1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 1 - Part 19
Pinoy Tambay

Barkada: Book 1 - Part 19

14 minutes

Matagal hinintay ni Aira na lumabas si Kaloy sa kwarto.. At ng lumabas ang binata ay napahinto ito ng makitang nakatingin si Aira sa tanim na weeds ng binata.. Nilapitan nya ang dalaga.. Ngumiti ng pilit si Kaloy.. Alam nyang magagalit ito kaya inihanda na nya ang sarili sa sermon.

"Mahirap daw magpalaki ng ganyan" nagulat si Kaloy sa nasabi ni Aira.. Bakas sa mukha ng binata ang di pagkapaniwala sa narinig..

"Oo.. maselan sila" sagot ng binata..

"Naggaganyan ka pa ba" diretsang tanong ni Aira sa kanya.. Hindi sya tinititigan ng dalaga.. Napatahimik ang binata..

"Sa tinging mo?" balik tanong ni Kaloy.

"Di ko alam.. di naman ako magagalit. pero pag babawalan kita.. illegal kasi yan..pati yosi, dapat di ka na magyosi" sabi ng dalaga.. tumingin ito sa binata.. Katahimikan..

"Never ako tumikim nyan" sabi ni Kaloy.. Seryoso ang tinig nito dahilan para magkaron ng interes ang dalaga sa sasabihin nito.

"Ow?? totoo?" tanong nito..

"Oo... lahat ng napunta dito pag nakita ako na may ganyan iniisip na agad na nagamit ako nyan... pag nakita yung tattoo ko, adik na ko agad.. yung itsura ko... masakit man, pero huhusgahan tayo ng tao base sa panlabas nating anyo.." seryosong sagot ng binata..

"E bakit naman kasi nagtatabi ka ng ganyan" tanong ni Aira.. Tiningnan sya ni Kaloy at nagsalita..

"Para malaman ko kung sino ang hindi mang iiwan sakin sa oras na kailangan ko ng kasama" sagot ni Kaloy.. Ngumiti lang si Aira. Inilahad nito ang palad nito para malaman ng binata na di sya nito iiwan..

"Wag mo akong iiwan" bulong ni Aira.. Napatawa si Kaloy.

"Hindi mo pa lang ako sinasagot ganyan na agad naiisip mo"Biro nito.. sumimangot ang dalaga..

"Seryoso ako.. wag na wag mo akong iiwan kahit anong mangyari" ulit ng dalaga..

"Walang reason para iwan kita.." sagot ng binata.. Natahimik si Aira.. Nagtaka ang binata..

"O meron ba?" paniniyak nito..

"Wa-wala.. basta.. wag mo ako iiwan" sabi muli ng dalaga..

"Hinding hindi" sagot ni Kaloy.. Magkahawak kamay na lumabas ng bahay ng binata ang dalawa.. Tahimik lang si Aira na nakangiti.. Ibang iba ang kasiyahan nya ngayon. Sana hindi na matapos ang lahat. Sana nandito na lang sila sa bahay ni Kaloy.. Kung wala lang sana ang pinsan nya sa Hospital..Kahit sana maiwan na sya kay Kaloy..Kahit mag umpisa na sila ng sarili nilang buhay tutal ok naman na sya sa trabaho nya sa opisina.. At alam naman nyang kayang kaya mag sikap ng binata para sa kanya... Sana lang talaga ok na ang lahat.. Tahimik ang lahat sa loob ng Sasakyan ng dumating ang dalawa..

"Nag ano pa ata to sila" biro ni Tanya ng dumating ang dalawa. Nagblush naman agad si Aira..

"A-anong nag ano.. Wa-wala noh.. sineswerte ata sya" pagtanggi ni Aira.. Nagtilian ang lahat..

"Nagagatol gatol sya" sigaw ni Sam..

"Hin-hindi ..wala talaga" pagtanggi muli ng dalaga ng sobrang namula ang mukha.. Napangiti din sya sa kantyawan ng lahat..

"Kaloy" bulong nya sabay tapik sa binata para ipagtanggol sya..

"Quickie lang" sagot ni Kaloy na lalong kinatawa ng lahat..

"Putang ina kaya pala mga pagod ang hitsura" hirit ni Tanya..

"Ang kapal mo..wala lang ganong nangyari.. hindi totoo yan" natatawa pa si Aira habang tinatapik ang binata.. Sa likod ay tahimik lang si Mutya..Minasdan nya si Kaloy at Aira na nasa harap nila ni Dan.. Nakayakap ang dalaga sa binata at nakapikit ang mata tanda ng tulog ito.

"Ok ka lang" tanong ni Dan sa kanya.. Nginitian lang ito ng dalaga.. Hinawakan ni Mutya ang kamay ng binata at tumango.. Isinandal din ni Mutya ang ulo sa nobyo.. Pinilit nyang makakuha ng antok.. Nadatnan ng lahat si Brando at Reggie na magkatabing nagtitingin ng pictures nila sa cellphone..

"Hello po..pwede pong makaisturbo" tanong ni Tanya sa dalawa..

"Ayyy...nandito na sila" tili ng bakla..

"Oo dun tayo sa labas... bawal magpapasok ng madami" sabi ni Tanya at sumunod si Reggie sa kanya. Naiwan si Brando kay Ram. Bakas ang kasiyahan sa lahat..

"Group hug.." sigaw ng bakla at napuno ng ingay lugar nila.. Mabuti't walang ibang taong nakakita sa kanila kundi pagkakamalan silang mga lasing.

"Papa K.. sorry... hindi ko sinasadya.. sobrang nadala ako ng kaechosan ko.. pero believe me.. hindi ko meant lahat ng sinabi ko" sabi ni Reggie ng makita si Kaloy..

"Ano ka ba.. ok lang yun.. basta tandaan mo na hindi ko kayo iiwanan..kaibigan ko kayo" sagot ni Kaloy..

"Di ka din namin iiwan.."Sabi ni Tanya..

"Oyy.. kayo...kayo..lumayas nga muna kayo dito..hala at mag uusap muna kaming mag totropa" sabi ni Reggie at pinaghahampas ang hindi mga myembro ng Tropang Pasaway..

"Grabe ..kala ko ba tropa na kami" sabi ni Dan..

"Haaay mamaya na ang emowt..mag uusap muna ang mga originals.. kayo version 2 lang kayo.." sagot ni Reggie.. Maya maya'y iniwan na sila ng iba para magpunta sa sasakyan... Katahimikan . walang nag sasalita..

"Ano?? ang awkward noh..kelan pa tayo naging ganito ka awkward" panimula ng bakla..

"Hoy hindi ako sangkot jan ha.. nakakausap ko lang kayong lahat ng walang pag aalinlangan" hirit ni Tanya..

"Aba ako din" sabi ni Sam..

"Lalong ako" nakisali na din si Kris..

"Hmmmm Mutya?" tanong ni Reggie sa dalaga.. Hindi halos makatingin si Mutya sa kaibigan..

"Aira"Ika ng bakla at binaling naman ang atensyon kay Aira..

" ano? naguusap naman tayo ah" sagot ni Aira.. Ngumiti lang si Kaloy..

"Kahit kelan talaga ang hilig mong magpressure ng tao" sabi ni Kaloy sa bakla. Tumawa lang si Reggie..

"Eh ano..di ko alam kasi.." sabi nito..

"Envy.. im sorry sa isang buong maghapon na panggugulo ko sa nyo ni Dan..Kung hindi ako sumama sa reunion na to e hindi kayo magkakaron ng pagdidiskusyunan ng boypren mo.."Sabi ni Kaloy kay Mutya.. Hindi din makatingin si Mutya kay Kaloy..

"Ayan na.. awkward na" kantyaw ni Tanya..

"Sorry sa mga nasabi ko Sis.. " tanging nasabi ni Aira kay Mutya..

"Alam kong nasaktan kita.. pero di ko lang kasi talaga mapigil na.. antagal tagal na nito" dagdag pa nito.. Napasinghap si Mutya..

"Ano ba tong awkward moment natin.. Magkakaibigan tayo di ba? wala dapat ganito" sabi ni Mutya..

"Sobrang saya ako para sa nyong dalawa Sis.. although aaminin ko na nasaktan ako.. Pero ganun talaga e.. Alam kong mas magiging ok sayo si Kaloy... at saka ako naman talaga may kasalanan ng lahat.. kung di ako naging makasarili ..sana hindi naging ganito ang sitwasyon natin.. si Ram.. nadamay pa.. " sabi pa nito. Natahimik ang lahat.. pero naging maaliwlas na ang sitwasyon sa sinabi ni Mutya.

"Magkakaibigan pa din naman tayo di ba?" tanong ni Mutya sa lahat..

"Walang nag bago" sagot ni Aira..

"Anong wala?" biro ni Kaloy sa dalawa .. Nagtawanan sila..

"Hindi pa kita sinasagot" hirit ni Aira.

"Naku pahirapan mo yan Sis. kala nya ganun ganun lang tayong mga babae ah" nakangiti na din si Mutya..

"Actually baka ako na nga mag propose sa kanya mag pakasal Sis e" sabi ni Aira..

"Naku pikot ka tol" sigaw ni Kris.. Tahimik naman si Sam at Tanya sa likod nila. Parehas nakangiti ang dalawa..

"Haay buti naman natapos na lahat.."Sabi ni Tanya..

"Oo nga ..andaming nangyari noh"Sagot ni Sam..

"Madaming nangyari e wala ka lagi sa mga pangyayari.." kantyaw ni Tanya. Ngumiti lang si Sam. Tumingin ito kay Tanya. . Nanalaki ang mata nya ng maisip na ang lapit nya rito... At kitang kita nya ang malambot.. at maputing cleavage nito..

"Thank you po" bulong ni Sam at umakto pang nagpasalamat sa taas..

"Ano yun?" tanong ni Tanya..

"Wala.. wala.. sabi ko thank you at natapos na" ngiti ni Sam.. Napangiti si Tanya..

"Putang ina mo minamanyak mo na naman ata ako.. susumbong kita kay Angel" banta ng dalaga..

"Grabe ka... bat kita mamanyakin... kaibigan kita noh"Pagtanggi ni Sam sabay tila may pandidiring tumingin sa dalaga..

"Hmmm so ayaw mo?"Malanding tanong ni Tanya sa kanya..

"Ayaw na ano" kinakabhang tanong ni Sam.. Agad pumintig ang burat ng binata..

"Ayaw mong makita ang Mount Mayon ko" malanding bulong ni Tanya sa kanya.. Napaisip si Sam. Di nya malaman ang isasagot..

"Syeeet" sabi nito.. Napatawa si Tanya.. Sadyang malibog talaga ang binata..

"Ano?? sagot bago magbago isip ko" panglalandi pa ni Tanya..

"O-oo ..gusto ko .."Agad sumagot si Sam.. Napatawa ng malakas si Tanya na may kasama pang pag hampas sa balikat ni Sam.

"Putang ina ang libog mo talaga... isusumbong kita kay Angel pag labas natin" natatawang sabi nito..

"Oy...grabe to..."Wala ng nagawa si Sam.. Napaglaruan na naman sya ni Tanya.. Masayang nag usap ang lahat. .binalikan ang mga alaala nila .sa unang pagkakataon ay nag usap sila bilang mag kakaibigan.. Maya maya'y nagpaalam na si Reggie ..

"Sige na babalik na muna ako kay Ram.." sabi nito..

"Uy maiiwan din ako.."Sabi ni Aira..

"Hmmmm uuwi na muna ako mga Sis..mga tol.. kanina pa din ako inaantok.. alas dos na oh"Sabi ni Mutya..

"Sige Sis.." sabi ni Reggie..

"Sis.." tinawag naman ni Aira si Mutya bago umalis..

"Salamat" sabi nito.. Ngumiti lang si Mutya..

"Wag mo syang sasaktan Sis" tanging nasabi nito bago umalis..

"Ikaw Tanya?"Tanong ni Kaloy sa dalaga..

"Aaaaahhhh" kunwari naghikab ang dalaga.

"Inaantok na din ako e pero di ko ata kayang umuwing mag isa.. Hatid mo naman ako Kaloy oh" hirit nito.. Napatawa ang bakla sa narinig..

"Grabe.. harap harapan ka maglandi Sis..kaharap mo yung girlfriend nung tao oh" sabi nito sabay turo kay Aira..

"Ay oo nga pala"Kunwaring sagot ni Tanya..

"Si Clay..sya ang maghahatid sayo" seryosong sabi ni Kaloy.

"Ah oo ..sige na" sabi ni Tanya..

"Ako na lang maghatid sayo Tanya" hirit ni Sam.. Napatawa ang dalaga..

"Grabe to oh... kanina pa ako nilalandi nito..susumbong ko na kaya talaga to sa jowa nya" sagot ni Tanya..

"Ah.. nandyan nga pala si Clay..akala ko kasi...baka kasi mapano ang kaibigan ko " sagot ni Sam sa narinig.. Nagtawanan ang lahat..

"Grabeng libog nito"Sabi ng bakla..

"Una na din kami tol.. hinihintay kami ng mga jowa namin" sabi ni Kris at hinila na si Sam.

"Anlakas ng tama mo kay Tanya ah" bulong nito sa kaibigan..

"Oo.. putang inang Mount Mayon yun..maaakyat ko din yun"Sagot ni Sam at umalis na ang dalawa.. Si Aira, Reggie at Kaloy ay bumalik na ng Ward ni Ram..

"Tol..."Bati ni Brando kay Kaloy..

"Alam kong hindi katanggap tanggap yung sorry ko pero sobrang pinag sisisihan ko na nakialam ako sa nyo" bati agad ni Brando kay Kaloy.. Tinapik lang sya ng binata..

"Kaibigan mo si Dan tol.. At yun ang role ng isang kaibigan.. sasamahan ang isa't isa kahit san pa papunta." sabi nito.. Nilahad ni Brando ang kamay nya at tinanggap ito ni Kaloy...

"Asan na yung iba" anong ni Brando ..

"Ah mga nag siuwi na ..matutulog daw" sagot ni Reggie..

"Ganun ba" tanging nasabi ni Brando..

"Ikaw pwede ka na ding gumora" sabi ng bakla

"Ok lang?" tanong ni Brando..

"Oo naman .. sige na" malungkot ang boses ng bakla pero wala syang magawa dahil di nya pag mamay ari ang binata..

"Sige ..tol ..Aira.. una na ako" pagpapaalam ni Brando..

"Sige ingat tol..salamat sa time" sagot ni Kaloy.. Maya maya'y kani kanyang hanap na ng pwesto ang tatlo para matulog..

20 minutos ang nakalipas ng makaramdam ng gutom si Kaloy.. Tumayo sya .. Sinikap na hindi gumawa ng ingay para hindi magising si Aira. Ngunit ganun na lang ang gulat nya ng bago sya makalabas ay nagsalita ang dalaga..

"San ka pupunta" tanong nito.. pupungas pungas pa..

"Ah bibili lang sana..nagugutom ako" sagot ng binata..

"Sama ako.." agad inayos ng dalaga ang sarili at sumunod sa binata..

"Grabe..sasama ka talaga?" tanong ni Kaloy.

"Oo..bakit?? ayaw mo ...siguro may balak ka noh" biro ng dalaga..

"Oo noh,balak kong kumain.."Sagot ni Kaloy at napatawa..

"Hmp..mahirap na ,,baka madala ka na naman kung kani kanino" sabi ni Aira at iniyakap agad ang sarili sa braso ng binata.. Napangiti na lang si Kaloy at naglakad na palabas ng Ward.. Sa labas pa bumili ng pagkain ang dalawa... Dinagdagan na din nila para kung magising ang bakla ay may kainin din ito.. Bakas ang kasiyahan sa dalawa.. Kung titingnan ay parang ilang taon na silang magkasintahan.. Sweet na sweet at sobrang palagay sa isat isa.. Magkahawak kamay pa sila ng pumasok sa Hospital..

"E pag nagkaron ako ng trabaho na permanent.. papakasal na tayo..ang hirap kaya ng buhay.. Ayaw ko naman na ikaw lang ang tatrabaho noh"Sabi ni Kaloy sa dalaga. Kanina pa kasi sya kinukulit ng dalaga na magpakasal na sila..

"Ayaw mo lang ata e.. " malungkot na sagot ni Aira..

"Aira ... hindi sa ayaw ko.. gusto kasi perfect timing lahat.."Sabi ni Kaloy..

"Perfect timing ..kelan pa dadating yun? pano kung may mang agaw syo sakin.." nakayuko ang dalaga..

"Walang mang aagaw sakin sayo noh..di ako papaagaw" nakangiting sagot ni Kaloy.. Sa wakas ay ngumiti na din ang dalaga.. Masaya silang nag lakad patungo sa ward ni Ram ngunit ganon na lang ang pagkagulat ni Aira ng makitang may bisita sila na nag hihintay sa labas..

"Aira" sigaw ng babae.. Agad binitawan ni Aira ang kamay ni Kaloy.. Nagulat ang binata dahil tila itinapon pa palayo ni Aira ang kamay ni Kaloy palayo sa kanya. Tiningnan ng binata ang pinagmulan ng boses.. Isang lalaki at babae na sa tantya nya ay may edad na .. Mag asawa ..at isang amerikano ang mataas sa kanya .. gwapo.. at nakangiting nakatingin kay Aira.. Binalik ni Kaloy ang tingin kay Aira.. Namutla ang mukha nito.. Natense ang ekspresyon sa mukha nito.. at may ilang butil ng pawis ang pumatak sa noo nito..

"Aira" bulong ni Kaloy sa dalaga..

"Hmmmm" ngiting pilit ang sagot ng dalaga sa kanya..

"Aira anong nangyari.. bakit di mo sinasagot tawag namin..kay Reggie ko pa nalaman na may ganito na ..asan si Ram"Tanong ng babae kay Aira.

"Andun po sa loob tita" sagot ni Aira.. Napaisip si Kaloy.. siguro'y Mama ni Ram yun..

"Oh nga pala si William.. Maghapon yan nasa bahay..di ka daw nagpaalam na aalis ka" sabi pa ng babae.

"That's ok Tita. . anniversary daw nila" sabi ng Kano na halatang di pa marunong mag tagalog..

"Aira..where have you been... nag alala ako sayo" sabi ng Kano.. Nainis naman si Kaloy sa narinig na boses ng kano.. Lalo ng iwan sya ni Aira at lapitan ito..

"Aira.. who's that guy?" tanong ng kano kay Aira. Di nakasagot si Aira.. nataranta ang dalaga..

"Ahmmm hmmmm him??? ahmm my friend.. he's my friend from highschool"Sagot nito.. Friend...napangiti si Kaloy sa narinig. . Masakit ang narinig nya.. pero mas masakit ang nakita nya ng yakapin ng Kano si Aira. At mas lalong tila pinigaan pa ng kalamansi ang sugat nya ng makitang niyakap din ni Aira ang Kano.. Anong nang yayari.. anong hindi nya alam?

"Sis" nagulat din si Reggie sa nakita.. May kayakap na Kano si Aira..

"Hi Reggie" bati ng Kano sa kanya..

"Hello William.." sagot ni Reggie..

"Sis alis na ko...pupunta ako kila Tanya..baka kelangan nya ng tulong sa mga linisin dun" sabi ni Reggie at kabadong umalis agad..

"Kaloy" malungkot ang boses ni Reggie ng dumaan sa binata.

"Sino sya Reg..bakit nakayakap si Aira sa kanya.. anong meron? anong hindi ko alam" tanong ni Kaloy sa bakla..

"Tsk" di maipinta ang mukha ng bakla..takot.. iyak iyakan...

"Naman e.. katatapos lang ng gulo eto na naman.." sabi nito..

"Reg..sino sya?" tanong ulit ni Kaloy.

"Fiance ni Aira.. Pinapakasal ng magulang nya si Aira jan sa Kano.. this year din kasi kukunin na nila si Aira..remember? nasa States magulang ni Aira at naayos na nila papel nito..pag dating nya sa Amerika ipapakasal na sya agad dito" sabi ni Reggie.. di nakasagot si Kaloy sa narinig.. Masakit.. Sobrang sakit.. Hindi nya inaasahan na ang bilig nyang mararamdaman ang kaligayahan kasama si Aira..

"Kaloy... walang kasalanan si Aira..hindi nya gusto lahat.. believe me ...mahal na mahal ka nya.. wala lang kasi talaga syang magawa

...parehong magulang na nya ang may gusto na ikasal sya dyan"Paliwanag ni Reggie.. Hindi pa din sumagot ang binata... Tiningnan lang nya si Aira.. Nagtama ang mata nila.. Kita nya na nangilid ang luha sa mata ng dalaga.. Alam na ng dalaga na alam na ni Kaloy ang totoo. at wala na syang nagawa ng yayain sya ng Tita nya at Tito kasama si William sa loob ng ward ni Ram..

"Kaloy.. una na ko... ano..ok ka lang?" tanong ni Reggie. Ngumiti ang binata.. "Si Kaloy ako... ang pinakamaangas mong kaibigan.. natural ..ok lang ako..wala to.. "Sabi ng binata. pinilit nyang ngumiti.. Nginitian din sya ng bakla... Alam nito na pinapasaya lang ni Kaloy ang sarili nya.. Sa pag alis ng bakla ay naramdaman ni Kaloy ang pag iisa nya ... Nakatayo sa Harap ng Ward ni Ram. Naisip nya.. wala ng dahilan para pumasok sya dito.. Masyado ng maraming nangyari.. At malinaw na ang lahat.. Mahirap kalaban ang Kano..at lalong mas mahirap kalaban ang magulang ng taong mahal mo.. Iniwan ni Kaloy ang bitbit na pagkain sa pinto ng ward ni Ram.. Wala sya sa sarili.. Lumakad sya palayo rito ng hindi tumitingin pabalik, Guilty sya na sobra syang nasasaktan.... Pero anong magagawa nya.. nanghiram lang sya ng sandali sa dalaga at ngayon... dumating na ang tunay na nag mamay ari dito para bawiin ito sa kanya..