1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 1 - Part 2
Pinoy Tambay

Barkada: Book 1 - Part 2

8 minutes

Alas tres ng umaga, sa bahay ni Reggie... Sunod sunod na katok ang bumalabag sa pinto ng bahay ng bakla.

"Sandali.." sigaw ni Marta, ang Nanay ni Reggie.. Binuksa nya ang pinto para makita ang tatlong babae na kaibigan ng anak nya,

"Hi Nanay Marta" sabay sabay na bati ng tatlo at kani kanyang beso beso..

"Ano ba yan, di pa ako naliligo, ang asim ko na,ooh mukhang may lakad kayo." bati ni Aling Marta.

"Ah... oho. malapit na po kasi ang birthday nung prinsesa nyo kaya ihahanap namin sya ng prinsipe" tawanan ang tatlong babae sa sinabi ni Aira.

"Ay..talaga namang anlandi nung lalaking yun" ika ni Aling Marta.

"Babae, Nay" sigaw naman ng bakla mula sa kwarto.. Nagtawanan na lang ang apat na babae... Maya maya'y lumabas na din ng kwarto si Reggie.. Pakendeng kendeng pa itong lumakad palapit sa mga kaibigan, nagulat at napahinto ng makita ang tatlo..

"Ayan, namnamin mo ang pagkagulat mo, alas tres pala ha, pupuntahan kami ha" ika ni Mutya.. mistulan binuhusan na tubig naman si Reggie, hindi makakilos, at tulalang tulala.

"Ano?? tulala ka pa jan" tanong ni Aira.

"Ano ba .. hmm mukhang pinaghandaan nyo talaga si Kaloy noh, yung mga suot nyo, kitang kita na kaluluwa nyo... di nyo kami tularin ni Mutya. simple.. conservative.. Pilipinang Pilipina" malanding tinig ng bakla habang nag popose pa ng mga nakakadiring pose..

"Jan na nga kayo at baka makapatay pa ako ng sarili kong anak" pagpapaalam ni Aling Marta sa apat... Sakay ng sasakyan ni Reggie. tinungo na nila ang bahay ni Kaloy.. Sa daan ay katahimikan lang ang maririnig.. Si Tanya na ang bumasag ng katahimikan...

"So.. gaano kayo katagal" tanong nito.

"Pataaay" bulong ng bakla at malanding tumawa.. tila wala naman narinig si Mutya..

"Malapit na ata tayo..ano? tatanungin lang natin sya kung sasama tas aalis na tayo noh" pag iiba nito sa usapan, ang mga mata'y pabaling baling kung saan. Napangiti lang si Aira at Tanya...

"Confirmed" sabay nilang sabi..

"Confirmed ang ano?" kunwari tanong ng bakla..

"Kayo..naglihim kayo samin ha.. anong nangyari?" tanong ni Tanya..

"Anong anong nangyari?" tanong ng bakla.. tila nasa hot seat naman ang pakiramdam ni Mutya ngayon..

"Bakla pag di katumigil jan sa katatago mo,kakalbuhin kita" babala ni Aira..

"Ayy.. taaraaay.. kakalbuhin daw ang pretty hair ko, you're just jealous, coz wala kang ganitong hair" ika ng bakla at pinagalaw pa ang mahabang buhok nito..

"Jealous?? jealous?? you're just jealous, dahil wala kang ganitong boobs" ika ni Tanya at nag chest up para paumbukin ang naglalakihang suso..

"Ayyy.. Mount Mayon,," tili ng bakla ng makita ang maumbok na asset ng kaibigan.

"Magkakaibigan tayo di ba? wag na kayo maglihim, gusto lang namin malaman kung totoo yung naiisip namin." sabi ni Aira. Katahimikan.. Walang gustong sumagot..

"Reggieee.." pangungulit ni Tanya..

"Bakit ako..hindi naman ako ang ex jowa ah..wish ko lang" malanding sagot ng bakla.. Napangiti muli si Tanya at Aira..

"Sabi na e.. kaya pala me something dati" ika ni Aira..

"Oo, kaya pala madalas hanapin kapag wala ang isa" tila kinikilig si Tanya..

"Ay oo.. ang sweeet sweet nila dati..grabe..sana nga ako na lang pinili ni Papa Kaloy e .. kaya lang mas trip ata nya yung mga morena, ayaw nya sa mga tisay na katulad natin.." pinandilatan pa ng bakla si Mutya.. Tahimik lang si Mutya..

"Ano ba nang yari?" tanong ni Aira. Katahimikan muli..

"Haaay.. sabihin mo na kasi Mutya...arte arte pa kasi" ika ng bakla.. Ayaw pa din mag salita ni Mutya. Tila naramdaman naman ng dalawang nagtatanong na napepressure si Mutya sa mga tanong nila.. pero bakit ?? Kung matagal na silang nag hiwalay, bakit napepressure pa din sya.

"Matagal na yun.. di na dapat binabalikan.. 3 years na yun ..sabihin na lang natin na partly to blame din ako, " sabi ni Mutya.

"Partly ..partly pa ba un? binigyan mo sya ng rason para iwan ka sis.." mahinhin na wika ng bakla.. Tahimik lang si Aira at Tanya..parehong walang alam sa nangyari..

"Mahirap naman kasi magtiwala sa sitwasyon namin noon.. Graduating ako nun, at magkakatrabaho na, tas sya, tambay. anong magiging buhay ko kung magsasama kami," seryoso ang dalaga na napatingin sa malayo..

"Planning the future issue pala" sabi ni Tanya..

"Ano ba sitwasyon nyo noon?" tanong ni Aira..

"Kung ikaw ba ang babae tas maganda na ang lagay mo, may trabaho ka na,natutulungan mo na magulang mo, di ka ba mapressure pag nalaman mo na walang balak sa buhay nya ang boypren mo , pano pag nalaman ng magulang mo, hanggang kelan ko sya ipaglalaban sa parents ko, at hanggang kelan ko sya pipilitin na magbago, hindi nya ko mahal..kasi hindi nya nagawa yung maliit na bagay na pinapagawa ko sa kanya" nangilid ang luha sa mata ni Mutya..

"Ano yun sis" tanong ni Aira..

"Yung mag sikap sya,mag aral.. di para sakin..kahit para sa sarili nya" sabi ni Mutya.. Napasinghap ang bakla..

"Alam mo naman sitwasyon nya di ba? gusto nyang mag aral. ilang ulit nga sya lumapit sakin nun, nangungutan, e wala naman ako nun, yun din reason kung bakit gusto ko sya makita ngayon, wala akong nagawa nung kelangan nya ng tulong ,samantalang andami nyang nagawa para akin" napaiyak na din ang bakla..

"E bakit di sya gumawa ng paraaan..at bakit speechless sya nung sabihin kong magkakababy kami" sabi ni Mutya.. Napamulagat si Tanya at Aira..

"Oh my God... you do make out with him sis" nakangiti pa si Tanya..

"Yes..once..di na naulit, i give up my virginity sa hinayupak na yun" paliwanang ni Mutya habang pinupunas ang luha.

"Is it big? " tanong ni Tanya.. Agad naman napatingin si Aira at Reggie sa kanya.. napahiya naman ang dalaga sa nasabi..

"Sorry" natatawa pa ito..

"Sis.. you put pressure on him.. pressure na nga sya sa iniisip ng iba na an apple don't fuck far away from its tree..na tutularin din nya yung tatay nya..tas wala na syang Nanay, ang hirap lumaki sa tita at lola noh, tas wala syang permanent na trabaho.. di sya nag aaral.. tas biglang mabubuntis ang girlfriends nya sa isang beses na pagkantot nya sa yo" marahas na wika ng bading.. Tila nabuhusan naman ng malamig na tubig si Mutya sa narinig..

"Wala syang permanent na trabaho?" tanong nito

"Oo... nag coconstruction kaya yun" sabi ni Reggie.. Natahimik naman si Mutya sa narinig.. Katahimikan..

"Sis..ano nangyari sa bata"Tanong ni Aira..

"Wala... biro lang yun..tinest ko lang kung anong gagawin nya if ever na mabuntis ako, baka sakaling magbago sya..pero hindi.. mas natakot pa sya.." sabi ni Mutya..

"Then nakipag break ka na kasi dumating sa buhay mo si businessman na si Dan,na gustong gusto ng Tatay mo para sayo" dagdag ni Reggie.. Katahimikan muli.

"Andito na pala tayo..." sabi ni Reggie ng makita ang pamilyar na bahay ng binata.. mistulang throwback sa nakita ang apat.. ang dating bahay na pinupuntahan nila noon kapag susunduin ang binata. Tila ayaw pa bumaba ni Mutya..

"Ready ka na ba" paulit ulit nyang tinatanong ang sarili..

"Tao po..tao po.." sigaw ng bakla.. tila kinikilig naman si Tanya na makitang muli ang kaibigan.. tahimik lang si Aira..

"Pogi ka pa din kaya" bulong nito sa isip.. Mula sa pintuan ng lumang bahay ay lumabas ang nakahubad na binata.. mahaba ang buhok at balot ang mukha sa facial hair.. tadtad ng tattoo ang katawan.. at may sinding yosi sa bibig.. Disappointment.. walang ni isang nakaramdam ng pagka dissappoint ng makita si Kaloy..

"Ow.. kayo pala.." tanging nasabi ng binata ng makita si Tanya, Aira,at Reggie..

"Kaloy" sigaw ni Tanya at patakbong sinalubong ang binata at agad niyakap ito..

"Uhhmp" nagulat naman ang binata sa inasal ni Tanya.. kung nung hayskul sila e ganito sila ka close, bakit sya maninibago ngayon.. siguro'y dahil mas nagmature na ang dalaga, at ang ganda nito ngayon sa suot na white sando at maiksing short.. Ramdam nya ang malambot na suso ng dalaga na dumikit sa hubad nyang katawan.. dati pa namang may potential ang dalaga sa malaking hinaharap nito.. wala ng nagawa si Kaloy..tila ayaw syang bitawan ng dalaga sa pagkakayakap kaya tinapon nya na lang ang yosi nya at niyakap din ang dalaga..

"Ayy. group hug..group hug" ika ng bakla at patakbo ding lumapit sa kanila at niyakap ang dalawa.. Napangiti din si Aira..

"Katulad pa din ng dati..di kapa din marunong mag ayos ng sarili mo" sabi ni Aira at lumapit na din para makiyakap..

"Tang ina naman nitong mga to..pumunta kayo dito para yakapin ako?" sabi ni Kaloy at nagtawanan lahat..

"Actually may isa pa" sabi ng bakla .. sa malayo ay natanaw ni Kaloy si Mutya..malungkot ang mata at nangingilid ang luha..

"Oi anjan pala si Mutya.. ang mutya ng buhay ko" biro ni Kaloy.. dati na nyang madalas tawagin na Mutya ng Buhay ko si Mutya..nagtawanan lang ang lahat sa narinig.. Bumitaw sa pag kakayakap si Kaloy sa tatlo at lumapit kay Mutya .. Pinipigilan maiyak ng dalaga..

"Tara sa loob," tanging nasabi ng binata.. hindi na napigilan ni Mutya ang lahat.. kanina lang ay naiisip nya na magalit sa binata..mag tampo kapag nakita ito.sumbatan..at sampalin ..ngunit tinraidor sya ng puso nya ..sa isang iglap ay hinayaan nya ang puso nya na magdesisyon at yakapin ang binata.. Namis nya ito..sobrang namiss nya ito.. Nagngitian na lang ang tatlo nilang kaibigan sa nakita..