si Tanya dahil wala itong magawa sa pag kakataong ito.

"Dan tol.." basag ng tinig ni Dan sa gitna ng tawanan.. Katahimikan.. inabot ni Dan ang kamay sa binata..

"Ayan na.. present vs past " bulong ng bakla kay Tanya..

"Kanino ka boto para sa friend natin?" tanog ni Reggie sa dalaga.

"Syempre kay Dan noh,tapos sakin na si Kaloy" malanding bulong nito..

"Not really" sagot ng bakla at yumakap muli sa braso ni Kaloy..

"Boypren ni Envy" dagdag pa ni Dan sabay hinanap ang dalaga at ng makita ay agad inakbayan ito at hinalikan sa labi. Natahimik ang lahat..nakakakaba ang tensyon.

"So ako lang pala talaga ang walang hahalikan" sagot ni Kaloy..

"Kaloy tol-"

"Ah kilala kita.. ex ka ni Mutya.. ikaw dahilan kung bakit sobrang sakit ng nakaraan ni Mutya and luckily.. natagpuan ko sya, at naging masaya na sya buhat nun" sabi ni Dan.

"Di ba babe?" tanong ni Dan sa dalaga.

"Oo naman ..past na yon babe, naka move on na ako., dumating ka na sa buhay ko and im sure naka move on na din si Kaloy" makahulugang sagot ng dalaga.

"Ah 3 years.. madali namang ata kalimutan yung halos 7 years relationship e ..lalo pag hayskul nag umpisa.. ewan.. pero seryoso..naka move on na nga siguro ako.." seryosong sagot ng binata..

"Oo lalo kapag sinayang mo lang yung 7 yeas na yun" sagot ni Dan. Napangiti si Kaloy..

"Mukhang kilalang kilala mo ako at alam na alam mo ang nangyari tol ah. ." sagot ni Kaloy.

"Sino bang hindi makakakilala sayo tol, matunog ang pangalan ng tatay mo" nakangiting sabi ni Dan.

"Dan..stop it" saway ni Aira sa lalaki..

"Ok ..dun na tayo sa poolside.. magpalamig muna tayo..maiinit ang ulo ninyo..common people" sigaw ni Tanya akmang aalis na sila ni Reggie pero walang ni isa ang sumunod sa kanila..

"Common tol.. hindi kita iniinsulto.. wag kang mapikon. nandito ako para mag enjoy kasama si Envy..at andito ka para namnamin ang sakit sa mga regrets mo for the past years" sagot ng nakangiting si Dan.

"Hindi naman nakaka insulto mga sinasabi mo tol. naaawa nga ako sayo dahil insecure ka padin sakin.. ni hindi kita kilala.. ang alam ko lang may baho ka din katulad ng iba.." sagot ni Kaloy.

"Sinisiraan mo ba ako?" sa isang iglap ay si Dan naman ang napikon.

"Kailanma'y hindi naging paninira ang katotohanan" sagot ni Kaloy..

"Aba gago to ah" sabi naman ni Clay at akmang susugurin si Kaloy pero napigil sya ng katawang humarang sa kanya.

"Subukan mong gumalaw ng kahit konti, hindi ka na makakalabas ng bahay na ito na walang butong hindi bali" sabi ni Kris sa kanya. Maliit si Kris kumpara kay Clay, at hamak na mas malaki ang katawan nito kay Kris pero ng makita ang seryosong mata ni Kris ay may kung anong takot na naramdaman ang binata.

"Tama na yan guys ano ba?" awat ni Mutya

"Sinisiraan mo ako tol? sino ang mas paniniwalaan nila satin? ang anak ng adik oh ang isang businessman na anak din ng sikat na businessman sa lugar natin" nakangiting tanong ni Dan. Tahimik lang ang lahat..

"Gunggong ..wala akong pakialam kung sino at ano ka.. at mali ang tanong mo, ang tanong dapat, sino ang paniniwalaan ng mga kaibigan ko sating dalawa .. ako o ikaw?" sagot ni Kaloy. Napangiti naman ang mga kaibigan ni Kaloy sa narinig..tama .. hindi nila itotolerate ang ugali ni Dan.. at saka kahit anong mangyari, kaibigan pa din nila si Kaloy..

"Iyong iyo na yang Mutya mo..di sya ang dahilan kaya ko nandito..nandito ako para sa tropa..and trust me..pag pinakelaman mo pa ang personal na buhay ko, uubusin ko ngipin mo" sagot ni Kaloy.

"Ayyy.. bongga" tili ni Reggie sa narinig at napapalkpak ito dahil nanalo ang kaibigang yakap yakap nya sa debate nila.. Maya maya isa isa na silang nag alisan at nagpuntahan sa kani kanyang pwesto..

"Grabe tol.. ang init ng tensyon.. kahit kelan talaga hindi ko nagustuhan yung asungot na yun" ika ni Kris habang sabay nyang naglalakad sila Reggie at ang kanyang girlfriend..

"Mayabang sya.. kung mayabang ka Papa K, iba yung yabang nya as in" dagdag ng bakla..

"Grabe inasal nya ..kaharap pa naman mga kaibigan at si Mutya" dagdag din ni Jema.

"Insecure lang kasi talaga .kasi alam nyang kayang kaya bawiin ni Papa K si Mutya sa kanya" paliwanag ni Reggie.

"Oo nga tol, bakit di mo agawin" tanong ni Kris.

"Ano ? hindi si Mutya ang pinunta ko dito" napatigil sa pag lalakad si Kaloy..

"Kayo" sabi nito at inalok ng yakap ang dalawa.. napangiti si Jema sa nakita.. isang proweba na hindi kayang tibagin ng panahon ang pagkakaibigan..

"Group hug" tili ng bakla at kani kanyang yakap na sila.. Sa di kalayuan ay namataan ni Kaloy si Aira na nag iisa..

"Saglit..may atraso ata ako sa babaeng to" sabi ni Kaloy at bumitaw sa pagkakayakap..

"Sama ako Papa K" sigaw ni Reggie.

"Jan ka na lang..babalik din ako" sagot ni Kaloy. tila sinilihan naman ang puwit ng bakla ng marinig na babalikan sya nito.

"Hey" bati ni Kaloy kay Aira. inismiran lang sya ng dalaga..

"Tang ina..inaawat mo kami kanina ni Dan tapos iismid ka ng ganyan sakin ngayon..problema mo?" marahas ang boses ni Kaloy pero nakangiti ang binata.

"Di porket inawat ko kayo e ok na .." sagot ni Aira..

"Eh ano nga problema..ito naman.. di ako sanay na ganyan Aira.. " sabi ni Kaloy.. Napatingin si Aira sa kanya.. 5 seconds eye to eye contact na tila nag trigger ng weird na ka awkwardan sa dalawa...

"Ano nangyari sa nyo ni Tanya sa likod ng kotse ni bakla?" diretsang tanong ni Aira.

"Uy ..grabeng tanong naman to.."

"Ano ..ka-kasi...mahirap ipaliwanag" sabi ng binata..

"Ano nga " sigaw ni Aira na sanhi para tingnan silang dalawa ng lahat..

"Babae naman kaaway ngayon ng ex mo babe" sabi ni Dan kay Mutya at nagtawanan sila nila Clay at Ram.

"Claay" pinandilatan naman ni Tanya ang boypren para sawayin.. Tumigil ang binata sa takot sa kanyang jowa.. Si Mutya nama'y hindi maiwasanan maintriga sa pinag uusapan ng dalawa..

"Censored" tanging sagot ni Kaloy kay Aira..

"Tang ina mo" sagot ni Aira sa kanya.. Napatawa lang si Kaloy sa karahasan ng kaibigan..

"Ano .. anong klaseng reaksyon yan" tiningnan nya ang kaibigan. . Maganda si Aira. Hindi nga lang pansinin dahil tahimik ang dalaga.. Bihira mag suot ng sexy .. May brace ang mga ngipin.. may cute na taling sa baba ng mga mata.. at palaging naka nerd glasses.. matalino ang dalaga nung hayskul sila, at di na nagulat si Kaloy ng mabalitaang Nurse na ito ngayon. Mas nakakagulat pa ng malaman nyang may boypren na ito..

"Ewan ko sayo..bahala ka jan" sabi ni Aira at akmang aalis na ng hawakan ni Kaloy ang kamay nito para pigilan sya.. Pagtingin ng dalaga sa kanya ay parang natunaw na sorbetes ito sa mga mata ng binata.. Naka ayos ng mabuti ang buhok ng binata ngayon, at wala din syang sinding sigarilyo.. Napangiti na ang dalaga..Sa wakas nasilayan na ni Kaloy ang ngiti nya.. Mas lalo itong gumanda ..lalo kapag pinipigilan nitong lumabas ang ngipin para itago ang brace nya...

"Mapang akit yung kaibigan natin, wala na akong nagawa.. sorry" sabi ni Kaloy.

"Bat nag sosorry ka.. ako dapat mag sorry..di ko dapat pinapakelaman buhay mo..naalala ko galit na galit ka kay Dan kanina kasi pinapakelaman nya buhay mo, baka ubusin mo din ngipin ko" biro ni Aira... Napatawa lang si Kaloy..

"Magagawa ko ba sayo yun.."Sagot ni Kaloy at nag alok ng yakap.. Di na napigilan ni Aira ang sarili, agad nyang niyakap ang kaibigan.. mahigpit na mahigpit

..sa unang pagkakataon ay nayakap nya ng solo si Kaloy.. Awkward kasi dati kapag nagyakap kayo ng solo nung hayskul sila..ngayon..ang sarap pala sa pakiramdam.. Ngumiti lang si Kaloy.. hindi man nya malaman kung bakit,pero may kung ano ang nag pabilis ng tibok ng puso nya..

"Grooup hug" sigaw muli ng bakla at patakbo silang pinuntahan.. Sunod si Tanya... Si Kris kasama ang girlfriend nya ..

"Hoy pasali" sigaw din ni Sam na katatapos lang makipag seks sa girlfriend nya.. patakbo din itong lumapit sa kanila. Masayang nagyayakap ang magkakaibigan.. gustong gusto mang pumunta ni Mutya...wala syang magawa lalo ng mag salita ng boypren nya.

"Baduy" sabi nito.. Sa gitna ng yakapan ay naipit sa grupo si Kaloy ni Aira.. Nagngitian ang dalawa..di alintana ang gulo ng mga kaibigan.. Hindi man alam ni Kaloy..pero may kung ano ang nagtulak sa kanya na ngumuso kay Aira.. Ngumuso sya tanda na gustong humingi ng halik sa kaibigan..

"Ano" bulong ng dalaga na kunwari hindi maintindihan ang nais iparating ng binata..

"Kiss" bulong ni Kaloy.. hindi nya napigilan ang damdamin nya sa pagkakataong yun at siguro, halik lang ang makakasagot ng lahat..

"Gago may boypren ako" sagot ni Aira.. Tumawa lang si Kaloy.. Tumawa din si Aira.. isang masayang grupo ng kaibigan na susubukin na naman ng trahedya..